Kabanata 9
"NANLILIGAW ka na ba rito sa anak ko, Balti?" tanong ng ina niya habang kumakain sila ng dinner.
Balti smiled. He was sitting across her kaya nakikita niya ang pa showbiz na mukha ni Balti. 'Yan, kung anu-ano kasi mga sinasabi.
"Huwag ka maniwala riyan, Ma," singit pa niya. "Parang 'di ka sanay sa mga biro niyan."
"Ate, sinabi niyang pakakasalan ka niya," giit pa ni Kath.
"Napapadalas ka rito, Balti. Sigurado ka bang 'di ka talaga manliligaw sa anak ko?"
Kung pwede lang mag-face-palm sa harap ng pagkain ay ginawa na niya.
"Kuya Balti, 'di ba papakasalan mo si Ate Niña ko? Sinabi mo 'yon e."
He chuckled, "Tinanong mo kung totropahin ko o jojowain ang Ate Niña mo. Sinagot kita ng pakakasalan because it's true. She is the kind of woman that everyone would wish to marry. Hindi ba, Tita Carol?"
Ngumiti ang ina niya. "Kaso wala ngang gustong magpakasal diyan."
Tawang-tawa si Kath. "Tita, kaya nga nandiyan si Kuya Balti e." Inilahad nito ang dalawang kamay kay Balti na tila ba nag-pe-present ng product sa mga potential costumer. Magkatabi kasi ang dalawa. Nasa kabisera nakaupo si Mama. "Si Kuya Balti ang sagot ng ating mga dasal. Willing naman siya e. 'Di ba, Kuya?"
Tinignan siya ni Balti. Halatang may pinapahiwatig. Lalo na ang ngiti. Gusto niya ito saksakin ng tinidor nang mga oras na 'yon.
"Huwag n'yo na lang i-pressure si Niña. Kakauwi pa lang niyan ng Cebu ipapakasal n'yo agad," ni Balti.
"She's 26 na kaya," insist pa rin ni Kath.
"Sa September pa!" she corrected. "Masyado kang advance. Twenty-five pa lang ako."
"Ilang months na lang kaya, 2 months."
"Nagmamadali ka ba?"
"Tama na 'yan, Kath," saway na ni Mama. "Hayaan mo na 'yang Ate Niña mo. Matanda na 'yan. Hintayin mo na lang magpakasal 'yan. E, ikaw naman Balti, hindi ka ba kinukulit ni Bea na magpakasal. Ilang taon ka na nga?"
"Thirty-one, Tita. Saka dadating naman 'yan kung gagalaw ako," tumawa ito pagkatapos. Parang may pinapahiwatig na naman.
"Nag-uusap kami ni Bea. Tinatakasan mo raw mga babaeng pinapakilala niya sa'yo. Sabi ko naman e. Kung panay takas ang anak niya e ang akin naman ay walang-wala."
"Maaaa!"
Tawang-tawa ang tatlo.
"Nawalan na nga akong pag-asa. Hayaan ko na lang 'yang si Niña."
"Ah basta ako, Tita, ship ko talaga ang BalNin," ni Kath. "Walang tataob sa barko ko. Kapag 'di kayo nagkatuluyan at nag-aminan. 'Di na ako mag-aasawa."
"Gage!"
Ngumisi ito. "Kaya para makapag-asawa ako. Iluluhod ko ng dasal ang BalNin sa Sto. Niño tuwing Bernes."
"Huwag kang magbitaw ng pangako na hindi mo tutuparin," aniya.
"Huwag kang mag-aalala, Ate Nins. Maaga naman nagsisimba sa Sto. Niño si Tita. Sasabay na ako bago ako pumuntang school. Importante ang makapaglayag ang aking barko."
"Ikaw, puro ka kalokohan. Mag-focus ka nga sa pag-aaral mo."
Pansin niya namang nag-e-enjoy lang si Balti sa palitan ng usapan. Pero ang mas lalong nakakuha ng atensyon niya ay ang pasimpleng pag-aasikaso nito sa mama niya. Habang nagtatalo sila ni Kath ay nahuhuli niyang dinadagdagan nito ng tubig ang baso ng mama niya saka tinatanong kung gusto pa nito ng ibang putahe na nakahain sa mesa.
Matagal na talagang ganoon si Balti. Magalang at sweet. Kaya gustong-gusto ito ni Mama kahit noon pa.
Sino ba naman ang hindi papangaraping maging manugang ang isang Bartholomew Juarez?
Pagkatapos ng dinner ay hinatid pa niya si Balti sa labas ng bahay. Nabuksan na ni Ate Nora ang gate.
"Umuwi ka na," basag niya.
"Wala man lang bang goodbye kiss riyan?"
"Kamao gusto mo? Ihahalik ko sa magkabilang pisngi mo."
Natawa ito. "Itutulog ko na lang."
"Bernes na bukas. Pupunta ba si James sa school? O sasama ako sa Faro?"
"After class, mag-li-leave sana ako bukas kaso may scheduled reading activity pala ako sa mga bata. Saka 'di naman ako nagmamadaling gumaling. Ini-enjoy ko pa ang pakiramdam na mahal ka."
"I-enjoy mo na dahil hanggang bukas na lang ang epekto niyan."
"Feeling ko mag-a-abroad ako. Ayoko pang lisanin ka."
"Ang korni mo talaga. Siguro ganyan ka talaga manligaw, ano? Korni."
"Judgmental 'to. Hindi mo pa nga ako nakitang manligaw –"
"Nakita ko na."
"Kailan? Noong college?"
She nodded. "Pero 'di ko na i-bo-brought-up at baka may maging seryoso na naman diyan sa usaping nakaraan." Tumawa siya pagkatapos. "Umuwi ka na. Naghihintay ba si Maha sa bahay mo?"
"Hindi. Umuwi siya sa Biringan."
Kumunot ang noo niya saka natawa. "Gage! Nag-e-exist pa parin ba 'yang lugar na 'yan sa inyo?" Biringan City is a lost city in Samar. Sinasabi na isa 'yong bayan ng mga engkanto. "Tatanda n'yo na."
E kasi naman, kung 'di anak ng devil si Maha ay anak naman ng engkanto. Iba talaga mag-asaran ang dalawang 'to. Siya na sumusuko.
Balti smiled, "Well, there are things that never change."
"Sabagay."
"I'll see you tomorrow."
Tumango siya. "See you."
Nagtaka naman siya nang may kunin ito sa bulsa ng slacks nito. Hindi na siya nakaimik nang makitang stamp pala 'yon. Maliit lang, kulay red. Meron din siyang ganoon. Nilalagay niya sa mga activities ng mga bata to boost their confidence at para maramdaman nila na sobrang appreciated ang mga effort ng mga ito.
Kinuha ni Balti ang kaliwang kamay niya. Inalis nito ang takip ng stamp saka 'yon inilapat sa likod ng kamay niya. Pag-angat nito ng stamp ay natawa siya sa kung anong nakasulat.
Very Good!
"Very good?"
He nodded and smile. "You're VERY GOOD for me."
Natawa ulit siya saka ito tinulak papasok sa nakabukas na nitong kotse. "Lumayas ka na nga, Ser."
Tawang-tawa lang ito. "Good night, Ninin."
"Uwi na!"
"Opo!"
"HERE."
Inabot ni James ang isang maliit na bote na kamukha ng bote ng Herbal Medicine kay Balti. Kasama nila sa bahay nito si Dr. Vier. Isang psychiatrist. Unang napansin niya ang maamo nitong mukha at ang kakaibang hazel eyes nito. 'Yong presensiya talaga nito ay hindi nakaka-intimadate. Siguro sobrang effective nitong doctor sa mga patients nito. Mas matangkad ito nang kaonti kay Tor.
He seems very friendly as well.
Of course, James, Tor and Maha are here as well. Hindi sila nagkita ni Tor noong unang pumunta siya ng Faro pero natigilan pa rin siya. Kahit noon ay strict and uptight looking si Tor but he was actually friendly in people he's close with. He was aging like a fine wine. Parang 'di tumatanda sila Balti at Tor talaga.
Puro yata mga gwapo nakikita niya sa lugar na 'to.
Humihinto ba oras sa FDA?
Pero napansin niyang mas madalas nang ngumiti ito lalo na kapag kausap ang asawa nitong si Aurea na malaki na talaga ang tiyan. Mukhang malapit na talaga itong manganak. Tila ba nawala 'yong dark aura na laging nakasunod kay Tor. Sobrang intimidating talaga nito dati.
"Have we met?" nabigla siya sa biglang tanong ni Aurea, 'di niya napansin na nakalapit na ito.
Hindi naman nalalayo masyado ang height nila. Mas matangkad lang siguro siya ng ilang inch. Malaki ang hawig din nito kay James. Nahahatak din siya sa mole nito sa ilalim ng kanan nitong mata. Although, Aurea seem like the complete opposite of James. Masyadong maliwanag ang personality nito at mukhang sobrang friendly.
"I – I don't think so."
Natawa ito nang bahagya. "Sorry, medyo weird lang kasi, para talagang nagkita na tayo noon o nakausap na kita pero 'di ako sure."
Ang sabi ni Balti ay kagaya rin ito ni James but her expertise is in fortune-telling at bukas na bukas din daw ang third eye nito so Aurea see things or forms that a simple naked eye would fail to see.
Hindi naman siya masyadong matatakutin.
Mas malala pa nga si Balti.
"What's the success rate of that drink, James?" ni Dr. Vier.
"Ninety percent."
"Saan ang ten percent?" ni Balti.
"Hinahanap ko pa," walang ka emo-emosyon pa ring sagot ni James.
Gusto niyang matawa. Pinigilan niya lang. Hindi niya alam kung nag-jo-joke si James o talagang seryosong hinahanap talaga nito ang missing ten percent.
"Joke ba 'yon?" salita na ni Maha.
Speaking of Maha na na-e-stress siya kanina habang papunta sila ng Faro. Nasa back seat ito at tila guard na naghihintay na batukan silang dalawa kapag nakita nitong mag-ho-holding hands sila ni Balti. Na never pa naman nangyari. Naniningkit pa ang mata kapag dumadaldal ang kuya nito. She was torn between answering and not answering Balti earlier. Tatamaan yata siya ng kidlat kapag sinakyan niya mga jokes ni Balti.
"Hindi naman 'yan one hundred percent lagi e. Nasa paniniwala lang 'yan," sagot ni Au. "The healing will not occur when one doesn't believe."
"Pati sa gayuma?" segunda ni Vier.
"Yes."
"I followed all the instructions, Lolo Pol had written on his healing journal. So far, he had only written two side effects. Una, ilang minuto na sakit ang katawan at ulo. Second, kabaliwan ng ilang oras."
"Kabaliwan ng ilang oras?!" react ni Balti.
"Sa tingin ko naman ay hindi mag-a-apply sa'yo ang pangalawa. Ang sabi naman e, kapag paulit-ulit nang ginayuma ang isang tao doon lang nagiging severe ang side effect. In your case, isang beses lang naman so baka ilang minuto lang na may maramdaman ka."
"Matagal ka nang baliw, Kuya. Huwag ka na magulat," singit ni Maha.
"Tatlong drop niyan at babalik ka na sa dati."
Balti raised a hand. "Call a friend!" Ibinaling nito ang tingin kay Tor. "Pwedeng pag-isipan ko muna ng tatlong taon?"
"Inumin mo na 'yan, Balti," sagot naman ni Tor.
"Nang five years?"
"Bartholomew," sabay na tawag nila rito.
Marahas na bumuntonghininga ito. "Oo na, sige na. Iinumin na." Inabot ni Maha rito ang isang baso ng tubig. Balti added three drops of the potion that James gave to him.
Deep inside, she felt a little sad. Na-stress siya kay Balti nitong nakaraang araw pero na-enjoy pa rin naman niya. Naisip niya na at least naranasan niya paano gustuhin ng isang Bartholomew Juarez. But she knew that not all situations that bring happiness are good. Aanhin niya ang pagmamahal ni Balti kung huwad naman?
So mas mabuti na rin 'yong bumalik sila sa dati.
Naubos ni Balti ang laman ng baso. Lahat sila ay nakatingin kay Balti nang mga oras na 'yon. Ewan niya kung bakit siya kinakabahan. Feeling niya kasi may mangyayari na 'di inaasahan. Pero baka nag-o-overthink lang siya.
"How are you feeling?" tanong ni James.
Kumurap ito at saktong nagtama ang mga mata nila. "Parang wala naman." Sa kanya pa rin talaga ito unang tumingin.
"Eepekto ba agad?" asked Maha.
"Let's just wait for a few minutes," sagot ni Au.
"It should work," ni James.
"Kuya, patingin ako ng journal ni Lolo Pol. Dala mo?"
"Ah, yes." Kinuha nito ang isang maliit na notebook na kumasya lang sa back pocket ng jeans nito. Inabot nito 'yon kay Aurea. "The one with a ribbon."
Binuklat 'yon ni Au at dumiretso agad sa naka ribbon bookmark na page. Namilog ang mga mata nito bigla. "Kuyaaa!"
"What?"
"Sigurado ka bang binasa mo 'to nang mabuti?"
"Of course, I've read it thoroughly."
Mabilis ang mga kamay ni Aurea sa paghahanap ng ibang page. Kapansin-pansin ang mabilis na pagbabasa nito sa pahinang tinigilan nito dahil naniningkit na ang mga mata at may itinuturo ito sa pahina gamit ng isang daliri.
Mayamaya pa ay may binalikan itong page.
"What's the problem?" tanong na ni Tor.
Naglapat ang mga labi bago naiangat ang mukha sa kanila. "Kuya, 'yong naka bookmark ba na page ang sinunod mo?"
James looks confused. "Yes, why?"
"It's not the right spell."
"Ommo!" singhap ni Maha.
Nagkatinginan silang lahat. Biglang nabalot sa matinding tension ang paligid. Ito na ba 'yong kaba niya kanina? But Balti seemed okay. Or baka nga mukha lang.
"What do you mean?" Lumapit si James kay Au para mabasa ang kung ano man ang mayroon sa maliit na itim na notebook. "It's impossible. I've read all of these spells."
"'Yong reverse spell na sana gagawin mo ay kapareho lang nung nasa bookmark page. Hindi mo yata napansin dahil isa lang naman ang pinagka-iba."
"Anong ibig sabihin nun?" tanong na niya.
"Teka, teka, so ano 'yong pinainom n'yo sa'kin?" dagdag ni Balti.
"Ang tali ng pag-ibig," sagot ni Au. Bumuga ito ng hangin. "Let me explain. Na kwento na sa'kin 'to dati ni Lolo Pol. Noon kasi, tumutulong si Lolo sa mga mag-asawa para ma save 'yong pagsasama nila. Iba-iba naman kasi ang Gayuma. Hindi siya solely para pa-ibigin mo lang 'yong gusto mo. It varies. So ang nangyayari, kapag ininom ng taong gusto mong gayumahin 'yong Tali. Nagkakaroon sila ng deeper connection sa isa't isa. Kung ikaw na lalaki, hahanapin mo 'yong confirmation kay babae bago gawin ang isang bagay. Parang nagiging honest 'yong tao kasi hihingin pa niya ang permiso sa asawang nang gayuma. Second, hindi sila pwedeng magkalayo nang matagal at within a limit of kilometers dahil may mga side effects 'yon."
"If my understanding is correct. Balti didn't drink a reverse love spell," ni Tor.
"It's still a reverse spell pero more like nag-switch lang tayo ng ibang effect para sa gayuma ni Balti. Mas naging complicated ang gayuma na pinainom natin sa kanya dahil irrevocable ang effect niya that can last 3 months or less."
"Ommo! So hindi pwedeng i-reverse ang new spell?"
Tumango si Aurea kay Maha.
Wait, sumakit bigla ang ulo niya. Lumala pa yata ang sitwasyon nila.
"But the only good thing na panghahawakan natin ngayon e mawawala na 'yong intense love ni Balti kay Niña. Although the fondness will still be there. It will now depends sa level ng fondness ni Balti para kay Niña when he was still not under the spell. Ang problema lang talaga natin ay ang side effect kung malalayo sila sa isa't isa."
"I'm curious. Ano bang pwedeng side effects niya, Au?" asked Dr. Vier.
"Base sa mga isinulat ni Lolo Pol ay madami. Pwedeng sasakit ang tiyan, ipin o ulo. Pwede ring unfortunate things. Tulad nang paper cuts, muntik mabunggo ng sasakyan, mahulog sa hagdan at kung anu-ano pang kamalasan."
"Hindi sila pwedeng malayo," Tor murmured. "Gaano kalayo ba?" baling nito kay Au.
"At least 20 km distance lang sila."
Napalunok siya. "I live in the city. That's more than 20 km."
"At hindi sila pwedeng magsama sa iisang bahay. Ma-i-issue sila. They're both teachers," dagdag ni Maha. "And I don't think Tita Carol will allow her to stay with my brother."
Magpapakasal muna sila ni Balti bago mangyari 'yon.
"We can't –"
"Balti!" singhap nilang lahat nang bigla na lang mahimatay si Balti bago pa man nito matapos ang sasabihin. Humandusay ito sa sahig.
Mabilis naman na umalalay sila Tor, Dr. Vier at James dito.
Nag-alala siya para rito. Dalawang gayuma na ang na inom ni Balti. Baka ano nang mangyari rito. Huwag naman sana tuluyang mabaliw.
Dios ko, anong kamalasan ba 'tong pinasukan niya? Sana kasi nakinig siya roon sa manghuhula. Kung anu-ano pa kasi tinatanggap niya. Hayan tuloy, naiipit na siya. Malalagas na yata lahat ng buhok niya sa stress!
"IT's really impossible. I've reviewed it a hundred times. Hindi ako pwedeng magkamali," insist pa rin ni James. Pinatulog na lang muna nila si Balti sa silid nito. Nakabantay rito si Maha. "I'm hundred percent sure I read the right page."
Nasa sala silang lima.
"Pero 'yong naka bookmark ang sinunod mo."
James tilted his head on his right. Bahagya nitong minasahe ang bahaging 'yon gamit ng isang kamay. "I feel weird."
"What do you mean?"
"I just knew." Umayos na ito ng upo. "There is something wrong with this love spell since from the beginning. Malakas ang gumawa ng gayuma. Minsan may pumapasok sa isipan ko na boses. Sinasabing kapag nangialam ako ay mas lalo lang lala ang sitwasyon."
"Bakit 'di mo sinabi agad sa'kin?"
"Because I thought it was nothing. I always trust my instinct but I was too lenient on this one. Masyado akong naging kampante na mapapawalang bisa ko 'to."
"Speaking of weird," salita ni Dr. Vier. "About the mysterious old man. Kinausap ko ang mga nagtitinda sa parola pero ni isa sa kanila ang nakakakilala sa matandang lalaking dinescribe mo Niña. May mga matatanda roon pero hindi kamukha noong nagbigay sa'yo ng gayuma."
Bigla siyang kinilabutan.
Paano kung hindi basta-basta ang matandang 'yon?
"Just to be sure, since you've mentioned na kilala niya si Iesus. I was thinking na nakausap na niya si Iesus. Madalas makipag-usap si Sus sa mga tao sa labas. He might be familiar with him but he told me he haven't seen a man as you describe."
"Naisip ko na rin 'yan e," ni Aurea. "Kasi base sa description ni Niña. Para siyang older version ni Niño. 'Yong bata na nakita nila Jude at Mari sa parola."
"You mean to say, the kid can change form?" ni Tor.
Aurea nodded.
Mayamaya pa ay mukhang napansin na ng mga ito ang pagiging tahimik niya. Hindi na siya makasabay dahil wala siyang naiintindihan. Hindi siya mahilig sa mga superticious beliefs pero nagkaka-interes rin naman siyang alamin ang mga 'yon. Habang nakikinig sa apat. Tila ba may pinagtatagpi-tagpi itong mga misteryo.
"Our apologies, Nin," basag ni Tor. "You might be wondering what we've been talking about."
"Actually wala rin akong naiintindihan but it's fine. Nag-aalala lang talaga ako kay Balti. Will he be fine? Sa mga sinabi n'yo kasi kanina parang lumala 'yong sitwasyon."
"I'm sorry," tipid na ngumiti si James sa kanya. It was rare to see a different reaction from him but she can sense that it was genuine. "It's my fault. I will take the blame this time."
"Balti will be fine, Nin," dagdag ni Aurea. "Hindi man completely naibalik sa normal but at least hindi na kasing lala nang dati. He will no longer annoy you with his love confessions kaya lang hindi kayo pwedeng malayo sa isa't isa. He's still under our observation."
"Sabi mo hindi irrevocable ang second gayuma. Meaning ba nun e kusa na lang 'yong mawawala after 3 months?"
Aurea nodded. "Yes, hihina siya sa katagalan hanggang sa mawala."
"The side effects are uncertain," dagdag ni James. "So we have to test it now habang weekend pa."
"I agree," sang-ayon ni Au.
"So anong balak n'yong gawin?" tanong naman ni Tor.
"Pauwiin muna si Niña then let's see what will happen to Balti when he wakes up."
NAGISING si Balti na sobrang sakit na naman ng buong katawan niya. Pamilyar na pamilyar na siya sa sakit na 'yon. Deja vu! Parang binugbog siya ng sampung tambay na unggoy. Sinampal ng limang pusang gala. Pinukpok ang ulo ng tatlong uwak. Pinatid din yata siya ng kangaroo at nag-landing sa Mount Everest.
He feel awful.
Kinapa niya ang salamin sa mata sa bed side table. Kinusot ang mga mata saka isinuot ang salamin. Luminaw naman ang paligid niya pero pa rang may mali.
"Good morning," napakurap siya nang walang marinig na boses. Mabilis na napahawak siya sa kanyang leeg - sa lalamunan. "Ang boses ko!" Hindi siya simpleng paos lang dahil wala talagang lumalabas na boses sa bibig niya. "Mahaaaaaaaaaa!" sigaw niya pero wala rin talaga.
Mabilis na bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto niya. Kamuntik na siyang sumalubsob sa sahig sa pagmamadali niya.
"Mahaaaa! Walangya! Saan na boses ko?!"
Alam niyang 'di umuwi ang kapatid niya. Hindi siya nito iiwan sa ganoong sitwasyon. Maldita 'yon pero 'di na man laging traydor. Naalala pa niya ang mga huling eksena kagabi. Nawalan siya ng malay bigla. Sa pagkakatanda niya ay bigla na lamang siyang nahilo. Umikot ang paligid at nag-blackout na siya.
Anak ka talaga ni Beatrice! Maha, saan ka na ba? Kung kailan kita kailangan saka ka naman nawawala!
Pumunta siya ng kusina at kinuha ang caldero. Pumwesto siya sa may sala dahil mas kita niya roon ang second floor. Pinaghiwalay niya ang takip para gawin 'yong cymbal. Naririnig pa rin naman niya ang malakas na tunog nun.
Maharlika Juarez, kung saan ka man, lumabas ka!
"Yaaaaa!" Lumabas sa isa sa mga kwarto sa taas si Maha. "Waaa!" Inis at mukhang kagigising pa lang. "Aga-aga ah! Magpatulog ka naman Bartholomew!"
"Wala akong boses!"
"Ha? Hindi kita marinig. Isigaw mo."
"Wala nga akong boses!"
Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Ha? Ano ba kasi 'yan? Bakit ka bumubulong?"
Itinaas niya ang isang kamay. Iginala niya ang tingin sa paligid. Alam niyang may iniwan siyang bondpapers at pentel pen sa ilalim ng coffee table sa sala. Hayon, nahanap niya naman agad. Mabilis na nagsulat siya roon saka itinaas kay Maha ang bond paper para mabasa nito.
WALA AKONG BOSES! TAWAGIN MO SI JAMES DAHIL MAPAPATAY KO SIYA NANG WALA SA ORAS! LUMABAS KAMO SIYA SA KWEBA NIYA KUNG AYAW NIYANG HILAHIN KO SIYA PABALIK SA LIWANAG! SERYOSO AKO! CALL HIM NOW!
Capslock para intense!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro