Kabanata 60
"SHE'S my assistant."
"Assistant?!" sabay-sabay nilang sigaw. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa babaeng inakalang multo ni Balti at sa mukha ni Iesus sa screen ng cell phone ni Chi.
Hindi niya alam kung anong nangyari rito pero mukhang kalunos-lunos. Magulo ang nakalugay na buhok ng babae at may mantsa ng pula ang mahabang puting pantulog na may mahaba ring sleeves. Nakayapak lang ito. Mukhang hindi naman dugo ang nasa kamay at paa nito.
Kung hindi pa humabol si James kay Balti ay hindi rin nito makikita ang dalawa. Nagkagulo tuloy silang lahat sa Faro. Kinumpirma naman din ni Aurea na tao ang babae at hindi talaga multo. Thad, Simon, Jude, Mari, Au, Maha, Math, and Juan are here. Nasa boardwalk silang lahat. Hindi niya tuloy maiwasang matawa sa itsura ni Balti. Pinagtulungan na ito nila Tor at James na akayin. At hanggang ngayon wala pa rin itong malay. Hinayaan pang mahiga sa daan. Isinandal lang sa railings.
"What happened?" inosenteng tanong ni Iesus.
"What happened?!" bumuga ng hangin si Chi at napailing. "Cloudio inakyat ng assistant mo ang bakud ng bahay mo at tinakot si Ser. Inisip mo talagang may makakalabas ng buhay sa mansion mo na wala ka?" Itinapat ni Chi ang camera ng phone nito sa himbing pa ring si Balti. "Hayan, knockout na naman si Sleeping Balti. Kapag 'di na naman 'yan nagising. Magkanya-kanya na tayo."
Naningkit lang ang mga mata ni Iesus. Halatang nagpipigil ng tawa.
"How's my gate?"
Tawang-tawa sila Simon, Jude, at Juan. Lalo lang na imbyerna si Chippy.
"Kinakamusta mo pa ang gate mo? 'Yong assistant mo at si Ser muntik nang mapatay ang isa't isa."
Inabutan ni Math ng baso ang babae na nanginginig pa rin. "S-Salamat," anito, saka dahan-dahang uminom.
"That was a joke," Iesus chuckled. Chi rolled her eyes. Pati tuloy 'yong iba tahimik na lang pagtawa at pagngiti. In consideration na lang din sa sinapit ng assistant nito.
Kanina they reviewed the CCTV na nakaharap sa gate ng mansion ni Iesus. At kitang-kita talaga 'yong eksena kung saan huminto pa talaga si Balti para silipin ang nakaputing babae sa loob at ang pagkahimatay nito. Hindi niya alam kung tatawa siya o maawa kay Balti. Pero sa huli tawang-tawa talaga silang lahat.
God, Balti! Alam mo nang nakakatakot tumingin ka pa.
Minsan napapaisip din siya kung 'yong takot ba ni Bartholomew ay may delayed reaction. Kailangan talaga muna ma convince nito ang sarili na multo ang nakita bago kumaripas ng takbo.
"I'll be back tomorrow night," Iesus continued. "Chi, let her stay with you for now. Bukas pa babalik ng Faro si Vier. Looking at her now. Mukhang wala na siyang balak tumapak sa bahay ko."
Naibaling niya ang tingin sa assistant ni Iesus. Matangkad ito, halos kasing tangkad ni Chi. May maamong mukha at maganda kahit na walang makeup. Medyo makapal lang ang kilay. Halatang hindi pa talaga nagagalaw ang mukha nito. Hindi morena. Hindi rin maputi. Tama lang. Sakto lang din ang tangos ng ilong at mapula ang mga labi. Bahagyang mabilog ang pisngi at mga mata.
Nabanggit nga sa kanya ni Balti na naghahanap ng assistant si Iesus. But she didn't expect na magiging babae 'yon. She looked so innocent. And sa tingin niya ay assistant nito ang babae sa paghahanap pa ng mga nawawalang bagay.
Does it mean... na kapareho rin ito nila Aurea?
Or normal lang?
"Iwan mo ba naman mag-isa sa bahay mong hanggang ngayon hindi pa rin nililimot ng panahon," asik pa rin ni Chi. "In-stress mo kaming lahat. Sa susunod mag-abiso ka naman."
Bahagyang natawa si Iesus sa screen. "Next time. Anyway, I have to end this call. My father is on the other line. I'll see you all tomorrow." Tumango lang si Chi. "Bye." At nag-end-call na nga si Iesus.
Lahat naman sila ay naibaling ang tingin sa babae. Kumurap-kurap ito, yakap-yakap sa kamay ang baso ng tubig na naubos na nito.
The woman gave them an awkward smile.
"Okay, girl, anong pangalan mo at anong matinding kasalanan mo noong nakaraang buhay para mapadpad ka sa lupain ni Iesus Cloudio de Dios?" Chi demanded, nakapamaywang pa.
Halatang hindi nito na gets ang pino-point ni Chi. "Po?"
"Pangalan mo at saan ka galing," Chi rephrased.
"A-Amora... Amora ang pangalan ko. Galing ako sa monastery ng mga madre... sa ano... malapit lang din dito -"
"Madre ka?" sigaw nilang lahat.
Lalong namilog ang mga mata nito. "Ah, ano, hindi pa..." Umiling ito at ikinumpas ang isang kamay. "I mean, papasok pa lang ako. Pero sa monastery ako nakatira. Ako nag-a-assist sa mga sisters doon. Mahabang kwento pero may pagkain ba kayo?" Nailapat nito ang isang kamay sa tiyan. "Kanina pa talaga ako gutom na gutom."
"Hindi ba 'yan dugo sa kamay at paa mo?" Simon asked.
"Hindi, nasagi ko 'yong lalagyan ng kechup sa kusina sa bahay at nadulas kaya mukha akong sinaksak," bahagya itong natawa. "Pero huwag kayong mag-alala. Hindi 'yan dugo."
"I'll get some," ni Math. "May nadala ako from Noah's Ark."
"Pagpalain nawa ng Dios ang kabutihan mo," sagot ni Amora rito. "Saka hindi ako nag-so-softdrinks. Pero juice, okay lang. Salamat ulit. Damihan mo rin ng ice."
"Sure!" Math smiled. "I'll be quick." Saka umalis.
Siniko siya ni Aurea, pigil na pigil ang tawa. "May iba akong pakiramdam sa isang 'to." Nakaramdam din si Mari kasi dumikit lalo sa kanila. "Uunahan ko na."
"Ano?" sabay nila ni Mari.
Ibinaling ni Au ang tingin sa kanya at kay Mari. "Ang babaeng 'to ang pipigtas sa pasensiya ni my lord." Sabay nilang tinignan si Amora. Wala sa mukha nito ang gumagawa ng gulo. Pero malakas pakiramdam niya na one of these days. Hindi lang karagatan ng Faro ang mahahati kapag nagalit si Iesus. Pati buong lupain ng Faro de Amore ay mabibiyak.
"Pero bago 'yan," basag niya. "Gigisingin ko muna 'tong si Ser at baka matuluyan na namang mahimlay."
Tawang-tawa ang dalawa.
"Dasalan mo ng prayer for the Faithful Departed," suggest pa ni Au. "Eternal rest grant unto Bartholomew Juarez, ganern."
"Gage!" tawa niya.
"Ako na bahala sa pa biscuit at kape," segunda pa ni Mari.
"Ay ewan! Natatawa na lang talaga ako."
"Mahal mo naman e. Matawa ka lang," ni Au. "Ako nga e. Sa sobrang talino ni Tor. Tinanggap ko na lang na ang katotohanang hindi lang height kinapos sa'kin. Pati na rin utak ko hindi na nag-grow. Sana all, Marison Savio." Bumaling ito kay Mari. "Hudas man ang asawa. Pero Hudas the cooking? Jude. Hudas the laundry? Jude." Tawang-tawa sila ni Mari. "Hudas the caring of the twins? Jude."
"Oy, share naman kami."
Aurea grinned. "Kaya ikaw, Nin, it's your time to shine. Bawiin mo 'yong mga times na pinahirapan ka ni Ser. May habambuhay ka nang gantihan si Bartholomew Juarez."
Natawa siya. "Naglista na nga ako."
"Very good," tinapik nito ang balikat niya, "fast learner. Dapat sa atin dumadami."
"Parang nakakatakot tayong dumami," aniya.
"Sila mag-adjust."
"I agree," dagdag pa ni Mari, "with Au, of course."
INILAPAG niya ang basket ng bulaklak sa puntod ng kanyang ama. Kasama niya si Balti na bumisita rito. Actually, dati pa naman ay sumasama na ito sa kanya kapag nga bumibisita siya. Matagal na nga lang simula noong huli.
"Bumisita si Mama noong Lunes," basag niya.
Tumulong si Balti sa pagsindi ng kandila. "Hindi ka sumama?" Inalis niya naman ang mga dahon sa puntod.
"Hindi kasi sabi mo dadalaw ka nga."
Natawa ito. "Ang tagal ko nang hindi nakakadalaw. Nagtatampo na siguro ang tatay mo sa'kin." Naupo ito sa damohan.
"Magtatampo ba 'yon sa'yo?" she chuckled, saka naupo sa tabi nito.
Hindi naman na mainit. Sinadya nilang bandang alas singko na bumisita. Mga ganoong oras dumadalaw halos ang mga tao.
"Bata pa lang ako ay pinakilala ka na niya sa'kin."
"Baby pa ako noon malamang."
Natawa ulit ito. "Wala pa nga yatang one year old." Napangiti siya sabay baling ng tingin niya kay Balti. He also glanced at her. "And who would have thought that his daughter will save that young boy's life?" Napangiti siyang lalo rito. "Thinking about it. Naisip ko, sana nabigyan ako ng pagkakataon na mas makilala ang ama mo. You loved and admired him. He was the best father in your life. And he had raised his daughter well."
"He was not perfect, but he was still the best father. We love our parents despite their imperfections. Kaya nga naging unconditional ang love kasi may mga tao sa buhay natin na hindi natin kayang i-unlove. And it's rare to love unconditionally." Inilabas niya sa bag ang tree of life journal ng ama at inabot kay Balti. "May last entry sa journal niya na sa tingin ko ay para sa'yo." Bumaba ang tingin nito sa journal bago ulit nag-angat ng tingin sa kanya. "It was a short letter. Binasa ko na 'yan. It didn't make sense before pero nang balikan ko ulit. Alam ko na kung para kanino ang last entry."
Walang date sa entry, but based with his words. He wrote this days before he died. Nasa high school na siya noon at kakakilala pa lang nila ni Balti.
Inalis nito ang tali sa journal at binuklat sa huling pahina.
Balti read the letter silently.
Hindi ko alam kung para saan ang sulat na ito. Pakiramdam ko ay may nagawa akong malaking kasalanan sa isang tao na hindi ko na kailanman makikilala. Hindi naging madali ang buhay ko sa nakalipas na taon lalo na nang magkasakit ako ngunit pinasaya naman ako ng aking asawa na si Carol at ng aking prinsesa na si Niña. Ang dalawang babae sa buhay ko na habambuhay kong mamahalin hanggang sa huli kong hininga.
Ngunit ramdam kong bilang na lamang ang araw ko sa mundong ito at marahil hindi ko na mahahanapan ng sagot ang ilan sa mga katanungan sa aking isip. Lalo na sa batang nakilala ko labindalawang taon na ang nakalilipas. Ang galit sa mga mata niya at ang mga salitang tila punyal na gusto niyang itarak sa aking puso ay sobrang nagpaisip sa akin.
Marahil hindi ko lang alam. Marahil ay may nasaktan talaga ako. Hindi ko na susubukang alamin pa ang dahilan. At kung ano man iyon. Sana ay mapatawad ako ng batang 'yon. Kung siya man ang taong nasaktan ko. Ayokong lisanin ang mundong ito na hindi nakakahingi ng patawad. At sana mabigyan ng paraan ng langit para maipadala ang liham na 'to sa kanya.
Patawad.
Buong puso akong humihingi ng patawad.
Tears welled up from his eyes pero sumilay pa rin ang ngiti sa mukha ni Balti. "Thank you," baling nito sa kanya. "Thank you for coming into our lives, Nin. Niligtas mo kaming pareho ng ama mo." He cupped her face and planted a kiss on her forehead. "I love you." Niyakap siya nito at hinalikan sa sintido. "I love you so much."
"I love you, too." Gumanti siya ng yakap dito. "At salamat sa pagpapatawad mo sa papa ko." Naiyak na siya sa pagkakataon na 'yon. "Hindi man niya naabutan pero naniniwala siyang dadating pa rin ang panahon na mapapatawad mo siya."
"He loved you so much and he made you happy." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinaplos ang kanyang basang pisngi. He brushed a thumb to wipe those tears. "How can I hate a man like him? How can I hate the person whom Ninin loved the most?"
Lalo lang siyang naiyak. Isisisi na niya 'to sa hormones niya. "Thank you."
"Our child," bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan, "has the best lolas and lolos in the world," saka inilapat ang palad doon. "The best tita, ninongs, and ninangs." Nakangiting inangat nito ang mukha sa kanya. "Sure na sure ang regalo every month. Twelve Ninongs, from January to December."
Tawang-tawa siya.
"And three not-so-fairy-godmothers," he chuckled.
"Sino?"
"Aurea, Mari, and Chi."
Mas lalo siyang natawa. "Nililibak mo na naman ang tatlong 'yon. Parang 'di ikaw ang leader ng grupo n'yo ah."
"Nah, sanay naman na 'yon sila."
"Ayaw mo gawing ninang si Maha?"
"Huwag na. Ayokong mawala sa landas ang anak natin. At least doon sa tatlo. May matino pa naman akong nakikita sa kanila."
Ang sakit na ng panga niya kakatawa. "Ang harsh mo talaga sa kapatid mo."
"I know." Malakas itong tumawa. "Well deserved."
"Gage! Pero, Bal, naisip ko lang din."
"Ano?"
"About the old man who gave me the love spell. Sa tingin mo konektado rin siya sa buhay natin? Or ni Iesus?"
"Maybe. Actually, dalawa na sila sa listahan namin."
"Sino?"
"'Yong misteryosong bata sa likod ng music box ni Mari. And the old man you met at the light house na nagbigay sa'yo ng gayuma. Sa ngayon mahirap silang hagilapin. But if may connection talaga sila sa nakaraan or kay Iesus. I'm sure magpapakita ulit ang mga 'yon."
"Sabagay."
"HUH?" Sending failed 'yong reply niya kay Balti. "Ang weird. Kakaload ko lang kahapon ah. Wala na agad?" Ibinaling niya ang tingin kay Chi. "Chi, pahiram ng phone mo saglit."
"Here." Inabot nito sa kanya ang phone nito nang hindi siya tinitignan. Busy ito sa kakatawa sa pinapanood nitong Kdrama sa iPad nito.
Nasa boardwalk sila. Maganda ang panahon at hindi rin mainit. Kaya nandito rin sila Au at Mari with their babies. Their husbands are with them. James is carrying Aurora. He looked so happy habang hinuhuli-huli ng mga maliit na kamay ni Aurora ang mga daliri ng tito nito.
Nay Lourdes and Nay Celia, as usual, nag-a-add-to-cart na naman.
Simon, Jam, and Juan joined Iesus and Sep. Sabi mangingisda raw. Kanina pa ang mga 'yon sakay sa yate ni Sep. Vier is with Drew in the other table - two tables away to be exact. Busy si Drew sa kung anong ginagawa nito sa harap ng laptop nito. Katabi nito si Vier pero nagbabasa lang naman ito ng libro habang umiinom ng kape.
Pauwi pa lang si Balti. May biglaang meeting lang sa school with Mama Bea. Math? Hindi niya alam kung na saan. She saw Thad earlier kaso biglang nawala. Milagro nga at nauwi 'yon. Pero mukhang may malalim na iniisip.
At hindi pa niya nakikitang lumabas ngayon si Amora. Actually, madalang niya makitang lumabas nga. Sabi ni Chi madami raw pinapagawa si Iesus dito. Tulad kahapon, may pinahanap daw na libro si Iesus kaso sobrang tagal na raw 'yon. Hindi pa nga yata sila pinapanganak. Malamang sa pinakadulo at pinakaunang shelves na 'yon nailagay.
Kaso sa kwento ni Vier, naitumba nga raw ni Amora ang isang shelf at nadamay ang mga kalapit na shelves. Hindi niya alam kung maawa siya o matatawa siya. Kaya siguro 'di nakakalabas dahil pinapapaayos ni Iesus ang library. Sa laki ng library ni Iesus. Goodluck!
"May tatawagan ka?"
"Hindi, nagda-drive si Balti, iti-text ko lang. May number ka ba niya rito?"
"I'm not sure. Nagpalit ako ng phone e. Hindi yata naka saved sa sim ang mga numbers pa. Type mo na lang."
"Okay."
Nag-text kasi si Balti na dadaan daw ito sa supermarket. Ano ba raw ipabibili niya? Nagki-crave siya ng dragon fruit. Mayroon namang ganoon sa supermarket. 'Yong sliced na.
Gusto ni baby ng dragon fruit saka 'yong cookies and cream na ice cream. Nagki-crave ako. Bili mo ako, pls. Bilisan mo. Dala ka na rin ng snacks. Nandito kaming lahat sa boardwalk. At huwag ka na magreply. I love you, Ma /
Napasinghap siya nang ma send niya bigla.
Naibaling ni Chi ang tingin sa kanya. "Okay ka lang, Nin? Gulat ka riyan?"
"Wala." Ngumiti siya rito para pagtakpan ang kagagahan niya. Hindi pa rin kasi sila umaamin ni Balti na buntis siya. "Huwag mo na ako pansinin." Hay naku! Huwag na nga lang. Matalino naman 'yon. Maiintindihan na 'yon ni Balti. She deleted the message and made sure wala na 'yon kahit sa outbox ni Chi.
"Annyeong!" Dumating si Maha at nilapag ang dala nitong milktea sa mesa. "Hindi pa ba bumabalik ang yeobo ko?" Humila ito ng silya at naupo sa katapat ni Chi.
Inilapag lang niya sa mesa ang phone ni Chi at naging busy na ulit siya sa pag-inom ng lemon juice niya.
"Kung ako rin naman si Juan 'di na rin ako babalik kung ikaw lang din naghihintay," mataray na sagot ni Chi. Naningkit ang mga mata ni Maha. Natawa lang siya. Sa iPad pa rin naka focus ang atensyon ni Chi. Yakap-yakap na ngayon ang isang buong lalagyan ng stick-o.
"Matatanggap mo rin relasyon namin."
"Wala namang kayo."
"Aish!"
"Hinihintay kong sabihin ni Juan na kausapin na kita para alukin ka ng pera para layuan siya." Chi lazily glanced at Maha. "Kaso naisip ko na aksaya ng pera. Kaya diretso na sa buhusan ng tubig. Pero for a change, kumukulong tubig na lang." Ngumisi pa ito.
Napamaang si Maha. "Woah!" Bumuga ito ng hangin. "Yaaa! Neon michyeosseo?!"
Madalas nalilito na siya kung magkaibigan ba ang dalawang 'to o mortal enemies? Sa tuwing iniisip niya ang huli ay nakikita niya naman ang dalawa na nagsasamgyupsal sa rooftop at umiinom ng soju. Pwede na siguro ang frenemies with benefits.
"Nin, kausapin mo nga 'yang si Chizle Priscilla."
"Kausapin mo sarili mo," pabalang na sagot ni Chi.
"Aish! Nanggigil ako sa'yo. Isusumbong na talaga kita kay my lord."
Mapang-asar na ngumisi ito. "Wala kang proof." Chi sticked her tongue out. "Mind your own business, Maharlika."
"Hi, girls!" Dumating si Math at inilapag sa mesa nila ang dalawang malalaking eco bag. "I brought some snacks."
Hinubad nito ang itim na sunglasses sa mata at inipit 'yon sa harapan ng gray shirt nito. Nakatalikod ito sa araw kaya nagliwanag tuloy sa paningin niya ang gwapong mukha ni Math lalo na nang ngumiti ito. Dati na talaga niya napapansin na sobrang charming ng ngiti ni Math. A smile that can make any woman knees melt. Pero syempre, faithful siya sa smile ng Balti niya.
"Balita ko nandito lahat sa Faro." Hinila nito ang silya sa kabilang table at naupo sa tabi ni Chi - naka di quatro ng upo. "Nin, saan si Ser?" Iginala nito ang tingin sa paligid. "I saw Thad outside his house. Inaya ko 'yon pumunta rito."
"Galing 'yon dito kanina," sagot ni Chi.
Bumalik ang tingin ni Math sa kanila. "Really?"
"Nakita ko rin," dagdag ni Maha. "Tinitignan niya ang garden niyang wala naman gaanong halaman at bulaklak. Ako lang ba? Pero ang weird na malaki garden ng bahay niya pero ang plain."
"Wala naman siya lagi, so how can he maintain a garden?" ni Chi. "Unlike ni Ser na kada uwi niya from school kaulayaw na agad mga halaman at bulaklak." Natawa siya roon. Totoo!
"Sabagay," Math and Maha both agreed.
"Pero sabi naman niya ay susunod siya," dagdag ni Math. "May tatawagan lang daw siya. Let's just wait for him. Minsan ko na lang 'yon makita rito sa Faro. Pumalit na talaga 'yon nang tuluyan kay Sus." Tumawa ito pagkatapos.
"Sila Juan na yata 'yon." Sabay-sabay silang napatingin sa may dagat.
May nakikita na silang yacht na palapit sa boardwalk. Pamilyar na siya sa yate ni Sep lalo na sa flag ng Alquiza. Kaya tama si Maha. Sila Sep na nga ang mga 'yon.
"Sila na nga 'yan," ni Math.
At nang medyo malapit na e nagulat sila nang marinig ang boses ni Iesus mula sa yate mismo. "MATHIEU DMITRY BRANDAEUR!" Alam nilang lahat na boses 'yon ni Iesus. May specific tone talaga ang boses ni Iesus lalo na pagdating kay Mathieu.
"What did I do?" Inosenteng napatingin sa kanila si Math.
"MATHIEU."
"Shit!" Napatayo si Math. Sumunod si Chi. Bumakas ang pagpa-panic sa mukha ng dalawa. "Chi? Care to explain?"
"I-I don't know. Wala naman akong ginagawa."
Nakita nilang lumabas si Iesus mula sa loob at bigla na lang tumalon sa dagat. Napasinghap silang lahat. Wait! Anong nangyayari? Pati sila Simon, Juan, at Jam ay napatingin sa ibaba ng yate para tignan kung safe bang nakababa si Iesus.
"Maha?!" baling ni Chi rito.
"Wala akong alam dito, promise!"
"Then what is happening?" ni Math. "Bakit galit na galit si Iesus?"
Hindi rin nagtagal ay nakita na nilang basang-basang naglalakad si Iesus galing sa floating dock paakyat na sa boardwalk. Marahas na hinawi nito ang basang buhok. Tila bagyong nangangalit ang asul na asul na mga mata nito.
"Mathieu."
"Sus?" Tumawa si Math pero halatang sinubukan lang nitong pagtakpan ng tawa ang kaba. "Anong atin? May nagawa na naman ba akong mali? Kalmahan lang natin."
Mabilis sigurong nakadaong si Sep dahil humahangos nang tumatakbo sila Juan at Simon. "My lord!" Inabot ni Simon ang cell phone kay Iesus.
"Sus, anong problema?" Lumapit na rin sila Vier.
Napansin na din niya si Thad.
"Chizle Priscilla Garcia are you pregnant?!" demand agad na tanong ni Iesus.
Natutop niya ang bibig. Nanlaki ang mga mata ni Chi pero bakas ang pagkalito. Nasundan talaga niya ang marahas na pagbaling ng tingin ni Math dito. Gulat din. Actually silang lahat gulat sa rebelasyong 'yon.
"Answer me!"
"No!"
"Mathieu."
"Why would you think na ako ang ama?"
Marahas na ipinakita nito sa kanila ang screen ng cell phone ni Iesus. Malinaw naman ang nakasulat dahil medyo malaki ang font size. At dahil nga malinaw. Napasinghap ulit siya sa sobrang gulat niya.
Anak ng lesson plan! Na wrong send ako!
Gusto niyang kutusan ang sarili. Sino ba namang hindi maghihinala kung 'yong last message ay, I love you, Ma - no pwede ring typo ng I love you, Math. At saka hindi siya nagpakilala sa message.
Huwag mong sabihing isang numero lang pagkakaiba ng number ni Balti at ni Iesus???
Napalunok siya.
"Explain this to me, Chizle."
"Sus, hindi akin 'yan."
"It's your number." Naniningkit ang mga mata ni Iesus sa pagkaseryso. Hindi pa naman yata 'yon galit. Mas nakakatakot yata kung galit na talaga 'yon.
"Hindi ako buntis! Hindi sa'kin 'yan." Naglakad si Iesus palapit sa mga eco bag na dala ni Math. Ilang beses nang naisuklay ni Math ang kamay sa buhok. Dapat na yata siyang umamin. "At saka wala nga kaming relasyon ni Math."
"Then what are these for?" Isa-isang inilabas ni Iesus ang dalawang plastic Tupperware ng sliced dragon fruit at isang one-gallon ng cookies and cream ice cream. God! Bakit may ganyan ka Mathieu?! "You clearly requested for these."
"Hindi nga akin 'yan! Bakit ba ayaw mo maniwala?"
Niña, magsalita ka na bago pa mahati ang dagat sa Faro. "Ahm -"
"Yes, Niña, may sasabihin ka?" Bumaling si Iesus sa kanya.
Lalo siyang napalunok. Feeling niya babaliktad ang sikmura niya. Kaya mo 'to, Niña! "Ahm, ano..."
"Yes?"
"Akin 'yan!" Napatingin ang lahat sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi at napangiwi. "Hiniram ko phone ni Chi kanina. Para 'yan kay Balti. 'Yong I love you, Ma... typo 'yon. Mahal talaga 'yon."
"Buntis ka?!" sigaw ni Maha.
Tumango siya. "Oo. Two months na. Hindi pa lang namin sinasabi ni Balti."
"Then why do you have these?" Bumaling si Iesus kay Math.
"Favorite ko ang dragon fruit," sagot ni Math. Bumakas ang relief sa mukha nito. "And Simon requested for a cookies and cream na ice cream."
Iesus glanced at Simon. "Is it true?"
"Ahh... wait... parang nag-text nga ako kanina kay Chef." Mabilis na in-check nito ang phone. "Tama! Meron nga." Pinakita nito ang message kay Iesus. "Nagtanong kasi siya."
"Gago ka ba?" Chi snapped. "Tumalon ka sa yate para lang diyan?!"
"Don't remind me." Iesus sighed exasperatedly. "Sorry, Math."
"It's fine."
"Sus!" Dumating si Jam at sinampay sa ulo nito ang puting tuwalya. "Langya! Kinabahan kami sa'yo." Tumawa ito pagkatapos. Nakasunod dito si Sep na ngiting-ngiti habang ngumunguya ng green apple. "Ano, totoo ba?"
Umiling si Iesus. "No, si Niña ang buntis."
Marahas na naibaling ni Jam ang tingin sa kanya. "Woah! Meaning, totoo na talagang daddy teacher si Ser? Congrats, Nin! Saan na si Ser?"
"Pauwi pa lang."
"Omgggg!" Lumapit at yumakap sa kanya si Maha. "Magiging tita na ako. Meaning, pwede na akong magkajowa. Mag-aasawa na si Kuya. Magkakaapo na sila Mama. Wala na ang sumpaaaaa!" Hinalikan siya sa pisngi ni Maha. "Nin, I love you! Hulog ka talaga ng langit."
Kailan pa na sumpa si Maha?
"Huwag n'yo na pansinin 'tong si Iesus." Vier patted his left shoulder, tawang-tawa. Mukha pa ring basang sisiw si Iesus. Actually, basang sisiw na gwapo. "Ganyan talaga kapag tumatanda. Paladesisyon."
Natawa silang lahat.
Madalas formal magsalita si Vier. Nakakatawa lang kapag nagbibitaw ito ng mga salitang 'di naman nito masyadong ginagamit.
"Not funny," matalim ang tingin ni Iesus sa pinsan. "Aw!" Nalipat ang masamang tingin kay Chi nang batukan nito ang pinsan. "Chizle Priscilla!"
"Pinakaba mo ako kanina!"
"Bakit ka kakabahan kung wala naman pala kayong relasyon ni Mathieu?!"
"E mukha kang papatay!"
"Hindi ko gagawin 'yon."
"Sure ka?"
"Bahala ka sa buhay mo!" Tumalikod si Iesus at nagmartsa palayo na tumutulo pa rin ang damit at buhok. Nakasampay lang ang tuwalya sa balikat. Lumilikha ng tunog ang strapped sandals na suot nito dahil sa naipong tubig. "Mag-celebrate tayo mamaya!" Kumaway ito patalikod. "Libre ko na lahat ng o-orderin n'yo sa Noah's Ark."
"Ayon oh!"
"Woaaaaah!"
"We love you Cloudioooooooo!"
"Hahaha!"
Akala niya maiinis si Math pero natawa lang ito. Umakbay rito si Sep at parang bunsong kapatid na ginulo ang buhok ni Math. "Naidaong ko tuloy nang wala sa oras ang yate ko para sa'yo."
"Aminin Math kinabahan ka kanina," tudyo pa ni Simon.
"Walangya kaaaa!"
"Nin, saan na ba si Ser?" Tawang-tawa pa rin si Simon. "Aside from Iesus. Bartholomew is the tree of life and chismis in Faro de Amore."
"Meron akong proof."
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Chippy. "Niña Rosella Marzon!"
"Soon to be Juarez," nakatawang dugtong niya na sobrang ikinatawa ng lahat.
Susugurin sana siya ni Chi pero humarang si Maha at nagpatintiro na ang dalawa sa harap niya. Kinuyog naman si Math ng tukso ng mga kaibigan nito. Haha!
"NIN sobrang saya ko talaga for you." Hinawakan ni Maha ang dalawang kamay niya. "As in super talaga. Naiiyak ako. Wait." May luha ngang umalpas sa mga mata nito.
Hinila siya nito palayo sa ibang mga kaibigan nila. Natuloy ang celebration nila. At ayon na nga, tinutukso na si Balti ng mga kaibigan nito. Magkaayos na ulit sila Math at Iesus. Magkatabi pa nga.
"Gage, ang OA, ha?"
"Shuta ka! Centuries in the making ang BalNin. Payakap nga ulit." Umiiyak nang niyakap siya ni Maha. Napangiti siya nang sobra. "Ang saya ko lang talaga. Tapos magkakaroon na kayo ng baby ni Kuya. Sana hindi magmana sa kanya." Ang lakas ng tawa niya. "Kahit luhuran ko na lagi sa simbahan lumaki lang at magmana ang pamangkin ko sa'yo. Huwag na kay Kuya."
"Marinig ka pa ng kuya mo."
"Bahala siya sa buhay niya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Ahhhh." Naiyak ulit ito. Binitiwan siya nito para paypayan ang luhaang mata ng mga kamay. "Happy tears! Happy tears! Hindi ako super perfect friend talaga pero dati ko pa talaga gusto na maging kapamilya ka. And soon, in just a few weeks more ay magiging Juarez ka na. Awww." Niyakap ulit siya nito. "Mahal na mahal ko talaga kayong dalawa."
"Thank you, Maha."
Naisip niya na malaki rin ang ambag ng pagiging magulo ni Maha. Mas nasubok ang katatagan niya pagdating kay Balti at mas napatunayan niya kung gaano niya kamahal ang magkapatid.
Mahirap silang mahalin but they're worth it.
"No, thank you, Niña."
She smiled. "You're always welcome, Maha."
"BALITA ko iniyakan mo ako?"
Tor's forehead creased. "Did Niña tell you that?"
Malakas siyang natawa. Pareho nilang naisandal ni Tor ang likod sa railings sa boardwalk habang tinatanaw ang mga halos lasing nang mga kaibigan.
"I did."
He glanced at him. "Sinasabi ko na nga ba."
Natawa si Tor. "Gago!"
"Hindi kita iiwan oy. Kapag nauna ako. Mumultuhin kita para samahan mo ako sa kabilang buhay."
"Sabi nga ni Niña," Tor chuckled. "Kaso sa langit ba talaga punta mo o sa impyerno?"
"Wow, nagsalita ang pinakamabait."
It was Tor's turn to laugh out loud. "Yawa jud ka oy."
"Pangalawa lang sa'yo."
"Kaya nga magkaibigan tayo."
Pareho siyang napabuga ng hangin. The smiled remained on their face. "Alam mo ba -"
"Hindi ko pa alam," he chuckled.
Natawa lang ulit siya. "Sabi ko nga. Pero seryoso. Hindi ko alam paano tayo naging mag-bestfriend noong nakaraang buhay."
"Baka nga hindi talaga."
"I doubt. BalTor tayo. Walang Balti kung walang Tor at walang Tor kung walang Balti. Solid ang friendship nating dalawa. Naisulat na ang kapalaran natin sa malapad mong noo."
"Gago!"
"Second to you."
"Tumino ka na. Magiging tatay ka na."
"Ang bilis lumangoy ng anak ko. Ipapadala ko 'yon sa Olympics kapag lumaki na siya."
"Magkaroon ka ba naman ng mga magulang na 'di marunong lumangoy."
"Wow naman! Hiyang-hiya naman kami sa asawa mong hanggang 4ft lang ang kayang languyin. Sabagay puwede namang gawing salbabida ang noo mo." Asar na hinampas siya nito sa likod. Ang lakas tuloy ng tawa niya. "Hahaha!"
"Four eyes!"
"Madaming nakikita ang mga matang 'to."
Napailing na lamang si Tor sa kanya. "Ewan ko sa'yo. Edad lang talaga tumanda sa'yo Bartholomew." Sa mga sumunod na segundo ay pareho na silang na tahimik bago ulit ito nagsalita. "But I know you will be a great dad." May tipid na ngiti sa mukha.
"You think so?"
Tor nodded. "You will."
Ngumiti siya rito. "Thank you."
"Masaya ako na sa wakas umamin ka na rin na mahal na mahal mo nga si Niña. You know, one thing I've learned in life... is being true to yourself... and it's not a sign of weakness. In fact, the best love that you can give to yourself is by being honest with your own feelings and fears. Without that honesty, you will never understand yourself. You will always be stuck and you can never move forward. You have to face it at some point... maybe not abruptly... one fear at a time is still progress."
"Iba talaga nagagawa ni Auring sa'yo."
Natawa ito. "Stress."
"Kaso mahal mo e."
"'Yon lang, mahal ko. Kale Thomas, adjust."
"Walangyang pagmamahal 'yan."
"Huwag na tayong magreklamo. Masaya naman na tayo."
"Sabi ko nga."
KUMATOK siya sa nakabukas na pinto ng classroom ni Niña. Hindi pa nga siya nito nililingon ay ngiting-ngiti na siya.
"Hi, Ma'am Juarez."
Aw, that beautiful smile of my wife.
Natawa ito. "Bakit po, Sir Jaurez?"
His wife is glowing. Lalo yata itong gumaganda sa mga mata niya. Sabagay wala naman talagang araw na hindi maganda si Ninin. Kahit na galit ito sa kanya ay maganda pa rin ito. Maliban na lang siguro kapag inalis niya mga salamin sa mata. Ibang usapan na 'yon.
Blurred!
"Ma'am, wala na pong tao sa school. Uwi na raw po." Lumapit siya at kinantalan ng halik sa noo ang asawa niya. Bumaba ang isang kamay niya sa umbok na nitong tiyan. "Mukhang pagod na ang mag-ina ko ah."
Medyo halata na talagang buntis si Niña. Mas lumalapad ang balakang ng Ninin niya.
"Hindi pa naman."
"Gutom ka na?"
"Medyo lang."
"Upo muna tayo." He lead her sa isa sa mga arm chairs ng mga estudyante nito sa harapan. "May isa-submit lang po akong assignment." He sat next to her. "Paki-check naman po if tama." Inilabas niya ang itiniklop na papel mula sa bulsa ng kanyang slacks.
"Ano na naman 'yan?"
"Love letter," he chuckled.
Natawa ito. "Pauso ka na naman diyan. Akin na." Ito na ang umayos sa nagusot nang papel. "Ito lang yata ang ginawa mo buong araw."
"Oy, hindi ah. Nagturo ako."
"Talaga?"
"Nagturo akong magsulat ng love letter sa mga bata."
Natawa lang ulit ito. Lalo lang tuloy siya na-in-love kay Ninin. A good problem na wala siyang balak hanapan ng solusyon. Namilog ang mga mata nito. Tinitigan lang niya ito. He's trying to catch all of her emotions. Saka pinaghirapan din naman niya 'yon.
"Hoy!" Malakas na natawa ito. "Seryoso?"
"Check mo na, ma'am, bagal e." Inabutan niya ito ng pulang ballpen. "Huwag mo nang tipirin ang score."
"Wait lang, babasahin ko nang maayos."
I have loved you only in my mind - Kaya ako nakapagkamalang baliw e!
But I know that there will come a time - Hindi ako manghuhula pero paladesisyon ako XD
You'll feel this feeling I have inside - Alam ko talagang the feeling is mutual :3
You're a hopeless romantic is what they say - Hanapin ko sino nagsabi. Ang legit! Hahaha!
Falling in and out of love just like a play - Tagutaguan maliwanag ang noo ni Tor. Joke! Basta taguan ng feelings. Mahuli taya. Bawal ma fall. Gayuma is the key.
Memorizing each line - Buti na lang magaling ako sa memorization. Sauludo ko ang alphabet lalo na ang U and I. <3 <3 <3
I still don't know what to say - Sa daldal ko. Akalain mo 'yon?
What to say - Paulit-ulit? Bingi?
Don't know what to do - Paano ba kita lalandiin Ninin?
Whenever you are near - faaaar! Wherever you are. Ako ang iyong Jack at ikaw ang aking Rose...lla.
Don't know what to say - ewan kung bakit crush kita. Ay mali, ibang kanta pala 'yon. XD
My heart is floating in tears - nalunod na nga si Bartolome sa sarili niyang mga luha. Haha!
When you pass by, I could fly - Balti, masamang pangitain na talaga 'to. Papunta nang ka aswangan ang pagmamahal mo kay Ninin. Rawr!
Every minute, every second of the day - Lumala na nga! Naging orasan pa! Bwahahaha!
I dream of you in the most special ways - Gaano ka special ba? SPGhetti... joke! I love you, Nin. Forgive me, I have sinned. I promise to do it again. XD
You're beside me all the time - And I'm beside you all the time. Wushuuu! Hahahaha!
All the time - Sana all XD
Ang lakas ng tawa ni Niña. "Gage ka!" Namumula na ang pisngi nito kakatawa. Wala yatang linya na hindi nito tinawanan. Naniningkit pa ang mga mata. "Anong klaseng love letter 'to?"
He chuckled, "Sagot ko sa love letter mo na inspired sa kanta ni Jolens."
"Ayoko na." Tawa pa rin ito nang tawa. "Ang sakit na ng panga ko."
"Dahan-dahan lang baka matanggal na 'yan -" Pinalo siya nito sa dibdib. Tinawanan lang niya ang asawa niya. "Oy seryoso ako!"
"Kakainis ka!"
"Mainis ka lang. Mamahalin pa rin kita." Kinuha niya ang cell phone at pinatugtog ang kantang isinulat niya sa papel - Don't Know What To Do, Don't Know What To Say. "Ma'am." Hinawakan niya ang kamay ni Niña at maingat na hinila patayo.
I have loved you only in my mind but I know that there will come a time...
Iniwan niya ang cell phone sa upuan at inilagay ang kamay nito sa kanyang balikat at baywang. Kasabay ng kanta ay isinayaw niya ito.
You'll feel this feeling I have inside.
"Remember our first dance?"
Bahagya itong natawa at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib. "Makakalimutan ko pa ang mga pinag-aralan ko kaysa ang gabing 'yon." Lalo siyang napangiti.
"Mahal na mahal mo talaga ako, Ma'am."
"Sa tingin ko naman ay the feeling is mutual, Ser."
Don't know what to do whenever you are near. Don't know what to say my heart is floating in tears. When you pass by, I could fly.
He rested his head on his wife's head.
"I love you, Ninin."
"I love you, too, Balti."
"I love you more."
"I know."
Out of all the spells that Bartholomew Juarez managed to remember. There is one greatest spell in this world that I will never regret learning.
It's how to spell... love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro