Kabanata 6
"AW!"
Dinala niya sa bibig ang nasugatang daliri. Sinipsip niya ang dugo saka hinugasan ng tubig. Napangiwi pa siya. Mahapdi pero 'di naman malalim. Dumulas ang pagkakahawak niya sa kutsilyo. Nadali 'yong daliri niya habang naghihiwa ng patatas.
"O, Ate Nin, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Kath, tumayo ito sa kanan niya at sinilip ang nangyari sa kanya. "Nasugatan ka? Ouch. Masakit?" Napangiwi pa ito.
"Magtaka ka kung hindi."
Tumawa ito. "Sino ba iniisip mo at lumipad utak mo?"
Pinaningkitan niya ng mga mata ang pinsan. "Bakit naman ganyan ang tanong mo?" Iniwan niya ito at hinanap ang first aid box sa isa sa mga cupboards sa kusina. "Anong connection nun?" Nakasunod pa rin ito sa kanya.
"Wala lang, kasi maingat ka naman sa kusina. Baka ko, may iniisip ka. Si Kuya Balti ba?" May malokong ngiti sa mukha nito. "Hinatid ka na naman niya kanina ah. Nanliligaw na ba si Kuya Balti sa'yo?"
Nilapatan niya ng gamot ang sugat. "Ikaw, napakamalisyosa mong bata. May hinatid lang ako sa bahay nila. May date 'yon ngayon kaya hinatid na lang din niya ako." Sinunod niya ang bandaid.
"So?"
"Anong, so?"
"So what? Date lang naman e. Lupa nga naagaw. Si Kuya Balti pa kayang single pa rin naman – aw!" Napangiwi ito nang paluin niya sa braso. "Ate Nin, naman e!"
"Ang daming mong alam sa mga ganito? Siguro ikaw nanliligaw sa mga crush mo?"
Bumungisngis ito. "Hindi ah." Kath flirtatiously flips her hair. "Sa ganda kong 'to? Sorry na lang sila. Kapag niligawan nila ako. Itatapon ni Tita Carol sa kanila ang timbangan ng bigas. Kumbaga, for your eyes only lang muna ako."
Natawa tuloy siya. "Gage! Gandang-ganda ka riyan sa sarili mo."
"Naman! Kaya kung ako sa'yo Ate Nins. I-goal mo nang maangkin si Kuya Balti. Maganda ka naman e. Mabait. Saka winner sa balakang. Perfect na perfect for conceiving the heirs of Bartholomew Juarez. Balakang pa lang ni Niña Rosella Marzon pang top student na!" Binato niyang bandaid ang pinsan. Tawa lang ito nang tawa. "Seryoso ako!"
"Alam mo, ang mabuti mong gawin para may ambag ka ngayong gabi. Umalis ka sa harapan ko at maglagay ka nang plato at baso sa mesa."
Tawang-tawa pa rin ito. "Trust me, Ate Nins. Feeling ko talaga naghihintayan lang kayo ni Kuya Balti. Galaw-galaw na. Baka torpe lang talaga si Ser mo."
"Ewan ko sa'yo. Umalis ka na nga."
"Okies! Sarapan mo luto mo."
Napailing na lamang siya. Iniwan na rin siya ni Kath. Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng shorts niya. It's almost 8 pm. Kanina pa siguro 'yon nakarating si Balti sa date nito.
She sighed.
Walang message na nag-pop sa screen ng phone niya. Maybe he's already okay. Balti will call her in case something bad happens to him.
Ibinalik na niya ang phone sa bulsa at pinagpatuloy ang paghihiwa ng patatas.
"Sana all may date," bulong niya sa kawalan.
Napasimangot siya.
NAGISING si Balti na mabigat na mabigat ang ulo. Feeling niya naglasing siya ng buong araw. Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha at buhok. Malabo ang paningin niya dahil 'di niya suot ang salamin sa mata. Gusto niya magmura. Parang sampung beses siyang sinagasaan ng pison. Binalibag ng panda. Pinagpasa-pasahan ng mga unggoy.
"I fucked up," he sighed.
He couldn't remember a thing. Ang huling natatandaan niya ay ang eksena niya sa parking lot. That's all and nothing follows. Para siyang nagka-selective-amnesia.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto.
"Gising ka na." It was Maha's voice.
Ibinaling niya ang tingin sa kung saan nanggaling ang boses. "Nakauwi pala akong buhay?"
"Muntik nang hindi." Inabot sa kanya ni Maha ang salamin niya. "Buti na kalma ko pa sarili ko." Natawa siya habang sinusuot ang salamin. Hayan, malinaw na mukha ng demonyo niyang kapatid. "I called Vier. Hindi na kasi kita maintindihan. He instructed me to bring you home na lang muna. Inaapoy ka na nang lagnat. Buti pagdating ko sa Faro nasa bahay na sila Vier at Juan."
"Pinagamot mo ako sa vet? Anong tingin mo sa'kin hayop?"
"Oo, hayop ka!" Tawang-tawa siya. "Gage, malamang si Vier ang tumingin sa'yo. Hindi na nga 'yon natulog para bantayan ka. Alam mo bang umabot sa 40 ang temp mo kagabi. Buti na lang nadala sa gamot at bumaba naman mga bandang alas dose."
"That's weird."
"May sakit ka pala tumuloy ka pa sa date mo. Pa hero ka masyado. Papatayuan ka bang rebulto ng simbahan kapag namatay ka, ha? Nanggigil ako sa'yo."
Natawa lang ulit siya.
"Anyway, where's Vier and Juan?"
"Juan didn't stay. Si Vier lang at si Jude. Tor was here last night pero 'di niya pwedeng iwan si Au. Umuwi na 'yong dalawa. Matutulog daw muna sila. They will be back, siguro mamayang afternoon pa. Nagugutom ka na ba?"
"Hindi ka marunong magluto."
"Marunong na ako."
"Walang lasa."
"Aish! Alam ko na sasabihin mo 'yan. Pasalamat ka may chef kang kaibigan. Maaga rito kanina si Math. Nag-iwan siya ng lugaw para sa'yo. Iinitin ko na lang muna." Sinalat nito bigla ang noo niya. "Mukhang okay ka na. Hindi na bumalik lagnat mo."
"Pinaalam mo kina Mama?"
"Hindi pa. Kinausap ko rin 'yong si Rosary –"
"Rosalie," he corrected, pigil niya ang tawa.
"Whatever. I told her not to mention anything muna. Mukha naman siyang mabait. Saka kapag nalaman ni Mama tiyak akong isusugod ka nun sa ospital, baka ipa-ICU ka pa."
Hindi na niya napigilan ang tawa. "Adik ka!"
"E sa favorite son e. So ayon na nga, 'di ko sinabi. Sabi ko lang mag-o-overnight ako sa bahay mo kasi tinatamad na ako umuwi. Buti na lang gumaling ka. Akalain mong natatamaan pang sakit ang isang demonyong katulad mo."
"Are you referring to yourself?"
Maha rolled her eyes at him. "Magaling ka na nga." Tumayo na ito. "Anyway, iinitin ko na lang muna ang lugaw. Kaya mo bang bumaba o ihahatid ko na lang dito?"
"It's fine. Susunod na lang ako."
"Okay." Tinalikuran na siya ng kapatid niya at tinungo ang bukas na pinto. Pero bago pa man ito tuluyang lumabas ay ibinaling ulit nito ang tingin sa kanya. "Hoy! Idadagdag ko 'to sa mga utang mo. Bigyan mo kong discount ngayon buwan."
"Oo na! Oo na! Thanks."
"Hmmp!"
'Yon lang at umalis na rin ito.
Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Maha's face didn't change to Niña's. Normal na ba ulit siya? Ano bang nangyari sa kanya kagabi at inapoy siya ng lagnat? Hinagod niya ang lalamunan. Normal na rin. Wala na 'yong itchy feeling kahapon. Although mabigat pa rin ang ulo niya at masakit ang katawan niya.
Inabot niya ang cell phone sa mesita.
Bumungad sa kanya ang message notification sa screen mula ka Niña. Agad na binasa niya ang buong message nito. It was sent to him around 6 am. Mag-a-alas-otso na nang umaga.
Are u ok? Wla ba nmng side effects? – Ninin
Napangiti siya.
Wait! Why is he smiling? Mabilis na itinikom niya ang bibig. Pero nangangati talaga siyang ngumiti. Anak ng chalk!
He cleared his throat.
Mag-re-reply na lang muna siya.
Good morning, Ninin ko. <3 |
Bakit may pa heart? At anong, Ninin ko? Bartholomew, hindi na nga nagloloko mata mo. Utak at kamay mo naman pasmado. Delete! Delete!
I'm fine, thank you |
Bartholomew! Walangya, ano bang nangyayari sa'yo? Inalog-alog niya ang ulo. Ilang turnilyo ba sa utak niya ang lumuwag? Seriously? I'm fine, thank you? Kinder ka ba? Bumuga siya ng hangin. He deleted the message and composed another one.
I'm good. Usap tayo sa school sa lunes. Love you |
Delete!!!
I'm good. Usap tayo sa school sa lunes.
Matinding will power ang ginawa niya ma-i-send lang ang message nang hindi dinadagdag ang love you!
Sent.
Mabilis na inilayo niya ang cell phone pagkatapos. Tumayo siya at nagpalakad-lakad. There is really something wrong with him. Ang isip niya. Ang katawan niya. Parang may sariling mga isip.
"Niña," usal niya sa kawalan. Huminto siya sa paglalakad. "My beautiful Ninin." He sighed. Napahawak siya sa ulo niya. "Naboboang na ako. Hindi na 'to maganda. Maliban kay Niña kasi maganda siya." Marahas siyang bumuntonghininga. "Bartholomew, sinong duwende ang umusog sa'yo?"
Lumapit siya sa bintana para silipin ang labas. Napatingin siya sa bahay ni Tor.
"Si Aurea! Kailangan ko si Aurea. Tama. Relaks, Balti." Nag-inhale-exhale siya. "Si Niña lang 'yan. Si Niña na gusto kong pakasalan." He groaned in frustration. "Tumalon na lang kaya ako sa bintana? Yawa! Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit puro na lang Niña ang nasa utak ko? Niña Rosella, ano ba 'yong pinainom mo sa'kin?!"
Kinuha niya ang cell phone.
He needs to call her.
He needs to hear her voice – este – kailangan nilang mag-usap. Pero 'di niya naman alam kung bakit napunta siya sa photo gallery ng cell phone niya. Nakita niya ang selfie photo nilang dalawa ni Niña noong opening ng Nutrition Month.
A few seconds after nagawa na nga niyang i-wallpaper ang picture na 'yon.
Tila napasong nabitiwan niya ang cell phone at nahulog 'yon sa sahig. Napakura-kurap siya at napatitig sa kawalan.
"Am I in love with Niña?"
Holy mother of lesson plan!
PINAUWI niya muna si Maha. Bumalik naman si Vier. He called Au at kasama niyang dumating sa bahay sila Tor at ang kuya nitong si James. They all settled in his living room. Siya ang nakaupo sa pang-isahang sofa habang hinihintay ng tatlo na magsalita siya.
"I think I'm going crazy," basag niya.
"Hindi pa ba?" walang ka emo-emosyong balik tanong ni James.
Tawang-tawa naman 'yong tatlo. "Seryoso ako!" aniya.
"What happened to you?" ni Tor.
"I – I don't know. After drinking that herbal medicine bigla na lang akong nagkaganito. Yes, it made me feel better but I couldn't stop thinking about her! Feeling ko mababaliw ako kapag 'di ko siya iniisip. Alam mo 'yon?"
"Who's her?" asked Vier, napatingin ito kina Tor.
"You mean? Niña?" ni Tor.
Inilapat niya ang isang kamay sa bandang puso. "Ang puso ko tumitibok lang para sa kanya." Binato siyang throw pillow ni Tor. Tawang-tawa ito sa kanya. "Seryoso ako, Thomas!"
"Akala ko ba kapatid lang turing mo sa kanya?"
"Mahal ko siya!"
Napakamot si James sa noo. "Hindi mo ba siya mahal noon?"
"Hindi ko alam –"
"Ano bang ininom mong herbal medicine? Sure ka bang plain herbal meds lang 'yon?" tanong ni Au.
"Yata?"
"Your aura is different," ni James. "It's an aura of a person in love." James can see the aura of people. Isa 'yon sa mga special gifts nito. He was powerful than Aurea. "Hindi naman 'yan ganoon dati."
"Let's check the herbal medicine," dagdag ni Vier. "Do you still have it with you?"
Umiling siya. "Dinala ni Niña."
"I see."
"Wait, Kuya, palit tayo ng puwesto." Mas malapit si James sa kanya. Nagpalit sila Au at James ng upuan. "Tumingin ka sa'kin, Balti." Nagtama ang mga mata nila. "May mga tanong ako. Unang sagot na pumasok sa isip mo 'yon ang sabihin mo. Okay?" Tumango siya. "Sino pinakamagandang babae sa mundo?"
"Niña."
"Sino naiisip mo ngayon?"
"Niña."
"One plus one?"
"Niña."
"The planet closest to the sun?"
"Niña."
Aurea snapped her fingers. "Confirmed!"
"Anong confirmed?" sabay nila Tor at Vier.
"Na gayuma siya," sagot ni James.
"Gayuma?" ulit ni Tor. "Does it still exist?"
"Sa dami ng misteryong bumabalot sa Faro 'di ka pa naniniwala na madaming nag-e-exist sa mundong 'to?" ni Au kay Tor.
"I know pero kilala ko si Niña. I don't think kaya niyang gayumahin si Balti."
"Let's not assume things yet," segunda ni Vier.
"May iba't ibang klase ng gayuma," dagdag ni Au. "Dati kasi gumagawa nun si Lolo Pol pero natigil din siya kasi nga nagiging masama ang epekto sa buhay ng ibang tao. Pero makikilala ko agad kung gayuma nga ang pinainom sa'yo o hindi. Kailangan ko lang 'yong mismong gayuma."
"And will you be able to reverse the spell?" curious na tanong ni Vier.
"'Yon nga lang ang problema."
"It depends," singit ni James. "Some love spells are special. Lalo na kapag gawa ng isang malakas na miriko. May mga orasyon na mahirap baliin pero napapawalang bisa naman but it might take months or a year. May iilan na kayang alisin agad. That's the reason why we need that herbal medicine in our possession. That's the only way for us to distinguish what type of love spell did Balti drink."
"Tama ang kuya ko," sang-ayon ni Au.
"How long does this gayuma could last on a person?" ni Vier.
"Depende, may isang linggo, isang buwan, tatlong buwan, anim na buwan hanggang sa isang taon."
"Wow!" Napakurap si Vier. "I couldn't imagine a year of being bewitched."
"Ang downside nga lang ng gayuma ay hindi siya pangmatagalan," kwento pa ni Au. "Pwede lang siyang paulit-ulit na painumin sa tao. Minsan, may mga side effects sa iba. May nababaliw at may nagiging okay lang din naman. 'Yong iba tumitigil na sa panggayuma kapag naikasal na o nagkaanak. Parang ginamit lang talaga para pikotin ang 'sang tao."
"Anong mangyayari sa'kin?" tanong niya sa apat.
"Sa tingin ko naman ay mabubuhay ka pa Balti," sagot ni Tor. Nababasa niya sa mukha nito na parang natuwa pa itong na gayuma siya. Traydor talaga ang 'sang 'to minsan! "Magpasalamat na lang tayo na si Niña ang kinalolokohan mo ngayon. If it's someone else – a stranger perhaps then we will have no choice but to locked you in your house until we find a solution."
"And besides, Balti looks normal to me," segunda ni Vier. "He just needs to control his emotions whenever Niña is around. We have to determine his behavior now that he's under a love spell. Baka malingat tayo kailangan nang pakasalan ni Balti si Niña." Tumawa ito pagkatapos.
"Bakit ang kalma n'yo? Na gayuma ako, mga walangya kayo!"
Tawang-tawa 'yong tatlo maliban kay James na ginto ang tawa. Simpleng ngiti lang ang na drawing sa mukha nito.
"Magpasalamat ka na lang na childhood friend mo 'yon," ni Au. "Saka magagawan namin 'yan ng paraan ni Kuya James."
"Saan ba kasi 'yan nakuha ni Niña?" ni Tor.
"May nagbigay raw sa kanyang matandang lalaki sa labas ng parola. Tinda niya yata 'yan. Mabisa raw para mawala ang ubo, sipon at trangkaso. I was a bit unwell yesterday. Na trigger yata ang allergic rhinitis ko."
"Matandang lalaki sa parola?" ulit ni Vier. Kumunot ang noo nito. "I've been here all my life. Kilala ko na ang mga nagtitinda sa labas. I haven't seen an old man selling herbal medicines around."
"Baka bagong salta," ni Au.
"Make sense."
"Sa dami ng mga kababalaghan sa Faro parang ang hirap na magtiwala sa mga tumatambay sa parola," dagdag ni Tor. "But Niña doesn't have any idea about the hidden mysteries in Faro de Amore. Partly, kasalanan mo pa rin, Bartholomew. Matalino ka sana pero bakit basta-basta ka na lang umiinom ng kung anu-ano?"
"B-Bakit parang kasalanan ko pa? Ako na nga na gayuma. Akala n'yo ba natutuwa ako? Alam n'yo ba kung anong nasa isip at puso ko ngayon? Niña! Niña! Niña! Parang papalit na yata ang pangalan niya sa tunog ng tibok ng puso ko."
"In love ka kasi!"
Marahas na naihilig niya ang likod sa kinauupuan. Nagulo niya ang buhok. "Ganito ba talaga ang in love? Bakit parang ang exag naman na lagi mo na lang siya iniisip? Minsan pumapasok sa isipan ko na kidnapin siya at ibahay ko na lang."
Vier chuckled, "Sigurado ka bang makakapagturo ka nang maayos bukas?"
"Bahala na!"
Tinawanan na naman siya ng tatlo.
"Ang mabuti mong gawin. Tawagan mo si Niña. I-brief mo na sa kung anong nangyari sa'yo para matulungan ka. Makikinig ka roon kasi matindi tama mo sa kanya ngayon," ni Au. "Si Kuya James na sasama sa'yo bukas para makapag-usap din sila."
Masama ang tingin niya kay James. "Usap lang, ha?!"
"Gago!" mura naman nito.
"Magpahinga ka na muna," ni Vier. "Tor and Au, kayo rin. Ako na magbabantay sa pasyente natin ngayon." Sa ngiti pa lang ni Vier parang iba ang meaning ng pasyente nito.
"Aalis na rin muna ako," ni James. "I haven't finished reading Lolo Pol's journal about gayuma. I still have a lot of things to learn."
"James, mag-aral ka nang mabuti," dagdag pa niya. "Parang awa, baka hindi matapos ang taon na 'to na 'di naikakasal si Bartholomew Juarez."
"You know," ni Tor, "I've always like Niña for you. Ikaw lang talaga ang madaming issues sa buhay. Maybe you can reconsider." He smirked.
"And Balti," naibaling niya ang tingin kay Aurea, "behave. Kalmahan mo lang panliligaw sa irog mo." Tawang-tawa ito pagkatapos.
"Bakit 'di mo ginayuma 'yang asawa mo?!"
"Hindi na kailangan," sagot ni Tor.
"And that's my cue para mag-kape." Tatawa-tawang tumayo si Vier at tinungo ang kusina.
James cringed.
Pasimple namang hinawi ni Aurea ang buhok.
"Sana all," he mouthed at her.
Natawa silang pareho.
KAKAUWI lang nila sa bahay. Pagkatapos magsimba ay nag-grocery na lang sila. Habang ibinababa isa-isa ang mga na grocery mula sa lumang orange multicab nila ay biglang nag-ring ang cell phone niya sa bulsa ng pantalon.
"Kath! Balikan mo 'tong iba rito." Lumayo siya sa sasakyan saka hinugot ang cell phone sa bulsa. Namilog ang mga mata niya nang mabasa ang pangalan ni Balti. "Balti?" Sinagot niya ito. "Hello? Balti?" Nagtaka siya nang walang nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Nandiyan ka pa ba?"
"Ate, ito na lang ba?" ni Kath.
"Oo, ipasok mo 'yan."
"Sige! Sige! Si Kuya Balti 'yang tumatawag?"
Pinaningkitan niya ng mata ang pinsan. She muted her mic. "Pasok!"
"Ayieee!"
Ibinalik lang din niya pagkatapos. "Hello? Balti? Napatawag ka? Wala ka bang signal diyan?"
"Nin..."
"Yes?"
"May problema ako."
Namilog ang mga mata niya. "Problema? Ano? Baka makatulong ako."
Marahas itong bumuntonghininga sa kabilang linya. "Something happened last night." Sobrang seryoso ng boses nito. Kinabahan siya bigla. "Nin, ayoko isipin na sinadya mo 'yon. Baka nga na scam lang tayo ng matanda."
"Anong ibig mong sabihin?"
"You have to help me."
"Balti, tinatakot mo naman ako e. Ano ba kasing nangyari sa'yo?"
"That herbal medicine, sa tingin ko hindi simpleng herbal 'yon. Iba ang epekto sa'kin."
"Ano bang nangyari?"
"Dati katabi lang kita sa faculty ngayon nasa puso at isip na kita."
Napakurap siya. "Huh?" Tama ba narinig niya o gino-goodtime na naman siya ni Ser?!
"Nin, umamin ka nga sa'kin."
"Na ano?"
"Hindi mo ba talaga alam na gayuma 'yon?"
Natigilan siya. "Gayuma? Anong gayuma pinagsasabi mo? Herbal medicine lang talaga 'yon sabi ni Lolo." Hindi niya pa rin nakuha ang pangalan ng matanda. Nang balikan niya e wala na ito roon.
"Gumaling nga ako pero ang puso ko –"
"Anong nangyari sa puso mo?"
"Ikaw lang ang tinitibok."
"Bartholomew!" Putik naman 'yan! Ayaw niya nang ganitong biro. "'Yong totoo, prank mo na naman 'to?" Iginala niya ang tingin sa paligid. "Baka nagkabit ka ng mga camera rito sa bahay. Umamin ka na."
"I'm dead serious, Niña."
"Seryoso talaga?"
"Gayuma 'yong pinainom mo sa'kin."
"Hindi ko alam –"
"And now I'm in love with you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro