Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

NASUNDAN NI SANNA ang pag-upo ni Thad sa kanyang tabi. She pressed her lips as she waited for Thad to speak again. Napalunok na rin siya. She never had the chance to really personally talk with him. Nakakasalubong niya sa hallway si Thad at naliligaw ang tingin nito sa kanya but she knew it was nothing.

"Ang ganda ng mga drawings mo," basag na niya.

"T-Thank you." Tipid itong ngumiti, tila hindi sanay sa papuri. "You're new, right?" pag-iiba ni Thad.

"Ahm, oo, sa ibang school ako nag-first-year."

May sumilay na ngiti sa mukha nito. "Maliit lang naman ang school na 'to kaya madaling mapansin. You like it here?"

Hindi yata siya makapag-concentrate sa tinatakbo ng usapan nila ni Thad. She didn't expect na magiging friendly ito sa kanya. He was most of the time quiet and serious kapag nakikita niya ito pero may araw naman na nakikipagkulitan ito sa mga kaibigan nito. Pero alam niyang mabait ito base na rin sa mga naririnig niyang usap-usapan ng mga kasamahan niya sa publication.

"So far," tumango siya at ngumiti pa rin, "oo. Nag-e-enjoy naman ako."

"Can I?"

Tinitigan niya ang kamay nitong nakaangat sa kanya. She was about to reach her hand to him nang mapansin niyang nakatingin ito sa folder na nasa kandungan niya. Gosh! Napalunok siya at lihim na binawi ang kamay.

Mabilis na hinawakan ni Sanna ang folder at inabot kay Thad. Pero sa isip niya ay gusto niyang kutusan ang sarili.

"Oh, here." Talaga Sanna? Why whould he want to hold your hand?

Buti na lang na realize niya agad bago pa niya maipahiya ang sarili.

Lumapad ang ngiti nito. "Thanks."

"Matagal ka na bang nagda-drawing? Hindi ka kasi sumasali sa mga poster making saka parang 'di rin alam ng mga kaklase mo na nagda-drawing ka."

"I don't join and I'm not as good as Jude."

Alam niyang magaling mag-drawing si Jude. Nakita na rin niya ang mga gawa nito. Masasabi niyang napakatalented nito. But there was something behind those words na hindi siya mapakali. Is Thad insecure with his cousin?

"You can draw," she insisted, namilog ang mga mata nito sa kanya. "Maganda ang mga drawings mo. Why would you hide your talent?"

Naikiling nito ang ulo at pinakatitigan siya na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. Natawa siya sa reaksyon na 'yon ni Thad.

"I'm serious." She chuckled. "Alam mo kapag tinago mo 'yan kukunin 'yan sa'yo at ibibigay sa ibang tao, sige ka."

Natawa ito sa pagkakataon na 'yon. "You think I'm really good?"

"I know one when I see one."

Umisod pa ito palapit sa kanya. Their shoulders touched. Napakurap siya roon sa magkahalong pagkailang at pagkagulat. Hindi niya alam kung bakit lumakas bigla ang tibok ng puso niya.

"Sa tingin mo alin dito ang pinakamaganda? I haven't showed these to my friends. Sasabihin lang din nilang maganda kahit 'di naman."

"Alam mo napaka-nega mo," aniya, as she tried to calm her heart.

Sanna, you're acting weird. Behave.

"Medyo lang pero 'di talaga ako confident sa mga drawings ko."

"Bakit?"

Lumagpas ang tingin nito at sandaling nag-isip. "Because my father said so..."

"Sinabi 'yon ng papa mo?" Bumalik ang tingin nito sa kanya. "Magaling siyang mag-drawing?"

"He's an architect. We're a family of architects actually."

"And you want to become one?"

"I want to..."

"But he doesn't want you to become one?" He looked at her eyes as if he could search answers from her. But it was more like asking himself if she could trust her with his personal secrets. Kaya ngumiti siya rito para siya na mismo ang magbigay rito ng sagot. "You'll be graduating in the next few months. Sa tingin ko naman malabo ulit na magkita tayo, so you can trust me."

"Huh?"

"Alam mo, kung gusto mong maging architect, go for it. Kaya nga 'di ba may school para ma develop natin ang skills na mayroon tayo. Ilang years ba ang architecture?"

"Total of seven years."

Namilog ang mga mata niya. "Ganoon katagal?"

"Five years sa university. Two years appretinceship. Sa tingin ko nga eight years ang gugugolin ko kasama na ang review for the board exam."

"Sa tingin ko naman kaya mo e."

"You think so?"

"Oo." Mas confident pa siyang sumagot kaysa sa mismong kukuha ng architecture. "Kakayanin mo may passion ka e. Mahirap kapag wala."

Sumilay muli ang ngiti sa mukha nito. The smile really suited his face. She's sure now that he was not that uptight just like how she assumed him to be. He was a breath of fresh air.

"Most of the heritage places here in Carcar have ornate designs," pag-iiba nito, nakangiti pa rin.

"Ornate? Ano 'yon?"

"It means they have complicated patterns and designs. Here, I'll show you." Inisa-isa nito ang mga drawings nito at in-explain sa kanya ang mga similarities at distinction ng bawat heritage houses and buildings na nasa drawing nito. Namangha siya rito lalo. He surely knew a lot of things about structures. "Carcar is one of the oldest and most progressive towns in Cebu. Taga Carcar ka talaga?"

Umiling siya. "Taga Samboan."

"Ang layo mo ah."

Bahagya siyang natawa. "Sabi ko nga."

"It's safe to assume na you don't know much about our town."

"Mayroon naman. Binabasa ko 'yong mga nakasulat sa rotonda at sa simbahan. Saka mga side kwento nila Ma'am Ruiz about Carcar sa history class."

"At least hindi love life niya kinukwento niya," Thad chuckled.

"Si Ma'am Caballero ganoon."

Teacher niya ito sa Biology na 50 years old na. Dalawang beses na byuda at ngayon may nanliligaw pa rin daw rito. Pero hayon, 'di pa rin makalimot sa first love nitong 'di nito nakatuluyan.

Tawang-tawa si Thad. "Hindi na yata makaka-move-on sa first love niya."

"Okay lang din 'yon. Minsan 'di ko rin siya maiintindihan." Pareho na silang natawa sa pagkakataon na 'yon. "Pero secret lang 'yon ah."

"Don't worry, hindi lang naman ikaw namumoblema sa kasawian ni Ma'am Caballero." Pareho silang natahimik bago ulit ito nagsalita. "Pero may interesting oral tale about this town."

"Ano?"

"'Yong naalala ko lang ikukwento ko sa'yo. Based on oral tradition, sabi nila na buraot daw ang mga taga rito noong unang panahon."

"Paanong buraot?" Natawa siya roon.

"Saylo pa ang tawag sa bayan na 'to. In history, they call this seaside settlement the gateway of the south. Mainly because you cannot cross to other towns without passing Saylo. Most merchant negotiations are made in the coastal bay. Bountiful and progressive sabi nga nila... at thrifty. Kaya kapag daw nagbebenta ang mga Chinese merchant lagi raw sinasabi ng mga tao na, 'Walay kuwarta kita karon.' Walang pera pambili," Thad chuckled.

Natawa siya. "Tapos?"

"Nababanas ang mga Chinese sa pagkakaburaot ng mga tao. Ang respond ng mga Chinese, 'Siyalo walay kuwarta pero dakog balay.' Malalaki bahay pero walang pera." Tawang-tawa sila ni Thad. "Well, based on the collected tales. The mentioned of Saylo only added to the legends about the old town of Carcar."

Tawang-tawa pa rin siya. "Ang tindi na siguro ng inis ng mga Chinese merchant dahil 'di sila kumikita."

"Ganoon talaga kapag buraot ang mga tao. But in a good way. Hindi lang siguro need ng mga tao noon ang mga binebenta ng mga Chinese. Lagi ko nga tinutukso si Simon. You know him, right?" Tumango siya. "Buraot 'yon. Sabi ko baka namana niya ang ugali ng mga tao rito noon hanggang ngayon."

"Grabe naman."

Thad sighed with a smile on his face and she couldn't help but admire him. He looked genuinely happy.

Bumaling ulit ito sa kanya.

"I'm Thaddeus Bernardo Apostol by the way," inilahad nito ang kamay sa kanya. "But you can call me Thad." He smiled.

"Susanna Evangeline Rama,"she smiled back, "Sanna for short." Akmang hahawakan niya ang kamay nito nang dumating sina Simon at Jude.

"Thad!" umiiyak na sigaw ni Simon habang hinahabol ito ni Jude na tawa pa rin nang tawa. "Gago, Jude! Tigilan mo na ako."

"Ang kill joy mo!"

"Hindi ako titigilan ni Beth kung nag-I do ako, gago ka!"

"Runaway groom ang walangya!"

"Shut up!"

Binawi na tuloy ni Thad ang kamay at tumayo na. "It was nice meeting you, Sanna." Pinagpag nito ang suot na pantalon. "I'll see you around."

She pressed her lips and nodded with a smile. "I'll see you around, Thad."

Muli pa itong ngumiti bago sinamahan ang mga kaibigan nito. Parehong inipit ni Thad ang mga leeg ng dalawa sa mga braso nito. 'Yong dalawa tawa pa rin nang tawa habang sinusubukang makawala.

Sa huli ay napangiti siya. Naisip niya kung ano kayang feeling magkaroon nang ganoong klaseng friendship. 'Yong klase ng pagkakaibigan na tatagal ng ilang taon.

Sanna always wishes to have that kind of friendship but considering her complicated life. Keeping distance from other people was always the right thing to do.

Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hindi na nagkaroon ng pagkakataon na hawakan ang kamay ni Thad.

Natawa siya bigla.

Huwag mong sabihing nanghihinayang kang 'di mo man lang nahawakan ang kamay ni Thad, Sanna? Well, I can say a bit. Sayang lang. His hands looks warm to hold.

She let out a sigh as she focuses her eyes in front.

But maybe next time... hopefully.

NOVEMBER 19, 2020

KUMURAP NG MAKAILANG beses si Thad. Bahagya pa siyang napaatras sa sobrang pagkagulat. He couldn't believe it. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Ng mundo? O ng lighthouse? Ramdam niya ang malakas na tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa magandang mukha ni Sanna.

A while ago, bigla na lang siyang napasok sa loob ng lighthouse at sa paglabas niya ay ibinalik siya ng lighthouse sa nakaraan.

Kung gaano siya kabalis ibinalik sa nakaraan ay ganoon rin siya ibinalik sa hinaharap. And now he's standing in front of the woman he has hurt deeply and has disappointed in the past.

His Sanna.

His best friend.

Future Architect Thaddeus Bernardo Apostol's first client.

Isa-isang nagbalik sa kanya ang ilang memorya kasama si Sanna noon. It was like seeing himself in an old movie film.

"Thad!"

"Ang bagal e! Dalian mo na. Mali-late na ako."

"Teka lang naman."

"Haha! Pagong!"

"Thad!"

"O, ano na naman po? Busy pa ako. 'Di ko pa tapos mga plates ko."

"Kain ka muna. Binili kitang banana cue sa labas."

"Nag-abala ka pa."

"Inutang ko lang 'yan. Ikaw na magbayad."

"'Yan tayo e."

"Thad, gawan mo akong bahay."

"'Yoko!"

"Daya mo!"

"Haha!"

"Thad!"

"Thad ka na naman ng Thad, ano na naman, Susanna?"

"Thank you. Haha! 'Yong pangako mo, ha? Huwag mong kalimutan."

"Oo na! Oo na! Paulit-ulit na lang e. Kahit lumabas pa 'yan sa board exam, masasagot ko pa rin 'yan."

"Kapag talaga 'di mo tinupad, magagalit ako."

"Tutuparin ko nga. Kulit e. Halika na, gutom na ako. Libre na kita. Bukas ikaw naman, ha?"

"Thad!"

Para siyang na istatwa sa kinatatayuan niya nang marinig ulit ang boses nito. Nanunuyo ang lalamunan niya. Parang may kung anong nakabikig na matulis roon. Si Sanna ba talaga ang kaharap niya nang mga oras na 'yon?

Did she follow him?

How?

Bakit 'di niya ito nakita sa nakaraan kanina?

"Sanna is missing, nobody knows where she is now."

"Sanna?" sa wakas ay tawag niya rito.

He almost stuttered.

Nilipad ng hangin ang buhok nito kasabay ng pagsilip ng matamis na ngiti sa mukha nito. Naramdaman niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya. Did he miss her smile? That same genuine smile he adored when he hadn't broken her heart yet.

Umangat ang tingin niya sa lighthouse.

Just what the hell does this lighthouse want from him? Bakit dinala siya nito sa nakaraan? At bakit hinayaan nitong makasunod si Sanna sa kanya rito sa hinaharap?



THAD LOOKED SO shock to see her. Para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. Nagtataka si Sanna. Nakita niya ito sa school kanina na hinahabol ng guard. Naka civilian kaya siguro hinahabol. Nagtaka nga siya kung bakit ito tumatakbo papunta ng Engineering building at mali pa ang pintong pinasukan nito.

Sinundan na niya kasi tumatawag na si Kuya Simon. Hindi raw niya ma-contact si Thad. Saktong kakatapos lang ng pangalawang subject niya ngayong araw. Kaso noong pagpasok niya sa silid na 'yon ay ibang lugar na ang nilabasan niya. But she saw Thad and somehow it eases her worries and confusion.

But he was acting weird.

Thad was looking at her with those sad eyes. Gusto niya tuloy itong tanungin kung bakit ito malungkot na makita siya. But she will probably hug him and tell him that it's okay kung may pinagdadaanan man ito nang mga oras na 'yon. She have heard from Jude na nag-away na naman daw ito at ng papa nito.

Pero nagtataka rin talaga siya kung na saan na sila ngayon.

"Thad? Na saan tayo?"

It took him a few seconds to answer her. Tila ba nahihirapan itong sagutin siya.

"You're with me in the present, Sanna."

Namilog ang mga mata niya. Seryoso? "Patawa 'to!" Tuluyan na siyang natawa. Baka pina-prank na naman siya nito. "Joke ba 'yon?" Silang dalawa nasa present? E 2009 pa ngayon – wait!

Thad really looked different! It wasn't just his eyes. Pati na rin ang buong mukha nito. He even looked taller. Matangkad na ito noong huling kita niya rito kahapon pero sa tingin niya ay mas tumangkad ito ngayon. He looked matured and manly. Broader shoulders, tampered hips, and well toned and proportioned muscles na sa tingin niya ini-maintain nito sa pag-e-exercise. He was no longer the lean Thad.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Napasinghap siya nang may mapagtanto.

This is not 2009, Sanna! These structures and cars do not belong in the past.

"Omg!" Natutop niya ang bibig sa pagkamangha. She didn't feel any fear at all. Instead na excite pa siya. Did she just meet the future Thad? "Hindi nga?"

"You can't be here. This is impossible. We have to get you back."

"But Thad –" Hinawakan siya nito bigla sa pupulsuhan at hinila pababa mula sa steep road sa gilid ng parola. "Thad!" pigil niya rito habang iginagala ang tingin sa paligid.

She knew this place kahit hindi pa siya nakakapunta rito. Alam niyang may parola sa Liloan.

Hindi siya makapaniwala.

She planned to visit this place pero 'di natutuloy. Pero heto siya ngayon, natuloy nga pero ibang timeline naman.

"Did I time travel?"

"You shouldn't have followed me."

"Bakit hindi? Kuya Simon is waiting for us. Hindi ka niya ma-contact."

Pumasok sila sa magandang subdivision. Nahagip pa ng mga mata niya ang pangalan ng subdivision – Faro de Amoré.

Wait, dito ba nakatira si Thad? Wow!

Mukhang high-end at exclusive subdivision ang lugar. Malalaki at may distansiya ang mga bahay. At mukhang puro mayayaman ang nakatira.

"Thad, dito ka nakatira? Ang yaman mo na siguro ngayon. Sina Kuya Simon at Jude ba ay nakatira rin dito? Gusto ko rin sila ma-meet." Huminto ito bigla dahilan para tumama ang mukha niya sa likod nito. Napangiwi siya at napahawak sa noo. "Aray naman. Hinay-hinay naman."

Hinarap siya nito. "I'm sorry." Umangat muli ang tingin niya rito. May napapansin talaga siya rito.

Why do he always look at her with those apologetic eyes? Wala naman siyang naalala na nag-away sila ni Thad to make him feel sorry for her. It doesn't make sense.

"Wala rin akong naiintindihan sa nangyayari but my friends can help us," dagdag nito. "They can find a way for you to go back in your time."

Umihip ang isang malakas na hangin at muling nilapad ang kanyang buhok. Thad's face softened and she saw the same pain in his eyes.

"Thad?"

"We don't have time."

Bago pa man ulit siya makapagsalita ay hinila na ulit siya nito sa direksyon ng malaking gate sa loob ng subdivision. The black wrought iron gate made an impression to her. An odd and eerie feeling that she couldn't pinpoint kung saan nanggagaling. Lalo na ang makita ang arko ng mga puno paakyat sa puting mansion. It was an ancestral house na tila ba pagmamay-ari ng isang makapangyarihang tao sa panahon nito.

"Thad, kaninong bahay 'yan?"

"Iesus, the landlord of Faro de Amoré."




SA MGA SUMUNOD na minuto ay wala nang  maintindihan si Sanna sa mga pinagsasabi nila Thad at ng lalaking tinawag nitong Iesus.

Hindi siya makatingin dito nang diretso dahil sa asul na mga mata nito. Whenever their eyes meet ay tila ba binabasa nito ang buong pagkatao niya. Pero may pakiramdam din siyang nakita na niya ito noon pero 'di niya lang matandaan. The other man with eye glasses was Balti. Kasama nito ang fiancée nitong tinawag nitong Niña.

The other girl was Amora who was wearing more conservative clothes. Niña was okay, she can say na normal lang naman ang suot nitong blue na blouse and jeans. Amora was wearing a long dark blue dress na lagpas sa tuhod nito, half-sleeved, but with a white collar. It reminded her of those first friday dresses ng mga estudyanteng babae sa mga sister's schools. Her hair as well as neatly bunned.

Inabutan siya ni Amora ng bowl of biscuits and a glass of water. Hindi naman siya iniwan ni Niña, but her curiosity of her lingered in Niña's eyes.

"Talaga bang galing ka sa past?" hindi na napigilang tanong ni Amora.

Si Niña rin ay nag-aabang ng sagot sa kanya. "Yata? Pero feeling ko oo kasi kanina nasa 2009 pa ako pero ngayon 'di ko na alam anong timeline 'to."

"2020," sagot sa kanya ni Niña.

"2020?" mangha niyang ulit. Tumango ang dalawa. Napakurap siya. "Eleven years na ang lumipas." Napakamot siya sa noo. "Ganoon na ba katagal?"

"Oo," the two answered in unison.

"E sila Simon and Jude? Magkasama pa rin sila?"

"Yes," si Niña ang sumagot. "Nakatira si Simon sa bahay ni Thad. Si Jude din dati pero bumukod na siya. Sa Faro lang din naman."

"Bumukod? Nag-asawa na ba siya? Faith ba ang name ng asawa niya?"

Nanliligaw 'yon ngayon kay Faith e. Kaso 'di pa sinasagot. Ang dami kasing nililigawan ni Jude kaso 'di naman nagtatagal. Kay Faith lang talaga ito nagseryoso ngayon kahit na magkaibang school ang dalawa.

Gusto niya malaman para at least sa pagbalik niya ay may ma kwento siya. Pero baka 'di niya rin sasabihin kay Jude at baka 'di matuloy.

"Nin?" pukaw na niya rito nang hindi ito umimik. Naku, baka hindi si Faith ang asawa. Huwag na lang talaga. Ngumiti na lang siya. "It's okay. Huwag mo na lang sagutin."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae at lalaki na may hawig sa isa't isa. Pansin niya agad ang mga nunal sa ilalim ng mga mata ng mga ito. The woman has her mole under her right eye. Habang nasa kaliwa naman ang sa lalaki. Maliit ang babae, hanggang dibdib lang ng lalaki. Mukhang magkapatid yata ang dalawa.

"Where is she?" tanong agad ng babae.

Sinundan nito ang tingin nila Thad at napatingin din ito sa kanya. Namilog ang mga mata nito nang makita siya.

"She's Sanna?"

"Yes," it was Thad who answered her.

'Yong kasama nitong lalaki ay kalmadong nakatingin lang din sa kanya, but just like Iesus ay tila binabasa rin nito ang buong pagkatao niya. Sa mga titig talaga ng mga ito siya naiilang.

Who are these people?

"We don't know what happened," dagdag ni Balti. "Sus and I are going to the lighthouse. James, sumama ka na rin."

Tumango lang ang tinawag nitong James. Ito ang sa tingin niya ay kapatid ng babae na may nunal sa ilalim ng mata.

Lumapit ang babae sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Sinipat nito ang pupulsuhan niya. Nagtaka lang siya sa biglang pamimilog ng mga mata nito. Dinaanan nito ng hinlalaki ang kanang pupulsuhan niya na para bang may nakita ito roon.

"Anong nakikita mo?" It was Balti.

Kinilabutan siya nang magtama ang mga mata nila. Meeting her dark brown eyes was like staring at a black hole. Nanghihila at napakamisteryoso. 'Yong tipong may nakikita ito sa kanya na mahihirapan siyang hulaan kung ano.

"Aurea?" tawag ni Iesus dito.

"Number of days." Umangat ang tingin nito at hinarap ang apat na lalaki. "49 days na sa tingin ko ay mababawasan araw-araw."

"Like a timer?" Kumunot ang noo ni Thad.

Tumango ito. "Yes."

"And what will happen to her after?"

"Hindi ko alam. Pero kailangan nating malaman kung bakit napunta rito si Sanna bago pa man maubos ang araw na mayroon siya rito."

Nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Thad. The passing minutes was making him uncomfortable and worried sa napapansin niya. He looked so frustrated and lost. She had never seen him that desperate before.

"Mabuti pa Thad ay dalhin mo muna si Sanna sa bahay mo," suhestiyon ni Iesus. "Let her rest while we find a solution to this."

"We'll help you," dagdag ni Balti as he patted Thad's shoulders. "Magagawan natin 'yan ng paraan. We still have at least 48 days minus today to resolve this."





NAIGALA NI SANNA ang tingin sa malaking bahay ni Thad. The house was too familiar. It kind of reminded her of her dream house pero naisip niya na baka kahawig lang ng sketch na ginawa niya. Ipinakita niya iyon kay Thad, gusto niya sanang ipa-drawing ang exterior and interior noon kaso 'di pa naman tapos i-drawing ni Thad. Busy kasi ito sa mga plates nito. Hindi rin naman siya nag-de-demand ng oras dito kasi alam niyang may mga priorities ito.

But it still brought a smile to her face to see this house.

Nauna na sa kanya si Thad para buksan ang pinto pero nakaagaw sa atensyon niya ang front garden nito na wala man lang kabulabulaklak. Puro halaman pero mabibilang lang sa kamay. Hanggang sa mapansin na rin niya ang isang flower pot na may hand paint ng isang white daisy flower.

Siya mismo ang nag-paint no'n.

"Thad!" Lumapit siya roon at kinuha ang flower pot. Fake moss lang ang nakalagay roon pero may susi. Probably spare keys lang ng bahay. "You kept it?" Malaki ang ngiting hinarap niya si Thad habang hawak ang pot.

Tipid lang itong ngumiti at tumango. "Pasok ka na."

Ibinalik na niya ang flower pot at tumalima na kay Thad. Nilakihan nito ang bukas ng pinto para sa kanya at sunod-sunod nang nagsibukasan ang ilaw sa loob hanggang sa luminaw sa kanya ang interior design ng sala.

"Wow!" Manghang naigala niya ang tingin pagkatapos hubarin ang mga sapatos. Isinuot niya ang home slippers na inabot sa kanya ni Thad. "Ang ganda naman ng bahay mo Thad. Sabi ko sa'yo you'll be a successful architect."

Excited na tinignan niya ang mga naka display na larawan sa sala. Tuwang-tuwa siya sa malaking picture frame nila Simon, Jude, at Thad. Halos nandoon lahat ng mga pictures ng magkaibigan simula noong high school at hanggang sa present. Kaso napansin niyang wala man lang naka display na picture kung saan kasama siya.

Nawala ang ngiti niya.

What happened?

Umangat ang tingin niya kay Thad na nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya. The distance he's putting between them means something. Something happened within those eleven years at dahil nasa 2009 pa siya ay wala rin siyang idea kung ano nga ang nangyari sa kanila.

"Where's Melissa?" matapang niyang tanong.

Melissa was Thad's girlfriend. Matagal na ang mga ito. Isang taon na rin kung nasa 2009 pa siya.

"She's married."

"Oh," tipid siyang ngumiti. So, Thad and Melissa didn't end up together? Naisip niya. "Jude is married?"

"Ngayong December but he's already living with Mari and their twins."

Namilog ang mga mata niya. "Twins? You mean may anak na si Jude?" Tumango si Thad. So, hindi rin nagkatuluyan sina Jude at Faith? Or 'di rin talaga sinagot ni Faith si Jude? But anyway, masaya pa rin siya kay Jude. "I'm happy for him. Sana ma meet ko ang asawa niya at ang anak nila."

"You will."

Tumango-tango lang siya. Mauubusan na yata siya ng topic kung ganito lang si Thad. Kung hindi siya magsasalita ay dead air na talaga ang susunod.

"How about Kuya Simon? How is he?"

"You will meet him. He's staying with me. He's just working now."

Napangiti siya at naigala ulit ang tingin sa paligid. "If he's staying with you then hindi ka pa rin kasal? How come?"

"Busy with work."

"I see."

Ibinalik niya ang tingin dito. "Thad."

"Hmm?"

"Ayaw mo ba akong makita?" Natigilan ito sa sinabi niya. She stepped closer pero napansin niya ang pagkaalarma sa mga mata nito. "My pictures aren't here so I'm assuming I cut ties with the three of you."

"Sanna..."

"I must have done something wrong, right?"

"You did nothing wrong."

Mapait siyang ngumiti nang dalawang hakbang na lamang ang pagitan sa kanilang dalawa.

She had secretly loved this man since she was in high school. Naisip niya na baka noong 2010 ay nagtapat siya and it made him uncomfortable. Siguro siya na rin ang nag-decide na lumayo rito.

"Then what happened to me, Thad? What happened to us?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro