Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

"DADDY!"

Kumawala sa hawak ni Sanna si Art at tinakbo ang pagitan nito at ni Thad. Napangiti siya pero nagtataka rin siya. Alas singko pa lang naman ng hapon pero nakauwi na ito. He said he'll be home late.

Thad welcomed Art in his arms and lifted him with that big smile. Hinalikan nito sa pisngi si Art saka ginulo ang buhok. Huminto siya sa paglalakad just a mere distance away from them para tignan ang mag-ama.

No one will doubt Art and Thad's uncanny resemblance. Kahit siguro itago niya ay tatawanan lang siya ng mga tao kung i-insist niya. Not to mention, Art is as stubborn as she and Thad are.

Umangat ang tingin ni Thad sa kanya, he was smiling. Napakurap siya sa ngiting 'yon – a bit dumbfounded. The nostalgia it holds awakens a precious memory of Thad's younger self in her mind that she loved the most. She was longing to see that heartwarming smile ever since she got here. Ang ngiti kasi nito madalas ay pigil at may pagdadalawang-isip, but now, it changed.

She couldn't help her smile lalo na nang ilahad nito ang isang kamay para sa kanya. He didn't say a word but his eyes expresses her to join them and hold his hand. Kaya lumapit na siya sa mag-ama at hinawakan ang kamay ni Thad. Agad namang sumikdo ang puso niya nang magtama ang mata nila and Thad's smile grew bigger.

"I know I'm early," basag nito bago pa man siya traydorin ng mga pisngi niya, she could feel them burning.

She pursed her lips not to laugh out loud. Na realize niyang parang nabasa ni Thad ang isip niya kanina.

"Pansin ko nga. 'Di ka busy?" Inangat niya ang libreng kamay para ayusin ang nagulong buhok ni Art na mahigpit ang yakap sa leeg ng ama nito.

Thad sighed, his smile remained. "Busy, but there are other ways to work on it while I'm home. Anyway, saan ba kayo galing?"

"Sa rooftop po ni Tita Chi," malaki ang ngiting sagot ni Art. "Ang dami pong foods ni Tita Chi, Daddy. Ang dami ko pong nakain."

Thad glanced at her with a creased forehead.

"She did not say bad things about me, didn't she?"

Natawa siya roon. "Kahit na mayroon alam ko naman na lahat."

"Mabait po si Tita Chi, Daddy."

"Really? I don't think so."

"Pero sabi niya po nasisira araw niya kapag nakikita niya raw po kayong dalawa ni Tito Jude," inosenteng kwento ni Art, bakas pa rin ang pagtataka sa mukha nito. Hindi kasi in-explain ni Chi kung bakit. Basta 'yon na raw 'yon.

Natawa si Thad. "Huwag ka maniwala sa Tita Chi mo."

"Say gursss!"

Bigla na lang may nag-flash sa kung saan. Pagtingin nila ay bumungad sa kanila si Jam. Bumaba ang tingin nito sa kakaibang camera na hawak nito at bigla na lang may lumabas mula roon. She was not familiar with that type of camera. Film ba 'yong lumabas sa camera?

Jam lifted his face habang pinapaypay nang marahan ang maliit na square na hawak nito.

"Jam," tawag ni Thad dito.

"Zup!" Lumapad lang ang ngiti nito at lumapit sa kanila. "So the rumors are true? Isa ka na raw ulirang ama, Thaddeus?" Jam chuckled. "Hi Sanna."

Ngumiti siya rito. "Ngayon lang ulit kita nakita rito, ah?"

"Kakauwi ko lang."

"Saan ka na naman gumala?" tanong ni Thad.

"Sa Palawan dinalaw ko 'yong isang kaibigan kong marine biologist. Dalawang araw lang naman ako roon. Sumaglit lang ako sa day off ko."

"Leisure or work?"

"In between," Jam chuckled. "Pinakilala ko rin kay Juan. Mas magkakasundo ang mga 'yon. Alam mo na." Tumawa ito pagkatapos.

Last time na nakita niya si Jam sa Faro ay noong 18th birthday pa niya. That was on the same day na napunta siya sa present. She doesn't know a lot of things about Jameson dahil nga 'di rin ito madalas sa Faro. Ito pa lang ang second time na nakita niya ito.

"Anyway, you must be Art?" Itinuro nito si Art, "Cute, kamukhang-kamukha mo 'tong work of Art mo, Thaddeus." Amazed na amazed itong titigan si Art. "Carbon copy, ah?"

"Huwag mo masyadong titigan ang anak ko, Jameson, baka matunaw 'yan."

Malakas na tumawa ito. "Ito naman ang damot."

"Art, mag-bless ka sa Tito Jam mo," nakatawang sabi ni Thad, halatang nang-aasar pa. "Tamang-tama malapit na mag-Pasko. Galante 'yan, anak."

"Ang lakas makatanda, Apostol." Gayunpaman ay inangat pa rin ni Jam ang kanang kamay para makapagmano si Art. "Huwag kang mag-alala sa Pasko, Art. Sure na ang dasal na regalo ko para sa'yo."

Natawa siya roon.

"Nga pala, himala nandito ka sa Faro?" pag-iiba ni Thad.

"I'm just checking my house. Kausap ko 'yong contractor kanina."

"It's almost finished."

"Yeah. Can't wait." Tumawa ulit ito. "Sa December na raw ang completion. Maybe by January, next year I can finally move all my things here."

"Anong sabi ni Juan?"

"Matabang na good for you."

"Very Juan."

Natawa ang dalawa.

"Here." Inabot ni Jam ang hawak nito kay Art. Namilog ang mga mata niya nang makitang picture pala 'yon nilang tatlo. "Welcome to Faro de Amoré, Art Apostol." Umangat ang isang kamay nito para guluhin ang buhok ni Art. "Mukha lang 'di mapagkakatiwalaan mga tao rito, but trust me, we are one of the best people in Cebu. The best titos in town."

Sumilay ang ngiti sa mukha ni Art. "Thank you po."

"You're always welcome." Jam sighed with a smile. "Anyway, gotta go. Sisilipin ko muna ang aking pinamamahal na kapatid na si Haring Ryuu Juan Song sa kanyang palasyo. Balita ko miss na miss na raw ako ng aking butihing kapatid."

"Wala akong nababalitaan," Thad chuckled in response.

Jam grimaced. "Pangit talaga ka bonding ng 'sang 'yon."

"Ambunan mong pagkain."

"Speaking of that." Tinignan nito ang relo sa kamay. "I still have time to bribe him with foods." Umangat ulit ang tingin nito sa kanila. "Mag-go-grocery muna ako." Tinapik nito si Thad sa balikat. "Gotta go for real this time, bro." Tumawa ulit ito. "See you later, Sanna, Art."

"See you."

Tumango lang ito saka mabilis na tumakbo.

"Let's head inside," basag ni Thad pagkatapos. Inakay na sila nito sa direksyon ng bahay. Iniwan lang nito ang Toyota Hilux nito sa harapan at hindi pa in-park sa garahe sa loob. "Ano bang magandang lutuin mamaya?"

"Hindi ba talaga magkasundo ang magkapatid?" sa halip ay tanong niya.

"Who? Sina Juan and Jam?" She nodded.  "I don't know if it's mere a coincidence or not pero halos ng magkakapatid dito sa Faro ay it's complicated ang status."

"Paanong it's complicated?"

"Isa na sina Juan and Jam. Hindi ko alam kung magkasundo o hindi, but Juan is still welcoming Jam in his home lalo na kapag may dalang pagkain."

Natawa si Sanna.

"Sep and Andrew, isa pa ang mga 'yon. Andrew always checks on Sep but they always argue. Hate and love relationship yata 'yang kay Andrew. Si Sep ang parang wala lang. Hinahayaan niya lang mainis at magalit si Drew sa kanya. Tinatawanan pa nga lang niya.

"Maha and Balti, aso't pusa, walang araw na 'di nagsusumpaan ang magkapatid na 'yan. Then we have the reunited siblings, Aurea and James. It's a long story but James was the estranged son of Nanay Lourdes. Fate must have work his ways to reunite the three. But Au and James are literally the yin and yang of Faro. Ni-re-reject ni Au ang mga desisyon ni James lagi at madalas si Au ang nasusunod."

She chuckled. "Sa ugali ni Au I doubt magpapatalo 'yon."

"Even Tor can't handle how Aurea thinks. Lulusot at lulusot daw talaga."

"Jam is older than Juan, right?"

"Yup. A year older. Nag-iisang anak ni Tita Janella si Juan sa unang asawa nito and nag-iisang anak din ni Tito Ram Nutthawuth Tangrisuk sa unang asawa nito si Jam."

Natawa siya. "Buti naalala mo full name ng tatay ni Jam."

"Mamaya makakalimutan ko na naman," Thad chuckled.

"So he's Fil-Thai?"

"Filipino-Thai-German," he corrected. Namilog ang mga mata niya. Wow! "Jam's biological mother is a Filipina and Tito Ram is a Thai-German. Thai lang ang last name nito because ang nanay ng ama ni Jam ang German at ang tatay nito ang Thai."

"I see."

"He's actually one of the friendliest people here."

"Anong work niya pala?"

"He used to be a field reporter in a local TV news in Manila. He also writes in newspapers before. He quit his job and do freelance work photography, event host, at regular siya sa isang radio station dito sa Cebu – FM DJ, may solo segment siya."

"Ang galing!"

"He's quite famous."

"Mukha talaga siyang celebrity."

Kaya nga siya na starstruck noong una niya itong makita. Jam is really good looking. Ito ang tipo talaga na pang hero sa mga teleserye. The typical good boy na anak mayaman. Si Thad kasi, haciendero ang datingan – hacienderong snobero sa una pero makulit pala.

"Tumatawa ka riyan ng tahimik?" puna ni Thad, kumukunot na naman ang noo.

"Wala," nakangiting kaila niya.

"You find him handsome?"

"Gwapo naman talaga siya."

"Mas gwapo pa sa'kin?"

Natawa na tuloy siya. "O, bakit na ikumpara mo na sa'yo si Jam?"

Nasa loob na sila ng bahay at ibinaba na ni Thad si Art. Pero sa halip na umalis si Art ay tiningala lang nito si Thad. Tila naghihintay din ng sagot.

He cleared his throat. "Wala –"

"Mas gwapo ka po Daddy," singit na ni Art. "Magkamukha po tayo at gwapo po ako." Malakas na natawa si Thad sa anak nila. "Kaya po gwapo rin po kayo," dagdag pa ni Art na nakabungisngis.

"I agree with our son."

"Mag-ama nga talaga kayo," aniya na napailing na lang.

"Daddy, gusto ko po ng Jollibee. Sabi ni Tito Simon dapat doon daw tayo lagi kakain."

"Nag brand endorser na naman ang 'sang 'yon."

Natawa siya. "Loyalty no'n alam mong sa Jollibee."

"Sabi ko nga." Thad started unbuttoning the first three buttons of his white polo. "Fine, let's eat out. I'll just change something casual."

"Yeheeey!" Art cheered. "Jollibee! Jollibee!"

"Magbibihis na rin muna kami ni Art." Pinayakap niya ang mga braso nito sa kanyang baywang. "Halika, baby, akyat tayo."

"Mommy gusto ko po 'yong jumper na bigay ni Tito Yesus."






THEY HAD THEIR dinner at the nearest Jollibee in the area. Tuwang-tuwa si Art at enjoy na enjoy sa kinakain. Bukambibig nito lagi ang Tito Simon nito at ang mga Jollibee stories na inkwento ni Simon kay Art. Huwag sana mahulog o matapilok ang 'sang 'yon at puro Tito Simon na 'tong si Art.

Namasyal naman sila sa Danao pagkatapos kumain. May park doon na malapit sa simbahan. Nakaharap sa dagat. Presko ang hangin at may mini merry-go-around. Nag-ayang sumakay roon si Art. Ending kahit siya na matanda e sumakay na rin. Napilit din niya si Thad so silang tatlo na ang sumakay ng tatlong rounds.

Tawa lang sila nang tawa pagkatapos hanggang sa magsawa sila. Maliban doon ay may mga naka display rin kasi roon na mga famous tourist spots sa iba't ibang bansa. Halos 'yon din naman yata ang pinupunta ng mga tao. Napagod na sila kaya naghanap na sila ng mauupuan sa mga plant box na naroon.

"Tumagkad ka ba lalo?" basag niya na may kasamang tawa. Nahiga sa hita niya si Art na busy na sa paglalaro sa iPad ni Thad.

"Anong klaseng tanong ba 'yan?"

"Matinong tanong kaya 'yan."

Thad chuckled. "Kaunti lang yata. Last time I checked I'm 6'1''."

"Ang tangkad mo naaaa!"

"Mommy!" reklamo ni Art, nagulat niya yata.

Tinawanan lang siya ni Thad bago tinapik-tapik ang binti ni Art. "Sigeng, sigeng," anito. It's a Bisaya chant to calm kids and babies from sudden surprises. But instead, she find it cute when Thad did that. "Matangkad na ako matagal na."

Nagpatuloy na ulit sa paglalaro ng Plants Vs Zombies si Art.

"Hindi ka nagka-girlfriend?"

Umiling ito. "Hindi ko naisip."

"Bakit?"

"Busy with work."

"O hirap na hirap kang maka move on sa'kin?"

Ang lakas ng tawa ni Thad. "Saan galing 'yan?"

"Labo mo kausap e. Ako na mag-de-decide."

"Naririnig ka ng anak natin kung anu-ano sinasabi mo." Thad was suppressing his smile. "Baka isipin niyan patay na patay ako sa'yo."

"He's busy playing so he's preoccupied. He's just like you. Kapag may ginagawa na importante automatic shut down ang mga nakapaligid."

"I get it." He chuckled. "Sa tingin ko naman compliment pa rin 'yan. I can't even distract you when you're painting. Nila-lock mo pa nga ang pinto ng work room mo."

Natawa siya. "Kasi makulit ka."

"Nakukulitan ka pa sa ugali kong 'to?"

"You're annoying me."

"Bilis mo rin kasi maasar kaya sarap mong asarin."

"Okay lang basta 'di pa deadline. E ikaw, highblood ka minsan lalo na kapag pasahan na. Ikaw naman nagpo-procrastinate."

Napamaang ito. "I have so many things on my plates."

"Na puwede mong gawin pero 'di mo ginagawa kasi tinatamad ka."

Lalo itong natawa. "Akala ko ba wala kang maalala bakit ang dami mo naman nang ibinabalik sa nakaraan?"

"I remember everything about you." Her smile slowly faded when she realized something after. "But I don't remember anything about myself."

Ilang segundo ring katahimikan ang dumaan sa pagitan nilang dalawa bago ulit nagsalita si Thad.

"Iesus gave me your credentials earlier."

Naiangat niya ang mukha rito. "Talaga?"

Thad nodded but his smile didn't reach his eyes. "But it was your mother's name... your father was not registered in your school documents."

"Pero ang sabi mo –"

"I know. I expected that we'll see your father's name, so I was kind of disappointed as well. Ang ama mo lang kilala ko, based on your stories. You don't mention his name or his background but I know you're close."

"Hindi ko rin ba na-ikwento ang mama ko?"

"Once or twice, but not often. Sabi mo lang sa'kin noon matagal na kayong 'di nagkikita ng mama mo. Sa natatandaan ko, simula nang lumipat ka sa Carcar. High school ka na noon. You said your father and his family have been taking care of you since then."

So she grew up in a broken family? Pero na saan ang mama niya? Bakit siya napunta sa poder ng kanyang ama? High school? Meaning may chance naghiwalay ang parents niya noong high school siya o nasa pangangalaga siya ng mama niya noon.

"Anong pangalan niya?"

"Evangeline... Evangeline Isidro."

Kumunot ang noo niya. "Isidro? Hindi Rama?"

Thad shook his head. "Hindi kayo magka-apelyido ng mama mo. Naisip ko na baka hindi kasal ang mga magulang mo at ang dala mong apelyido ay ang sa papa mo."

Napaisip din siya. It's really possible. "Sa tingin ko hindi normal ang family background ko. Maybe it's one of the reasons why I don't talk about them."

"Pamilyar ba ang pangalan ng mama mo?"

"I'm not sure, but we have the same name. 'Yong Evangeline ko is my second name."

"Sabagay."

But her worry is. "May maitutulong ba ang name ng mama ko?"

"Iesus said he will hire someone to look for your mother. Sabi mo taga Samboan ka before ka lumipat ng Carcar, so the investigator will start there. Naniniwala si Sus na may mahahanap ang tao niyang Evangeline Isidro."

Tipid siyang ngumiti kay Thad. "Hopefully."

"I also believe we'll find her... and maybe through her mahanap natin ang papa mo. I don't want to be pessimistic about your fate. Hanggat may natitirang oras pa ako ay hahanapin ko kayong mag-ina."

"Thank you, Thad."

"Everything will be fine. Sa ngayon, 'yan na muna ang gusto kong paniwalaan natin."

"Napasok na ang bahay ng zombieeeees!" biglang sigaw ni Art sabay balikwas ng bangon.

Nagulat silang pareho ni Thad pero nang masilip ang nilalaro ni Art sa iPad ay natawa lang silang pareho.

"Tigilan mo na 'yan, Art!" nakatawang saway na niya rito.

Lagi na lang siyang ginugulat ng batang 'to.

"Mommy, kinulang ako ng sunflower kaya 'di ko na protect ang house." Umisang linya na lamang ang mga kilay nito. "Lagi lang siyang gumagalaw nang ganito." Ginalaw nito ang ulo na gaya ng ginagawa ng sunflower sa laro, panned his head from right to left, doon siya natawa. Ang cuteeeee! "Tapos kulang din akong fighting plants. Puro patatas lang nakukuha ko."

Hindi pa rin tumitigil sa paggalaw ang ulo ni Art na parang sunflower. Rinig na rinig ko pa rin ang mahinang tawa ni Thad na sa mga oras na 'yon nakasandal na ang baba sa isang balikat niya.

"Ewan ko sa'yo, Art," aniya.

"Hayaan mo na at least hindi naging zombie ang anak natin."

"Oo, naging sunflower naman."

Malapad na ngumiti si Art habang ginagaya pa rin ang sunflower. Halatang sinasadya na nito para asarin siya. Fortunately, she's not annoyed. Paano siya maiinis sa mukhang 'yan, ha? Ang cute-cute!

D A Y   6

"CONGRATULATIONS, AUREA FELIZ FELICIANO VELEZ, RPm!"

Sabay-sabay na pumutok ang mga hawak na party poppers nila Sep at Simon. Hinila ni Balti ang tali sa naka rolyo na tarp na ikinabit pa ng mga ito sa kisame sa ground floor ng Noah's Ark at bumungad sa kanila ang malaking mukha ni Aurea na nakaupo sa isang mesa suot ang graduation photo nito na walang hat.

May black name plate sa harap ng buong pangalan nito with RPm na nakasulat in gold at sa likod nito may mga mythical beings at multo. Tawang-tawa siya roon. May white lady, kapre, tikbalang, aswang at mga souls na may itak sa ulo. May duwende at tiyanak pa sa mesa nito.

"Shuta ka, Bartholomew!!!"

Umugong ang malakas na tawanan kasabay ng background music. Sila-sila naman na dahil in-rent daw ni Tor ang buong Noah's Ark from 6pm onwards.

"You're welcome, Auring!"

"Nin, huwag mo na ituloy ang pagpapakasal sa lamang lupang 'yan! Naka strike two ka na sa'kin. 'Di ka pa nakuntinto sa graduation tarp ko!!"

"Nah, mahal ako niyang si Ninin ko."

"Ngayon pa lang naaawa na ako sa mag-ina mo Bartholomew!"

"I second the motion!" segunda ni Maha, kapatid ni Balti na may kasama pang pag-angat ng isang kamay. "Ibaon 'yan sa lupaaaaa!"

"Isinusumpa ko si Maha na 'di na makakapag-asawa," asar pang lalo ni Balti.

"Kuyaaaaaaa!"

Lalo lang nagtawanan ang mga tao sa loob. Maliban na lang kay Andrew. He was smirking while sipping on his glass of water.

"Anak may utak ka ngaaaa!" Yumakap si Nanay Lourdes kay Aurea na umiiyak. "Mommy is so proud of you." Tawang-tawa ulit sila. Lalo na nang ipampunas ni Nanay Lourdes ang LV nito na bag sa mga luha. "Tama ang desisyon kong isilang ka sa mundong ito. Ngayong malaki ka na nais mong maging malaya. 'Di man sila payag wala silang magagawa."

"Hindi naman 'yan lumaki, Nay," tudyo pa ulit ni Balti.

"Hoy, Bartholomew!"

"Totoo naman," dagdag pa ni Tor.

Umawang ang bibig ni Au. "Wow!" Gulat na gulat ang mukha sa komento ng asawa nito. "Ikaw naman malapad ang noo."

Naningkit agad ang mga mata ni Tor.

"At diyan nagtatapos ang ating masayang surprise congratulatory party," anunsyo ni Balti mula sa microphone na hawak. "Magsiuwi na ang lahat. Bring home na lang ang mga pagkain."

"Manahimik ka Ser!" sigaw ni Simon.

"Shut up, Takeuchi!"

"Same to you!"

Hindi naman nagkakapikunan ang mga ito. Tinatawanan nga lang nila ang mga pang-aasar. Tulad ngayon lumapit na si Tor at niyakap si Au. Natawa lang ito sa sapak ni Au sa dibdib nito.

Si James ang may karga sa anak ng mga ito na si Aurora na may sarili na namang mundo. Mas naka pukos ang atensyon nito sa pamangkin kaysa sa mga tao. Sinisiko na ito minsan ni Nanay Lourdes pero nagsasalubong lang ang mga kilay nito at ngingiti na naman kapag haharap kay Aurora.

Everyone is here.

S’yempre, Jude is with his wife and twins kasama ang Nanay Celia ni Mari.

"Sus, anong masasabi mo sa pagkapasa ni Aurea sa board exam?" Itinapat ni Balti ang mic kay Iesus.

"Congratulations," nakatawang sagot ni Iesus.

"Thank you, Sus. Sobrang life changing ng sagot mo. Tunay na kapupulutan ng aral." Lumakas lang ang tawanan nila. Ang kulit talaga! "Ang sagot mo ay mailalahatla sa lahat ng mga history books at mapag-aaralan pa sa mga susunod na henerasyon."

"Tanungin mo si Juan, Ser!" sigaw ni Simon.

"O, ito, si Juan, interview-hin natin." Lumapit si Balti kay Juan. "Juan, anong message mo kay Aurea ngayong licensed RPm na siya."

"Anong oras tayo kakain?"

Umugong na naman ang tawanan.

"Ewan ko sa inyo! Nag-surprise pa kayo sa'kin."

"Mahal ka namin Au sa isip at puso pero 'di sa gawa."

"Shuta kayo!"

"Ang importante mahal na mahal ka ng black card ni Tor."

"Hoy!"

"True lang tayo rito," asar pang lalo ni Chi.

Tawang-tawa na rin si Au. "Alam n'yo –"

"Alam na namin!"

"Bakit 'di ko alam?" inosenteng tanong ni Amora. "Oy, share naman kayo. Huwag n'yo itatago sa'kin."

"My lord, 'di alam ng Amora mo oh," ni Simon.

"Let her discover things on her own," naka smirk na sagot ni Iesus sabay inom ng juice mula sa hawak nitong baso.

"Masamid ka sana."

Natawa ulit sila nang inihit ng ubo si Iesus bigla. Nasamid na nga sa iniinom nitong juice. May ngiting tagumpay si Amora na agad ding nagtago sa likod ni Chi.

"Ang bilis nga naman ng karma," anunsyo pa ni Balti. "Sus, hinay-hinay lang. Ganyan talaga kapag tumatanda ka. Madami nang bumabara sa lalamunan. Kaya nga lugaw-lugaw na lang e."

"Gago ka Ser!" sabay-sabay nang lahat.

"Second to all of you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro