Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23

DAY 7

2020 PRESENT

"MATUTULOG NA AKO," aniya at biglang tumayo.

Naglapat ang mga labi ni Sanna at hindi niya matignan sa mga mata si Thad. Nagpa-panic na inayos niya ang nakalugay na buhok kahit na nasa ayos naman 'yon. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.

"Sanna," kalmado nitong tawag sa kanya, nakatingala.

Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila. "Bukas na lang ulit... I mean mamaya or kung kailan hindi ka busy." Tinalikuran na niya ito. "Goodnight."

Walang lingun-lingon na iniwan na niya si Thad sa kusina at nagmamadaling umakyat sa itaas. Kamuntik pa siyang madulas dahil madilim. Nahigit niya ang hininga nang makapasok sa kwarto. Mabilis na isinirado niya ang pinto at napasandal doon. Namimilog ang mga matang napahawak siya sa kanyang mga pisngi. Pakiramdam niya ay kanina pa niya pinipigilan ang paghinga.

Hindi ako lasing nang may mangyari sa amin, so meaning may consent ko talaga 'yon. Dumaosdos siya ng upo hanggang sa sahig. At hindi lang 'yan, ako pa talaga ang nag-alok kay Thad na maging kami. Ay hindi.

Isipin niya munang mabuti.

I-analyze mo 'yan nang maayos, Susanna Evangeline! Nauna si Thad pero 'yon naman ay dahil nga may nangyari sa kanila. He's taking responsibility of her... Pero siya? Gusto niya ng totoong relasyon!

"God!" She buried her face on her palms. "Sanna, anong lakas ka mayroon nang mga panahon na 'yon?"

Hindi niya maalala ang eksaktong eksena pero nakakaramdam siyang pamilyaridad. Ang imagination niya kung saan-saan na napunta kahit 'di naman detalyado ang pagkukwento ni Thad nang gabing 'yon. Hindi naman siya sure if totoo ang mga eksenang tumatakbo ngayon sa isip niya o epekto ng mga binabasa niyang romance novels na fresh pa rin sa utak niya hanggang ngayon. Weird na nare-retain ang mga memories na wala naman gaanong major role sa buhay niya.

God, Susanna Evangeline Rama! Hindi kita kinakaya. Seryoso?

Tumayo na siya at lumipat na sa kama kung na saan si Art. Mahimbing pa rin itong natutulog habang yakap-yakap ang red crayon pillow na isa sa mga regalo ni Thad dito. She slid under the covers at pinagsawa na lang ang sarili niyang tignan ang mukha ng anak.

Alam kong mali at masyado pa kaming bata noon pero kung hindi ako naging matapang noon na sumubok ay walang Art sa buhay ko ngayon.

Mas doon siya nalulungot.

I want our Art.

But she shrugged the idea off her mind dahil nasa harapan naman niya ang anak.

Ngumiti siya at 'di napigilan na padaanan ng daliri ang ilong at pisngi nito. Hinding-hindi yata siya magsasawa sa mukha ng anak niya. Even now, kahit 'di niya naalala noong pinagbubuntis niya ito ay na-amaze pa rin siyang isipin that she was able to bring another life who looks exactly like Thad.

Siguro ang cute-cute nito noong baby ito? Ano kaya ang reaksyon niya sa tuwing umiiyak si Art? Natawa siya bigla. Mas naiimagine niyang nagpa-panic siya o 'di kaya umiiyak kasi 'di niya alam paano patahanin si Art.

She moved closer, halos yakapin na rin niya ang anak. She filled her lungs with his scent. She loved his smell. He smelled so much like Thad pero sa anak nila ay parang natural naman na 'yon. She couldn't get enough of him. Para bang hindi siya nabubuo na hindi nakikita si Art at hindi siya mapapalagay hanggat hindi niya nararamdaman na malapit lang ito sa kanya.

My little Art is always a vague fragment of colors in my mind but whenever I see him. He gives me a new perspective of life where I can continue to hope and be happy.

Hinalikan niya ang noo ni Art.

"Mommy loves you very much, baby, " bulong niya rito.

May idea na siyang hindi nabuo si Art nang gabing 'yon, otherwise, Thad wouldn't be shocked with Art's existence.

Mukhang mahaba-haba pa ang kwento namin ng daddy mo, Art.





"DADDY, LOOK PO."

Bahagya sinilip ni Thad ang drawing ni Art. Napangiti siya. Art was drawing him, hindi pa 'yon tapos pero halatang-halata na siya nga 'yon. For a nine year old ay masyado nang advance ang drawing skills nito. He felt a sense of proud as his father.

"Masyado naman yata akong gwapo sa drawing mo na 'yan, Art." Thad chuckled.

Itinigil niya muna ang pag-che-check ng buong floor plan layout ng isa sa mga project ng Dream Architect sa malaking computer at nag-focus sa anak niya. They're literally sharing a table. Malaki pa naman ang working table niya, itinabi niya lang ang iba niyang gamit, so Art can have more space. He let him use his swivel chair at in-adjust 'yon para maabot nito ang mesa. So far ay okay pa naman ang lumang upuan niyang gamitin kahit na sira na ang isang arm rest no'n.

Natawa siya kanina sa anak niya nang sabihin nito na sasamahan siya nitong magtrabaho para 'di raw siya malungkot.

He decided to just work at home today. Wala naman siyang naka schedule na meeting ngayon. All coordination meetings and concerns are feasible through emails and chat. Dinala niya na lang sa bahay ang mga kailangan niyang pirmahan na dokumento. The admin staff will pick it up later.

Malaki ang ngiti na tumango si Art. "Opo, Daddy! In-draw ko rin po si Mommy while nagko-cook po siya. Look po."

Binalikan nito ang unang pahina ng sketchbook nito at bumungad sa kanya ang drawing ni Art kay Sanna. Halos hawig ng estilo nang pagkakadrawing nito sa kanya. Malaki ang ngiti ni Sanna roon at kahit na lumalagpas sa linya ang pagkulay nito sa drawing ay maganda pa rin 'yon tignan.

"Ang ganda ng mommy mo riyan ah," komento niya.

Art's forehead creased. "Hindi po ba siya maganda kapag nakikita n'yo si Mommy, Daddy?"

Natawa siya. "Lagi namang maganda ang Mommy mo. Pero mas lalo siyang gumanda riyan sa drawing mo."

Lumapad na ang ngiti ni Art. "Daddy, ano po 'yong wedding?"

"Wedding?" Namilog ang mga mata niya rito. "Kanino mo naman 'yan narinig?" Kinuha niya ang isang brown crayon at inayos ang kulay ng buhok ni Sanna. His son didn't mind him meddling with his art, so he continued.

"Kasi po gagawin daw po akong ring bearer ni Tito Balti sa wedding niya and Tita Mari also wants me to be a ring bearer din po. Kaya ano po ang wedding? Bakit po may wedding?"

That's weird. Wala namang nabanggit sa kanya sina Balti at Jude. Siguro kay Sanna ng mga ito sinabi. Pero wala rin namang nabanggit si Sanna.

"Did you ask your mommy about that?"

Umiling ito. "Hindi po kasi kagabi lang po nila sinabi sa'kin. Sabi nila sabihin ko raw sa daddy ko if papayag kayo... saka kay mommy din po."

"I see."

"Ano po 'yong wedding, Daddy?"

"Well, Art," itinigil niya ang pagkukulay at itinuon ang pansin kay Art, "wedding is an event, kung saan nagpa-promise ang dalawang taong nagmamahalan na magsasama ng habambuhay," explain niya sa paraan na maiintindihan nito. "Just like your Tito Jude to your Tita Mari... and your Tito Balti to Tita Niña. They love each other kaya may wedding para puwede na silang magsama sa iisang bahay at bumuo ng family."

"Like us po? Like you and Mommy... we live in one house... and we are a family."

Tumango siya. "Oo. Parang ganoon." Ngumiti siya rito pagkatapos.

"Tapos na po ba ang wedding n'yo ni Mommy, Daddy? Kasi magkakasama na po tayo saka po nandito na po ako." Itinuloy nito ang pagkukulay pero siya naman ang natigilan. "Saka po bakit po may baby na sila Tita Mari tapos wala pa pong wedding?"

Patay tayo riyan, Thad. Napakamot siya sa noo. Sa pito at kalahating taon ko sa architecture ay hindi ko nakasalubong ang subject kung paano sumagot sa mga inosenteng tanong ng mga anak.

Dinaan na lang niya sa tawa. "Art, gusto mo ng iPad?"

Umangat ang tingin nito sa kanya, kunot na kunot ang noo. "Ano po 'yong iPad?"

Inabot niya ang iPad niya at ipinakita kay Art. "Here. It's digital gadget, bigger than a cell phone." Inabot niya ang cell phone at pinagkumpara ang dalawa sa harap nito. "But this iPad, you can digitally draw here. May kasama na 'tong pen."

Arts gasped at nangingislap ang mga mata. Sige Thad, i-bribe mo pa ang anak mo. Ngumiti siya. At least, it's working.

"Look." Ipinakita niya ang mga drawings niyang naka save sa iPad kay Art.

"Wow!" Manghang-manghang hinawakan ni Art ang iPad.

"You can also play games here. Ask your Tito Simon for help. Madami 'yong games sa iPad niya."

"Daddy gusto ko po nito!"

"Sige, bibilhan kita bukas."







NAPABALIK SI THAD nang makita si Sanna na bumalik din sa dinadaanan nito. She's acting weird. Kanina pa niya 'yon napapansin. Iniiwasan ba siya nito? Alam niyang nakita na siya nito dahil nahagip niya ang tingin nito.

"Sanna?" tawag niya rito.

Huminto ito sa paglalakad, halatang nagitla nang tawagin niya.

"May nakalimutan ako sa itaas," sagot nito nang hindi siya hinaharap. Inubos na lamang niya ang tubig sa hawak niyang baso. Wala naman siguro siyang sinabi na nagpailang dito. Maliban na lang siguro roon sa... "Akyat lang ako." Unang beses na may nangyari sa amin?

"Teka lang –"

Pero mabilis na itong nakaakyat sa hagdan.

Napabuntonghininga siya.

Okay, Thad, dalawa na ang problema mo ngayon. Mga tanong ni Art at mga reaksyon ni Sanna.

Napabuga siya ng hangin. "Bakit ba habang tumatanda ako ay dumadami ang mga problema ko?" 

Bumalik na lang ulit siya sa kusina dahil ginugutom siya ng mga problema niya sa buhay. He needed to make apt solutions with that before it goes out of control. Pero gagawin niya 'yon pagkatapos makakain.





"GAGA KA BA Sanna?" mahinang asik niya sa sarili. Lumingon pa siya para siguraduhing hindi nakasunod si Thad hanggang sa second floor. Wala namang tao kaya nagpatuloy siya sa paglalakad. "Bakit ka umiiwas kay Thad?"

She thought she could get over it paggising niya pero nang makita niya kanina si Thad ay bumalik lahat ng mga pinag-usapan nilang dalawa ni Thad kaninang madaling araw. Her romantic feelings for him plus their past made her imagine things that she shouldn't be thinking in a broad daylight. She was indeed curious about what happened next pero hindi pa siya handa kasi mukhang kailangan niya muna ng lakas ng loob.

Pero gusto n'yong kutusan ang sarili. Gusto niyang i-remind ang sarili that when she gave herself to Thad she was fully aware of its consequences kaya dapat wala siyang inaarte ngayon sa present. But that was her that she didn't remember!

"Ayoko na mag-isip." Hinawakan niya ang ulo. Pumipitik na ang sintido niya. "Ayoko na isipin dahil alam kong walang point dahil ginusto ko 'yon."

Napabuga siya ng hangin, she felt so defeated.

Susanna Evangeline kapag talaga... nako... ikaw. Hindi na talaga tayo bati kapag 'di ko na nagugustuhan 'yang mga desisyon mo sa buhay noon.





"UMALIS NA YATA si Thaddeus." Napukaw si Thad sa boses ni Balti, kasabay no'n ang sabay-sabay na tawa ng mga kaibigan niya.

Ako na naman nakita ng mga gagong 'to.

"Problema mo, Apostol?" nakangising tanong ni Math.

Kasama niya sa boardwalk sina Sep, Math, Jude, Balti, at Vier. Mukhang 'di busy ang mga loko kaya nag-iinuman na naman. Maliban kay Vier na tasa ng kape ang hawak.

"Magpahinga ka naman, Thaddeus," halakhak na tudyo ni Sep. "Inaaraw-araw mo na yata pagiging ulirang asawa mo."

"Gago," mura niya, napailing na lang din siya. Sanay naman na siya sa mga pang-aasar ng mga ito sa pagiging tahimik niya madalas.

Tinawanan lang siya lalo ng mga ito.

"Oo nga, Thad, kanina ka pa tulala riyan," segunda ni Jude, nilagok nito ang laman ng Beer pilsen na hawak nito sa kamay. "Alam kong pangit ako ka bonding kaya huwag kang gumaya sa'kin." Tumawa ito. "C'mon, share your problem."

Umayos siya ng upo, nakamot niya ang dulo ng isang kilay niya. "It's Art... and... Sanna," pag-amin niya huli.

"O, anong problema sa mag-ina mo?" singit ni Balti.

"Art is asking a lot of questions, thanks to you, Ser."

"Ay sus, maliit na bagay." Tawang-tawa si Balti. "Kaya nga ako best teacher kasi nag-iiwan talaga ako ng tanong sa mga estudyante ko. So, anong tinanong sa'yo ni Art?"

In-kwento niya sa mga ito ang napag-usapan nila kanina ni Art at ang paghantong niya sa pagbili ng iPad nito.

"Buti na lang talaga hindi ka naging politiko, Thaddeus." Ang lakas ng tawa ni Balti. "Ang dami mo na sigurong sinuhulan ngayon."

"Gago, Ser!" react ni Math.

"Sino ba teacher mo sa pagpapakatao at kakausapin ko?" dagdag pa ni Balti. "Ma'am, Sir, lumihis ang estudyante n'yo. Pakibalik naman po sa tamang landas."

Bahagya lang siyang natawa sa pang-aasar ng dalawa. Matagal na siyang sanay kina Jude at Simon. Normal na sa kanya ang inaasar. Maliban na lang sa mga taong 'di niya close. But with his friends, he can always make some adjustments.

"I don't know," pagpapatuloy niya. "I just don't have any idea how to answer him for now. Magulo at komplikado ang sitwasyon namin ng mommy niya kaya nahihirapan din akong ipaliwanag sa kanya 'yon."

"It's normal for kids to ask questions," sagot ni Vier. "Art is a smart kid."

"Saka magkahiwalay kayo ng kwarto, 'di ba?" ni Math. "Mapapansin 'yon ni Art dahil silang dalawa ni Sanna magkasama. Although 'di rin natin alam kung ano ang definition ni Art sa salitang pamilya."

"It's my fault. I haven't spent a lot of time with Art. Marami pa akong 'di nalalaman sa anak ko."

"E baka nga sa isip ni Art dapat magkasama lagi ang mommy at daddy niya," dagdag ni Sep, bahagyang nakatawa. "O, tapos 'tong si Thaddeus outside de kulambo pala. Baka isipin ng bata na nag-aaway ang mga magulang niya."

"O, ibigay na natin 'tong problema na 'to kay Doc Vier." Ibinaling ni Balti ang tingin dito. Natuon ang atensyon nilang lahat kay Vier. "Any advice tutal expertise mo naman 'to," dagdag nito sabay tawa.

Natawa si Vier.

"Kapag talaga usaping asawa at pamilya si Vier agad ang sagot," tawa ni Sep. "O, Philip Xavier shot ka muna bago ka magtrabaho." Inagaw ni Sep ang tasa nitong hawak at pinalitan ng beer na bote. "Mas lumalawak isip natin kapag may alak sa dugo."

"Gago ka talaga Kap!" ni Balti.

Natawa silang lahat.

"I suggest that you become a family first," salita ni Vier.  Hinawakan lang ni Vier ang bote pero 'di binawasan. "Maiiwasan ang pagtatanong ng bata kung ipapakita n'yo sa kanya na isang pamilya kayo. Habang lumalaki si Art marami siyang nalalaman at nakikita na puwedeng pagkumparahan niya sa sarili niya. If Art notices that his parents are different it will more likely result to more questioning."

"So magpapanggap nga sila Thad at Sanna na pamilya sila?" asked Math.

"Bakit pa sila magpapanggap e pamilya naman na talaga sila?" kontra ni Balti. "Naniniwala ba kayong walang feelings 'tong Thaddeus natin kay Sanna? Hindi na makakapag-asawa ang 'di naniniwala. Itaas ang kamay if the feeling is mutual na walang feelings si Thaddeus kay Sanna."

Walang nagtaas ng kamay.

"Nililinaw ko lang," Sep chuckled. "Hindi sa takot akong 'di makapag-asawa pero dahil naniniwala akong may malisya nga 'tong si Apostol kay Sanna."

"Ayaw ko na lang magsalita," halakhak pa ni Jude.

"You don't need to stress yourself out, Thad," may ngiting dagdag ni Vier. "As I said, Art is a smart boy, when he reaches the right age and if still, things didn't work out he will understand, but for now, give him a family... and be happy."





NATIGILAN SI THAD nang matanaw ang mag-ina niyang nakaupo sa labas ng gate ng bahay. Nakaunan ang ulo ni Art sa kandungan ni Sanna habang nakahaplos naman ang kamay ni Sanna sa buhok ng anak nila. The sight reminded him of the past. Sanna always waited for him to come home... lalo na kapag ginagabi na siya.

Hindi niya namalayan ang oras pero 'di naman siya lasing. Napasarap lang ang kwentuhan.

Umangat ang mukha ni Sanna, she probably noticed his presence. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. Bahagya siyang natawa at naalala na naman niyang buong araw na pala siya nitong iniiwasan at ngayon hinihintay pa siyang umuwi kasama ng anak nila.

Namulsa siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit siya. Umupo siya sa tabi nito at bahagya pang naisandal ang katawan niya rito.

Tangina, Thaddeus, pag-upo na lang 'di mo pa maibalanse ang katawan mo.

"Sorry," aniya, umayos siya ng upo.

"Nakainom ka, 'no?"

Natawa siya. "Kaunti lang naman."

When he glanced at her, Sanna grimaced. "Halata naman," baling nito sa kanya. "Namumula na 'yang leeg, pisngi, at tainga mo."

She always noticed the little details about me.

"Naiinis ka na niyan?" biro pa niya.

And I'm always fond of annoying her.

Kahit na noon ay naging habit na niyang asarin ito lalo na kapag naiinis na ito sa kanya. Ewan, he always find her annoyed facial expressions fascinating. Para 'yong magandang structural drawings sa paningin niya. Gusto lang niyang i-admire... kaso 'di naman siya nagsasawa.

"Ewan ko sa'yo."

"Huwag ka na magalit umuwi naman ako." Ngumiti siya rito bago ibinaba ang tingin sa mahimbing na natutulog na si Art. "Kanina pa ba kayo rito sa labas?"

Nang haplosin niya ang pisngi nito ay malamig. Malamig pa naman dito sa Faro lalo na kapag gabi. Buti na lang makapal ang tela ng pantulog nito. At least it made his son warm. Isa pa, alam niyang hindi pababayaan ni Sanna ang anak nila. 

Just like how she always takes care of me... of us.

"Ayaw niya na matulog na hindi ka pa umuuwi. Sabi ko nga sa kanya sa loob ka na lang hintayin kaso ayaw niya. Ang tigas ng ulo ng anak mo, Thaddeus. Manang-mana sa'yo."

Natawa ulit siya, inangat niya na ang tingin dito. "Sa'kin lang ba? Sa pagkaalala ko ay mas matigas ang ulo mo sa'kin." Napamaang ito. "And I don't think ang anak lang natin ang gustong hintayin ako."

Mas lalo lang 'di maipinta ang mukha ni Sanna. "Masyado ka namang belib sa sarili mo, Apostol."

"Hindi 'yon belib sa sarili, talagang gawain mo na 'yan simula noon."

"Aminado naman ako roon na ginagawa ko 'yan kahit wala pang tayo –"

He chuckled, "See?"

"God! I can't believe this."

Mamaya niyan kakausapin na nito ang sarili sa isip nito at pagsasabihan. Alam niya 'yon dahil mas naging keen siya pagdating kay Sanna noong maging sila. Mas mabilis na niyang nababasa ang nasa utak nito.

"Oh, huwag mo na awayin sarili mo."

"Hindi ko inaaway –"

"And let's talk about us," he cut her off.

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito. Titig na titig si Sanna sa kanya. "Us?"

Marahan siyang tumayo. "Us plus our Art." Naikiling nito ang ulo sa kaliwa, tila inaalisa pa rin kung tama ang naririnig nito. "I-add ko na rin ang pag-iiwas mo sa'kin ngayon ng buong araw." Lalong namilog ang mga mata nito. "Yes, Susanna Evangeline Rama, I see you."

Natutop nito ang noo habang nakatingin sa kanya, there is an awkward smile on her face. Natawa lang tuloy ulit siya.

"Thad!" inis na tawag nito sa kanya.

"Don't worry, hindi ko naman iniisip lagi 'yon. Siguro minsan lang kapag –" Umawang ang bibig niya nang paluin siya nito sa likod. Natawa lang din ulit siya. "Joke lang. Ito naman nanakit agad."

"E sa nakakainis ka!"

"Binibiro lang kita."

"Hindi ko na nga lang iniisip..." Pero napansin niya agad ang pamumula ng pisngi nito. "Basta 'yonna 'yon. Kung 'di naman 'yon nangyari 'di naman tayo magkakaroon ng Art."

"Isipin mo na lang na ako lang naman 'yon."

Masama ang tingin nito sa kanya. Lalo siyang na amuse nang yakapin nito nang husto ang katawan.

"Thaddeus Bernardo Apostol, huwag na huwag mo na 'yon isipin."

Nginitian niya lang si Sanna. "Okay." Tumango siya rito pero mukhang 'di naman ito kumbinsido. Actually, siya rin naman walang tiwala sa sarili niya. "But anyway, tungkol sa atin. Let's talk about it."

Umayos na ulit ito ng upo. "Sige, makikinig ako."

Humugot muna siya nang malalim na hininga at bumuga ng hangin. "Alam ko na komplikado ang sitwasyon natin ngayon," simula niya. "But I want Art to have a real family." Mapait siyang napangiti kay Sanna. "Mine was complicated, but I do not want Art to experience the same kahit na bilang ang mga araw n'yo rito sa tabi ko. Gusto kong magpakaama sa anak natin, Sanna. Pero kailangan ko ang tulong mo."

"Tulong ko? Paano?"

"Can I ask you one favor?"

"Ano?"

"Let's give Art the family he deserves." Hinugot niya ang dalawang sing-sing na binebenta sa convenience store sa boardwalk. Hindi 'yon totoo but it will do for now. "You'll be his mom." Inabot niya ang isang kamay nito at isinuot sa palasing-singan nito ang silver bond. It fits. Tama pa rin pala ang pagkakaalala niya sa size ng daliri nito. "And I'll be his dad." Isinuot niya naman ang kaparehong sing-sing sa palasing-singan niya.

Akala niya ay mag-re-react nang masama si Sanna pero bigla itong tumawa. Naiangat niya ang tingin dito.

"Thad lasing ka nga," akusa nito, lalo lang lumakas ang tawa nito.

"Seryoso ako."

"Bukas na lang tayo mag-usap. 'Yong matino pag-iisip mo."

"Bukas sasama kayo sa'kin dahil bibilhan ko ng iPad si Art at mamili tayo ng singsing."

Nanlaki ang mga mata nito pero mas tamang sabihing gusto na naman siya nitong upakan sa mga pinagsasabi niya.

"Ano na naman 'yan, Thaddeus? Gagastos ka na naman?! Masyado mo ini-spoiled si Art."

"May pera naman ako," parang batang rason pa niya. "At para sa inyo naman 'yan. Aanhin ko pera ko kung 'di ko gagastusin?" Sa huli ay tinawanan na naman siya ni Sanna. Nagsisimula na talaga siyang mainis. "Seryoso ako, huwag mo akong tawanan."

Biglang gumalaw si Art. "Daddy..." ungol nito. "Mommy... na saan po si Daddy?" tanong nito sa paos na boses at nakapikit pa rin ang mga mata.

Napangiti siya. "Nandito na ako, anak." Dahan-dahan niyang kinuha mula kay Sanna si Art. "C'mon, let's go inside para makahiga ka nang maayos."

Yumakap ang mga braso ni Art sa kanya. "Daddy... ang iPad ko, ha?"

Natawa siya. "Oo, bukas –" Marahas niyang tinignan si Sanna na siniko siya sa tagiliran. "Isasama natin mommy mo para naman ma appreciate niya ginagawa ko para sa'yo." May pagbabanta sa tingin niya rito.

Inambahan lang siya ng kamao ni Sanna. "Bahala ka sa buhay mo," she mouthed saka naunang tumayo at nilayasan na siyang tuluyan.

Sa huli ay bahagya lang siyang natawa. Tumayo na rin siya. Mayamaya pa ay nagsalita ulit si Art.

"I love you po, Daddy."

Napangiti siya.  "I love you, too, son."

"iPad ko po, ha?"

Natawa na naman siya. "Oo na. Bukas." Kasing kulit ka rin ng mommy mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro