Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

REVELATION

KALAGITNAAN NG BUWAN NG 1789

INILAPAG ni Bartholomew ang kahon na yari sa isang espesyal na kahoy sa mesa ni Iesus. Nakasilid doon ang bote ng tinta at pansulat. Bumaba ang tingin nito sa kahon at iniangat din ang mukha sa kanya.

"Narinig ko na halos lahat sila ay may isinakripisyong bagay para makasampa sa iyong barko," basag niya. "Wala akong gaanong kagamitan. Iyan lamang."

"Wala naman akong hinihingi sa iyo."

Nagtama ang mga mata nila. May kakaiba talaga sa mga mata ni Iesus na hindi niya mabigyang pangalan. Kaya madalang niyang salabungin ang kulay karagatang mga mata nito. Hindi lang naman siya ang ganoon. Pansin din niyang umiiwas ang mga kasamahan dito. Maliban na lamang nila Felipe, Mateo, at Pedro. Ngunit kahit na malalakas ang loob ng tatlo ay ramdam niya pa rin niya ang pag-iingat.

"Ayoko lamang magkaroon ng usapan patungkol sa pagbibigay mo sa akin ng libreng pagsampa sa iyong barko –"

"Magkaiba ang salitang pagnanais sa isinama. Kagustushan nila ang lumisan at lumulan sa aking barko. Hindi ko iyon inalok. Kaya may kapalit. Samantalang ikaw ay kusa kong isinama rito."

Napalunok siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Espesyal ka Bartholomew at malaki ang maitutulong mo sa akin. Hindi kagandahang loob ang nagtulak sa akin para sagipin ka kung 'yan ang iniisip mo. Hindi ako mabait na tao. Lahat ng pabor ay may katumbas na kapalit para sa akin. Ngunit hindi ang bagay na ito." Tinapik nito ang katawan ng kahon. "Isinama kita rito dahil may pabor akong ipapagawa sa iyo."

"P-Paano kung hindi kita sundin?"

Tila punyal ang tingin na ibinigay nito sa kanya. "Hindi mo nanaisin na suwayin ako."

Napalunok siya. "H-Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa iyo. Madami akong hindi naalala –"

"Huwag kang mag-alala at gagabayan ka ni Felipe. Alam niya ang ituturo sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil gagawaran ko ng kapalit ang pagpayag mo sa pabor ko. Ngunit makukuha mo lamang iyon sa oras na magtagumpay ka sa ipapagawa ko sa iyo."

"Kalayaan?"

Hindi niya intensyon na isitanig 'yon at hindi niya rin mawari kung saan nanggagaling ang kagustuhan na iyon.

"Kung iyan ang nais mo."

Tumango na lamang siya at nagdesisyon na lamang na supilin ang ibang mga nais pang sabihin.

Wala siyang kapangyarihan para suwayin si Iesus. Wala rin naman siyang mapupuntahan. At baka itapon na lamang siya nito sa laot. Mas mabuting sundin na lamang niya ito hanggang sa makaisip siya ng pinal na plano para sa buhay niya.

"Aasahan ko na hindi ito makakarating sa labas. Kung ano man ang napag-usapan dito ay mananatili lamang sa apat na sulok na silid na ito. Kapag may narinig akong isang salita mula sa isa sa mga kasamahan mo ay wala akong ibang sisisihin kundi ikaw lamang. At tinitiyak ko sa iyo na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-Opo."

"Mabuti."

Akmang kukunin niya ang kahon nang magsalita ulit ito. Sinikap niyang hindi mahalata ang panginginig ng mga kamay niya.

"Ngunit hindi ko tatanggihan ang bagay na iyan." Hindi na niya iniangat ang mukha rito. "Ibalik mo na lamang iyan kapag tapos ka na sa isinusulat mo."

Tumango ulit siya at kinipkip na ang kahon sa kanyang dibdib.

"Pupuntahan ko na lang muna si Felipe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro