Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

"SANNA?"

Marahas siyang napalingon sa bahagyang bukas na pinto ng art room niya. She didn't expect Thad will visit early. Sabi nito kagabi ay susulutin daw nito ang tulog nito dahil pinaglamayan na naman nito ang thesis nito the past days.

Alas sais pa lang yata ng umaga. Tumatagos na ang liwanag mula sa bukas na bintana. Kanina pa siya gising mga 4:30 am. Tinatapos niya ang ipinipintang parola na pinuntahan niya noong isang linggo pa. Someone requested it but hindi niya talaga na meet 'yon in person. In-refer lang din kasi siya ng isang kakilala niyang painter. Si Harlene. But hindi naman scam kasi nagbigay agad ng downpayment para sa painting.

"I'm here," sagot niya.

Maya-maya pa ay nasilip na niya si Thad mula sa labas. Ang laki ng ngiti nito nang makita siya.

"Sabi ko na nga ba gising ka na."

Ngumiti siya. "May tinatapos ako e."

Madumi pa talaga ang ayos niya. Her hair was pinned in bun with a pencil, a few strands of her hair lossely fell from both sides of her face. Simple lang talaga ang ayos niya kapag nagpipinta siya. 'Yong mga faded T-shirt and denim shorts lang sinusuot niya para 'di sayang kung marumihan ng mga paints. She always lose track of the time when she paints and she's most of the time messy.

Patuloy pa ring pumailanlang ang isinalang niyang CD ng isang instrumental song sa kanyang mini CD player. It makes her mind calm and mas nakaka-focus siya kapag tahimik ang mundo sa paligid niya. Music is also creativity's best friend.

Hawak niya sa isang kamay ang color palette at sa isa naman ang paint brush. She continued what she was doing before Thad came. Sanay naman na siyang naabutan ni Thad na nagpipinta. They've been together for two months now. So much have changed in their relationship, not for the worst, but she can say, best. They've been so close as friends, but what she didn't expect ay may ilalim pa pala ang relasyon nilang dalawa now that they've put a label on it.

Naramdaman niyang nakatayo sa likod niya si Thad. Nakatayo lang siya madalas kapag nagpipinta. Malaki rin kasi 'yong canvas na ginamit niya. Landscape painting ang ginagawa niya. Nakadikit pa ang in-print niyang picture ng lugar para wala siyang ma miss na details.

"Saan 'yan?"

"Ganda, 'no?" nakangiting balik tanong niya. Itinigil niya ang ginagawa at sinabayan si Thad na tignan ang halos patapos na niyang artwork. When she glanced at him ay nakangiti ito, may admirasyon siyang nakita sa mga mata nito. "Sa Liloan 'yan na parola," dagdag niya.

Bumaba ang tingin nito sa kanya. "Really?" Bumukas ang pagkamangha sa mukha nito. "I didn't know na may parola roon."

"Ako nga rin e." Ibinalik niya ang tingin sa painting. "Puntahan ulit natin kapag nagka-oras tayo. Maganda roon."

"Commissioned ba 'to?"

She nodded. "Oo."

"Kailan mo 'to pinuntahan?" Ang sama ng tingin nito sa kanya. Natawa siya. Actually, 'di siya nagpaalam dito. "I don't remember nagpaalam ka sa'kin na pupunta ka ng Liloan?"

"Hindi nga."

"Tsk, sabi na e. Malayo 'yon dito. Sana sinabihan mo ako para masahaman kita."

"Busy ka no'n saka ayaw kong abalahin ka sa ginagawa mo. Need ko na rin kasing puntahan para matapos ko na agad." Magkalapat ang mga labing ngumiti siya rito, bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin dito. "Sorry," aniya.

His face softened, alam niya namang 'di ito nagtatampo. Kunwari lang 'yong naiinis itong 'di siya nagpapaalam.

Minsan kasi talaga nakakalimutan niya. Nasanay siya noon na hindi laging nagpapaalam kay Thad sa mga lakad niya. Ngayon ay nagpapaalam na siya kasi ganoon din naman ito sa kanya. Sinasabi nito kapag may lakad ito o gagabihin man ito. Hindi naman siya nagtatanong talaga. Nagkukusa lang talaga si Thad na magpaalam.

Tumango-tango lang ito. "Malaki bayad sa'yo niyan?"

She chuckled. "Medyo."

"Hindi medyo, dapat lang." Hinarap siya nito, umangat ang isang kamay sa pisngi niya. Napatingin siya sa nakangiting mukha ni Thad habang inaalis nito ang nakitang dumi sa pisngi niya. "Every work of art should be paid right."

Napangiti siya.

Si Thad lang ang kaisa-isang taong pinapasok niya sa art room niya at sa tuwing nakikita siya nitong magpinta ay ramdam niya lagi ang paghanga nito sa kanya. He could be a little blunt sometimes, hindi naman kasi laging perfect ang mga gawa niya, but she always appreciates his healthy criticisms. Dahil doon na-i-improve niya lalo ang sarili. Likewise, in-accept din ni Thad ang mga comments niya sa mga drawings nito. She never saw him feel annoyed or disheartened when she does. Madalas ay tinatawanan lang siya nito.

"And it's Susanna Evangeline's work," dagdag pa nito, magkahinang na ang kanilang mga mata. "It will always be worth the money."

Natawa siya, pero sa puso niya ay tumagos ang mga salitang 'yon. Isa 'yon sa mga gusto niyang pakiramdam kapag kasama niya si Thad. Pakiramdam niya malaya siya at napakagaling niya.

"Hindi kita hahatian sa kikitain ko," she joked.

Napamaang ito. "Wow!" At malakas na tumawa. "Hindi ako nanghihingi sa'yo pero aminado akong lagi akong may utang sa'yo."

He stepped closer, kinuha ang mga hawak niya at inilapag 'yon sa mini high table niya along with her other painting materials. He then gently wrapped his arms on her waist. Napangiti na lamang siya nang halikan siya nito sa mga labi. It was just a short but sweet kiss.

"Good morning," bulong nito pagkatapos ng halik.

"Good morning." She smiled. "Gising na ba si Kuya Si?" tanong niya pagkatapos, bahagyang naglayo ang mga mukha nila, but Thad didn't let her go completely.

"Umalis na," may pilyong ngiti sa mukha nito.

Pinaningkitan niya ng mga mata si Thad. "Wala ka bang gagawin ngayon?"

Naging busy sila pareho dahil sa klase niya at thesis naman ang inaasikaso ni Thad.

Minsan late na rin siyang umuuwi dahil nga may thesis din siya kasama ng tatlo pa niyang kaklase. Hindi siya nag-o-overnight lagi, binabaon niya lang ang part na kanya. Kapag ganoon ay sinusundo siya ni Thad sa kung saan siya para may kasabay siyang umuwi. Pero minsan kapag 'di kaya ay sa babaan ng jeep siya nito hinihintay, sa labas lang din ng village.

Also, in school, they don't act as lovers. May mga nakakilala pa naman sa kanila na kilala sina Kuya Simon at Jude. Ayaw lang nilang umabot sa dalawa ang sekreto nilang dalawa. But never niya naramdaman 'yong neglection from Thad. And for her, it was much better, nakakaiwas siya sa mga tanong ng mga kaklase niyang may gusto rin kay Thad.

"Wala naman masyado. Bakit?"

"Aga mo nagising e."

"Maaga naman talaga akong nagigising."

Napaisip siya saglit. Natawa siya pagkatapos nang ma realized niyang oo nga naman. Maaga naman talaga nagsisimula ang araw ni Thad lagi.

"O, 'di, iibahin ko ang tanong. Anong ipinunta mo rito nang ganito kaaga Mr. Thaddeus Bernardo Apostol?"

"Makikikain ng almusal," he chuckled.

"Hindi pa ako nakapagluto." She squinted her eyes at him. "Tinatamad ako."

"Hindi naman problema 'yon. Ako na magluluto."

She raised an eyebrow. "Talaga?"

Nakangiting tumango ito. "Mamaya... siguro..." Bahagya itong tumawa. "Hindi pa naman ako nagugutom."

"Pumunta ka lang yata rito para disturbuhin ako."

"Magpapadisturbo ka ba?"

Natatawang itinulak na niya ito palayo. "Doon ka na nga sa labas." Kinuha niya ulit ang brush at paint palette niya. Humarap siya sa ipinipinta niya. Yumakap naman si Thad mula sa kanyang likod. "Thad!" seryosong saway niya rito, bahagyang dumulas ang brush niya kaya may uneven colors tuloy. Gagawan na naman niyang paraan na ayusin 'yon.

"Ako muna pansinin mo." Naramdaman niya ang mainit na labi nito sa batok niya. Agad-agad na sumikdo nang malakas ang puso niya.

Sa nakalipas na dalawang buwan ay hindi pa rin siya masyadong nasasanay na ganoon sila ni Thad. Pakiramdam pa rin niya lagi maraming paru-paru sa tiyan niya sa tuwing hinahalikan siya nito at lumalapat ang mga labi nito sa kanyang balat.

Nanlalamig pa rin ang mga paa at mga kamay niya sa tuwing nag-i-initiate si Thad na maging intimate sila sa isa't isa. But she wouldn't deny the excitement she feels whenever Thad deepened his kisses and when he let her snuggled closer to him when they're laying in her bed.

Sa nakalipas na buwan ay wala pa namang nangyayari ulit sa kanila. True to his word, Thad didn't rush everything for them, they started by bringing back their old selves, he made her feel more comfortable with his gestures. Siya lang talaga ang nag-overthink at nagpa-panic. Everything was new to her. Wala siyang experience sa mga intimacy, so she's letting Thad take over.

Tandang-tanda pa rin niya ang sinabi nito sa kanya noon. He said, he will no longer hold back. His actions will no longer be just a friend, but as her boyfriend.

At mukhang ito nga ang ibig sabihin ng mga sinabi nito.

Nabitiwan niya ang hawak nang sapuhin ni Thad ang mukha niya para maibaling niya ang mukha rito. Before she could even protest ay nagawa na nitong angkinin ang mga labi niya.

Her eyes closed as she returned his kisses. His arms held her closer, napasinghap tuloy siya sa pagitan ng halik sa sobra niyang pagkakadikit sa katawan nito. Pero hindi pa rin siya nito hinayaang makapagsalita, Thad roughly and deeply kissed her, pakiramdam niya masusugatan ang mga labi niya.

Nang pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin saka lang niya nagawang maitulak ito nang bahagya. Habol-habol ang hininga na nagtama ang mga mata nila.

None of them speak, nakatitig lang talaga sila sa isa't isa. Kagaya niya ay habol din nito ang hininga, but there was something different in how he looks at her. His natural brown eyes are darker this time, hindi naman 'yon nagkukulay apoy pero natutunaw siya. Parang sinasabi ng mga matang 'yon na gusto siyang angkinin.

Nag-iinit tuloy ang mga pisngi niya.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito para sana iwasan ang tingin nito pero hindi niya alam kung anong klase ng lakas ng loob ang tumulak sa kanya para tumingkayad at abutin ang mga labi ni Thad. Hindi na niya pagsisihan dahil gusto niya rin naman. Ang balak lang sana niya ay magaan na halik pero sinapo ni Thad ang panga niya at mas pinailalamin pa ang halik.

Maya-maya pa ay umangat na ang mga paa niya sa sahig nang kargahin siya nito, pareho silang napaungol sa pagitan ng paghahalikan nila. Yumakap siyang husto rito pati na rin ang mga paa niya na nasa baywang nito.

Nahihilo siya sa mainit na pakiramdam na unti-unting tumutupok sa kanya. Hindi niya na alam kung paano siya nadala ni Thad sa malaking mesa niya roon. Hinawi ni Thad ang mga kalat doon para mahiga siya nang maayos. Pero 'di yata nito napansin ang lata ng paint kaya tumama ang likod ng ulo niya.

"Ouch," daing niya, bahagya pang natawa.

Pero seryoso, masakit 'yon.

"Sorry," Thad chuckled, inalis nito ang lata pero bumangon siya. He was standing in between her legs, nakaupo na siya sa edge ng mesa. "Ayos ka lang ba?"

"Okay lang," sagot niya na may ngiti.

Bahagya yata silang nahimasmasan sa mga pangyayari kaya biglang naging awkward sila sa isa't isa. Both of them were a complete mess. Dumikit na rin sa damit nito ang mga pintura. At nahulog na ang lapis sa buhok niya kaya nalugay na ang mahaba niyang buhok.

She ended up staring at his face. Ang mukha talaga ni Thad ang pinaka favorite niya sa lahat. Hindi nakakasawa tignan. Lalo na kapag ngumingiti at tumatawa ito.

Umangat ang dalawang kamay niya para guluhin nang husto ang buhok nito. There, he look more handsome.

"Sanna," basag nito.

"Hmm?"

Inangat niya ang tingin dito. He was suppressing his smile, but he can tell what's going on his mind right now.

"I think... dapat... maligo na lang muna ako. Balik na lang ako mamay –"

"Ayaw mo tapusin?"

Namilog ang mga mata nito at biglang nasamid, inihit tuloy ito ng ubo. "T-Tapusin ang ano?"

Nakagat niya ang ibabang labi. "Do you want it to happen again?"

"Sanna..."

Dios ko, Sanna. Bahala ka na talaga sa buhay mo.

But she also wanted to do it again with Thad.

Gusto niyang mapangiwi sa mga naiisip. Gusto niyang bawiin pero nasabi na niya. Ilang segundo rin siyang tinitigan ni Thad. But deep inside kahit kinakabahan siya ay gusto niya ring huwag siyang tanggihan ni Thad.

Maya-maya pa ay may sumilip na ngiti sa mukha ni Thad. "Are you sure?"

Tumango siya. "But we should be careful."

"I know." Naglapat ang mga labi nito sa pagpipigil ng tawa. "Actually," napakamot muna ito sa noo before he slid his hand inside the pocket of his cargo shorts, "just to be sure... but it doesn't mean na planado ko..." Inilabas nito sa bulsa ang isang box ng condom.

Lalong nag-init ang mga pisngi niya pero 'di niya naman mapigilan ang matawa.

"Akala ko ba wala sa plano mo? Sure ka ba talaga riyan, Thaddeus?"

He was still suppressing his smile, but he was too adorable. Lalo pa't medyo namumula ang likod ng tainga nito.

Napakamot ito sa batok, this time, 'di na nito napigilan ang tawa.

Inilapag nito ang box ng condom sa mesa. Nilulunod siya ng mga tingin nito habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa kanya. Hindi niya namalayang nakakulong na siya sa mga braso nito, parehong nakalapat ang mga palad sa magsinggilid niya sa mesa. She was completely trapped.

Pareho silang nakangiti sa isa't isa.

"Do you realize how much I wanted you right now, Susanna Evangeline?"

Nakagat niya ang ibabang labi, umiling siya. Hindi niya alam pero habang tumatagal ay na-e-excite siya. Hindi niya maipaliwanag. She shouldn't feel this way, pero ganoon ang epekto ni Thad sa kanya. Kahit anong sense ang ipasok niya sa isip niya ay 'di na-absorb ng utak niya. When it comes to Thad, she couldn't say no.

"Thad –"

"I'll be careful this time."

Hindi na ulit siya nakapagsalita nang angkinin nitong tuluyan ang mga labi niya. He kissed her hard, thrust his tongue to meet hers as they both deepened the kiss.

He tasted every corners of her mouth. Kinakabahan siya pero mas nangingibaw ang excitement sa kanya. Lalo na nang marahas nitong iangat at tanggalin ang suot niyang T-shirt na hindi pinuputol nang matagal ang halik nito sa kanya. Agad na pinaulanan nito ng halik ang kanyang panga pababa ng kanyang leeg. She arched her back and craned her neck to give him access.

"Thad," anas niya.

Binalikan nito ang mga labi niya. "It will be different this time," sabi nito sa pagitan ng halik. Umangat ang mukha nito para magtama ang mga mata nila. "I'll make you feel good, Sanna."

Hinubad nito ang suot na T-shirt at tuluyan na siyang inihiga sa mesa.


DAY 09
2020 PRESENT

Ubos na ba ang mga kuko niya? Kung ubos na ay sana bumuka na ang lupa at kainin siya ng buhay.

Gusto kutusan ni Sanna ang sarili. Kaya naman pala 'di alam ni Thad na makakabuo sila dahil maingat sila pero ang sabihin nitong siya ang nagbigay ng permiso para gawin nila 'yon ay 'di niya kinakaya. Hindi man in full details pero anong gusto nitong isipin niya sa sinabi nitong madalas nilang gawin 'yon sa art room niya? Na nagpipinta lang sila? Nagdo-drawing?

Gusto niyang sabunotan ang sarili niya, to be honest.

Seryoso, Sanna?

"Parang pamilyar sa'kin ang scene na 'to." Inilapag ni Chi ang isang buong lalagyan ng stick-o sa mesa. Nasa loob ng bahay ni Chi si Art, natutulog. Nasa labas sila. May meeting na importante si Thad kaya wala sa bahay. "Girl, 'di ka naman siguro kinamay kagabi ni Daddy Thad?"

Kumunot ang noo niya rito. "Huh?"

"Ay hindi. Malabo 'yon mangyari. Uupakan ko 'yon si Thaddeus kapag ginalaw ka no'n." Hindi niya ma gets ang sinasabi ni Chi. "Anyway, anong problema mo? Kanina ko pa napapansin na 'di ka mapakali riyan."

"Wala." Umayos siya ng upo.

"Hindi mo na ako maloloko, Sanna. Lahat ng mga jinowa ng mga Faro Boys pinagdadaanan 'yang mukhang 'yan noon."

Natawa siya. "Lahat talaga?"

"Oo, kaya huwag mo na 'yang ilihim sa'kin. C'mon, spill the tea. Huwag kang mag-alala, wala naman si Ser, may klase. 'Di 'yon makakabot ang chismis sa kanya. Ano? Nakaraan n'yo ni Thad?"

Bumuga siya ng hangin at tumango. "Parang ganoon na nga."

"Hello! Hello!" Biglang dumating si Amora. May dala-dalang isang tupperware na 'di pa nila alam kung ano ang laman. "Sabi ko na e may tao." Tuluyan na itong nakaakyat at lumapit sa kanila. "Nagdala ako ng snacks." Binuksan nito ang takip at bumungad sa kanila ang limang banana cue.

"Ikaw nagluto?" diskumpyado pang tanong ni Chi.

"Ay grabe naman po siya," naupo sa bakanteng silya si Amora, sa side ni Chi. Pansin niya talagang laging mahaba ang suot nitong saya at laging blouse o T-shirt ang upper. Ang cute nga nitong tignan ni Amora. "Hindi lang halata pero kahit papaano marunong naman akong maghanap ng makakain." Tumawa ito pagkatapos.

"Okay, safe." Kumuha ng isang banana cue si Chi. "Let me guess," anito habang ngumunguya, "iniwan ka na naman ng amo mo?"

Tumango ito. "Saka umalis si Doc Vier." Naningkit ang mga mata nito. "Malapit ko na talaga sunugin ang mansion ni Boss Iesus. Nakakakilabot talaga ang katahimikan." Amora cringed at hinaplos pa ang mga braso na para bang nakaramdam ito ng pananaas ng mga balahibo. "Pero sabi kasi ni Ser may gold daw roon kaya saka na kapag nahanap ko na." Ngumisi ito pagkatapos.

"Gaga!" Tawang-tawa si Chi. "Goodluck. Anyway, mabalik tayo kay Susanna." Ibinaling ng dalawa ang tingin sa kanya. "Kumusta na pala kayo ni Daddy Thad?"

Nangulambaba si Amora sa harap niya. "Oo nga, balita ko ay madalas na daw ngumingiti si Sir Thad ngayon. Delikado 'yong ngumingiti mag-isa, 'no?" Humagikhik ito pagkatapos.

"Masaya lang siguro dahil kay Art," sagot niya.

"Hindi dahil sa'yo?" tudyong tanong ni Amora. "Kapag hindi, pangit niya ka bonding." Umayos ito ng upo at kumuha ng banana cue.

"Pero naiintindihan ko rin naman," ni Chi. "Kahit na in reality 29 na si Sanna ay ang isip at katawan niya ay 18 pa rin. Knowing Thaddeus, he will never disrespect Sanna. Pero siguro lagi nang masakit puson no'n."

Kumunot ang noo niya. "Masakit ang puson? Bakit naman sasakit ang puson ni Thad?" Tinignan niya si Amora.

"Huy, wala akong alam diyan, ha? Virgin pa ako."

Tawang-tawa si Chi. "Itanong mo kay Thad pag-uwi niya. Alam niya ang sagot." Pinalo ito ni Amora sa braso. "Aray!" Pero imbes na mainis ay lalo lang itong natawa. "Gaga ka, akala ko ba wala kang alam? Nagdududa na ako sa'yo sister. Iisa lang yata hulmahan n'yo ni Aurea."

"Huy! Grabe. Wala akong sinasabi."

"Kausapin mo ang holy spirit, sister."





"HOW ARE YOU and Sanna, Thad?"

Naiangat ni Thad ang tingin kay Jude. Nagpalipat-lipat din ang tingin ni Simon sa kanilang dalawa. Kakatapos lang ng meeting niya kasama ni Simon nang dumating si Jude. They just stayed in the board room.

He cleared his throat. "We're fine."

If he could be honest, he wanted to say, he's not. Wala namang problema sa kanilang dalawa ni Sanna lalo na sa kanilang tatlo ni Art. He's enjoying their company. Sa sobrang enjoy niya ay madalas na niyang nakakalimutan ang oras. Ang problema lang talaga niya ngayon ay paano niya ko-control-in ang sarili kapag nasa malapit si Sanna. Those dilemmas always gives him sleepless nights.

"Or maybe, how are you?" pag-iiba nito, pero halatang nang-aasar lang.

"Don't start," he warned.

"Torture ba?" dagdag pa ni Simon, pero sa tinging ibinibigay nito sa kanya ay mukhang nag-e-enjoy itong makitang naghihirap siya.

"Pumunta ka lang ba rito Jude para itanong 'yan?"

Natawa ito. "Hindi. May ibang pakay ako pero mas interesting na makita ang reaksyon mo kapag nababanggit si Sanna." Isinandal nito ang dalawang braso sa mesa at nangulambaba. "Hindi ko talaga alam ang buong kwento n'yo pero I'm just curious. Isang beses lang ba may nangyari sa inyo ni Sanna o maraming beses?"

Inihit siya ng ubo. Pagbaling niya ng tingin kay Simon ay mas lalo siyang inubo. Kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal na siyang humandusay sa sahig.

"Ayusin mo sagot mo, Apostol," Simon warned.

He cleared his throat again, itiniklop din niya ang laptop sa harap niya. "Private life namin 'yon ni Sanna. Sa'min na lang 'yong dalawa."

Kahit gaano pa niya ka close ang mga ito ay hinding-hindi niya ikukwento rito ang mga bagay na 'yon. Those intimate moments will remain private and confidential.

"Sabagay," sang-ayon ni Jude.

"Huwag mong sabihing dahil kay Sanna kaya hindi ka nakikipagrelasyon sa loob ng siyam na taon?" tanong ni Simon.

Umayos ng upo si Jude sa swivel chair nito. "Within those 9 years, Thad." Bahagya itong lumayo sa mesa para mag-di-quatro. "You didn't engage in any sexual relationship with other woman?"

"I was busy."

"Nang siyam na taon?!" manghang-mangha si Jude.

"Nakaya mo nga rin."

He's well aware of Jude's life. Kahit na matagal na ito at ni Faith ay wala pa talagang nangyayari sa dalawa. Jude respected Faith's request to wait until the wedding.

"Yes, but it was hell. Sa tingin ko, ganoon din naman sa'yo. It just amazes me how you were able to remain celibate for such a long time. As for me, there are other ways to fulfill my needs as a man without committing infidelity."

"Why are we having this conversation by the way?"

"Wala, curious lang din ako."

"Huwag kayong mag-alala. I may have my own needs but I will never take advantage of Sanna. I know my limitations. You have my word."




BUMABA SI THAD sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi na nawala ang sakit ng ulo niya simula pa nang matapos ang huling meeting niya. More like sumakit na after ng pag-uusap nilang tatlo kanina.

Kailangan na niyang inuman ng gamot para makatulog siya nang maayos.

"Okay ka lang?" Nalunon na niya ang tablet nang dumating si Sanna. Inubos niya lang ang tubig sa baso. "Sa kwarto ka ba matutulog ngayon?"

He nodded.

Simula ngayong gabi ay magtatabi na silang tatlo sa kama. Hindi sila magtatabi ni Sanna dahil sa gitna nila si Art.

He needed enough aspirin to stop his mind from overthinking. Pero sino ba ang niloloko niya? Sleeping pills na yata ang kailangan niya at hindi simpleng pain reliever na gamot.

"Masakit lang ang ulo ko," dagdag niya pagkatapos. "But I'm fine." Tipid siyang ngumiti kay Sanna.

"Late ka nauwi ngayon. Maraming work?"

"Sunod-sunod ang meetings ko simula noong alas dos. Alas syete na ako natapos. Trapik kaya mas lalo akong natagalan. Kumain na kayo?"

"Oo, kanina pa. Hinihintay ka na nga ni Art sa kwarto pero sabi ko kakain ka pa. Ano, ipag-iinit kita?"

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at dumiretso sa dining table para kunin ang mga itinabi nitong pagkain. Nagsalin ulit siya ng tubig. Hindi niya alam kung bakit uhaw na uhaw siya. Nanunuot sa ilong niya ang mabangong amoy ni Sanna. She still smelled the same. Napalunok siya.

Get a hold of yourself, Thad!

Sinundan niya si Sanna dala ang baso ng tubig niya nang bigla itong lumingon. "Ay nga pala!" Namilog nang husto ang mga mata niya sa gulat. 'Yong tubig sa lalamunan niya kamuntik nang 'di niya malunon.

"A-Ano?"

"E kasi, nag-usap kami ni Chi kanina, then may sinabi siya na 'di ko naiintindihan." Bakit kinakabahan ka Thaddeus? Yawa, umayos ka! "Then naisip ko, baka kasi nararamdaman mo siya ngayon."

"Nararamdaman?" Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

"Masakit din ba puson mo?"

Inihit siya ng ubo. Hindi lang ubo. Feeling niya nagkaroon siya bigla ng asthma.

"Thad? Thad?! Hoy! Okay ka lang?"

Chizle Priscilla Garcia!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro