Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

D A Y   5

"OY, SANNA!"

Napangiti si Sanna nang makita si Chippy paglabas niya ng bahay. Hawak niya ang bag ni Art dahil 'di niya mahawakan sa braso. Nagta-tantrums kanina pa. Gusto kasi sumama kay Thad kaso hindi puwede. Hanggang ngayon nakabusangot pa rin.

"Chi!" Kumaway siya rito. Napansin niya ang dala nitong green eco bag. Malaki kasi talaga sa pangkaraniwan pero mukhang wala nang laman. "Saan ka galing?" Lumapit na siya rito habang hinihila si Art.

"Mommy!" nakangusong reklamo pa ni Art na may kasama pang pagpadyak ng mga paa, nagpapabigat pa nga.

Nako! Nako, ang batang 'to. Nagmana pa sa kanya sa katigasan ng ulo.

Napansin naman ni Chi ang pagta-tantrums ni Art kaya ito natawa. "Hello, Thad liit." Kinawayan pa nito si Art. Ganyang nakanguso ang batang 'to at naniningkit ang mga mata mas nagiging kamukha ni Thad. "Mukhang masama gising natin, ah? Let me guess, nakita mo mukha ng tatay mo?"

Mukhang 'di naman ito naintindihan ni Art kaya siya lang ang natawa.

"Nako, kanina pa 'to. Kaya ko nga ilalabas. Hindi rin inubos ang breakfast niya."

"Alam ko na agad future nila Auring at Maring." Chi chuckled. "Goodluck, magsasara talaga ako ng rooftop."

Ang alam niya ay nandito lang talaga si Chi sa Faro. Hindi ito nakakalabas ng Faro na walang kasamang pinagkakatiwalaan ni Iesus. Baka may in-pick-up lang sa gate.

"Saan ka galing?" tanong niya ulit since Chi did not answer her question earlier.

"Ah, doon sa gate." Itinuro nito ang direksyon ng gate kahit 'di naman 'yon kita sa bahay ni Thad kung sa ibaba. Sa itaas, oo. "May in-meet-up ako na mga customers na walking distance lang rito sa Faro. Online selling."

"Online selling?"

Medyo 'di siya pamilyar sa ganoong concept. Isa yata 'yon sa mga bagong paraan ng pagbebenta gamit ng mga bagong technology. Kahit nga ang bagong cellphone na binili ni Thad para sa kanya ay nahihirapan siyang gamitin. Nalilito siya. Saka ang dami na pa lang nag-emerge na mga social media platforms.

In fact, ang naalala lang niya ay Friendster, Myspace, at Tumblr and most of those are hindi na masyadong ginagamit ngayon or wala na nga yata. Wala rin siyang alam sa mga ganoon dahil 'di naman siya techy na tao. She relay most of her learnings sa mga nababasa niya sa libro, magazines, and newspapers.

"Online selling, sa Facebook at Instagram ako naka focus. Doon ko inilalagay mga for sale na outfits na mayroon ako for this week. Kasama na ang shipping details and fees. Wala naman akong magawa rito sa bahay saka money is life at kapag nauubusan na akong stocks ng mga damit ay it's either Iesus or Vier lang sasama sa'kin papuntang Thailand. Doon ako namimili."

Napakurap siya. "Sa Thailand? Bakit ang layo?"

Natawa si Chi. "Cheap but in good quality, girl. Saka their designs are to die for. Not the usual outfits na makikita mo rito sa Pinas. Most of my clothes are from there by the way." Napansin din niya 'yon, actually. She also has eyes for good designs. "Bumibili ako roon then from there pinapa-ship ko sa Pilipinas kasi bulk orders madalas."

"Ah, kaya pala."

"Alam mo, marami akong new stocks ng mga dresses. Pansin ko mahilig ka roon e. Gusto mo tignan. Bigyan kitang discounts. Tutal mukhang nilayasan na naman kayo ni Thaddeus."

Natawa siya. "May tinatapos siya this week kasi mag-li-leave daw siya nang matagal. Sabay ngang umalis sina Kuya Si at Thad kanina."

Napakamot ito sa ng dulo ng isang kilay nito. "Kaya pala 'di ko na madalas makita rito ang hipon."

"Hipon?"

"Si Takeuchi," ngumisi si Chi, "adik 'yon sa shrimp. Pinapapak niyang parang sunflower seeds." Natawa ulit siya. Alam niya 'yon. Dati pa. "'Ku, buti normal pa rin blood pressure ng 'sang 'yon. Si Iesus, nako, may kadikit na 'yong digital blood pressure monitor."

Doon siya natawa nang malakas. "Grabe!"

"Ganoon talaga kapag tumatanda. Anyway, ano sama ka? Malakas hangin sa rooftop saka feeling ko mag-e-enjoy roon si Art. Dami kong box na puwede niyang pagtripan."

"Sige."




"CHI, WALA KA bang balak ipa-interior landscape ang alfresco mo? Sayang ang space," basag ni Sanna.

She couldn't help but admire the serene view of the sea in front and the whole Faro de Amoré. Maaliwalas kasi ang panahon pero hindi siya mainit. Naririnig pa niya ang marahang hampas ng mga alon at paggalaw ng mga dahon sa mga puno sa paligid. Sumasama sa ihip ng hangin ang tunog ng mga ibon.

Ang nasa rooftop lang nito aside sa loft style block house nito ay ang alfresco na wala gaanong design maliban sa isang mababang mesa na may  maliit na mesa ring nakapatong. It reminds her of those dinner table in Japan. May isang rattan made swing outdoor hammock at ilang mga paso ng mga halaman at bulaklak din si Chippy sa rooftop.

"Unless you want it this way," dagdag niya.

"Actually, pinaayos ko nang kaunti ang loob sa isa sa mga interior designers ni Thad. Kakatapos nga lang ng renovation last month, then naging busy ako sa storage renovation sa isang vacant space sa ibaba," sagot nito pagkalapag nito ng isang pitsel ng orange juice sa mesa.

Nakaupo na nga roon si Art at kumakain na naman ng matatamis na muffins na mukhang galing pa sa Noah's Ark dahil sa logo ng plastic container.

"I had this alfresco on hold. Siguro by next year ko na babalikan." Kinagatan ni Chippy ang kinuha nitong muffin.

Lumapit siya sa dalawa at naupo sa mababang mesa kung saan si Art.

"Gustong-gusto ko ang rooftop mo. Alam mo dati may ginawa akong painting ng isang rooftop tapos parang ganito rin siya may maluwag na alfresco," nakangiti niyang kuwento. "Dream house ko siya talaga since high school saka malapit din sa dagat."

Naupo sa tabi niya si Chi. "Naikwento nga sa'kin ni Ser na naikwento rin daw ni Thad sa kanila na painter ka. Huwag ka na magtaka kung bakit maraming alam 'yan si Ser Balti dahil human CCTV 'yan sa Faro."

"Kinukwento ako ni Thad?"

"Siguro kasi umabot sa'min ang chismis." Chi chuckled. "Alam mo 'yang si Thad napakatahimik niyang nilalang. Kahit sa inuman ay tahimik pa rin. Hindi ko yata nakita 'yang si Thad na hyper. Ganoon ba talaga siya talaga noon? Pagod lagi ang kaluluwa?"

Natawa siya. "First impression ko talaga sa kanya e snob saka parang 'di namamansin pero 'yong sinasabi mo na tahimik siya doon ako napaisip talaga." She paused for a while to think bago ulit nagsalita. "Alam ko na tahimik siyang tao. Hindi siya vocal like Jude and Simon. He was the neutral among the three. 'Yong pinaka common trait nila talaga is passion and dedication sa mga bagay na gusto nila. Kaya madalas na mi-misunderstand ng ibang tao si Thad."

Nalulungkot talaga siya tuwing na ju-judge ng ibang tao ang pananahimik lagi ni Thad.

"Sa tingin ko kaya siya ganyan kasi iniisip niya lagi na kapag nagsalita siya o lumaban siya, mas gugulo lang."

"Hindi yata 'yan applicable sa trabaho niya ngayon."

"Hindi niya naman yata 'yan in-apply sa trabaho niya." She chuckled. "Although architects are hired to design the demands of their clients they still have the rights to inform their clients sa mga possible risks ng mga designs na ini-insist nila. Saka madalas ko naririnig si Thad na may pinagsasabihan sa phone, hindi niya client 'yon, siguro isa sa mga architects niya lang."

"Sana i-apply niya rin sa buhay niya, ano?"

Natawa siya. "He's trying his best. Napapansin ko naman 'yon." Napatitig si Chi sa kanya. She smiled at her. "Although, I can sense a distress wall in between pero unti-unti naman 'yong nawawala na ngayon."

"Did he already tell you everything?"

Umiling siya. "Not yet, pero it's a mutual agreement naman. I told him that we should take it slow dahil ayaw ko rin naman mabigla, although, deep inside alam ko naman na hindi talaga maganda ang ending naming dalawa."

Napangiwi si Chi. "I hate tragic stories. Sinusumpa ko talaga mga writers na ang hilig sa mga ganyan. Nako! Ang dami nang problema sa mundo dadagdag pa ba 'yan sa mga alalahanin ko."

"Reality sucks."

"Kaya nga. Either real or reel, the pain is still traumatic." Bumuntonghininga ito. "Pero ganoon talaga ang buhay. I just wish he don't fuck up like Jude. He almost lost Mari."

"Actually, 'di ko pa talaga alam ang nangyari kina Jude at Mari."

"Chismosa ako pero mas maganda kung kay Mari or Jude mo marinig ang buong kwento. Kaso sa state of mind ng dalawang 'yon sa kambal at sa papalapit na kasal nila sa December I doubt makakausap mo ang mga 'yon nang matino."

"Kaya nga." Sanna chuckled.

"You probably love him so much despite everything." Napatitig siya rito, but Chi was looking at the sea view. "Sa tingin ko rin naman hindi ganoon ka gago si Thaddeus. He's just too vulnerable to even speak for himself."

Did Chi notice it too?

"Kasi pansin ko na tumatawa siya at ngumiti kapag inaalagaan siya ni Nanay Lourdes. He glows. Alam ko 'di niya napapansin 'yon." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "It's hard growing up in dysfunctional family." Hindi niya alam kung bakit natigilan siya roon. She felt a strong familiarity na para bang nakaka-relate siya. Ramdam niya rin sa boses ni Chi ang lungkot. "There is no such thing as a perfect family."

There is no such thing as a perfect family. 

Those lines echoed repeatedly on her mind, yet she couldn't find the right reason behind the discomfort she suddenly felt inside.

Naputol lang ang pag-iisip niya nang mag-ring ang cellphone ni Chi.

"Langya, ano naman kaya chismis nitong si Ser?" Si Balti ang tumatawag yata. May pinindot si Chi sa screen at biglang naririnig na rin niya ang tawa ni Balti sa kabilang linya. Pansin na rin niya 'yon. Kaso 'di niya alam paano. Galing! "Ser, kasama ko sina Sanna at si Art dito so chismis moderately." Sabay silang natawa ni Chi.

"Priscilla, 'yong kaibigan mong engkanto nanahimik ayaw yata hingan nating pang-celebration," nakatawang sabi ni Balti sa kabilang linya. "Mag-aambag naman tayo kung sakali."

"Sinong engkanto? Si Auring ba? Anong ganap ng 'sang 'yon?"

"Napag-usapan kasi rito ang LET review at exam at naalala ko 'yong inaamag nang psychometrician board exam ni Auring na wala ng update."

"At anong makabagdamdaming reyalisasyong ang naisip mo pagkatapos? Uunlad na ba ang Pilipinas?"

Tawang-tawa siya sa palitan ng dalawa. Kahit si Balti ang lakas din ng tawa sa kabilang linya.

"Anak talaga 'yon ni Lourdes! 'Yong kaibigan mo matagal na palang pumasa sa board exam." Pareho silang napasinghap sa gulat ni Chi. "Isa na siyang licensed RPm. Last week pa. Naging busy lang tayo kaya 'di natin napansin nilabas na pala. Kaya pala 'di ako mapakali sa ngiti niya nitong nakaraang araw. Tsk!"

"Gaga 'yon!" react ni Chi, tawa nang tawa. "Kaya pala kahit anong asar ko sa kanya 'di man lang natitibag."

"Congratulations!" Pati siya ay tuwang-tuwa rin.

"Malala, 'di rin pala alam nila Hayme at Nanay Lourdes," dagdag pa ni Balti.

"Anong trip ni Aurea?"

"Anyway, I called Tor at sabi niya sagot daw niya ang surprise celebration natin kay Au sa Noah's Ark. His only condition is, huwag na huwag natin ipahalata na alam na natin. Ginagawa ko na nga ang tarp niya."

Tumawa ulit si Chi. "Shuta ka! May idea ako na hihigitan mo pa 'yong tarp niya noong graduation niya."

"Hindi ka nagkamali."

"Bahala ka na nga. So, kailan naman ang pakain ni Attorney?"

"Bukas daw ng gabi. Gawa na akong GC mamaya. Gawan mong account si Sanna para masama siya sa usapan."

"Sige. Sige."




A KNOCK ON the door brought Thad back from his own train of thoughts. Pag-angat niya ng tingin ay sumilip na ang ulo ni Iesus mula sa pinto ng conference room. Ngumiti ito at pabiro ulit na kumatok sa pinto.

"Busy?" tanong nito pagkatapos.

"Sus!"

Tatayo sana siya pero 'di natuloy nang imuwestra nito ang kamay na huwag. "I came here to drop this." Doon niya napansin ang hawak nitong short brown envelope. Inilapag nito 'yon sa mesa – sa harap niya mismo bago naupo sa hinilang swivel chair nito.

Namilog ang mga mata niya nang mapansin ang imprint logo ng university nila sa envelope.

"Ito na ba 'yong credentials ni Sanna?"

Iesus nodded. "The dean called me up this morning. Dinaanan ko na rin bago ako dumiretso sa office." It's almost lunch time, quarter to 12 noon. Huwag mong sabihing inuna pa 'to ni Iesus kaysa sa mismong trabaho nito? "Sa hapon na ako papasok," he added with a chuckle.

Nabasa yata ni Iesus ang nasa isip niya. Which is not something new dahil ganoon naman talaga ito lagi. He always knew what they're thinking. Minsan iniisip niyang mind reader ito.

"All my meetings are always scheduled in the afternoon unless it's urgent."

"Tinawagan mo na lang sana ako –"

"It's fine." Iesus leaned his back on his seat at bahagya pang pinaikot-ikot ang upuan. "Tinatamad din talaga ako magtrabaho sa umaga."

Natawa siya. "Tinatamad ka pa sa lagay na 'yan sa sobrang workaholic mo?"

"Something that both of us can relate," Iesus chuckled. "Where's Simon by the way?"

"Nasa office niya. Kakatapos lang ng meeting namin kanina."

"You stayed here because?"

"May iniisip lang ako."

"I see."

Inabot niya ang envelope at sinilip ang laman ng loob. "Salamat nga pala rito, Sus."

"Welcome."

"Gusto mo ng kape o juice? Ipagpapatimpla kita."

"No, it's fine. It's almost lunch time anyway. Hintayin lang natin lumabas si Simon."

Umangat ang sulok ng labi niya sa isang ngiti. "First, you're bored and didn't feel like working. Now, you're treating us for lunch."

Natawa si Iesus. "A thank you would be enough as compensation, Apostol."

Ngumiti lang siya kahit 'di tinitignan si Iesus. Inilabas na niya ang transcript of records ni Sanna mula sa envelope at agad niyang hinanap ang pangalan ng guardian nito. His smile faded when he saw a name of a woman instead of a man. Kumunot ang noo niya pagkatapos.

He was actually expecting the name of Sanna's father.

"Something wrong Thad?" tanong ni Iesus.

"Hindi ang pangalan ng papa niya ang nakalagay sa TOR."

"What do you mean?"

Inangat niya ang mukha kay Iesus at inabot dito ang documents. "Evangeline Isidro, mother," basa ni Iesus. "They don't have the same last name?"

"I couldn't remember if Sanna mentioned her mother's name. Hindi naman ako makakalimutin na tao. I could have recognized it immediately."

"You said, she was close with her father."

He nodded. "Naririnig ko pa nga silang nag-uusap sa telepono. Pero nabanggit niya sa'kin noon na matagal na niyang hindi nakikita ang mama niya. She never goes in-depth details about her family."

"Hindi ka na curious?"

"At some point I did, but I sense that mentioning about her family makes her uncomfortable. Pero alam ko na mahal na mahal niya ang papa niya. She had a suicide attempt before," pag-amin niya. "Siguro kung hindi ako umakyat sa itaas ng rooftop ay baka tumalon na roon si Sanna."

"I'm sorry to hear that, Thad."

Mapait siyang ngumiti. "I hated myself for forgetting how vulnerable Sanna was."

"We have regrets because there are things in the past that we failed to find the right value. Ganoon naman palagi. We always learn the best lesson in life the hard way. Sadyang may panahon lang talaga na tanga tayo at kahit anong gawing paninisi natin sa sarili, we could no longer undo what is done."

"I know."

"Maraming kababalaghan ang Faro na minsan 'di ko naiintindihan, but if the lighthouse is giving you a second chance to put things right, I want you to grab it Thad." Napatitig siya rito. Iesus looked serious this time. "Hindi naging madali kina Tor, Jude, at Balti, but they all managed to get through."

"I'm not giving up Sanna and Art."

"I know you will not do that."

"May pagkakataon lang talaga na natatakot ako..."

"Natatakot kang mawala sila sa'yo nang tuluyan?"

Tumango siya. "The thought of them fading away scares me, Sus." Sa tuwing naiisip niya 'yon ay para siyang niyayakap nang matinding kalungkutan na alam niyang mahihirapan siyang kumawala.

"We have Evangeline Isidro, we can start with her. I'll hire someone to look for Sanna's mother. You said, she's from Samboan, right?"

Tumango siya.

"Then, we will start there. Meron naman sigurong nakakakilala kay Evangeline Isidro."

Tipid siyang ngumiti rito. "Thanks, Sus."

"Walang problema. Para saan pa't naging magkakaibigan tayo rito. The suffering of one Faro Boy is a suffering to all Faro Boys," Iesus chuckled after.

"In short, we suffer together."

Sabay silang napalingon sa direksyon ng pinto. Simon was standing there with a smile. Ito rin ang nagsalita kanina. 

"Sabi ko na nga ba ikaw ang pinag-uusapan ng mga babae kong engineer sa office na gwapo at may asul na mga mata." Naglakad si Simon palapit sa kanila at naupo sa kabilang parte ng mahabang mesa – across him to be exact.

Natawa lang ulit si Iesus. "Akala ko 'di ka na lalabas sa opisina mo?"

"Nah, naramdaman ko presensiya mo sa opisina ko pa lang," malakas na tumawa si Simon. "Hinaplos ako ng holy spirit."

"Gago!"

"Minus points ka na naman sa langit, Takeuchi," biro pa niya.

Naningkit lang lalo sa pagtawa ang mga mata ni Simon. "Nga pala, napadalaw ka Sus?" pag-iiba nito. "Sasabihin mo na ba sa amin saan mo inilibing ang mga ginto mo?"

"Wala akong ginto."

"Hindi kami naniniwala."

"Kayo lang nag-iisip na mayroon. Anyway, it's already," tinignan nito ang oras sa relo nito, "twelve-five, lunchtime na. Let's eat somewhere else. Shall we?"

"Wow! Iesus Cloudio de Dios manlilibre ng lunch?" Pumalakpak si Simon. "Walang bawian 'yan, ha? Sa Ayala ba tayo?"

"Kahit saan."

"Wala akong alam gaano, kayo na bahala," sabi niya. Ipinasok na niya muli ang dokumento ni Sanna sa envelope. "Hindi naman ako mapili."

"Casa Verde?" Simon suggested. "Gusto ko mag baby back ribs ngayon."

Iesus chuckled. "I wouldn't mind."

"Yeah. I'm good with tha –" bigla namang pumasok sa video call line si Balti kaya 'di niya natapos ang sasabihin, "sorry, Balti is calling."

Naka connect pa rin ang laptop niya sa plasma TV ng conference room kaya nang i-accept niya ang tawag dito ay bumungad agad sa kanilang tatlo ang nakangising mukha ni Balti sa screen.

His sudden laugh is not intentional. Natatawa lang talaga siya sa mukha ni Bartholomew. Para itong bata na hindi pa alam paano i-anggulo ang camera. Sakop na sakop ng pagmumukha nito ang screen.

"Thaddeus my friend!" rinig na rinig sa loob ang tawa at boses ni Balti. "Oy, nandiyan din pala kayo my lord at Takeuchi." Nakikita malamang nito ang buong conference room dahil may built in camera malapit sa plasma tv kung saan malinaw silang nakikita sa kabilang linya.

Pinindot ni Simon ang microphone button na malapit sa puwesto nito at inayos ang itim na built in din na microphone sa mesa.

"Ser! Mukha kang tanga riyan."

"Ayaw ko magmura tigilan mo ako Takeuchi."

Ginaya ni Iesus ang ginawa ni Simon bago nagsalita. "Napatawag ka?"

Balti cleared his throat. "Gurss, may balita akong hatid. Pero bago 'yan. Simon, gwapo ba ako sa screen? Picture-an mo nga tapos send mo sa'kin."

Tawang-tawa si Simon. "Malapit nang gumwapo, Ser!" Inilabas naman agad nito ang cellphone at kinunan ang malaking screen na akupa mukha ni Balti. "Send ko sa'yo sa GC para masaya."

"Hoy! Huwag! Huwag mo patagalin."

Hindi natigil ang malakas na tawa ni Balti. Napapailing na lamang si Thad.

"Ano bang balita mo Bartolome?" tanong na ni Iesus.

"O, ito, mainit-init pa kung 'di ko pa naalala. Ang manghuhula ng Faro pangit ka bonding."

"Si Au?" kompirma niya.

"Anong kasalanan ni Auring sa'yo, Balting?" ni Simon.

"Aba'y ang magaling 'di man lang nagsabi na pumasa na pala siya sa boards. Naging busy lang tayo sa pagdating ni Sanna hayon at nanahimik."

"Wow!" the three of them said in unison.

Naalala nga niyang nag-take ng Psychometrician exam si Au. Nawalan lang talaga sila ng update.

"Tor must be so proud," dagdag ni Iesus na may ngiti.

"Ano sabi ni Attorney? Saan ang party?" ni Simon na naka ngisi pa. "Masarap ba pagkain? Game ako."

"Puro ka kain, Takeuchi!"

"Naman, Ser!"

"Anyway, huwag n'yo ako dina-distract." Natawa ulit siya nang may sumisilip nang mga bata sa likod at gilid ni Balti. Lunch time naman kaya malamang wala pa itong klase pero ang mga makukulit nitong mga estudyante chismoso ring katulad nito. "Kids, behave. Kausap ko pa mga matatanda," malambing na saway nito sa mga bata.

Napamaang silang tatlo. "Wow, Juarez!"

"Joke lang. Tinawagan ko si Tor nanghihingi akong explanation sabi niya 'di ko raw deserve." Natawa silang tatlo. "Pero itago raw muna natin na alam na natin dahil itinago raw talaga ni Auring. Pati nga sila Hayme at Nanay Lourdes 'di alam. Bukas ng gabi sa Noah's Ark daw tayo, surprise celebration natin kay Au, libre lahat ni Noo."

"Sigurado kang makakapagtimpi ka hanggang bukas ng gabi, Bartholomew?" tudyo pa ni Iesus.

"My lord, kalma, kaya nga bukas ng gabi pa ulit kami magkikita ni Au para safe."

"Gagsss ka talaga, Ser!" ni Simon. "Inuuna mo pa chismis kaysa lunch break. Kumain ka na ba?"

"Kakain pa lang. Hinihintay ko pa ang mahal ko." Lumapad ang ngisi nito lalo. "Mainggit kayo please."

"Mukha mo Ser!"

"Bakit 'di ako crush ng crush ko."

"Bakaaa!"

"Mooooooooo!"

"Hahaha!"

"My lord, ako na lang, ako na lang please."

"Ewan ko sa'yo Bartholomew bumalik ka ng kinder," ni Iesus.

Napailing-iling na lang siya habang nagpipigil nang malakas na tawa.

"Thad, kausap ko kanina si Sanna." All ears agad siya nang marinig ang pangalan ni Sanna. "And she's breathing peacefully in Faro de Amoré with Art without you."

Gusto niyang batuhin ng tab si Balti pero may mga bata sa likuran nito. "Ewan ko sa'yo!"

"Kids," halos nakayakap na ang mga bata rito, "say good afternoon Uncle Simon, Uncle Thad, and Lolo Iesus!"

Muntik na siyang masamid sa sariling laway. Gago talaga 'to si Bartholomew! Pero noong sinunod naman ito ng mga bata doon na sila tawang-tawa ni Simon na naka video na pala.

"... Lolo Iesus!"

Binulungan ni Balti ang isang batang lalaki na nasa harap nito. Ngumisi ang bata sabay dagdag ng, "Pahingeng gold! Shing! Shing! Shing!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro