Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

PALABAS NA SANA ng bahay si Thad para hanapin si Sanna nang makasalubong niya ito sa sala. Relief washed over his face.

He couldn't find her anywhere in the house nang magising siya. Hindi niya namalayang nakatulog siya. Kanina pang umaga masakit ang ulo niya. Kahit pain reliever ay hindi na umeepekto sa kanya.

But what he didn't expect to see was the little boy beside her.

Para siyang nanuno sa kinatatayuan niya.

"Sanna?"

Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki na mabilis na nagtago sa likod nito. Kalahati na lang ng mukha nito ang sumilip at mariing nakahawak ang mga maliit na kamay sa damit nito. But what added to his growing confusion was the face of the boy. Hindi siya puwedeng magkamali. He was the same boy! The same boy he followed inside the lighthouse. He will never forget those sullen eyes that reminds him of himself when he was at his age.

Napalunok siya, pakiramdam niya ay dumami ang bara sa kanyang lalamunan. Mas lalo lamang gumulo ang isip niya. No, it's impossible. It can't be. Pero paano kung nagbunga nga talaga ang mga nangyari sa kanila ni Sanna noon?

"Thad, puwede ba tayong mag-usap?"

Napakurap siya.

Nagtama ang mga mata nila ni Sanna. She looked serious this time. Hindi naman ito galit pero halata ang maraming tanong sa mukha nito. Tumiim ang panga niya.

Damn it, Thad! Your silence complicates things. Ang galing mong pangaralan si Jude pero 'di mo ma-apply sa sarili mo. Sino sa inyo ang totoong gago?

Tumango lamang siya pero hindi niya maiwasang tignan ang batang lalaki. The boy look a lot like him pero may pagkakataon na kamukhang-kamukha nito si Sanna lalo na kapag nahihiya at nakalapat ang mga labi. Unang kita pa lang niya sa bata kanina ay lumakas na ang kabog ng puso niya. He couldn't describe the feeling. Pero ang lakas ng pamilyaridad niya sa bata.

Tipid na ngumiti si Sanna. "Sige, hintayin mo lang ako rito." Ibinaling nito ang tingin sa bata. "Baby, gusto mo ba ng ice cream?" Ngumiti ang batang lalaki at sunod-sunod na tumango. Lumapad ang ngiti ni Sanna. He felt a strong punch in his gut. Ang bigat ng pakiramdam niya habang tinitignan ang dalawa. "Halika sa kusina bibigyan kita."

Magkahawak kamay na naglakad ang mga ito sa direksyon ng kusina.

Mariin niyang naipikit ang mga mata at marahas na napabuntonghininga. He's my son! Nahilamos niya ang kamay sa mukha. He paced back and forth. Tangina, hindi ko puwedeng itanggi na anak ko siya! Alam ko! Ramdam ko!

Ang tanong niya lang ay paano na buo ang bata kung pareho silang nag-ingat ni Sanna? He knew that. Sanna did not want him to burden with a child before dahil sa stress niya sa apprenticeship niya at sumabay pa problema niya sa ama niya.

Maiintindihan niya kung bakit itinago 'yon ni Sanna sa kanya. He fuckin deserve it. Kahit na sabihing maling itago nito ang katotohanan ng anak nila ay alam niyang tama lang 'yon sa kanya. He didn't deserve them after what he did to Sanna.

Pero saan galing ang bata? Katulad din ba ito ni Sanna? Clearly, he didn't show up with the real Sanna or else sana kaharap na niya ito. At imposible na hindi nito hanapin ang anak. Did the lighthouse do it again? Ito ba ang nagdala sa batang 'yon dito para ipamukha sa kanya ang mga kagagohan niya?

"Thad?"

Marahas niyang naibaling ang mukha rito. Pakiramdam niya ay bibitayin na siya kahit hindi pa man din niya naririnig ang hatol sa kanya. He was guilty. Damn guilty with everything and he will not try to conceal his sins. Aamin siya dahil 'yon ang tama.

Muli siyang napalunok.

But he couldn't help but fear to see the disappointments in her eyes. He had seen those before pero wala siyang ginawa kundi ang talikuran ito dahil inisip niyang 'yon ang tama para sa kanilang dalawa. Mga tangina niyang mga desisyon!

"Sanna," aniya, he tried to smile kahit na alam niyang mapapansin din nitong kabado siya. Sanna knew him too well.

"Iniwan ko muna ang bata sa kusina." She walked closer. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya. Nanlalamig ang mga kamay niya. Alam niya kapag nagseryoso si Sanna. Nabobosesan niya 'yon dito. "About the kid..." Hinuli nito ang mga mata niya. "Is it... is it possible?" She looked at him na para bang sinusubukang hanapin ang sagot sa kanyang mga mata. "Naging tayo ba?"

"Sanna..."

"Thad, may nangyari ba sa atin noon?"

It took him a couple of seconds bago siya nakasagot.

"We had," pag-amin niya. Bahagya pang bumara ang mga salitang 'yon sa kanyang lalamunan. Huling-huli niya ang pagguhit ng gulat sa mukha nito. "Naging girlfriend kita noon... and... a lot of things happened in that relationship... kaya posible ngang maging anak natin ang batang 'yon."

Naglapat ang mga labi nito at iniwas ang tingin sa kanya. "Hindi ako makapaniwala..."

"You were nineteen that time. Wala 'yon sa memorya mo dahil galing ka sa 2009. Our relationship happened around 2010."

"So, naghiwalay kayo ni Melissa?" baling na tanong nito sa kanya, bahagyang nagdikit ang mga kilay.

He nodded. "We broke up."

"At naging tayo?"

Muli siyang tumango. "Yes."

Natutop nito ang noo. "I'm trying to absorb everything. Ang hirap dahil wala akong maalala." Ramdam niya ang frustration ni Sanna. He wanted to comfort her pero pinigilan niya ang sarili. He just stood there like an idiot. "The boy told me she followed me in this lighthouse. Pumasok daw ako sa parola kaya pumasok din siya pero natakot siya kasi ang dilim daw sa loob. Bumukas ang pinto at nakita niya ako na nakaupo sa labas."

Natigilan siya.

"It was the same thing that happened to me. I saw that boy. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya ang batang sinita ko kahapon. I followed him inside dahil bawal ang outsiders sa loob ng parola but instead I found myself back in 2009. And you followed me back in my time."

Pareho silang natahimik na dalawa.

Nagiging komplikado na ang lahat. Kung tama ang assumption niya ay maaring galing din sa ibang timeline ang anak nila ni Sanna.

"Thad, natatakot ako." Hinawakan nito ang braso niya. "Hindi ko na alam ang nangyayari. Paano kung may nangyaring masama sa'kin? Paano kung naiwan kong mag-isa ang anak natin?" Gumaralgal ang boses nito. "Thad... umiiyak siya kanina... he begged me not to leave him again... paano kung..."

Niyakap niya ito. "No," mariin niyang sabi. "Don't say that. Nothing happened, okay? Siguro nawala lang siya kaya hinanap ka niya. Magkikita rin ulit kayo." I will make sure of that.

Sanna is strong and he knew she will be a great mother. Kaya hindi siya naniniwala na papabayaan nito ang anak nila.




HANGGANG NGAYON AY nasa puso pa rin ni Sanna ang kaba para sa batang lalaki. They couldn't confirm it through DNA testing for now pero sa puso niya ay alam niyang anak niya ito. Thad even confirmed it. He didn't deny the existence of the little boy.

Mahimbing na itong natutulog sa kama niya. Aurea, James, and Balti visited them. Wala sina Iesus and Vier dahil may importante raw na lakad. Simon was standing beside Thad, seryoso ang mukha. Jude and Mari was standing near the door.

Nasa gilid naman siya ng kama nakaupo habang tinitignan ni Aurea ang mga kamay ng anak. Seryosong-seryoso ang mukha nito lalo nang may kung ano itong makita sa kanang pulso ng anak.

"May timer din siya," basag ni Au. Halos sabay silang napatingin sa isa't isa ni Thad. "Kagaya ni Sanna ay may 49 days din siya. Nauna lang ng isang araw si Sanna."

"Kung ganoon," singit ni Balti. "He's also from a different time."

Ang palad naman ng bata ang tinignan ni Aurea. "Hindi ko mabasa ang palad niya. Nalilito ako."

"Anong ibig mong sabihin?" asked Thad.

"Hindi ko ma explain pero nag-o-overlap ang dalawang buhay na mayroon ang batang 'to. Isang magtatapos agad at isang magsisimula pa lamang." Naikiling nito ang ulo at lalo lamang kumunot ang noo nito. "Nakatago ang totoong sagot sa desisyon ng mga taong mahal nito."

"Na kina Thad at Sanna ang sagot," ni James. "Pero maaring tapos na 'yan o may mababago sa hinaharap."

"May nasisilip ka ba Hayme?" tanong ni Balti.

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon. Masyadong magulo. Sa tingin ko rin ay walang balak ang parola na tulungan tayo. He's just messing up with us."

"Ang pinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang kumilos ang parola," dagdag ni Jude. "Nagpaparamdam siya noon pero not to this extent. Iniisip ko kung baka nasa ilalim mismo ng parola ang missing item."

"Pero kung nandoon nga ang item, bakit ngayon lang?" ni Thad.

"Isa-isa nang nagsisilabasan ang mga missing items. Gaya na na nang nasabi noon. Walang nakakaalam kung kailan lalabas ang susunod na item o kung maaring magsabay-sabay lahat. Depende pa rin 'yon sa kung paano mapupukaw ng totoong may-ari ang bagay," sagot ni Balti.

Nakikinig lang siya kahit hindi niya masyadong masundan ang mga palitan ng mga ito.

"Ni hindi nga natin inasahan kina Tor, Jude, at Balti," dagdag ni Simon. "Nagpakita agad ang item ni Tor pero dahil nga wala tayong masyadong kaalaman patungkol doon ay nahirapan tayo. Huli na rin nating nadiskubre ang kina Jude at Ser. No one knows who's gonna be next lalo na't hirap na hirap si Ser i-decode ang mga nakasulat sa black book ni my lord."

Balti sighed. "But we should not lose hope. Nalagpasan na natin ang tatlo. Magagawan natin 'to ng solusyon."

"Naisip ko lang," basag ni Mari. "What if this time, mag-focus na lang muna tayo sa paghahanap kay Sanna. I find it weird kasi na wala tayong makuhang trace kung na saan na siya. Unless siguro we break some rules para lang malaman natin ang home address ni Sanna. Wala ba 'yon sa yearbook n'yo noong college?"

Umiling si Simon. "No, hindi 'yon kasama. Meron noong high school, hiniram ko 'yong year book ng kapatid ni Marcelo. Ka batch ni Sanna ang kapatid no'n na si Harlene." Parang pamilyar nga siya kay Harlene. Ibang section lang yata 'yon. "Pero 'yong address na nakalagay ay address lang ng isang bahay sa Carcar. Pinuntahan ko 'yon." Napansin niyang nakatingin dito si Thad. Didn't he know? Kasi sa mukha ni Jude parang aware siya sa ginawa ni Simon. "Kaso ibang pamilya na ang naninirahan doon. Luckily, nakausap ko 'yong landlady. Ang sabi, umalis na raw si Sanna after daw nitong grumaduate ng high school."

"Hindi mo tinanong ang pangalan ng parents niya? O kung sino ang kasama niya sa bahay?" tanong ni Balti.

"Ang sabi sa'kin ay noong unang dalawang taon daw nito ay may kasama itong matandang babae. Mabait naman daw. Akala nga niya ay nanay ni Sanna kaso hindi raw. Kaso ang sabi lang ay pinagkakatiwalaan daw ito ng ama ni Sanna. Hindi rin daw makwento 'yong babae kaya hindi na rin masyadong inusisa ng landlady. Pero minsan daw ay may dumadalaw na matandang lalaki rito. Narinig nitong tinawag itong papa ni Sanna."

Ang papa niya?

Wala siyang maalala tungkol sa ama niya. Kahit mukha at pangalan nito ay hindi niya maalala.

"Binigay niya ang pangalan?"

Umiling si Simon. "Hindi rin niya alam ang pangalan. Ibang pangalan ang nakalagay sa kontrata. Si Innocentia Talaid, 'yong kasama ni Sanna sa bahay."

"May nakuha ka tungkol sa matandang babae?" ni Thad.

"Wala. Walang nakakakilala sa kanya. And I don't have the means to further investigate dahil sigurado naman akong 'di natin makikita ang isang Innocentia Talaid sa mga social media accounts. Though, I did try, pero wala akong nakuha."

"Wala ring social media accounts si Sanna," dagdag ni Jude. "Alam natin 'yong tatlo. She has always been private with her life. Hanggang tawag at messages lang natin siya nakakausap noon."

"And the fact that she never mentioned her parents," Mari murmured. Nakuha nito ang atensyon nilang lahat. "I find this similar to mine." Umangat ang mukha nito sa kanya. Natigilan siya sa tingin na 'yon ni Mari. "You're hiding something... or you're protecting someone."

"It actually makes sense now," dagdag ni Jude.

"Sa ilang taon na pagkakaibigan n'yong apat ay hindi binanggit ni Sanna sa inyo ang tungkol sa papa niya o sa pamilya niya. I don't think it's accidental. It was intentional. Kasi ganoon ako noong una kay Jude. I didn't want him to know about my life because it was risky. Second, and all her files shows different addresses and no names of parents as guardians. Surely, sa mga school documents niya ay mayroon 'yan but those documents are confidential kaya mahihirapan tayong i-request 'yon."

"Unless Sanna personally requests it," ni James.

"Pero wala siyang present ID," sagot ni Balti. "Kailangan niya ng alumni ID or any valid IDs para ma grant ang request."

"Hindi ba valid kung gagawan natin siyang company ID? Baka puwede tayong mag-request kay Iesus," dagdag ni Aurea.

"It will not suffice," bumuntonghininga si Thad.

"Kahit na mag-request si Sanna sa PSA niya ay kailangan pa rin ng valid ID 'yon," dagdag ni Balti. "Unless –"

"Unless we break some rules like what Mari suggested earlier," dugtong ni Simon. Isa-isa sila nitong tinignan. "We'll provide a fake ID and do the transaction request of documents online. Wala namang hinihingi na ID pa riyan. Ang problema na lang ay sa pag-claim no'n sa school. Hindi naman nila 'yan titignan nang mabuti ang ID. Ang pangalan lang titignan niyan saka 'yong likod. Unless napaka-dedicated ng staff at pati pagsipat ng ID ay dapat ma-check talaga na legit 'yon. So para makalusot we need a bait para mapabilis ang claim ng credentials."

"At sino naman gagawin nating bait?"

"Si Iesus."

"Si Sus?" ulit ni Balti. "May kakilala ba siya sa CIT-U? Hindi ba sa USC siya nagtapos?"

"Hindi siya, 'yong tatay niya Alumni sa CIT-U. At sa pagkakatanda ko ay active pa rin hanggang ngayon ang tatay niya sa mga ongoing development ng university. Kung si Iesus ang mag-re-request ng credentials ni Sanna ay baka mapadali at hindi na masyadong questionin at saka buhay na buhay naman si Sanna kung hahanapin nila. Fake nga lang 'yong ID na ipapakita natin. Pero iisipin pa ba nilang ini-scam sila ng anak ni Josef de Dios?"

"I think it will work," sang-ayon na rin ni Jude, ngumiti na rin ito. "Saka huwag natin maliitin ang pangalan ni Iesus. Isa pa rin siyang de Dios. Malakas ang impluwensiya ng mga de Dios sa Cebu. Na kaya nga niyang pagtakpan ang nangyari sa amin ni Tor noon sa ospital. Ni hindi 'yon nakalabas sa media."

"Ako na kakausap kay Iesus," presinta ni Thad.

Tumango ang mga kaibigan nito.

"Bakit ba natin nakalimutan na si Iesus ang daan at liwanag sa Faro de Amoré?" nakatawang biro pa ni Balti. "Sa panahon ng kagipitan pangalan lang ni Iesus ang sagot."

Hindi niya mapigilan ang bahagyang matawa. Kahit wala siya gaanong naiintindihan sa pag-uusap ng mga ito ay alam naman niyang para rin 'yon sa ikabubuti nilang mag-ina. Bigla niyang naramdaman ang mahinang pagpisil ni Aurea sa kamay niya.

"Huwag kang mag-alala, we suffer together ang motto namin dito," anito na may ngiti. "Kaya makakaasa kang hindi namin kayo iiwan ni Thad sa laban na 'to."

Napangiti siya rito. "Salamat."

Inalis nito ang kamay at hinaplos 'yon sa buhok ng anak niya. "Ang gwapong bata. Nakaaliw lang kasi minsan kamukha siya ni Thad at minsan kamukha mo." Bahagya siyang natawa roon. 'Yon din ang napansin niya. "May pangalan na ba siya?"

"Wala pa e." Malungkot siyang ngumiti rito. "Hindi niya maalala."

"Kahit edad niya?"

Tumango siya. "Oo, pero sa tingin ko naman hindi pa siya lumalagpas sa sampung taong gulang."

"Yon 'din hula ni Ser nang makita niya. Mas maalam 'yon sa mga bata kaya naniniwala ako roon kahit madalas 'yong scam." Pareho silang natawa. "Manghuhula ako pero 'di naman ako one hundred percent accurate lagi. Pero same thoughts, siguro in between eight to ten years old siya."

"Sa tingin mo sa past siya galing o sa future?"

"Hindi ko masabi. Hindi ko rin ma-explain ang existence niya. Parang nasa gitna siya ng nakaraan at kinabukasan." Mapait itong ngumiti sa kanya. "Kaya pasensiya na Sanna kung hanggang doon lang ang kaya kong makita. Pero kapag may nakita ulit akong bago sasabihin ko agad sa'yo."

"Thanks, Au. Nangangapa pa rin talaga ako. Imagine, kaka-eighteen ko lang tapos biglang may anak na pala kami ni Thad... although sa future pa namin pero hindi pa 'yon totally na absorbed sa isip ko. Pero gusto kong protektahan ang batang 'to." Hinaplos niya ang pisngi ng anak niya. "Hindi ko ma-explain pero alam mo 'yong ramdam mo sa puso mo na gusto mong siguraduhin na maipaparamdam mo sa kanya ang lahat ng pagmamahal na kaya mong ibigay."

"Alam ko. Ganyan din ako kay Rory," tukoy nito sa ilang buwan pa lang na anak nito na babae. Napaka-cute pa man din ni Aurora. "Pakiramdam ko 'di na mauubos ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko ibigay lahat ng kaya kong ibigay para sa ngiti niya. Pero alam mo 'yong si Tor. Feeling niya naman mas marami ang pagmamahal niya sa anak namin. Gage 'yon, pati ako kimokompetinsiya."

Natawa siya. "Ang cute naman."

"Nako, minsan iniisip ko na anak lang habol no'n sa'kin. Pero okay lang naman dahil pera lang din habol ko sa kanya. Mga lifetime supply of money." Tumawa ito pagkatapos. "Okay lang kahit i-kwento mo 'yan kay Thad. Alam naman na ng buong Faro na mukha akong pera."

Tawang-tawa siya.

"Kapag 'di kayo busy ni baby boy mo isasama kita sa rooftop ni Chi. Madalas may pakain doon si Chef Math. Kasama rin namin sina Mari, Nin, at minsan si Maha kapag tinopak na naman na magpapansin kay Juan. Kapag magkakasama kami roon maglalatag si Ser ng chismis."

"Talaga?"

"Hindi lang halata pero chismoso 'yang si Ser. Hindi lang kabutihang asal itinuturo niyan pati pagbabawas ng puntos papuntang langit."






"YOU KNOCKED HER off." Pigil ni Simon ang pagtaasan siya ng boses pero dinig niya ang gigil sa boses nito sa kanya. "I told you before na kung hindi mo kayang panagutan ang nararamdaman mo sa kanya ay tapusin n'yo na ang relasyon n'yo." Sinalubong niya ang galit sa mga mata ni Simon. "Pinanghawakan ko ang pangako mong 'di mo sisirain ang buhay ni Sanna. Tangina, Thad, binuntis mo."

Pumagitna sa kanila si Jude. "Si, kalma ka lang. Napag-usapan na natin 'to noon –"

"Alam ko, Jude. Alam ko. At malinaw kay Thad ang usapan namin noon. Nanahimik ako kasi 'yon ang nagpapasaya kay Sanna. Nanahimik ako dahil may tiwala ako sa'yo, Thad. Pero tangina!"

"I didn't know," mahina niyang sagot.

At that exact moment, he felt so lost.

"Anong hindi mo alam?! Gagalawin mo 'yong tao at ini-expect mong walang mabubuo roon? Ano 'yon, magic? May kasalanan ako, oo. Inaamin ko 'yon, Thad. Nagkulang ako bilang kuya niya. Pero alam mo 'yong masakit ay 'yong tiwala na ibinigay ko sa'yo ay kinalimutan mo lang. Sabagay, lahat nga nga pangako mo sa kanya kinalimutan mo –"

Hindi napigilan ni Thad ang sarili na hawakan ito sa kuwelyo ng damit nito. His jaw clenched. Napigtas na ni Simon ang natitira niyang pasensiya rito.

"Thad!" Pilit silang pinaghiwalay ni Jude. "Si, tama na, puwede ba?!"

Matapang na sinalubong ni Simon ang galit niya. "Nagagalit ka kasi totoo. Sige saktan mo ako! Isuntok mo 'yang kamao sa mukha ko."

"Simon! Thad!"

Marahas na binitiwan na niya si Simon. Pero madilim pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Hindi ko itatanggi ang mga pagkakamali ko. Alam ko. Sauludo ko 'yan, Simon." Bumuga siya ng hangin at mariing natutop ang noo. "Alam n'yo ba kung gaano kahirap sa'kin na harapin ang mag-ina ko?" Tinignan niya ang dalawa. "Hirap na hirap ako. Paano ako itatama ang lahat? Paano ako magpapakaama kung kinamumuhian ko ang sarili ko?!"

"Thad..."

Wala siyang galit sa mga kaibigan niya. Wala siyang karapatang magalit dahil siya ang may kasalanan nitong lahat. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi siya lang.

Pero tangina talaga!

Marahas siyang bumuga ng hangin. "I'm sorry." Tinalikuran na niya ang dalawa. Pagod na siyang mag-isip. Walang magagawa ang galit niya. Mag-aaway lang sila lalo. "Saka na natin 'to pag-usapan." Iniwan niya ang dalawa at lumabas sa silid ni Simon.

Bumaba siya at tinungo ang bar counter. Kinuha niya roon ang isang bote ng Brandy at baso. Dinala niya ang mga 'yon sa work room at nagsalin agad ng maiinom nang makaupo sa upuan niya. He did not bother turning on the lights.

Inisang lagok niya ang alak hanggang sa kumalahati na lamang ang laman ng bote.

Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at bumuntonhininga hanggang sa humigpit ang hawak niya sa baso. Gusto niyang mabasag 'yon sa kamay niya pero 'di niya magawa. Fuck! Ibinato niya ang baso sahig.

Inihilig niya ang ulo sa sandalan ng upuan at iniyak lahat ng galit niya sa sarili. 

He felt so stuck...

.... miserable.

Gustong-gusto niyang parusahan ang sarili niya. Pero kung gagawin niya 'yon uulitin lang niya ulit ang mga pagkakamali sa nakaraan. Sasayangin lang niya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya dahil lang sa tingin niya hindi niya deserve ang mag-ina niya.

Napakagago mo, Thaddeus! Napakalaki mong duwag! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro