Kabanata 15
SINALUBONG AGAD SI Sanna ng yakap ni Nanay Lourdes pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay nito.
"Napakagandang bata," anito sabay kalas ng yakap. Hawak pa rin nito ang isang kamay niya at pinipisilpisil 'yon. "Nagkita na ba tayo noon?"
"Ho?"
"Pamilyar kasi ang mukha mo." Tumawa ito. "Pero huwag mo na sagutin pa alam ko na hindi pa."
"Lahat na lang, Ma, pamilyar ka," nakangising komento ni Aurea sa isang tabi. Nakatayo sa tabi nito si Tor na siyang kumakarga kay Aurora. "Baka isa si Sanna sa mga na scam mo na noon pero 'di mo lang maalala."
"Ako o na scam mo?"
Tawang-tawa si Aurea. "Sabi ko nga nanay kita."
Ibinalik uli ni Nanay Lourdes ang tingin sa kanya. "Huwag mo na pansinin 'yang anak ko. Sa sobrang hirap ng buhay noon ay kinulang 'yan ng gatas. Pinagkape ko na agad." It was her turn to laugh. "Marami kasi kaming branches ng negosyo noon. Kung saan-saan na lang."
Namilog ang mga mata niya. "Talaga po?"
"Sanna, huwag ka maniwala riyan," singit pa ni Aurea.
"Oo," sagot ng ginang pero ang hirap paniwalaan kung joke o hindi. Lagi kasing nakangisi o 'di kaya nakatawa. "Kung anu-ano na lang kaya marami akong nakakasalamuhang mga tao. 'Yong iba pipty-pipty kung tao. Siguro kamukha mo lang 'yong naalala ko kaso 'di ko na talaga matandaan gawa ng katandaan nga." Natawa ulit ito.
"Buti umamin ka ngayon, Nay," salita ni Thad, karga-karga pa rin nito si Art.
"Kailan ba ako nagsinungaling?"
"Sabi mo 'di ka tumatanda," sagot nito.
Tawang-tawa si Aurea, pati si James na madalang ngumiti ay biglang nasamid at natawa. Pigil naman ang ngiti ni Tor.
"Wala akong sinasabing ganyan. Pulse alarm 'yan. Peknews 'yan."
Lalo lang lumakas ang tawa ng mga ito. Siya, pigil na niya.
"Ma, pulso ba 'yan o false? Humihina na pulso? Anemic ka?" asar pa ni Au. "Ayusin mo 'yan. Dios nating lahat! Gigising si Apolonio sa hukay dahil sinayang mo pagpapaaral niya sa'yo."
"Ay sus!" Naningkit lang ang mga mata nito. "Nakapagtapos lang kayo pinupuna n'yo na mga mali ko. Hoy, Aurea, tandang-tanda ko pa noong na tae ka sa panty mo noong bata ka pa –"
Nanlaki ang mga mata ni Aurea. "Mamaaaaaaa!"
"O, sige, subukan mo pa ako. Ilalapag ko lahat ng baho mo rito."
Nagtakip ng dalawang tainga si Au at isinubsob ang mukha sa braso ni Tor na sa mga oras na 'yon tawang-tawa na.
"Isa ka pa!" Sa asar ni Au ay pinalo nito sa braso si Tor.
Ang mukha ni James, pigil na pigil pa rin ang tawa. May silbi rin talaga ang pagiging tahimik nito. Nakaligtas.
"Art, magmano ka na sa Lola Lourdes mo," nakatawang utos ni Thad sa anak. "Baka isipin pa niyang 'di kita naturuan ng mabuting asal."
"Isa ka pa. Nanggigil pa rin ako sa'yo."
"Mano po." Inabot ni Art ang kamay ni Nanay Lourdes.
Bumalik ang tuwa sa ngiti ng matanda. "Nako, kay gwapong bata rin. Mahal na mahal ka talaga ng Dios, Thaddeus. Sa dami ng kasalanan mo sa mundong 'to ay sa'yo pa rin nagmana 'tong anak ninyo."
Natawa siya. "Totoo po," sang-ayon niya. "Dinala ko ng siyam na buwan tapos magiging kamukha lang ng ama."
Napakurap si Thad. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Bakit parang kasalanan ko pa?"
"Kasalanan n'yong dalawa ni Tor. Nako, 'yang si Rory," tukoy nito sa babaeng apo na anak nila Aurea at Atty. Tor. "Kamukhang-kamukha ni Tor. Pero ayos lang. Pinagdasal ko rin naman 'yan sa Dios na huwag sana magmana ang unang apo sa anak kong babae."
"Hoy, Lourdes!" marahas na react ni Au.
"Kita n'yo walang hiya – este walang mabuting asal." Tinakpan nito ang dalawang tainga ni Art. "Apo, kunwari wala kang narinig. Sabi lang ni Lola L ay walang himala. Okay pa sa alright?"
Tumango lang si Art kahit alam niyang 'di rin nito narinig nang maayos ang matanda.
Lalo tuloy silang natawa. Ang sakit na ng tiyan niya. Ang kwela pala talaga ni Nanay Lourdes. Tama nga 'yong kuwento sa kanya ni Thad. Pero sa tingin niya ay magkaugali lang din naman sina Au at Nanay Lourdes. Tatawa ka lang nang tatawa.
Pero naisip din niya kanina na parang nakita na talaga rin niya si Nanay Lourdes. Lalo na ngayon na nag-aasaran ang mag-ina. She couldn't remember it exactly pero may vague memory siya ng mag-inang nag-aasaran. It's either an old memory in her past that still feels fresh or a memory na inalis din sa kanya, but if inalis nga, related 'yon marahil sa personal life. Which is parang hindi naman. So, most likely, it's the first and not the latter.
She's not the kind of person who easily forgets. She's very keen to details lalo na sa mga bagay na pinagtutuonan niya ng pansin. Mabilis siyang ma distract sa mga bagay na 'di niya gustong i-entertain, and eventually, if hindi niya aalahanin ay nakakalimutan na niya. But with her scrambled retrograde memories it precludes her ability to think clearly.
Tinignan niyang muli ang mukha ni Nanay Lourdes at Aurea. May nag-aagaw ng bersyon ng dalawa sa isip niya na hindi niya kayang iguhit kahit gustuhin pa niya.
"Ang mabuti pa ay kumain na tayo."
Naputol lang ang pag-iisip niya nang marinig ang boses ni Nanay Lourdes.
"Mabuti pa nga," sang-ayon naman ni James at nauna pa ngang umalis sa kanila.
Ibinaba ni Thad si Art at bigla naman itong lumapit kina Aurea at Tor. "Hello po," nakatingalang bati nito sa dalawa. "Ano po 'yan?" Inosenteng turo nito kay Rory.
Natawa ang dalawa rito.
"Art," aniya, at lumapit dito. "Hindi ano kung hindi sino?"
"You want to hold her, Art?" tanong pa ni Tor.
Lumapit na rin si Thad para kargahin ulit si Art dahil nga 'di nito makita nang maayos si Rory. Mahihirapan din kasi na yumuko si Tor. "She's Aurora," pakilala pa ni Thad. "We call her Rory."
Inosenteng-inosente ang tingin ni Art sa baby. Para bang ngayon lang ito nakakita ng baby sa tanang buhay nito.
"She's so small po."
"Noong baby ka ganyan ka rin kaliit," dagdag pa ni Thad na may ngiti. "Maliit at cute na cute. Kaso iyakin. Lagi na lang gutom."
She finds those words bittersweet. Thad said it as if he was there when Art was born... that he saw how little and fragile our son was in his arms. It didn't sound like a lie because maybe it was an idea he wished he experienced so he can describe to Art how amazing it was to see him for the first time. She felt it dahil ganoon din siya. She doesn't have a memory of her little Art in her arms. She wanted to taste the realness of those words.
Art glanced at his dad. "Bakit n'yo po alam, Daddy?"
"Your mommy told me."
Ibinalik ni Art ang tingin kay Rory at dahan-dahang inabot ang kamay nito. Rory was wide awake at ang laki pa ng ngiti nito while making those baby noises. Napasinghap lang si Art nang biglang hawakan ni Rory ang dalawang daliri nito.
"Mommy!" nagpa-panic na tawag sa kanya ni Art.
Natawa silang apat.
"It's okay, Art," assured ni Au, dahan-dahang inalis ang mga maliliit na daliri ni Rory sa dalawang daliri ni Art. "Feeling close talaga 'tong anak ko."
"It means, Rory likes you," dagdag pa ni Tor.
"Talaga po?"
Tor nodded.
"Ganyan din ba si Rory kina Lyre at Sunset?" tanong ni Thad.
"Oo, kaso mainit dugo ni Rory kay Lyre. Tinatadyakan niya lagi. Lagi tuloy umiiyak," sagot pa ni Aurea. "Nga pala, 'di pa ulit nilalabas 'yong kambal. Okay na ba sila?" Nakatingin ito kay Thad.
Hindi pa nakikita ni Art ang mga pinsan nito. Sabay kasing nagkasakit ang kambal after ng immunization kaya 'di nilalabas nila Mari at Jude.
"The twins are fine now. Nakausap ko kanina si Jude. Wala na raw lagnat. Magpapahinga lang muna raw sila ni Mari dahil dalawang araw silang walang tulog."
"Nakausap ko si Celia kanina," ni Nanay Lourdes. "Siya raw nagbabantay sa kambal. Aba'y hindi na raw niya makausap nang maayos ang dalawa. Lalo pa 'yong si Hudas na tulala na raw."
"That, I can relate," Tor chuckled.
"Nako, sinabi mo pa!" dagdag ni Au. "Nakakapraning lalo na kapag iyak nang iyak 'di mo naman alam saan banda ang masakit o kung ano na ba talaga nararamdaman nila." Hinaplos nito ang buhok ni Aurora. "Kaya mahal na mahal ko 'to e."
"Mahal na mahal din po ako ng mommy at daddy ko po," proud na sabi ni Art.
Natunaw yata ang puso niya kaya hinagkan niya ito sa sintido. "Always, baby."
"Oo naman!" Masayang pinanggigilan ni Au ang mukha ni Art. "Sino maysabing hindi? Kapag may nagsabing ganyan itutulak ko sa parola."
Art giggled. "Wala pa naman po."
"But pushing someone is bad," dagdag pa ni Tor, nakangiti. "Huwag ka makinig sa Tita Au mo, Art. It's never good to hurt people."
Naglapat ang mga labi ni Au. "Sabi ko nga." Natawa tuloy silang apat maliban dito at sa dalawang bata.
"Mamaya na ang chikahan," awat na sa kanila ni Nanay Lourdes. "Kumain muna tayo at iniwan na tayo ng magaling kong anak. Pangit talaga 'yon ka bonding!"
"Naririnig ko kayo!"
"Sinadya kong marinig mo 'yon!"
MAHIMBING NANG NATUTULOG si Art sa kama. Sinamahan naman siya ni Thad na maupo sa sahig. Nakatiklop ang mga paa niya sa ilalim ng mahabang saya ng pantulog niya habang nakasandal ang likod sa gilid ng kama.
Thad was sitting beside her pero ang isang tuhod lang ang bahagyang nakatiklop, nakasandal doon ang isang kamay, while one leg is prop forward. Dim na ang ilaw sa buong kuwarto dahil 'yong rotating glow in the dark planetarium lampshade na binili ni Thad para kay Art ang iniwan nitong naka bukas.
Now Thad's room looks like a mini planetarium.
"Ang saya nilang magpapamilya, 'no?" nakangiting basag niya rito.
Thad smiled. "Sobra. Simula yata nang lumipat sila Au at Nanay Lourdes dito ay nagsimula na ring magkabuhay ang Faro. Madaldal si Ser pero madalas hindi rin kami nakakasabay. Sina Simon, Juan, at Math ang madalas naglolokohan. Minsan kapag nadadalaw rin si Jam at kung nauuwi si Kap."
"Hindi ka sumasali sa kanila?"
"Inaaya naman akong uminom pero alam mo naman kapag na lasing ako ay lalo lang akong tumatahimik." Natawa ito pagkatapos.
"Pero nagiging masipag ka," aniya, natatawa rin. "Naghuhugas at nagliligpit ka ng pinggan. Tapos sino-sort-out mo by kind ang mga pulutan. Perfect example ang Dingdong. Naalala mo 'yong mani nga ay hinihiwalay mo sa mga corn bits at green peas."
"Parang tanga lang ako," natatawa pa rin ito.
"Cute nga e. Si Kuya Si kasi ang ingay niya kapag nalalasing." Napapangiti siya. "Inuubos niya lahat ng kanta sa Karaoke machine. Si Kuya Jude rin, ang kulit. Nag-aagawan pa ng mic hanggang sa magkasakitan."
"Hanggang ngayon ganyan pa rin 'yang dalawa."
"Pansin ko nga e. Pero at least ngayon hindi lang kina Kuya Simon at Kuya Jude umiikot ang mundo mo. Isang buong subdivision na ang mga kaibigan mo."
Natawa si Thad.
"At saka, gustong-gusto ko 'yong turingan n'yo ni Nanay Lourdes. Pakiramdam ko nga kanina e ikaw talaga ang panganay niya at hindi si James. Anak na anak ang turing niya sa'yo."
"She's really sweet and kind to me."
"Thad."
Bumaling ito sa kanya. "Hmm?"
"Kumusta naman kayo ng papa mo?" tanong niya habang nakatingin dito. He stared at her for a split seconds bago iniwas ang tingin sa kanya. "I guess, hindi pa rin kayo nagkakasundo."
"Ama ko na lang yata siya sa papel."
"Where is he by the way? If you don't mind me asking."
"Probably doing what he loves. He had cut ties with me. Siguro seven or eight years ago na. Hindi ko na sigurado."
Namilog ang mga mata niya roon. "Ganoon katagal?!"
He nodded. "Magkita man kami o hindi wala namang pinagkaiba. Okay na rin 'yon. Pagod na rin naman ako."
"Within those years hindi ka nag-reach-out?"
Mapait itong ngumiti sa kanya. "My father disowned me, Sanna. I bet he always wanted to do that pero 'di lang niya magawa. He got rid of me as soon as he was done with his responsibilities as a father."
Hindi nakatakas sa kanya ang lungkot at dismaya sa mga mata nito. Bumakas 'yon bago pa nito ibinaling sa harap ang mukha.
Bakit ganoon? Bakit ramdam na ramdam niya ang lungkot ni Thad? She knew and she remember it too well how Thad's father neglected him as a child. Alam niya 'yon dahil hindi 'yon naalis sa memorya niya.
But there is another pain in her heart that holds a strong familiarity within her core. Na para bang nagsasabi sa kanya na ganoon din siya. That her parents may have treated her the same. The unreciprocated longing and love lingered in her heart and yet she couldn't find the most sensible answer. Kasi alam niyang hindi 'yon ang unrequited love niya kay Thad. It was something else.
Thad sighed. "I don't want Art to feel that." Naibaling niya ang tingin dito. "I want him to have all the best things in this world that I didn't receive growing up. The acceptance and support that my father deprived me." His jaw clenched at naikuyom din nito ang kamay na nakasandal sa isang tuhod. "I want to be the best father for him." Lumuwag ang pagkakuyom ng kamay nito. His face softened when he looked at her. "I just want the best for him."
Ngumiti siya rito. "I'm sure you will be a great father for Art, Thad."
"Pero bago ko magawa 'yon. Alam ko na kailangan ko munang hanapin kayo at hingin ang kapatawaran mo."
And it hits her.
She doesn't belong in his timeline. Art is somewhere in between. Kaya kahit na bumawi si Thad sa kanila ni Art ay hindi pa rin 'yon magiging assurance para mapatawad ito ni Sanna – ang siya na nabubuhay sa timeline na 'to. The fact that present Sanna didn't want him to find her and their son could either mean that present Sanna suffered too much in the past that she no longer want to reconnect with them or present Sanna chooses to love herself and to move forward with her life.
May inabot si Thad na notebook sa mesita. Binuklat nito sa isang pahina kung saan may nakasuksok na isang larawan. "This is not mine." Inabot nito sa kanya ang picture. Hindi siya pamilyar sa larawan. "Its Simon's."
Magkakatabi at parehong may malaking ngiti silang apat sa larawan na 'yon. Nakayakap siya sa baywang ni Thad. Nakatayo naman si Kuya Si sa kanan niya, nakaakbay, at naka-peace-sign. Naniningkit lalo ang mga mata sa sobrang pagngiti nito. Si Kuya Jude naman ay may pulang bandana sa ulo nito na may tribal print, nakayakap sa gitara nito, at naka-rock-n-roll. And Thad, he look genuinely happy at that moment. Malayong-malayo sa Thad ngayon na halos kalkulado ang bawat kilos.
"Kailan 'to?"
"Noong 18th birthday mo."
Mahina siyang napasinghap. "Noong napunta ako rito?"
He nodded. "Sabi mo hindi ka mag-ce-celebrate ng debut mo," simulang kuwento nito. "Kasi may pinag-iipunan ka. 'Yong budget na binigay ng parents mo sa'yo iipunin mo na lang. Thinking about it now, na realized ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pinag-iipunan mo noon."
Pinag-iipunan? Para saan?
NOVEMBER 19, 2009
"SANNA, HAPPY BIRTHDAY!" bati ng mga kaklase niya.
Ngumiti siya at nagpasalamat sa mga ito. "Thank you! Pasensiya na cup cakes lang ang maililibre ko sa inyo ngayon."
Siya mismo gumawa ng mga cupcakes para sa tatlong subjects niya ngayong araw. Buti tinulungan siyang dalhin ang mga 'yon nila Kuya Simon and Jude. Sobrang aga kasi ng klase ni Thad kaya nauna na ito. Late nakapag-enroll sa second sem si Jude kaya magkaiba ang sched ng dalawa. Buti napakiusapan nila ang isang kakilala ni Kuya Si sa canteen na iwan muna roon ang ibang cupcakes para 'di matunaw at masira.
"Nako, okay lang. Ang sarap kaya," ni Ariel.
"Hindi ka ba mag-de-debut?" tanong ni Lily.
"Hindi e. May pinag-iipunan kasi ako. Saka hindi ako mahilig sa party. Simple dinner lang."
"Sanna, single pa rin ba si Simon?" singit naman ni Harlene. "Ang cute-cute niya kasi e. Willing ako mag-donate ng foods sa kanya every day."
Natawa siya roon. "Single pa pero tanungin ko kung may balak siyang mag-girlfriend ngayon. Puro lamon lang kasi nasa isip."
"Sige, sige. Willing to wait naman ako."
"E si Jude?" ni Lily.
Napakamot siya sa noo at natawa. "May nililigawan 'yon ngayon."
"Seryoso?"
"Oo, mukhang seryoso siya. Pero taga ibang university."
"Nako naman!"
"Sayang si Thad," ni Ariel. "May girlfriend na 'yon, 'di ba?"
Ngumiti siya. "Oo." Nasasaktan pa rin siya sa reyalidad na iyon pero sanay naman siyang magkunwaring okay. "Matagal na sila rin. Anyway, I have to go kasi kukunin ko pa 'yong mga cup cakes sa canteen para sa last class ko."
"Tulungan na kita." Umangat ang tingin niya sa kaklase rin niyang si Nicholas. "Unless tutulungan ka ng mga kaibigan mo."
"Ayieeee!" tudyo pa ng tatlo sa kanila.
Matagal na niyang alam na may gusto si Nicholas sa kanya. He even ask her permission kung puwede siyang ligawan pero that time umaasa pa rin siya kay Thad kaya na busted niya ito. Wala namang nabago sa kanilang dalawa. He respected her decision and never siyang in-pressure. Kaya wala rin naman sigurong masama kung magiging close sila ni Nicholas. Madalang naman na silang magkita ni Thad dahil busy ito sa mga plates nito at syempre kay Melissa.
Ngumiti siya rito. "Sure, if okay lang sa'yo."
"Walang problema," nakangiti nitong sagot.
Iniwan nilang nanunukso pa rin ang mga kaklase. Sinaway na niya kaso ang kukulit. Actually, wala siyang balak paasahin si Nicholas saka wala pa rin naman itong sinasabi na gusto pa rin siya nito. Ayaw rin naman niyang pilitin ang sarili na ibaling agad dito ang atensyon. Hindi pa niya priority sa ngayon ang magmahal ulit.
"Kumusta na pala 'yong kaibigan mong napilayan?" basag niya, kasi 'di ito nagsasalita.
"Sino? Si Word?"
"Yata. Hindi ko sure, siya ba 'yong tinawag mong Santillan?"
Natawa ito. "Ah, oo. Si Word 'yon. Okay naman. Naka cast ang paa. Deserve niya rin 'yon. Kung anu-ano kasing ginagawang kalokohan sa buhay."
"Saang university pala siya?"
"USC."
"Ahhh. Matagal na kayong magkaibigan?"
"Probably around six or seven," Tumango-tango lang siya. "Nga pala, may regalo ako sa'yo." Mula sa bulsa ng slacks nito ay ibinigay nito sa kanya ang isang sunset colored box na may white ribbon. "Nabanggit mo kasi noon na mahilig ka sa mga vintage na bagay. Here." Inabot nito ang box. "Birthday gift ko na."
Nag-hesitate siyang tanggapin ang regalo nito. "Nico –"
"Your eighteenth birthday should be celebrated. Minsan lang naman nagiging-eighteen ang mga babae, but I respect it if you want to celebrate with people whom you trusted the most kaya sana tanggapin mo na 'yan, Sanna."
"Nakakahiya."
"Hindi naman 'yan masyadong mahal. Nakita ko lang 'yan sa isang thrift shop ng mga antigong bagay. Hindi na siya gumagana pero sa tingin ko magugustuhan mo ang design."
Tinanggap na niya ang kahon at inalis ang takip no'n. Bumungad sa kanya ang isang vintage watch na may unique design of moon, sun, and mechanic parts. Dark brown leather ang strap. Nakakamangha lang na sobrang na preserved ang strap no'n.
"Sabi ng seller, pocket watch daw 'yan bago ibenenta sa kanya. Nilagyan lang daw ng strap. Ang mura na nga ng benta niya sa'kin. Wala raw kasing bumibili."
Hindi maalis ang tingin niya sa relo. Totoo, ang ganda pero 'di gumagalaw ang kamay ng orasan.
"Kumikinang," she murmured.
Hindi niya alam kung siya lang o napansin din 'yon ni Nicholas pero parang kumikinang ang orasan.
"Hmm?" Naiangat niya ang tingin dito. May pagtataka sa mukha nito. "Kumikinang ang ano?"
Wait, so hindi nito napansin?
"Itong orasan," turo pa niya.
Bumaba ang tingin nito roon. "Saan banda?"
Ibinalik niya ang tingin sa hawak na relo. Nagtaka siya dahil nawala ang kinang. Hala, anong nangyari?
"Baka dahil nilinis 'yan ng seller."
"Baka nga."
Nako, Sanna, kung anu-ano napapansin. Baka nga kumikintab 'yon kanina dahil nasinagan lang ng araw. Huwag mo na i-overthink.
Ngumiti na lang siya kay Nicholas. "Salamat dito. Na appreciate ko sobra." Inalis niya sa box ang relo at isinuot 'yon sa kaliwang kamay. Kaso nahirapan siya kaya si Nicholas na mismo ang nagsuot no'n sa kamay niya. "Thank you, ulit."
He smiled. "You're welcome."
"Kailan birthday mo? Gagawan kita ng cake as a gift."
Nicholas chuckled. "Next year, March 28."
"Consider it done."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro