Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

ALAS sais pa lang ay nasa school na siya. Nag-ayos muna siya at naglagay ng concealer sa ilalim ng mga mata. Suot pa niya ang salamin sa mata habang nag-a-apply. Baka saan pa mapunta 'tong concealer niya kapag hinubad niya ang salamin. Mukha siyang sinuntok ng mga pusa. Putik 'yan, 'di siya nakatulog sa confession ni Balti. Buong gabi niyang inisip. Kahit sa panaginip hinahabol pa rin siya ni Balti.

Anong klaseng herbal medicine ba kasi 'yong ibinigay ni Lolo? Bakit mukhang na gayuma pa niya si Balti? Anong iisipin nila Tita Bea? Ni Maha? Naku! Baka talaga sabihin ng mga ito na sinadya niyang gayumahin si Balti. Alam na alam pa naman ni Maha na simula high school ay crush na crush na niya ang kuya nito.

Maha will never believe her if she says that she's over with her brother. Wala yata sa vocabulary niya ang mag-move-on sa isang Balti. Bata lang maloloko niya pero hindi ang isang Maharlika Juarez. That woman knows her more than herself!

"Anong oras na ba?" She glanced at the screen of her laptop. "Six - thirty na." Binilisan niya pag-a-apply ng foundation saka lipstick. Inayos na rin niya ang kilay na kailangan na talagang ahitan. 

"Good morning, Teacher Nins!"

Umangat ang tingin niya kay Teacher Jane. "Good morning!" aniya na may ngiti.

"Aga natin ah?"

Nakasunod din pala rito sila Ronnie at Harrah. Actually, hindi lang naman talaga siya ang nauna. 'Yong mga senior teachers ay nandito na rin. Lumabas lang para siguro i-check ang mga classrooms nila  o nag-breakfast muna. Aakyat na rin siya mamaya sa advisory class niya.

"Morning, Teacher Nins!" sabay na bati nila Ronnie at Harrah saka pumwesto sa mga mesa ng mga ito.

"Himala wala pa si Balti," nagtatakang pansin ni Jane. Kumabog naman nang mabilis ang puso niya. Hindi naman nanginginig mga kamay niya kanina pero biglang napasma. Mabilis na ibinaba niya ang kamay na may hawak na lipstick. "Lagi na yata siyang na li-late kapag Lunes."

"Annyeong!" Kakapasok lang ni Maha. Madami itong dalang for discussion materials. Marahas na inilapag nito 'yon lahat sa table nito. "Kakaloka! Lunes na lunes ang dami ko na namang i-di-discuss. Lord, give me strength for the whole week!"

"Amen!" Sabay na pinagdaop nila Harrah, Jane at Ronnie ang mga kamay.

Natawa pa rin siya kahit na kabado siya sa araw na 'yon. Himalang maaga rin si Maha na madalas late. Sino ba naman kasing tao matutuwa sa Lunes? Ilang buntonghininga pa ang itatawid bago mag-Biyernes. Isama pa ang problema niya kay Balti.

Mas na-e-stress pa siya sa sitwasyon nila ngayon ni Balti kaysa ang harapin ang buong linggo na puro discussion at pagtuturo ang gagawin.

Dios ko!

"Late na naman kuya mo, Maha?" tanong ni Jane.

"I'm not sure kung papasok 'yon. Nagkasakit 'yon noong weekend."

Parehong nahabag ang mukha ng tatlo. "Hala! Okay lang ba si Balti?" asked Ronnie. "Panay ubo pa naman 'yon noong Sabado."

"Okay na 'yon! Isang araw lang tatagal ang bacteria sa katawan nun. Baka kapag nag-extend ma convert to devil cells at mamuhay na sila nang tuluyan sa katawan ng hari ng mga pugon."

Tawang-tawa 'yong tatlo. Aliw naman kasi talaga 'tong si Maha mag-describe. Imagination ang limit.

Speaking of the devil.

Biglang pumasok si Balti sa faculty. Napakurap-kurap siya. Sumabay pa ang biglang paglakas ng tibok ng puso niya. Alam niyang malinis at gwapong-gwapo si Balti sa teacher's uniform nito pero parang may iba rito ngayon. Tila ba may liwanag na nakasunod dito at umuulan ng golden glitters ang dinadaanan dito. At hindi lang siya ang tila nakapansin nun. Titig na titig din ang mga kasamahan niya rito.

Napalunok siya nang ngumiti ito.

Kailangan niyang magtago. Mamundok! Hindi niya kinakaya ang kagwapohan ni Balti. Weakness niya ang ngiti nito.

Pumasok si Ginang Mendez, isa sa mga pioneering teacher ng SNL. "Balti, you look different today," nakangiting puri nito. She's an English teacher sa mga higher grades na. "Mukha kang inspired? May girlfriend ka na ba?"

Balti chuckled, "Wala pa," sagot nito, emphasizing the word 'pa'.

"Mukhang may nililigawan ka na ah. Naku, your mother will be happy to hear that."

"Actually, liligawan pa lang."

Umasim ang mukha ni Maha. Parang nalilito. Wait, did Balti mention what happened to him? Sa itsura ni Maha parang wala itong idea.

"Well, good luck on that!"

And that's her cue to escape. Tumayo siya habang busy pa ang lahat. Aakyat muna siya sa classroom niya. Hindi pa niya alam paano haharapin si Balti. Buti na lang dalawa ang pinto ng faculty. Isa sa harap at isa sa likod.

Sa nakalipas na 12 years inisip niya ano ba talaga ang pakiramdam na mahalin ng isang Bartholomew Juarez. Okay sana kung sa normal na paraan. Kaso na gayuma niya nang hindi sinasadya si Balti. Luging-lugi siya talaga sa lagay na 'to.

Anak ng pisara naman talaga, Niña Rosella Marzon, ano 'to? Do not fall in love with Balti challenge? 

Gusto niyang buhusan ng isang baldeng kumukulong kape ang sarili.

"TEACHER NINS," pukaw sa kanya ni Sofia.

Isa sa mga pupils niya. Kapag lunch break ay sumasabay siya sa mga bata na kumain minsan. Tinutulungan siya ng mga pupils niyang ipagdikit ang mga plastic tables sa canteen. Grade 1 ang naka assign sa kanyang advisory class. Nasa 7 to 8 years old ang tinuturuan niya pero may mga classes din siya sa mga higher grades.

"Yes? Ano 'yon, 'langga?"

She's fond of calling them 'langga'. An endearment in Bisaya which means beloved or dear. Nawala siya sa usapan ng limang bata. These five cuties ang lagi niyang kasabayan talaga. Nagiging magkaibigan na rin kasi ang mga yaya ng mga ito. Responsible naman ang mga pupils niya at kaya nang kumain mag-isa. Nakatingin lang mula sa bleachers ang mga yaya ng mga ito. Naghihintay na matapos kumain ang mga bata. Their parents are busy with their own respective works pero kapag PTA meeting naman ay present.

"We're done eating po," dagdag ni Michelle.

"Oh! Sige, sige, you can go na, but rest muna ng at least ten minutes before you play, ha?"

"Yes po!" The five said in unison.

Napangiti siya. "Ako na maglilinis ng table. Take your lunch boxes to your yayas." Sabay-sabay na tumango ang lima. "Very good. I'll see you later."

"Thank you po, Teacher Nins!"

"You're always welcome."

Hindi naman makalat ang mga bata kumain ngayon. Wala gaano siyang lilinisin. Magpapatulong na lamang siya sa mga grade six students na mga lalaki para ibalik 'yong dalawang mesa na pinagdikit nila kanina.

And besides, hindi pa rin siya tapos kumain.

Laging nag-pi-play sa utak niya ang sinabi sa kanya ni Balti kanina. Napansin nitong iniiwasan niya ito kaya habang papasok siya sa next class niya ay sinundan siya nito. Sana nga lang talaga ay walang nakakita sa kanila nang ihilig siya ni Balti sa pader. Mabilis pa naman kumalat ang chika sa mga kapwa teachers niya.

"Nin,"

Ibinaba nito ang mga braso. Umayos ng tayo sa harap niya at namulsa. Ginawa nito 'yon nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

"B-Bakit?"

"Ang sakit ng leeg ko," nakangiwing umangat ang isang kamay nito sa leeg nito at marahang minasahe 'yon. Sasagot sana siya nang magsalita ulit ito. "Hindi na talaga ako titingin sa iba." Tinalikuran na siya nito. At nang akala niya ay iiwan na siya nito ay muli siya nitong nilingon mula sa balikat. "Sa'yo lang," he added with that boyish mischievous smile.

Kinilabutan siya. "Ayoko na. Ayoko na isipin." Akmang susubo na ulit siya ng pagkain nang biglang maupo si Balti sa harap niya.

"Thirty minutes na ang lumipas hindi ka pa rin tapos kumain."

"Balti –"

He chuckled, "Relaks, ako lang 'to."

Tumuwid siya ng upo. "Balti –"

"Pupunta rito ang kaibigan ko mamayang after class. James will ask you some questions pero don't give him your number." Kumunot ang noo niya rito. "Basta walang bigayan ng numbers."

"Sino naman si James?"

"Kapatid siya ni Au." 'Yong asawa ni Tor? "Well, they're a family of faith healers and they know about those kinds of stuff."

Ah, kaya pala. "So may chance na ma reverse nila ang spell at gumaling ka na?"

"Yup."

"Then I will cooperate. Ayoko rin namang tumagal kang ganyan."

"Ayaw mong minamahal kita?"

Nasaid siya sa sariling laway kaya naubo siya. "I'm sorry."

Ngumiti ito. "Nasabi ko na ba sa'yong ang ganda mo ngayon?"

"Tigilan mo ako, Bartholomew." 

Masasapak talaga niya ito kapag nahulog siyang tuluyan. Kunting tulak na lang mahuhulog na siya sa libingan niya.

"Sure ka bang hindi kita gusto dati pa?"

She squinted her eyes at him. "Ako pa talaga tinatanong mo niyan? Puso ko ba 'yan?"

"Hmm," he seemed thinking, "ang weird lang."

"Syempre na gayuma ka," mahinang sagot niya rito. "Hindi mo ba maalala?" Ma tanong na nga rin. Baka umamin. Curious din siya.

"I'm not sure. I couldn't quite distinguish my old feelings for you. Basta kapag nakikita kita, naririnig ko boses mo at naalala kita, buo na ang araw ko."

Natawa siya bigla. Hindi sadya pero natatawa talaga siya. Twelve years! Imagine, twelve long years siyang umasa na marinig ang mga ganoong linya kay Balti and now it's happening. Gusto niyang bugbugin ang tadhana and at the same time yakapin. Papuntang kabaliwan na rin yata siya.

"I'm serious," parang batang react nito.

"Seryoso rin ako. High risk ka sa'kin. Paano kung ma-in-love ako sa'yo tapos nawala na ang bisa? Anong mangyayari sa'kin?"

"I'm well aware of that pero kahit ipaulit-ulit mo 'yan sa'kin ay tatagos lang 'yan sa kabilang tenga ko. I may sound crazy but I'm madly in love with you. Alam mo bang ang ganda ng gising ko kanina."

"Malamang hindi."

Natawa ito. "Ang cute talaga ng Ninin ko."

"Umayos ka nga," saway niya rito. "May makarinig sa'yo. Focus, Balti!"

"Na-di-distract ako sa'yo." Natawa na naman ito. "God, nababaliw na ako." Bumuntonghininga ito. He gives her  his version of doe puppy eyes. "Hindi na normal ang tunog ng tibok ng puso ko. Lagi ko nang naririnig. Ninin! Ninin! Feeling ko teenager ako na kinikilig masilayan ang crush ko sa araw-araw. Ginawa na nga kitang wallpaper sa cellphone. Tignan mo." Inilabas nito ang cellphone at ipinakita sa kanya. True, naka wallpaper nga ang selfie photo nila noong opening ng Nutrition Month. "Ipapa-frame ko na rin 'to. 'Yong pinakamalaki. Pwede ring magpa-tarp ako tapos ilagay ko sa gate ng Faro –"

"Malala ka na."

"And even if you tell me to stop I can't because I'm having a hard time discussing diplomacy with my heart and mind. Parang may dalawang boses sa utak ko. Isang na scam ng gayuma at isang normal pa naman."

"Hindi mo sinabi kay Maha?"

"Should I tell her?"

"Ikaw?"

"She will notice it sooner anyway. Hayaan mo na lang. Basta ihahatid kita pauwi mamaya. Hindi ako makakatulog nang maayos mamaya kapag 'di ko nasigurong nakauwi ka ng buo sa bahay ninyo. Ang daming negative scenarios na nabubuo sa isip ko."

"But you have friends who will help us. You just have to endure a few more days with me."

"Ayaw mong sulitin?"

"I'm sane enough to decline."

Tawang-tawa ito. "Willing naman akong angkinin mo ako. You will never hear me complain."

"No, thanks!"

"Gayumahin na lang kaya kita para the feeling is mutual."

Pinanlakihan niya ng mga mata si Balti. "Loko!"

Tinawanan lang ulit siya nito. Hindi na niya talaga alam kung matutuwa siya, kikiligin o magiging cautious sa harap ni Balti. Bahala na nga! Ilang araw lang naman. Mababali rin 'tong sumpa ni Balti.

"Wala kang dadaanan mamaya?"

"Wala naman."

"Sure ka?"

"Oo, bakit?"

"Ayaw mo dumaan muna sa isip ko?"

"Gage!" Binato niya itong tissue. "Korni mo, ha?"

"Gwapo naman."

Kaya nga nakakainis!

"HERE."

Inabot niya ang maliit na bote ng herbal medicine – este – ng gayuma kay James. Halos magkasingtangkad lang ito at ni Balti but more mysterious. He has this subtle snob expression on his handsome face, parang ginto ang ngiti nito. Lalo na ang bahagyang mabilog at singkit nitong mga mata. The mole under his left eye suited his face. Tila nanghahatak din ang halos itim na nitong mga mata na kasingkulay ng buhok nito. He was sort of fair skin pero hindi 'yong super puti na talaga.

Inaamin niyang mabilis mapansin si James Dominic Laroa. Hindi niya ma-explain pero nanghahatak talaga ang charisma nito. Kaso mukhang 'di friendly. Si Balti kasi unang tingin pa lang mukhang friendly at maloko. The two men were a complete contrast to each other. Parang Tor at Balti lang din.

"You didn't use this after Balti, right?"

Umiling siya. "Hindi naman." Sa awa ng Dios at baka siya pa ang mag-mitsa ng world war three.

"Good."

"How long will it take for you to reverse the effect of the spell?" tanong ni Balti.

"Until Friday."

"Five days din," aniya.

"Or less," dagdag ni James. "It depends. You will know after Tuesday. Kailangan ko pang-i-check nang mabuti ang composition ng gayuma at kung anong spell ang ginamit. Hopefully ay hindi naman ganoon kalakas para mabali agad."

Tumango-tango sila ni Balti.

"Until then, you just have to endure each other's company. You seem close. I don't think they'll be a problem with that."

"Five days is fine with me," sagot niya.

"Huwag mo na lang masyadong pansinin ang kabaliwan nitong si Balti –"

"Hey, I'm here!" reklamo ni Balti.

She saw a little smirk on Jame's face. "Anyway, can I get your number?" baling na tanong nito sa kanya.

"0919 –"

"Not you, Balti."

"Ako lang tawagan mo kapag may kailangan ka."

"Malabo kang kausap –"

"Kaklarohin ko para sa'yo."

"No –"

"Yes at aalis ka na." Tinulak na nito si James paalis. "Umuwi ka na. Madami ka pang gagawin sa bahay n'yo."

"You owe me this one, Bartholomew."

"I know! I know!" Inihatid pa nito sa kotse ni James ang kaibigan. "Ingat ka sa pag-uwi. Dumiretso ka sa bahay n'yo. Huwag liliko kahit saan. Isusumbong kita sa nanay mo."

Napailing-iling na lang si James. "Ewan ko sa'yo! Bye." Pumasok na si James sa kotse nito. Lumayo si Balti nang umandar na ang sasakyan nito.

Binalikan naman siya nito pagkatapos makaalis ni James.

"Ganoon ba talaga 'yong kaibigan mo? Ginto ang salita at ngiti?"

Balti chuckled, "Bawal 'yon magbabad sa araw nang matagal."

"Bakit?"

"Naaabo."

Natawa siya. "Grabe!"

"And let's not talk about James. Let's talk about us." Sumilip ang malokong ngiti sa mukha nito. "May apat na araw ka na lang para kunin ang offer ko. Aangkinin mo ba ako nang tuluyan o ako na lang aangkin sa'yo?"

"Anong pinagkaiba ng dalawang offer mo? Advantage pa rin sa'yo 'yong dalawa."

Magkasabay na silang naglakad pabalik ng faculty. "All is fair in love, Nins." Mula sa bulsa ng slacks nito ay inabot sa kanya ang tatlong candy. "Candies?"

"Sure kang walang gayuma 'yan?" she teased, eyeing him.

Natawa ito. "Wala pero may meaning 'yan." Inabot nito ang isang kamay niya at inilagay sa palad niya ang tatlong supot ng candy. "And you're welcome."

"'Yon na ba ang meaning?" Binuksan niya ang isa at sinubo sa bibig.

"Why don't you guess."

"Hmm, Balti is handsome?"

He chuckled, "No, but I'll take that as a compliment. Try again."

"I love you?"

Balti smiled and glanced at her. "I love you too."

Inihit siya ng ubo. Takte, buti 'di niya nalunon ng buo ang candy. "Gage ka talaga!"

Tawang-tawa lang ito. "Kiligin ka naman kahit limang araw lang. Napaka-insensitive nito."

"Huwag mo kasi ako dinadaan sa ganyan."

"Ito naman parang 'di sanay."

"Isa ka talagang dakilang paasa."

"False."

"True!"

"O, 'di bonus na lang natin."

"Bakit ba lagi kang nakakalusot?"

Balti shrugged his shoulders with a smug smile on his face. "Sino ba naman kasing 'di matutuwa kapag naging bonus ang sagot sa exam? Kung zero na score mo at least nag-upgrade ng piso."

"Loko-loko!" Tawang-tawa siya.

"Pahingi isa." Ibinigay niya ang isang candy rito.

"Dalawa na lang 'yong binigay mo."

"Huwag kang mag-alala, ako ang pangatlo."

Bwesit talaga 'tong si Bartholomew Juarez! Ang galing dumiga.


BIGLA niyang na open ulit ang chat thread ng Online Hula. Sa totoo lang ay nakalimutan na talaga niya ang huling sinabi ng manghuhula. But now that she had read it again. Her forecast made sense.

Niña

Love life, anong nakikita mo sa love path ko?

Online Hula

Isang lalaki sa 'yong nakaraan ang muling magbabalik. Magkikita ulit kayo pero gulo ang magiging hatid. Isang pagkakamali ang maglalapit sa'yong dalawa. Pero mag-ingat ka dahil maaring kabiguan ang hatid. Huwag basta-basta tatanggap ng kung ano kung may magbigay. Saya at lungkot ang maaring maging kapalit.

Kinilabutan siya.

Isang lalaki sa nakaraan niya ang nagbalik. Si Balti. Huwag basta-basta tatanggap ng kung ano kung may magbigay. Naalala niya ang matandang lalaki sa parola. Tinanggap niya ang bigay nito. Dahil maaring 'yong bagay na 'yon ay magbigay ng saya at lungkot. 'Yon ang sitwasyon nila ngayon ni Balti.

Napabuntonghininga siya at napatitig sa harap.

"Legit talaga ang manghuhula na 'to. Pwede kaya akong mag-follow-up? Baka may idea rin siya paano mapawalang bisa ang epekto ng gayuma."

Wait, ita-try nga niya.

Nag-send siya ng message rito but to her dismay sinagot siya ng auto-reply nito.

Hi everyone! I will be away for a couple of months. I'm afraid I wouldn't have the time to answer all your inquiries for the time being. This page will be temporarily deactivated soon. I will be back , but as to when? I couldn't tell yet. Thank you for your superb support. God bless us!

Naka hiatus na ang manghuhula.

At mukhang malabong mabasa nito ang message niya. Nagbasa siya ng mga comments, mukhang matagal-tagal nang hindi active sa page ang owner. Lalo siyang nadismaya. Alam niyang wala talaga siyang mapagtatanungan kung paano niya ma-co-contact ang manghuhula.

Muli siyang bumuntonghininga saka ibinagsak ang katawan sa kama. 

Napatitig siya sa kisame.

"Limang araw," she murmured. "Apat na araw na lang pala. Apat na araw na haharapin niya ang in-love-na-in-love na Balti."

Kung hanapin niya rin kaya 'yong matanda? Sasama siya kay Balti sa Faro. Lagi naman yata roon ang matanda. Baka ma lessen 'yong apat na araw. Try niya bukas. Sabi naman ni Lolo e mga bandang 4 pm ito lagi sa parola. Siguro mga 5 pm to 6 pm nandoon pa rin ito. Hopefully.

Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cell phone niya sa kamay. Iniangat niya 'yon hanggang sa mukha. Chat notif from Balti.

"Ano na naman kaya 'to?"

Hinawakan niya ng dalawang kamay ang cell phone saka binuksan ang messenger. Namilog ang mga mata niya sa nakita bago natawa. Boset talaga!

Balti

Send nude-dols XD

Kasunod ng message ay ang picture ng isang umuusok na cup instant noodles.

Niña

Adik ka ba? Hahaha!

Balti

Kain tayo. Kumain ka na?

Niña

Tapos na! Alas nuebe na po.

Balti

Sana all XD

Niña

Huwag ka matulog agad

pagkatapos mo kumain.

Balti

Yes, Ninin ko <3

Niña

Mukha mo!

Balti

I'm not a photographer but I can picture us together.

Niña

Gutom lang 'yan! Hahaha!

Balti

Sent a selfie photo

Tawang-tawa siya sa mukhang asim na mukha ni Balti. Baliw talaga ang 'sang 'to ma gayuma man o hindi. Mayamaya pa ay biglang nag-call ito sa messenger. Sinagot na lang din niya.

"Baliw!" Tawang-tawa pa rin siya. "O, bakit tumawag ka pa?"

"I will not keep you awake for long dahil may pasok pa tayo bukas. I just want to hear your voice before I let you sleep."

Napangiti siya.

Sige Niña, damahin mo 'to. After a week, babalik na ulit kayo sa dati.

"Dapat yata may kasunduan tayo na kapag na fall ako sa'yo babayaran mo akong sampung milyon."

Tawang-tawa ito sa kabilang linya. "Pakasalan na lang kita. Ang laki ng sampung milyon."

"Sige na, matutulog na ako. Wait for at least an hour bago matulog. Dapat 2 hours 'yan kapag kumain ka."

"Mamaya pa naman ako matutulog. May tinatapos lang ako."

"Okay."

"Goodnight, Ninin."

"Goodnight."

"Dumaan ka mamaya sa panaginip ko. Maghahanda akong snacks."

Natawa siya. "Gage!"

"Mag-e-enjoy ka."

"Bakit iba naiisip ko?"

Tawang-tawa ulit ito sa kabilang linya. "Spaghetti na puro ketchup saka juice na asin ang asukal."

"Ewan ko sa'yo!"

"Sige, ibaba mo na."

"Ikaw na."

"Ikaw na."

"Ikaw –"

"Ako na!" Boses 'yon ni Maha. "Daming kuda, magbababaan lang ng cell phone! Sweet-sweet walang label. Hala magsitulog na kayoooo!" At na end call na nga.

Napatitig na lang siya sa screen ng cell phone niya. Mukhang sa bahay ni Balti umuwi si Maha. Pero 'di niya mapigilan ang ngiti.

"Ma-i-search nga ang St. Peter. Baka may ma-avail akong murang installment para sa libing ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro