Kabanata 14
D A Y 4
"UMALIS SI THAD?" tanong ni Amora, bahagya itong nakaharap sa kanya, pasandal sa mesa habang nag-wi-whisk ng itlog mula hawak nitong bowl.
Sanna nodded. "Emergency sa office," sagot niya. Napangiti rin siya kay Art na nakaupo lang sa harap niya habang nag-do-drawing ng kung anu-ano sa drawing book na binili ni Thad dito gamit ng mga crayons. "Pero maaga naman daw siya babalik."
Nasa kusina sila ng bahay ni Iesus. Wala siyang magawa sa bahay kaya dinala na niya si Art doon. Ibinigay ni Iesus sa kanya ang telephone number sa bahay kaya tumawag muna siya kay Amora bago tumuloy roon at baka busy pala ito. Hindi naman daw at wala raw iniwang utos si Iesus dito maliban sa dapat itong matututong magluto bago raw ito tuluyang igisa ni Iesus sa malaking kawa.
Tawang-tawa siya roon kanina kaya pumunta na talaga siya.
"Nga pala, Miss Sanna. Kumusta naman po kayo ni Sir Thad?"
"Sanna na lang."
Amora smiled and nodded.
Napapansin niyang magalang talaga si Amora at saka masyadong formal ang Miss para sa kanya. Sanna is fine.
"Okay lang naman," nakangiti niyang sagot pagkatapos. "Although, minsan, ramdam ko 'yong gap na wala naman talaga noon. 'Yong parang sobrang cautious niya sa'kin – sa'min ni Art. Pero sa tingin ko normal naman talaga 'yon. Kasi alam ko na in the past in didn't work out for us."
"Sinabi na niya po sa'yo lahat?"
"Hindi pa lahat, but we're taking it slow. I don't think kaya kong i-absorb lahat ng mga nangyari sa amin in one day. Kahapon nga ay nakatulugan ko ang pagkukwento niya." Natawa siya. "Inaalala ko pa ano 'yong huling sinabi ni Thad."
"Pero handa ka na?" malumanay nitong tanong.
Naitigil niya ang ginagawang paghihiwa ng mga rekados.
She doesn't think it was a direct question out of curiosity ni Amora, but it sounded like, handa na ba siya sa kung ano mang maririnig niya kay Thad. There was concern in the tone of her voice.
"I don't know," she answered blankly. Ibinaling niya ang tingin kay Amora. "Ayoko pangunahan ang sarili ko. Alam ko na magiging bias ako if ever. Magagalit s'yempre... masasaktan... at madidismaya sa kanya kung sakaling kasalanan niya talaga lahat. Pero minsan napapaisip din ako e."
"Ano po?"
"Na kagaya ni Thad hindi rin ako perfect. I have my flaws with me na sa tingin ko hindi alam ng lahat. Halos magkakasama kaming apat. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Pero pakiramdam ko kasi ang dami kong itinatago sa kanila noon. Mga bagay na hindi ko puwedeng sabihin. Napansin na din 'yon ni Mari. Saka ang weird na hindi nila kilala ang parents ko o taga saan talaga ako."
"Pero alam po ni Sir Thad na taga Samboan ka 'di ba?"
"Oo, kung 'di nga 'yon isa sa mga kasinungalingan ko." Mapait siyang ngumiti. "Kilala ko ang sarili ko kahit na may mga memories akong hindi naalala. I know how vulnerable and weak I am. Doon ako takot sa sarili ko."
Tinignan niya ang mukha ni Art na enjoy na enjoy pa rin sa pagdo-drawing. Mukhang hindi talaga ito nakikinig sa kanila ni Amora. He was too engrossed with his work of art. Their son reminds her so much of Thad lalo na kapag sobrang naka focus sa mga designs and plates nito noong college. He will never notice the people around him. Lalagpas lang ang mga salita sa kabilang tainga nito.
"I just wish I didn't make the bad choices in my past," dagdag niya after a while.
"Alam mo, pansin ko talaga na hindi sobrang babaw ng pagmamahal mo kay Thad." May pagtatakang ibinaling niya ulit ang tingin dito. "Kasi kung mababaw 'yon hindi ka ganyan mag-isip. Iko-conclude mo na agad na kasalanan ni Sir Thad lahat. Lahat ng signs nakikita mo na. Kahit si Sir Thad ay hindi na niya itinatanggi 'yon. Kung ako 'yon, nako, hindi lang dagat sa Faro ang mahahati pati na rin ang dalawang bridge dito sa Cebu at isasama ko na rin 'yon third bridge na tinatayo pa nila hanggang ngayon."
Natawa siya roon. "Grabe 'to."
"Oy, totoo! Kung isang nobela ang kuwento n'yo siguro naubos ko na lahat ng mura para kay Sir Thad. Pero ikaw, hindi ko napansin na nagbitaw ka ng pangit na comment para kay Sir Thad kahit na inamin niya mismo sa'yo na siya ang dahilan kung bakit ka lumayo. Dalawa lang 'yan e. Either marupok ka lang talaga o sadyang mahal na mahal mo lang talaga siya. Or puwede ring both."
Pareho silang natawa pagkatapos.
"O baka dahil 'di ko pa naman talaga alam ang buong kwento," aniya. "We haven't talked about how our relationship started at –"
"At paano nabuo si baby boy?" may pang-iintriga na nitong tanong.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Shsh," sita niya rito.
Naningkit lang ang mga mata ni Amora sa pagtawa. Buti na lang talaga hindi chismoso 'tong si Art. Mapapahamak talaga siya kapag 'tong mga sinasabi ni Amora umabot kay Thad. At akala niya talaga sobrang tahimik nitong si Amora. Ang daldal pala.
"I'm sure naman teamwork ang paggawa niyan."
Inihit siya ng ubo. Nasamid siya sa sinabi nito. "Grabe!" Akala ba niya ay mag-madre 'tong si Amora? Bakit ang dami nitong alam sa mga ganyan? Seryoso ang tingin na ibinigay niya rito. "Babalik ka pa bang kumbento?"
"Ito naman, masyadong seryoso."
Natawa na siya. "Naintriga ako sa'yo. Seryoso ka talagang magma-madre ka? I don't want to question your calling, but when did you realize you wanted to become a nun?"
Ibinaba muna nito ang bowl bago nagkuwento.
"Lumaki ako sa isang orphanage kasi... tapos mga madre 'yong nag-ma-manage no'ng home na 'yon." Nagulat siya sa revelation na 'yon. It didn't even cross her mind na ganoon ang family background ni Amora. "So, 'di ko talaga kilala mga magulang ko. Ang sabi sa'kin, iniwan lang ako sa labas ng simbahan."
"I'm sorry," hinging paumanhin niya.
Nakaramdam siya ng guilt for bringing it up. Baka kasi sensitive ang topic na 'yon for Amora.
"Nako, okay lang. Matagal naman na 'yon. Naka move on na ako." Tumawa pa ito. "Kaso nga, 'di talaga ako na adopt. 'Yong mga kasing edad ko naubos na sa orphanage ako na lang 'yong natira. Hindi ko alam kung bakit 'di ako napipili siguro dahil nga masakitin daw ako masyado noong bata kaya ayaw ng mga potential foster parents. Noong twelve years old ako, may dumalaw na madre sa orphanage at kinuha ako. Dinala ako sa Poor Clare Monastery at doon naging parang errand girl ako. Pero pinag-aral nila ako ng high school din."
"Malapit lang din yan dito?"
"Oo, mga 15 to 20 mins away lang dito pero pa bundok."
"At hanggang ngayon sa kanila ka nakatira?"
Tumango si Amora. "Oo."
"Anong trabaho mo sa kanila?"
"Kahit anu-ano lang. Natuto rin ako mag-drive ng manual na sasakyan. Tapos kapag may mga documents na need ipadala o mga may mga feeding program ako nag-aasikaso. Pero disclaimer, hindi ako ang nagluluto." Natawa silang pareho roon. "Well, ng lugaw kaya ko. Pero kung may iba pang ipapaluto ay si Sister Mary Aileen na bahala roon. Matagal na silang sumuko sa'kin."
"Sabi nga nila, may mga tao raw talagang pinanganak na may sama ng loob sa kusina."
"Kasama yata ako roon." Amora chuckled after.
"Pero, I think, kung gugustuhin mo talaga makakaya mo naman e."
"Gugustuhin ko na talaga bago pa ako isubsob ni Boss Iesus sa kumukulong kawa. Ramdam kong malapit nang mapigtas ang pasensiya niya sa'kin."
"Speaking of Iesus. So, paano ka napunta rito? I mean, kung sa mga madre ka nagtatrabaho. Bakit nalipat ka rito?"
"To explore," natatawang sagot nito. "Ewan ko roon kay Mother Superior. Ayaw niya talaga ako suportahan sa pagmamadre ko. Basta ang alam ko. Malapit ang mama ni Boss Iesus kay Mother Superior. Saka biggest donators din 'yon ng simbahan at ng orphanage na kami rin nagma-manage. Naghahanap daw kasi ng assistant si Ma'am Cloudia para sa anak niya. Wala namang hininging credentials basta raw 'yong mapagkakatiwalaan."
"At ikaw 'yon?"
"Ako yata 'yong sinasabi nilang mapagkakatiwalaan." Tawang-tawa si Amora. "Pumayag na rin ako kasi sabi naman ni Mother Superior sa pagbalik ko raw i-endorse na niya ako para sa application ko. Buong buhay ko raw kasi ay umiikot lang sa kanila. Hindi ko raw masyadong nakikita ang mundo. Kailangan ko raw muna i-explore."
"Pero nakapag-college ka na?"
"Oo, delayed nga lang kasi nga hindi kaya na tustusan nila sister ang matrikula ko. Pero may isang tao na nagpaaral sa'kin ng college kaso ayaw niya magpakilala. Nakapagtapos din ako ng secondary education major in Social Studies."
Teacher rin pala si Amora. Pero mas naiintriga siya sa taong nagpapaaral dito.
"Ay talaga? As in, never mo na meet or napasalamatan man lang?"
"Oo. Ayaw sabihin ni Sister e. Ang request lang daw e sulatan ko siya kapag may oras ako. Iniipon ko lang lahat tapos binibigay ko kay sister. Sa apat na taon na pagsusulat ko sa kanya ay ni isa wala akong natatanggap na reply." Natawa ito. "Pero okay lang kasi nakatapos naman ako."
"Ang bait naman niya."
"Sana magkaroon ng chance na makilala ko siya."
Ngumiti siya rito. "I'm sure dadating din 'yong chance na 'yon."
"Mommy, I'm hungry."
Halos sabay nilang naibaling ang tingin kay Art. Pareho rin silang natawa ni Amora. Hindi pa sila tapos sa mga niluluto nila. Anong ipapakain niya kay Art?
"Ay wait, may cookies pa sa ref. Kunin ko lang," sabi ni Amora, naglakad sa direksyon ng four doors refrigerator. Mas malaki pa sa ref sa bahay ni Thad. "Daming stocks dito sa bahay niya. Napansin ko talagang mahilig 'tong si Boss Iesus mag-grocery." Natawa ulit ito habang may hinahanap sa loob ng ref. "Gusto mo rin ng fresh milk, Art?"
"Opo!" masiglang sagot ni Art.
"Okay lang ba kay Iesus na pakialaman natin mga gamit niya?" nakatawa niyang tanong.
"Hayaan mo 'yon. Bukas mag-go-grocery na naman 'yon." Dala na nito ang isang transparent box ng malalaking cookies na may sticker logo pa ng Noah's Ark. Ang alam niya, restaurant 'yon ni Chef Math. Kasama na rin ang isang 'di pa nabubuksan ng karton ng fresh milk. Kumuha rin ito ng baso at naglagay ng ice cubes doon. "Nga pala, Sanna, in-submit ko na 'yong request form para sa credentials mo."
Tumango siya. "Salamat."
"Ang sabi naman ni Boss Iesus sa'kin ay nakausap na raw niya ang isang kakilala niya roon. Hintayin na lang daw natin ang update ng kakilala niya."
"Sana nga mapabilis para magka-lead na tayo kung sino ang mga magulang ko."
"Sana nga."
"THAD!"
Nagulat siya nang makita si Nanay Lourdes sa labas ng bahay. Pero sandali lang at napangiti rin siya at binati ito ng yakap. Ang alam niya ay umuwi ito ng Negros para magbakasyon sa nakakatandang kapatid nito. He didn't know na nakabalik na pala ito.
"Nay, kumusta?"
"Aba'y mabuti! Maganda pa rin." Malakas na tumawa ito sabay hampas ng payong sa kanya. Shit! Napangiwi siya roon. "Gago ka!"
"Grabe –" Pinalo na naman siya nito.
Napalayo tuloy siya rito nang wala sa oras habang himas-himas ang nasaktang braso at binti.
"Narinig ko ang balita kay Aurea na may tinaguan kang anak."
"Hindi ko tinaguan –"
"Ganoon pa rin 'yon. Taguan pa rin ng anak." Muli itong natawa. "Loko-loko kang bata ka. Bakit 'di mo man lang na-ikuwento 'yan sa'kin? Nasa ilalim pala kalandian mo."
Tawang-tawa siya rito. "Kakauwi n'yo lang ba?" pag-iiba niya.
"Kanina lang. Pero huwag mo iniiba ang usapan, Thaddeus! Nanggigil ako sa'yo."
Malapit siya sa ginang dahil kahit na madalas siyang busy sa trabaho ay hindi pa rin siya nito nakakalimutang kumustahin o padalhan ng pagkain. Lagi nitong pinupuri ang mga desinyo niya ng mga bahay at building. Nanay Lourdes always makes him feel that she's proud of all his accomplishments. Her appreciation for him is a big to deal to him kaya sobra niyang nirerespeto ito. Sometimes, he couldn't help but envy James and Aurea for having a great mother.
He grow up in a dysfunctional family. His father didn't support and care about him. His mother is too in love with his father to even care about him. Siguro nga isa siyang neglected child. He was not even sure if his father even loved his mother. Namatay na lang ang mama niya na pangalawa pa rin sa trabaho ng papa niya. Kaya siguro hindi na siya nasundan pa.
He was already useless. Bakit pa siya dadagdagan?
"Na saan na pasalubong ko?" biro pa niya rito.
"Nasa bahay kunin mo. Masyado kang tamad na bata ka." Lumakas lang ang tawa niya rito. "Dumaan lang ako para imbitahin ka at ang mag-ina mo sa bahay ni James. Magluluto ako, gusto kong makilala ang mag-ina mo."
"Alam ba 'yan ng anak n'yo? Baka magulat na naman 'yon may pa-dinner ka na naman na 'di niya alam."
"Alam niya. Pumayag siya. Wala siyang choice kung hindi ay papalayasin ko siya." Tumawa ulit ito at ngumiti rin pagkatapos. "Saka, dumalaw rin ako para sabihin sa'yo na kapag kailangan mo ng nanay na makakausap ay ilang lakad lang ang layo ko. Huwag mong isarili lahat kapag may mga bagay ka na hindi naiintindihan." Tinapik nito ang balikat niya. "Basta ba huwag lang math."
Natawa siya roon. "Nay naman. Okay na sana."
"Aba'y nililinaw ko lang at baka tumaas ang expectations mo."
"Salamat po."
"Thad, anak, marahil maloloko mo ang ibang tao pero hindi ako. Kaya umayos ka." Pinanlisikan siya nito ng mga mata. Mas lalo lang siyang natawa rito. "Kilala kita. Don't me. O, 'di ba, marunong na ako mag-Ingles."
"Opo. Salamat po, Nay."
"O, siya, lalayasan na kita at babalikan ko lang ang mga niluluto ko bago pa sumakabilang bibig."
"Bakit?" he chuckled.
"Nandoon si Juan kausap si Hayme. Delikado."
Napakamot na lamang siya sa noo. "Sabagay."
"THAD?"
Biniglang bukas lang ni Sanna ang pinto ng silid ni Thad kaya siya napasinghap sa gulat. Bumungad sa kanya ang hubad na katawan ni Thad. Nakasuot na ito ng pantalon pero sumabit pa ang white T-shirt sa may leeg nito. Literal na nanlaki ang mga mata niya.
"I'm sorry!" Mabilis siyang tumalikod.
Ang lakas ng tibok ng puso niya at ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Sanna, kalma! Nag-rewind sa isip niya ang magandang katawan nito. She's well aware sa malaking pagbabago sa pangangatawan ni Thad. The years sculpted his body in perfection. Kapansin-pansin din ang abs nito. Pero 'di niya na bilang kung ilan. Malapad ang dibdib at mga balikat. She remember how his arms emenate warmth whenever Thad wraps her in his embrace.
But.
Kumunot lang ang noo niya as she tried to locate that scar on his body on her mind. Hindi siya puwedeng magkamali. May piklat siyang nakita sa bandang tiyan nito. Sa tanda niya ay wala namang ganoong piklat si Thad noon. Where did he get that? Or when did he get that?
"Sanna." Naramdaman niyang may kamay na humawak sa isang balikat niya.
"Thad!" singhap niya nang mabalik siya sa reyalidad.
Agad na nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya maiwasang silipin sa mga mata nito ang sagot na gusto niyang mahanap dito kahit na alam niyang malabo na may makuha siyang sagot sa mga matang 'yon.
"Kanina pa kita tinatawag," may pagtataka sa boses na tanong nito, eyebrows a bit creased. "Is something wrong?"
"Ha?"
"May problema ba?" ulit nito sa malumanay na boses.
"W-Wala." Ngumiti na lamang siya. "Saka pasensiya na. Akala ko kasi tapos ka na magbihis saka 'di naman naka lock din ang pinto. I didn't mean to –"
"It's fine." Thad smiled. "It's my fault." Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. It wasn't just a simple hold. Thad laced his fingers with hers. Napalunok siya at nakaramdaman ng saya sa ginawa nito. "Nasa baba na ba si Art?" Magkahawak kamay na naglakad sila sa direksyon ng hagdanan.
"Ah... oo..."
Kagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil nang sobrang pagngiti.
"You haven't meet Nanay Lourdes but I know you will like her," kuwento nito na nakangiti. "She's like a mother to me."
"Talaga?"
Thad nodded. "Magkakasundo rin kayo dahil pareho kayong mahilig magluto." Ang alam niya ay nanay ito nila Aurea at James. Mabait ang magkapatid na 'yon sa kanya kaya alam niyang makakasundo rin niya si Nanay Lourdes. "Nga pala, anong ginawa n'yo ni Art ngayong araw?"
"Pumunta lang kami sa bahay ni Iesus. Tinuruan ko magluto si Amora," masaya niyang kuwento.
"Pati si Art nagluto?" amuse na tanong nito.
Natawa tuloy siya. "Hindi. Nag-drawing lang siya. Mana 'yon sa'yo e. If you remember, madalas ko sabihin sa'yo na kapag nagda-drawing ka ay hindi mo napapansin ang mga tao sa paligid mo."
Thad chuckled. "I remember. Huwag mong sabihing ganoon din ang Art natin?"
Art natin.
Sa dalawang salita na 'yon pakiramdam niya ay hinaplos ng anghel ang puso niya. Lalo lang tuloy siyang napangiti.
"Ganoon na ganoon din. Kaya nga mana sa'yo. Kahit na magka-zombie-apocalypse 'di rin niya mapapansin."
"Ano pa ang ginawa n'yo bukod doon?"
"Wala naman na masyado. Nagkuwentuhan lang naman kami ni Amora."
"Umalis si Iesus?"
"Oo."
Pagkababa na pagkababa nila sa hagdanan ay sumigaw si Art. "Daddy!" Tumakbo ito at nagpakarga sa ama nito. Binitiwan nito ang hawak nito sa kanya para maayos na makarga si Art. "Daddy ang tagal n'yo naman po."
Natawa si Thad. "Hindi ko nakita ang T-shirt ko."
Bumaling si Art sa kanya. "Mommy, next time po hanapin n'yo rin po T-shirt ni Daddy para po mabilis."
Napamaang siya roon. "Wow!" Pero natawa lang din siya. "Hindi ko na kasalanan kung makalat 'yang daddy mo. Matanda na siya. Kaya na niyang hanapin ang mga nawawalang gamit sa buhay niya."
Literal na matanda! Hmp!
Pareho siyang pinaningkitan ng dalawa.
Grabe! Para talagang pinagbiyak na bunga.
Imbes na mainis say nanggigil siya sa mag-ama. Gusto niyang gawing keychain.
"O, siya, tara na mga, hijo." Tumayo siya sa likod ni Thad at buong lakas na itinulak ito sa direksyon ng pintuan. "Late na po tayo."
Natawa lang sa kanya si Thad pero 'di naman masyadong nagpabigat.
"Good boy ka ba ngayon, Art?" tanong pa nito sa bata.
"Always naman po, Daddy!"
"Very good. Huwag mo inisin ang mommy mo at masama 'yang magalit."
Wow! Literal na nanlaki ang mga mata niya roon pero 'di na lang siya nag-react. Sige nga Apostol. Ano ang kasunod niyan?
"Bakit po Daddy?"
"Nagiging monster – shh–t!" Igik nito nang suntukin niya sa braso. Hindi rin natuloy ang pagmumura. Good! Marahas siya nitong tinignan at natawa. "Ang sakit no'n ah!"
"Sige ituloy mo," pagbabanta pa niya.
"Akin na 'yang kamay mo." Muli nitong hinawakan ang kamay niya. "Dapat sa kamay na 'yan hinahawakan lagi para 'di na makawala."
Tignan mo 'to, akala mo naman 'di mananakit sa nakaraan. Mukha mo, Thaddeus!
Pero napangiti pa rin siya. Lalo na nang makita niya kung gaano yakapin ni Art ang ama nito. Art really love his Dad.
Same, Art. Same.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro