Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

"TITO SI!" SIGAW agad ni Art nang dumaan si Simon sa lobby ng Dream Architect and iBuild. Nagulat pa ito nang makita sila pero lumapad lang din ang ngiti nito.

"Art-Art!"

Biglang inilabas ni Art ang tinatago nitong toy gun at binaril ang Tito Si nito. Plastic arrows lang naman ang lumabas doon. Magaling lang talagang umasinta 'tong si Art at dumikit ang arrow sa noo ni Simon. Sino pa bang magtuturo kundi ang Tito Simon nito.

Pigil niya ang matawa nang umarte si Simon na natamaan at para bang mamatay na. Dahan-dahan itong nahiga sa sahig.

"I feel betrayed," Simon's last words bago kunwaring nalagutan ng hininga.

Ang lakas ng tawa ni Art habang patakbong pinuntahan ang Tito Si nito. "Tito Si! Tito Si!" Napaigik si Simon nang malakas na tampalin ni Art ang dibdib nito. "Wake up! Wake up!" Inubo tuloy ang huli.

"Ano ba naman 'yan Art Apostol!" Mabilis na bumangon ito sa tiled floor. "Ano ba 'yang kamay mo? Bato?"

Humagikhik lang si Art.

Nakangiting ginulo naman ni Simon ang buhok ni Art bago tumayo. Tinanggal nito ang arrow sa noo. Ang cute na tinulungan pa ito ni Art na makatayo.

"Magkasama tayo sa bahay pero 'di n'yo naman nasabi na pamilya kayong magtatrabaho ngayon?" Simon chuckled.

Good luck sa mga alikabok at dumi na dumikit sa itim na blazer nito. She doesn't often see Simon wearing a semi-casual business attire. Madalas kasi itong naka dark colored polo shirts and pants. Madalas din na naka rubber shoes dahil daw lagi itong on site.

"Ang aga mo umalis," sagot ni Thad, halatang nag-su-supress ng ngiti.

Lumapit ito sa kanila na nakaakbay kay Art. "Ah, so kung tinagalan ko ay sasabihin mo?"

"Hindi rin."

Hindi na niya nasundan ang mga sumunod na pag-uusap ng dalawa dahil busy na siya paggala ng tingin niya sa buong lobby ng opisina. Simple lang 'yon pero napaka elegante tignan ng interior. Very Thad. She's very familiar with Thad's designs. Kahit siguro walang nakalagay na archictect name ay makikilala pa rin niyang gawang Architect Thaddeus Bernardo Apostol ang isang bahay o gusali.

She believes that every artist does have that art signature that makes them own their art. With Thad, it will always have a touch of past and modern design. Sa unang tingin parang classic siya pero habang tumatagal nagiging modern na siya.

Kaharap ng main door ang reception area. May dalawang receptionist na nakaupo sa dalawang panig. Behind the two women are the lighted logo of iBuild and Dream Architect. Nasa left ang iBuild at nasa right ang Dream Architect.

Sa isang corner may tatlong column wall of mileage and brief history of iBuild, Dream Architect, and shared projects of both. In the first column wall, nakalagay roon lahat ng mga achievements of iBuild for the last 15 years. Father pa ni Simon ang nagma-manage noon. So marami na talaga itong naging projects before the partnership of Dream Architect.

Second column wall ang history ng Dream Architect at ang mga achievements nito for the last three years since sabi naman ni Thad sa kanya ay three years pa lang ang DA. It started with one house designs to commercial buildings and now real estate houses and condominiums. Although hindi marami pero mukhang hindi naman basta-basta.

Third column wall, mga shared projects ng iB at DA sa nakalipas na tatlong taon. Sa tingin niya ay 'yong pinakagitna na malaking building model ang latest project ng dalawa. The on the rise de Dios Bay na sa tingin niya ay hindi lang simpleng condominium building. She can still remember some jargons Thad uses back in college kaya may alam siya sa mga types of building na ginagawa nito. Hindi na nga lang niya mabasa ang buong detalye nun.

"C'mon, Art!" Napukaw lang ang atensyon niya nang marinig ang boses ni Simon ulit. "Ako muna tour guide mo ngayon." Magkahawak na pala ng kamay sina Art at Simon. "Let's give your mommy and daddy some privacy."

Naningkit lalo ang mga mata nito nang ngumiti bago isinama si Art papasok ng iBuild office. Ang pinto ng office ni iB ay nasa left at ang office naman ng DA ay nasa right.

"Shared office," sagot ni Thad sa nabubuong deskripyon niya sa isip.

Naiangat niya ang tingin dito.

He was smiling.

"iBuild and Dream Architect are sharing a one whole floor office space in this building," pagpapatuloy pa nito. Naglakad sila sa column wall na nahagip niya ng tingin kanina. "Simula nang i-take-over ni Simon ang iBuild ay marami rin ang nag-resign. And it would be a waste of funds to rent a bigger office na kaunti lang ang mga empleyado pero malaki naman ang renta. Most of the engineers are working on sites so halos ang natitira sa office sa iBuild ay for document works na lang."

"Considering how meticulous si Kuya Si sa mga expenses. Hindi nga feasible na mag-invest sa malaking office tapos kaunti lang naman employees."

"Sa Dream Architect, ganoon din naman, may team ako for document works, I have also my head senior architects and their team of junior architects working on different projects. Sa ngayon, itong de Dios Bay ang malaking project na mayroon kami. Actually, may partners ako rito noon, dalawang architect na nakatrabaho ko sa Singapore, but they both sold their shares to me last year kaya ako na lang ang sole owner ng DA."

Pareho silang nakatingin sa artist impression ng de Dios Bay. She felt goosebumps. It's like seeing one of Thad's draft designs come alive. At ang ganda-ganda ng whole project.

"de Dios, meaning, project 'to ng real estate company nila Iesus." Namilog ang mga mata niya. Kaya pala ang pamilyar ng name. "It's a mixed-use residential community in Mandaue City. A 25-hectare, fronting the sea of Mactan Channel. This is actually the urbanized high-end version of Faro de Amoré. Ongoing pa ang construction nito."

Ngayon lang niya na realized ang similarities ng design sa Faro. May nakita rin siyang boardwalk at parang mini forest within the area. Ang laking project talaga nito. Imagine 25-hectare!

"James is also part of this project, the Laroa."

"You mean, ang brother ni Au?"

Tumango ulit si Thad. "Yes, ang foster dad ni James ang president ng Laroa, they're behind the famous international furniture company na naka base sa Berlin, Germany. Si James ang head designer ng Laroa. The company is still managed by his father Santiago Laroa."

"May office din sila rito sa Cebu?"

"Yup."

"Ang galing na connected lang ang line of work n'yo sa isa't isa." Iginiya siya nito sa direksyon ng opisina ng DA. "Pero Thad, hindi ba magtataka ang mga tao n'yo sa amin ni Art?" Kanina pa niya napapansin ang tingin ng dalawang receptionist e. 'Di nga lang niya maisatinig kanina.

"Huwag mo silang pansinin." Sa gulat niya ay hinawakan pa nito ang kamay niya. Pakiramdam niya tumalon ang puso niya bigla. He laced his fingers with hers na para bang matagal na nito 'yong ginagawa. "I'll show you around."

In her memories, kahit na sobrang close nilang dalawa ni Thad before ay hindi naman sila nag-ho-holding hands ni Thad nang ganoon. Sa pupulsuhan lang siya nito hinahawakan.

Sanna, baka nakakalimutan mo pong nabuo si Art dahil nga naging magkasintahan kayo. Malamang ay nagho-holding-hands po kayo.

Hayan na naman ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

Although it already happened in the past pero para sa kanya bago 'yon lahat. Kaya it will always make her heart skip a beat.

Gosh!





THE OFFICE TOUR only lasted 30 minutes, sa hula niya 'di naman yata 'yon umabot ng one hour. Nilibot siya ni Thad sa buong DA office pero 'di naman nito inisturbo ang mga empleyado nitong busy sa pagtatrabaho. Although some were giving them the curious looks. Lalo na't magka-holding-hands pa sila ni Thad.

Suot pa rin nila ang singsing na binili nito sa convenience store sa boardwalk dahil 'di pa naman dumadating ang pinagawa nito. Sure siyang mas naka-pique 'yon sa interest ng mga tao nito. At aabot na rin 'yon sa DA dahil daddy at mommy ang tawag ni Art sa kanila sa iBuild office.

Nasa office na siya ni Thad mismo. Hindi na siya nakakaramdam ng ilang kasi wala naman nang makakakita sa kanila roon. Gaya ng buong opisina ay maganda rin ang interior ng office ni Thad. Minimalist, although same accents lang ng DA pero may sariling authority aura ang opisina nito.

On Thad's desk, right specifically, ang floor to ceiling glass panel wall na may view ng buong Ayala Business Park. Naikwento na rin sa kanya ni Thad ang address ng office nito kanina kaya alam niya anong lugar 'yon. Wala pa 'yon noong panahon niya. Hindi nga niya naalala if nakapunta ba siya roon.

Art stayed with Simon kaya silang dalawa lang ni Thad sa office. Nakaharap siya rito habang busy si Thad sa kung anong tinitignan nito sa malaking computer nito sa gawing kaliwa nito. May laptop pa ito sa harap and may iPad pa sa mesa nito. Madami na ring folders sa mesa nito na for signature yata ni Thad.

He looked so different now from how she remembered him to be. Noon ang simple lang ni Thad. Mas marami pa nga doubts nito sa sarili kaysa mismong pangarap nito. But look at him now, managing his own architectural firm.

"Gusto ko lang sabihin na proud na proud ako sa'yo," basag niya. Bigla itong natigilan at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya. "Kasi nagawa mong tuparin ang isa sa mga pangarap mo."

Thad smiled. "Thank you."

Although a part of her felt sad dahil wala siya noong mga panahong binubuo ni Thad ang pangarap nito. But she believes that there is always a good reason behind her absence.Pero masaya pa rin siyang malaman na naging mas matapang ito na ipaglaban ang mga pangarap nito.

She knew that Thad can still stand on his own without her guidance.

"I owe it to you."

Namilog ang mga mata niya rito. "Hmm?"

"Hindi mo naman responsibilidad na buoin ako lagi pero sa tuwing winawasak ako ng mga sarili kong pangamba ay nandiyan ka lagi para tulungan akong mabuo ulit. And I owe my success not to myself alone, but also to you."

Napangiti siya. "You did it because you believe in yourself."

"I did it because you teach me to believe in myself."


AROUND SEPTEMBER OF 2010

"NGA PALA."

Tinutulungan siya ni Simon sa pagtatanim ng bulaklak sa garden. Linggo naman at day off nito, wala itong magawa sa bahay kaya sinamahan siyang magbungkal ng lupa para may mailagay sa mga bagong bili niyang paso. Busy si Thad, nagkukulong sa kwarto nito. May tinatapos na importante.

Ngumiti siya rito.

"May napansin lang ako nitong nakaraang buwan," he continued.

Bigla naman siyang kinabahan. Minsan natatakot na rin siyang salubungin ang mga tingin ni Simon. She's scared that she couldn't lie anymore. Maingat naman sila ni Thad pero hindi niya maiwasang mangamba pa rin na mapansin na ni Simon na may nagbago sa kanilang dalawa ni Thad.

"Na?" Pinanatili niya ang ngiti kahit nasa flower pot ang tingin niya.

"Mas masaya yata si Apostol ngayon." Inangat niya ang tingin dito. Simon was smiling. "Siguro naka move on na 'yon kay Melissa."

"Mas mabuti na rin siguro 'yon. Mas focus si Thad sa thesis niya."

Within the past months of being together, never in-brought-up ni Thad si Mel. Hindi niya alam kung okay 'yon o hindi. Ayaw na rin niyang isipin kasi ayaw din naman niyang pag-usapan si Mel. Mas tama sigurong isipin na natatakot siyang marinig kay Thad na mahal pa rin nito si Mel.

Kung naka move on na nga si Thad ay sana, totoo nga.

Hindi rin naman kasi siya nagtatanong din. Ayaw niyang mag-overthink kasi alam niyang mawawalan siya ng confidence at malulungkot lang din siya. Iisipin lang niya na hanggang sa kama lang ang init na mayroon sa kanila. But she's holding on with Thad's promise that he will make their relationship work. Ramdam din naman niya ang pagpapahalaga at pag-aalaga nito sa kanya.

"Kumusta na pala kayong dalawa?"

"Hmm?"

Lumakas ang kabog ng puso niya. Kinakabahan siya kasi ngayon lang nagtanong si Simon tungkol sa kanilang dalawa ni Thad.

"Kayo. Kumusta na kayo? Hindi na ako masyadong nakakasabay sa inyo dahil kung 'di ako tulog sa day off ay may pasok naman kayong dalawa." Natawa ito pagkatapos. "Mas naging close yata kayo ngayon."

"Close naman talaga kami," she chuckled. Mas kalmado na siya ngayon. "Pero matagal din naman kasi sina Mel at Thad noon kaya halos nandito lang din ako sa bahay at hindi kami magkasama ni Thad. Nasanay ka lang na umiiwas ako. Pero ganoon pa rin naman kami."

"Sabagay. E kumusta naman puso mo?"

Ngumiti siya. "Ganoon pa rin. Puso pa rin."

"Mahal mo pa rin?"

"Hindi naman 'yon mababago agad."

"Wala namang masama kung magiging kayo." Napatitig siya rito. "Siguro huwag lang muna ngayon. Padaanin muna natin ang isang taon. Hanggang sa masiguro nating naka move on na siya kay Mel. Iniisip lang kita. Isang babae lang minahal ni Thad at si Melissa lang 'yon. Kung 'di 'yon nabago simula noong high school sila, siguro nga malalim ang pagmamahal na 'yon."

Tipid siyang ngumiti. Pero sa totoo lang, hindi niya maiwasang masaktan sa mga sinabi ni Simon. Kasi katotohanan 'yon na hindi niyang puwedeng ignorahin lang.

"Sa tingin mo, Kuya Si... kaya ba akong mahalin ni Thad?"

Bumuga ito ng hangin at iniangat ang mukha sa bintana ng kwarto ni Thad. Nasundan niya ang tingin nito. Kita mula roon si Thad na may ginagawa sa mesa nito. Seryosong-seryoso.

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Sanna. Ang problema lang, hindi naman lahat ng tao kagaya ko." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Simon smiled. "Kasi kung ako ang tatanungin mo, kaya kitang mahalin."




"SANNA!"

Huminto siya at lumingon. Nakahabol naman agad sa kanya si Nicholas. Hingal na hingal pa. Natawa tuloy siya sa ayos nito. Kamuntik pa nito mabitiwan ang hawak nitong bag.

"Oh, bakit?"

"Kanina pa... kita... tinatawag pero... 'di mo ako...nililingon."

He's still catching his breaths.

Namilog ang mga mata niya. "Huh? Wala naman akong narin –"

Pero 'di niya naituloy dahil naalala niyang may malalim pala siyang iniisip kanina. Si Thad. Fourth monthsary nila ngayon pero simula kaninang umaga ay 'di pa siya nito binabati. Medyo, nagtatampo lang siya at nag-o-overthink na naman siya. Hindi pa nakatulong 'yong huling pag-uusap nilang dalawa ni Simon.

"Never mind," aniya, ngumiti siya. "Ano ba 'yon?"

"Hindi ka ba busy? Pinakita ko kasi sa tita ko ang mga paintings mo at nagustuhan niya lahat. Gusto niya bilhin ang ilan sa mga artworks mo if available pa ang mga 'yon."

Lumapad lalo ang ngiti niya. Na excite siya bigla. "Talaga?!"

Nakangiting tumango si Nicholas. "Yup! May napili na siya. At pipili pa siya." Inilabas nito ang cell phone nito na may camera. Dinala kasi niya minsan ang artist portfolio niya at nakita ni Nicholas. He took pictures of her artworks at nag-promise sa kanya na tutulungan daw siyang maibenta ang mga 'yon. "She likes this one."

'Yon ang mother and child painting niya.

"Pero pinapatanong niya if gumagawa ka rin ba raw ng family portrait? She's willing to pay."

"Family portrait?" She's tempted. Need niya rin kasi talaga niya ng cash ngayon. "Hindi naman siguro rush, 'no? Kasi medyo hectic sched ko ngayon."

"Hindi naman daw. She would like to meet you in person if possible."

"Hmm. Sige, pag-iisipin ko muna."

"But she would like to buy the mother and child painting first. Ireregalo niya kasi sa isang kaibigan."

"Sige, ihahanda ko na. Thank you."

"Welcome." Ibinulsa ni Nicholas ang cell phone. "Anyway, pauwi ka na ba?"

"Oo, pero may hinihintay lang ako. Hindi pa talaga ako paalis."

"Si Thad?" Tumango siya. Nag-text kasi ito na hintayin siya. Sabay na raw silang umuwi. May mga araw na mag-isa lang siyang umuuwi pero 'di naman madalas dahil lagi naman silang naghihintayan dalawa ni Thad. "I see."

"Sanna!"

Napalingon silang dalawa ni Nicholas sa pinaggalingan ng boses. It was Thad. Dala-dala ang mga gamit nito na lumapit ito sa kanila. Kilala na ni Thad si Nicholas. Nabanggit na rin kasi niya noon na nanliligaw si Nicholas sa kanya noong second year siya. Noong third year medyo hindi na ito naka focus doon pero naging magkaibigan naman sila.

"Thad –" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil kinuha ni Thad ang bag niya sa kanya. Hindi naman 'yon nito ginagawa sa harap ng ibang tao. Ito kasi lagi nagbibitbit ng mga gamit niya. "Ahm, Thad, si Nicholas, kaklase ko. Nico, si Thad, best friend ko."

Ngumiti si Thad pero parang may iba sa tingin na ibinibigay nito kay Nicholas. Hindi niya alam eksakto kung ano.

"Kilala ko na siya, nabanggit mo na noon." Inilahad nito ang isang kamay kay Nicholas. "Thaddeus Apostol, bro."

"Nicholas Gutierrez." Tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Thad.

Inosente naman ang tingin na ibinigay sa kanya ni Nicholas pagkatapos. Na curious yata na nabanggit niya ito kay Thad. Ngumiti lang siya.

"Anyway, I have to go at mukhang may lakad pa kayo ni Thad. Sanna, tawagan mo na lang ako, ha?"

Tumango siya. "Thanks, Nico."

Iniwan na sila nito.

"Is he still courting you?" basag ni Thad.

Ibinaling niya ang tingin dito. "Hindi ko alam."

Nagsimula na silang maglakad sa direksyon ng back gate.

"Bakit 'di mo alam?" May nahimigan siyang iritasyon sa boses nito.

Totoo rin naman. Wala rin namang sinasabi si Nicholas sa kanya. Hindi rin naman niya binibigyan nang malisya ang pakikipagkaibigan nila.

Wala naman doon ang atensyon niya.

Na kay Thad.

At nakaka-disappoint lang na 'di nito natandaan ang monthsary nila. Sa nakalipas na buwan, siya ang nag-re-remind dito ng date. Ngayong pang-apat na. Ayaw na niyang i-remind. Nagtatampo na talaga siya.

"Wala. Huwag mo na isipin. He's just helping me out."

"Helping you out lang ba talaga?"

Tumigil siya at seryosong hinarap ito. "Wala ako sa mood para makipag-argumento sa'yo ngayon. If ayaw mo maniwala. Bahala ka. Basta wala akong ginagawang masama. At mabait si Nicholas. Tinutulungan niya lang ako."

Bumakas na talaga ang inis sa mukha nito. Nagsalubong na ang mga kilay.

Bumuga siya ng hangin. "Umuwi na lang tayo. Pagod na ako."

Umuwi sila sa bahay na hindi nag-iimikan. 'Yon yata ang unang beses na sinagot niya si Thad na galit siya.

Inis na rin talaga siya. Kahit siya ay 'di niya mapilit ang sarili na magkunwaring okay. Pang-apat na beses na kasi nitong kinakalimutan.

"Uuwi lang ako at magbibihis," imporma nito.

Tumango lang siya. Umalis ito na hindi dala-dala ang mga gamit nito. Nilapag lang niya sa sofa. She just ignored it and went straight to her room para magpalit ng pambahay.

Night shift na naman si Simon kaya baka dito na naman matulog si Thad sa bahay. O baka hindi nga.

She felt so lightheaded when she came out from her room pero ang bigat ng pakiramdam niya. Siguro dahil malapit na siyang magkaroon kaya ganito siya ka emosyonal.

Ang sala lang ang may ilaw at unti-unti na ring dumidilim sa labas.

Humila lang siya ng silya sa dining area at naupo lang doon. Gusto niyang umiyak sa totoo lang. Ang bigat-bigat ng puso niya.

"Sanna..."

Naingat niya ang mukha sa may sala. Nakatayo sa may pinto si Thad, nakapambahay na. Lalo lang niya gustong umiyak. Nag-o-overthink na naman siya. Ayaw niya nang ganoon siya. Ang daming negative na pumasok sa isip niya. Paano kung biglang sabihin ni Thad na maghiwalay na lang sila? Paano kung siya lang nag-iisip na kaya nga siyang mahalin ni Thad?

Lahat nang 'yong ay parang batong bumara sa lalamunan niya na siyang lalong nagpapasikip ng dibdib niya.

Kinuha nito ang bag nito at habang naglalakad palapit sa kanya ay binuksan nito iyin. Nagulat siya nang ilabas nito ang isang pumpon ng mga white daisy. Tipid itong ngumiti sa kanya. Pagkurap niya ng isang beses ay 'di na niya napigilan ang mga luha niya. Bumigay na rin talaga ang mga pinipigilan niyang emosyon.

"Baby, I'm sorry." Lumuhod si Thad sa harap niya. Alalang-alala kung bakit siya umiiyak. "I know I acted like a jerk earlier. I'm sorry. At hindi ko naman nakalimutan ang monthsary natin. Gusto lang kitang i-surprise."

Iyak na lang siya nang iyak. "Akala ko... kasi..."

"Alam ko na lagi kong nakakalimutan 'yon. Kaya nga ako bumabawi kasi alam ko nasasaktan na kita." Pinahawak nito sa kanya ang mga bulaklak na tinalian pa nito ng white ribbon. Thad reached for her face saka isa-isang pinunasan ang mga luha niya sa mukha. "I know I lack so many things pero babawi ako hanggat sa kaya ko. Kaya huwag ka na umiyak. Nainis lang din talaga ako kanina."

He remembered that her favorite flower is white daisy. 'Yon pa lang, napawi na ang pagtatampo niya kay Thad.

Ngumiti na siya at tumango. "Thank you."

"Pasensiya na at 'yan lang nakayanan ko ngayon. Sa susunod bouquet of daisies na ang ibibigay ko. Saka madadala na kita sa isang mamahaling restaurant." May lungkot sa ngiti nito. "Makakabawi rin ako."

"Hindi ko naman kailangan ang mga bagay na 'yan. Masaya na ako rito." Iniangat niya ang pumpon ng mga bulaklak. Hindi man 'yon madami pero ang effort ni Thad ang mas importante roon. "Saka, hindi naman masarap mga pagkain sa mga mamahaling restaurant. Mahal lang pero 'di naman tayo mabubusog." Bahagya siyang tumawa pagkatapos.

"Kaya nga." Hinagilap ulit nito ang bag. "Nag-take-out ako ng Jollibee kanina. " Inilabas nito mula sa bag ang plastic na may laman ng mga in-take-out nito. "Tig-isa tayo ng one piece chicken saka spaghetti. Binigyan ako ng Jollibee coupon ni Simon noong isang araw. Naka discount ako." Inilapag nito 'yon sa mesa na hindi pa rin tumatayo sa harapan niya. "Kaya huwag kang mag-alala. Nasa budget pa rin ako. Saka may bago akong art commission ngayon."

"Thank you." Hindi niya napigilan ang sariling halikan ito sa mga labi. Magaan lang 'yon at mabilis.

Lumapad ang ngiti ni Thad pagkatapos. Sandali lang na nagtama ang mga mata nila bago nito hinawakan ang batok niya para angkinin muli ang mga labi niya. He kissed her hard and deep this time na tinugon niya rin naman nang buong puso.

Parehong may ngiti sa mga mukha nila nang maglayo ang mga labi nila. Nanatiling magkadikit ang mga noo nila.

"Totoong masaya ako sa apat na buwan na kasama ka," basag ni Thad. "Kaya huwag na huwag mong iisipin na hindi dahil magtatampo na ako." Bahagya nitong pinaglayo ang mga mukha nila. "Alam ko ang nasa isip mo. Stop that." Hinalikan nito ang noo niya. "Hindi na kita pakakawalan pa, Sanna."

Lalo siyang napangiti.

Kung iiyak siya ay hindi na dahil sa nagtatampo siya kundi dahil sa punong-puno ang puso niya ng pagmamahal galing kay Thad.

"Nagselos lang yata ako kanina," amin nito.

"Huh?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro