Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

SEPTEMBER OF 2008

PANSIN NI SANNA na may kakaiba kay Thad the past few days. Magkasama pa rin naman sila. Sabay pa rin sila kumakain at nag-sa-snacks kapag nagkakasabay ang vacant nila ni Thad. Busy kasi si Jude madalas. Kapag free time nito ay sa mga study area ito natutulog o 'di kaya kasama sina Samson at Pablo. Si Simon naman ay madalang din niya makita sa school dahil sobrang tight ng schedule nito. Jollibee, school, ROTC, at mga sidelines pa nito.

"Mamaya samahan mo ako mamalengke," singit niya para makuha ang atensyon ni Thad mula sa hawak nitong cellphone. Kanina pa sila magkausap pero alam niyang wala sa kanya ang atensyon nito. "Kung 'di ka busy -"

"Hmmm?" Nakangiting ibinaling nito ang tingin sa kanya.

Pilit siyang ngumiti rito kahit na may nararamdaman na siyang inis. "Sino ba 'yang ka-text mo?" tanong niya sa malambing pa rin na boses.

"Wala." He chuckled. "Kaibigan ko lang."

"Babae?"

He nodded. "Nga pala," pag-iiba agad nito. "Ano nga 'yong sinabi mo kanina? Sorry, 'di ko masyadong narinig." Umilaw naman ulit ang screen ng cellphone nito. Agad din nitong iniwas ang tingin sa kanya at binasa ang mensahe na natanggap nito.

"Sabi ko kung 'di ka busy samahan mo ako mamalengke mamaya -"

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Mamaya?"

She nodded. "Oo."

Pero sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ni Thad ay alam na niyang mag-isa siyang mamalengke mamaya. Mukhang may ibang lakad ito. Kaya sinalo na niya bago pa siya i-reject.

"Next time na lang. Mukhang may lakad ka. Wala rin naman akong masyadong bibilhin."

"Sorry." Inakbayan siya nito. "Promise babawi ako sa'yo." Napangiti pa rin siya habang nakaangat ang mukha kay Thad. "Kahit buong araw pa kitang samahan mamalengke."

Natawa siya. "Ay sus! Mukha mo. Sinasabi mo lang 'yan para 'di ka masyadong ma-guilty," biro pa niya.

"Hindi naman. Kailan ba ako humindi sa'yo?"

"Ngayon." Namilog nang husto ang mga mata nito. Naningkit lang ang mga mata niya sa kakatawa. "You owe me one, Apostol. Sisingilin kita sa tamang oras."

Ang lakas ng tawa ni Thad. "Oo na! Noted na po." Naramdaman niya ang paglapit ng mukha nito sa kanyang buhok. Hindi niya maiangat ang mukha dahil nga parang inaamoy ni Thad ang buhok niya. "Ano bang gamit mong shampoo?"

"Hoy!" Naitulak niya tuloy ito nang wala sa oras.

Thad chuckled. "Ang bango."

"Loko-loko ka!" Hindi niya maiwasang lalong matawa. "Alam mo, ewan ko sa'yo." Iniwan na niya ito, tawa pa rin nang tawa.

Nakaagapay naman agad ito sa kanya. "Sagot ko na ang meatroll mo."

"Sawa na ako."

"Wow!"

Lalo silang natawang dalawa.

"Gusto ko ng pancake na maraming margarine at asukal. Meron niyan sa labas. Bili mo ako ng lima."

Napamaang ito. "Wow! Ubos biyaya ka rin."

"Mas mahal pa 'yong meatroll kaysa sa pancake."

Tinawanan lang ulit siya nito. "Sabi mo e."


DUMAAN SI SANNA sa Our Lady of Lourdes na simbahan sa Punta. Dumeretso siya sa sindihan ng mga kandila. Friday ngayon kaya medyo madaming mga tao. Lagi talaga siya roon kapag hindi naman siya busy. Pagkatapos niya roon ay sumilip lang siya sa loob ng simbahan dahil nagmimisa pa at umalis lang din.

Sa labas ay hinanap niya agad 'yong mag-inang nagtitinda ng mga colored rosary. Nasira na kasi niya ang kanya kaya bibili sana siya. Nawala 'yong nanay kaya 'yong anak nitong babae ang nagbabantay ng puwesto nito.

"Ate, bumalik ka," masiglang bati ng batang babae. Napangiti siya rito. The girl recognized her immediately. Kahit siya ay maalala niya rin ito. Nahahatak kasi siya sa nunal nito sa ilalim ng right eye nito. "Itinabi ko na 'yong napili mong kulay na rosary. November, 'di ba?"

Inabot nito sa kanya ang isang warm orange na may halong yellow hues na beads of rosary na nakasilid sa isang transparent plastic holder. Closer to the red-orange color na rin 'yon.

"Ate, alam mo ba na maganda ang meaning ng kulay ng birthstone mo," dagdag pa nito.

"Talaga?"

Sunod-sunod na tumango ito. "Opo, it means healing and happiness. Ito po," iniangat nito ang isang crystal stone na may same color ng beads ng rosary. "Citrine stone po 'to. Puwede mo siya ilagay sa kwarto mo or kahit dalhin mo siya lagi. Kaya niya kasi magbigay ng relief sa mga kung anu-anong pain natin in life. Ina-absorb niya ang mga negativity."

Natawa siya rito. Ang galing mag-market ng batang 'to. Halatang-halata na matagal nang nagtitinda.

"Sige, bilhin ko na rin." Ibinalik niya rito ang rosary. "Isama mo na lang din 'to sa iisang plastic."

"Hala! Thank you po, Ate." Tumalima agad ito. "Baka gusto n'yo rin po ng lucky charm bracelet. May boyfriend ka na ba Ate? If wala, meron din kaming love stone necklace. 'Yong Lolo Pol ko po gumagawa rin siya ng personalized bracelet para 'di ka lapitan ng mga evil spirits."

"Sige sa susunod naman." Naaliw talaga siya rito. "Ilang taon ka na ba?" Sa tantiya niya lagpas ten na yata. Mapisngi at maliit. Nawawala ang mata kapag ngumingiti. "Matagal na kayo rito ng nanay mo?"

"Eleven po. Taga Guadalupe lang naman po kami. Dito lang kami nagtitindi ng mama ko. Kapag wala akong pasok sumasama ako."

"Wala kang pasok ngayon?"

"Half day lang po kaya sumama ako."

"Ah. Kaya pala."

Nang iabot nito sa kanya ang plastic ay nahawakan nito ang kamay niya. Nagtaka siya dahil bigla itong natigilan. Ilang segundo yata itong nakatulala.

"Are you okay?" basag niya, nag-aalala rin siya.

Nagtama ang mga mata nila at titig na titig ito sa kanya. "Ate, okay ka lang?" bigla ay tanong nito. Kumunot tuloy ang noo niya.

"Ha?"

"Aurea!" Nabitiwan nito ang kamay niya nang dumating ang nanay nito. "Nako kang bata ka." Naibaling niya ang tingin sa nanay nito. Nakatingin din naman ito sa kanya. "Miss, pasensiya na. Kung anu-ano talaga sinasabi ng batang 'yan."

"Maaaaa!" prolong nitong reklamo.

Natawa na lang tuloy ulit siya. "Okay lang po." Kinuha na niya ang wallet. "Magkano po lahat?"

"One-twenty lang, hija."

Inabot niya ang bayad sa ginang. "Ito po. Salamat."

Iniwan na niya ang mag-ina pero 'di niya naman mapigilan ang sarili na lingunin pa rin ang dalawa. Natawa siya nang makitang kinurot nito sa tagiliran ang anak. Naniningkit na ang mga mata ng anak nito. Natutuwa siya sa closeness ng mga ito.

Ibinalik na niya ang tingin sa dinadaanan.

Sana lahat ng mag-ina ganoon.



SA MGA SUMUNOD na araw ay napapansin na talaga niyang pre-occupied masyado si Thad. Busy pa rin naman ito sa mga plates nito pero halos hindi na nito bitawan ang cellphone. Kahit noong weekend nasisilip niya ito sa bintana nito na may kausap lagi sa cellphone. Si Jude parang wala talagang clue. Gabi na rin kasi umuuwi 'yon ng bahay. Si Simon ang nagsabi sa kanya na recently daw nagkita sina Thad at Melissa.

Si Melissa ang ex ni Thad noong high school at kahit na hindi pa sabihin sa kanya ni Thad ay mukhang nagkakamabutihan uli ang dalawa. Kung tutuosin ay mutual decision naman ang pagbi-break ng dalawa noon. Kaya malaki ang possibility na si Melissa ang nagpapasaya kay Thad ngayon.

Marahas siyang napabuntonghininga.

Kanina pa niya tinititigan ang ipinipinta niya. Hindi niya matapos-tapos dahil panay ang punit niya sa gawa. Napapangitan siya. Hindi siya makuntinto. They say that when artists are brokenhearted they bleed their masterpiece. Pero bakit sa sitwasyon niya ay mas lalo siyang nalulugmok?

Binitiwan na niya ang paintbrush at nagpasya nang lumabas muna sa work room niya. Pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya.

"Sanna!"

"Shit!" mura niya nang wala sa oras. Pumailanlang ang malakas na tawa ni Thad sa buong sala. She glared at him. "Apostol!"

"Oy, nagmumura pala 'tong si Susanna Evangeline," asar pa nito.

"Paano ka nakapasok sa bahay ko?" inis na balik tanong niya rito.

"Malamang bukas ang gate at 'di ka naman nag-la-lock ng pinto." Naupo ito sa sofa. "Sanna, halika muna rito." Tinapik nito ang space sa upuan. "May hihingin sana akong advice sa'yo."

Napalunok siya.

Ramdam na agad niya ang kirot sa puso niya kahit na hindi pa naman sinasabi ni Thad kung para saan ang advice. Hindi rin naman siya tanga. May idea na siya kung saan papunta ang usapan na 'yon.

Tipid siyang ngumiti at naupo pa rin sa tabi nito. "Ano ba 'yon? Ang seryoso natin bigla, ah?" Sinamahan niya pa ng tawa para 'di naman halatang malapit nang mapunit ang puso niya at bitter siya. "Wala ka naman sigurong malalang sakit -"

Natawa ito. "Wala. Loko 'to. Pinatay mo naman agad ako."

"E, ang seryoso mo. Hindi ako sanay."

"Seryoso naman talaga ako."

"Pagdating sa sarili mo, oo. Pero hindi sa ganito na hihingan mo 'kong advice. Anyway, para saan ba?"

His face softened. Halatang nahihiya pa. "Ano kasi," nakapakamot ito sa noo. "I know you've heard about Mel. I mean, Melissa." Tumango siya. "About that... nagkita kami... and then we started talking again."

Gusto niyang umiwas ng tingin pero alam niyang magtataka lang si Thad kapag ginawa niya 'yon. She swallowed the pain that is making her uncomfortable at the moment. Nagseselos siya pero wala siyang lakas na maisatinig 'yon. She's just a friend. Thad's friend. Anong karapatan niya?

Pilit siyang ngumiti. "Parang alam ko na kung anong kasunod niyan." Thank God, her voice didn't betray her. "Kayo na ulit?" Those words stings as soon as it came out from her mouth.

Her hands curled on her lap as if kaya no'n itimpi ang nanunubok na niyang emosyon.

She saw how Thad's face flushed. Alam niya agad na sobrang genuine ng nararamdaman nito for Melissa. At 'yon ang masakit. When you know he's really in love with someone else.

"Hindi pa pero liligawan ko na ulit siya."

"Wow!" Pasimple siyang lumunok at mas lalong nilakihan ang ngiti. "Ang hina mo naman pala. Akala ko niligawan mo na e." You can endure this, Sanna. It's not like this is the first rejection that you received from people. Nagawa pa niyang hampasin ang braso nito. "Ang bagal mo kumilos. Baka maunahan ka pa."

Bumuga ito ng hangin at ngumiti. Bumakas ang relief sa mukha nito. "Thanks, Sanna. Iniisip ko talaga paano ko sasabihin 'to sa'yo."

"Inisip mo bang 'di ako papayag?" Tumawa siya.

"Of course not." He chuckled. "Naisip ko lang... 'di ba... bilang magkaibigan..." Magkaibigan. Mapait siyang napangiti sa isip. That's all she was to him – a friend."Ayaw ko rin na maglihim sa'yo."

"Hala, parang sira 'to."

"Seryoso ako."

Tumawa ulit siya. "Apostol, kung saan ka masaya, alam mo na masaya rin ako para sa'yo. Malaya kang mahalin ang gusto mong mahalin." She cupped his face and smile. Kahit na hindi ako 'yon kung 'yon ang magpapasaya sa'yo. Pigil na pigil niya ang mga luha. "Suportado ko lahat ng mga desisyon mo." Saka pinitik ang noo nito.

"Shit!" mura nito.

Ikinubli niya sa tawa ang sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon kasi hanggang doon lang talaga ang kaya niyang gawin. Ang magkunwaring masaya.

"Sabihin mo ako kapag naging kayo na, ha? Mag-dinner tayo together."

Sumilay ang ngiti sa mukha nito. "Oo naman."





"CALL YOUR FATHER once you get home."

Tita Cassandra slid the brown long mailing envelope at her direction. Nanatili lang ang mga kamay niya sa ilalim ng mesa, bahagya ring nakayuko ang ulo. Ayaw na ayaw nitong tignan niya ito. She hated her face.

"Gusto niyang malaman kung anong ginagawa mo sa school at ang grades mo for this semester."

"Opo."

"And stop wasting your allowance for non-essential things. Hindi porket pinagbibigyan ka ng ama mo ay maggagasta ka na lang nang maggagasta." Naglapat nang mariin ang mga labi ni Sanna. "Are you still painting?" asik nito.

Umiling siya. "Hindi po. Naka-focus po ako sa studies."

"Good. Huwag mong sayangin ang tulong sa'yo ng ama mo. Wala kang mararating sa pagpipinta mong 'yan. Luho lang 'yan."

Dumiin lang ang paglapat ng mga palad niya sa mga hita. "Opo. Alam ko po."

"Keep that in mind."

"Opo."

Tumayo na ito. "Don't call us unless it's important. Alam mong busy na tao ang ama mo." Tumango siya. "At huwag na huwag kang gumawa ng mga bagay na sisira sa pangalan ng ama mo."

"Opo, Tita."

"Aalis na ako."

Iniwan na siya nito at doon lang siya nakahinga nang maluwag. Inilabas niya ang mga kamay mula sa pagkakatago at hinawakan ang envelope na naglalaman ng allowance niya for that month. Kasama na roon ang budget para sa groceries, bayad sa tubig at kuryente, pati na rin extra budget para sa mga projects niya sa school.

Napabuga siya ng hangin at ibinaling ang tingin sa direksyon ng glass door ng coffee shop. Kakalabas lamang nito at agad itong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ng driver nito. Simula nang mag-aral siya sa syudad ay hindi pa siya dinadalaw ng papa niya. Tumatawag lang ito pero hanggang doon lang. Laging ang asawa nito ang naghahatid sa kanya ng allowance niya.

Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng lungkot.
For the past weeks na yata.

Lalo na ngayon at hindi na sila madalas magkasama ni Thad. Biglang ang tahimik na ulit ng buhay niya. Nandiyan pa naman sina Jude at Simon na laging naglalambing sa kanyang ipagluto ang mga ito. Napapasaya pa rin naman siya roon.

But she couldn't deny the fact that something is missing in her life right now. Masyado lang yata siyang nasanay na kasama niya lagi si Thad at ngayon na may ibang priority na ito ay ramdam na ulit niyang malayo na naman ito sa kanya.

Muli siyang bumuga ng hangin at pilit na ngumiti. Inilagay na niya sa bag ang envelope at tumayo na. Uuwi na lang muna siya. Marami pa siyang gagawin sa bahay.

Paalis na sana siya nang mapansin niya sa labas sina Thad at Melissa.

Napangiwi siya sa isip.

Sa laki ng Cebu City bakit dito pa kayo mag-di-date? Kung kailan magulo ang isip ko!

Mabilis at payuko siyang naglakad sa kabilang exit door bago pa man siya mapansin ng dalawa.

Mabait naman sa kanya si Melissa kaya lang wala talaga siya sa mood sa araw na 'yon. She didn't want to dwell too much in her bitternesss. Quota na siya ngayong araw. Ayaw na niyang dagdagan pa.




"SANNA?" GULAT NA tawag sa kanya ni Simon nang bisitahin niya ito sa branch ng Jollibee kung saan ito nagtatrabaho. Nakahawak pa itong mop at tray.

Ngumiti siya rito. Ang cute talaga nito sa uniform nito. Alam niyang 'di lang siya ang nakakapansin no'n dahil agaw atensyon din talaga ito. Basta alam niyang sadya na Si lang ang nakalagay sa pin name nito. Dati ay Simon lang 'yon. Ini-e-stalk na kasi ng iba kaya naging Si na lang.

"Wait, naka duty pa ako," anito. "Pero 30 mins na lang off ko na."

"Sige lang, Kuya. Hihintayin na lang kita sa taas."

Simon smiled. "Ako na mag-o-order." Tumango siya. "Sa dating puwesto pa rin sa taas. Wala naman gaanong tao na." It was already past 8 pm. Magko-close ang Jollibee ng 10 pm.

"Si!" Tawag ng cashier na babae habang ni-ri-ring ang bell. "For number 23."

"Wait lang, ha? Ibabalik ko lang 'tong mop at ibibigay ko 'yong order kay number 23."

"No worries, akyat na lang muna ako."

Paalis na sana ito nang biglang dumaan sa gilid nito ang isang babae na naka uniform pa. Hindi niya alam kung anong school basta royal blue jumper skirt na hanggang tuhod ang haba tapos white long sleeved na itiniklop na hanggang siko ang inner blouse.

"Sorry," hinging pasensiya ng high school student kay Simon.

Ngumiti lang ito sa babae. "Okay lang. Sa'yo ba 'yong number 23?"

"Opo. Ako na lang po kukuha hindi naman masyadong marami 'yon." May salamin ito sa mata at may nunal din sa bandang kanan ng pisngi.

"Ako na," insist pa ni Simon. Inunahan na nga nito ang estudyante. "Saan ba ang table n'yo?"

Nasundan niya ang pagturo nito sa table na malapit sa glass panel. May dalawa pa itong kasama roon. Isang babae na same uniform din nito at isang lalaki na may pink na headband sa ulo.

"Louise Veronica!" sigaw pa ng lalaki nitong kasama, nangingislap ang mga mata kay Simon. Natawa siya roon.

"Nga pala, Kuya..." binasa muna nito ang pin name ni Simon. "Kuya Si?"

Natawa si Simon. "Si."

"Ang ikli naman ng pangalan mo. Ayon, but anyway, don't mind me, kapag tinanong ka anong number mo huwag mo ibigay kung mahalaga pa sa'yo ang peace of mind mo."

Tawang-tawa roon si Simon. "Noted."

Napatingin sa kanya si Simon at sinenyasan na niya itong aakyat na siya. Tumango lang ito at iniwan na niya ito.



"CHEESEBURGER, LARGE FRIES, and large pineapple juice, more ice," nakangising inisa-isa ni Simon ang order niya. Sauludo na nito 'yon.

Ang order naman nito ay two pcs chicken, spaghetti, large fries, and large din na pineapple juice. Inilapag nito 'yon sa mesa nila. Napansin din niyang nakabihis na rin ito. 'Yong top lang kasi 'ang slacks nito uniform pa rin nito.

"Off duty ko naman na, so 'di na ako nila i-issue."

Natawa siya. "Kapatid naman ang pakilala mo sa'kin sa kanila."

"Oo, kaya nga," he chuckled.

"E, kumusta 'yong mga estudyante mong customers kanina?"

"Ibinigay ko number ni Hudas."

Namilog ang mga mata niya. "Hoy!"

Lumakas lang ang tawa nito. "Hayaan mo na 'yon. Hindi rin naman 'yon papansinin. Anyway, 'di ko in-expect na dadalawin mo ako rito. Hindi ka man lang nag-text." Nagsimula na itong kumain.

"Namasyal lang ako sa plaza kanina tapos naalala ko na walking distance lang din 'yong Jollibee na pinagtatrabahuan mo at nagugutom na rin ako," nakangiti niyang kuwento.

Hindi na muna siya umuwi. Totoong namasyal sa plaza para makapag-isip-isip at magpahangin. Kaya nga ginabi na siya.

Inalis na niya ang balot ng cheeseburger at kinagatan 'yon agad.

"Saka para sabay na tayong umuwi," dagdag niya habang ngumunguya.

"May date si Apostol?"

Bumagal ang pagnguya niya nang banggitin nito ang pangalan ni Thad. Pilit pa rin siyang ngumiti at tumango.

"Busy si Jude, malamang," he added.

"Busy ka rin naman."

Natawa ito. "Hayaan mo na 'yon. Lilipas din 'yan."

"Sana nga."

"Ganoon talaga e."

Naibaba niya ang hawak. "Naisip ko minsan... what if... nauna ako?" Nagtama ang mga mata nila. "What if nag-confess ako bago pa ulit sila nagkita?"

Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nito sinagot.

"I don't think he will cross the line. Thad values your friendship."

Mapait siyang napangiti. "It's not worth the risk?"

"Hmm." He leaned on his seat. "I wouldn't risk it kung ako lang din. But if I'd be honest with you, Sanna. Thad really likes Mel. Kung hindi lang siguro lumipat si Mel sa city siguro sila pa rin ni Thad. Si Thad kasi 'yong klase ng tao na kapag may ginusto, gusto niyang 'yon na talaga. Kumbaga, he's a one woman man. It's rare for him to cheat."

"So, kahit siguro umamin ako wala ring mangyayari?"

"That, I cannot guarantee." Simon pauses to think. "I even thought he has special feelings for you. Pero siguro nga mali lang ako ng pagkakaintindi."

Nang ngumiti siyang muli ay sumama na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. "I'm sorry," her voice broke, pero 'di na talaga niya kaya ang sakit ng nararamdaman niya.

It all bottled up inside her. Hanggang ngayon na lang niya kayang pigilan. Napayuko siya at tuluyan nang napaiyak.

"Sinubukan ko naman," she sobbed. "Kuya, sinubukan kong maging masaya para sa kanya... pero bakit ganoon? Bakit ang sakit-sakit pa rin?"

"Sanna..."

Inangat niya ang mukha at pinunasan ang mga luha na ayaw tumigil. Bumakas ang awa sa mukha ni Simon. Alam niyang gusto siya nitong aluin pero mas pinili nito na hayaan siyang iiyak niya lahat ng sama ng loob niya.

Nasasaktan siya.

Sobra.

"Ang sama ko ba, Kuya? Kasi hindi ko magawang maging masaya... Ang hirap kasi... magkunwari na okay ako... kasi... Kuya Si, hindi ako okay." Nakagat niya ang ibabang labi at mariing naipikit ang mga mata. She buried her face on her palms at humagulhol ng iyak. "Hindi ako okay... hindi ko magawa..."

"Sanna." Naramdaman niyang ang paglipat nito sa tabi niya. "Alam ko." Niyakap niya nito. "Alam ko na masakit."

Pakiramdam niya ay hindi mauubos ang mga luha niya. Ang bigat-bigat sa loob. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang maglaho. Gusto na lang niyang ibalik ang panahon na mag-isa lang siya. Kung kailan hindi pa siya kilala ni Thad. At hindi pa niya ito minahal nang sobra.

Lalo lang yumugyog ang mga balikat niya sa pag-iyak.

"Gusto kong maging okay... pero hindi ko magawa... hindi ko magawa, Kuya."

"Nandito lang ako." Hinagod nito ang buhok at likod niya. "Nandito lang ang kuya. Hindi kita iiwan."

"Mahal na mahal ko talaga siya..."

Miss na miss na kita, Thad.

2020 PRESENT

PAGBALING NG TINGIN ni Thad ay mahimbing nang natutulog si Sanna habang yakap-yakap ang anak nila. Napangiti siya habang tinitigan ang dalawa. Tinulugan pa siya.

Sabagay, ano pa bang bago, Thad?

Bumangon siya mula sa kama at inayos ang kumot sa katawan ng dalawa. Pero hindi niya napigilan ang kamay na alisin ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Hindi naman siguro nito malalaman kung gagawin niya 'to.

Ibinaba niya ang mukha para gawaran ito ng halik sa pisngi. His face lingered there, enough to intoxicate himself with her scent.

I missed her so much.

It's one of the many truths that he had kept for the longest years for thinking that he didn't deserve to feel that after what he had done to her.

Lumayo na siya at hinalikan sa noo ang anak nila.

Isang beses pa niyang tinignan ang mag-ina niya bago siya nagpasya na lumabas ng silid ng mga ito. Nasalubong niya si Simon sa hallway.

"Si," bati niya rito.

"Hindi ako mangingialam hanggat sa nakikita kong napapasaya mo ang mag-ina mo," kalmado pero seryoso nitong sabi. "Pero may isang hiling lang ako sa'yo, Thad."

"Ano 'yon?"

"Don't let them go this time."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro