Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGO

Disclaimer:

This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary. Any resemblance to persons living or dead is coincidental. The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the author’s.

Apologies for any typographical and grammatical error. This is unedited version of the story.

Thank you! ❤️



"BALTI," she slowly hissed at him.

Sunod ito nang sunod sa kanya habang naglalakad siya sa hallway. Late na siya sa susunod niyang klase pero 'tong si Balti ayaw siyang tantanan. Baka mapansin na sila ng mga co-teachers nila at ng ibang estudyante. Mabuti na lang at class hours pa.

Kasalanan kasi nung herbal medicine na 'yon.

E, malay ba niyang gayuma 'yon?

Inayos niya ang salamin sa mata - kipkip niya sa dibdib ang mga libro at discussion materials niya. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hilahin sa isang corner kung saan bahagyang madilim at walang makakapansin sa kanila. Isinandal siya nito sa pader.

Napakurap-kurap siya nang magtama ang mga mata nila ni Balti.

Oo na, crush na crush niya na si Balti since first year high school. Love na nga siguro considering the years na lumipas. She was 12 years old nang ma realize niyang crush niya si Balti. He was 16 by that time, fourth-year high school na.

Pero 'di naman siya ganoon ka desperate para gayumahin ito.

Everything was just an accident.

Lalo niyang nayakap ang mga gamit nang isandal ni Balti ang dalawang braso sa pader - na trap na siya nang tuluyan sa mga braso nito. Naiangat niya ang mga gamit hanggang sa kanyang ilong.

"Sorry na kasi," mahina niyang sabi.

"I can't stop thinking about you," frustrated na sabi nito, "I can't get you out of my mind, alam mo ba 'yon? Araw-araw iniisip kita. Kahit na matutulog na ako, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Do you know how frustrating that is, Niña?"

"Hindi ko naman kasi sinasadya. Hahanap ako ng paraan para mapawalang bisa -"

"At anong gagawin ko sa nararamdaman ko sa'yo?"

"H-Hindi ko alam... i-iwas na lang... ako?"

"Do you think papayag ako? Kailangan mong panagutan 'tong nararamdaman ko sa'yo, Niña. Or else, I'll lose my mind."

Nakagat niya ang ibabang labi.

Paano naman siya kapag nawala na ang bisa ng gayuma?

Kapag hinayaan niyang mahalin siya ni Balti sigurado siyang sa sementeryo ang bagsak ng puso niya. Would she take the risk even if the love that he has for her is not real?

Okay lang ba talaga siya sa temporary happiness?

"Nin -"

Ibinaba niya ang mga gamit na hawak.

"Balti, you can't love me," determinado niyang sabi. "I'll find ways. There has to be a way. Isipin mo lang ako. Pero huwag kang ma fall."

She was expecting him to be even more frustrated and annoyed. Which is very out of his character dahil hindi niya madalas nakikitang naiinis ito. He has always been so patient. Lalo na sa mga nagta-tantrums na mga bata.

Instead.

Balti was giving her his adorable teacher smile.

'Yong ngiting nagpapakilig sa mga co-teachers niyang mga babae at nagpapatahan sa mga batang umiiyak.

Imbes na matuwa ay bahagya pa siyang kinabahan.

"Nin,"

Ibinaba nito ang mga braso. Umayos ng tayo sa harap niya at namulsa. Ginawa nito 'yon nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

"B-Bakit?"

"Ang sakit ng leeg ko," nakangiwing umangat ang isang kamay nito sa leeg nito at marahang minasahe 'yon. Sasagot sana siya nang magsalita ulit ito. "Hindi na talaga ako titingin sa iba." Tinalikuran na siya nito. At nang akala niya ay iiwan na siya nito ay muli siya nitong nilingon mula sa balikat. "Sa'yo lang," he added with that boyish mischievous smile.

Shuks!

Namulsa muli ito at tuluyan na siyang iniwan.

Bahagya siyang dumaosdos mula sa pader nang maramdaman niyang biglang nanghina ang mga tuhod niya. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Ilang beses siyang kumurap.

Dios ko! Goodluck sa puso mo, Niña Rosella Marzon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro