EPILOGO
NAKANGITING lumabas si Thad sa bahay niya. Nilalaro-laro pa niya ang hawak na car keys sa kamay at may pakanta-kanta pa siya. Papunta siya sa condo nila Sanna at Art. He's spending his Sunday with them. Nasa getting to know each other phase pa lang sila ng anak niya but it felt like nothing had changed. Hindi man naalala ni Art ang 49 days na nakasama niya ito hindi naman 'yon hadlang para maging komportable agad ang anak sa kanya.
He's beyond thankful to Sanna dahil ikunukwento pa rin siya nito kay Art. Hindi man buong detalye pero alam ni Art kung sino siya. Kung bakit namumukhaan siya ni Art? He asked his son about that. Ang sagot nito ay lagi nitong nakikita ang mommy nito na tinitignan ang picture nilang dalawa noong kolehiyo sila. Art said, his mother kept that photo in her wallet. At sa tuwing inaakala ni Sanna na tulog na si Art ay nakikita ng anak nila na tinitignan niya ang larawan.
Art is still a smart boy. He probably figured it out but choose to not ask his mother. In fact, hanggang ngayon ay hindi pa niya natatapos ang mga recorded videos na ginawa ni Sanna para sa kanya. She recorded everything about Art. Simula nang ipinanganak si Art, unang matututong tumayo, maglakad, at magsalita. Sanna even taught Art to say Daddy. May isang video roon na kumakaway si Art. He was around 1 year old. He was blubbering words until he was able to utter the word Daddy. Malaki ang ngiti ni Art at humagikhik pa. Naglalaway pa nga ang anak nila sa video na 'yon. Kumaway pa ito sa camera na para bang alam nitong makikita niya ang video na 'yon. Art knew he will find them and bring them home.
For now, hindi niya muna minamadali si Sanna. Although she had forgiven him. They are still a lot of things that he needs to explain to her. Kailangan pa rin niyang bumawi kay Sanna at kay Art. Kagaya ni Art ay wala rin itong naalala but she often had dreams of him and the lighthouse. One step at a time, alam niyang maiuuwi rin niya sa Faro ang mag-ina niya.
Thad's phone vibrated in his pocket – mukhang may tumatawag. Itinigil niya ang paglalaro ng susi sa kamay para mahugot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Lalo siyang napangiti nang mabasa ang pangalan ni Sanna sa screen. Mabilis na in-accept niya ang call at sinagot si Sanna.
"Where are you?"
"On my way. May ipapabili ka?"
"Daddy! Daddy! Nasira ang iPad ko. Bili mo ko ng bago, please." Natawa si Thad. "Art, behave!" Boses na 'yon ni Sanna. "We already talked about this, 'di ba? No more iPad for you."
Matagal nang sira ang iPad ni Art. Noong nasa Paris pa sina Sanna at Art. Natanggap sa isang art school si Sanna sa Paris soon after she found out she's pregnant with their son. Full scholarship ang in-offer kay Sanna. Dahil nga mahal ang expense living sa Paris ay sinagot ng ama nito ang lahat ng gastos hanggang sa makapagtapos si Sanna. Kapalit no'n ang pananahimik ni Sanna tungkol sa totoong relasyon nilang mag-ama.
Sanna didn't expect anymore from his father. Ang balak lang nito ay makapagsimula ulit at mabigyan ng magandang oportunidad sa pagpipinta para mabuhay silang mag-ina. Fast forward, unti-unti na ring nakikilala ang mga art works ni Sanna sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi ito nagpapakuha ng larawan kaya walang mukha kasama ang artist name ni Sanna.
She's using Sanna Evangeline. Hindi 'yon nailagay sa invitation dahil nagkaroon ng miscommunication sa printing at ang mga maling copies ang na-send-out. Kahit sa exhibit hall ay wala rin ang pangalan nito. Hindi rin malaman ng staff at organizer ng art exhibit kung bakit laging nawawala ang pangalan ni Sanna sa mga promotional printed copies kahit doon sa brochure ay mali na naman ang nai-display noong nandoon na siya.
But it doesn't matter. Talagang mapagbiro ang tadhana but if it's the right time, then nothing can stop that from happening.
Nakatadhana nang magkita ulit sila nang araw na 'yon.
"Pumunta ka na lang dito. Kanina ka pa hinahanap ng anak mo," dagdag ni Sanna.
Hindi na tuloy niya maikubli ang kilig at ngiti sa mukha. It had been a while. He missed this feeling of pure joy. Pakiramdam lagi ni Thad ay kaya niyang gumising sa kahit anong problema.
"Papasok na ako ng sasakyan. May ipapabili ba kayo?" Inulit niya ang tanong kanina na hindi nasagutan ni Sanna dahil sumingit si Art.
"Mamaya na. Sabay na tayong mag-grocery." Sumingit na naman si Art sa kabilang linya. "Daddy, I want Jollibee. Isama n'yo po ulit kami riyan sa Faro. I miss Tito Si and Tito Jude." Boses ulit ni Sanna ang narinig ni Thad. "Art, busy ang Daddy at mga Tito mo. Let's sched it some other time na lang."
Thad chuckled. "It's fine, Hon –" Natigilan si Thad. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras. Halatang natigilan din si Sanna sa kabilang linya dahil natahimik ito. Tangina, Thaddeus! Thad cleared his throat. "Next weekend... I mean, probably next weekend, Art. Kausapin ko muna sila. Okay ba 'yon sa'yo?"
Napakamot na lamang si Thad sa batok.
Kalmahan mo lang Thaddeus. Masyado kang nagiging komportable.
"Sige po, Daddy!" masiglang sagot ni Art. Si Sanna naman ang narinig niya pagkatapos. "I'll see you later. Ingat sa pagda-drive."
"Tawagan kita kapag nasa parking na ako."
"Okay."
Sanna ended the call pero nakangiti pa rin si Thad habang nakatingin sa screen. Naka wallpaper ang selfie photo nilang tatlo sa screen ng cellphone niya. Nakayakap si Art sa leeg niya at dikit na dikit ang mukha sa gilid ng mukha niya. Sanna was behind them, nakaalalay sa kanilang dalawa. Hindi niya mahulaan kung ngiti ba ang nakikita niya sa mukha nito o napilitan lang. Nonetheless, they look adorable together.
He pressed the unlock key on the car remote he was holding. Tumunog ang sasakyan niya at mabilis na lang niyang nabuksan ang pinto sa driver's seat. Papasok na sana si Thad nang mapansin niya ang ilan sa mga barkada niya sa labas. Sumisilip pa sa bahay niya.
Natawa siya.
Ano na namang ginagawa ng mga 'to?
Magkakasama sina Juan, Balti, Sep, at Mathieu na nakapambahay lang. Naka T-shirt, cargo shorts, at tsinelas lang ang apat. May mga hawak pang mga chichirya sa kamay at di-plastic na softdrinks.
Pinaandar na muna niya ang sasakyan bago nilapitan ang apat.
"Arki, nandiyan ba si Engineer?" nakangising tanong ni Math.
"Umalis nang maaga. Hindi sinabi kung saan pupunta. Bakit?"
"May schedule kami ng inom ngayon," sagot ni Math. "Na booked na namin 'yon noong Lunes pa. Hindi ba niya nabanggit sa'yo?"
Umiling si Thad. "Hindi. Minsan na nga lang ako kinakausap no'n." Nagkatinginan ang apat. "Kung hindi babad sa trabaho," pagpapatuloy niya. "Hindi naman mabitiwan ang cellphone."
"Nakangiti ba habang hawak ang cellphone niya?" tanong ni Math.
Thad nodded.
"Tumatawa na mag-isa?" segundang tanong ni Balti.
Tumango ulit si Thad.
"Kumakain pa rin sa tamang oras?" si Juan naman ang nagtanong.
"Manghihina 'yon kapag hindi nakakain," sagot ni Sep kay Juan, tumatawa.
"Actually." Napakamot si Thad sa noo. "Wala na sa oras ang kain niya. Parang may hinihintay siyang kasabay kumain."
"Patay tayo riyan," react ni Sep.
Ang lakas ng tawa ng apat. Pati si Thad ay natawa na rin. Kahit hindi magkuwento si Simon ay madali namang hulaan kung ano ang lagay ng puso nito ngayon.
"Mukhang balak na ni Engineer lumagay sa tahimik," tumatawang sabi ni Balti. "Ilibing n'yo na nga bago pa masaktan."
"Gago!" ni Sep, tawa pa rin nang tawa. "Unahin ko ba ang ulo o ang paa?"
"Kaya pala tinatanong ako ni Engineer kung anong magandang brand ng ref noong isang araw," dagdag pa ni Mathieu. "Mukhang matutuloy na talaga ang pagpapatayo ng bahay ni Takeuchi. Magpapaalam na ba ako sa travel goals namin kapag sawi siya sa pag-ibig? Clingy pa naman akong kaibigan. Baka magselos ako kapag iba na kasama niya sa My Day."
Lumakas ang tawa ni Math nang pabiro itong itulak ni Sep. Kamuntik pa itong matumba mabuti na lang at nasalo ito nila Balti at Juan na tawa pa rin nang tawa.
"Langya ka, Kap! Kalmahan mo naman," tumatawa pa ring reklamo ni Mathieu.
"Mahina lang 'yon." Tawang-tawa pa rin si Sep.
"Sana all," ni Math.
Mayamaya pa ay biglang huminto ang sasakyan ni Iesus sa likuran nila. Nakaharap na si Thad doon, lumingon lang ang apat. Biglang bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas mula roon ang walang kangiti-ngiting mukha ni Iesus.
"Sus!" nakangiting bati ni Sep, but Iesus ignored him.
"Mathieu," pabagsak na tawag ni Iesus kay Math.
Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa grupo nila. He's sure that none of them expected what will happen next. Walang nakapagsalita nang bigla na lang sinuntok ni Iesus sa mukha si Mathieu. Alam niyang malakas ang pagkakasuntok dahil kamuntik nang matumba nang tuluyan si Math. Lahat sila nandoon ay nagulat. Tuluyan nang nabitiwan ni Math ang hawak na chichirya at plastic ng softdrink sa daan.
"What the fuck, Sus!" asar na sigaw ni Mathieu.
"Sus!" Pumagitna si Sep sa dalawa. Pati sina Juan at Balti ay prinotektahan na rin si Mathieu. "Ano bang problema natin? Baka puwedeng pag-usapan natin 'to nang maayos," kalmadong sabi ni Sep.
Nandidilim ang mukha ni Iesus at lalong nangangalit ang kulay asul nitong mga mata. Mukhang galit na galit talaga ito nang mga oras na 'yon. At walang makakapagpakalma rito.
"My lord, kalma lang," segunda ni Balti.
Dinuro ni Iesus si Mathieu. "You better take responsibility of my cousin, Mathieu, kung ayaw mong ako mismo ang maglilibing sa'yo rito sa lupain na 'to." Sa mukha ni Mathieu ay parang wala itong naiintindihan sa mga nangyari.
Marahas na naisukaly ni Iesus ang isang kamay sa buhok. Bumuga ito ng hangin pagkatapos pero hindi nito nilulubayan ng masamang tingin si Mathieu.
Pati sina Sep, Juan, at Balti ay hindi rin masundan ang nangyayari. Thad stepped forward. Walang makukuhang sagot hanggat hindi tinatanong nang maayos.
"Sus, anong ibig mong sabihin?" Thad clarified. "Ano ba talagang atraso sa'yo ni Math?"
"Mathieu got Chippy pregnant!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro