Kabanata 24
D A Y 8
"HINDI KA NA naman papasok, 'no?"
Base sa casual na suot ni Thad na navy blue polo shirt at pantalon ay mukhang wala na itong balak pumasok ngayon.
Nakangiting ibinaling ni Thad ang tingin sa kanya. "Hindi na sana ako nag-hire ng mga tao kung ako lang din tatao sa kompanya ko."
Tignan mo ang 'sang 'to. Dati ang baba ng confidence ngayon umaapaw na. Not a bad thing though.
Masaya siyang nakikita ang success ni Thad ngayon. Proud pa nga siya rito.
Naglalakad sila sa loob ng Ayala Mall, sa gitna nila si Art, at pareho nilang hawak ang kamay nito. Pero wala naman sa kanila ang atensyon ni Art, nasa paligid nito. Kung saan-saan napupunta ang tingin nito.
"Matagal na ba ang Dream Architect?" tanong niya.
"Three years pa lang. I had to work double time in the previous years to fund Dream Architect. It wasn't an easy job, to be honest. Mas marami ang pagkakataon na gusto ko nang sumuko noong nagsisimula pa lang ako. Baon ako sa utang at wala pa gaanong kliyente. Halos 'di na ako natutulog sa kakaisip kung paano ko itatawid ang mga responsibilidad ko." Mapait man ang ngiti nito, but it showed how proud Thad with all those hardships. "But without pain, there are no success."
Napangiti siya. "But you made it."
Tumango ito.
"Malaki rin talaga ang tulong ng partnership namin ni Simon. If he didn't bought all the shares of iBuild from his father, mahihirapan din talaga akong makahanap ng reliable contractor para sa mga kliyente ko. We started from scratch again, but iBuild had already build a name in the industry, so it did help Dream Architect." Natawa ito bigla. "Sa ilang beses na nag-away kami dahil sa mga maliit na detalye it's still a miracle how me and Simon remained as good friends."
"Ilang taon na kayong magkakasamang tatlo. Nakapag-adjust na kayo sa mga ugali ninyo and besides sa tingin ko, professional talaga kayo magtrabaho. Saka if you remember, kahit pa naman noon 'di kayo madalas nagkakasundo ni Kuya Si sa mga structural topics. Lagi niya pinupuna na masyadong idealistic ang mga designs mo at hindi feasible para sa kanilang mga civil engineers."
Natawa ito. "Until now."
"See? Pareho naman kayong magaling sa mga field of expertise n'yo. Ilang taon na rin ang lumipas and I know lumawak na rin ang knowledge n'yo sa mga trabaho n'yo, so it's still a healthy argument."
"Daddy," Art tugged his Dad's shirt. "kailan po tayo bibili ng iPad?"
Bumaba ang tingin ni Thad sa anak nila. "After I buy your mommy a ring," nakangiting sagot nito. "Okay lang ba?"
Lumapad ang ngiti ni Art. "Okay po." Bumakas naman ang kuryusidad sa mga mata nito pagkatapos. "But why are you buying Mommy a ring, Daddy?"
Umangat ang tingin ni Thad sa kanya. "So no one will get your mommy from me," he said smiling habang ibinaba ulit ang tingin kay Art.
Napakurap siya.
Ano raw?
"HOW ABOUT THIS one?" Itinuro ni Thad ang isang pair of gold wedding bands. Actually, pangatlong design na 'yong inilabas ng staff mula sa glass case. "I think this looks better."
"Alam mo, Thaddeus, ikaw na lang kaya pumili kasi kahit magsalita ako ay ikaw pa rin masusunod."
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Pigil niya ang matawa. "Susanna." Pansin din niyang nagpipigil din ng ngiti ang babaeng nag-a-assist sa kanila.
Malamang, kasi sa nakalipas na 20 minutes na yata ay ganoon ang takbo ng usapan nila ni Thad. Magtatanong ito sa kanya, mag-o-okay siya tapos may makakaagaw na naman ng atensyon nito.
Inalis ni Thad ang ang gold band na para sa babae mula sa kaha at naningkit pa rin ang mga matang hinawakan ang kamay niya para isuot ang sing-sing sa ring finger niya. It doesn't have an intricate design but hers has little diamonds wrapped around half of its ring. It looks classic. Medyo maluwag lang sa daliri niya nang kaunti.
"Maluwag," she chuckled.
"Alam ko."
"Ang seryoso mo masyado. Joke lang 'yon." Kinuha niya ang kapares ng singsing at siya naman ang nagsuot nun sa palasingsingan ni Thad. Kaso masyadong maliit 'yong ring sa daliri nito. Gitna nga lang 'yong fit. Hindi na bumaba. "Ang laki ng daliri mo."
"May sizes naman po kami, ma'am," singit ng staff.
"Art, anak," tawag ni Thad kay Art. Lumapit naman agad ito sa daddy nito. "Maganda ba?" Ipinakita nito kay Art ang mga sing-sing sa kamay nila.
Naikiling ni Art ang ulo sa kaliwa saka hinawakan ang mga kamay nila. "Maganda po, Daddy." Iniangat ni Art ang mukha sa kanila. "Kaya lang po masikip sa daliri n'yo saka maluwag naman po kay Mommy."
Thad chuckled, "It can be adjusted, pero gusto mo ba? Bagay ba sa'min ng mommy mo?"
Sunod-sunod na tumango si Art. "Yes po, Daddy!" Saka malapad na ngumiti.
Hindi niya napigilang pisilin ang pisngi ni Art. Cute, cute talaga!
"Do you also customize rings?" baling na tanong ni Thad sa staff. "Engraved our names in each ring, I mean."
"Yes, sir, but it will take at least one to two weeks bago po ma-i-deliver sa inyo. But normally naman po, one week lang."
"That's fine. I want my wife's name on my ring and my name on my wife's ring."
"We'll do, sir." Nakangiting tumango ito. "Kukunin ko lang po ang form and 'yong exact sizes ng mga singsing para ma check ulit natin if perfect fit na po."
"Sure, thanks."
Nang umalis ang babae ay saka lang siya nagsalita. "Bakit ang dami mong request?"
"Sinusulit ko lang ang ibabayad ko."
Naupo muna sila sa visitor's lounge ng jewelry shop. Nasa gitna pa rin nila si Art nang maupo sila.
"Daddy, why you and Mommy have rings and I don't?" biglang tanong ni Art.
"Wedding rings tawag doon, baby," sagot niya.
"Wedding rings? So mag-we-wedding din po kayo like Tito Balti and Tito Jude? Ring bearer din po ako?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Thad. Minsan talaga nahihirapan na siyang ilusot ang mga sagot niya sa mga tanong ni Art.
"Anak," it was Thad, "rings symbolize a lifetime commitment of love and understanding. I will give your mommy a ring because it means I want her in my life and when your mommy accepts it, it also means that she wants to be with me."
"E bakit po dalawa?"
"Kasi partners kami ng daddy mo," sagot na ni Sanna. "So, 'yong singsing, it means na gusto namin makasama ang isa't isa."
Tumango si Art na tila ba naintindihan nito ang mga sinabi nila. "So love n'yo po ang each other?"
Nagpalitan ulit sila ng tingin ni Thad. They didn't further explain but they both nodded.
She cannot say that it's a lie because it was the truth. She love Thad... had always been in love with him. But with Thad, ito lang talaga nakakaalam ng totoo. But she likes to think that Thad really did love her in the past.
Ngumiti si Art. "Okay po."
She understood kung bakit gusto ni Thad na maging pamilya silang tatlo sa harap ni Art. Napapansin na din niyang marami na itong tanong patungkol sa kanilang dalawa ni Thad. If they continue their civil relationship setup sa bahay ay mas lalo lang magtatanong si Art. Pumayag na rin siya for the sake of their son.
They only have less than 49 days to search for her. She just hopes that it's enough for Thad to find her and Art.
AFTER NILA SA jewelry shop ay may nadaanan silang kiosk na nagko-customized ng mga gamit. Isa na nga 'yong family customized bracelets. Since wala raw family rings ay bracelets na lang daw ang ipagawa nila. Ang cute nga ng bracelets e. Black siya pero makapal ang braided rope na siyang bracelet nito at puwedeng lagyan ng metal rings ng names nila.
Thad requested three pairs of bracelets with the same black design and naka engraved sa tig-isang metal rings ang name nilang tatlo, Thad, Sanna, and Art. Mabilis lang ang paggawa kasi may tools ang seller. Si Thad pa mismo ang nagsuot ng bracelet sa kamay ni Art.
Umaapaw ang tuwa sa puso niya nang makita kung gaano 'yon nagpasaya kay Art. At sa tingin niya ay ganoon din ang nararamdaman ni Thad sa mga oras na 'yon.
He always looks at our Art with a sense of pride.
Something that Thad had always longed for from his father. She always knew that he'll be a great father... and she was right after all.
Seeing Thad and Art together always felt like she's also found her home. Pakiramdam kasi niya lagi wala siyang matatawag na pamilya na kanya. At hindi niya alam kung saan nanggaling ang kalungkutan na 'yon.
"Let's go." Hinawakan ni Thad ang kamay ng anak. "Bilhin na natin ang iPad mo."
"Yeeeeeey!"
Nakangiti lang niyang tinitigan ang mag-ama habang naglalakad ang mga ito. When they looked sideways at each other ay para bang nakakita siya ng dalawang bersyon ng mukha ni Thad. It was like he was seeing his younger self mirroring the love he didn't get growing up.
Thad was glowing and happy.
Namasa ang sulok ng kanyang mata habang nakangiti. Ay, ano ba 'yan?! Naiyak siya nang kaunti sa saya.
Art brought colors in his father's life again.
Pinunasan niya ang mga luha at sakto namang lumingon ang mag-ama sa kanya.
"Mommy!" tawag sa kanya ni Art, ngumiti siya rito.
Thad was smiling at her. "Mommy, halika na," tawag din nito sa kanya.
Natawa siya sa tinawag nito. Dapat na rin ba niyang tawaging daddy si Thad? Mas lalo tuloy siyang natawa sa idea na 'yon.
"Oo na!" Tinakbo niya ang pagitan na distansiya nilang tatlo. She even tripped a bit pero mabilis siyang nasalo ng mag-ama niya. Natawa lang siya pagkatapos. "Sorry."
"Lampa," biro pa ni Thad, tumatawa, pero halos nakayakap naman sa baywang niya ang isang braso.
"Hoy!" asik niya rito.
"Mommy!" Nakatingala naman si Art habang yakap-yakap ang baywang niya. "Are you okay po?" may pag-aalala sa boses na tanong nito.
Ngumiti siya kay Art. "Of course, baby."
I'm always okay kapag kasama ko kayong dalawa.
"TUWANG-TUWA SI Art sa iPad niya," basag ni Sanna.
Thad smiled.
"Just monitor his usage at makakasama 'yon sa mata niya," sagot ni Thad sa kanya. "Here." Inabot nito sa kanya ang tasa ng chaa. Tumayo ito sa tabi niya at kagaya niya ay isinandal ang likod sa island counter. "Tulog na ba?"
She nodded. "Bago lang." Natawa siya bigla. "Na-e-stress ako sa iPad niya. Hindi ko alam paano gamitin. Wala namang ganoon sa panahon ko."
Natawa ito. "Meron naman na siguro 'di lang natin ma afford."
"Sabagay."
"Hindi naman tayo maluho noon."
"Maluho ako sa mga art materials at baking equipments. Mas interesado pa ako sa bagong oven kaysa cellphone." Uminom siya nang kaunti ng chaa. Gusto niya ang mainit na hatid nun sa kanyang lalamunan. "Sa pagpipinta at pagluluto lang halos umiikot ang buhay ko noon."
"Hindi ba sa akin?"
Marahas siyang napatingin dito. Thad was not looking at her but she saw mischief in his smile habang umiinom ito sa sariling tasa.
"Masyado ka talagang belib sa sarili mo, Apostol."
He chuckled. "Pikon ka talaga." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "I wonder if hanggang ngayon pikon ka pa rin?"
"Sino? Ng present Sanna? Baka. Lalo na kapag nagkita kayo. Baka 'di lang pagkapikon mararamdaman nun sa'yo pati na rin galit."
Nasamid ito sa iniinom kaya inihit ng ubo.
Natawa tuloy siya. "Goodluck talaga sa'yo."
"Ouch." Ngumiti pa rin ito.
Ilang segundo rin silang naging tahimik bago ulit siya nagkalakas ng loob magsalita.
"About us," basag niya.
Bumaling ito sa kanya. "Hmm?"
"'Yong sinabi mo sa'kin kagabi. About us being a family... How... How will we do that?"
"I've been thinking about that too."
"And?"
"Will it be okay if we sleep together?" Napakurap siya. Magtatabi sila ni Thad? Napalunok siya roon. Parang mas wala siyang tiwala sa sarili niya. "With Art, of course."
"I... I think... okay lang naman 'yon."
"Don't worry wala naman akong gagawin." He warmly smiled. "We'll just sleep together with Art."
"We're doing it for Art."
"Yes, for Art."
Pareho silang may tipid sa mukha bago ibinaling ang tingin sa harap. There shouldn't be no malice between them and she shouldn't hope for more.
"So, what happened next?" basag niya ulit.
"Next?" baling nito sa kanya.
Ibinaling niya ulit ang tingin nito sa kanya. "May kaunti akong feeling na hindi nabuo agad si Art."
Napakamot ito sa noo, suppressing his smile. "Why'd you think so?"
"Well, kung nabuo nga agad 'di sana 'di ka nagulat."
"Hmm." Umayos ito ng tayo sa tabi niya at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. "I actually don't know when, but all I can say is we were a bit... too passionate and wild at that time."
Namilog ang mga mata niya rito. "Seryoso? Ako?"
He nodded.
"Tayo," he corrected. "We were too young back then and we only care about ourselves. Masasabi kong kahit na komplikado ang relasyon na mayroon tayo noon... we really did enjoy it."
MID-JUNE OF 2010
Her shoulders sagged and she felt a sense of relief. Thank, God. She flushed the toilet at tinapos na niya ang ginagawa bago lumabas ng banyo. Outside, Thad was waiting for her. He looked anxious pacing back and forth in the living room. Nang makita siya nito ay mabilis itong lumapit sa kanya.
"How is it? Bakit sumakit ang puson mo?"
Tipid siyang ngumiti rito. She felt a little worried despite being thankful. Baka kasi magbago isip ni Thad. But ayaw niyang i-entertain kasi ayaw niyang mag-doubt kay Thad. He already said they'll try to be a real couple with or without her being pregnant.
"Dinatnan ako," sagot niya.
Titig na titig ito sa mga mata niya. "Dinatnan ka?" ulit nito. Tumango siya. "You mean, you have your period today?"
Tumango ulit siya. "I'm not preg –" Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin. "Thad?"
"Thank, God!" She heard relief in his voice. Mas lalo lang bumibigat ang kalooban niya. "We'll be careful this time." He cupped her face and kissed her forehead.
This time?
Anong meaning no'n?
Bahagya itong lumayo sa kanya. She remained in her position, looking confused, and wondering about what Thad had said.
Ngumiti ito sa kanya. "Do you want me to buy you something?"
"Thad –"
"I told you that I'll try to make this relationship work. Huwag mo sabihing pinagdududahan mo na ako dahil lang sa hindi ka buntis?"
Did she just hear a disappointment in his voice?
Nakagat niya ang ibabang labi. "I know... but I can't help it..." Malakas lang talaga ang loob niya noong araw na 'yon. Pero duwag pa rin siya.
Muli siya nitong niyakap. "Masakit pa rin ba?" pag-iiba nito.
"Medyo..."
"What do you want me to do?"
Pigil niya ang ngiti. "Bakit sa tingin mo may magagawa ka?" Iniyakap na rin niya ang mga braso rito.
He chuckled. "Baka lang naman may magawa ako."
"Wala, itutulog ko na lang 'to buong araw."
"Don't you have any cravings for that?"
"Wala tayong pera kaya huwag mo na ipaalala sa'kin."
Tumatawang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Puwede ba 'yong mag-crave ka ng mga pagkain na worth ten pesos below?" He tucked a loose strand of hair back behind her ear. "Pasensiya na at wala talagang pera 'tong boyfriend mo."
"Wala rin namang pera ang girlfriend mo."
Pareho silang natawang dalawa pagkatapos.
"Let's just stay at home?" he suggested.
"May tatapusin akong painting mamaya. Wala ka bang gagawin ngayon?"
"Akala ko ba matutulog ka lang?"
She chuckled. "After ko matapos ang pinipinta ko."
Sabado naman ngayon at kapag weekends lang talaga siya libre. Well, not libre dahil marami naman talaga siyang ginagawa.
"Hindi ka busy ngayon?" ulit niya kasi 'di naman sinagot ni Thad ang tanong 'yon.
"Kailan ba hindi?" he chuckled.
"O, 'di balikan mo na ginagawa mo."
"Mamaya na."
"Tinatamad ka na naman, 'no?"
"Medyo lang."
"Yong pagiging tamad mo pa naman medyo 'di ako naniniwala. Feeling ko patapos ka na sa mga pending mong gawain."
Natawa ito. "Academic slave?"
"Sige saka mo na balikan. Magpahinga ka na. Kumain ka na ba? Magluluto ako ng tanghalian na lang mun –" Akmang aalis siya nang hawakan siya nito sa siko. Napatingin ulit tuloy siya rito.
"Linggo bukas."
"Linggo nga, bakit?"
"Gusto mo mag-date tayo?" Natigilan siya. Thad looked at her with those hopeful eyes, may glint ng hiya. Mukha kasing kanina pa 'yon naglalaro sa isip nito at nagkalakas loob lang itong itanong sa kanya. "Naisip ko lang na ilang linggo na tayo pero hindi pa rin kita nailalabas nang pormal."
Natawa siya. "Ilang taon na tayong magkasama, Thad. Hindi na 'yon kailangan –"
"I know, pero iba pa rin 'yon."
Napangiti siya. She wouldn't deny it. Pero kinikilig siya kapag naggaganyan si Thad. Para kasing nahihiya ito kahit direkta agad nito 'yong inaalok sa kanya.
"Wala tayong pera," biro pa niya.
Binitawan nito ang kamay niya at nahilot ang batok. "Sa plaza na lang tayo?" He sheepishly smile. "Masarap naman fishball doon."
"Okay."
His face lit up. "After natin magsimba?"
"Okay."
Ngumiti ito at muli siyang hinila payakap. "We'll make this work." Kinantalan nito ng halik ang sintido niya.
"We will."
"Sanna!" Naitulak niya nang malakas palayo si Thad nang marinig ang boses ni Simon mula sa labas. Napangiwi ito sa sakit nang tuluyang matumba sa sofa. Tumama pa ang binti nito sa center table. "Susanna, nandiyan ka ba? Saan ba 'tong si Thaddeus? Iniwang bukas na naman ang bahay."
"I'm sorry," she mouthed.
Nakangiwing nag-thumbs-up lang si Thad.
Bumuga siya ng hangin at mabilis na sinalubong si Simon sa pinto. Susanna act normal! Huwag kang mag-panic. Inayos niya ang awkward smile at mas ginawang mas genuine. Baka after one year mabigyan na akong best actress award nito.
"Kuya Si!" bati niya rito.
Naikiling naman nito ang ulo nang masilip nito si Thad sa may sala. "Walangya, Thaddeus nandito ka lang pala?"
"Ang ingay mo."
Malakas na tumawa si Simon. "Sumahod ako kaya bumili ako ng chicken joy bucket." Itinaas nito ang plastic na dala na may laman ng mga in-take-out nitong mga pagkain. "Mag-early-lunch na lang tayo dahil may review class ako mamayang hapon." Tuluyan na itong pumasok sa loob at inilapag ang dala sa dining table.
Pansin niya namang nakangiwi pa rin si Thad. Hindi pa yata humupa ang sakit sa natamaang binti nito.
"Anong nangyari sa'yo?" puna ni Simon.
"Natapilok ako."
"Kalalaki mong tao natatapilok ka. Weakshit!"
Napamaang naman si Thad. "Wow naman Takeuchi!"
Natawa siya. "O, mag-aaway na naman kayong dalawa," singit niya. "Ang mabuti pa ay kumain na tayong tatlo."
Pero ayaw pa talo ni Thad. Ibinato nito ang throw pillow sa sofa kay Simon pero nailagan nito 'yon nang 'di man lang nililingon si Thad. Seryoso na amazed siya roon.
"Ninja ka ba noong nakaraang buhay mo Kuya Si?"
Ngumisi ito. "Talent 'yan."
"Wow."
"Hahaha!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro