Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

"THA -"

Napasinghap si Sanna sa gulat sa naabutang eksena sa sala ng bahay nila Thad. Natutop niya ang bibig sa pagkabigla. She watched in horror nang dumapo ang likod ng kamay ng matandang lalaki sa mukha nito. Kitang-kita niya kung gaano nasaktan si Thad.

Agad na nagmarka ng pula ang pisngi nito.

"Thad?"

Gulat na ibinaling ni Thad ang mukha sa kanya. "Sanna?"

Dumaan sa mga mata nito ang magkahalong lungkot at pagkapahiya. Ramdam niya ang biglang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata nang bahagya itong ngumiti sa kanya.

"It's okay..."

No, Thad, you're not okay.

"Thad -"

Napaatras siya nang tignan siya ng matandang lalaki. Doon niya lang na namukhaan ang hitsura nito. Hindi siya puwedeng magkamali. Ito ang ama ni Thad. Matalim ang tingin nito sa kanya at halata ang malaking disgusto sa kanya.

Ibinalik nito ang tingin kay Thad.

"You are always such a disappointment to me Thaddeus. Since from the start alam kong ipapahiya mo lang ako."

Nasaktan siya sinabi ng ama nito lalo na nang makita niyang parang gumuho ang mundo sa mga mata ni Thad. Kitang-kita niya kung gaano kasakit ang mga salitang 'yon kay Thad. Ramdam na ramdam niya.

"Pa -" Bahagyang pumiyok ang boses ni Thad, nangingilid ang mga luhang mukhang kanina pa nito pinipigilan. "Makakabawi pa naman ako... hindi naman dahil sa..."

"I've heard enough, but it wouldn't change the fact na hindi ka pa rin makakagraduate ngayon. Ano na lang iisipin ng mga tao sa'kin? Na may bobo akong anak? At hanggang ngayon kahit puro pagbubulakbol ang ginagawa ni Jude ay hindi mo pa rin siya mahigitan."

Naikuyom na lamang ni Thad ang mga kamay sa gilid nito at napayuko. "I'm sorry, Pa."

"Diyan ka naman magaling. Ang laging magkamali. Kailan ka ba matututo sa buhay Thaddeus? Hindi sa lahat ng panahon ay nandito ako para sa'yo. For once, grow up."

Enough!

Hindi na niya kayang makitang pinagsasalitaan nang ganoon si Thad. Lahat ng mga ginagawa nito ay para sa papa nito. Para maging proud ito sa kanya pero 'di man lang nito makita ang mga efforts ni Thad.

Alam niya at nakikita niya ang pagsisikap nito na maging mahusay na architect. Kahit na minsan ay nawawalan ito ng kumpyansa sa sariling kakayahan, but he still persists. Thad never gives up kahit na pagod na pagod na ito. Pero lahat nang mga 'yon ay kulang pa rin sa papa nito.

"Tito, makakagraduate pa naman po si Thad," lakas loob niyang sabi. Kahit nanginginig at nanlalamig niya sa malamig na tingin ng ama nito. "I-extend niya lang po ang thesis niya dahil marami pong revisions at nagkaproblema din po talaga sa location ng pinagbasehan niya pero sabi naman po ng prof niya ay malaki ang potential ng thesis ni Thad na mapiling –"

"I'm not asking about your opinion. Huwag kang mangialam sa pag-uusap namin ng anak ko."

"Papa!"

"Enough!" Natahimik silang dalawa ni Thad. Bumuga ito ng hangin at muling ibinalik ang tingin kay Thad. "Bahala ka na sa buhay mo, Thaddeus. Hindi na kita pakikialaman pa. Do whatever you want now."

Tinalikuran na nito ang anak at isang beses pa siyang tinignan nang masama nang dumaan ito sa harap niya. Nakakababa ng pakiramdam ang tingin nito. Para bang hinusguhan agad nito ang buong pagkatao niya.

"Thad!" Lumapit siya rito at hinawakan agad ang mukha nito. Naiyak na siya nang makitang umiiyak ito. Parang dinudurog ang puso niya. Hindi man lang ito makatingin sa kanya. "Thad..."

"I'm sorry," mahina nitong sabi.

"Wala kang kasalanan, okay?" Marahan niyang hinaplos ang namumula nitong pisngi. Napansin niya ang maliit na linya ng sugat sa mukha nito. Mukhang dumiin ang sing-sing na suot ng ama nito kanina. "Gamutin natin 'to para 'di na masakit, ha? Okay lang 'yan." Napilitin itong iangat ang tingin sa kanya, hilam pa rin ng mga luha.

Mapait itong ngumiti. "I'm such a disappointment."

"Hindi ka disappointment. Hindi ka lang niya naiintindihan." She cupped his face at sa pagkakataon na 'yon yumugyog na ang mga balikat nito sa pag-iyak. "Thad." Niyakap niya ito nang sobrang higpit, pati siya ay hindi mapigilan ang mga luha. "Okay lang 'yan. Iiyak mo na lang muna 'yan. Nandito lang ako."

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Tila ba takot na takot itong bitawan niya ito. Kaya lalo niya itong niyakap para iparamdam dito na hinding-hindi niya gagawin 'yon. Hinding-hindi niya iiwan si Thad hanggat sa gusto pa nitong makasama siya.

"Nandito lang ako..."




NILAPATAN NI SANNA ng ointment ang nasugatang pisngi ni Thad kanina. Medyo nag-subside na rin ang pamumula ng pisngi nito ngayon. Nilagyan niya rin ng band aid ang sugat nito sa pisngi. Malakas kasi talaga ang sampal ng ama nito rito kanina kaya alam niyang hanggang sa mga oras na 'yon humahapdi pa rin.

Ngumiti siya habang inililipat ang niluto niyang carbonara sa malaking lalagyan. May sobra pa naman siya kaninang ingredients kaya nagluto siya.

Favorite kasi 'yon ni Thad, gustong-gusto nito ang timpla ng carbonara niya. Nag-toast din siya ng garlic bread kasi gustong-gusto rin 'yon ni Thad. Saka iced coffee na may gatas at medyo matamis.

"Gutom ka na?" tanong niya.

Kanina pa ito tulalang nakaupo sa isa sa mga silya sa dining table. Hindi lang pisngi ang namumula pati na rin mga mata nito. Wala sina Jude at Simon sa bahay dahil magkasabay ang retreat schedule ng dalawa, two days and one night lang naman 'yon, so bukas pa uuwi ang mga 'yon.

"Thad?" tawag niya rito dahil mukhang 'di siya nito narinig. Tinapos niya na lang ang ginagawa at inilapag ang lalagyan ng carbonara sa harapan nito. "Your order is ready, sir."

Napakurap ito at napaangat ng tingin.

Ngumiti siya. "Buti naman nakabalik ka na sa planet earth, Sir Thad."

"Sanna." Napakamot ito sa noo. "Sorry. Tulungan na kita." Akmang tatayo ito nang dumukwang siya para hawakan ang isang balikat nito para paupuin ulit ito.

"Ay hindi! Maupo ka lang diyan. Tapos naman na ako. 'Yong iced coffee na lang kukunin ko. Chill ka lang."

Tipid itong ngumiti. "Thank you."

"No problem basta ikaw." Iniwan niya muna ito para kunin ang dalawang iced coffee na ginawa niya. "Nga pala, nasabi mo na ba kay Mel ang tungkol sa pag-extend mo ng isa pang semester?"

Inilapag niya ang iced coffee nito sa mismong harapan nito at sa puwesto naman niya ang kanya, just across Thad.

"Nasabi ko na."

"Anong reaksyon niya?"

"Wala naman. Sabi niya lang wala naman na daw magagawa pa."

Isa siya sa mga unang nakaalam ng tungkol sa masamang balita. Noong unang sabihin 'yon ni Thad ay ramdam niya ang takot nito dahil nag-aalala ito sa magiging reaksyon ng ama nito. Nagkaproblema talaga si Thad sa thesis nito. Lalo na sa lokasyon ng model scale ng ginagawa nitong building.

Akala nito magagawan nito ng paraan pero ang prof na mismo ang nagsabi na hindi kakayanin na ipasa ang thesis nito. Bumagsak talaga ito pero hindi naman ibig sabihin ay gagawa ito ng bago. Kailangan lang nitong i-review ulit lahat at siguruhin na tama lahat ng mga calculations, drawings, at safety measures sa itatayo nitong building. Ginahol talaga ng oras si Thad.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa totoo lang," basag nito. "Feeling ko 'di ko kaya..."

"Kaya mo, 'di ba, sabi nga ng prof mo ay malaki ang potential ng thesis mo na maging best thesis kung aayusin mo at hindi mamadaliin."

"But it does not guarantee na magiging best thesis siya -"

"Pero malaki nga ang potential kung 'di mo ipipilit na tapusin agad. May isang sem ka pa para trabahuin ang lahat ng kulang mo. Thad, isang buong sem na walang ibang subject kundi thesis mo lang. Kaya huwag kang panghinaan ng loob. Matatapos mo 'yan at makakagraduate ka sa October."

Tipid lang itong ngumiti sa kanya pero bakas pa rin ang pagdadalawang-isip sa mukha nito. At alam niya kung bakit nawalan na naman ito ng kumpyansa sa sarili.

Ang mismong papa ni Thad.

"Alan mo, huwag mo muna isipin 'yong mga sinabi ng papa mo. Mag-focus ka na lang dito... sa thesis mo. At saka, hindi naman ibig sabihin na kung may bagsak ka ay wala ka nang mararating sa buhay. Do not let your grades define your future, Thad. Magaling ka at naniniwala ako na magiging isa ka sa mahuhusay na architects sa bansang 'to."

Bumuntonghininga na naman ito. "Sana nga..."

"Hindi lang sana, kasi oo 'yan. Tama na nga kakabuntonghininga mo riyan. Ang mabuti pa ay kumain na tayo para bumalik na 'yang lakas mo. Kalimutan muna natin ang nangyari kanina."

Ngumiti ito. "Gutom na rin talaga ako."

"Alam ko at inihanda ko 'yan kasi alam kong favorite mo mga 'yan."

"Na miss ko 'to. Ang tagal na noong huling beses mo akong pinagluto."

Natawa siya. "Busy tayong lahat e."

"Nga pala," hinuli nito ang tingin niya, "may hiling sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Let's not tell Jude and Simon about what happened earlier. Kilala mo naman ang dalawang 'yon."

Nakangiting tumango siya. "Sure! It's a secret."

"Thanks, Sanna."





"CONGRATULATIONS!!!" sabay na sigaw nilang dalawa ni Thad.

"Group hug!" Sinugod naman agad sila ng yakap nila Simon at Jude na naka toga pa. Initsa pa ng dalawa ang mga kap ng mga ito. Tawang-tawa lang silang apat habang dikit na dikit sa isa't isa. "I love you, guysssss!"

"Sila lang ba?"

Mabilis na humiwalay si Kuya Si sa kanila nang marinig ang boses ng Lola Simona nito. Agad na lumapad ang ngiti nito. "Lolaaaaaaa kooooooo!" sigaw nito sabay takbo sa direksyon ng lola nito. "Lolaaaaaaa!" Pinaggigilan nito ng yakap ang matanda na walang ibang nagawa kundi ang tumawa at magpadala sa yakap ng apo. "Lola, nakapagtapos na ang favorite apo n'yo."

"Loko kang bata!" Nakatawang pinalo nito sa likod ang apo, kumalas naman ito sa matanda para matignan ang mukha ng lola nito. "Ikaw lang naman ang apo ko."

Malakas na tumawa si Kuya Si at ipinakita pa rin ang medalya nito. "Tignan mo, La, may medal ako."

"Kita ko nga."

"Inggit ka?"

"Ewan ko sa'yo –" Namilog ang mga mata ng matanda nang nakawan niya ito ng halik sa pisngi. "Simon!" Pinalo nito sa dibdib si Simon. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti. Ang cute talaga nila Lola Simona at Kuya Simon.

May hawig naman ito sa lola nito pero sabi ni Simon mas kamukha raw ng mama nito ang lola nito. Kaya raw mahal na mahal nito ang lola nito dahil nakikita nito rito ang yumaong ina at ang lola lang din nito ang nag-alaga rito simula noong namatay ang ina at kuya nito at nag-asawang muli sa Japan ang ama nito.

"La, proud ka ba sa'kin na Magna Cum Laude ako?"

"Manang-mana ka talaga sa lolo mo. Kinakain n'yo lang ang mga numero."

Tawang-tawa lang si Kuya Si. "Naman!"

Sumingit naman si Jude at lumapit pa sa mag-lola. "La, wala akong medal pero may diploma naman ako. Proud ka rin ba sa'kin?"

Natawa ang matanda. "Mahal na mahal ko kayong apat at hindi ko kailangan 'yang mga pinagsasabi n'yo. Hanggat masaya kayo sa mga ginagawa ninyo ay masaya na rin ako."

"A-Apat po?" hindi niya maiwasang tanong, napatingin pa siya sa likod. "Sino po ang pang-apat, Lola?"

"S'yempre ikaw ang pang-apat," nakangiting sagot ni Thad.

Namilog ang mga mata niya. "Ako?"

Tumango at ngumiti si Lola Simona sa kanya. "Oo, Susanna. Ikaw ang pang-apat ko na aangkinin kong apo."

"Lola..." Na touched siya sa sinabi nito kaya 'di niya mapigilan na lapitan si Lola Simona at yakapin. "I love you din po."

"Kaya, kayong tatlo, ingatan n'yo talaga ang prinsesa ko."

Kumalas siya ng yakap dito at mas piniling yakapin ang isang braso nito. Natatawa siya sa mukha ng tatlo. Si Kuya Si na napakamot na lang sa ulo. Si Kuya Jude na may kakaibang tingin kay Thad. Ewan kung bakit ganoon ang tingin nito kay Thad. Siniko naman nito si Jude na sa huli ay natawa lang.

"Sabi ko na e, late ako!"

Napatingin sila sa nagsalita at nakita si Faith na bahagyang nakayuko at nakahawak pa sa mga tuhod nito, hingal na hingal.

"Faith!" Mabilis na lumapit dito si Jude.

"Sorry." Umayos ito ng tayo. "May importante kasi akong hinatid... tas .... nahirapan pa ako sumakay ng jeep papunta... rito."

Halatang-halata sa mukha ni Jude ang kilig. Kanina may pasabi pa itong nagtatampo na ito dahil wala si Faith. 'Yon pala, late lang.

"Ayieeeee!" tukso pa ni Simon. "May isang tao riyan na buo na ang araw."

"Hoy gago!"

"Faith, i-extend mo pa ng isang taon paghihirap niyang si Hudas para masaya."

Natawa lang si Faith. "Sige, mabilis naman akong kausap."

Napamaang si Jude. "Ataya jud nimo Simon oy!" Sinugod nito si Kuya Si. "Ikaw talaga ang pighati sa lahat ng saya ko."

Tumatawang sinalo lang lahat ni Simon ang mga suntok at sipa ni Jude. "At ang pighati mo ay kasiyahan ko naman."

"Gago!"

"Tama na 'yan!" saway na ni Lola Simona. "Mabuti pa ay magpakuha na tayo ng litrato."

"Ako na kukuha!" presenta pa ni Faith.

"Here." Lumayo muna siya kay Lola Simon para maibigay niya ang digicam kay Faith. "Palitan na lang tayo mamaya. Ako naman kukuha."

"Sure! Sure!" Lumapit na ulit silang apat sa matanda. "Closer pa."

Nasa gitna nila si Lola Simona, nakaakbay rito si Simon. Sa kaliwa naman siya ng matanda at nakayakap sa isang braso nito. Thad stood beside her at sa kabila naman si Jude, katabi ni Simon. Lahat sila ay may malalaking ngiti.

"Okay, on my count, one, two, three, say cheese!"

Bago pa mag-flash ng camera ay biglang idinikit ni Thad ang ulo sa ulo niya kaya alam niyang gulat ang mukha niya roon kahit malapad ang ngiti.

Thad kasi nanggugulat!

At syempre hindi mawawala ang iconic photoshoot ng tatlo lagi. Si Thad ang nasa gitna at parehong nakahawak sa isang braso sina Jude at Simon dito. Nakaangat ang isang braso to form a heart. Tawang-tawa tuloy silang dalawa ni Faith. Si Thad kasi walang kangiti-ngiti. Ang kulit.

"Huwag na pala kayo um-attend sa graduation ko kung 'di tayo ganito ka sweet," naniningkit ang mga matang sabi ni Thad, halatang sarcastic naman pagkakasabi.

Tinawanan lang siya ng dalawa.

"Thaddeus n'yo clingy!" asar pa ni Simon.

"Yeah right."

"Jude, 'yong tatay mo ba babalik pa o sumakabilang municipality na?" tanong ni Simon.

Tawang-tawa si Jude. "Gago!"

"Seryoso ako!"

Oo nga, nakita niya tatay ni Jude kanina. Nag-picture lang tapos parang may pinag-usapan, then biglang may tumawag dito at lumayo muna. After no'n ay 'di na niya nakita ulit.

"Wala, umalis na. May meeting daw. Binigyan lang akong pera pangkain tapos bahala na raw ako sa buhay ko."

Ang lakas ng tawa ni Simon. "Yawa!"

"Simon!" sita ng lola nito. "Bibig mo."

"I love you, La."




PUMUNTA SILA SA isang restaurant para mag-celebrate. Ang daming pagkain sa mesa nila. Lahat nag-ambagan. Saka 'di puwedeng hindi marami dahil 'tong tatlo na 'to 'di puwedeng magutom.

Kakalabas lang niya ng banyo nang makita si Thad, mukhang sumunod ito kanina sa kanya dahil kakalabas lang din nito ng banyo.

"Nga pala, hindi mo iba in-invite si Mel?"

Sabay na silang naglakad pabalik sa table nila.

"I did, pero may prior commitment siya with he family at baka raw magahol siya sa oras kung pupunta pa siya."

"I see." Napansin niya kasing 'di masyadong umaalis ng bahay si Thad nitong nakaraang araw. Hindi rin nito binabanggit si Melissa. "Pero... okay lang naman kayo, 'di ba?"

"We're fine. Busy lang talaga kaming dalawa. At naiintindihan ko rin naman dahil medyo stress siya sa trabaho niya."

Tumango na lamang siya. "At least."

"Ba't mo nga pala naitanong?"

"Wala naman. 'Di mo na kasi masyadong nababanggit si Mel."

Natawa ito. "Hindi ko alam na interesado ka pala sa buhay naming dalawa."

"Hindi ah." Napangiwi siya sa isip. Hoy, Sanna! Mali yata na itanong mo pa 'yon. "I mean. Hindi naman sa ganoon. Private matters n'yo naman 'yan. Nagtataka lang ako. Baka ko may problema ka."

"It's fine, Sanna. Alam ko namang may sarili ka ring mga problema. You don't need to always look after me." Ngumiti ito. "Okay lang ako."

Ibinalik niya ang ngiti nito.

"I know..." you're not fine.





"PUWEDE KA NAMAN kasing sumabay sa'min sa pag-uwi."

Hinatid siya ni Simon sa terminal ng bus pa South. Kailangan niyang umuwi dahil pinapauwi siya ng papa niya. Ito rin ang nagdala ng malaking knapsack niya. Kaya naman na niya i-handcarry ang pinamili niyang pasalubong na inilagay niya sa isang medium size na plastic bag.

"Okay lang, pinapauwi na kasi ako saka mas malayo naman 'yong amin. At least isang bus lang sasakyan ko. Baka kasi wala na akong maupuan kapag sa Carcar ako sumakay."

"Sabagay."

"Nga pala, uuwi ba si Thad sa kanila, 'di ba?"

Tumango ito. "Yup, pero sa tingin ko kukunin niya lang ibang gamit niya at uuwi rin agad 'yon dito sa s'yudad para simulan ang thesis niya. Isang buwan lang din naman ako mamalagi roon. Maghahanap akong bagong trabaho at mag-re-review para sa board exam."

Nag-resign na kasi ito sa Jollibee. Balak nitong mag-apply sa isang real estate o 'di kaya sa isang mall para may experience ito habang nag-re-review.

"Si Jude?"

"Aalis 'yon pa Manila sa susunod na buwan kasama sina Pablo at Samson. May naka booked na guestings ang grupo nila sa mga TV stations."

Napangiti siya. "Papansinin pa kaya tayo ni Jude kapag sumikat na sila?" biro pa niyang tanong.

"Ako mismo papako sa krus sa isang 'yon kapag lumubo utak ng gago." Malakas itong tumawa pagkatapos. "Pero si Jude pa ba? Makakalimutan no'n lahat nang mga pinag-aralan niya sa architecture pero hind tayo." Simon playfully messed her hair. "Kaya malabo 'yang iniisip mo."

Kanina pa sila nakapila at nagsisimula na ring magpapasok ng pasahero ang conductor ng bus. Umaabante na ang pila. Tinulungan na siya ni Simon na isuot ang malaki niyang bag sa likod.

"Salamat, Kuya Si."

Ngumiti ito. "Tumawag ka kaagad sa'min kapag nakarating ka na sa inyo."

Tumango siya. "Bantayan n'yo si Thad, ha?" Naikiling nito ang ulo sa kaliwa. Natawa siya sa tingin nito sa kanya. "Walang malisya 'yan. As a friend na favor."

Tumawa ito. "Alam ko." Umayos ito ng tayo at nakapamulsa. "Ako na ang bahala sa isang 'yon."

Nasa may pintuan na siya ng bus at pasampa na pero tumigil pa siya. "Thanks ulit, Kuya Si!"

Tumango lang ito kumaway sa kanya. "Ingat ka!"





MABILIS LAMANG ANG mga araw at malapit na mag-Hunyo. Ang ilap pa rin ni Thad. Kahit na nag-re-reply naman ito sa kanya at sinasagot ang mga tawag niya ay pakiramdam niya may problema talaga itong hindi sinasabi sa kanya.

Sabi naman sa kanya ni Simon ay okay lang daw naman talaga si Thad. Busy lang lalo na raw ngayon na tumatanggap na rin daw ito ng mga art commissions para raw magkapera ito. Alam niya 'yon kasi naikwento nga ni Thad sa kanya na in-cut na ng ama nito ang allowances nito at ang tuition fee na lang daw ni Thad ang babayaran nito. Buti na lang may naitabing ipon si Thad para sa mga personal na pang-araw-araw nito.

Ang upa nga raw sa bahay ng tatlo ay sina Jude at Simon na muna naghahati-hati. Excluded muna si Thad dahil malaki-laki talaga nagagastos nito sa thesis nito at wala pang tulong sa ama nito. Buti na lang malaki raw nakukuha ni Jude sa mga guestings ngayon ng Queen City at tinanggap na rin ni Simon ang allowance na bigay ng tatay nito para may advance payment ng limang buwan.

Alas singko na nang makarating siya sa bahay. Na traffic kasi ang bus sa may Naga dahil may nagbanggaan. Ang bagal ng usad ng mga sasakyan at truck mabuti at hindi pa talaga tuluyang madilim sa daan.

Hindi na siya nagsabi na ngayon ang uwi niya dahil alam niyang busy ang dalawa. Lalo na ngayon at may trabaho na sa isang mall sa city si Simon bilang building admin assistant. Sa weekends naman ay nag-re-review ito. Si Thad, busy pa rin, marami raw itong natanggap na art commissions.

Nasa tapat na siya ng gate ng bahay nang maiangat niya ang tingin sa bahay nila Thad. Madilim pero bukas ang lampshade sa kwarto ni Thad. Naisip niya kung kumain na ba ito? Lagi pa naman itong nagpapalipas ng gutom. Lalo na siguro ngayon na nagtitipid ito.

Mamaya, dadalhan niya ng pagkain.

Ibinalik na niya ang tingin sa gate at napansin niyang bukas na 'yon. Nakasabit pa rin naman ang padlock pero unlock na. Kakabahan na sana siya kaso hindi naman mukhang sinira ang padlock. Nag-iwan talaga siya ng spare key kay Simon in case lang may mga emergencies.

Marahas na naiangat niya ang mukha. "Kuya Si?" Binuksan niya nang mas malaki ang gate at pumasok sa loob. "Kuya Si ikaw ba ang nagbukas ng gate –" Natigilan lamang siya nang makitang hindi si Simon ang nakatalikod at nakatayo sa labas ng pinto.

Bigla itong lumingon pero mukhang hindi lang siya ang nagulat kung 'di pati ito.

"Thad?"

"Sanna?"

Sabay pa nilang tawag sa isa't isa.

He was a mess.

Malayo sa Thad na nakita niya two months ago. Maayos naman ang damit nito at mukhang may nilakad ito kanina dahil hindi naman ito nakapambahay. Pero hindi pa rin ito nagpapagupit, mahaba na 'yon, at magulo po. Kapansin-pansin na rin ang tumutubo na ulit na stubble sa mukha nito.

What added to her growing worry is the pain that reflected in his eyes. Nasasaktan na ang mga matang 'yon noong huling magkita sila. Pero sa pagkakataon na 'yon, halos wala na siyang makitang pag-asa at saya sa mga matang 'yon.

Thad looked so lost.

"What happened?" basag niya.

Mapait itong ngumiti sa kanya. "Mel broke up with me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro