Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

UMANGAT ANG TINGIN ni Thad nang maramdamang may tao sa gawi ng pintuan. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa gulat nang makita roon si Art.

Kalahati lang ng mukha at katawan nito ang nakita niya mula sa bahagyang bukas na pinto. Nakahawak ang isang kamay sa door frame.

Walangya, Thaddues! Anak mo lang 'yan. Tumanda ka na't lahat pero matatakutin ka pa rin. Great! A coward in all aspects in life.

Nakalimutan yata niyang isarado nang maayos ang pinto kanina. He was so engrossed with the urgent mails that he had to check and respond. Sanay siyang magtrabaho past the normal shift. Pinaglalamayan pa niya hanggang sa mag-umaga pero ngayon gustong-gusto niyang murahin si Alec sa dami ng mga pending reports and designs na kailangan niyang tignan at i-approve.

Does it have to be now? It's past 8 pm for God's sake! But damn. I'll check this again tomorrow morning. I have more important things to do.

"Art," tawag niya sa anak. "I can see you. Come inside."

Naninibago pa rin siya pero sa tuwing tinatawag niya itong anak ay nakakaramdam siya ng proud sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon.

They say that fatherhood changes a man and it could be the best thing that could happen to them. He often wondered about that before... if his father did feel the same. Pero noon at ngayon ay parehong sagot pa rin ang natatanggap niya. He was still Architect Bernardo Timotheo Apostol's good for nothing son. In his father's eyes, he will never be enough.

Pero pagdating kay Art. Pagmamahal at saya ang nararamdaman niya sa bata. There is this strong urge to protect this little man. He vowed to himself na hinding-hindi niya ipaparamdam sa anak niya ang ganoon. Art will never experience that rejection. He will be a good father to his son. He will do his best.

Nahihiyang pumasok ito at naglakad sa direksyon ng mesa niya pero panay naman ang tingin nito sa buong opisina niya. Napangiti siya habang tinitignan ang reaksyon nito. Art's eyes will widen and he will gasp kapag may nakakaagaw ng atensyon nito lalo na ang scale model ng mga building at bahay niya sa isang tabi. May isa pa siya roong 'di tapos. 'Yong modern bahay kubo na gagawin niyang mansion.

"Daddy is that your toys po?" turo ni Art sa mga scale models.

Tumayo siya mula sa upuan niya. "No, Art. Those are not toys," nakangiti niyang sagot habang papalapit dito.

"Mommy says po na you build things." He lifted his son and carried him near the scale models. He's not that heavy although he's quite tall for his age. "Mukha po silang totoo, Daddy. Ang galing po."

Natawa siya. "Really? You want to build one?"

Sunod-sunod na tumango ito sa kanya at pigil na pigil ang excitement sa mukha. "Can I? Can I?" Lalo siyang natawa sa reaksyon nito. Kamukhang-kamukha niya talaga ang anak. Pero ang ngiti ay kay Sanna.

Ibinaba niya ulit si Art at sumulampak sila sa wooden table niya roon kung saan madalas siyang mag-assemble ng kung anu-ano. Mas nakakapag-concentrate siya kapag nakasalampak ng upo. Hindi niya ramdam ang trabaho. Pakiramdam niya naglalaro lang siya ng puzzle.

"Daddy, ang dami n'yo pong colors." Iginala ulit nito ang tingin sa paligid. "Bakit po ang dami n'yong crayons?"

Sinundan niya ang tingin nito. Marami talaga siyang gamit sa opisina niya. A shelf for his art materials and books. Halo-halo na ang mga libro niya, mostly related to building structures, designs, and architecture.

Kung tama ang pagkakaalala niya ay may mga paper back fantasy and mystery novels din naman siya. He still reads whenever he's not busy.

Naka-organize lahat ang mga colored pens niya sa itaas ng adjustable desk kung saan nandoon din ang drawing stand. Lahat ay naka-order base sa brands, gamit, at kulay. May naka rolyong mga blueprints – maraming nakarolyo. Mga copies niya ang mga 'yon simula nang magtrabaho siya.

"I use them for my work, Art," nakangiti niyang sagot sa anak. Itinuro niya ang mga rolled blueprints niya. "Hayan naman, mga blueprints 'yan ng mga buildings at bahay na in-design ko. Malalaki ang mga 'yan saka medyo maalikabog."

"Ano po 'yong blueprints?"

"Para siyang skeleton design ng building – outline. Ginagawa namin 'yong blueprint para mas mabuo namin 'yong gagawin naming design sa loob at labas."

Titig na titig si Art sa kanya. Mukhang hindi yata nito naintindihan ang sinabi niya.

Natawa siya.

"Ganito." Tumayo siya para kumuha ng ilang bondpapers, lapis, at colored pens. "Ido-drawing mo 'yong idea na nasa isip mo."

Sumalampak ulit siya ng upo sa tabi nito. Ibinigay niya rito ang bond paper at lapis. Inilapag lang niya ang mga colored pens sa mesa.

"For example, bahay." Nag-drawing siya ng basic house structure. Pambata lang. Triangle saka square para mas maintindihan. "Hayan makikita mo sa blueprint tapos may pinto at dalawang bintana."

Seryosong-seryoso ang mukha ni Art habang tinitignan ang gawa niya.

"Daddy ang pangit ng drawing mo," puna nito, tawang-tawa siya.

"Pangit ba?"

Sunod-sunod na tumango ito. "Ang liit po ng bahay." Pambata nga kasi 'yong ginuhit niya. Parang bahay lang ni Steve sa Blues Clues. "Lakihan n'yo pa po. Saka parang may kulang pa po e..." Seryosong-seryoso ang mukha nitong nag-iisip.

"Sample lang 'yan, ’nak. Marami pang drawings si Daddy."

"Daddy alam ko na po ang kulang!" masigla nitong sabi.

He smiled. "Ano?"

Inagaw ni Art ang ginuhitan niyang bahay at nakangiting in-drawing ang isang lalaki, babae, at batang lalaki. It wasn't just a stick figure of a family standing outside the house. Maganda ang pagkakaguhit ni Art doon. Pambata pero kapansin-pansin na matagal na itong nag-do-drawing.

Did Sanna teach him? He wanted to know the answer pero alam niyang may tamang oras para sa lahat ng mga tanong niya.

"Hayan po, Daddy. Hindi na po pangit kasi nandiyan na tayo sa bahay." Natigilan siya at napatitig nang husto sa anak. He felt the same pang of pain in his gut. "Happy family na po tayo." Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. He retained his smile para hindi mapansin ni Art. "Daddy Thad, Mommy Sanna, and me!" anito habang isa-isang itinuturo ang drawing nilang tatlo.

Umangat ang kamay niya para guluhin nang bahagya ang buhok ng anak. "Mas magaling ka pa yata sa'kin mag-drawing," nakangiti niyang sabi.

"Sabi ni Mommy mana raw po ako sa'yo."

Namilog ang mga mata niya. "Sinabi niya 'yon kanina?"

Umiling ito. "Hindi po kanina. Matagal na po." Kumunot ang noo nito. "Basta naalala ko po sinabi 'yon ni Mommy sa'kin."

Napaisip siya.

So Sanna still mentions him in the present. And these could be Art's fragmented memories in his timeline and if Art was able to remember it. Meaning, Sanna did not totally erase his existence in their son's life. Siguro hindi lang nito sinabi kung sino siya o kung ano ang pangalan niya.

"Art, sino nagsabi sa'yo na I build things?"

"Si Mommy po," inosente nitong sagot.

"Kanina o kahapon ba niya sinabi?"

"Matagal na po..." Lumakas ang kabog ng puso niya. God, Sanna! "Bakit po?" He will try his luck. He will ask more.

"Ano pa ang naalala mo tungkol sa'kin, anak? Did your mommy mentions me always? Sinasabi ba niya kung anong pangalan ko? Kung anong work ni Daddy? Do you remember kung saan kayo nakatira ngayon?"

"Hmmm." Nag-isip ito. "I don't remember a lot po, Daddy. 'Yon lang po naalala ko e. Basta magaling ka raw mag-draw saka you build a lot of things po."

As expected, burado rin halos ng mga alaala nito. "How about your house? Naalala mo ba kung saan?"

Art shook his head. "Hindi ko po maalala."

"Art," inayos niya ang pagkakaharap nilang dalawa, "may tanong lang ang ulit ang daddy, okay? Bago mo sinundan ang mommy mo papasok sa lighthouse. Nasaan ka noon at anong ginagawa mo?"

"Naglalakad lang po ako noon, Daddy. Takot na takot po ako kasi wala pong tao. Saka ang dilim po. Tinatawag ko po si Mommy..." Bumakas sa mukha nito ang pagbalik ng takot. "Hindi pa po kasi kasi siya umuuwi... kaya hinanap ko na siya..."

"Tapos?"

"Tapos po bigla kong nakita 'yong ilaw."

"Ilaw ng lighthouse? 'Yong parola sa labas, anak."

"Opo, tapos sinundan ko po 'yong ilaw at nakita ko na si Mommy. Tinatawag ko po siya pero hindi niya po ako naririnig. Tumakbo po ako palapit kay Mommy para po umuwi na kami."

"Pero pumasok siya sa lighthouse?"

Tumango ulit si Art. "Opo, pumasok din po ako. Tapos nawala po siya sa loob. Umiilaw po kasi 'yong itaas kaya po umakyat po ako. Tapos po noon paglabas ko po ay maliwanag na po at nakita ko na po si Mommy na nakaupo po."

He was right after all. Art experienced the same thing. In Sanna's case, siya ang nagdala rito sa mundo niya. She did not see the lighthouse. Pero malaking palaisipan pa rin sa kanya kung bakit hinayaan ng parola na madala niya rito si Sanna.

"Daddy?"

Naputol ang pag-iisip niya. "I'm fine, Art." Ngumiti siya rito. "Huwag mo na lang masyadong isipin ang mga tinanong ko sa'yo."

He didn't want to stress the child too much.

"Okay po."

"Anyway, na saan na ang mommy mo?" pag-iiba na lang niya.

"Naliligo po."

He's assuming na nakaligo na rin itong si Art dahil naka pajama na at mabangong-mabango. Art has Sanna's scent. Floral na may halong baby cologne. How could he forget that? Sanna always smelled like a mix of floral and baby cologne. Ilang beses niyang hinanap ang ganoong amoy na perfume pero wala siyang mahanap. If he'd be honest, he missed that smell on his skin.

At alam din niyang hindi nakakatulog si Sanna na hindi nakakaligo bago matulog – half bath kapag tinamad ito.

"Daddy, nakangiti ka po?" puna bigla ni Art, naglapat tuloy bigla ang mga labi niya. Fuck, Thad, did you just smile remembering those moments?

He cleared his throat. "Wala, anak. May naalala lang ako."

"Sino po?" Ginulo niyang muli ang buhok ni Art pero sa pagkakataon na 'yon ay hinawakan na nito ang kamay niya para pigilan siya. Hindi niya napigilan ang tawa. "Daddy!" inis na reklamo nito.

Lumakas lang ang tawa niya kay Art. "Sige na ikaw naman mag-drawing." Ibinalik niya ang unused bond paper sa harap nito. "Tapos ipakita mo kay mommy mo 'yan mamaya."

"Magaling din mag-draw si Mommy."

"Oo, mas magaling pa mommy mo sa'kin."

"Feeling ko rin po."

Lalo siyang natawa. God, hindi niya na maalala kung kailan huli siyang tumawa nang ganito. "Nakakaramdam na talaga ako na mas mahal mo ang mommy mo kaysa sa'kin," biro pa niya.

Art giggled. "Hindi n'yo po ba mahal si Mommy, Daddy?"

He smiled. "You are made with love. Always remember that." He playfully messed up his son's hair. "Sige na, tapusin mo na 'yang drawing mo tapos ipakita natin sa mommy mo kung sino may pinakamagandang draw –" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil niyakap siya bigla ni Art.

"Mas magaling ka po," anito.

Gusto niyang maiyak sa oras na 'yon. Iba ang dulot nang mainit na yakap ng kanyang anak sa kanya.

He had always longed for that father and son moment when he was a kid. He often wondered if his hugs could melt his father's heart because at that moment pakiramdam niya natutunaw ang puso niya sa saya. If his father didn't feel the same way... then maybe... his father was different.

Niyakap niya pabalik ang anak. "Thank you."

"...Welcome po Daddy."





"OH?" NAMILOG ANG mga mata ni Sanna nang makita si Simon. "Kuya Si, nakauwi ka na pala?"

Simon nodded. "Bago lang." And smiled. "May ulam pa ba?" he chuckled asking. Pero aside that, nagtataka siya kasi galing ito sa direksyon ng office ni Thad. "Gutom na ako."

Ah, baka pinuntahan si Thad.

"Ini-take-out namin 'yong bucket na in-order namin sa Jollibee kanina," sagot niya na may ngiti. "Buti na i-remind sa'kin ni Thad baka raw kasi hindi ka pa kumakain."

"Naks, Jollibee! Tamang-tama 'yan lunch ko kanina." Napakamot na ito sa noo, bahagya nang napapangiwi. "Walangya, tutubuan na ako ng pakpak nito."

Tawang-tawa siya. "May burger steak pa naman din o baka gusto mong magluto na lang ako –"

"Nako, huwag na. Okay na sa'kin 'yon. Saka mukhang patulog ka na rin."

"Hindi pa naman. Pero ikaw bahala." Tumango lang ito. "Nga pala, nakita mo si Art?"

"Sino si Art?" May pagtataka sa mukha nito.

"Ay sorry, nakalimutan ko banggitin kanina since mukhang nagmamadali ka talaga. Art ang pangalan ni baby boy."

"Art," tumango-tango ito, napapangiti pa, "Art Apostol?" Tumawa ito pagkatapos. "Ang ikli naman."

"Art pa lang pero depende kay Thad. Baka may second name siya for Art pero sa ngayon Art lang muna... Art Apostol." S'yempre last name ni Thad ang dadalhin ng anak nila.

"Cute! Ninong ako ah."

Natawa siya. "Sige, sige, ilista na kita, tamang-tama magpapasko na."

"Isama mo na buong kaibigan ni Thad. Bale dose kaming lahat. From January to December ang regalo na matatanggap ni Art."

"Papayag kaya silang lahat?" She chuckled.

"Paladesisyon ang mga tao rito. Hindi na kailangan ng permiso." Malakas itong natawa. "Anyway, magbibihis muna ako. Art is with Thad in his office mukhang nagbo-bonding ang mag-ama."

"Hindi ba kayo nag-usap?"

"Saka na. I don't want to ruin the moment." Simon smiled. "Hindi naman importante sasabihin ko. Mas importante pang mabusog ako."

Natawa lang silang dalawa.

"Bibihis lang muna ako."

"Sige."

When Simon left agad din siya na naglakad sa direksyon ng opisna ni Thad. Kahit wala pa siya sa harapan ng pinto ay rinig na niya ang malakas na tawa mula sa loob. Bahagya kasing nakaawang ang pinto. Nang makalapit ay nasilip niyang nakakandong na sa hita ni Thad si Art. Nakasalampak lang ang ama nito sa sahig.Tawa nang tawa habang ginagabayan ang kamay ni Art sa kung anong mag iginuguhit ng dalawa.

"Daddy, it's not a pig!" reklamo pa ni Art.

Tawa naman nang tawa si Thad. 'Yong klase ng tawa na may kasamang pang-aasar. "Baboy 'yan... tignan mo."

"Hindi po!"

"Teka, ayusin natin."

Isang araw pa lang pero magkasundong-magkasundo ng ang dalawa. Which is a good sign.

Naalala niya bigla ang sitwasyon nilang tatlo.

The limited time still bothers her. Sumasagi pa rin sa isip niya kung kakayanin ng maikling oras na mahanap nila ang present Sanna. Kahit naman kasi siya lang din 'yon ay hindi pa rin niya hawak ang mga desisyon na ginawa niya after she and Thad got separated. She might have changed. She may not be as optimistic as she is in the past.

I'm praying na sana kahit hindi naging maganda ang nangyari sa amin ni Thad ay hindi 'yon naging dahilan para gumawa ako ng mga desisyon na alam kong pagsisihan ko nang sobra. Kasi doon ako sobrang natatakot.




"IS ART ASLEEP?"

Narinig niya ang boses ni Thad sa kanyang likod kasabay nang marahang pagbukas at sarado ng pinto. "Bago lang," sagot niya sa mahinang boses. Iniangat niya hanggang sa dibdib ni Art ang kumot at masuyong hinaplos ang ulo nito.

Mahimbing na ang tulog nito kaya 'di na nila ito maiistorbo.

Naupo si Thad sa gilid ng kama, across her. "Mabilis ba siyang makatulog?"

Napangiti siya. "Oo. Nagmana yata sa'kin."

Bahagya itong natawa. "Marami yata siyang namana sa'yo."

"Mas kamukha mo nga e."

"Buti nakuha niya ang ngiti mo."

Namilog ang mga mata niya rito. "Ngiti ko?" Napangiti siya. "Gusto mo ba ang ngiti ko?"

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. He stared at her face and she couldn't help but feel conscious. May kakaiba kasi sa tingin na 'yon bago pa sa kanya. Nag-iinit ang pisngi niya sa tingin na 'yon.

"Thad?" basag na niya rito.

"I'm sorry." He cleared his throat. "Ano nga 'yong tanong mo?"

"Gusto mo ba ang ngiti ko?"

"Nabanggit ko na yata 'yan noon sa'yo."

"Alin doon?"

He chuckled. "Basta maganda ang ngiti mo." He paused. "Anyway, about earlier. Napag-isipan mo na ba?"

Speaking of that. "Mahaba ba ang kwento?"

"Hindi naman kong summary lang hihingin mo."

Natawa siya. Actually, kabado siya deep inside. Gusto niyang malaman nang buo pero kinakabahan naman siya. Natatakot siya na kapag nalaman niya ang totoo ay magalit siya kay Thad. Pero sa mga nasaksikahan niya sa mga nakalipas na araw rito ay mukhang hindi talaga siya masisiyahan sa ending ng nakaraan nilang dalawa ni Thad.

"Kaya mong i-buod 'yon, sure?" biro pa niya.

"I'll try."

"Magsisimula ka na agad ngayon?"

"Depende sa'yo."

Bumuga siya ng hangin. "Teka lang, ihahanda ko lang sarili ko kasi mukhang tragic." Narinig niya ang pagtawa ni Thad. Napansin din niyang ang kalmado nito. "Wait, bakit ang kalmado mo? Noong isang araw lang hirap na hirap ka."

Thad slid inside the covers at tinabihan pa ang anak nila. "Akala mo lang 'yon. Mukha lang akong kalmado pero pakiramdam ko bibitayin na ako mamaya." Inayos nito ang unan sa likod ng ulo.

"May balak ka bang matulog katabi namin?"

"Hindi pa naman tayo matutulog. Magkukwentuhan pa tayo. May mga spare pillows pa sa closet. Kasya naman tayong tatlo rito."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Inuutusan mo ba ako Apostol?"

"Please," sagot nito.

"Wait."

Nag-please lang nagpauto ka na naman Sanna. Hay, ewan ko sa'yo.

Iniwan niya ang mag-ama at kinuha ang dalawang unan sa sinabi nitong closet. Inayos niya 'yon sa bakanteng space sa kaliwa ni Art. Mabuti na lang talaga at malaki ang kama ni Thad sa kwarto nito. Hindi sila masyadong magsisiksikan.

"Baka tulog ka na riyan," puna niya dahil nanahimik.

"Hindi pa. Iniisip ko pa lang saan ako magsisimula."

"Magsimula ka kung saan nagsimula lahat." Nahiga na rin siya sa tabi ni Art, bahagyang nakaharap kay Thad na nakatihaya ng higa. Hindi niya maiwasang i-pat nang mahina ang bandang binti ng anak mula sa kumot. "Feeling ko naman masakit 'yan sa simula hanggang sa dulo."

There was a long silence between them bago ito nagsalita ulit.

"I did look for you." Bahagya itong tumagilid ng higa paharap sa kanilang mag-ina. "Pero kahit anong gawin ko ay hindi kita mahanap. You left us without a trace."

"Siguro ay dahil ayaw kong hanapin mo ako."

Mapait itong ngumiti. "Nag-iwan ka ng sulat for Jude and Simon pero walang sulat na para sa akin. Pero wala akong karapatang magtampo kasi alam ko na malaki ang kasalanan ko sa'yo."

"Anong nakasulat doon?"

"Nabasa ko ang kay Jude pero 'di ko alam anong nakalagay sa sulat mo kay Simon. Hindi na rin ako nagpumilit pang alamin 'yon."

"At anong sabi kay Jude?"

"You did not mention me in Jude's letter."

"I see."

"Pero hanggang ngayon na kay Jude pa rin ang sulat na 'yon. Alam ko, kasi mahalaga ka sa kanya. Hindi naman nagbago 'yon. As for Simon, sa tingin ko ay may sinabi ka sa sulat mo sa kanya para patawarin niya ako. Ramdam ko ang galit niya sa'kin noon. I have never seen him so disappointed with me. And I know I deserve it. Pero nang mabasa niya ang sulat na 'yon nanahimik lang siya ng ilang araw... hanggang sa kinausap na niya ulit ako."

Ano kaya 'yong sinabi niya sa sulat na 'yon para mabago ang isip ni Kuya Simon?

"Pero alam ko na mananatili ang dismaya niya sa akin hanggat hindi ka niya makikita ulit. Hanggat sa hindi niya nasisiguro na nasa mabuti kang kalagayan."

Muli itong natahimik. Halatang lumagpas na ang tingin sa kanya. Hinintay lang ulit niya na magsalita si Thad.

"Simon loves you like his own little sister," basag nito. This time hinuli nito ang mga mata niya. "He would rather see you happy in someone else's life... than with me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro