Kabanata 28
DAY 10
2020 PRESENT
"SUS"
Nagulat si Thad nang maabutan si Iesus sa labas ng bahay. Dapat ay siya ang pupunta sa bahay nito at hindi si Iesus.
Iesus raised a hand and smile. "Galing ako kina Tor." Lumapit na itong tuluyan sa kanya. "Naisip ko na baka 'di ka pa nakakaalis so pumunta na lang ako."
"Papunta pa lang sana ako."
"Dito na lang tayo mag-usap. Hindi naman mahaba ang sasabihin ko. I'll make it quick. Anyway, I've talked with one of my investigators. They found Innocentia Talaid. I remember, Simon did not get enough information about this woman, but one of my agents found a common friend of Innocentia."
"Siya 'yong tumayong guardian ni Sanna noong high school, 'di ba?"
Iesus nodded. "Yes. She used to work as a maid with the Rama's in Samboan. Specifically, former mayor ng Samboan na si Saturnino Emmanuel Rama. He was elected 2007, end of term 2010. I'll send his files in your email later, so you can check."
"Rama?" Kumunot ang noo niya. "So, he's the father?"
"'Yon nga ang pinagtataka ko. Walang Susanna Evangeline Rama sa family records ng mga Rama sa Samboan. But my investigator did find out a list of scholars under Mayor Rama's wife's charity program. Nandoon ang pangalan ni Sanna, pero ang nakalagay roon, orphaned si Sanna."
Lalong kumunot ang noo niya. "It doesn't makes sense to me. Paniniwalaan ko 'yan kung hindi ko narinig kay Sanna ang tungkol sa ama niya. She don't often mentioned him pero alam ko na ang ama niya ang nagpilit sa kanyang i-take ang business course kahit ayaw niya. Naabutan ko pa siya minsan na kausap ang papa niya sa telepono."
"Actually, kanina ko pa 'yan iniisip. Sanna is using the last name Rama. Magkaiba rin ang last name nila ng mama niya. In this case, her father surely acknowledged her as his child, otherwise Isidro pa rin ang magiging apelyido niya. At kung Rama siya, malamang Rama din ang apelyido ng ama niya."
"Do you think it's the mayor?"
"I don't know. May isa pang kapatid ang mayor. Si Sergio Rama. But even in his files, wala rin ang pangalan ni Sanna sa mga anak niya. But this other Rama has records of being a cassanova in his younger years bago ito kinasal."
"Sa tingin ko isa sa dalawang 'yan ang totoong ama ni Sanna."
"'Yon din ang tingin ko."
"Nahanap ba nila si Innocentia?"
"Matagal na raw umalis ng Samboan. Walang nakakaalam kung na saan. Halos ang mga dating katiwala at tagasilbi ng pamilyang Rama ay umalis simula nang matapos ang termino ni Mayor Rama. Naging haunted house na ngayon ang mansion."
"So, matagal na ring wala sa Cebu ang mga Rama?"
Iesus nodded. "Matagal nang wala sa Pilipinas. Mid of 2011 pa raw nang huling makita ng mga taga roon ang pamilyang Rama. They showed Sanna's photo with that key informant kaso 'di nito nakilala si Sanna. Wala itong matandaan na ganoong mukha sa Samboan. Sa tingin ko, tama si Mari. Sanna is protecting someone... probably his father."
He did a quick mental tracing in his head. "Mid of 2011, huling nagkita kami ni Sanna ay end of February ng 2011."
"You're thinking na sumama si Sanna sa mga Rama?"
Tumango siya. "2011 din nang huli naming makita si Sanna. Kung konektado siya sa mga Rama sa Samboan, it's safe to assume na sumama siya sa mga Rama dahil umalis din ang mga Rama ng 2011. The same year Sanna left without a trace."
"And the Ramas' also left without a trace."
Sandali silang natahimik ni Iesus bago ulit siya nagsalita.
"Sanna being part of the scholarship program of the Rama is already suspicious, Sus." Napatingin ito sa kanya. "Sabihin na nating hindi lang naman ang pamilya ng Mayor ang may apelyidong Rama sa Samboan. Maybe there are some who had the same last name, but Innocentia Talaid existence makes my assumption stronger. Si Simon na mismo ang nagsabi na ayon sa landlady ng inuupahan ni Sanna noong high school, pinagkakatiwalaan daw ang matanda ng ama nito. Meaning, hindi family relation ni Sanna si Innocentia. Pero konektado siya kay Mayor Saturnino Rama."
"You're right, kahit na sabihin nating may iba pang Rama sa Samboan, konektado na si Innocentia sa Mayor ng Samboan noong panahon na 'yon. What we need to know is, kung anong koneksyon ni Sanna sa mga Rama."
"What about Evangeline Isidro?"
"She's not from Samboan."
His forehead creased. "What do you mean?"
"Walang nakakakilala kay Evangeline Isidro."
INVITED SI SANNA sa bridal shower ni Niña bukas ng gabi. Sa rooftop lang naman i-he-held. Na move kasi ang date ng wedding nila Balti at Nin. Supposedly ay November 28 pero nagkaproblema yata sa schedule sa simbahan kaya na move ng November 30.
Sobrang late na nga e. November 28 na ngayon. Bukas 29 tapos magpaparty pa the night before the wedding. Good luck.
Kanina pa siya naghahanap ng damit para bukas. May theme kasi raw sabi ni Chi. Dapat daw naka party dress na something shinning shimmering daw. Nag-send naman itong reference photo sa GC nila kanina pero wala naman siyang ganoon na damit. Saka ang sexy naman kasi ng susuotin.
Ang meron lang sa closet niya pambahay, dress, at casual clothes. Lahat pa nang 'yon personal picks ni Thad.
"Mommy, aalis po kayo?"
"Hindi ngayon, baby, may party kasi ang Tita Nin mo bukas. Naghahanap akong masusuot."
"Sama po ako?"
Nilingon niya mula sa mga balikat si Art. "Hindi pwede e. Si Daddy lang muna mag-aalaga sa'yo," nakangiti niyang sagot. Nakadapa si Art sa itaas ng kama habang naglalaro na naman ng iPad nito. "Sa rooftop lang naman kami. Uuwi lang din si Mommy."
Kumunot ang noo ni Art. Kapag ganoon, lalo talagang nagiging kamukha ni Thad si Art. "Sabi po ni Daddy aalis din daw po siya bukas."
Namilog ang mga mata niya. "Aalis?" Lumapit siya sa anak at naupo sa gilid ng kama. "Wala namang sinabi ang daddy mo sa'kin na aalis siya. Talaga sinabi niya 'yon?"
Sunod-sunod na tumango si Art. "Opo. Sabi niya po may party rin daw po siyang pupuntahan with Tito Simon and Tito Jude. Sa house raw po ni Tito Sus."
"Teka, kausapin ko nga 'yon. Dito ka lang."
"Okay po."
Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Nakasalubong naman agad niya si Thad na may dala-dala pang isang tasa ng gatas. Alam niyang para 'yon kay Art. Bumakas agad ang pagtataka sa mukha nito nang makita siya.
"O, saan ka pupunta?" basag nito.
"Sinabi sa'kin ni Art na may party ka raw na pupuntahan bukas?"
"Ah, 'yon? Kina Iesus lang naman kami. Bachelor's party ni Balti. Uuwi rin naman ako -"
"Bridal shower din ni Niña bukas." Namilog ang mga mata nito. Hindi ba nag-uusap ang mga ito sa ganap sa Faro? "Sino magbabantay kay Art?"
"Teka, puntahan ko lang si Balti." Inabot nito sa kanya ang tasa ng gatas. Tinalikuran siya nito at nagsimulang maglakad. "Mga walangya 'yon. Kanya-kanya bang nagplano ang dalawang 'yon?"
Hindi niya napigilan ang matawa.
Gulo talaga kabang nagsabay ang Bachelor's Party ni Balti at Bridal Shower ni Niña. Kung a-attend din sina Au at Mari. Same with Jude and Tor. Sinong mag-aalaga sa mga anak ng mga ito? Hala! E may Nanay Celia naman si Mari at may Mama Lourdes si Au. Siya lang ang walang mapagbibilinan kay Art.
Ah, bahala na nga.
DAY 11
INIHATID PA SI Sanna ng mag-ama niya sa boardwalk. Naka dress lang siya dahil wala talaga siyang party dress. Sinabihan din siya ni Chi na huwag banggitin kina Thad ang theme ng party dahil baka 'di siya payagan. Pahihiramin na lang daw siya nito ng party dress sa rooftop.
"Huwag ka masyadong uminom," seryosong paalala pa sa kanya ni Thad. "Huwag kang papadala riyan kay Chippy."
Natawa siya. "Alam ko po. Uuwi po akong 'di lasing."
Hindi naman kasi overnight pero okay lang umuwi ng madaling araw dahil magkakalapit lang naman mga bahay nilang lahat. Hindi rin daw masyadong maglalasing kasi maaga pa silang aayusan para sa kasal nila Niña at Balti. Bawal magpuyat ang bride kaya mag-start ang bridal shower ng 6:30 pm. It's still 5 pm.
May naririnig na silang ingay mula sa itaas. Mukhang sa labas ng bahay ni Chi sila magpa-party. Inayos lang yata para umakma sa Girl's Night Out nila.
"Pero, ayos lang ba kina Balti na kasama si Art?" dagdag niyang tanong.
"No choice. 'Di kasi nakikinig 'tong si Bartholomew sa schedule na sinabi ni Niña. Akala niya tapos na." Bahagya itong natawa. "Balita ko nga dala rin nila Jude at Tor ang mga anak nila."
"Seryoso?!"
Namamanghang natatawa siya.
Tumango si Jude. "Nanalo kasi si Nanay Lourdes ng free stay sa JPark. Good for two, kaya sinama si Nanay Celia rin. Kailangan na raw i-avail bago matapos ang buwan. Uuwi rin ang mga 'yon bukas nang maaga."
Tawang-tawa siya. "Sure kayong makakapag-party pa kayo na may dala-dalang mga anak?"
"Wala e. Labo kausap nitong si Bartholomew."
"Mag-e-enjoy pa rin naman yata kayo."
"Oo, mag-e-enjoy kaming magbantay ng mga anak." Ang tawa nito ay naging ngiti. "Sige na, umakyat ka na. Tawagan mo na lang ako kapag magpapasundo ka."
Tumango siya. "Sige. Sige." Yumuko siya para halikan sa pisngi si Art. "Behave ka, ha? Kita tayo mamaya."
"Opo, Mommy," nakangiting sagot ni Art.
Umakyat na rin siya sa rooftop pagkatapos. Hindi niya naman maiwasang sundan ng tingin ang mag-ama niya habang naglalakad palayo. Magkahawak pa ng kamay. Nakasabit sa isang balikat ni Thad ang Spiderman bag ni Art. Nandoon lahat ng pamalit na damit nito, polbo, snacks, at mga essentials needs na lagi niyang baon kapag umaalis sila.
Napangiti siya.
Ang cute talaga ng mag-ama niya.
"Sanna!" boses 'yon ni Chi. Pag-angat niya ng tingin ay nakabihis na pala ito at naka full makeup na. Halos 'di niya makilala si Chi. Ang sexy pa ng damit nito. "Akyat na para maayusan ka."
"Wait!"
Gulat na gulat siya nang makita ang kabuoang ayos ni Chi. Napaatras siyang 'di sadya. Isang mettalic gray sequenced dress na may mahabang v-neckline at backless pa. Hanggang itaas ng tuhod nito ang haba. Nakalugay ang medyo kinulot nitong buhok.
"Girl, are you ready to party?!" masiglang sabi nito.
Alanganin siyang ngumiti. Parang gusto niyang umuwi bigla. "Hindi ba puwedeng ito na lang suotin ko?" Hinila siya nito sa braso and dragged her to her house.
"Sanna, 'di tayo a-attend ng Bible study. Party ang pupuntahan natin. Parteeeeee! Okay? Minsan lang 'to kaya grab mo na." Humagikhik pa ito saka sapilitang ipinasok sa bahay nito.
Napatili pa siya. "Chippy!!"
PIGIL NA PIGIL ni Thad ang tawa.
This was supposed to be Ser's last wild party as a bachelor. Pero mukhang hindi party ang magagawa nila nang gabing 'yon kung 'di sharing lang.
Nasa loob silang lahat ngayon sa bahay ni Iesus. Bawal kasing ilabas ang mga bata at gabi na. Hindi na nasunod ang plano. Kanina pa nakadikit ang kamay ni Iesus sa baba nito. Nakaupo ito sa kabisera. Lahat sila nasa mahabang mesa nito sa dining room.
Si Jude karga si Sunset na tuwang-tuwa sa mukha ng ama nito.
Si Simon ang may hawak kay Lyre na kanina pa inaaliw ni Simon ng baby words na ito lang din at si Lyre ang nakakaintindi.
Si Tor na hawak ang anak habang pinapapadede ng hawak nitong feeding bottle.
At pahuhuli pa ba siya? Nakaupo sa kandungan niya si Art na busy sa paglalaro sa iPad nito.
Bumasag sa katahimikan ang malakas na tawa ni Sep. "Yawa! Hindi yata Bachelor's Party pinuntahan ko. Last Supper."
Tawang-tawa sila, maliban kay Andrew na nagpipigil lang ng tawa sa isang tabi. Pero seryoso pa rin ang mukha. Kailan ba sumaya ang isang 'yon?
Si Balti na halos tinatakpan na ng kamay ang mukha kakatawa. Ilang beses na itong tinulak ni Jam na tawang-tawa rin sa sitwasyon nila.
"Walangya ka Ser!" ni Jam. "Ikaw may kasalanan nito."
"Mga gago!" Tinakpan niya ang tainga ni Art. 'Yon din ang ginawa nila Simon, Jude, at Tor. "Papangit n'yo ka bonding!" Tawang-tawa pa rin ito.
Hindi nila mailabas ang mga alak dahil nga may mga bata. Nag-iisip pa yata si Sep kung paano mauubos ang mga binili nitong alak na 'di nakikita ng mga bata. Okay lang naman doon sa tatlong bata. Kay Art lang ang problema. Sa apat na mga bata, ang anak lang niya ang matanda at nakakaintindi na.
"Gawan n'yo 'yang paraan," singit ni Simon, tawang-tawa pa rin. "Sayang 'yong ambagan natin dito kung mauuwi lang sa wala."
"Alam ko na gagawin." Tumayo si Sep. "Jam, Juan, tulungan n'yo ako. Ililipat natin lahat ng alak sa pitsel." Umangat bigla ang mukha ni Art. Napansin 'yon ni Sep. Ngumisi ito. "Art, iinom lang kami ng juice ng tatay mo ah."
Ngumiti si Art. "Okay po."
"Magaling, Thaddeus! Madaling kausap anak mo." Tawang-tawa na naman ang mga kaibigan niya. "Damihan mo pa."
Napailing na lang siya at natawa. Mukhang literal na mahaba nga ang gabi.
'"CAUSE WE ARE living in a material world. And I am a material girl."
"Gaga ka Chizle!" sigaw ni Aurea nang buksan ang box ng cake, tawa nang tawa.
Hindi niya alam anong mararamdaman sa desinyo ng cake. Nahihiya yata siya para kay Niña. 'Yong design kasi ay manhood ng lalaki. Hindi lang siya ang nagulat sa cake. Pati na rin sina Nin, Amora, at Mari. Pero sina Maha at LV tawa nang tawa.
"Shuta kayo! Ngayon lang ba kayo nakakita ng ari ng lalaki? Hampasin ko kayong bangko e." Tawa nang tawa si Chippt. "If I know, gabi-gabi n'yo 'yang hinahawakan."
Lalong nag-iinit ang pisngi niya. Ang lamig pa naman ng hangin saka sobrang revealing ng dress niya. Tapos ganito pa topic ni Chi. Kahit na may anak na siya. Wala naman siyang naalala sa mga moment na ganyan nila ni Thad.
"Busalan ko 'yang bibig mo," ni Au, tawa pa rin nang tawa. "Gaga ka talaga! May mga inosente pa tayo rito."
"Ma'am Nin, okay pa ba tayo? Hawig ba sa ano ni Ser -" Hinila ni Au ang buhok ni Chi. "Shuta, Auring!"
"Hoy, Priscilla!" sigaw ni Maha. "Huwag mo nga ako pinag-iisip. Akala ko ba wholesome tayo rito?"
"Mapapatay talaga ako ni Mother Superior kapag nalaman niya pinaggagawa ko," dagdag pa ni Amora, namumula ang pisngi, habang nakahawak sa mukha. Sexy rin ang damit nito, sequenced pa rin pero long sleeves. Ang kanya kasi, black sequenced dress na one shoulder. "Dios ko, patawad po."
Si Niña ang naka sexy red.
Halos yakap ni Niña ang braso niya. Sakabila naman niya si Mari na kanina pa tawa nang tawa. Sila lang tatlo ni Niña at Amora ang nahihiya sa cake. Nakasanay na nga yata si Mari sa mga ganito nila Chi.
"Girls, nililinaw ko lang na lahat nang ito ay idea ni Chippy," singit ni LV. "Tumulong lang ako kasi bayad 'to." Saka natawa.
"O, sige, na, hindi na. Patahimikin na natin ang cake. Pero mamaya, ipapakain natin 'yang cake kay future bride."
Tawa na naman ang mga ito.
"Grabe ka sa'kin Chi," reklamo ni Niña. "Sa tingin mo makakain ko 'yang cake na 'yan?"
"Masarap kaya 'yan."
Tumingin pa ito kay Mari.
Namilog ang mga mata ni Mari. "Oy, bakit sa'kin ka nakatingin?"
"Dapat ba kay Aurea?" Ibinaling nito kay Au ang malanding tingin.
"Shuta ka! Bakit ako na naman?!"
"Oh, 'di kay Mam Nin na lang."
"Bahala ka sa buhay mo. Ikaw kumain niyan." Pero 'di naman mukhang pikon si Niña. Natatawa nga lang e. Pero kahit naman siya. Hindi rin niya makakain 'yong cake. "Imagine mo na lang ano 'yan ni Chef!"
"Hoy mga gaga kayo!"
"Ayieee! Gustong-gusto rin niya," tukso pa ni Au.
"Hindi ako ang bida ngayong gabi. Sus ko, tigilan n'yo ko. Si Niña dapat hina-hotseat dito hindi ako."
"E gusto namin ikaw e."
"Mga gaga!"
"Wait," singit ni LV. "So, the rumors are right? May something sa inyo ni Chef Math?"
"Isa ka pang chismosa."
Natawa si LV. "KJ mo. Parang 'di tayo magkaibigan e. C'mon, spill the tea."
"THE WHEELS ON the bus go 'round and 'round." Kanta nilang lahat habang pinapatahan sina Lyre, Sunset, at Aurora. "'Round and 'round, 'round and 'round" Ang lakas kasi ng tawa ni Sep kaya nagising ang mga bata. Halatang lasing na rin halos silang lahat. Apat na pitsel na naubos. Puro hard pa in-mix ni Sep.
Dala na rin ng alak at kamiserablihan nilang nandito ay puro tawa na lang ginawa nila. Si Iesus na ang nagpapatahan kay Aurora. Si Vier kay Sunset. At hawak ni Drew si Lyre. Lasing na kasi si Jude at Simon. Si Tor pagod na kakahawak sa anak. Buti pa 'tong anak niya, game na game ring kumanta.
"The horn on the bus goes beep-beep-beep!" Tawang-tawa siya sa sayaw ni Sep. Parang naghahamon pa ng sayaw kay Art. "Beep-beep-beep, beep-beep-beep!"
"Mga gago! Sige, magsipag-asawa pa kayo!" sigaw ni Sep.
"Hahaha!"
"Kasalanan 'to ni Bartholomew!"
"Sige, shot pa!"
"Mga gago!"
"Sa susunod ayusin n'yo mga buhay n'yo!"
"Hahahaha!"
Hindi na niya alam kung sinu-sino sa mga ito ang nagsasalita. Medyo lasing na rin talaga siya. 'Di niya lang mapigilan ang tawa. Tumahan naman ang mga bata nang matapos ang kanta. Sandali lang tumahimik pero umiyak na naman ang tatlo.
"Tabaaaaaaang!" sigaw ni Simon, ibinagsak pa ang ulo sa mesa.
"Twinkle, twinkle, little star!" kanta ni Iesus. Sumunod naman 'yong iba. Lalo siyang natawa. Wala na 'tong pag-asa ang Bachelor's Party nila. "How I wonder what you are. Up above the world so high. Like a diamond in the sky..."
"Hindi lang mata ni Ser malabo pati na rin mga desisyon niya sa buhay!"
"Hahaha!"
"Twinkle, twinkle, little star!" Tangina! Ang sakit na ng tiyan niya kakatawa. "How I wonder what you are..."
"AY TALAGA? Ilang taon ka na Sanna?" tanong ni LV.
Napagod na sila sa mga pa games ni Chi. Kanina pa siya tawa nang tawa. Nakalabas ang couch nito at ilang bean bags kaya kanya-kanya na silang puwesto. Pinagitnaan siya nina Aurea at Mari.
"Twenty nine," sagot ni Au para sa kanya.
Eighteen sana ang sasabihin niya kaso buti nauna si Au. Hindi nga pala puwedeng sabihin ang totoo niyang edad. Okay lang sa kanila, pero hindi puwede kay LV.
Namilog ang mga mata nito. "Really? You look so young, ha?" Ngumiti lang siya. Puno naman ng admiration ang tingin ni LV sa kanya. "Considering na may nine year old kid na kayo ni Arki. Anong secret mo?"
"Hindi siya stress," nakatawang sagot ni Chi.
Natawa ang mga ito.
"I do not know the whole story, but you're living together again with Arki, right?" dagdag ulit na tanong ni LV. "For good na?"
"Hopefully," sagot niya. "Art misses his Dad."
"Si Art lang?" tukso pa ni Chi.
"Bakit ako na tinatanong n'yo?" tumatawang reklamo niya. "Si Niña ang focus natin dito. Si Niña tanungin n'yo."
"Sanna mas curious kami sa inyong dalawa ni Thad," nakangising sabi ni Niña. "So, ano na? Kumusta na kayo?"
"Gaano na katigang si Thad?" dagdag pa ni Chi.
"Hoy, Chizle kanina ka pa ah!" saway ni Au, tawa nang tawa.
"Matatanda na tayong lahat dito. Puwede na nating pag-usapan ang mga sensitibong bagay. Walang problema kay Maha dahil mahalay na 'yang mag-isip."
"Yaaaaa! Excuse me, I'm still a virgin."
"Oo, until you die," asar pang lalo ni Chi.
Tawang-tawa ulit sila.
"Kinakabahan na talaga ako. Daan papuntang impyerno yata ang party na 'to, Chi," singit ni Amora. "Kasalanan mo talaga kapag 'di na ako pinabalik sa kumbento."
"Huwag kang mag-alala, Amora. Hindi lang santo ang luluhuran mo sa susunod -"
"Hoy!" na-e-eskandalong sigaw ni Amora, pigil na pigil ang tawa. "Bibig nito."
Tawang-tawa si Chi. Nakitawa na rin siya kahit 'di niya alam kung para saan ang luhuran.
"May sinabi ba akong iba? Ikaw lang naglalagay ng malisya sa mga sinasabi ko." Chi chuckled. "Bakit kanino ka pa ba luluhod? Ikaw, nagdududa na talaga ako sa'yo, Sister. Parang tagilid ka talaga. Kaya siguro nagdadalawang-isip si Mother Superior dahil siya mismo nagdududa na sa'yo."
"Devoted ako sa kagustuhan kong mag-madre. Kayo lang 'di naniniwala."
"Kasi 'di naman kasi kapanipaniwala. 'Di ba, Au?"
"Dinadamay mo pa ako riyan, Chizle!"
"Magpahula ka nga, Amora, kay Aurea para matapos na."
"Ayaw ko." Pinagdaop nito ang mga kamay. "Takot ako sa mga hula na ganyan. May bad experience na ako niyan dati. Dumadagdag lang sa mga alalahanin ko."
"Pangit mo ka bonding."
Natawa lang si Amora. "Masaya pa naman ako sa buhay ko."
"Maiba ako, si Maha lang single rito, 'di ba?" ni Chi.
"Hoy, Priscilla, talagang kailang mong isampal sa'kin 'yan?"
"Oo, para magising ka sa katotohanan."
"Si LV naman tanungin natin," ni Niña. "Kumusta na kayo ng boyfriend mo?"
Ngumiti si LV. "Actually, fiancé." Inangat nito ang isang kamay. May diamond ring sa ring finger nito. At ang ganda pa! "Kaka engaged lang namin."
Halos napasinghap sila sa gulat. Majority sa kanila nakangiti. "Congrats, LV!" sunod-sunod na congratulate nila.
"Sana all!" ni Maha.
"Kailan naman kayo magpapakasal?" asked Niña.
"Siguro next year. Invite ko kayo. Nakakatuwa nga e kasi ito ang first time na may nag-invite sa'kin na client to join her bridal shower."
"I-invite sana kita pero gaga 'tong si Chizle Priscilla. Nag-gone-wrong 'yong DIY Bridal Shower niya sa'kin," ni Au.
"Hindi na, Au, nasaktan mo na ako," biro pa ni LV.
Ang lakas ng tawa nila Maha at Chippy.
"Shuta! Si Nanay Lourdes lang nag-enjoy sa bridal shower nating epic fail," dagdag ni Chi. "Nag-invite kaming cake dancer na 'di alam ni Attorney. Kaso 'yong cake dancer na dumating sa'kin rainbow." Tawang-tawa si Chi. "Si Nanay Lourdes lang nakipaglandian doon."
"Kaya never again," ni Maha. "Kinuha ka na talaga namin para 'di na maulit 'yon. May balat yata 'to sa puwet si Au. Malas!"
"Hoy! Mga gaga kayo! Nagwapohan din kaya kayo roon."
"Pero disappointed 'yong dancer sa atin."
"Ayon lang!"
"Pero malaki naman binayad namin sa'yo sa kasal namin. Okay na 'yon," pahabol pa ni Au, tumatawa.
"Rush naman kasi 'yon," sagot ni LV. "Girl, less than a month lang ang prep ko sa kasal n'yo. Kayo ang mag-adjust. By the way, I'm not Miss Coordinator LV tonight. Isa lang akong simpleng LV ngayon, so let's drop the formalities."
"Baliw din 'yan," dagdag ni Chi.
Natawa si LV. "Mild lang naman. Mas grabe ka pa rin Chizle."
"Wow!"
Pero iniisip pa rin talaga niya 'yong kay Amora kanina. "Sorry, pero bothered lang talaga ako," basag niya.
"Sige, ano 'yon, Sanna?" asked Chi.
"Bukod sa santo, ano pa bang ibang luluhuran ni Amora?"
Ang lakas ng tawa ng mga ito. Lalo lang siyang nalito.
"Chiiiii!" naiiyak na reklamo ni Amora. "Kasalanan mo talaga kapag nasira ang imahe ko kay Sanna."
"Gaga! May imahe ka pa ba?"
"Sanna, huwag ka maniwala riyan kay Chizle. Lahat ng mga lumalabas sa bibig niyan ay walang katotohanan. Sa'kin ka lang makinig. Sa'kin ka lang magtanong."
"Tama na nga!" dismissed ni Chi. "Let's just enjoy the night. Party hard. Dahil sa mga susunod na gabi. Ibang hard na lagi ang nais ni Mam Nins. Yeaaaah!"
"Shuta ka talaga Chizle!"
"Hahahaha!"
"Good luck future Mrs. Bartholomew Juarez! Ipag-pe-pray namin ang 'yong mga legs! Ay wait, nakauwi na ba si Mari?"
Tawang-tawa si Mari. "Nandito pa ako!"
"Oy, Marison, nandiyan ka pa pala. Akala ko umuwi ka na sa Hudas mo e. Masaya ba lagi ang ating gabi? Gaano ba ka HARD ang buhay natin?"
"Bahala ka sa buhay mo, Chizle!"
"Lasing ka na, Chizle!"
"Hindi pa ako lasingggggggg!"
"Lasing ka na!"
Hindi puwedeng uminom si Niña dahil buntis ito. 'Di rin siya gaanong uminom. Tikim lang din. Hindi rin sina Au at Mari dahil nag-be-breastfeed pa ito ng mga babies nila. Sina LV, Chi, at Maha lang talaga ang halos umubos sa mga alcoholic drinks. Tumitikim lang si Amora pero panay ngiwi.
But she's enjoying the party.
Ito ang first time na naka experience siya nang ganito. Ang saya pala.
"Amora, tumalon ka nga sa rooftop," utos ni Chi.
"Hoyyyyy!"
"Nins, seryoso, may ilang oras ka pa para iwanan si Ser."
"Mamatay 'yon na wala ako sa buhay niya."
"Sana all!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro