Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

IDINIKIT NI SANNA ang sinulatang sticky note sa lunch box saka itinakip ang plastic food cover. Nakaalis na lang si Simon pero 'di pa rin bumababa si Thad. Pinalitan na lang din niya ng bago ang nasa lunch box para kapag bumaba man ito ay makakain itong dinner.

Bumuntonghininga siya saka malungkot na lumabas ng bahay. In-lock na niya ang pinto mula sa loob at pati na rin ang gate. Muli pa siyang lumingon para tignan ang bintana ng kwarto ni Thad. Nakababa pa rin ang mga kurtina at walang ilaw.

Siguro bukas niya na lang kakausapin si Thad.

Bumalik na siya ng bahay. Nagligpit ng mga kalat niya at sinigurong naka lock ang mga pinto at sarado na ang mga bintana bago siya pumasok sa kwarto. Ang maliit na ilaw lang sa kusina ang iniwan niyang bukas sa labas.

Naglakad siya sa direksyon ng kama pagkatapos patayin ang ilaw sa kwarto. Iniwan niyang bukas muna ang maliit niyang lampshade sa bedside table at nahiga na nakaharap doon.

Tinitigan niya ang picture frame nilang apat noong 18th birthday niya. Inabot niya 'yon para mas malinaw niyang matignan ang masayang mukha nilang apat lalo na ang mukha ni Thad.

Wala naman siyang pinagsisihan. Kung may pagsisihan man siya sa huli ay 'yon ang hindi siya naging matapang na sabihin kay Thad ang totoong nararamdaman niya.

She curled her body like a ball on her side of the bed and hugged that picture frame, rested it closely near her heart. Ipinikit niya ang mata at mapait na ngumiti... na sa huli ay nadagdagan ng mumunting hikbi.

All her life, she always wanted to be loved and to be accepted.

... to have her own family.

And she found that love and acceptance from them.

I'm also scared, Thad. I'm scared of losing everyone if I choose to love you more.

Lalo siyang napahikbi.

It scared her to death. Pakiramdam niya ay 'di niya kakayanin if mawawala sa kanya ang pamilyang ipinaramdam sa kanya ng tatlo. It will never be the same again without Thad, Simon, and Jude in her life. She will never be this happy.




"SANNA."

Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na siyang nakatulala sa garden. Napukaw lang siya nang marinig ang boses ni Thad. Napakurap siya at naiangat ang tingin dito. Hawak pa niya ang paso sa isang kamay. She wasn't expecting him to show up.

He looked exhausted, nanlalalim pa ang ilalim ng mga mata nito at magulo ang buhok.

"Thad!"

May kaunti siyang naramdamang saya kahit paano. Akala niya ay 'di na siya nito haharapin. Ibinaba niya ang hawak, hinubad ang gloves na suot, at tumayo.

Ngumiti siya rito. "Halika pasok ka –"

"We need to talk."

Bahagyang nawala ang ngiti niya sa sobrang seryoso ng pagbitaw nito ng mga salitang 'yon. It scared her. Ngayon lang kasi siya kinausap ng ganoon ka seryoso ni Thad. Hindi siya sanay.

Tipid siyang ngumiti. "Okay."

Nauna siyang pumasok sa bahay at nakasunod lang ito sa kanya. Seryosong-seryoso pa rin ang mukha at tila ba may malalim na iniisip. Naupo ito sa sa pang-isahang sofa at siya naman doon sa mahabang sofa. Ilang segundo rin siyang pinarusahan ng katahimikan nito bago ito nagsalita.

"I'll take responsibility of what happened to us," basag nito.

Naglapat ang mga labi niya. She knew Thad will say that, but she didn't want to be just a responsibility in his life. She wanted it to be real.

"I'm not your responsibility, Thad," sagot niya. Bumakas ang magkahalong gulat at pagkalito sa mukha nito. "Hindi naman ako lasing noong gabing 'yon. Alam ko ang ginagawa ko."

His forehead creased. "Sanna."

"Totoo 'yon... at saka hindi ibig sabihin na may nangyari sa atin ay responsibilidad mo na ako. My decisions, my consequences." Mapait siyang ngumiti. "Kaya huwag mo akong gawing responsibilidad, Thad."

Marahas itong bumuntonghininga, naitukod ang mga siko sa tuhod, at marahas na nahilamos ang mukha ng mga kamay.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." His hand rested on his head. "I don't know what came after me that night... I'm sorry..." Umayos ito ng upo at tinignan siya. "I shouldn't... we shouldn't... damn it!" Para itong maiiyak sa inis sa sarili. "Sanna, hindi ko dapat ginawa 'yon sa'yo. Hindi dapat nangyari 'yon."

Those last words hurt deeply.

He regretted it.

"Thad –"

"Paano kung mabuntis ka? Alam ko na hindi ako naging maiangat nang gabing 'yon." Muling naglapat ang mga labi nito, lalong dumidiin ang pagmamasahe nito sa mga kamay. "I'm nothing..." Bumuntonghininga ito. "I have nothing, Sanna."

"Thad, 'di pa naman sigurado na mabubuntis ako."

"But there is a possibility."

"Alam ko. Pero –"

Malakas na tinampal nito ang noo. "I fucked up again."

"Thad!" Bumuga siya ng hangin. "Pwede ba, pagsalitaan mo rin ako," bahagya nang tumaas ang boses niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "If it's a mistake for you, then it's not for me."

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito.

Humugot siya ng lakas ng loob. Whatever that comes out from her mouth. She will never take it back once she had said it.

"Mahal kita," amin niya.

In-expect na niyang magugulat ito sa sasabihin niya. It doesn't bother her anymore, so she continued.

"Matagal na... pero 'di ko lang masabi kasi alam ko naman na kaibigan lang ang turing mo sa'kin." Mapait siyang ngumiti. "Lalo lang akong nawalan ng lakas ng loob noong naging kayo ni Melissa. You didn't hear anything from me kasi alam ko na masaya ka sa kanya. Nakikita ko 'yon."

"Sanna –"

"But I stayed as your friend because that's the only thing you can offer." Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Sabi ko, okay lang 'yon at least pwede akong manatili sa tabi mo. Pero sino bang niloloko ko?" May luhang umalpas sa kanyang mga mata nang tawanan niya ang sariling tanong. "Sino ba naman kasing tangang nagmamahal ng lihim na masaya? Pero dapat ako maging masaya para sa'yo. Kasi 'yon ang tama. Pero ang hirap... ang hirap magkunwaring masaya... kasi lalong lumalalim ang sakit."

Marahas niyang pinahid ang mga luha sa mukha. Finally, she was able to say it.

"Sanna... I didn't know..."

"Alam ko... kaya 'di mo kasalanan."

Muli silang binalot ng katahimikan. Malalim itong nag-isip. Habang nakatingin lang siya sa kanyang mga kamay. Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin kay Thad ang gusto niya. It would be a big risk... and she might lose Thad forever if it wouldn't work.

Thad will moved on and forget Melissa. He will find someone new... learn to love her... and decides to marry her. But that thought makes her uncomfortable. Ayaw na niyang maging kaibigan lang ni Thad. She wanted him to love her for real.

"I don't want you to take responsibility of me," basag niya, nag-angat ito ng tingin sa kanya. She took that chance to look at him straight in the eyes. "But I want us to try..."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I want to be your girlfriend," matapang niyang sabi rito. "Let's try, Thad. Let's give our relationship a chance. And I won't demand anything from you. Gusto ko lang maging totoo tayo sa isa't isa at subukan kung puwede nga ba tayong dalawa. I can give you all the time to think about it, but please reconsider it."






NAGISING SI SANNA na mabigat ang pakiramdam. Ang pait ng panlasa niya at ang init-init din ng pakiramdam niya. Nagbalak siyang bumangon pero napapahiga ulit siya. Pakiramdam niya ay matutumba lang siya kapag pinilit niya. Nanatili na lamang siyang nakahiga at nakapikit ang mga mata. Pagod na pagod ang pakiramdam niya.

Kahapon pa masama ang pakiramdam niya. Ngayon lang yata siya bumigay. Sinalat niya ang noo nang 'di iminumulat ang mga mata. Ang init ng noo niya. Pati ang buntonghininga niya ay mainit din.

"Sanna, bangon..." Itinukod niya ang mga palad sa kama para piliting maiangat ang sarili. "Na saan na ba 'yong thermometer ko?" Hinagilap ng mga paa niya ang tsinelas sa sahig at isinuot 'yon bago naglakad sa direksyon ng study table niya. Naalala niyang sa drawer niya 'yon nailagay.

Bumalik lang ulit siya sa kama nang makita ang thermometer. She checked her temperature. Sana hindi gaanong mataas. Pero sa init ng katawan niya ay mukhang sarili lang niya niloloko niya. Tumunog na ang theremometer at pagtingin niya roon ay 38.5 celsius ang lagnat niya. Tuluyan nang nanghina ang katawan niya at muli siyang napahiga sa kama.

"Mamatay na yata ako..." bulong niya sa kawalan.

Tumitig siya sa kisame.

It's been two days since her confession. Thad didn't answer her that day as expected. Sabi nito pag-iisipan nito. Umalis din ito pero 'di nagsabi kung saan pupunta. Hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Next week pa naman magsisimula ang klase kaya malaya pa nitong gawin ang gusto nito.

Maliban sa kanya na gusto nang pagsisihan ang mga pinagsasabi niya rito. Malakas lang talaga loob niya nang araw na 'yon pero expired na siya ngayon.

Napangiwi siya at gumulong pa sa kabilang panig ng kama. Naiiyak siya na gusto niyang sabunutan ang sarili. Normal naman sigurong magsisi after a few days nang pagpapakatanga, 'di ba?

"Ouch." Nahawakan niya ang ulo nang gumuhit ang sakit sa ulo niya. Nahihilo siya at pumipitik na rin ang sintido niya.

Gaga ka talaga madalas Susanna Evangeline Rama! Hindi minsan dahil mas madalas sa'yo.





HINDI ALAM NI Sanna kung ilang oras na siyang nakatulog sa sofa sa sala. Patay ang electric fan kaya nang magmulat siya ay ramdam niya ang pamamawis ng likod at mukha niya.

Pagkatapos niyang uminom ng gamot kanina ay muli siyang nakatulog. Akmang babangon siya nang magulat siya sa nakita. May nahulog na maliit na puting bimpo mula sa kanyang ulo nang tuluyan na siyang bumangon.

"Thad!" singhap niya.

Teka, paano? Bakit? Bumalik na si Thad?

Napalunok siya sa nakikitang pagseryoso ng mukha nito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa at mukhang kanina pa nagbabantay sa kanya. Pagbaba niya ng tingin ay saka lang niya napansin ang water basin sa center table.

Wala no'n kanina sa naalala niya.

Si Thad ba ang nagpunas sa kanya at naglagay ng bimpo sa noo niya?

"Ang taas ng lagnat mo kanina," basag nito, kalmado naman ang boses nito at may nahimigan siyang pag-alala.

Lumipat ito ng upo sa paanan niya at sinalat ang kanyang noo. Maliit lang naman ang distansiya dahil halos nakatiklop na ang kanyang mga binti.

"Uminom ka ba ng gamot bago ka nakatulog?" She nodded. "Mukhang mababa na ang lagnat mo. Anong gamot ang ininom mo?"

"Paracetamol."

"Wala nang iba?"

Tumango ulit siya. "Bakit?"

"Naniniguro lang." Inalis nito ang nahulog na bimpo at ibinalik 'yon basin. "Ayaw ko na umiinom ka ng kahit anong gamot habang 'di pa tayo sigurado na wala talagang nabuo. Iniisip ko lang ang baby."

Napabuntonghininga siya. "Thad–"

"Just in case," he insisted.

Sa tingin din kasi niya ay hindi siya fertile nang gabing 'yon. Hindi sa ayaw niya ng anak kay Thad. Ayaw lang niyang magdagdag ng problema rito sa ngayon. Alam niyang mahihirapan silang pareho kapag nabuntis siya. She was hopefully praying na sana wala muna talagang mabuo.

"Kumain ka na ba?" tanong ulit nito.

"Kanina pero kaunti lang dahil wala akong gana."

"Nakita ko nga ang tira mo sa mesa. Halos hindi mo binawasan."

Muli na naman silang binalot ng katahimikan. Nagiging madalas na talaga 'to simula nang may mangyari sa kanila. Bigla-bigla ay nagiging awkward na lang ang mood sa pagitan nilang dalawa kapag wala na silang maisip na pag-usapan.

"Kanina ka pa ba nakauwi?" basag niya.

"Two hours ago."

Naglapat ang mga labi niya. "Kumain ka na?" Ang awkward talaga.

"Busog pa naman ako. Ikaw, gutom ka na ba? Ipagluluto kita kahit ano."

Nilasahan niya ang dila. Mapait pa rin pero kumakalam na ang tiyan niya. "Oo, pero 'di ko alam kung anong kakainin ko."

"Lugaw lang kinain mo kanina. Kaya mo na bang kumain ng kanin? Gusto mo ng nilagang baka?"

"Ipagluluto mo ako?" Medyo paos pala kaunti ang boses niya. Ngayon lang niya napansin.

"Oo."

Natakam siya sa mga pagkain na 'yon. Madalas siya ang nagluluto sa tatlo pero noong wala pa siya ay si Thad talaga ang kusinero ng mga ito. Although marunong naman magluto talaga ang tatlo.

Tipid siyang tumango. "Sige, kung 'di abala."

"Sa kwarto ka muna." Tumayo ito sa harap niya at bigla na lang siyang binuhat. Sa gulat niya ay napasinghap at napakapit siya rito nang husto.

"Thad! Ibaba mo ako." Pinalo niya ito sa balikat. "Kaya ko namang maglakad."

"Mas mabilis kung bubuhatin kita." Hindi siya nito pinakinggan at buhat-buhat na dinala siya nito sa kwarto niya. "Palitan mo na rin ang damit mo bago ka matuyuan ng pawis." Dahan-dahan siya nitong inihiga sa gilid ng kama. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling titigan ito kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

"Thad?"

Nagtataka siya kung okay na ba sila o nakapag-decide na ba ito. Gusto niyang inaalagaan siya ni Thad pero 'di niya naman alam kung bakit nito 'yon ginawa. Siguro bilang kaibigan.

Nang mag-ingat ito ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Siya naman ang gustong umatras. Nalulunod siya sa titig nito. Para kasing may nag-iba sa kung paano siya titigan ni Thad. Hindi niya lang alam kung ano.

"We'll talk after we eat."

Kagat ang labing tumango siya. "Sige."

There was warmth in his smile. Natigilan siya roon dahil 'yon ang unang beses na nakita niya ulit itong ngumiti na hindi pilit. Simula kasi noong nakipag-break si Mel rito at may nangyari sa kanila ay ang ilap ng ngiti nito sa kanya. Simple lang ang ngiting 'yon. Pero nakakatuwa pa ring medyo nagkabuhay na ulit ang mukha nito.

"Are you sure you can dress by yourself?" bigla ay tanong nito.

Namilog ang mga mata niya at dahan-dahang naiyakap ang mga braso sa katawan. "K-Kaya ko... salamat."

Napangiwi siya sa isip. Kahit naman nakita na nito lahat ay nahihiya pa rin siya. At saka kaya niyang magbihis mag-isa!

Tumango ito. "Sige. Kapag kailangan mo ng tulong ay tawagin mo lang ako."






"SA TAGAL NATING magkaibigan ngayon ka lang yata nagkasakit," komento ni Thad.

Pabalik na sila ng bahay. Naglakad-lakad lang silang dalawa sa labas para makalanghap siya ng hangin. Medyo okay naman na ang pakiramdam niya. Mas magkakasakit yata siya kapag nanatili siya sa bahay. Makapal naman ang tela ng suot niyang dress at ang cardigan niya.

"Malakas ang immune system ko e," nakatawa niyang sagot.

Pero sa totoo lang ay ayaw na ayaw niyang nagkakasakit. Wala kasing nag-aalaga sa kanya. Madalas mag-isa lang niyang inaalagaan ang sarili niya.

"Saka sa panahon din," dagdag niya. "Mainit sa umaga tapos malamig sa gabi. Minsan bigla na lang din uulan." Natigilan lang siya nang pasimple nitong inayos sa katawan niya ang suot na white cardigan. Napangiti siya roon. "Salamat."

"Hindi ka naman nilalamig?"

Umiling siya. "Hindi naman masyado. Mas ramdam ko na nga ang lakas ko ngayon. Magaling kang mag-alaga e."

Mahina itong natawa. "Sabi nga nila magaling akong mag-alaga ng ibang tao pero hindi ko naman kayang alagaan ang sarili ko."

Ngumiti siya. "Ako rin."

"Sanna."

"Hmm?"

"About what you said... pinag-isipan ko nang mabuti." Bigla siyang kinabahan. Babalik yata ang lagnat niya sa biglang kaba na nararamdaman nang mga oras na 'yon. "I don't know if it will work out... but... maybe we can... try..."

Nang iangat niya ang mukha rito ay nakatingin na pala ito. Pareho silang tumigil sa paglalakad. Napako na yata ang mga mata niya rito.

"Thad?"

Napakamot ito sa noo. "I know this isn't the right time to commit in a relationship with you." Umayos ito ng tayo at hinarap siya nang maayos. "Kaka-break lang namin ni Mel at ayoko namang isipin mong rebound ka lang. Maybe we can take it one step at a time until we get used to it."

Hindi niya napigilan ang ngiti niya. Pakiramdam niya ay nakatanggap siya ng regalo kahit 'di naman niya birthday. Gusto niya itong yakapin pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

"Pero girlfriend mo na ako?"

Tumango ito. "If you want."

"Pera teka," may naisip lang siya bigla, "hindi naman siguro dahil sa may posibilidad ngang buntis ako –"

"No," he cut her off. "Inalis ko na 'yon sa rason dahil ayaw mo ngang itrato kitang responsibilidad lang, but if in case you get pregnant ay wala kang choice kundi ang pakasalan ako dahil wala akong balak na lumaki ang anak natin na hindi kompleto ang pamilya, but rest assured na magiging totoo ako sa nararamdaman ko sa'yo."

Lumapad ang ngiti niya. Ang saya-saya niya. Nawala na yata ang lagnat niya. Sa sobrang saya niya ay niyakap niya si Thad. Naramdaman pa niya ang pagkagulat nito.

"Sanna?"

"Thank you, Thad!" Humigpit lalo ang yakap niya rito. "Thank you!"

Marahang yumakap ang mga braso nito sa kanya. "Hindi ko pa masasabi sa'yo ang mga salitang gusto mong marinig sa'kin pero kapag alam ko na kung paano 'yon sasabihin ay ikaw lang ang makakarinig no'n."

Naiyak na siya.

Sapat na sa kanya ang mga salitang 'yon. Hindi naman siya nagmamadali. Kaya niyang hintayin ang araw kung kailan buong-buo na ang pagmamahal nito sa kanya.

"Pero sa ngayon." Naiangat niya ang mukha rito. Pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi na muna natin sasabihin kina Jude at Simon ang tungkol sa relasyon natin."

Naiintindihan niya.

Dahil kapag nalaman ni Kuya Si ang nangyari sa kanila at ang ginawa niya ay hindi ito matutuwa at alam niyang magagalit ito at tututol sa relasyon nilang dalawa ni Thad. Suportado ni Kuya Si ang lihim na pagmamahal niya kay Thad pero hinding-hindi nito susuportahan ang pakikipagrelasyon niya kay Thad ngayon lalo na't kaka-break lang nito at ni Melissa.

And Jude for sure will be also against it.

Tumango siya.

"We'll keep it for now," aniya.

Thad smiled. "For now, pero kapag naging okay na ang lahat sasabihin din natin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro