Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"WORK WITH THE revisions now." Thad skimmed every page of the printed designs for East Park. The project in charge of this is Alec. It's a micro township residence and mall na kasalukuyang itinatayo rito sa Cebu. "Prioritize this part here." Pulang ballpen ang ginamit niyang pambilog sa lokasyon mula sa sample ng floor layout. "They want it changed."

"Yes, sir."

Nahimas niya ang baba habang tinitignan ang ibang pahina ng mga designs. "Take note with their requests and make sure this does not affect the aesthetics of the building." Inangat niya ang mukha kay Alec. "Provide other options that are feasible aside from those they want to alter."

"Noted, sir."

"I'll be out earlier today. I'll check your final revisions tonight, so make sure you send it in my email within the day."

"Yes, sir."

"I think that's all."

"Thank you, sir."

Alec collected his files and left his office. Ibinaling niya ang tingin sa malaking computer adjacent to him. "Hmm." Thad leaned on his seat and reviewed the same design on his iPad. His brows crease. "This won't work."

"It will work." Marahas na naiangat niya ang tingin kay Simon. Diretso itong naupo sa isa sa mga silyang nakalagay sa harapan ng kanyang mesa. "I've heard aalis ka nang maaga." Inilapag nito ang dalang itim na notebook at inabot ang hindi pa niya natatapos na rubiks cube. "Saan punta natin, Arki?" Sinimulan nitong ayusin ang mga kulay na nawala sa ayos.

"How long have you been eavesdropping, Takeuchi?"

Simon chuckled. "Long enough to hear your last sentence. Pero seryoso, saan nga punta mo?"

"I'll be working at home."

"Himala! Nakakaramdam ka rin pala ng homesickness? Malapit na ako ma-convince na akin 'yong bahay mo."

"Ikaw lang kilala kong Hapon na hindi sinusunod ang timeline ng construction ng bahay niya."

Malakas itong natawa. "Patience is a virtue."

Tinaasan lang niya ito ng kilay. Amused by Simon's lack of care of some he considered non-essential things in his life. If home is an essential need for him. In Simon's perspective, it's the opposite. Sabagay, aanhin naman nito ang malaking bahay kung mag-isa lang naman itong titira?

"Binili ko lang naman 'yong lupa dahil maganda ang lugar at mura pa. In the next few years or ten, the rate will escalate to probably around 10% and it would be a waste to pay such a high amount of money kung puwede ko naman siya bilhin sa murang halaga." Simon smiled smugly. "Hindi naman sinabi ni Iesus na kailangang tayuan agad ng bahay ang lupa. Sinabi niya lang bumili ako."

Natawa siya. "Makes sense."

"Mukha lang akong walang utak pero wais 'to." Nasundan niya ang mabilis na paglalaro nito ng rubiks cube. Simon was almost done.

"Anyway, sa office ka lang ba ngayon?"

iBuild and Dream Architects share the same building floor in a commercial building in Cebu Business Park. He and Simon are both renting it. They shared the same reception area pero magkaiba ang entrance and exit ng mga employees nila. His team isn't that a lot. Same with Simon. Most of them are on the field. Ang natitira lang halos ay ang mga nasa documentation and design team nila.

"Until lunch. May dalawang ocular visits ako mamayang hapon. Babalik ako sa office pagkatapos dahil may kailangan akong tapusin."

"Sa bahay ka kakain?"

"Hindi na siguro. Mag-o-order na lang ako."

"Urgent?"

Natawa ito. "Yup. Hindi ako puwede mag-pitiks at medyo malaki 'yong project na 'to. Nga pala, kumusta 'yong project sa Dubai?"

"Hindi pa 'yon sure. Marami ang nag-bid."

"Hindi mo nakuha?"

"We complied with all the designs based on their guidelines. Actually, magandang opportunity 'yon for Dream Architects but too costly. I don't think I would have enough budget for it for now. May mga loans pa akong binabayaran. But it was a good experience. Marami lang talaga silang request."

"Sabagay. Hirap naman mag-commit sa isang project na walang matibay na pundasyon. Marami ka pa namang local projects dito sa Cebu and outside Cebu. One project at a time, Thad. Mahirap ang yumaman nang husto pero walang love life." Tawang-tawa ito pagkatapos. "Mayaman ka nga wala ka namang kayakap sa gabi."

"Ang tanong, nakakatulog ka ba sa gabi?" nakatawang biro niya.

Napamaang ito. "Wow naman!"

Inagaw niya rito ang rubiks cube. "Umalis ka na." It was done anyway. Bilis talaga nitong si Simon. Dinaan lang siya sa salita.

"Hoy, Thaddeus!" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mesa. "Maghinay-hinay ka riyan sa mga pinagsasabi mo. Akala mo ba 'di masakit na sinasabihan mo akong 'di ako nakakatulog?" Simon was suppressing his smile. Halatang niloloko na naman siya ng gago.

"Get lost Takeuchi," he shooed him with his hand.

"May sense of direction ako."

"Sana lahat."

Malakas ulit itong natawa. "Tawag ka madalas. Mamimiss kita." Nag-flying kiss pa ito sa kanya bago naglaho sa paningin niya.

Naningkit lang ang mga mata niya sa kakatawa at napailing. "Kahit kailan talaga ang isang 'yon 'di na nagbago." He tossed the rubiks cube on the side.

Maya-maya pa ay napansin niya ang notebook ni Simon. Thad sighed. "Nakalimutan na naman niya." Inabot niya 'yon at bago pa man niya mabuklat ang notebook ay may nahulog na larawan mula sa isa sa mga pahina no'n.

It landed on his desk ngunit pataob.

Ibinaba ni Thad ang notebook at tinignan ang larawan. Natigilan siya. He felt a punch in his gut. A revolting feeling of guilt and anger na para lang sa sarili niya. Bumalik sa kanya lahat ng mga alaala ng nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Lumilinaw ang bawat masayang tawa nito at mas lalong naging pamilyar ang tainga niya sa malambing na boses na laging pumupukaw sa kanya sa reyalidad.

"Thad!"

Napakurap siya.

Pakiramdam niya ay may humatak sa kanya pabalik sa hinaharap. Ramdam niya ang biglang panunuyo ng lalamunan.

Tinitigan niya ang larawan na hawak pa rin niya.

Nakangiti roon si Sanna at yakap siya sa baywang. Simon was standing at her side at nakaakbay rito habang naka peace sign ang isang kamay, malaki rin ang ngiti at halos wala nang sumilip na mata. Jude was standing beside him. Yakap nito ang gitara nito at naka rock and roll ang isang kamay sa ere. Agaw pansin ang pulang bandana sa ulo nito.

He could not recognize himself in that photo.

I look different...

... and happy.

Ibinaling niya ang tingin sa desk calendar.

Thursday, November 19, 2020.

It's her birthday.

Sanna's 29th birthday.




NATAGPUAN NI THAD ang  sarili sa parola. Naupo siya sa tipak na bato malapit sa may pintuan ng mismong lighthouse. Bumuga siya ng hangin at malayang iginala ang tingin sa paligid. Hindi masyadong natatamaan ng init ang puwesto niya dahil sa lilim ng mga puno. Tanaw niya ang dagat at ang mga malalaking bahay sa loob ng Faro.

Nakakalma siya ng mabining paggalaw ng mga dahon sa paligid niya sa tuwing umiihip ang hangin.

He was supposed to work but he is having a hard time finding that motivation inside him. His mind was a complete mess. He could not even organize his thoughts.

Sanna.

He may not talk about her but he could never forget her.

Alam naman niya ang rason kung bakit iniiwasan nila Jude at Simon na pag-usapan ang nakaraan. The three of them disappointed her. Pero alam niya na mas nasaktan niya nang sobra si Sanna. He have failed to protect her. Jude fucked up, but he fucked up first. And probably his version was the worst.

Ten years.

Mapait siyang napangiti.

At hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung na saan na si Sanna. And why would you think she would want to see you? Para saan pa?

Napalingon siya sa gawing kanan niya at nakita niya ang isang batang lalaki na sa tingin niya ay nasa walo o sampung taong gulang na. He's not sure. The boy was wearing a white shirt na punong-puno ng mga smudge paints. Pati ang suot na pantalon ay may paints. Kumunot ang noo niya nang mapansing papunta ito sa parola. The door was slightly ajar this time. Sa natatandaan naman niya ay sarado 'yon kanina.

"Hey!" sita niya rito, tumayo na rin siya. "Kid!" But the kid didn't listen. "Bata, huwag kang pumasok diyan." Huminto ito sa mismong harapan ng pinto at nilingon pa siya. He was dumbfounded. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang mukhang 'yon pero 'di niya sigurado kung saan. "Don't go inside -"

Pero hindi ito nakinig at marahas pang itinulak paloob ang pinto.

"Crap!" he cursed under his breath. Mabilis ang mga kilos na sinundan niya ito. "Iba na talaga mga bata ngayon. Ang titigas na ng ulo."

Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng parola ay agad siyang binati ng nag-aagaw na kadiliman at liwanag mula sa itaas at mga bukas na bintana ng parola.

"Bata!" his voice echoed. Ang taas na agad ng inakyat nito. "Bumaba ka rito." Bago pa man siya makaakyat ay bigla na lamang sumarado ang pinto sa likuran niya. "Damn it! Kakausapin ko talaga ang mga magulang mo," reklamo niya habang umaakyat sa spiral staircase. Lumilikha ng tunog ang bawat hakbang niya. "Your parents shouldn't left you wandering alone."

Alam niyang matibay pa ang hagdan na 'yon. Iesus asked him and Simon to check its durability. So far ay masasabi niyang sobrang tibay ng pagkakatayo ng parola. Nature has its ways of preserving this lighthouse for such a long period of time.

Hinihingal na siya nang makarating sa itaas. Nilipad agad ng hangin ang buhok niya but he wasn't able to adjust with the beam of light from outside. Nasilaw siya kaya naitakip niya ang mga kamay sa mga mata. Wala nga lang siya gaanong masilip.

"Hey, kid! Bumalik ka sa loob." He stepped forward hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. "It's not safe here. Mahuhulog ka -" But when he lowered his hands ay sobra siyang natigilan. His eyes widened. Marahas na naigala niya ang tingin sa paligid. "Oh, shit!"

"Late na tayo!"

"Hindi ko pa natatapos ang plates ko!"

Tumunog ang bell at mas lalo lang nag-panic ang mga estudyante. Napakurap siya. You've got to be kidding me!

"Halika na!"

He's back in his old school in college. Sa CIT mismo. Hindi pa CIT-U. This is crazy! Lumingon siya sa likod. Walang lighthouse. At wala na siya sa itaas. Marahas niyang nahimas ang baba at nagpatuloy sa paglalakad.

He didn't look suspicious, isn't he?

Hindi naman siguro halatang galing siya sa future sa suot niya? He was just wearing casual clothes. Otherwise, people would start looking at him. He may look a bit weird, but would they still care?

Nanghahaba na ang leeg niya sa kakaangat ng tingin sa mga gusali ng mga classrooms na nadadaanan niya. Mas malala pa yata sa nanuno ang pakiramdam niya ngayon. Kung babaliktarin ba niya ang suot ay babalik siya sa hinaharap? T

angina Thaddeus! Kung anu-ano pumapasok sa isip mo.

As if there's a normal solution kung ano ang nangyayari sa kanya nang mga oras na 'yon. He was just running after that kid and now he found himself back in - Wait! What year is it? He has to know bago pa man siya masiraan ng ulo.

"Excuse me." Tinapik niya sa balikat ang isang estudyante. Lumingon ito sa kanya. "Ahm," he cleared his throat. "Can I ask you something?" Halatang nagtataka ito kung bakit may nakapasok na sibilyan sa eskwelahan nito.

"Sige po."

"Anong date ngayon? At saka taon."

Lalo lang dumagdag sa paghihinala nito ang tanong niya. 

Damn it! That lighthouse was playing tricks on him this time. Pagkatapos nito kina Tor, Jude, at Balti ay siya na naman ang pinagloloko nito.

"November 19, 2009."

"Shit!"

Umalis bigla ang estudyante, na weirduhan nang tuluyan sa kanya. Marahas niyang nahilamos ang isang kamay sa mukha. This isn't good. He has to go back.

And 2009?

Simon, Jude, and Sanna should be here in this timeline. No - wait - he couldn't remember.

Damn it! Anong ginagawa ko nang mga ganitong oras? November 19. Malamang birthday ni Sanna. C'mon, Thad, think! Think! Alalahanin mo ang nangyari sa araw na ito. Of course, they celebrated Sanna's birthday. And that photo! It happened today.

Mabilis na kinapa niya sa bulsa ang larawan nang biglang makarinig siya nang malakas na pito mula sa likod.

"Ayon siya, guard!"

Napangiwi siya. Hindi na niya itinuloy ang ang paghugot ng larawan sa bulsa ng pantalon.

"Run Thad," bulong niya sa sarili sabay takbo.

"Hoy!" Pumito ulit ito. "Paano ka nakapasok dito? Tumigil ka!" Shit! Shit! Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante. Sauludo pa naman niya ang buong campus. Makakalabas pa rin siya ng buhay. Kung papalarin. "Sabing tumigil kaaaaaaa!"

"I shouldn't have followed that kid! Malas! Malas talaga! So much for your kindness, Thaddeus Bernardo Apostol. Now you're in big shit."

Kamuntik pa siyang masubsob sa kakatakbo mabuti na lang at na i-balanse niya ang sarili. Kung kanina ay nababanas siya sa sarili ay bigla na lamang siyang natawa habang hinahabol pa rin siya ng gwardiya. It had been a while pero pagdating sa takbuhan ay wala pang nakakatalo sa kanya. Not even Jude or Simon.

He felt free again.

But not for long.

This is not the way. Oh shit! Kailangan ko munang magtago. 

Lumiko siya papunta sa dating building kung saan madalas ang klase nila Simon. Magkaiba ang building ng architecture students at engineering. At 'yong engineering building lang ang malapit sa kanya.

Pumito na naman ang gwardiya.

Nagkaklase na pero naalala niyang may daan dito. Wait, dito ba 'yon? Screw it! Binuksan niya ang pinakaunang pintong malapit sa kanya. Mabilis na in-lock niya ang pinto at humihingal na isinandal ang likod roon. Maya-maya ay napansin niyang tumahimik ang paligid niya. Bumalik ang pamilyaridad ng lugar sa kanya. Pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang paikot na hagdan na nasisinigan ng araw mula sa itaas ng parola.

"I'm... back?"

Lumikha ng tunog ang marahang pagbukas ng pinto. Kusa lang 'yong bumukas. Agad na sumilip ang liwanag mula sa labas.

Pinagloloko ba siya ng parola na 'to?

Lumunok si Thad at binasa ang labi. He's still trying to calm himself. His normal breathing wasn't back yet. He stepped forward at tuluyan nang binuksan ang pinto. His eyes widened nang bumungad sa kanya ang buong Faro de Amoré.

Marahas siyang napabuga ng hangin. His shoulders sagged in exhaustion. Ramdam niya ang matinding pawis sa gilid ng kanyang mukha at likod. He's back pero alam niyang hindi lang 'yon gawa-gawa ng isip niya.

He time-traveled. 

He fuckin time-traveled!

Halos hindi pa rin makapaniwalang lumayo na siya nang tuluyan sa parola. This is not happening to me! And who was that kid? Hindi naman ito kamukha ng batang nagpakita kina Jude at Mari. But he was really familiar. Lalo na ang mga mata nito. It reminded him of -

"Thad!"

Marahas siyang napalingon sa parola. Napaatras siya sa sobrang pagkagulat. Kumurap siya nang dalawang beses at napalunok. Hindi niya magawang alisin ang mga mata rito.

Is it really possible?

Sanna?


ST. CATHERINE'S COLLEGE, 2004

NAKANGITING IGINALA NI Sanna ang tingin sa paligid habang kinukunan ng pictures ang mga booths ng iba't ibang section. Pumapailanlang sa tainga niya ang magkahalong ingay ng mga estudyante at background music ng bawat booth. Hindi pa kasali roon ang mga sumisingit na announcement para sa susunod na sports game.

The whole campus was indeed in festive mode.

Kinunan niya 'yong lalaking estudyante na nakasuot ng pula. Meaning, he's a senior. Natawa siya dahil sapilitan itong hinatak papunta sa wedding booth ng mga juniors. Kinaladkad na talaga.

"Hoyyyyy!" reklamo pa nito habang sinusubukang makawala.

Enjoy na enjoy naman ang isa sa mga humahatak dito na isa ring senior. "It's time, Takeuchi," narinig pa niyang sabi nito, nakangisi pa. Namukhaan agad niya si Jude Asrael Savio na isa rin sa mga campus crush ng school nila. "Akala mo ikaw lang, ha?!" Side lang ang nakikita niya sa tinawag nitong Takeuchi pero halata namang si Simon Takeuchi 'yon.

"Hudaaaaas ka talaga!"

"Suffer!"

"Walangyaaaaaaa!"

"Hahaha!"

Sino ba namang hindi makakakilala sa dalawa? Actually, they are the legendary trio of St. Catherine's.

Jude, the bad boy with angelic voice. Lagi itong kumakanta sa mga school events, though he has an image of a bad boy pero mukha naman itong friendly and approachable. Lagi pang nakangiti at tumatawa. Makulit nga lang at laging na-di-discipline's office dahil laging late.

Simon, the adorable math wizard na laging gutom at tulog sa classroom. He's good with drums at laging may dalang drum sticks na madalas nitong nilalaro sa mga daliri. Lagi din itong napapalabas ng classroom. Minsan nga ay naabutan niya sina Simon at Jude na naka sit on the air sa sa hallway.

Ang mga ito lang yata ang masaya na napapalabas lagi.

And Thaddeus, the neutral of the group. Sanna could not say a lot of things about him dahil wala rin naman siyang masyadong naririnig sa mga kaklase niya. But they said Thad was the most subtle of the three. If Simon and Jude are like open books. Thad on the other hand is a kind of book that requires a thorough reading.

Anyway, Jude and Thad are cousins.

She knew all this stuff because she was part of their school publication as their official event photographer. Pero nagsusulat din naman siya ng mga feature articles but mostly related to arts. Minsan nag-sa-submit din siya ng mga poems and short stories but under a pseudonym.

Nilibot pa niya ang buong quadrangle na sa mga oras na iyon ay napuno na ng mga booth. First intrums niya sa St. Catherine's bilang sophomore. Sa public school siya nag-first-year and everything happened so fast. Minsan iniisip niya lang na naiintindihan niya ang mga nangyayari kahit alam niyang hindi.

Bumuntonghininga siya pero ngumiti pa rin.

Ganoon talaga ang buhay pero kapag nasa school naman siya ay nakakalimutan niya ang mga inaalala niya sa bahay. The outside world is her escape and even if she wanted to freely open up her side of the story... she knew she couldn't.

Muli niyang iniangat ang camera nang dumaan bigla sa harap niya si Thad. Hindi siya nito tinapunan ng tingin dahil mukhang nagmamadali ito. Pero naramdaman niyang may parang nahulog sa mga paa niya. Pagbaba niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang isang long brown folder. May sumilip nang mga bond papers sa labas na halatang may mga drawings.

Ibinaling niya ang tingin sa dinaanan ni Thad pero 'di na niya ito makita sa dami ng mga estudyante. Yumuko siya para kunin ang folder at pinagpag 'yon. Mukhang importante pa naman 'to kay Thad. Hawak sa isang kamay ang digital camera na nakatali sa pupulsuhan ay nagawa niyang buklatin ang folder.

Namilog ang mga mata niya sa nakita. "Drawings ba 'to ni Thad?" Ang ganda!

Naghanap siya ng mauupuan. Nangangalay na rin talaga ang binti niya kaso wala ngang space. Pumunta na lamang siya sa P. Del Corro Building at naupo sa isa sa mga baitang sa facade mismo ng main building. It was named after the founder Padre Anastacio del Corro.

Isa 'yon sa mga gusto niya sa eskwelahan nila. It's a heritage building and madalas siya roon lalo na sa second floor ng teresa. She's proud to call herself an old soul.

Naikiling niya ang ulo at sobra na yata ang pagngiti niya habang inisa-isang tignan ang mga landscape drawings ni Thad. Without a doubt, it was really Thad's. May signature nito ang bawat drawing so meaning ito ang ang creator.

"Wow!"

Manghang-mangha siya. Halos heritage houses and buildings sa Carcar ang ginuguhit nito. Isa na nga roon ang building kung na saan siya.

Wait, marunong siya mag-drawing?

"Ahem," someone cleared his throat dahilan para maiangat niya ang ulo, "I believe that's mine." Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita ang seryosong mukha ni Thad.

Napalunok siya.

"Oh..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro