Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

"KEEP still." Hinawakan ni James ang ulo niya mula sa likod. 

Hindi pa siya natutulog dahil hinintay pa niya itong si Hayme. May nakalimutan daw itong gawin sa kanya. Sabi dadalaw nang alas otso. Dumating nang alas nuebe.

"Free massage ba 'to?" Nakangisi niyang tanong.

Nakaharap sa kanya si Maha. "Talaga bang na gayuma ka?" Wala sana siyang balak sabihin sa kapatid niya ang tungkol sa nangyari sa kanya pero dahil nga pasmado rin bibig ni Chippy at nakalimutan namang balaan ni Aurea ang kaibigan nila at hayon, tinawagan si Maha. "Effective?"

"James, itago mo 'yong gayuma. Huwag na huwag mong ibigay riyan sa kapatid ko."

She crossed her arms over her chest and grimace. "As if I'm that desperate."

"As if I trust you," he chuckled.

"Manahimik nga kayong dalawa. I'm trying to concentrate," saway ni James sa kanila.

Hindi niya makita ang ginagawa ni James mula sa likod pero mukhang seryosong-seryoso ito sa ginagawa. Nakatingin din dito si Maha. Saka na ulit siya sa magsasalita kapag natapos itong si Hayme. Wala naman siguro itong balak na kalbohin siya, ano? Kung saan-saan umaabot ang mga kamay nito sa ulo niya.

"Maliban sa bolang crystal ni Aurea. May nakikita ka ba sa ulo ko?" basag niya.

"Kapag meron pwede ka nang alternative na bolang crystal," in pure sarcasm na sagot sa kanya ni Maha.

Natawa lang siya.

"I think I've seen enough," ni James. Binitiwan na nito ang ulo niya at naupo sa mahabang sofa. Kinuha nito ang tuna sandwich na gawa ni Maha at kinain. Umasim ang mukha nito pagkatapos ng isang subo. "Pangit ng lasa." Ibinalik nito sa platito ang nakagatang tuna sandwich.

Natawa na naman siya.

"Grabe naman," nguso pa ni Maha. "I-filter mo naman opinion mo minsan, Kuya James."

"Kinikilabutan talaga ako kapag nag-ku-kuya ka sa kanila. Tigilan mo na pagpapanggap na mabait, Maha. Hindi ka pa rin magugustuhan ni Juan."

Marahas na ibinaling ni Maha ang tingin sa kanya. "Alam mo gagawin ko sa'yo, kuya? Makikipagbati ako kay Niña. I will convince her to reject you a million times para gumapang ka sa bubog in that way alam mo 'yong feeling na magmahal ng isang tao na hindi ka mahal!"

"Parang kayo ni Juan? One sided."

She squinted her eyes at her. "Kung nasasanla lang ang inis ko sa'yo sobrang yaman ko na siguro."

"Balitaan mo ko kapag pwede na," he chuckled. "Anyway, James, ano ba 'yong ginawa mo kanina? May nasilip ka ba talaga?"

He nodded. "Sinilip ko ang level ng epekto ng gayuma sa'yo."

"And?"

Naikiling nito ang ulo sa kanan habang hawak ang baso ng tubig na binawasan nito kanina.

"The spell is strong. Sa tingin ko ay aabot ng ilang buwan bago mawala ang bisa. But –"

"Alam mo isa lang solusyon na naiisip ko riyan. Gayumahin ko na lang din si Niña para wala na tayong iisipan pa. In that way, the feelings will be mutual. Mahal ko siya. Mahal niya ako. Edi magpapakasal kami. Hindi na ako mag-iisa sa bahay. Magiging masaya kami sa isa't isa. Magkakaroon kami ng madaming anak. It makes sense 'di ba?"

Walang emosyong umiling si James. "No, it does not."

"Sige mabaliw kayong dalawa," ni Maha. "Anyway, may but 'yong huling sinabi ni James. Ano 'yong kasunod nun?"

"But I believe I have the perfect reverse spell for it. It was one of Lolo Pol's effective reverse love spells. Baka by Thursday ay matapos ko na."

"Kahit abutin ka pa ng isang buwan, James, take your time," aniya. "Hindi naman ako nagmamadali."

"Tanong," Maha raised her hand, "lahat ba nang nagayuma kasing baliw nitong kuya ko?"

"Not all, it depends on the person. May distinct feelings na nagiging indicator kung bakit iba-iba ang side effects ng mga gayuma. These hidden indicators trigger the emotions of the person na siyang primary target ng gayuma. It either awakens an unconscious feeling or their worst side. In Balti's case, sa tingin ko ay isa sa nagpalakas ng epekto ay ang fondness niya kay Niña. I cannot tell if the fondness is romantic or familial but I'm sure your brother cares for her."




NIYUKO ni Niña sa ilalim ng kama ang shoe box na ginawa niyang lalagyanan ng mga memories niya noong High School at College. Actually, memories niya with Balti. Noong high school siya, isang taon lang din naman niyang nakasama si Balti. Three years after, saka lang ulit sila nagkita ulit nang maging blockmates niya si Maha sa CNU. 

Nag-indian-sit siya sa itaas ng kama at inilagay sa harap ang medyo malaking box. Binuksan niya ang takip at bumungad sa kanya ang mga folded love letters, hand made bracelets, sticky notes, lumang mga lapis at ballpen, hair clips, may mga stickers pa ng anime at cartoon characters, and of course, 'yong pocketbook na bigay ni Balti.

"Gayuma ng Gabi," basa niya sa title. Natawa siya. "Sa kababasa mo nang mga ganito, Balti, na gayuma ka tuloy."

Natapos niyang basahin ang nobela na 'yon. Madami na siyang nabasang libro pero isa 'yon sa mga fave niya. She wondered kung kagaya ng bidang babae sa kwento na 'yon ay magkaka-happy-ending din ba siya?

Inilabas niya ang ilang love letters na sinulat sa mga stationary notes. Sulat niya ang mga 'yon na 'di umabot kay Balti. Nahihiya kasi talaga siya. Nagsusulat siya every Valentines Day noon. Lalo na't February 28 ang birthday nito. Once a year may letter siya. Kaso nga inalikabukan na. 'Di pa rin umabot sa receiver.

Namilog ang mga mata niya nang makita ang sirang eye glasses ni Balti noong high school sila. Tandang-tanda pa niya ang pagkakadapa nito sa isang relay running game. Nasira ang eye glasses nito pero tawa pa rin ito nang tawa kahit natatalo na ang team nito. Freshmen, Sophomores, Juniors, and Seniors games 'yon.

Tawang-tawa pa rin talaga siya kapag naalala 'yon.

"Takbo, Niña!" sigaw ni Mela pagkatapos iabot sa kanya ang scroll. Tinalikuran niya ito at tumakbo nang mabilis. Ano ba 'yan?! Hinuli pa siya 'di naman siya runner.

Nangunguna ang Senior. Ang bilis tumakbo ni Balti. Sumunod dito ang Junior. Tie naman sila ng last representative ng Sophomore. Pero hinihingal na siya. Mauungusan na siya. Nakakabingi ang sigaw ng bawat teams. Kanya-kanyang cheer sa kanila. Alam niyang 'di siya mananalo pero sana mag-third-place siya.

Niñaaaaaa takbooo!

"Waaaaaaaa!" Gulat na sigaw ng lahat.

Nagulat din sila nang matumba si Balti. Humalik talaga ang mukha nito sa track. 'Yong salamin nito sa mata tumilapon at mukhang nasira. Natigilan silang dalawa ng kasabayan niya pero ang traydor nung Junior representative inungusan pa rin si Balti.

Nagsigawan ulit ang mga estudyante. Hindi niya na maintindihan ang mga chini-cheer. Umawang ang bibig niya nang ungusan din siya ng Sophomore representative.

"Niñaaa!"

Narinig pa niyang sigaw ng isa sa mga kasamahan niya. Pero 'di siya lumingon. Tumakbo siya. Tumakbo sa direksyon ng nakadapang si Balti.

"Ano ba naman 'yan, Balti. Katangkad-tangkad natutumba. Ikaw talaga sisihin ko kapag natalo ako," sunod-sunod na reklamo niya hanggang sa makalapit kay Balti. "Hoy!"

"Wala akong makita," kinapa ni Balti ang track. "My eye glasses!"

Umangat ang tingin niya sa harap. Medyo malayo rin ang nilipad ng eyeglasses nito. Mabilis na kinuha niya 'yon. May crack na both left and right lenses nito. Delikado nang gamitin.

"Tumayo ka na riyan!" Inalalayan niya ito. Mas malaki ang grado ng mata ni Balti kaysa sa kanya. Her eyeglasses may not give him comfort but he will at least see something. "Here! Wear my glasses." Pinasuot niya rito ang salamin niya sa mata.

"Paano ka?"

"Nakakakita pa naman ako." Ngumiti siya. "Pull yourself together. Papatayin ako ng mga ka team mates ko kapag natalo ako."

Natawa ito. "We're already losing."

"Kaya ko pang humabol sa third place." Nakatayo na sila. Hinawakan niya ang kamay nito. Alam niyang mahihilo lang si Balti sa salamin niya kaya tatakbo silang magkasama. "Takbo!"

Lumakas ang cheer sa paligid.

"Woaaaaah! Balti! Balti!"

"Niña! Niñaaaaa!"

"Nin, bitiwan mo na ako. Matatalo ka sa'kin."

"Tumakbo ka na lang! Malapit na tayo." Nag-first na nga ang Junior at second ang Sophomores. Malapit naman na sila sa finish line. "Huwag kang magpabigat."

Tumawa ito. "I have an idea."

Napasinghap siya nang mabilis siyang makarga ni Balti sa mga bisig. He was carrying her like a princess! Tinakbo nito ang track and field. 

Mabigat siyaaaa!

"Balti!"

"Ako bahala sa'yo!"

Lumakas pa ang cheer ng mga estudyante sa kanila hanggang sa makarating sila ng finish line. Okay na sana e kaso nahilo si Balti sa grado ng salamin niya kaya natumba silang pareho. Napangiwi siya pero tawa na lang sila nang tawa kahit na humahapdi ang pisngi at siko niya.

"Third place, Seniors and Freshmen!"

"Woooaaah!"

"Isauli ko kaya 'to kay Balti?" Sinipat niya ang sirang salamin na pinagdikit na lamang niya gamit ng masking tape. "Will he still remember that day?" Para kasi sa kanya, 'yon ang isa sa mga highlights ng buhay niya noong high school days. "Saka na." Ibinalik niya ang salamin sa box. "Saka na kapag sure nang hindi kami ang end game."

Sige umasa ka pa, Niña.




PAGLABAS niya ng cubicle ng banyo ay nagulat siyang makita si Maha. Naghuhugas ito ng kamay at mukhang nakita na siya nito mula sa salamin nang umangat ang tingin nito. Wala siyang ibang choice kundi ang tumabi rito para makapaghugas ng kamay.

"So how does it feel na ikaw naman ang hinahabol ng kuya ko?" basag nito.

Natigilan siya roon at kinabahan. Kagabi, may idea na siyang alam na ni Maha ang tungkol sa sitwasyon ng kuya nito. Inasahan na niya ang confrontation na 'yon. Ilang beses na niyang pinag-iisapan ang isasagot dito. Pero kinakabahan pa rin siya.

"Ma –"

Bahagya itong tumagilid para tignan siya. "Accident or sinadya?"

"It was just an accident. Hindi ko magagawa 'yon kay Balti –"

"Oh, really?" Maha jeered. Tinaasan siya nito ng isang kilay. Nasaktan siya sa uri ng tingin nito sa kanya. Tila ba wala na talagang natirang tiwala ito sa kanya. "You know what they say? Change is the only constant in this world. Nagbabago ang mundo. Nagbabago rin ang tao. What we see now may not be the whole portrait painted."

Wala siyang balak na makipagsagutan kay Maha sa paaralan. This is a school. Teachers should set proper examples and impose disciplinary actions. Baka may makarinig pa sa kanila. Mabuti na lang at close ang pinto ng restroom at sila lang dalawa.

"Let's talk after class," aniya. "And I assure you, Maha. I don't have any bad intention with your brother." Tipid siyang ngumiti rito. "Mauuna na ako." Iniwan niya ito at lumabas ng banyo.

Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo.

She wanted to patch things up with her pero paano niya gagawin 'yon kung sarado lagi ang puso at isip ni Maha. Ni ayaw nitong aminin sa kanya kung anong nagawa niyang kasalanan dito. Paano niya aayusin ang isang nasirang bagay kung hindi niya alam kung anong sanhi ng pagkasira nun.

Marahas siyang napabuntonghininga.

Nahilot niya ang sentido. "Bakit ba ako na-e-stress sa magkapatid na 'yon? Sakit talaga sa spinal cord ang dalawang 'yon. Kidnapin sana sila ng mga aliens at isama na sa Mars. Magbakasyon muna sila roon ng isang taon."

Hay naku!




SINADYA niyang umalis nang mas maaga kahit na madami pa siyang tatapusin para lang 'di siya maihatid ni Balti. Buti na lang ay busy pa ito. May kinakausap na parent sa classroom nito. Nakatakas siyang matiwasay at nakauwi ng bahay na hindi na-e-stress.

Suot niya ang over sized shirt niyang orange na hanggang sa tuhod na niya ang haba. Pinalabhan pala ng mama niya ang mga pambahay niyang blouse at tinira ang mga maluluwag niyang T-shirts. Pinarisan na lamang niya ng shorts sa ilalim. Tinali niya ang buhok ng lapis.

"Ma!" Iginala niya ang tingin sa sala. "Saan na naman ba 'tong si Kath?" Mukhang nasa kusina ang nanay niya at si Nora. "Ma, umuwi na ba si Kath?"

"Gagabihin daw may practice daw ng sayaw sa PE!"

Marahas niyang naibaling ang tingin sa direksyon ng labas nang marinig ang bosena ng sasakyan. Kumunot naman ang noo niya.

"Niña, sino 'yan?!" sigaw ng ina.

"Titignan ko po." Sino naman kaya ang magpa-park ng sasakyan sa harap ng gate ng bahay nila? "Hindi ba nila nakitang may NO PARKING sign sa harap ng gate?" Paglabas niya ay ganoon na lang talaga ang gulat niya nang makita ang sasakyan ni Balti. "Nak nang –" Akmang babalik siya sa loob nang sumigaw ito.

"Ninin nakita na kita!"

Pasimple siyang napangiwi. Una, mukha siyang ponkan na dinaanan ng bagyo. Pangalawa, ano na namang ginagawa ni Balti rito? Mahahalata na talaga ng nanay niya na napapadalas na ito sa bahay nila. Baka mag-assume na itong nilalagawan na siya ni Balti.

Lumapit siya at lumabas ng gate. "Ano na namang ginagawa mo rito?"

Nakangiti ito sa kanya mula sa bukas na driver's window. "Umalis ka nang hindi nagpapaalam. Hindi ba sinabi kong ihahatid kita."

"At sinabi ko na hindi na kailangan kasi baka ano pang isipin ng mga co-teachers natin. Ayoko mag-explain at ilang araw na lang naman na at mawawala na rin naman ang epekto ng gayuma."

"Wala kang balak papasukin muna ako?"

"Wala."

Natawa ito. "Kaya ako na-i-in-love lalo sa Ninin ko. Dinadaan mo ako sa dahas. The more you hate. The more you love. Sige lang, laitin at magalit ka lang sa'kin."

"May sampung milyon ka ba?" hamon niya rito.

"Kahit meron papakasalan pa rin kita."

"Niña, sino ba 'yang bisita mo?" Lumabas ang mama niya. Namilog ang mga mata nito nang makita si Balti. "Oh, Bartholomew!" Ngumiti ito at lumapit. "Nandito ka pala."

Lalong natawa si Balti. "Tita Carol, kung isigaw mo naman pangalan ko parang tinatawag mo buong ninuno ng mga Juarez. Idadaan ko lang ho sa inyo ang regalo ni Mama para sa inyo."

Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Balti. He did not mention that. Bakit feeling niya nagsisinungaling lang ito para makalusot?

Nginitian lang siya nang sobrang tamis ni Ser.

"Naku! Nag-abala ka pa. Sana pinadala mo na lang kay Niña."

"Ayon na nga po. Nakalimutan ko kaso 'tong si Ninin umuwi nang maaga. May ka meeting pa kasi akong parent. It slips in my mind completely."

"Ah, ganoon ba? Sige, pasok ka muna. Nin, buksan mo ang gate. Sa loob mo na pag-parkingin si Balti at baka ma clamp pa ang kotse niyan sa labas." Pansin niya ang lalong pag-ngiti ng loko. "Tamang-tama, nagluto ako ng paksiw na baboy. Dito ka na mag-dinner. Hindi ka naman ba busy?"

"Hindi naman po."

"Mabuti naman. Sige, maiwan ko muna kayo at isasalang ko na rin 'yong lumpia. Nin, 'yong gate."

"Opo."

Ngumiti ang ina niya saka sila iniwan. Mabigat ang mga braso at paa na binuksan niya ang gate para rito. Nang makapag-park ito nang maayos katabi ng multicab nila ay lumabas na rin ito ng sasakyan nito. Hawak nito ang isang paper bag na may Korean Brand ng Ginseng Herbal Tea and Coffee.

"Sure kang pinadala 'yan ni Tita Bea?"

Ngumiti ito. "Your mother doesn't need to know."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hoy, kanino 'yan?"

Natawa ito. "Kay Maha."

"Magagalit na naman 'yon."

"Lagi naman 'yong galit sa'kin. Don't worry about her. Ako na ang bahala sa isang 'yon. And besides, kahit galit 'yon sa'yo, she still cares for your mother."

Magdadalawang-isip sana siya but she felt genuine honesty in Balti's words. Close na close rin talaga ni Mama si Maha noon. At minsan, nababanggit din ni Mama si Maha. Nami-miss din nito.

Pero hindi na niya pinakita na apektado siya roon. "Pasok!" Iniwan na niya si Balti at naunang pumasok sa loob.

Akala niya ay maghihintay lang ito sa sala kaya dumiretso siya sa kwarto niya sa itaas. 'Yon pala nakasunod si Balti sa kanya at nakapasok pa sa kwarto niya.

"Balti!" singhap niya.

Iginala nito ang tingin sa kwarto niya. Inilapag ang paper bag sa malapit na mesa at namulsa.

"Nothing has changed here." Ngumiti ito nang ibalik ang tingin sa kanya. "Hindi mo binalak baguhin?" Ilang beses na ring nakapunta si Balti sa bahay at nag-sleep-over sa sala kapag ayaw umuwi ni Maha. Bantay sarado talaga si Maha rito noong college days nila.

"Aksaya lang sa pera and go out." She pointed the half opened door. "Baka makita pa tayo ni Mama rito."

"Let's just leave the door open." Lumapit ito para maupo sa dulo ng kama. "Wala naman tayong gagawing masama. I will never do something that will bring dishonor on your name. That's a promise."

Naglapat ang mga labi niya. "Well, fine. What do you need?"

"I just want to talk with you."

"Talk about what?"

"Anything?" He shrugged his shoulders.

"Buong araw na tayong nagsasalita sa harap ng mga estudyante, Balti. Hindi ka pa ba nagsasawa magsalita?"

Natawa ito. "It's a different thing. Alam mo, kaya siguro hindi ka rin nagka-boyfriend kasi hindi ka marunong mag-respond nang maayos sa mga lalaking may interes sa'yo."

"Wala akong boyfriend kasi walang nanliligaw at busy ako. Wala akong time. Nauubos oras ko sa school."

"Then I will find time for you," he smiled. Nagtama ang mga mata nila. "Ako ang may gustong makasama ka so it's my duty to find that perfect time for us." He tapped the space beside him. "Maupo ka nga rito. Hindi naman ako nangangagat." Tumawa ito pagkatapos.

"Hindi nga pero na gayuma ka naman."

"Ginayuma mo."

"Accidentally but not intentionally. There is a big difference with that."

He chuckled, "I know." He tapped the bed again. "Maupo ka na, Niña Rosella Marzon."

Sumuko rin siya. "Fine!" At naupo sa tabi nito. Ilang segundong katahimikan ang bumati sa kanila. Hinintay niyang magsalita si Balti pero naging tahimik lang ito. "Gusto mong makipag-usap pero na pepe ka na riyan," basag niya.

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Sabi mo pagod ka na magsalita."

"Alam mo, kaya rin siguro wala kang naging girlfriend kasi malabo kang kausap."

Natawa ito. "Baka dahil tayo talaga ang para sa isa't isa."

Umasim ang mukha niya. "Mukha mo!"

"Ang daming memories natin sa bahay n'yo," mayamaya ay sabi nito. "Minsan naiisip ko na ang dami kong sinayang na pagkakataon noon."

"Paano mo naman na sabi? You seem like you've enjoyed your life."

"I did," he nodded, "but I sort of did not as well. There is something missing in my to-do-list that I haven't done yet."

"Ano?"

"I'd tell you but you'll have to marry me after," a playful smile slipped on his face.

"I'd rather not ask."

"Pakiligin mo naman ako, Ninin. Kahit ilang araw lang. Ito naman napakatipid magpakilig. Nag-e-effort na nga ang tao. Binabara mo pa."

Natawa siya. "Para tumigil ka na."

"Well, Teacher Nin, giving up is always in the options but it will never be the right answer."

"Generally, yes, but in some cases, giving up on something is acceptable."

"It depends on the objective, the root, and the reason, yes, but if you assess my intention. I believe I've made myself clear."

"Ligawan mo ako kapag wala nang epekto sa'yo ang gayuma then I will give you a chance. Pero sa ngayon, tigilan mo ako riyan sa mga sinasabi mo."

He chuckled, "I'll take note of that."

"Sana maalala mo."

"I'm sure I will."

Ngumiti siya rito. "Buti nakakapagturo ka pa nang maayos?"

"Akala mo lang 'yon." Tawang-tawa ito. "Alam mo ba minsan, puro little Niña ang nakikita ko. Lalo na kapag 'di na naman ako nag-almusal. Lumuluwag turnilyo ng utak ko."

"Paano kung mag-observe ako sa class mo?"

"Please, don't."

"Bakit naman?"

"Hindi ako makakapagturo nang maayos. Kakabahan ako. Baka imbes na English ang ituro ko ay pag-multiply-in ko ang mga bata ng subject, verb, predicate."

Tawang-tawa siya. "Gage!"

"Totoo! Huwag mo na lang subukan at baka sumabog si Beatrice Juarez."

"Sa talino mo."

"It has nothing to do with my capabilities. Not when my emotions are involved. I always have this feeling na kapag nandiyan ka sa tabi ko hindi ko ma-control ang nararamdaman ko sa'yo. Pang-ilang beses ko na ba 'yong sinabi?"

Bigla itong nalito. Parang batang nagbibilang sa isip. Naaliw talaga siya kapag nagdadaldal na naman si Balti. Hindi kasi boring. Hindi lang sa ma-gesture ito ay sobrang animated pa nitong mag-kwento talaga. Full of expressions. His sunny type personality is one of the things she admires.

"Anyway, alam mo 'yong feeling na kapag tinatanong ka kung para kanino ka gumigising ang unang isasagot mo ay, para kay Ninin ko." Natawa ito. "Grabe, 'yong utak at puso ko puro na ikaw. Tapos ngi-ngiti na lang ako bigla na mag-isa kapag naalala ka. Ang daming scenario na tumatakbo sa isip ko. What if makasulubong tayo? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? And when I see you having fun with your pupils. I imagine them as our kids. You will be a great mother."

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi e."

Pero nakangiti siya.

"Matuwa ka na lang."

"Okay, sige."

"Tubuan ka naman ng ka-sweetan sa katawan, Niña. Sabihin mo naman, okay, sige Balti ko."

Tawang-tawa siya. "Ang creepy."

"Babe? Honey? Mahal ko? Love? Irog? Sinisinta?"

"None of the above."

"Grabe, paasahin mo naman ako Ninin kahit once lang."

"Huwag ka na umasa."

Nagtama ang mga mata nila nang pareho silang napatitig sa isa't isa. Ramdam pa rin niya ang ngiti sa mga labi. Kinabahan naman siya bigla sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. Nakaupo siya pero nagawa pa rin nitong mapalambot ang mga binti niya.

Binasa niya ang mga labi.

Bumaba naman ang tingin nito sa mga labi. Maliit lang ang space na pumapagitan sa kanila dahil hindi naman malapad ang kama niya. Isang galaw lang ng isa sa kanila ay pwede nang maglapat ang mga labi nila.

Sobra-sobra ang pagkabog ng dibdib niya nang ilapit nito ang sarili sa kanya. He slowly leaned down.

Niña, galaw! Layooooo na!

"Nin..."

"H-Ha?"

"Bato –" Bigla nitong inangat ang kamay niya para salubungin ang kamao nito. Siya na hindi agad nag-sink-in sa kanya ang nangyayari. Nakalahad lang ang kamay dito. He was holding her wrist. "Bato, pick!" At naging gunting na nga ang kamay nito. "Ang matalo, mahal na mahal si Bartholomew Juarez."

Namilog ang mga mata niya nang mapansing papel ang kamay niya. "Hoy!"

Bakas na bakas ang malokong ngiti sa mukha nito. "Paano ba 'yan. Talo ka. Gunting ako. Papel ka."

Umawang ang bibig niya. "H-Hindi ko – ay ang daya! Binigla mo ako."

Tumayo na ito. "Wala naaaa. Talo na si Ninin." He sang. "Mahal niya ako," he mouthed and winked. "And there will never be a rematch on that." Lumabas ito ng kwarto na tatawa-tawa.

Natawa na lang din siya.

Kahit kailan para talagang bata ang 'sang 'yon.

Nahagip ng tingin niya ang picture nilang tatlo nila Maha at Balti na naka pin sa cork board niya sa study table. Hindi yata 'yon napansin ni Balti kanina. Lumapit siya roon at kinuha ang larawan.

Kuha 'yon noong nanalong Mr. Education si Balti sa CNU. Sumali lang yata ang 'sang 'yon sa pageant para kunin ang korona nito. He has always been an effortless charmer. He nailed the talent portion and question and answer. Sila yata ni Maha ang pinakamaingay na fans ni Balti noong araw na 'yon.

Napangiti siya.

Those memories always has a special space in her heart.

"So you've kept it?"

Nagulat siya nang biglang marinig ang boses ni Balti sa likod. "Balti!" she hissed. Nginitian lang siya ng loko. "Nanggugulat ka naman e! Akala ko ba umalis ka na?"

"Bumaba lang ako pero 'di pa ako aalis. Masarap ang paksiw ni Tita Carol. So you still have this photo?" Kinuha nito mula sa kanya ang picture. "I look fresh here." Natawa ito pagkatapos.

"Gwapo mo riyan."

"Ngayon ba mas lalo?"

"Mas naging malabo kang kausap."

"Ay sus, ayaw pa umamin."

Tinawanan lang niya ito. "Masayang-masaya siguro ex mo riyan. Boyfriend niya Mr. Education."

"Selos ka?"

"Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?"

"Gawain ng mga girlfriend na nagseselos ang ungkatin ang nakaraan. You sound one just earlier."

"Sinasabi ko lang."

"Inuungkat mo."

"Masama ba pag-usapan ang ex mo?"

"Bakit natin pag-uusapan ang taong matagal nang wala sa buhay ko?"

"Bakit ayaw mo pag-usapan?"

"E bakit nga natin pag-uusapan?"

"Curious ako."

"Curious saan?"

"Kung bakit kayo nag-break."

"Does it matter?" Hinuli nito ang mga tingin niya. "Why does it matter to you, Niña?" Nawala ang aliw sa boses nito. He sounded so serious this time. "Pam and I broke up because things didn't work out for the both of us. Ngayon, kung iniisip mo kung may second chance sa aming dalawa. No. If gusto ko. I could have chase her but I didn't."

Ibinalik nito sa kanya ang larawan na hawak.

"I'm sorry."

"It's fine."

"Sorry – feeling ko, I crossed the line. It's your personal matters. Labas na dapat ako roon."

"Let's not talk about her."

Tipid siyang ngumiti at tumango. Namilog naman ang mga mata niya nang mapansing nakangiti na ulit si Balti.

"Hmm?"

"I just realized something. 'Yon na ba ang unang lover's quarrel natin?"

Napa-isip din siya. Napakurap siya pagkatapos. "Gage!" Tawang-tawa naman ito. "Bigla ka kasing sumeryoso."

"Sino ba nauna? Nanahimik na 'yong ex ko, inuungkat mo pa rin."

"Nagtatanong lang naman kasi."

"Madaming pwedeng itanong maliban doon. Pwede mong itanong, kung ang buwan ay para sa gabi. Si Niña naman ay para kay?"

"Para kay Carol."

"Mali. Si Niña ay para kay Balti."

Niyakap niya ang sarili. "Biglang lumamig. May multo 'yata. Tumataas balahibo ko sa katawan."

"Hi, Ate Nins!" Kath's head suddenly pokes on the door. "Hi Kuya, Balti!" Akala niya gagabihin ang 'sang 'to ngayon? Mag-a-alas-sais pa lang naman.

"Hi, Kath! How's school?"

"Hayon, buo pa rin, 'di pa rin nasusunog."

Tawang-tawa si Balti. "Sabihan mo ko kapag may development na."

"Sure! Sure! Anyway, Kuya, may tanong ako."

"Ano 'yon?"

"Jojowain o totropahin mo si Ate Niña?"

Pinanlakihan niya ng mga mata ang pinsan. Kating-kati siyang batuhin ito ng tsinelas. Anong klaseng tanong 'yan?

"Pakakasalan," sagot naman ni Balti.

Napakalakas ng tili ni Kath. "Omg! Tita Carol! Tita Carol! Magiging-maid-of-honor na ako!" Tuluyan na itong nawala sa harap nila at nagtatakbo pababa.

Pinalo niya sa braso si Balti. "Aw!" ngiwi nito sabay himas sa braso.

"Bakit 'yon sinagot mo?!"

"Para cool –" Pinalo na naman niya ito. "Aray! Ang dahas mo talaga." Pero mukhang sa halip na nasasaktan ay nag-e-enjoy pa ito. "Isa pa, para tatlong palo na. I love you na rin 'yon."

"Ewan ko sa'yo!"

Nilayasan na niya si Balti. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro