Kabanata 16
SANNA COULDN'T HELP but smile at the vintage watch she's wearing. Ang ganda talaga no'n kahit na 'di na gumagana ang kamay ng relo.
Anyway, wala namang makakapansin na sira na 'yon. The intricate design of the watch is what she admires the most. Marami naman na siyang nakitang mga vintage watch, but not like this one. Kakaiba talaga masyado.
Usually, kapag relo hindi naman masyadong ma detalye talaga. She wondered how the watchmaker utilized the parts of the pocket watch into a wrist watch. In all fairness hindi halata talaga na dati 'yong pocket watch.
Biglang nag-ring ang cell phone niya kaya hinugot niya sa bulsa ng slacks niya 'yon. Pagtingin niya sa maliit na screen ay bumungad sa kanya ang numero ni Simon. Pinindot niya ang keypad ng accept call at idinikit ang phone sa tainga.
"Kuya Si?" sagot niya habang naglalakad sa direksyon ng main gate.
"Sanna, nakita mo ba si Thad?"
Kumunot ang noo niya. "Si Thad? Akala ko magkasama na kayo?"
"Nasa school ka pa rin ba?"
Tumango siya kahit hindi nito nakikita. "Oo, hinihintay ko si Kuya Jude. Nag-text siya kanina sa'kin na magkita na lang daw kami sa gate. Tapos na ang klase niya pero may kakausapin lang daw siyang kaklase niya saglit."
"Walangya, saan na ba 'tong si Thaddeus? Ang usapan namin magkikita kami ng alas dos dito sa E-mall. Anong oras na? Mag-a-alas-kwatro na. Mauubos ko na mga pagkain dito sa foodcourt."
Natawa siya. "Magtira ka naman."
"Uupakan ko talaga 'yon kapag nagkita kami."
"Try ko tawagan."
"Sige, sige, salamat."
End call.
Hinanap niya naman agad ang numero ni Thad. Ang weird naman na 'di ma contact 'yon. Ang usapan kasi sasabay na siya kay Jude kasi isang oras lang naman ang gap ng last class nila. Matatapos klase niya ng 2 pm tapos 3 pm naman si Jude. Mauuna naman sina Thad at Simon doon sa restobar na laging tinutugtugan ng grupo nila Jude. Doon nila ise-celebrate ang 18th birthday niya.
Tumigil siya sa paglalakad nang mag-ring ang numero nito. Kaso walang sumasagot sa kabilang linya hanggang sa naputol na lang.
"Saan kaya ang 'sang 'yon?"
She dialed the number again and nag-ri-ring pa rin naman. Nagitla lang siya nang marinig ang isang pito. Napaangat siya ng tingin at saktong may dumaan na lalaki sa harapan niya. Nakatalikod ito sa kanya at naka civilization.
Biglang nag-static ang pandinig niya at pakiramdam niya bumagal ang oras nang dumaan ang lalaki.
Nakarinig ulit siya ng pagpito. Bahagya na siyang napangiwi.
"Sabing tumigil kaaaaaaa!"
Lumingon ang lalaki na naka civilian kaso hindi na niya natignan ang mukha nito nang may biglang tumapik sa kaliwang balikat niya dahilan para mapalingon siya sa kanyang likuran.
"Kuya Jude!" singhap niya, naibaba niya ang phone.
Natawa ito. "O, bakit parang nakakita ka riyan ng multo?"
"Ginulat mo kasi ako."
Nag-subside naman na ang pagkabigla niya pero 'di niya pa ring maiwasang tignan nang masama si Jude. Tinatawanan lang naman siya.
"Kanina pa kita tinatawag 'di ka lumilingon. Sino ba 'yang kausap mo?" Ininguso nito ang hawak niyang cell phone.
"Tinatawagan ko si Thad."
"Si Thad?" ulit nito, bahagyang may pagtataka sa boses. "Hindi ba sila magkasama ni Simon?"
"Hindi pa, saka 'di ma contact ni Kuya Si si Thad. Ewan kung na saan na."
"Baka kasama si Mel."
Naglapat ang mga labi niya. Bakit 'di niya naisip 'yon? May number naman siya kay Melissa pero 'di talaga sila close. Civil lang talaga sila sa isa't isa. Although, she did invite her.
"Anyway, let's go." Inakbayan na siya ni Jude at pinihit sa direksyon ng gate. "Matanda na 'yong si Thaddeus. Hindi na 'yon mawawala."
Itinawa na lang niya ang kaunting selos na nararamdaman niya. Wala rin naman kasi siyang karapatang mag-demand kay Thad kahit na birthday niya ngayon.
Ganoon talaga e.
"Did you invite Faith?" pag-iiba na lang niya.
He chuckled. "I did consider pero 'di ko ginawa."
"Hoy, bakit?!"
Lalo itong natawa. "This is your birthday. Alangan naman mag-invite ako ng tao na 'di mo pa masyadong kilala. Although, I like her very much. Ayokong mahati ang atensyon ko ngayong gabi. Ikaw muna tapos bukas manliligaw na ulit ako."
"Hindi ka pa rin sinasagot?" nakatawa niyang tanong pero na touch talaga siya sa sinabi nito.
Jude grimaced. "Hindi pa rin. Aabutin yata akong isang taon sa panliligaw ko sa kanya. Ang hirap ligawan." Bumalik ang ngiti nito sa mukha. "Pero okay lang naman 'yon. Sabi nga nila, no pain, no gain."
"True love na yata 'yan," tukso pa niya.
"Sa tingin ko rin. Ang lakas ng tama ko sa babaeng 'yon." Walang duda. Kitang-kita sa pagngiti pa lang ng mga mata ni Jude sa tuwing napag-uusapan nila si Faith. Isang beses pa lang naman niyang nakita at nakausap si Faith. Mas comfortable siya rito kaysa kay Melissa. Kaya nga gusto niyang i-invite ni Jude kasi okay lang naman kasi talaga sa kanya. "Pero huwag mo sabihin kay Takeuchi dahil aasarin lang ako ng walangya."
Natawa siya. "Kahit 'di ko sabihin halata naman."
"Ayon lang."
Sa pagkakataon na 'yon pareho na silang natawa.
EXPECTED NI SANNA na dadalo si Melissa sa birthday dinner niya dahil sinabi niya kay Thad na okay lang sa kanya saka in-invite niya rin naman si Faith. Hindi nga lang ginawa ni Jude.
Ngumingiti lang siya rito. Kinakausap din naman niya kasi baka isipin nitong snob siya. But she couldn't last a long conversation with her dahil mas gusto nitong kausap si Thad. Hindi na rin siya tumabi kay Thad. Siya na ang naglagay ng distansiya. Tumabi siya kay Simon.
She didn't want to ruin her night dahil lang nagseselos at nasasaktan siyang makita ang dalawa na magkasama. Kahit gusto niyang kunin ang atensyon ni Thad ay hindi na niya ginawa. She sat on her seat in silence and pretend na walang Melissa sa mga oras na 'yon.
She knows that it would make her a villain pero umasa talaga rin siyang hindi sasama si Melissa.
She sighed.
Or sana, kagaya ni Jude ay hindi na lang isinama ni Thad si Melissa.
Kumakanta pa rin sa makeshift stage si Jude. Nakaupo sa itim na stool chair habang nasa harap ang mic stand at microphone. Dim lang ang ilaw sa buong paligid at nakatutok rito ang spotlight.
"I'd love to see myself one day. In the arms of someone. Who will share her life with me? Selflessly? Someday? You will find your way to me?"
She could listen to Jude all night.
"The wind that blows the dove. Is the wind that blows my love. Hope it'll find its way to you wherever you are."
Lalo na't gusto rin niya ang kinakanta nito nang mga oras na 'yon. Wherever You Are by South Border. Bagay na bagay sa timbre ng malamig at bahagyang husky na boses ni Jude ang kanta. Tumatagos sa puso niya ang bawat liriko ng kanta.
Solo lang ata ito ngayon dahil wala sina Pablo at Samson.
Nang matapos ang kanta ay bumalik ang liwanag sa paligid. Ngumiti si Jude at pansin agad ang dreamy sighs ng mga ibang customers kay Jude. Natawa siya. Karamihan pa naman ng mga nandito ngayon ay group of girls and may ka date ng mga lalaki. Kahit siya rin ay kikiligin sa boses at mukha pa lang ni Jude. He's an effortless charmer.
Umayos siya ng upo.
"Guys, tonight is a bit special for me," basag ni Jude. Kinabahan tuloy siya bigla. "Because today is the 18th birthday of my baby sister, Sanna." Bumaling ito ng direksyon sa table nila. Sabi na e! "Happy birthday, Lil Sis."
Nagulat siya sa lakas ng palakpak ni Simon sa tabi niya. Idininit pa talaga sa tainga niya. "Woah! Happy birthday, Susanna!" Napalo niya tuloy ito sa balikat. Mapang-asar pa ang tawa nito.
The crowd greeted her at ginaya rin si Simon.
Natawa si Jude sa stage. "Ayaw niya kasi nang ingrandeng birthday kaya dito namin siya dinala. Puwede bang mag-request sa inyo, if okay lang?"
"Sure!" sigaw ng halos lahat ng mga babae sa audience.
"Puwede ba nating kantahan ng happy birthday ang kapatid ko?" Nag-thumbs-up ang mga audience. Lumapad lalo ang ngiti ni Jude. Ano ba 'yan nakakahiya?! "Okay, on my count. One. Two. Three. Happy birthday to you..."
The crowd joined him.
Lalo lang siyang nahiya. Inaalog-alog pa ni Simon ang mga balikat niya. Siniko niya nga. Ang kulit talaga.
"Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you... Sanna, come up here."
Si Simon na mismo humila sa kanya patayo at hinatid pa siya sa stage. Tumayo roon si Jude at inalis ang mic sa stand. Nasilaw siya sa spotlight kaya bahagya niyang naibaling ang tingin kay Jude. Nakaakbay naman ito sa kanya.
"Ganda ng kapatid ko, 'no?" proud pa nitong sabi. "Kaso bawal pa 'to ligawan." Natawa ang buong audience. "Birthday girl, anong sasabihin mo sa mga bisita mo."
"Nakakahiya," she mouthed at him. Lumapad pang lalo ang ngiti nito at pilit pinahawak sa kanya ang microphone. "Kuya Jude!" Nanlaki ang mga mata niya nang marinig nang malakas ang boses niya sa paligid. "Sorry," aniya na napapangiwi saka inilayo ang mic.
Kinuha naman ulit nito ang mic. "Don't worry may regalo sa ating kanta ang birthday girl pero bago 'yan. S’yempre, hindi makukumpleto ang birthday kung walang cake."
Muling pumailanlang sa paligid ang mellow version ng kantang Happy Birthday. Maya-maya pa ay nakita na niya si Thad na may hawak na cake. Nakasindi na ang madaming pink na maliliit na kandila sa white circular cake na floral icings lang ang designs. Nakasunod dito si Simon na mukhang may itinatago sa likod - nakangisi pa.
Nakangiti si Thad nang makalapit na sa kanya.
"Make a wish! Make a wish!" sigaw ng audience, natawa na tuloy siya, lumipas na yata lahat ng hiya niya.
Naging rock ang Happy Birthday song kaya nabago rin ang mood ng lahat. Mas naging festive. 'Yong lungkot niya kanina ay napalitan ng tawa na may kaunting iyak. Pero tears of joy 'yon. Never siyang nag-enjoy sa birthday niya. Ngayon lang yata niya naramdaman na may natuwa na ipanganak siya.
"Happy birthday," Thad mouthed at her with a smile, kahit na mahirap i-balanse ng isang kamay ang cake ay nagawa pa rin nitong punusan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Tears of joy ba 'yan?" he chuckled after.
Natatawang tumango siya.
"Make a wish, Sanna, before you blow the candles," Jude urged.
She clasped her hands and closed her eyes. Umusal siya ng pasasalamat kaysa hiling. Having them around is already a gift. All she can say that moment is thank you. Iminulat niya ang mga mata saka hinipan ang mga kandila.
Nagulat siya sa biglang pagsabog ng kung ano. Umulan ng confetti mula sa mahabang hawak ni Simon na sa tingin niya ay party popper.
"Happy birthday, Sanna!"
Niyakap niya ang tatlo at ewan na saan na 'yong cake. Mahal na mahal niya talaga ang tatlong 'to. Jude, Thad, and Simon's existence are her miracles. Doon na siya naiyak nang sobra. Tawa at iyak na nga yata.
"Thank you," she sobbed.
"Hoy, Susanna, tuwa lang walang iyakan," tudyo pa ni Jude. "Naiiyak na rin ako." Ang lakas ng tawa nito pagkatapos.
"Mga gago, pinapaiyak n'yo 'yan," boses 'yon ni Thad, tawa rin nang tawa.
"Yan ang goal! Tears of joy!" ni Simon.
Nang kumalas sila nagka-smudge na ang mga damit nila ng cake. Wala pa naman silang dalang pamalit maliban sa uniform na suot nila kanina. Mapupunasan naman 'yon ng tissue, okay na siguro 'yon.
"Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!" cheered ng crowd.
Lalo tuloy siyang pinagtawanan ng tatlo. Hayan na nga, magkaka-concert pa siya nang wala sa oras. Inabot muli sa kanya ni Jude ang mic.
"Hindi porket birthday mo ay exempted ka na. Lahat ng nagbibirthday my special presentation 'yan. It's your time to shine, Sanna."
"Grabe kayo!"
"Guys! Kakanta na siya," sigaw ni Jude sa crowd dahil hindi ito naka mic. "Baba lang muna kami. Tara na." Itinulak na nito pababa ng stage sina Thad at Simon. Naiwan siyang mag-isa sa harap.
Binasa niya ang labi. Bumalik 'yong kaba niya. Hindi talaga siya sanay kumanta sa harap ng madaming tao. Pero no choice.
"Ahm," dalawang kamay niya ang nakahawak sa microphone, "I'm not sure what to sing. Okay lang ba kahit ano?" The audience gives her a positive response. Ngumiti siya kahit bahagyang nanginginig ang mga kamay niya.
Ang sabi sa kanya ni Jude kapag daw kinakabahan siya ay tignan niya lang daw lahat ng audience isa-isa hanggang sa kumalma siya. She did and medyo bumalik na rin ang confidence niya.
Bumuga siya ng hangin.
"Okay, this song is one of my favorites and I hope you all like it."
Bumalik si Jude sa itaas ng stage at naupo sa stool. Having him on stage with her calmed her nerves.
Kaya mo 'to, Sanna!
Dala-dala na nito ang gitara na hindi nito ginamit kanina. May dala rin itong extra mic na inilagay nito sa stand. In-adjust nito 'yon at itinapat sa gitara nito.
"Alam ko ba 'yan?" nakatawang tanong nito.
"You are my song," sagot niya.
"Ah, 'yong kay Regine?" Tumango siya. "Okay, good. Alam ko 'yan."
Mayamaya pa ay naririnig na sa buong paligid ang acoustic version ng intro ng kanta.
"You are the song playing so softly in my heart," kanta niya. Nakangiting inangat ni Jude ang tingin sa kanya. He mouthed the next line to guide her. "I reach for you," humarap siya sa audience at nakita si Thad. "You seem so near yet so far"
Nagtama ang mga mata nila at ngumiti siya rito.
"I hope and I pray, that you'll be with me someday. And I know down inside you are mine and I'm your true love. Or am I dreaming?"
Inihilig ni Melissa ang ulo nito sa balikat ni Thad at iniyakap ang isang braso sa braso nito.
"How can I? Each time I try, you say goodbye, you were there." Ibinaling niya ang tingin sa iba. "You look my way I touch the sky. We can share tomorrow and forevermore. I'll be there to love you so you are my song" Ngumiti siya nang mapait. "You are my song..."
She knew that song was sad pero may ilulungkot pa pala ang kantang 'yon.
MAHABA ANG GABI at nakapag-perform din sina Thad, Jude, at Simon on stage. Naipakita tuloy ni Simon ang talent nito sa pagda-drums. Si Thad naman ang kumanta at si Jude pa rin ang nag-gi-gitara. Alam niyang marunong din si Thad. He owns one in his room pero madalang nitong gamitin.
"Sanna! Sanna!" sigaw ng tatlo.
Bumaba pa si Thad para kunin siya at dalhin sa stage. "Ano na namang kakantahin?" nakatawa niyang tanong sa mga ito. Ang gulo na nila. Buti naaliw pa rin ang mga customers sa kanila.
Nagsimulang tumugtog si Jude. Ngumisi si Simon at mabilis itong nakasabay. Itinapon pa nito sa ere ang drum stick nito at kinindatan siya. Sure na 'tong rock version ng A Thousand Miles.
"Making my way downtown," simula ni Simon. "Walking fast, faces pass, and I'm homebound."
Sumunod si Jude. "Staring blankly ahead. Just making my way. Making a way through the crowd."
"And I need you," dugtong ni Thad, nakangiti at nakaharap sa kanya. "And I miss you. And now I wonder..."
She smiled. "If I could fall into the sky," kanta niya. "Do you think time would pass me by? 'Cause you know I'd walk a thousand miles. If I could just -"
" - see you tonight," dugtong ni Thad.
He held one arm at her kaya yumakap siya rito.
Sumabay na rin sa kanila ang mga customers.
"If I could fall into the sky. Do you think time would pass me by? 'Cause you know I'd walk a thousand miles. If I could just see you. If I could just hold you tonight."
"PICTURE! PICTURE!" sigaw ni Simon. Nasa labas sila ng restobar at inabot ni Simon ang digital camera kay Melissa. "Mel, picture-an mo kami remembrance lang."
Ngumiti ito. "Sure."
Bumalik sa kanila si Simon at pinagitnaan siya nito at ni Thad. Tinatali pa ni Jude ang pulang bandana na may tribal design sa noo nito. Nakatayo naman ito sa kaliwa ni Thad.
"Hudas tama na 'yan. Lalapad noo mo riyan!" tukso pa ni Simon.
Ang lakas ng tawa ni Jude. "Gago!"
"Okay na?" ni Mel.
"Wait," ni Jude. Ginulo nito ang buhok at ngumisi. "Okay, go!" Nag-rock-and-roll pose pa sa kamay. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Simon sa kanya. Ngumiti ito nang malaki na halos 'di na makita ang mata sabay peace sign.
Iniangat na ni Melissa ang camera sa mukha. "One. Two..."
She took that chance to wrapped her arms on his waist. Hindi naman siguro mamasamain ni Melissa 'yon dahil friendly hug lang naman 'yon. Wala naman siyang balak agawin dito si Thad.
Ngumiti siya nang sobrang tamis. She will just treasure this day and this moment.
"Three!"
Kumislap ang flash at 'di na sila gumalaw pa. At alam niyang isa ang larawan na 'yon sa magiging favorite photos niya na kasama sina Thad, Jude, at Simon.
2020 PRESENT
TINITIGAN NI SANNA ang larawan na hawak. 'Yon pala ang mangyayari sa gabing 'yon. Hindi niya alam kung maalala pa niya o hindi ang lahat ng 'to sa pagbalik niya. Pero kung sakaling hindi man at least alam niya na magiging masaya pa rin ang 18th birthday niya kahit 'di siya nag-debut.
"Kung papipiliin ako kung debut or simpleng party lang kasama n'yo," inangat niya ang mukha kay Thad, "mas pipiliin ko pa rin kayong tatlo." Ngumiti siya rito.
Titig na titig ito sa kanya.
"Siguro nahanap ko sa inyo ang kaligayahan na hindi ko mahanap sa pamilya ko," dagdag niya. Ibinalik niya ang tingin sa larawan. "Otherwise, I would have spent my birthday with them which... hindi ko ginawa. Siguro nga may itinatago ako na hindi ko kayang sabihin sa inyo."
Bigla siyang napahawak sa kaliwang kamay at may kung anong kinapa roon. Kanina pa niya napapansin ang relo na suot niya sa larawan. Pero sa natatandaan niya wala naman siyang suot na relo pagdating niya rito. But now that she have seen that watch pakiramdam niya ay may kulang sa kanya. It was the watch.
"Thad..."
"Hmm?"
"May napansin ka bang relo sa kamay ko noong unang araw ko rito?"
"Relo?"
Tumango siya. Muli niyang iniangat ang tingin dito. "May suot ba akong relo lagi noon?" Napa-isip si Thad. "Kagaya nito." Sinundan nito ng tingin ang itinuro niyang relo sa larawan.
"I remember you used to wear one pero 'di mo madalas suotin. May mga araw lang na nakikita kong suot mo 'yan."
"Talaga? Hindi araw-araw?"
He nodded. "I'm sure. Bakit?"
"Ang weird lang kasi. Suot ko siya on the same day na nag-time-travel ako rito. Dapat suot ko pa rin siya noong unang araw ko rito."
"Baka sinuot mo lang 'yon noong gabi na. Saka sabi mo sira na rin 'yang relo na 'yan. Sinusuot mo lang kasi maganda."
"Hindi e. Sa tingin ko suot ko talaga ang relo the whole day. Bigay 'yan sa'kin ni Nicholas on the same day."
"Naalala mo si Nicholas?"
"Bakit dapat ko ba siyang kalimutan? Nasa recent memories ko siya e." Pansin niya ang biglang pagseryoso ng mukha ni Thad. 'Yong expression ng mukha na parang bigla na lang nawalan ng gana. Anong nangyari sa 'sang 'to? "Kilala mo rin ba si Nicholas? Na saan na siya?"
"I don't hardly know the guy," matabang nitong sagot. "So, malamang 'di ko alam kung na saan na siya." Namilog ang mga mata niya rito.
"Nagtatanong lang naman ako. Bakit ang tabang-tabang mo na?"
His forehead creased. He didn't speak again. Natawa tuloy siya kay Thad. Para itong batang nagtatampo.
"Noong naging tayo ba may feelings ka sa'kin?" Natigilan ito sa naging tanong niya. Hindi naman siya nag-e-expect na sasagutin agad siya nito. Sa takbo ng kuwento nila noon medyo 'di rin siya sure if the feeling is mutual. "Kasi kung meron man iisipin ko na nagseselos ka kay Nicholas." She suppresses her smile.
Inihit ito ng ubo bigla.
Hindi na tuloy niya napigilan ang ngiti. "Pero alam ko na hindi ka pa aamin hanggat hindi tayo umaabot sa part na naging tayo na."
"Our relationship..." he cleared his throat, "it's not... you know... it's something -"
"Complicated," dugtong niya.
He nodded.
"Pero hindi naman na buo sa one night stand si Art, ano?" may ngiwing tanong niya.
"No."
Napalunok siya. "Wait. Do we..." Tama bang itanong niya rin 'yon? Nag-iinit na ang pisngi niya, but it's very enivitable, considering Thad's context. "I mean... do we... always... do the did?"
Napansin din niyang medyo naging uncomfortable si Thad. Niluwagan nito ang butones ng polo shirt nito at bahagyang iniwas ang tingin.
Wait, mukhang mali talaga na pag-usapan nila 'yon na silang dalawa lang sa kwarto. But Art is here! Natutulog sa kama. Probably the only hope na hindi siya mailing nang tuluyan.
Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ni Thad sa mga oras na 'yon and for Pete's sakes, he's a man. With her question para na rin niyang pinapaalala rito ang mga nangyari sa kanila.
Nagkunwari siyang humikab. "Inaantok na pala ako," pag-iiba niya.
"I think we should sleep." Natigilan silang dalawa sa sinabi nito. "I mean, you and I should sleep in separate rooms."
Tumayo na ito. Pati siya nararamdaman na rin 'yong anxiousness ni Thad. Tumayo siya at inayos pa ang mahabang pantulog kahit maayos naman na 'yon. God, they can't even look at each other's eyes. Buti 'di gaanong maliwanag ang silid kaya 'di na nito mapapansin ang pamumula ng mga pisngi niya.
"I... I think so, too," sang-ayon niya. "Bukas na lang ulit."
"I'll go ahead."
"Sige."
Isang beses pa itong lumapit kay Art para halikan sa noo ang anak nila. "Goodnight, Sanna," anito pagkatapos. Tumango lang siya saka ito tuluyang lumabas ng silid.
Napangiwi siya. Gusto niyang kutusan ang sarili. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kiligin o mas dapat niyang sabunutan ang sarili. Pero hindi na maalis sa isip niya ang idea. Kahit nang tabihan na niya si Art sa kama ay 'yon pa rin ang tumatakbo sa isip niya.
Art was not conceived by a one night stand. Thad confirmed it. His silence of him and her doing the did means something. Ayaw lang nitong aminin pero halata talaga sa reaksyon nito kanina na parang lagi nilang ginagawa 'yon noon.
God, Sanna, ganoon ka ba karupok? Tinitigan niya ang mukha ni Art. Anak, sa ilang beses na 'yon, kailan ka roon na buo? Kasi mukhang 'di talaga inaasahan ng ama mo na mabubuo ka.
Tinapik-tapik niya ang dalawang pisngi.
Sanna, Sanna, presence of mind. Tama na pag-iisip. Matulog ka na. Kaso ang taksil niyang isip kung saan-saan na siya dinadala. Nag-iinit lalo ang pisngi niya sa pinag-iisip niya. Kainis! Kasalanan talaga 'to ni Thaddeus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro