Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 59

NIÑA wrinkled her nose.

"Anong amoy –"

Natutop niya ang bibig. Mabilis siyang dumulog sa lababo at naduwal. Feeling niya umakyat lahat ng acid niya sa lalamunan. Kaso wala naman siya gaanong naisuka.

Binuksan niya ang gripo at nagmumog. She grimaced. Nangangasim pa rin ang tiyan niya. Humihilab na 'di niya matukoy kung bakit. Bumuga siya ng hangin at humarap. Pero binati naman siya ng kakaibang tingin nila Balti, Kath, at Ate Nora. Feeling niya tinubuan siya ng tatlong ulo. Gulat. Pagkalito. 'Yon ang mga nakita niya sa mga mukha ng mga ito.

"O, bakit?" basag niya.

Lumapit si Balti at marahan siyang hinawakan sa pupulsuhan. Napatitig tuloy siya rito nang makalapit sa kanya. Hindi pa rin umiimik 'yong dalawa. Naistatwa na nga yata.

"Mahal, mag-usap tayo," anito sa mababa at seryosong boses.

"Usap?"

Ibinaling nito ang tingin sa dalawa. "Kath, Ate Nora, let's not tell Mama Carol yet until I confirm it." Sabay naman na tumango ang mga ito. "Thanks –"

"I-confirm ang ano?"

"Let's go upstairs." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inakay palabas ng kusina papunta sa direksyon ng hagdanan.

Nakasalubong nila ang mama niya.

"O, saan kayo pupunta?" tanong nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa direksyong ng kusina at sa kanila. "Tapos na ba si Nora?"

Ngumiti si Balti rito. "Opo, Ma, pero may kukunin lang ako sa itaas." Mama na ang tawag nito sa ina niya. Ganoon din siya sa mga magulang ni Balti. In-insist ng tatlo para raw masanay na sila. Medyo awkward lang talaga minsan. Si Balti lang yata ang 'di nakakaramdam ng awkwardness. Sana all, 'di ba? "Hindi ko mahanap. Papatulong ako kay Niña."

"Ah, ganoon ba, sige, bumaba agad kayo, sabay-sabay na tayo mag-lunch."

"Sige po."

Lumipat sa likod niya si Balti. "Wait –" Kaso itinulak na siya nito sa hagdan. Wala tuloy siyang magawa kundi ang umakyat na lang. "Ano ba kasing pag-uusapan natin? At huwag kang mabilis. Nahihilo ako."

Ang sama ng gising niya ngayong araw. Ang bigat sa pakiramdam at tamad na tamad siya sa totoo lang.

Pagdating nila sa kwarto ay agad nitong isinarado ang pinto at in-lock 'yon. Naupo siya sa gilid ng kama. Na-e-stress siya sa galaw ni Balti.

"Nin," umupo ito sa tabi niya, "paano nangyari?"

Kumunot ang noo niya. "Anong nangyari ba?" Tumitig siya sa gulong-gulong mukha nito. Para bang kanina pa nito sinasagutan ang isang tanong sa isip nito na hindi nito maintindihan.

Napaisip ito. "I don't understand," anito pagkatapos, iwas ang tingin sa kanya.

"Ang alin nga?"

Nag-focus ito sa kanya this time. "I was careful. I don't know what happened. But we still have to confirm. When was your last menstruation?"

Napakurap siya. "Wait, iniisip mong buntis ako? Hindi ba masyadong maaga para i-conclude 'yon? Hindi pa naman masyadong malaki ang gap noong –" Natigilan siya. Menstruation, Niña! Wait, kailan nga ba? Inalala niya. Actually, last month pa. And it's almost November now. Napasinghap siya. "Oh my god!"

"Nin?"

Nagtama ang mga mata nila. "Anong nangyari?" Nalilito siya. Balti was careful before she demanded to bear their child. I was careful! Or baka hindi? At hindi rin nagmi-make-sense kung nagbunga na 'yong nangyari sa kanila sa library. That was just a week ago. "Bal, I'm almost 3 weeks delayed. Madalang akong mag-skip. Usually, kapag stress, and I'm stress the past weeks. It slipped off my mind."

"Kailan ang huli?"

"First week of September, nasa third week of October na tayo. Dapat noong first week nagkaroon na ako. Nawala talaga sa isip ko dahil nga ang daming problemang dumating. God, paano kung buntis nga ako?" Nailapat niya ang palad sa kanyang tiyan. The thought of having a life inside her scares and excites her at the same time. But still, hindi niya maiwasang mag-worry. Ang dami niyang pinagdaanan nitong mga nakaraang linggo. "Bal?"

"It happens sometimes. Hindi talaga tayo safe noong unang may mangyari sa atin." Bumuga ito ng hangin at bahagyang natawa. "May nakalagpas."

"Nakakapagbiro ka pa riyan."

"Anong gusto mong gawin ko umiyak?" he chuckled. "Umiyak tayong dalawa para the feeling is mutual." Lumakas lang tawa nito nang paluin niya sa braso. "Hutek 'yan! Ang lakas naman ng batang 'yan lumangoy."

"Hindi pa tayo sure kung buntis nga ako."

"Pero ano bang nararamdaman mo ngayon? For the past few weeks?"

"Pagod lang saka antok. Inisip ko na dahil sa stress lang sa school. At ngayon pa lang din ako bumabawi ng lakas at tulog."

"Uminom ka ba ng gamot?"

"Hindi naman. Tubig lang saka lemon at orange juice. Hindi naman ako nagkasakit talaga. Burnout feeling lang. Pinapahinga ko lang."

"How about now?"

"Ayoko ng amoy ng ulam kanina. Nasusuka ako. Ano ba 'yon?"

"Isda."

"Walang ibang ulam?"

Natawa ito. "Meron naman, itlog." Umasim ang mukha niya. Balti tucked a loose strand of hair behind her ear at inayos pa ang buhok niya. "Gusto mo sa labas tayo kumain? Pero magtataka naman ang mama mo."

"Hindi na, titiisin ko na lang."

Na sana magawa nga niya. Shuks! Inaalala pa lang niya ang amoy ay nasusuka na naman siya. Ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan.

"After lunch, get dress, I'll buy the pregnancy test for you. Once ma confirm natin, let's see if makapag-set ako ng checkup appointment sa clinic ng OB ni Au ngayon. I have their number. Para ma-check natin ang condition ng baby at mabigyan ka na rin ng mga vitamins." Natigilan ito nang mapansing titig na titig na siya rito. "Bakit?"

"Bakit alam na alam mo ang ganito?"

Natawa ito. "Experiences honed my intellectual capabilities."

"Gage!" Siya naman ang natawa.

"Huwag mo na itanong kung saan ko natutunan ang mga 'yan." He cupped her face and planted a kiss on her forehead. "Everything will be fine. I'm here."



PAREHO silang napalunok nang makita ang dalawang linya sa tatlong PT na sinubukan niya. Buntis talaga siya. Hindi na lang assumption dahil sobrang linaw ng dalawang linya sa tatlong PT.

"Magiging tatay na talaga ako," basag ni Balti.

Halos sabay lang nilang naiangat ang tingin sa isa't isa. Nasa parking lot pa sila ng mall. Tumigil muna sila saglit para nga gamitin niya 'yong mga biniling PT ni Balti para sa kanya. Kumurap siya at sinubukang i-digest lahat ng mga nangyayari.

She's pregnant.

Shuta ka Niña ang bilis mo na buntis! To think na sobrang maingat silang dalawa ni Balti. Pero nagbunga pa rin.

Narinig niya ang biglang pagtawa ni Balti. "Walangya, 'di pa rin ako makapaniwala." Bakas pa rin ang pagkamangha sa mukha nito. "Hindi ko talaga sinasadya, mahal. Pasensiya na. Hindi ko siguro napansin noong –"

"Tatawatawa ka pa riyan."

Mukha naman itong masaya kaysa nagsisisi. "Akala ko ba gusto mo nang magkaanak tayo?" Nangingislap pa rin ang mga mata.

"Oo nga sinabi ko... pero naisip ko lang 'yong mga nakaraang linggo kung anu-anong mga pinaggagawa ko. Balti, ipinahamak ko ang anak natin." Napahawak siya sa impis niyang tiyan o kung matatawag pa ba 'yong impis. 'Di niya sigurado kung umbok 'yon o baby fats niya lang. "Imagine 'yong emotional distress ko noong maghiwalay tayo. Nilangoy ko pa ang Faro para lang makausap ka. Tumakbo pa tayo. Pinasok ang SNL pero buti 'di mo ako pinaakyat sa gate. Then ikaw bilang Nathanael –" Marahas siyang bumuga ng hangin. Hiningal din siya pagkatapos sa dami ng mga sinabi niya. "God, na-e-stress ako. Ang baby natin."

Inilapat ni Balti ang palad sa kanyang tiyan. "Our baby is so strong. Biruin mo, 'di man lang natin namalayan nandiyan na siya." Ang liwanag ng ngiti nito. Hindi niya tuloy maiwasang titigan ang mukha nito. "Nin..." Umangat ang tingin nito sa kanya. "We need to marry next month."

Nanlaki ang mga mata niya. "Next month?"

"Dapat maikasal tayo bago pa nila mahalata ang tiyan mo."

"Iisipin lang nila na taba ko 'yan," asar niyang sagot.

Tawang-tawa ito. "Hindi nila iisipin 'yon kung lagi ka na lang galit."

"Hindi ako galit."

"Tunog galit lang."

"Huwag mo akong tawanan. Gahol na tayo sa oras kung next month tayo magpapakasal. Ni hindi ko pa nako-contact ulit si LV. Paano kung fully booked siya for November?"

"I'll call her. Bigay mo sa'kin ang number."

"Seryoso ka na ba talaga sa next month mo?"

"The earlier, the better. I wouldn't risk it. Paano kita mababantayan kung magkahiwalay tayo ng bahay? Ang mga cravings mo. Sino gagawa ng paraan?"

"Ipapabili ko kay Ate Nora. Pero 'di ko pa pwedeng sabihin kay Mama na buntis ako. Dios ko! Mapapalo ako ng walis no'n nang wala sa oras."

"Kaya nga magpapakasal tayo agad bago natin sabihin sa kanila na buntis ka."

"Pero sure kang kakayanin next month? Kung civil wedding kaya pa –"

"No, I'll marry you in the church. I made a promise to myself na sa simbahan kita pakakasalan. I intend to keep that promise." Ngumiti ito at kinantalan ng halik ang likod ng kanyang kamay. "Magagawan 'yan ng paraan. Kakausapin ko si Fr. Andrei. Then Math for the reception. It doesn't need to be grand pero sisiguraduhin kong memorable siya for you."

Napangiti siya. "Thank you."

"Magiging tatlo na tayo soon. Dapat ko na rin yata kausapin si Thad para sa design ng baby's room natin. Gusto mo bang baguhin ang interior ng kwarto ko? Mag-additional tayo ng mga cabinets para sa mga gamit mo. I'll ask James for recommendation. Wait, i-renovate ko na lang kaya buong bahay ko –"

"I-confirm mo na natin ang kondisyon ni baby saka ka na magplano," she chuckled. "At huwag ka na rin masyadong gumastos. Kung bubuo na tayo ng pamilya mas mabuting magsimula na tayong mag-save. Gumastos lang tayo na naayon sa essential needs natin. Maganda na ang bahay mo. Hindi naman madami mga gamit ko. Patahimikin mo na 'yong kwarto mo."

Natawa ito. "I agree pero hayaan mo akong i-spoil ang anak natin sa kwarto niya. Aba'y binuhos ko lahat ng creativity ko sa baby's room ng mga anak nila Tor at Jude. It's my time to shine. Dapat mas maganda kwarto ng anak natin kaysa sa kanila."

"Napaka-competitive mo." Tawang-tawa siya. "Parang 'di mo mga inaanak ang mga batang 'yon."

"Wala akong issue sa mga inaanak ko. 'Yong mga ama nila ang ini-issue ko rito."

"Ewan ko sa'yo."

Pinaandar na ulit nito ang sasakyan. "Nga pala, nakatawag na ako sa clinic. Naisingit pa tayo ng assistant, last patient tayo."

"Tumawag ka na bago pa natin na confirm?"

Ngumisi ito. "Paladesisyon ako."

Napailing na lamang siya. "Magkapatid nga kayo ni Maha. Pareho kayong paladesisyon sa buhay." Natawa na lang ulit siya.

"Speaking of Maha, huwag na muna natin sabihin. Wala akong tiwala sa bibig no'n."

"Pareho lang naman kayo ng bibig."

"Hahaha!"



"NEXT month?!" react ni Jude. Pati si Mari ay nagulat din. "Uunahan n'yo pa kami? Grabe naman 'yan, Ser. Mas nauna ako."

They decided to join in with Mari and Jude's meeting with LV sa boardwalk today. Pumayag naman si LV para iisang meeting lang.

"Wait, next month?" LV checked her calendar of events sa journal nito. "I thought... nevermind. Anyway, any dates in mind? I'm not sure if kaya –"

"Mid or end of November," sagot ni Balti.

Binigyan siya ng makahulugang tingin ni Mari. Sa December 8 pa ang kasal ng dalawa. Ang unang plano kasi ay next year pa sila. Kaso nga hindi siya pwedeng mag-announce ng pregnancy hanggat hindi sila maikakasal ni Balti. Pareho pa man din silang mga guro. Umiiwas lang talaga sila sa chismis.

Balak niyang umamin kapag nakalagpas na siya ng first trimester niya. Magdadalawang buwan pa lang ang tiyan niya next month. Pero doble ingat na siya. Si Balti talaga ang paranoid sa pagbubuntis niya. Kulang na lang ay patigilin siya nito sa pagtuturo. Buti na lang sumusunod pa rin ito sa kanya. Natatawa na lang siya na naiinis din minsan.

"I'll check the dates muna." Naglapat ang mga labi nito at naniningkit pa ang mga mata habang dini-double check ang mga nasa calendar nito. "Ayoko kasi ma compromise ang ibang scheduled events ko. I have to double checked it a lot of times bago ako mag-commit."

Mukha itong na-e-stress sa kanila. Pero 'di lang talaga nito pinapahalata. E kasi naman 'tong si Balti. Inakala niyang kinausap nito nang matino si LV. Mukha ring hindi nagkaintindihan ang dalawa. Sana pala siya na kumausap.

LV closed her journal bago nag-angat ng tingin sa kanila. "November 28," tumingin ito sa kanila ni Balti. "But before I confirm. I have to make calls muna for my suppliers if kaya nga saka natin pag-usapan ang lahat." Tumayo ito at kinuha ang cell phone sa tabi lang ng laptop nito. "Just give me a few minutes."

Tumango silang dalawa.

"Take your time," dagdag pa ni Balti.

Pero bago pa ito lumayo ay bumalik ulit ito. "But you're okay with November 28, right? May simbahan na ba kayo? Or do you need me to –"

"It's fine. We already have a church," nakangiting sagot ni Balti. "Nakausap ko na ang tito ko na pari. Hinihintay na lang niya ang final date."

"I see, that's nice to know. Hang on," mukhang may kausap na ito sa kabilang linya, "excuse me. I'll be back. Mer! Gosh, good afternoon din. May booking ka ba November 28? Oo, for reception sa wedding." Lumayo na muna ito sa kanila at nagtungo sa may railings.

"Hoy, Ser, bakit ka nagmamadali?" basag ni Jude.

"May lakad kayo?" nakatawang segunda naman ni Mari.

"Bakit pa kasi patatagalin?" Balti chuckled. "Ang dami ko nang nasayang na panahon. Kahit bukas papakasal ako e."

"Akala ko pa naman ako na susunod kay Tor."

"Akala mo lang 'yon."

"Hindi ba nakaka-stress 'yon?" singit ni Mari. "Next month na agad ang kasal. Gown pa ni Niña at mga list of people na kasama sa entourage. May motif na ba kayo? How about sa food for the reception?"

"It's just gonna be an intimate one." Ibinaling ni Balti ang tingin sa kanya. "Me and Niña decided na i-invite lang 'yong mga closest friends and relatives na mayroon kami. Aksaya ng pera magpakain ng mga plastik na tao."

Tawang-tawa silang apat.

"Walangya 'yan, Ser!" ni Jude. "And I will agree with you to that. Wala rin naman din kami masyadong bisita sa kasal namin ni Mari. Hindi nga ako nag-inform sa media na ikakasal ako sa December 8. Bahala silang mag-adjust."

"Gusto namin ni Jude ng privacy sa kasal saka iniiwasan namin na ma-expose ang kambal talaga."

"Sabagay laylow ka naman ngayon."

"'Yon nga ang goal, Ser," Jude chuckled. "I'm currently working with my comeback album. But next year pa naman ang official release no'n. I'm taking this time to spend more time with my family." Jude laced his fingers with Mari's. Kinikilig siya sa dalawa. They looked so in love. Lalo na nang gawaran ng halik sa likod ng kamay ni Jude si Mari. "Bumabawi pa lang ako sa mag-ina ko."

"Kumusta naman sila Samson at Pablo?"

"Bakasyon din."

"Pero hindi naman magdi-disband ang Queen City?"

"Hindi naman. Queen City will still be producing music. I don't think we can disband our group yet. In the future maybe.... if the three of us will come in a mutual agreement to really focus with our individual careers or family. Pero for now, wala pa naman. We're just loosening things around us. Lessening work schedule. Which they understand, lalo na't 'di ko talaga pwedeng iwan si Mari nang matagal. The twins are growing. At mas na-e-stress kaming dalawa."

Parehong natawa ang dalawa.

"But I'm sure sa inyong dalawa ay madali na lang din," dagdag pa ni Jude. "Sanay kayo sa makukulit na mga bata."

"Hindi rin," she chuckled. "Naku, ang hirap magdisiplina ng mga batang hindi nadidisiplina sa bahay. The respect and morals are first learned at home. At kung 'di 'yon naituro sa kanila, mas nagwawala ang bata sa labas."

"Kung iisipin hindi naman talaga responsibilidad naming guro na akuin lahat ng pagtuturo lalo na sa kagandahang asal," dugtong ni Balti. "I mean, it is still part of our goals as a teacher, but self-efficacy 'yan as a parent to groom their children before exposing them outside. Morals and good attitude starts at home. Hindi naman 'yan sila laging nasa eskwelahan. Mas malaki ang exposure nila sa pamilya nila."

"And it's also one way of making your kids feel important. May affirmation ng love na kaya mo sila pinagsasabihan at itinatama because of your love and concern and gusto mo rin silang matuto at ma-i-develop nang maayos ang social skills nila in terms of building relationship with their peers and lalo na sa mga older people."

"Wow," pumalakpak sila Mari at Jude.

Natawa silang pareho ni Balti.

"Kaya," hinugot ni Balti ang dalawang brochure ng SNL mula sa notebook nitong dala at inabot kina Mari at Jude. Tawang-tawa siya roon. Aside sa hindi niya in-expect 'yon ay natatawa siya sa idea na baka nga may laging nakahandang brochure ng SNL talaga si Balti lagi. "Gawin n'yong number one ang SNL sa listahan n'yo ng mga schools kapag malaki na sila Lyre at Sunset. Kahit three years old ay pwede na i-enroll sa nursery level. Mababait mga teachers namin. And we don't pressure our students. We let them grow and discover things on their own."

Tawang-tawa si Jude. "Langya ka, Ser! May dala-dala ka bang ganito lagi?"

"You never know when will the opportunity knocks. Mabuti na 'yong handa. At saka, next year, mag-ga-groundbreaking na kami sa secondary level ng SNL."

"Partner mo riyan si Iesus, right?"

Balti nodded. "Yup. He gave this project to Thad and Simon's team."

"Naks! Mayaman na naman ang dalawang 'yon."

"Wala ngang discount e."

"Pagdating sa trabaho walang kaikaibigan sa dalawang 'yon," Jude chuckled. "May pag-asa pa kay Simon. Naba-bribe 'yon ng one year supply na grocery at food coupon. But for Thad, nah, not a chance."

"Actually, we're planning to upgrade our food canteen."

"Ay talaga?" react niya. "Hindi mo nabanggit sa'kin 'yan."

"Bago lang, kahapon pa kami nag-usap ni Math. Hiningi ko advice niya if may kilala siyang food nutritionist. We want the kids to have proper snacks and meals. I-add na rin 'yon sa babayaran ng mga parents para hindi na sila mamroblema sa mga kakainin ng mga bata."

"Maganda 'yan."

"Next year ang plano kong implementation. Mag-me-meeting pa naman kami nila Mama at ni Iesus. You can join us if you want."

"Sige, baka may ma add din ako."

"Speaking of school, na budol mo na ba 'yong best friend mo na sa SNL mag-aral si Aurora?" pag-iiba ni Jude.

"Speaking of Tor! Alam mo bang cold silence lang sinagot sa'kin ni Tomas? Napakasarap kausap talaga ng 'sang 'yon." Natawa silang apat. "Pero wala naman 'yong magagawa. Balak kong i-hire si Aurea as assistant ng current guidance councelor namin ngayon. She still needs experience. Open din naman siya. Pero 'di pa ngayon. Siguro kapag lumaki-laki na si Rory."

"Papayag kaya si Tor na magtrabaho si Au?"

"Papayag 'yon. Kailan ba naka hindi 'yang si Tomas kay Auring?"

"Sabagay."

"What Aurea wants, Aurea gets," nakatawang dagdag ni Mari. "Hinihintay na lang no'n result ng board exam niya. Sure naman akong pumasa siya. Si Au pa. Lulusutan no'n kahit anong problema with flying colors."

"Tama," agree niya.

Si Aurea pa ba? Woman of all possibilities ang pagkakakilala niya roon.

"Hi guys!" Nagulat sila sa pagdating ni Simon. Nilapagan pa sila ng dalawang paper bag na may logo ng Noah's Ark. Amoy na amoy niya ang masarap na pagkain sa loob. "I brought snacks."

"May panglibre ka pero wala kang panggawa ng bahay?" Jude chuckled. Sinilip nito ang loob ng paper bag. "Dami nito ah."

"Actually, card mo gamit ko." Marahas na naiangat ni Jude ang ulo kay Simon. "Sabi mo bumili akong snacks." Biglang nakaipit na sa dalawang daliri ni Simon ang black card ni Jude na parang in-magic nito. Lumawak lang ang ngiti ni Simon. "Bilang mabuting kaibigan. Dinamihan ko na."

"Buong Faro ba pakakainin mo?!" Jude snapped.

"Madami naman tayo. Apat kayo, ako, tapos si Miss Coordinator."

"Yes?" Napansin niya agad ang pagkabigla ni Simon nang lumapit si LV. Actually, noong tumayo sa tabi niya ang babae. Titig na titig dito si Simon.

"H-Hi," kaway pa nito, 'yong ngiti talaga ni Simon. Mix of admiration and awkwardness. "Nagdala akong snacks. Masarap 'yan. Masarap magluto si Chef."

Ngumiti si LV rito. "Sige, mamaya. Thanks." Saka umupo sa seat nito kanina.

"You're welcome." Pigil na ang ngiti ni Simon.

Kilalang-kilala niya ang ngiting 'yon talaga. Pansin na niya kahit doon sa Santa Fe. Tutuksuhin niya talaga ito kung 'di niya lang alam na may boyfriend si LV.

"Anyway, back with the November 28 wedding." Ngumiti pang lalo si LV. "I believe I can make it happen. Nakuha ko na ang commitment ng mga suppliers ko, so, I'm pencil booking it in my calendar. Mag-me-meeting muna kami ng mga staff ko before I forward our formal contract. Just give me until next week to get back to you, but Nin, I'll start sending pegs in your email na, so we can do it simultaneously. Okay lang ba?"

"Sure! Sure! No problem."

"Good. I'll coordinate with your church na lang din for a seamless transition from the church to the reception."

Balti smiled. "Thanks, LV. Tama nga si Chi. LV finds ways."

Natawa ito. "Hanggang sa mailulusot. Why not? Anyway, Jude and Mari, I believe we are all set. I'll schedule the fitting with your entourage with your chosen designer... hmm... probably, next week. Inform your entourage na lang."

"Sure," ni Mari.

"I guess, that's it. Chat me na lang if may clarifications kayo or any additional changes."

Tumango na silang apat. LV is really a life saver. Ang alam niya e one month preparation lang din ang kasal nila Tor at Au last February. Tapos sobrang ganda ng coordination at ng wedding. She will vouch in LV's skills and passion.

"And snacks na rin kayo," ni Simon, na may nginunguya nang pandesal. "Nakakagutom kaya mag-isip."

"Halata nga sa'yo," nakatawang tugon ni Jude sa kaibigan. "Mukhang madami kang inisip kanina."

"Overthinker ako kaya overeating din," Simon chuckled. "Miss Coordinator, kain ka na." Inilabas ni Simon ang naka plastic container na sliced ng red velvet cake. "Mahilig ka ba sa sweets?"

"Okay lang naman. Thanks."

"Padating na 'yong in-order kung iced coffee saka juice. Hintayin na lang natin. And Jude," nakangising baling nito sa kaibigan. "Salamat ulit sa libre."

"Gago ka talaga!"

"You're welcome."



KINIKILABUTAN talaga siya. Hindi niya alam kung bakit. Pabalik na siya ng bahay. Gago talaga 'tong si Hayme. Ayaw lumabas ng bahay. Sabagay, siya naman may pakay rito. Pero client ako! Dapat ito ang nag-adjust. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya?

Bartholomew adjust!

Naglalakad na siya sa direksyon ng malaking gate ni Iesus. Ang alam pa naman niya ay walang tao roon ngayon. Umuwi raw si Vier sa bahay ng mga magulang nito. Iesus was in a business trip.

Hayan na, dadaan na siya sa nakakakilabot na gate. Anak ng pisara talaga! May nagpapatay-sindi na ilaw sa isa sa mga lamp post sa loob.

Huwag ka na lang lumingon Bartholomew. Isipin mong ilang beses ka nang nakapasok sa loob.

Pero walangya talaga. Kinilabutan siya nang tumingin siya sa daan paakyat sa puting mansion. Kapag talaga wala si Iesus. Mukha talagang daan papuntang kadiliman ang bahay niya.

"Our father," dasal na niya. Umihip pa ang malamig na hangin sa paligid. Nagtaasan lalo ang mga balahibo niya sa katawan. Sa loob-loob niya ay gusto na lamang niyang kumaripas ng takbo. Pinagkiskis niya ang mga palad. "Balti, may Dios. Wala kang dapat katakutan. Anak nang –" Muntik na siyang mapasigaw nang marinig ang anas ng paggalaw ng iron gate. Aatakihin na yata siya sa puso. Nagtunog kalansing ng kadena 'yon sa tainga niya. "Walangya talaga!" Naalala niya bigla ang mukha ni Esmeralda.

Tumigil siya mismo sa gitna ng gate nang biglang may napansin siyang puting bagay na tumatakbo mula sa kadiliman. Bahagya niyang hinubad ang salamin sa mata at kinusot ang mga mata. "Ano ba 'yon?" Ibinalik niya ang salamin at biglang may narinig siyang sigaw na sumasama sa hangin. Tila papalapit sa direksyon niya. Hanggang sa luminaw sa kanya ang porma ng isang babaeng nakadapa sa daan. Nakasuot ng puting pantulog. Naalala niya si Sadaku. May balon pa naman sa taas si Iesus.

"Shit!" mura niya sabay atras. 

Hindi niya maigalaw ang mga paa.

Walangya!

Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso niya. "Tang ina, Balti, minsan ka lang magmura pero yawa! Atay baya ani. Animal!" Nanginginig ang mga tuhod niya nang iangat ng kung sino mang multo ang mukha na natatakpan ng mukha nito.

Umangat ang kamay nito sa ere. "T-Tuloooong..." At dahan-dahang bumangon. "Tulungan mo akoooooo!" At iika-ikang tumakbo palapit sa gate.

Napalunok siya.

Takbo na Bartholomew!

Pero hindi talaga siya makagalaw. Bwesit! Nagising nga ako. Pero mamamatay naman ako sa takot. Walangya ka, Iesusssss! Humawak sa rehas na gate ang nakaputing babae. Nakatakip pa rin ang magulong buhok sa mukha. Pero duguan ang mga kamay at walang sapin na paa.

"Tulooooong," iyak nito habang ginagalaw ang gate. "Parang awa mo na... ilabas mo ako rito..."

At nang maramdaman na niya ang katawan ay saka naman siya tinraydor nang husto nito. Isang galaw ng paa ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at bumagsak sa daan.

"Hoy! Hoy, pssst! Gumising ka riyan! Namaaaaan! Huhuhu! Palabasin mo ako rito. Parang awa mo na. Mamatay ako ritooooooo! Mother Superior, why have your forsaken meeee?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro