Kabanata 56
"BALTI!" she gasped.
Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakayupyop ng ulo sa gilid ng kama ni Balti. Inabot niya ang salamin sa bedside table at sinuot. Agad niyang napansin na wala nang nakahiga sa kama. Marahas na naibaling niya ang tingin sa buong paligid.
"Balti?"
She had a nightmare. Natakot siya. She could still vividly remember it. He chose not to go back. Habol siya nang habol dito, but he just vanished.
Doon niya napansin na bukas ang floor to ceiling na bintana nito dahil naririnig niya ang marahang paghampas ng alon mula sa labas. Bumabasag sa katahimikan ng umaga ang tunog ng mga ibon at mabining paggalaw ng mga dahon mula sa mga puno. The thin white curtain moves along with the brush of the morning wind.
Kagabi ay sigurado siyang sirado ang bintana. Naisip niya bigla ito. He's awake! He didn't vanish. Tumayo siya at mabilis na lumabas ng silid. Agad din siyang binati ng katahimikan. Pansin niyang wala sila Maha at ang mga magulang nito. Wala siyang ano mang naririnig na kaluskos o kakaibang galaw sa paligid. It was solemnly quiet.
She gulped at mas pinili na lamang bumaba sa hagdan. She was gripping the hand drails tightly – anxious and excited at the same time. Feeling niya maiiyak na siya ano mang oras kahit wala pa naman siyang nakikitang Bartholomew. Ramdam na ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan sakabila ng madalas na paglunok sa kaba.
"Balti?" Iginala niya ang tingin sa buong sala. Walang tao. Mabilis na pumunta siya ng kusina. Wala ring tao. Sumilip siya sa pool area at sa front garden wala pa ring tao. The passing seconds was a pure torture. Where's Balti?!
Bumalik siya sa sala at tumayo lamang malapit sa coffee table. What did she miss? Distressed, marahas niyang naitakip ang mga kamay sa gilid ng mukha. C'mon Niña, think, think, think! Her head popped up the moment she remembered something.
God, the library! Out of all places, bakit ko 'yon nakalimutan? She didn't waste any more time. She rushed in there and saw that one door was left ajar. Namilog ang mga mata niya. Kumabog nang mabilis ang puso. Muli siyang napalunok. Her lips pressed tightly. At hindi niya alam kung bakit nanlalamig ang mga kamay niya. She reached for the door knob and pushed it forward and once again she was greeted with silence.
Pumasok pa rin siya at iginala ang tingin sa paligid. The room was fully lit from natural light. Maganda yata ang panahon sa labas. Nakabukas halos lahat ng bintana sa loob ng library. Hindi niya maiwasang maisingit ang pagkamangha. The library looks different... it looks more alive.
Isang malakas na kalabog ang gumulat sa kanya. She literally jumped from her position nang sumara ang pinto sa likod niya. Namilog ang mga mata niya. She doesn't think may enough wind to slammed the door close. Kaso wala naman siyang nakapang takot. Instead, kinalma na lamang niya ang sarili. Kaso hindi pa nga siya nakakahuma ay may bumagsak na namang libro mula sa isang shelf.
Something is weird.
Still.
She walked closer to the shelf para mapulot ang libro, but it wasn't a book. It was the ledger. Marahas niyang naigala ulit ang tingin sa paligid. Hindi niya tuloy alam kung dapat na ba siyang kabahan o bubuklatin na lamang niya ang ledger.
Okay, Niña, surely there was a purpose kung bakit nakita mo 'to rito.
Kahapon ay sabi ni James wala pa raw pagbabago sa ledger. They all assumed Nathanael hasn't touched the ledger. And she thought the ledger was with James. Bakit nandito?
Binasa niya ang labi saka binuklat ang ledger. Dumiretso agad siya sa pahina kung saan nakasulat ang kwento. The name Bartholomew was back but when she reached the last page. Wala pa ring ending. It was still the last scene that Math had translated for them.
"He didn't write the ending," she sighed.
"Every story ends." Nagitla siya nang marinig ang pamilyar na boses 'yon. Feeling niya tumigil sa pagtibok ang puso niya. "But ending in real life means to start a new beginning."
The moment she blinked ay agad ding namasa ang kanyang mga mata. Pinihit niya ang sarili paharap kay Balti. He was smiling. The same smile she had grown to love. He's back! Her Bartholomew Juarez is back. Parang batang yumugyog ang mga balikat niya sa pag-iyak. She could not longer hold back her voice from crying.
"Ninin," he called her name at mas lalo lang siyang naiyak. Balti held her in his arms and she buried her face on his chest – still in tears. Doon siya gumanti ng yakap. Yakap na sobrang higpit. "I'm sorry, mahal. Please, don't cry."
"G-Gago ka! Alam mo ba 'yon? Naiinis...ako... sa'yo!"
"I know."
"B-Bakit mo 'yon ginawa? Why did you... sacrificed...yourself? P-Pwede mo naman..."
"No. I will never do that."
Iyak pa rin siya nang iyak. "Gago ka pa rin."
This time he heard him laugh. "Matagal na since birth pa nga... or ever since the world began." Bahagya itong lumayo para hawakan ang mukha niya. "Alam ko, mahirap talaga mag-move-on sa mukhang 'to," he grinned. "Aw!" He grimanced in pain when she smacked him on his chest. "Wow naman, kakagising ko pa nga lang nanakit na tayo Marzon. Respeto naman sa nahimlay mong irog ng ilang araw."
"Gago ka!"
"Words, Ninin ko."
"Basta naiinis pa rin ako!"
"Mainis ka lang. Mahal pa rin kita."
Her lips pressed, pigil niya ang mapangiti. Balti has always been a ray of sunshine in her life but at that moment. He was literally the sun. He was glowing. His smile is too genuine. He just looked so free... and genuinely happy. And his eyeglasses are back. She couldn't help but cry again.
He's really back!
"O, umiiyak ka na naman? Masyado na ba akong gwapo talaga?"
Tumango siya. "Nakakainis!"
Binitiwan siya nito at inayos ang pagkakatayo sa harap niya. Bahagya itong tumagilid at isinuklay ang isang kamay sa may kahabaan na nitong buhok. She liked the growing stubbles on his jaw. He looked manlier in those. Kapag kasi wala 'yon ay mukha lang itong teenager pa rin. She realized she also loved Balti's rugged form. No, she loved everything about him.
"Gwapo ko ba?"
"I want to bear your child."
Natawa siya sa reaksyon ni Balti. Para itong na i-stiff-neck sa sinabi niya. Literal na napahawak ito sa likod ng ulo para hindi tuluyang mahulog. Namimilog ang mga mata. Bumakas ang magkahalong gulat at pagkalito sa mukha nito.
"C-Come again?" he stuttered.
"I want to bear your child. Gusto kong ikaw ang maging ama ng apat kong anak." Pigil na pigil niya ang lalong matawa. Kumurap ng madaming beses si Balti at sa pagkakataon na 'yon ay nahilot na talaga ang batok. "Dalawang lalaki at dalawang babae."
Malakas itong natawa. "Seryoso ka na talaga riyan, Ma'am?"
"Mukha ba akong nampa-prank, Ser?"
"Aba'y malay ko –" Lalong nanlaki ang mga mata nito nang hilahin niya ang neckline ng shirt nito para magkalapit ang mga mukha nila. "Ngayon ba deadline ng project na 'to at agad-agad naman nating gagawin?" he chuckled.
"Kailan mo ba gagawin?"
"Natin, by partner ang paggawa, Ma'am, huwag kang tamad." Nakagat niya ang ibabang labi, still a giggle escaped from her lips. "Naku, Marzon, huwag mo akong idaan sa pakagat labi mong 'yan. Napakarupok ko pa naman pagdating sa'yo."
"Nagpipigil ka pa rin?"
"Why would I?"
Inalis nito ang salamin nito at sinunod ang kanya. He placed it on top of the vacated portion of the shelf kung saan galing ang ledger before claiming her lips in a searing kiss that almost melted her knees in instant.
Nagawa niyang maipikit ang mga mata at naisampay ang mga braso sa leeg nito habang gumaganti ng halik. She missed him... so much. It brought tears back in her eyes. A moan escaped from her mouth as he delved further – pressing himself closer on her. Lalo lamang dumikit ang katawan niya sa likod ng shelf.
Bahagya itong lumayo para matignan siya.
A smile slipped on his face. "Na miss ko ang mga labing 'yan." Nag-init ang mga pisngi. She could really tell how red her cheeks are at that moment. "So, I still make you blush, ha?" tudyo pa nito. Hinaplos nito ang isang pisngi niya and brushed a thumb gently on her cheeks.
"I –" He cut her off by claiming her lips again.
This time, he kisses her deeply – roughly – feeling niya ay sasabog ang puso niya. Pinasan siya nito bigla na hindi pinuputol ang halik. Kumapit siya rito para hindi mahulog.
"Fudge!" he cursed nang muntik na silang mabuwal na dalawa. Nasagi yata nito ang kung ano.
"Nakakakita ka pa ba?" biro pa niya.
He smirked. "Sila mag-a-adjust." And there was something mischievous in those eyes that she couldn't pinpoint kung ano.
Siniil muli siya nito ng halik sa mga labi.
Hanggang sa maramdaman niya ang dahan-dahan nitong paghiga nito sa kanya sa mahabang sofa. God, hindi na niya alam paano nito nagawang maipagkasya silang dalawa sa sofa. She didn't really care.
Balti was still busy kissing her when she lifted his shirt up. He chuckled as he pulled himself away from her para tuluyang mahubad ang suot na shirt. Bumalik naman agad ito sa paghalik sa kanyang mga labi. She could feel his smile on her lips. His eagerness to see her in flesh. Halos hindi niya namalayang naihubad na nito ang suot niyang blouse at ang shorts naman niya ang kinakalas nito.
Pinalo niya ito sa braso dahil tawa nang tawa. "Ano ba?!"
"Teka lang," tawa pa rin nito, "ang hirap ng posisyon ko."
"Lumipat na lang tayo?"
Puno ng amusement ang mga mata nito. "Sa carpeted na sahig?"
"Oo?"
Natawa ito. "Mamaya, pero pa-try muna sa sofa – aw!" Napalo ulit niya ito sa braso. Lumakas lang tawa nito bago sinakop ulit ang mga labi niya. Bahagya niya itong itinulak. "Mahal, masakit sa likod ang sahig."
"Alam ko –"
"But we'll try it later –"
"Juarez!"
"Simulan na natin bago pa bumalik ang pamilya ko."
"Ang pinto –"
"Don't worry it's locked."
"Sure ka?"
He smirked, "Ako pa." He unclasped her bra. "We'll take it slow."
"Akala ko ba nagmamadali ka?"
He chuckled, "I changed my mind." Napasinghap siya nang maramdaman ang labi nito sa kanyang puson. She blinked twice. Oh, god! She suddenly had trouble breathing. "I know you miss this." At pinisil-pisil pa ang balakang niya.
"Bartholomew!"
"I also miss this, so the feeling is mutual."
He didn't allow her to respond dahil mabilis na nitong nagawang alisin ang natitirang katinuan sa isip niya nang mga oras na 'yon. Not that she was complaining.
NAIPIKIT ni Bartholomew ang mga mata nang maramdaman niyang masusuka na naman siya. Mahigpit na ang hawak niya sa lalagyan ng tinta at pansulat niya habang nagtatago sa imbakan ng gamit sa ilalim ng barko. Ilang beses na siyang nasuka sa itaas sa lakas ng hampas ng alon. Hindi lang sa isip niya gumagalaw ang mga bagay-bagay. Literal na gumagalaw talaga ang lahat.
Bumagsak ang isang kahon sa harap niya dahilan para magitla siya sa gulat. Naalis ang takip at bumungad sa kanya ang isang rebulto ng isang batang lalaki na yari sa isang matibay at espasyal na kahoy. Malakas ang pagkakabagsak no'n ngunit hindi man lang 'yon nasira.
Marahas na bumukas ang pinto.
"Bartholomew!" sigaw ni Ayesus.
"N-nandito ako..."
Malakas itong natawa. "Buhay ka pa ba riyan?" Mabilis siya nitong nahanap. Naupo ito sa tabi niya at inabot sa kanya ang isang ledger. "Sa'yo na."
Umangat-baba ang tingin niya rito. "S-Sa'kin? Aanhin ko 'yan?"
"Hindi ko alam. Magsulat ka? Gumuhit ka? Hindi ko na 'yan ginagamit. May nabili akong bago. Mas makapal at mas maganda. Hindi ko pa 'yan masyadong nagagamit. Walang anuman."
"Hindi pa ako nagpapasalamat."
"Hindi mo na kailangan magpasalamat." Tinanggap pa rin niya ang ibinigay nito sa kanya. "Mahilig ka magbasa, hindi ba?" Tumango siya. "Nabanggit sa'kin ni Felipe na naubos mo na halos ang mga aklat ko sa barko. Bakit 'di mo subukang magsulat ng kwento para may pagkaabahalan ka at makalimutan mong nasa laot tayo."
Tumango lang ulit siya.
Hindi niya alam kung bakit nakukuha ng rebulto ang atensyon niya. Mukha 'yon ng isang batang lalaki na may kulot na buhok at may gintong korona. Moreno ang kulay ng balat nito. Nakasuot ng pulang kapa na naadornahan ng mga gintong bulaklak na tila mga bituin at puti naman sa loob. May hawak na gintong bilog na may krus sa itaas at nakaturo sa langit ang hintuturo at gitnang daliri, magkadikit ang mga 'yon. Nakaturo rin ang hinlalaki sa itaas. Nakadikit doon ang isang gintong patpat. Mukha itong prinsipe sa kasuotan at nakatayo pa sa isang ginto rin na patungan.
Napansin din yata nito na hindi na siya nakikinig kaya sinilip na ni Ayesus ang mukha niya.
"Santo Niño," basag nito. Naiangat niya ang tingin dito. "Batang bersyon ni Hesus. Ibinigay lang din 'yan sa akin. Hindi naman ako relihiyosong tao. Ikaw ba?"
"H-Hindi ko alam..."
Natawa ulit ito. "Estúpido!" Sa tingin niya ay tukoy nito sa sarili. "Wala ka nga pa lang naalala. Mali ang aking tanong."
Wala gaano siyang naalala. Ang Bartholomew ay pangalang sinabi ni Ayesus sa kanya. Ang may-ari ng barko kung na saan siya. Ang tanging natira sa alaala niya ang masayang mukha ng mga magulang niya at ang batang kapatid na babae ngunit malabo rin ang mga mukha ng mga ito at hindi niya maalala ang mga pangalan. Ang sabi sa kanya ni Ayesus ay natagpuan lang daw siya nito na walang malay sa ilalim ng puno ng igos. Kaya wala rin itong ideya kung na saan ang pamilya niya.
Kilala siya nito dahil matagal na daw siyang hinahanap nito at may pakay ito sa kanya na hanggang ngayon inililihim pa rin nito sa kanya.
Ngunit pakiramdam niya ay ngayon lang niya ulit nakita ang mundo. Tila lahat ay bago sa paningin niya. Hindi nga lang niya maisip ang dahilan ng kakaibang pakiramdam na iyon.
"Mukha ka namang relihiyoso," basag nito.
"A-Ako?"
"Sa iyo na lang." Inabot nito sa kanya ang rebulto. "Ikaw na mag-alaga. Hindi ko rin naman 'yang maibebenta. Hindi naman 'yan pinagbibili. Pinamimigay, maari pa."
Hindi na siya tumanggi. Masyadong maamo ang mukha ng batang Hesus. Nagdadalawang-isip siyang tanggihan.
"Salamat."
"BARTOLOME!"
Naiangat niya ang mukha kay Mateo. Nasilaw siya sa liwanag ng araw nang lumihis ang layag. Galing sa itaas si Mateo. Bumaba gamit lang ng lubid. Lagi itong nasa itaas. Ito ang tumitingin sa paligid gamit ng largabista nito. Salitan ito at ni Andres, nakababatang kapatid ni Pedro. Si Mateo rin ang kusinero at nagsisiguradong kasya lang sa kanila ang mga nakaimbak na pagkain at aabot 'yon hanggang sa susunod na kolonya.
"Mateo," inihilig niya nang maayos ang likod sa bariles ng mga imbak na alak na hindi pa naibaba sa silid imbakan. Katabi niya ang rebulto na bigay sa kanya ni Ayesus. Pinapaarawan niya.
"May naisip ka nang kwento?" Naupo ito sa tabi niya, nakasampay ang isang kamay sa nakatiklop na paa nito.
"Wala pa akong maisip na pangalan."
"Oo nga naman. Pangalan. Dapat may pangalan ang mga bida." Sandali itong nag-isip. Hanggang sa dumaan si Pedro sa harap nila. "Kap!" tawag nito rito. "Pahiram muna ng kaunting oras mo." Lumapit ito sa kanila. Masama ang tingin sa kanya. Ilang beses na niyang napansin 'yon. Ngunit 'di niya alam ang dahilan.
"Anong klaseng suliranin ba 'yan?"
Naupo rin ito sa tabi niya. Kinarga nito ang batang Hesus.
"Pinapasulat 'tong si Bartolome ni Ayesus ng kwento." Ininguso nito ang hawak niyang kwaderno at kahon kung saan nakasilid ang kanyang tinta. Hawak na niya sa isang kamay ang pansulat niya. "Wala pa siyang naiisip na pangalan."
"Ilagay mo na lang Bartholomew."
"Pangalan ko?"
Tumango ito. "Oo. Huwag ka na lumayo. Sasakit lang ang ulo mo."
"Tama! Tama!" sang-ayon pa ni Mateo. "Hayan, may pangalan na tayo ng lalaki. Pangalan na lamang ng bidang babae."
Pareho silang nahulog sa malalim na pag-iisip hanggang sa magkasabay rin nilang tinignan ang kargang rebulto ni Pedro.
"Ano nga ang pangalan nito?" tanong ni Pedro.
Kumunot ang noo ni Mateo. "Sa naalala ko ay tinawag 'yan ni Ayesus na Santo Niño."
"Alam ko na!" Ipinitik ni Pedro ang dalawang daliri. "Ninya! Ninya ang ipangalan mong bidang babae." Napaisip siya. Maganda rin ang pangalan na iyon.
Tumango siya at nagsimulang magsulat. "Nin..." Pero natigilan siya. Muli niyang naingat ang ulo. "Paano pala isulat ang Ninya?"
"Y!" ni Pedro.
"Ñ!" ni Mateo.
Lalo lamang siyang nalito. "Ano ba talaga?"
"Kapag Niña, ibig sabihin no'n batang babae. Ninya na lamang para maiba," dahilan pa ni Pedro.
"Mas maganda sa mata ang Niña kung isusulat!" dahilan naman ni Mateo.
"Ano na naman ba 'yang pinagtatalunan ninyo?" Sabay-sabay nilang naiangat ang tingin sa harap. Nakayuko sa kanila si Ayesus. Nalulunod siya sa kulay asul nitong mga mata.
"Ayesus!" aniya.
"Sus!" sabay naman nila Pedro at Mateo.
"Ikaw na magpasya," ni Pedro. "Anong mas maganda Niña na may ñ o Ninya na y lang?"
"Para saan ba iyan?"
"Para sa isinusulat na kwento ni Bartolome." Siko pa sa kanya ni Mateo.
"Bakit n'yo ba iyan pinagtatalunan? Hayaan n'yo si Bartholomew sa kung paano niya isusulat ang pangalan ng bidang babae sa kwento niya."
Tinignan siya ng dalawa – tatlo na pala. Nakaramdam tuloy siya ng panliliit. Naglapat ang mga labi niya. Mahigpit ang hawak sa pansulat na isinulat niya ang mga litrang bubuo sa pangalan ng bidang babae sa kwento.
NIÑA
"Panalo ako!" masayang sigaw ni Mateo.
"Lo que sea!"
Tila roon lang siya nakahinga nang maluwag nang makita ang pangalan na 'yon sa pahina ng kwaderno. Niña. Napakagandang pangalan. Hindi niya napansin ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang labi.
Iibig si Bartholomew kay Niña.
Ang palakpak ni Ayesus ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. "Ngayon, Bartholomew, ayusin natin ang pagsulat mo sa pangalan ko."
Namilog ang kanyang mga mata. "Mali ba ako?" Ang lakas ng halakhak nila Pedro at Mateo. Kumunot lang lalo ang noo niya. "Hindi ba A. Y. E. S. U. S. ang pagsulat no'n?"
"I," pagtatama nito. "E. S. U. S. Iesus."
"Ngunit Ayesus ang pagbigkas?"
"Yesus."
Lumakas lang lalo ang tawa ng dalawa.
"Yesus? Mali ba ang pandinig ko? Ayesus ang tawag sa'yo nila Pedro at Felipe... ng halos lahat."
Naikiling ni Iesus ang ulo at nahilot ang leeg. "Nagsawa na akong itama. Ngunit Yesus talaga ang pagbasa niyan." Kunot na kunot ang noo nito. "Hindi na mahalaga kung tama ang pagbigkas o hindi. Maiwan ko na kayo at may naalala akong gagawin." Iniwan na sila ni Iesus.
"Hoy, Kap, kailan mo pa nalaman na Yesus ang pagbigkas ng Iesus?"
"Ngayon lang." Malakas pa rin ang tawa ni Pedro. "Hindi naman 'yon mahalaga sa kanya. Hayaan mo 'yon."
"Belib din ako sa'yo hindi ka nanginginig pagtawanan si Iesus."
"Kapag may alak sa katawan malakas loob kong kalabanin 'yon. Ngunit kung wala, ako na mismo ang tatalon ng barko."
Tawang-tawa si Mateo. "Que horror!"
"Masamang ginagalit 'yang si Iesus," dagdag pa ni Pedro. "Mahahati ang karagatan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro