Kabanata 58
"HERE." Inabot ni James kay Balti ang journal ng ama ni Niña. The one with the embossed tree of life. "It belongs to Niña now." Tinitigan niya 'yon. It belongs to him before. Pero ibinigay 'yon ng tadhana sa ama ni Niña.
"Thanks."
"I'm glad you're back."
Natawa siya. "Hindi ako na inform na nagkaroon na pala tayo ng special bond habang tulog ako." Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata. "Joke lang. Ito naman hindi mabiro."
"You made her worried."
"I know."
"You made us all worried. Kung hindi ka pa nagising papakasalan ko na talaga si Niña." It was his turn to slit his eyes at him. A hint of mischief hid behind James' eyes na nagpapainit na naman ng ulo niya. Hindi siya selosong tao pero pagdating kay Niña nagseselos talaga siya. "I'm dead serious."
"Niña will never betray me."
"I know," he chuckled. "She loves you more than anything in this world. She will cross hell to find you."
Napangiti siya. "I'm always blessed to have her in my life." Pero binigyan niya pa rin ito ng masamang tingin. "Hell talaga?"
James just shrugged his shoulders.
"Take care of each other. And no more spells for now. May hinahabol pa akong trabaho."
Tawang-tawa siya. "Break muna tayo. Na stress din ako."
"I almost lost you there, Ser."
Namilog ang mga mata niya. "That's the first time you called me Ser."
James has always been too formal. Inisip niya noon na baka hindi lang ito komportableng tawagin siyang Ser gaya ng mga makakapal ang mukha niyang kaibigan. Never did he hate that nickname. In fact, para sa kanya ay kapag tinawag siyang Ser ay he already hold a special space in their lives.
"Balti is too mouthful but I'll call you Ser or Balti depends on my mood." Ngumiti ito.
"Ngumingiti ka na rin ngayon."
"Ngumingiti naman talaga ako."
"Mas madalas na hindi," he chuckled. "Puno ka e. Wala kang emosyon madalas. Parang 'yong brother-in-law mong kasing tigas ng gusali."
"Oo, puno ako. Punong-puno na ng sama ng loob."
Pareho silang natawa ni James.
Walangya 'yan! Marunong din pala maging tao ang punong 'to. Which reminds him of James' old self. He admit, he didn't really remember everything. Pero tandang-tanda niya ang mukha ni Hayme. Lalo na ang nunal nito sa ilalim ng kaliwa nitong mata.
"Which reminds me, Tor told me he saw me in your past."
"And you're annoying."
It piques James' interest. "How come?"
"Hayme ang pakilala mo sa'kin. Malabo kang kausap kaya 'di rin kita maintindihan. You never told me the reason why you got yourself in my prison. But you said you're like me, but different."
"I see."
"Mas madaldal ka rin doon. You remind me so much of Aurea when I first met her."
"In what way?"
He grinned. "Tunog scammer." Kumunot lang ang noo ni James. "And I didn't see you in the ship yet. Nagkahiwalay lang tayo nang tumakas ako. You didn't follow me so I'm assuming you chose to follow your own path. You were looking for Iesus."
"I looked for him?"
Tumango siya. "You told me Iesus can take you to Las Islas Filipinas. Your mother was a native here at dinala ka lang ng ama mo na isang merchant. I don't know the whole story of your life, but I know magkikita pa rin tayo ulit sa barkong 'yon."
"You didn't remember?"
Umiling siya. "No. I couldn't retrieve the memories that comes after Iesus gave me the ledger. Lahat ng memories ko sa barko. Hindi 'yon malinaw sa isip ko. I could only remember vogue voices and laughter... some scenes... pero 'di ko pa rin talaga maintindihan. Kahit ang rason ko kung bakit 'di ko natapos ang kwento ay hindi ko rin maalala. Naisip ko, maybe because I was one of the first who boarded his ship."
"It makes sense."
"Like a puzzle. Kailangan munang makaalala ng iba para mabuo natin ang mga gaps ng puzzle pieces."
"At sa ngayon, kayo pa lang nila Tor at Jude ang nakakaalala."
"But based on our perspective alone."
"Nakausap mo na si Iesus?"
"Papunta pa lang ako. May ibibigay ako sa kanya."
"YESUS, my friend!"
"Shut up, Bartholomew."
Ang lakas ng tawa niya nang salubungin siya ni Iesus sa sala. He was stirring his cup of coffee at masama ang tingin sa kanya. Mukhang galing itong kusina. At alam niyang kape ni Vier ang iinumin pa lang nito. Madalas kapag nadadalaw siya at nasa bahay lang si Vier. Amoy kape ang haunted house ni my lord. Nababawasan ang takot vibes dahil sa masarap na amoy ng kape.
"You said you're busy today. Bakit nadalaw ka?"
"Mamaya pa alis namin ni Niña."
Sumilay na ang ngiti sa mukha nito. "You look happy. I'm assuming ikakasal ka na."
"Paladesisyon ka, my lord. Pero kung sagot mo na ang reception ko. Why not? Hindi ako tatanggi sa mga donasyon."
Natawa ito. "Kausapin ko si Math."
"Close na kayo?"
Naks! Mukhang may pag-asa na ang ship niya. Ibigay niya na kaya ang proof? Madami-dami na rin naman siyang na imbak sa cell phone.
Sige mamaya, pag-iisipin niya muna. Tatantiyahin niya ang mood ni Iesus at baka masama siya sa paghati ng karagatan ng Faro. Mother of visual aids! Hindi pa naman siya marunong lumangoy.
"Kausapin kong sagutin niya ang reception ng kasal mo," Iesus chuckled.
"Buraot ka talaga minsan, Sus." Umangat ang tingin niya sa painting na nakasabit sa sala nito. 'Yong village painting na tinignan niya noon. "Where did you get that painting?" Sinundan nito ang tingin niya.
"Matagal na 'yan."
"Part sa mga antique n'yo?"
Iesus nodded. "Still one of my great-great-grandfather's things. Pamilyar ba?" Pareho na silang nakatingin sa painting. "At first akala ko ay normal village painting lang 'yan. But as you spend more time looking at it. You will realize that it wasn't really a happy village."
"They're killing each other."
"When you thought that everyone could be your friends but in the end, they might end up to be one of your enemies. The painter may have trust issues or have been betrayed before."
"The village looks like Monsanto."
"Really?" Iesus glanced at him.
He nodded. "If you really think about it. Looking at this painting already gives us an impression of trust. We look at it in a positive manner and when we delve into it further, we realized how fucked up this painting is. It's the same thing with trust. The painter discreetly told us to never trust everything we see."
"It makes sense."
Ibinaling niya ang tingin dito. "I wondered what you want from me before." Naibaba nito ang iniinom na tasa ng kape. "Hindi na kasama sa mga naalala ko ang pakay mo sa akin. You risked your life to find me. Thinking about it Sus. You seemed like the kind of man who will never look for someone who doesn't have any value to you."
"You didn't remember everything?"
"I'm sure my old self remembers. And I think there are missing memories in my head."
"What do you mean?"
"Did you had a conversation with me? I mean, as Nathanael."
"I did. Why?"
Napakamot siya sa noo. "That's weird. I couldn't remember."
"Relax, Balti," he chuckled. "You don't need to remember everything for now. A lot of things happened to you. Nag-a-adjust pa lang siguro ang isip mo. You will recover it soon."
Natawa siya. "Sabagay. Nga pala," inabot niya rito ang wooden box kung saan nakasilid ang bote ng ink at feathered pen. "I'm giving this to you." Bumaba ang tingin nito sa bagay na 'yon. "The third missing item."
Ngumiti ito at tinanggap ang kahon. "Thank you." Umangat ang mukha nito sa kanya. "And I'm sorry for dragging all of you in this mess."
"Wala 'yon. Natulog lang naman ako."
"At muntik nang hindi magising," sermon pa nito. Hindi nandidilim ang mga asul na matang 'yon pero nanlulunod lang. Kapag talaga ganoon ang tingin ni Iesus kinikilabutan siya. Damn, those blue eyes can kill.
"But you were still able to save me," he chuckled. "I'll just look at it in a greener and brighter perspective."
Bumalik ang ngiti sa mukha nito. "I'm glad you're back."
"Hindi mo kakayanin na wala ako." Nawala ang mata nito sa malakas na tawa nito. "I know you love me so much."
"Ang saya natin ah," nakangiting pasok ni Vier. May suot pa itong apron at pansin niyang may mga harina pa ang mga kamay. "Balti," he greeted.
"Chef ka pala ngayon?"
"I'm making croissant. Masarap 'yon kapares sa kape. Want coffee? Ipagtitimpla kita –"
"Hindi na. May lakad pa ako."
"Maybe next time."
Tumango lang siya. "Hindi n'yo kasama si Kap?"
"Hindi. Nasa Alquiza malamang 'yon," sagot ni Iesus, the traces of his smile remained on his face. "Kinaladkad 'yon ni Andrew kanina."
Natawa siya. "Nakaya niya?"
"Well," Vier shrugged both his shoulders, "there is nothing Andrew can do when it comes to his older brother. He will move mountains for him."
"Literally move the mountains," dagdag pa ni Iesus.
"HOY Kuya!" Humarang sa harap niya si Maha.
"Ano na naman Maharlika?"
"Bakit nasa sa'yo mga old merchs ko? Sinunog na 'yan ni Mama ah. Bakit tinago mo?"
Kumunot ang noo niya. "Teka, paano mo –"
"Nakita namin 'yong passcode ng secret vault mo sa library."
"Pinasok n'yo ang kwarto ko sa bahay?!" he snapped. Napamaang at napabuga ng hangin. Sinasabi na nga ba niya. Hindi talaga makapagkakatiwalaan 'tong kapatid niya. May pagkakriminal din talaga.
"Well, namin ni Niña..."
"Ginamit mo pa si Niña."
"Hoy, kuya, huwag ka naman favoritism. Pinagtatanggol na nga kita sa kanila tapos 'di pa rin ako ang favorite sister mo."
"Ikaw lang naman kapatid ko."
"Mas favorite mo si Niña!"
"Magkapatid ba kami?" Natatawa na siya sa banas ng mukha nito. Tignan mo ang 'sang 'to. Napakaselosa talaga. "Umalis ka na sa harap ko. Susunduin ko pa si Niña sa bahay niya."
"Tignan mo 'to –" Inakbayan niya ang kapatid. "Araaay namaaaaan!" prolong nitong reklamo nang ipitin niya bigla ang leeg nito. "Kuyaaaaaa!"
"Nagseselos ka pa rin ba kay Niña?"
"Hindi! Mahal ko 'yon." She whimpered in his hold. "Bitiwan mo nga ako. Kainis ka talaga e! Mag-propose ka na kasi."
"Nagmamadali ka?"
"Mag-propose ka na bago ako mag-demand ng friendship over kay Chi. Inis na inis na 'yon sa'yo." Niluwagan niya ang pagkakaipit ng braso niya sa leeg ng kapatid. Halos sampay na nga lang 'yon sa balikat nito. "Pagod na ako i-defend ka."
Natawa siya. "Naks, pinagtatanggol niya ako."
"Syempre magkapatid tayo. Kaya ipagtatanggol kita. Kaya ilakad mo na ako kay Juan." She smiled and batted her eyelashes. Kinilabutan siya. "Please...please juseyo, oppa!" Naitulak niya si Maha.
"Kilabutan ka nga riyan sa pinagsasabi mo." Ramdam na ramdam niya pananaas ng mga balahibo niya sa katawan. The thought of his sister flirting with one of his friends creeps him out. "Huwag ka na mag-asawa. Maging single ka na lang forever!"
"Andwaeeeee!" tili nito, maagap niyang tinakpan ang mga tainga. Papaluin na niya talaga ito ng paso. 'Yong pinakamalaki at pinakamatigas na paso sa garden niya. Saan na ba 'yon? "Noooo! Noooo! Bawiin mo 'yan, kuya, jebaaaal! Shirooo! Andwaeeee!"
"Ang ingay mo!" Pinitik niya ang noo nito.
"Huhuhu," iyak nito na may kasama pa ring boses. Ay, ang kulit talaga. "Pinagtutulungan n'yo talaga ako e. This is so unfair! Kuya, kailangan ko ng jowa."
"Hindi ka nila kailangan." Pigil niya ang matawa lalo nang bumasungot nang husto ang mukha nito. Maganda naman 'tong kapatid niya kaso mahirap lang talaga i-digest ang ugali.
"Sana 'di masarap ulam mo mamaya!"
"Sa Noah's Ark kami kakain mamaya."
"Bwesit ka! Pupuntahan ko na lang si Chi. Babawiin ko lahat ng pagtatanggol ko sa'yo. Sasabihin ko sa kanya na masyado ka nang matanda kaya dami mo nakakalimutan. Magsama kayo ni Iesus. Pareho kayong puwede nang i-display sa Museum."
Doon siya tawang-tawa.
"Pwede bang magdala ng friends?"
"Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran na siya nito at parang batang nagmartsa na mabigat na mabigat ang loob. But before she could disappeared from his sight ay nagsalita ulit siya.
"I kept your merchs because they're important to you." Tumigil ito sa paglalakad pero 'di siya hinarap. Ngumiti pa rin siya. "Hindi ko sinabi na itinago ko dahil nangako ako kay Mama. Ibibigay ko lang 'yon kapag matured ka na."
Naniningkit ang mga mata na humarap ito sa kanya. "At inabot ka nang dekada?"
Tawang-tawa ulit siya. "Kahit siguro siglo pa ay hindi ka pa rin mag-ma-mature. But at least, you didn't lose them."
Her lips pressed and she sighed. "Fine!" Sumilip na ang isang ngiti sa mukha nito. "Thank you."
"Pwede mo silang iakyat sa merch room mo."
"Babawasan mo na rent ko?"
Umiling siya. "In your dreams."
"Argggh!"
PAGKATAPOS nilang magsindi ng kandila ay tumuloy na sila sa simbahan. Halos hindi na bitiwan ni Balti ang kamay niya. Not that she was complaining. Feeling niya ang ganda-ganda niya. Hindi siya nagseselos sa mga nagnanakaw ng tingin dito. Bakit pa? Alam naman niyang mahal na mahal siya ni Balti.
People can admire him, but he's mine.
Nakaw atensyon pa rin ito kahit napakasimple na nga ng suot nito. In fact, mas formal pa nga ang suot niya. She was wearing a white puffed sleeved dress na hanggang sa tuhod niya ang haba. She paired it with her nude strapped sandals na may one inch lang na block heel. Balti wore a plain white polo shirt and dark blue jeans. Suot nito ang black sneakers, ang relo nito, at syempre ang salamin sa mata.
Tiis ganda siya sa contact lenses niya.
"Saan tayo after?" basag niya.
It was already past 5 pm. Hindi na masyadong mainit at humahalo na rin ang kulay kahel na kalangitan sa langit. Mas dumami na rin ang mga tao. Sabado naman at katatapos lang ng 5 pm mass na dinaluhan nila ni Balti sa labas ng lumang simbahan. Six pa yata ang next mass.
"Noah's Ark," nakangiti nitong sagot. "I made a reservation. Pero mamaya pa 'yon. We still have a lot of time though."
Dumaan sila sa entrance talaga na papasok sa main church. Pumila sila para makahalik sa Santo Niño. Mahaba ang pila pero mabilis naman ang usad. Hindi rin nila namalayan na nasa harap na sila ng holy child. Pareho silang napangiti ni Balti nang iangat nila ang mukha sa batang Hesus.
"Malay mo si Niño talaga 'to," bulong pa niya rito.
"Hindi yata. Hindi naman 'yan ang orihinal," nakangiting bulong pabalik nito. "Iba naman din yata ang dala nila Magellan sa ibinigay ni Iesus sa'kin."
"What are the chances 'di ba?" Ipinunas niya ang handkerchief sa glass at umusal ng pasasalamat at taimtim na dasal. Maikli lang. Alam naman na ng Dios ang kung ano ang nasa puso niya.
Balti did the same. Ipinikit nito ang mga mata habang nakalapat ang kamay sa glass. He looked so at peace at sincere. Kung pwede lang kunan ng picture ang moment na 'yon ay ginawa na niya. Kaso bawal, so she will just settle in campturing that precious moment in her memory.
"Anong plano ni Iesus ngayon?"
Naglalakad na sila papasok sa mismong main altar. Nandoon ang exit. Kung saan ang supposedly entrance ng lumang simbahan.
"I don't know. Sabay sa alon lang 'yon lagi e."
"Nandiyan ka naman e."
"Madami naman kami. Sooner or later, everything will make sense. Sa ngayon, tiwala lang muna talaga sa isa't isa. Naniniwala pa rin naman akong may dahilan kung bakit pinagtagpo-tagpo kami sa Faro."
"It's easier to grasp an idea when you're open to possibilities."
"Motto 'yan ni Iesus," he chuckled.
"Actually, totoo naman talaga. Mas madali intindihin at i-appreciate ang bagay if we bracket our own personal beliefs on things. We see another perspective."
"I really love how you think."
"I only learn from the best."
Huminto sila sa mismong likod ng aisle. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. Kahit noong bata ay sobrang mangha na siya sa desinyo at structure ng Basilica. It was really a work of art. Time was able to preverve its classic beauty kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin ito para ipaalala sa kanila ang mga magagandang bagay na nangyari sa nakaraan. Hindi man lahat naaayon sa kagustuhan ng tao pero may mga memories pa rin talaga na masaya pa ring balikan.
"Bal –" Natigilan siya nang pagbaling niya rito ay nakaluhod na ang isang tuhod nito sa sahig. Literal na huminto yata ang tibok ng puso niya. "Hoy," sita niya sa mababang boses. "Anong ginagawa mo?"
Pero tinawanan lang siya ng loko.
Madami ring nagulat sa biglang pagluhod ni Balti. Halos napatingin na ang mga tao sa kanila.
"Ninin," he smiled and held her hand firmly. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. Feeling niya nanlalamig na mga kamay niya.
Is he proposing again?!
"Three centuries ago I prayed for a Niña in my life. Twenty six years ago your parents prayed for you in this church... and they named you after Him." Tears started to welled from her eyes. Hindi niya mapigilan. Kainis! Those words really pierced in her heart. "Niña ko, mahal ko, Ninin ko." He smiled pero nang tumawa ito ay sumama ang mga luha sa mga mata nito. 'Yan tuloy para na silang tanga. "The moment I saw you in that library I knew we will going to read a lot of books together. Spend a lot of time together. Learn a lot from our mistakes and accomplishments. And just like any other stories, life will give us a lot of reasons to give up, but like our favorite characters, we both want to end our stories if not the best one... but a better one."
Ngumiti ito.
"So," gamit ng libreng kamay ay hinugot nito ang sing-sing na ibinigay nito sa kanya noon. Inangat nito ang mukha sa kanya. "Niña Rosella Marzon, will you start a new chapter with me?"
Tinitigan niya lang si Balti. Sa itsura nito ay mukhang nagsisimula na itong kabahan. Hindi pa siya sumasagot.
"Nin?"
Pati yata mga audience nila kabado sa magiging sagot niya.
Natawa siya.
"Yes!" Sunod-sunod na tumango siya. Joke lang 'yon, syempre. Hihindi ba siya? "Yes, Balti. Kahit ilang chapter pa ang gusto mo. Kahit umabot pa tayo ng one hundred years sa paggawa ng kwento. Basta kasama ka... okay lang sa'kin."
Umugong ang palakpakan sa loob ng simbahan. Kahit 'yong mga nagdadasal at nakaluhod sa aisle ay pumalakpak at masaya para sa kanila. At nang isuot ni Balti ang sing-sing sa kanyang palasingsingan ay tila ba naging buo ulit siya.
Tumayo ito para yakapin at halikan siya sa noo. "I love you so much."
"Mahal na mahal na mahal din kita."
Bahagya silang lumayo sa isa't isa. Nakangiting hinalikan siya nito sa mga labi. It was just a quick peck on the lips. But it meant so much to her.
"Sabi ko sa inyo e pabida 'yang kapatid ko e!" boses 'yon ni Maha, kaya napatingin siya sa may bukas na pinto ng simbahan.
Namilog ang mga mata niya nang makitang kompleto ang mga Faro Boys. Thad is here. Ang mama niya. Sila Tito Juanito at Tita Bea ay nandito rin. Aurea, Mari, and Chi. And Jam! Jam was behind the camera.
"Teka!" Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Balti. "Kaya ba kinausap mo si Jam kagabi? Plinlano n'yo na 'to?"
"Balti finds ways," he chuckled, hinalikan nito ang sentido niya.
"Kapag talaga ikaw nag-isip pasabog lagi."
"Naman. I wouldn't be Bartholomew Juarez for nothing." He let out a sigh of relief. "Pero pinakaba mo ako kanina. Akala ko gaganti ka sa ginawa ko noon."
"Ganti nga 'yon."
He chuckled at muling sinapo ang kanyang ulo para halikan siya sa sintido. "Buti na lang marupok tayo sa isa't isa."
"Buti na lang."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro