Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

NAABUTAN NI SANNA na nakaupo si Thad sa sala. Nakasandal ang likod sa back rest ng mahabang sofa at nakaunan ang ulo sa edge, pikit naman ang mga mata nito. Halos patay na ang ilaw maliban na lamang sa lamp shade na nakapatong sa isang maliit na mesa sa gilid ng sofa.

Bakit gising pa rin ito? It was almost twelve midnight. Late na rin naman silang nakauwi sa party ni Au. Lumabas lang siya ng kwarto dahil nauuhaw siya at busog na busog pa rin pakiramdam niya. Naghahanap ng mainit na tubig ang tiyan niya kaya dinala na niya ang mug niya.

Lumapit siya rito at marahan itong tinapik sa kaliwang balikat mula sa likod ng sofa.

"Thad, huwag ka rito matulog," malumanay niyang pukaw rito.

Bigla nitong iminulat ang mga mata na para bang nagulat niya ito. Napakurap ito at napatitig sa kanya ng ilang segundo.

"Sanna..." paos nitong sambit sa pangalan niya.

Umayos ito ng upo at kinusot ang mga mata.

"Bakit dito ka natutulog?"

"Nakatulog pala ako," anito sabay hilot sa sintido. He cleared his throat after. Umikot siya para matabihan ito ng upo sa sofa. Inilapag niya ang mug na hawak sa coffee table sa harap. Thad glanced at her. "Anong oras na ba?"

Napansin niyang nakalapag sa coffee table ang relo nito sa kamay at mukhang sa sobrang disoriented ni Thad ay hindi na nito na pansin.

"Nang lumabas ako ng kwarto nasilip kong almost twelve na."

His forehead creased. "You should be sleeping."

"In a while." She smiled. "Busog na busog pa ang pakiramdam ko. May tea ka ba?"

"I think I have. Gusto mo ipagtimpla kita?"

"No, it's fine. Ako na –" Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin ay nakatayo na ito at kinuha pa ang mug niya sa mesa. "Thad –" Hindi pa siya pinakinggan at dire-diretso itong naglakad sa direksyon ng kusina.

Tumayo siya at sinundan ito roon.

"Mag-iinit lang muna ako ng tubig. It wouldn't take long."

Mula sa island counter ay nakita niyang may katabi na ring mug ang mug niya. Mabilis ding nalagyan ng tubig ni Thad ang electric kettle nito at iniwan na lang sa kung saan 'yon nakalagay pagkatapos isaksak sa outlet.

"Maraming tea rito. Dala lahat ni Simon galing Japan."

Wala siyang nagawa kundi ang sundan ang bawat kilos ni Thad. Alam na alam talaga nito kung saan nakatago ang mga gamit ni Simon. Unang cupboard sa bandang kaliwa nito agad ang binuksan nito. Pansin agad na kay Simon ang mga naka stock doon dahil bukod sa hindi maayos ang pagkakalagay ay puro Japan made products ang pangalan mula sa kape, tea, juice, at iba pa.

"Siguro kung 'di pa bumukod si Jude baka may sarili rin siyang cabinet diyan," nakatawa niyang komento. Naupo na rin siya sa isa sa mga stool doon, paharap kay Thad.

"Meron pa rin naman hanggang ngayon." Itinuro nito ang ikatlong cupboard drawer sa may kanan. "Nandiyan mga sobrang pinagbibili niya na wala sa listahan nilang mag-asawa. Kilala mo naman ang 'sang 'yon na hoarder din ng mga kung anu-anong bago sa mga mata niya."

Lalo siyang natawa. "At hindi alam ni Mari?"

Isinandal ni Thad ang likod sa sink counter, paharap din sa kanya. "Kapag nalaman ni Mari malamang masesermonan ang 'sang 'yon." Napangiti si Thad. "Old habits are not easy to let go."

"Sabagay."

Maya-maya pa ay pinatay na rin nito ang pinapainit na tubig at inihalo lang agad ang isang tea bag doon. Malaki naman 'yon from the usual tea bags na alam niya.

"One tea bag can make at least three liters," basag nito na tila ba nabasa nito ang nasa isip niya. "Dalawang tasa lang na co-consume ko sa isang araw."

"Ikaw?" Natawa siya. "E, sa naalala ko ay ayaw na ayaw mo lasa ng tea."

"Kahit naman ngayon."

"So what changed your mind?"

"I find it effective. Mas gumagaan ang pakiramdam ko. Tinutubig lang 'to ni Simon. 'Yong isang water heater sa kanya 'yan. Ginagawa niya 'yan sa umaga para sa lahat. Kumukuha na lang ako."

"Si Jude?"

"Minsan." A thin smile slipped on his face.

"Magpinsan talaga kayo."

"Sabi nga nila. Here." He slid her mug forward. "Matabang pero 'di naman masyadong mapait."

"Thanks." Tumango lang ito habang iniinom nang dahan-dahan ang tasa ng tea nito. "Nga pala, inaantok ka pa rin ba?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Hmm?"

"Nawala na kasi ang antok ko." Napatitig ito sa kanya. "Kwentuhan muna tayo. Ituloy mo na 'yong kwento mo."

JANUARY OF 2010

"KUYA SI!"

Naabutan ni Sanna na paalis na si Simon nang makarating siya sa bahay ng mga ito. May binili pa naman siyang pitong banana cue sa labas. Isa lang ang kanya riyan kasi 'di puwedeng hindi tigdadalawa ang tatlo. Mga lalaki talaga ang lalakas kumain. Lalo na 'yong dalawa. May natitirang kahihiyan pa naman si Thad kumpara kina Jude at Simon.

"Pangit mo naman tumayming kung kailan ako paalis."

Natawa siya. "Pang hapon ka pala ngayon?"

"Literal na Hapon." Malakas itong tumawa sabay sukbit ng bag nito sa isang balikat. "Pero 'di ako tatanggi sa grasya." Kumuha itong dalawang stick ng banana cue mula sa plastic niyang hawak. "Isa papunta at isa pag-uwi ko mamaya," dagdag nito sabay ngisi.

Natawa lang siya. "Si Kuya Jude na saan?" Naigala niya ang tingin sa paligid wala siyang nakikitang nakahilata sa sofa na may yakap na gitara. Kung 'di 'yon gumagala ay tulog naman.

"Umalis."

"Pati si Thad?"

"Nasa taas tinatapos mga plates niya." Ngumiti ito. "Ibigay mo riyan sa kanya at hindi pa 'yon kumakain ng tanghalian." Tinapik siya nito sa isang balikat. "Alis na ako."

"Ingat ka, Kuya."

Patalikod na kinawayan lang siya nito.

Naisip niya ang pag-skip na naman ni Thad ng lunch. Wala bang nag-re-remind dito na kumain sa oras?

"Thad!" sigaw niya at mabilis na umakyat sa second floor. "Thad! Thad!" Medyo nakaawang ang pinto nito kaya sinipa niya pabukas. "Thad!"

Ang laki ng gulat sa mukha nito sa ginawa niya.

Tawang-tawa naman siya. "Thad!"

"Nak nang - Sanna!"

Mabilis niyang naipantakip ang dalang plastic ng saging sa mukha nang akmang babatuhin siya nito ng ruler.

Lumakas lang ang tawa niya. "Thad!" asar na tawag niya ulit dito sabay baba ng plastic. Safe, nasa mesa na ulit nito ang ruler. Metal pa naman 'yon. Masakit 'din 'yon ah.

"O, ano na naman po?" Binalikan nito ang ginagawa. "Busy pa ako at 'di ko pa tapos mga plates ko."

"Kain ka muna. Binili kitang banana cue sa labas." Lumapit siya sa likod nito at tinignan ang kung ano mang tinatapos nito.

"Nag-abala ka pa."

"Inutang ko lang 'yan. Ikaw na magbabayad."

Natawa ito. "Yan tayo e."

Umangat ang tingin niya sa mga structural sketches nito na idinikit nito sa harapan nito. Kahit na draft sketches pa lang halos ang mga latest drawings nito ay ang ganda pa rin talaga. Hindi na niya ma overcome ang matinding paghanga sa mga art works ni Thad. May sarili talaga itong art style na gustong-gusto niya.

"Thad, gawan mo ako ng bahay."

"'Yoko!"

Tinawanan siya nito sabay hila ng malapit na upuan para sa kanya.

"Daya mo!" nakanguso niyang sagot sabay upo.

"Liniwan mo kung libre o hindi." Marahas na inabot niya rito ang plastic ng banana cue. "Wala nang libre sa panahon ngayon."

Siya na ang nagkusa na ilayo muna ang dina-draft nito. Alam niya kung gaano ka stressful kay Thad kapag may small dents at mantsa ang mga plates nito. Syempre uulitin nito 'yon.

"Thanks," nakangiting sabi nito sabay kagat ng kinuha nitong banana cue.

"Hindi ka ba in-text ng girlfriend mong kumain?"

Natawa ulit ito. "Hindi naman siya nag-text ngayon. Kaninang umaga, oo."

"Wow, ang sweet n'yong dalawa," pabalang niyang sagot.

"Bakit? Kapag ikaw ba lagi ka bang mag-te-text sa boyfriend mo nang ganyan?"

"Oo, lalo na kapag kaugali mo siya. Nako, kulang na lang i-megaphone ko pa na kumain ka sa tamang oras. Buti pa si Kuya Si kahit sobrang busy 'di nakakalimutan kumain."

"Manghihina 'yon kapag 'di kumain."

"Kasalanan mo rin naman kung bakit na tambakan ka na. May thesis ka pang tinatapos plus projects mo sa ibang mga subjects mo. Sabi sa'kin ni Jude panay alis daw kayo ni Mel nitong nakaraang araw."

"Hindi naman petty dates mga 'yon. Ngayon lang ako bumabawi sa kanya dahil naging busy ako last week."

"Makakahintay naman siguro 'yon kung may mga importante ka talagang ginagawa."

"Ma-e-stress ka lang sa kakaisip sa'kin. Huwag mo na alalahanin mga kulang ko. Ako na bahala. Magagawan ko naman 'yan ng paraan."

Tumawa ito pagkatapos maubos ang isang stick ng banana cue.

"Last sem n'yo nang tatlo dahil ga-graduate na kayo sa March."

Bigla siyang nalungkot. Syempre, it would also mean na mag-iisa na naman siya. Next year pa siya ga-graduate if everything would go well for her.

"O, nanghahaba na naman 'yang nguso mo." Itinabi muna nito ang plastic na hawak at nagpagpag ng kamay. "Iniisip mo bang iiwan ka namin dito?"

"Mag-sti-stay pa ba rin ba kayo rito?"

"Ako, oo. Ito lang naman ang matutuluyan ko sa s'yudad. Uuwi lang ako sa Carcar pero babalik lang din naman ako dahil mag-apply ako for apprenticeship."

"Hindi nag-offer ang papa mo sa'yo?"

Alam niyang may architectural firm ang tatay ni Thad. Kasusyuso nito roon ang tatay rin ni Jude. Nasa city lang din naman ang office ng Casa Designs.

"Well, he did offer."

"At anong sinagot mo?"

"Sinabi ko na pag-iisipan ko."

"Ayaw mo bang mag-work sa company n'yo dahil sa relasyon n'yo ng tatay mo?"

"Partly, oo. Hindi nga kami nagkakasundo" Bahagya itong natawa at napakamot sa noo.

Napansin niyang sa kalaunan ay tinatawanan na lang ni Thad at dinadaan sa biro kapag nababanggit nito ang ama nito. But he could never hide the pain in his eyes. Malinaw niya 'yong nakikita sa mga mata nito.

"Bakit 'di mo kaya subukan?" Pero ayaw niya namang manatiling ganoon ang relasyon ng mag-ama. "Malay mo naman this time, kapag nakita niya ang mga gawa mo ay magbago ang isip niya. Hindi ka lang talaga nabibigyan ng chance ng tatay mo noon. Pero ngayon siya na nag-offer. Grab it."

Marahas itong bumuntonghininga. "I don't know, Sanna. Knowing my father. I doubt."

"Pero baka lang naman. At least, 'di ba? Siya naman nag-offer at hindi ikaw. Kapag na disappoint na naman siya sa'yo ay 'di mo naman 'yon kasalanan. Which I think is 'di mo naman siya madi-disappoint."

Ngumiti siya. Ito kasing si Thad tatawa-tawa kanina pero ngayon akala mo binagsakan ng statue ni Rizal.

"Have a leap of faith. Ikaw nga laging nag-re-remind sa'kin na huwag mawalan ng pag-asa." Hinawakan ni Sanna si Thad sa magkabilang-balikat at inalog-alog. "Ito na 'yon oh! Nasa harapan mo na 'yong chance."

Tinitigan lang siya nito noong una hanggang sa matawa sa kanya. "Ewan ko sa'yo, Sanna. Sumobra na naman imagination mo."

"Seryoso ako!"

"Sige na. Sige na. Pag-iisipan ko. January pa naman na ngayon. Saka na ako mag-de-decide kapag naipasa ko na 'tong thesis ko."

"Maipapasa mo 'yan. Ikaw pa."

"At least may isang naniniwala na maipapasa ko," he chuckled.

"Bakit 'di ba naniniwala sa'yo si Mel?"

"Hindi ko naman sinasabi sa kanya ang tungkol sa mga problema ko. Marami na 'yong problema. Dadagdagan ko pa ba."

"Wow! So ano ako, walang problema?"

Pinaupo ulit siya nito nang maayos. "Iba ka naman. You're Susanna Evangeline. Kahit na 'di ko sabihin ay kilalang-kilala mo naman na ako."

Siya naman ang natigilan lalo nang iangat nito ang isang kamay para punusan gamit ng hinlalaki nito ang kung anong nasa pisngi niya.

"Kita mo 'to, lumabas ka na may paint pa sa pisngi."

Napasingap siya. "Omg!" Tawang-tawa naman si Thad sa kanya. Napangiwi naman siya. "Loko 'yon si Simon, 'di niya sinabi sa'kin kanina."

"Ayaw matanggal, hang on." Akmang lalawayan nito ang hintuturo nang hawakan niya ang kamay nito. "O, bakit?"

"Kadiri ka!"

Ang lakas ng tawa nito. "Hoy, nag-toothbrush naman ako. Halika na, alisin natin 'yan."

"Huwag!" Lalayo sana siya pero mabilis nitong nahawakan ang tag ng likod ng T-shirt niya. "Thad!" tili niya sabay hawak sa mga balikat nito. Tili na may kasamang tawa.

Loko talaga!

"Ang arte nito!"

"Laway mo 'yan ah."

"E, ano? Parang wala tayong pinagsamahan -" Pinalo niya ito sa dibdib. Ang lakas ng tawa ni Thad. "Grabe!"

"Alam mo, aalis na ako. Sa bahay na lang ako maghihilamos."

"Hindi, alisin natin 'yan." Thad cupped her face. He was grinning from ear to ear. Ang lakas naman ng kabog ng dibdib niya. Thaaaaad! "Saka ka na umuwi. Aliwin mo muna ako."

"Anong tingin mo sa'kin clown?"

"Parang ganoon na nga –"

She suddenly heard someone cleared her throat kaya pareho silang napatingin sa may pinto. Malamang narinig din 'yon ni Thad. Namilog ang mga mata niya nang makita si Melissa. Mabilis na lumayo siya kay Thad.

"Mel!" gulat na tawag ni Thad dito.

"I hope I'm not disturbing anything?" anito na may tipid na ngiti. Pero 'di nakaligtas sa kanya ang selos na dumaan sa mga mata nito nang tignan siya.

"No!" agap niya.

Tumayo na siya at ngumiti pa rito to clear the tension na unti-unti nang nabubuo sa silid na 'yon.

"Binibiro lang kasi ako nitong si Thad. Hindi ko natanggal 'yong paint sa mukha ko. Saka hinatiran ko lang din siya ng banana cue." Bumaling siya kay Thad. "Thad," at kay Melissa, "Mel, alis na muna ako. Sumaglit lang talaga ako bago ako mag-grocery. Mauuna na ako."

Lumabas siya nang walang lingon-lingon at dumiretso sa bahay. Pero nang bubuksan niya na ang pinto ay hindi niya maiwasang silipin ang dalawa mula sa bukas ng bintana ng kwarto ni Thad. Pero gusto niya ring pagsisihan na tumingin pa siya. Magkayakap sila Mel at Thad at tila nilalambing pa ito ni Thad. Ramdam na ramdam niya ang inggit at selos sa puso niya pero wala siyang magawa kundi ang aluin lang ang puso niya.

Marahas siyang bumuntonghininga at pumasok na lang sa loob.

Ganoon talaga e.





HINDI ALAM NI Sanna kung ilang oras na siyang nakaupo sa gutter sa gilid ng daan. Nasa harap lang naman siya ng bahay. Pansin niyang walang tao kina Thad. Nag-grocery na lang siya kanina at pagbalik niya wala na sina Mel at Thad. Umalis siguro ang dalawa.

Inangat niya ang mukha sa madilim na kalangitan. Himala na maraming mga bituin ngayon. She suddenly misses home. Kanina sinubukan niyang tawagan ang papa niya pero ang asawa nito ang nakasagot. Tita Cassandra told her papa was busy. Hindi naman siya naniniwala roon. Alibi lang malamang 'yon.

Marahas siyang bumuntonghininga.

"Ang lalim no'n, ah?"

Marahas niyang naibaling ang tingin sa nagsalita. Nakangiting kumaway si Jude sa kanya na sukbit-sukbit pa sa likod ang gitara nito. Nasa bulsa ng pantalon nito ang isang kamay.

Bigla siyang nabuhayan ng loob nang makita ito.

"Kuya Jude!"

"Hinihintay mo ba kami o si Thad lang?" He chuckled sabay upo sa tabi niya. "Nakaupo rin sa wakas." He stretched his legs forward. "Hindi na ako nakaupo kanina sa jeep. Sumabit na nga lang ako para makauwi."

"Bakit 'di ka nag-taxi dami mo namang pera," biro pa niya.

Natawa ito. "Ang pera ko pang kain lang at hindi pang-taxi."

"Saan ka galing? Hindi ka nanligaw ngayon?"

"May gig kami nila Pablo at Samson, birthday party." Hinubad nito ang guitar case nito sa likod at itinabi muna 'yon. "Tapos sumaglit ako kina Faith. May bring home kaya hinatid ko sa dorm niya."

"Naks! Napaka-dedicated naman."

Natawa na naman ito. "Hindi pa nga ako sinasagot."

"Worth it naman paghihintay kung sakali kaya okay lang 'yan."

"Kumain ka na ba? May pansit at shanghai pa ako rito." Aside sa guitar case ay dala rin nito ang bag nito. Nakasukbit naman sa harapan nito. "Saka pusô. Tatlo na lang 'to." May plastic talaga itong inilabas mula sa bag. Ngumisi pa ito nang ipakita sa kanya ang tatlong pusô rice. "I love you na rin 'yan."

Tawang-tawa siya. "Sweet naman."

"Naman." He chuckled. "Hawakan mo 'to." Pinahawak niya sa'kin ang tatlong pusô at ito naman ang isa-isang nagbukas ng naka plastic pa na pansit at shanghai. "Medyo matabang lang ang pansit nila at makunat ang shanghai."

"Hoy, Kuya Jude!"

Malakas na tumawa ito. "Totoo naman. 'Yong spaghetti nila kinulang ng ketchup at tinipid ang hotdog. Pero okay naman ang lasa."

"Pero afford kayo."

"Kaunti lang naman nakuha namin. Kaibigan kasi ni Pablo 'yong pinsan ng magbi-birthday at fan daw namin."

"Hayaan mo kapag sumikat na ang Queen City malaki na makukuha n'yo at buffet na ang bring home."

He chuckled. "Magdilang-anghel ka sana."

"Sanna naman pangalan ko e, so, matutupad 'yan." Her smile grew bigger this time. Aliw na ginulo nito ang buhok niya gamit ng isang kamay. "Saka naniniwala ako sa Queen City. Aabot kayo international at sana huwag mo akong makalimutan kapag sikat na sikat na kayo."

"Sige, paasahin mo pa ako." Kinuha nito sa kanya ang isang pusô. "Gustong-gusto ko 'yong umaasa ako."

Natawa siya. "Seryoso ako." Kumuha rin siya ng isang shanghai. "At saka malinis kamay ko." Napansin niya kasing nakatingin sa kamay niya. "Ikaw yata ang may maduming kamay."

Malakas itong natawa. "Hasola bataaa!"

"Pero hayaan mo na, gutom na ako."

"Sabi ko nga."

Masaya silang kumain sa gilid ng daan. Tawa tapos subo, nabibilaukan pa minsan. Ang lakas pa ng tapik ni Jude sa likod niya lalo siyang naubo. Hihiwalay yata baga niya.

"Wala ka man lang pantulak," biro pa niya nang mawala na ang bara sa lalamunan niya.

Pumasok na lang ito sa bahay niya at nilabas pa ang buong pitsel na alam niyang kinuha nito sa ref.

"Anong silbi ng bahay mo kung 'di natin pakikinabangan?"

"Nga pala, ano balak mo after graduation? Itutuloy mo pa rin ba ang architecture?"

"Hinihintay ko na lang na palayasin ako ng tatay ko," nakatawa nitong sagot.

Natawa na lang din siya. Loko talaga! "Sa tingin ko i-pu-pursue mo music."

"Manghuhula ka na pala ngayon?"

"Nabanggit sa'kin ni Simon na may offer sa Queen City. Anong balita roon?"

"Ah, 'yon? Hindi pa naman sigurado. Dalawa nga, actually. May isang talent scout sa Manila na kinausap kami kamakailan lang din. Itong isang talent scout medyo pipty-pipty pa naman dahil nga 'di kami naniniwala na taga US siya."

"US?"

He nodded. "Yup, at personal siyang makikipag-meeting sa'min sa March pa naman. Ito tagang Manila, nag-offer siyang exclusive pero suhestyon ni Pablo na non-exclusive lang daw muna or mag-freelance lang daw kami. Baka kasi seryoso talaga 'yong taga US sa amin. Sayang din ang opportunity."

"Sabagay mas maganda 'yon."

"Naisip ko na magandang oportunidad din 'yon sa Queen City na makilala locally at s'yempre may kita so hindi na rin masama. Kapag nasabi ko na sa tatay ko na 'di ko na itutuloy ang pagiging architect alam ko na puputulin niya lahat ng allowance ko. May kaunting ipon naman ako at may kita pa naman sa mga gig na meron kami so mabubuhay pa ako."

Natawa siya sa huling sinabi nito. "Punta ka lang rito kapag nagutom ka."

"Bahala na." Tumawa ito. "Ayoko na isipin. Kung magkamali, magkamali. Kung tumama, 'di salamat."

"Iba pa rin talaga 'yong sinusunod mo 'yong mga bagay na gusto mo, 'no? Kung sana applicable din 'yon sa lahat ng mga nangangarap."

"Malakas lang ang loob ko dahil mabubuhay lang naman tatay ko sa sarili niyang kakayanan. Sa kaso ng iba, lalo na kung breadwinner ka, I doubt kaya mo ngang sumugal. Kahit papaano ay masasabi kong swerte pa rin ako. May sungay lang talaga ama ko."

"Magkaugali ba ang tatay mo at tatay ni Thad?"

"Mauuto mo pa tatay ko pero hindi si Tito Bernard. Ang laki ng expectations niya lagi kay Thad. Nakakasakal. Siya rin ayaw na mag-architect si Thad noong una dahil nga 'di nakakapasa mga art works ni Thad sa kanya. Nandoon ako sa tuwing napapahiya si Thad sa mga family events. Lalo na kapag laging second lang sa mga drawing competitions si Thad noong mga bata kami. Noong high school 'di na siya sumali at sinarili na lang niya ang pangarap niyang maging architect. Na kwento niya na ba 'yan sa'yo?"

"Hindi lahat."

Hindi niya alam 'yong pagpapahiya kay Thad. Nakaramdam tuloy siya ng lungkot at awa rito. Napaka-traumatic no'n. Alam niya ang pakiramdam na napapahiya. Kaya hindi rin niya masisisi si Thad if he chose to hid his talent.

"Kaya nga muntik na kaming magkasiraan niyan dahil sa lagi ako ang bukambibig ng pamilya namin, but I stood up for him kasi alam ko na 'di niya rin ipaglalaban ang sarili niya. Ending naging blacksheep pa kaming dalawa. Walang utang na loob. Ungrateful sons. Nah. Lagi naman kaming masama sa paningin nila. Pero ito kasing si Thaddeus lagi niya iniisip na kapag sinagot niya si Tito Bernard ay lalo lang magagalit si Tito sa kanya at hindi na talaga ito magiging proud sa kanya. It sucks, to be honest. Minsan nakagago 'yong ka martyr-an niya sa tatay niya."

"Sa tingin mo may pag-asa na mabago pa isip ng tatay niya?"

"Hindi ko sigurado. Tatay ko nga yawa. Si Tito Bernard pa kaya?" Tumawa ito. "Tignan mo nga 'yan si Thad. Kulang na lang magpakamatay sa pag-aaral pero wala namang pagbabago sa tatay niya. For Tito Bernard, Thad will never be good enough."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro