Kabanata 55
"KUYA?"
Naiangat ni Nathanael ang ulo mula sa pagkakayupyop sa kanyang mga nakatiklop na mga binti. Nakahilig ang likod niya sa puno ng igos. Kuya? Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Maha. Nakasunod dito ang mga magulang nito. Naigala niya ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung ilang araw na siya roon. Taon? Dekada? Hindi siya makaalis sa lugar na 'yon. Lalo na sa punong 'yon.
Ibinalik niya ang tingin sa mga ito.
"Anong ginagawa n'yo rito?"
"Kuya," nguso nito na parang bata, "'di mo lang ba kami na miss?" Bahagya siyang natigilan dahil ngayon niya lang napansin na may hawig ang babae kay Marta. Lalo na kung ngumunguso sa inis.
"Hindi ako ang kuya mo."
"Balti –" tawag sa kanya ng ama ni Balti.
"Hindi ako ang anak ninyo."
"You are our son." Lumapit ang tatlo sa kanya. "You have always been our son." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Isang malapad na ngiti ang nakita niya rito. "Nathanael, Hanael, Bartholomew, o Balti man 'yan. Ikaw pa rin ang anak namin."
"Anak," mainit ang ngiti ng ina ni Balti sa kanya. Ito mismo ang yumakap sa kanya para makatayo. "It's okay. We're here."
Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pamilyaridad sa yakap ng ginang. Tila yakap 'yon ng kanyang inang si Blanca. Hindi niya napigilan ang ibalik ang yakap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nanikip ang dibdib niya. Magkasingbango sila ng kanyang ina.
"Patawarin mo kami kung maaga ka naming iniwan. Hindi namin 'yon ginusto." Napakurap siya nang kumalas ito ay hilam na ng mga luha ang mga mata. Ikinulong nito ang mga kamay ang kanyang mukha. "You've been through a lot... and it's okay to stop. Tumigil na tayo, anak. Magpahinga ka na. Ipahinga mo na ang galit mo sa kanila. Matagal na 'yong lumipas. Magsimula na tayong lahat uli."
"H-Hindi ko kayo maintindihan..."
"Kuya," hilam na rin ng mga luha si Maha, "buhay kami. Kasama mo pa rin kami. Hindi man noon pero ngayon kasama mo kami."
Inabot sa kanya ng ama ni Balti ang isang lumang larawan. Binitiwan siya ng ginang at binigyan ng ispasyo para matignan ang larawan.
"It took a lot of years, Hanael, but we're here now."
Nang kumurap siya ay agad na tumulo ang mga luha niya. Larawan 'yon ni Balti at ang pamilya nito noong sampung taong gulang ito. Lumakas ang iyak niya at lalong yumugyog ang mga balikat niya nang makitang kamukhang-kamukha ni Maha si Marta sa larawan na iyon.
"I-Ikaw 'to?" Baling niya kay Maha sabay turo sa batang babae sa larawan. Umiiyak na tumango ito. "I-Ikaw si Marta? Ikaw ang kapatid ko? B-Buhay ka?" Lalong naninikip ang dibdib niya. Tinitigan niya nang mabuti si Maha. Lalo lamang siyang naiyak. Paanong hindi niya napansin ang pagkakahawig nito kay Marta?
"It's not your fault, Kuya." Inabot nito ang kanyang kamay. Nakangiti ito sa kanya habang hilam pa rin ng mga luha. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. You did your best to protect me. You saved me. And even now, you have always been the best brother to me."
Ibinaling niya ang tingin sa mga magulang ni Balti na matandang bersyon ng kanyang mga magulang. Kung ganoon, nabuhay ulit ang pamilya niya at kasama niya bilang Bartholomew. Pinatawad siya ng Dios sa lahat ng mga pagkakamali niya at binigyan ng pagkakataon na itama lahat ng mga pagkakamali niya noon.
Sa katotohanang 'yon ay mas lalo lamang naghirap ang kalooban niya. Lalo lamang siyang napaluha. Karapatdapat pa rin ba siya sa pagkakataon na 'yon? Sa dami ng ginawan niya ng masama. Dahil sa matinding galit na hinayaan niyang manahan sa puso niya ay nagawa niyang sunugin ang bayan nila. Tinapos niya ang mga buhay ng mga tao sa palasyo. Lalong yumugyog ang mga balikat niya. Napakasama niyang tao.
Bahagya siyang lumayo sa mga ito. "P-Patawad..."
"Kuya?"
"Hindi na ako ang Hanael na kilala n'yo." Hindi niya maiangat ang mukha sa mga ito. "Madami nang nabago sa akin. Madami na akong nagawang mali. Madami na akong nasaktan... Galit na galit ako." Naikuyom niya ang mga kamay. "Galit na galit ako sa kanila. Wala akong magawa sa galit na 'yon. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat. W-Wala... wala kayong kasalanan... tahimik lang ang buhay natin... wala tayong sinasaktan... p-pero... pero bakit ganoon?"
"Anak." Naramdam niyang muli ang yakap ng ina. "Hayaan mo na. Tapos na 'yon." Yumakap ang kanyang ama sa kanya. "Nandito na kami ng papa mo... ng kapatid mo."
"Palayain mo na ang sarili mo," dagdag ng kanyang ama. Kumapit siya ng yakap sa mga magulang niya na tila ba sinusubukang pawaiin ang lahat ng taon na magkahiwalay sila. Parang batang takot na takot mawala ang ama't ina. "Hayaan na natin ang nakaraan sa kung saan sila. Magsimula tayo ulit. Magsimula ka ulit."
"Hindi na lang kami ang pamilya mo, Kuya." Mula sa likod ay yumakap si Maha. "Madami na kami. Madami sila sa Faro. Pati na rin ang mga batang estudyante na mahal na mahal ka. Hindi ka namin iiwan."
"Umuwi ka na sa amin, anak." Bahagyang lumayo ang ina para mahawakan ulit ang luhaan niyang mukha. "Ipagluluto kita ng mga paborito mo. Lahat nang gusto mo. Hindi na rin kita sesermonan."
"Ma, favoritism talaga!" Natawa siya sa reklamo ng kapatid. "Kailan n'yo ba sinermonan 'yan? Favorite child mo 'yan e."
Pinagtaasan ito ng kilay ng ina. "Manahimik ka, Maharlika."
Ngumuso lang ulit ang kapatid. Tawa at iyak na yata ang ginawa niya. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata.
"Totoo naman, mahal," kampi pa ng ama niya.
Binitiwan siya ng ina at hinarap ang kanyang ama. "Ah, talaga ba, Juanito? Sinasagot mo na ako?"
"Naku, hindi! Kailan ba kita sinagot? Ah, oo, tama, noong nanligaw ka sa'kin sinagot kita." Ngumisi ito. Natawa siyang lalo. Yumakap naman sa kanya ang kapatid. "Atat na atat ka pa ngang sagutin kita dahil magpapakamatay ka kapag 'di ka naging Juarez."
Napamaang ang ina. "Aba'y –" Pinalo na nito ang braso ng ama. "Kung anu-ano na naman 'yang fake news kinakalat mo!" Isa pang palo na nasundan ng madaming palo sa magkabilang braso na tinawanan lang ng kanilang ama.
"Ay ganoon pala love story n'yo, Ma, ha? Now I know," tudyo pa ni Maha.
"Manahimik ka Maharlika! Huwag kang magpapaniwala sa ama mong 'to. Fake news lang lagi kinakalat nito."
"Hindi 'yon fake news!" Mabilis na napihit ng ama patalikod ang ina at niyakap. Nagpupumiglas pa rin ang ina sa mga bisig nito. "Alam n'yo ba noong college kami. Pinagsigawan lang naman niyang si Juanito Juarez ang boyfriend niya."
Napasinghap si Maha. "Omoo! Seryoso? Bakit 'di ko alam? More! More!"
"Tama na 'yan Juanito!"
"Teka lang, mahal, 'di ko pa na bubuod ang ating pagmamahalan."
"Kilabutan ka nga!"
"Sa kilig ba?" Malakas na tumawa ang ama. Naitirik lang ng ina ang mga mata bago ito siniko. Napaigik sa sakit ang ama. "K-Kita n'yo... 'tong... mama n'yo... mahal talaga ako... mahilig akong saktan."
Tawang-tawa siya.
"MANAHIMIK, JUANCHO!" Hinabol ng walis ni Blanca si Juancho. Umalingaw-ngaw ang tawa nila Hanael at Marta sa buong sala habang nakasunod sa ama. Pati sila ay hinahabol na rin ng walis ng kanilang ina. "Mga anak, huwag na huwag kayong maniwala sa ama n'yong iyan. Naku, napakasinungaling niyan."
"Totoo naman, mahal ko. Walang tulak kabigin ang pagmamahal mo sa akin. Hindi ka nga maidlip sa gabi na hindi ako nakikita."
"Hoy! Hindi iyan totoo! Mas mahimbing pa ang tulog ko kapag hindi ka nahagip ng mga paningin ko."
"Ah, talaga ba? O bakit nakipag-isang-dibdib ka sa akin?"
"Pinilit mo lamang ako!"
Tawang-tawa si Juancho. "Walang sapilitang nangyari, mahal ko. Buong puso kang nangako sa Maykapal."
"Nathanael! Marta! Hawakan n'yo 'yang ama – ohhh!" Napasinghap ito nang matisud si Juancho at bumagsak sa sahig. Mabilis na pumatong sa likod sila Hanael at Marta. Sa pagkakataon na iyon ay natawa na lamang si Blanca. "Hayan, karma mo na iyan!"
Nilapitan niya ang mag-ama niya. Sa sumunod na oras ay napuno ng masasayang tawa ang buong bahay nila. Pinupog ng halik nila Juancho at Blanca ang mga anak. Niyakap at kinikiliti hanggang sa parehong napahiga sa sahig. Tawa pa rin nang tawa.
Napatingin sa isa't isa sila Juancho at Blanca at parehong napangiti na sa kalaunan ay naging tawa.
"HINDI ba nagkita ulit sila Nennilo at Nennella, Kuya?" Napakurap si Nathanael sa biglang tanong ni Maha. Sa 'di kalayuan ay tumitingin sa paligid ang kanilang mga magulang. Kita mula roon ang Monsanto. "Ituloy mo na ang kwento. Gusto ko na malaman." Inabot nito sa kanya ang libro ng Nennilo y Nennella.
Naalala niyang hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na tapusin ang kwentong 'yon kay Marta. Limang taong gulang pa lamang ang kapatid noon. Ngayon ay dalaga na.
"Gusto mo pa bang malaman?"
"Oo naman, cliff hanger ka masyado noon e. Sige na. Ready na ako."
Pareho silang nakasandal sa malaking puno. Idinikit pa nitong lalo ang sarili sa kanya habang binubuklat niya ang libro.
Napangiti lamang siya.
"May dalawang magkapatid na masayang naninirahan sa isang nayon kasama ang kanilang ama. Sina Nennilo at Nennella," simula niya. "Ngunit maagang namatay ang kanilang ina. Isang araw ay umuwi ang kanila ama na may bagong asawa. Ngunit napakasama ng bago nilang ina. Nais nitong mawala sina Nennilo at Nennella... kaya isang araw –"
"Ay alam ko na 'yan. So, this evil-witch-stepmother na feeling pretty ay pinalayas sila."
Natawa siya sa hula nito. "Dahil masyadong masunurin ang ama nila Nennilo at Nennella sa bagong asawa. Kahit na mahal na mahal niya ang mga anak ay sinunod pa rin niya ang bagong asawa. Kinabukasan, dinala niya sila Nennilo at Nennella sa kagubatan, pinabaonan ng pagkain. Sabi ng ama, 'Dito lamang kayo. Maglaro lang kayo. Ito ang mga pagkain kapag nagutom kayo. May palatandaan akong iniwan kung sakaling mawala kayo.' Saka iniwan ang magkapatid. Ngunit nang dumilim na ay natakot na sina Nennilo at Nennella."
"Sinundan nila ang palatandaan at nakabalik sila?"
Tumango siya. "Oo."
"Anong klaseng palatandaan?"
"Mga abo."
Tumango-tango si Maha. "Let me guess, na highblood na naman 'yong witch step-mother na feeling pretty kasi nakauwi sina Nennilo at Nennella."
Natawa ulit siya. "Mukhang alam na alam mo na 'tong kwento ah."
"Hindi naman," umiling ito, " pero sa dami na ng mga napanood kong Kdrama. Milagro nang mabait ang stepmothers. Alam mo dapat ginawa niya? Sinabuyan niya ng tubig sina Nennilo at Nennella at saka inalok ng pera."
Kumunot lang ang noo niya. "Bakit naman gagawin 'yon ng babae?"
"Uso 'yon sa mga Kdrama. Lapagan ng pera layuan mo lang anak ko." Tawang-tawa pa rin siya kahit hindi niya lubos maintindihan. "Oh, tapos, Kuya? Anong nangyari sa magkapatid? Okay pa ba blood pressure ni stepmother?"
"Nagalit ang bagong asawa sa ama ng magkapatid at muling nagbanta na iiwan siya. Ngunit nakiusap ang ama na manatili siya. Kinabukasan din ay muling dinala ng ama sina Nennilo at Nennella sa gubat. Sa pangalawang pagkakataon ay pinadalhan ng pagkain at naglagay rin ng palatandaan."
"Pero 'di na sila nakabalik?"
Tumango siya. "Nang mapagod sa paglalaro ang dalawa at naubos na rin ang mga dalang pagkain. Nagpasaya nang umuwi ang magkapatid ngunit naubos na rin pa lang kainain ng mga ibon ang mga butil ng bigas na iniwan ng kanilang ama sa daan. Takot na takot na sinubukan pa rin nilang hanapin ang daan palabas ng masukal na gubat na iyon. Hanggang sa makarinig sila ng malalakas na tunog ng trumpeta sa paligid at marahas na halinghing na tunog ng mga kabayo. Tumakbo sina Nennilo at Nennella hanggang sa magkahiwalay ang magkapatid."
"Omg! Nagkahiwalay sila?" Bumakas ang pagkakakunot ng noo nito. "Hala! Tapos? Tapos?"
"Nagtago si Nennilo sa isang malaking puno at dire-diretso sa pagtakbo si Nennella hanggang sa makalabas siya ng kagubatan. Napunta siya sa dalampasigan. Nang mga oras na 'yon may nakadaong na barko ng mga pirata. Nakita ng kapitan si Nennella at mabilis na inakyat sa barko at ipinakita sa kanyang asawa."
"Sabi na e!" Pinitik ni Maha ang mga daliri. Nagulat siya roon sa totoo lang. "Pero magkikita naman sila ulit, 'di ba?"
"Kung sana pinapatapos mo ako bago ka magbigay ng mga komento."
Ngiting aso ang ibinigay ng kapatid sa kanya. "Sareee! Sige, ituloy mo na."
"Isang prinsipe pala at ang mga kasama nito ang gumagawa ng ingay. Nangangaso ang mga ito sa kagubatan. Nakita ng prinsipe si Nennilo na nagtatago sa puno. Hindi ito makapagsalita sa takot. Dinala ng prinsipe si Nennilo sa kaharian nito at tinuruan ng lahat ng mga puwedeng ituro rito. Tulad ng panghuhuli ng isda, pangangaso, at pagbabasa ng kwento. Si Nennilo ang isa sa mga naging paborito ng prinsipe sa palasyo. Ngunit hindi alam ng prinsipe ang pangalan nito dahil nawala ang lahat ng memorya ni Nennilo."
"Saan na si Nennella?"
"Winasak ng isang malakas na bagyo ang barko ng mga pirata. Lahat ay nasawi maliban lamang kay Nennella. Isang malaki at mahiwagang isda ang nakakita sa kanya. Sa loob ng isda ay may isang magandang hardin at malaking bahay. Sa ilang taon, doon nanirahan si Nennella bilang reyna."
Namilog nang husto ang mga mata ni Maha. "Enchanted fish ba 'yan?" Natawa siya. Naaliw na gusto niya ring itapon sa malapit na bangin ang reaksyon ng kapatid. "Woah! Daebak! Siguro madaming gold at perlas sa bibig ng isda. O 'di kaya diamonds." Nagbilang ito sa daliri. "Naku, lifetime budget of merchs na 'yon saka unlimited access para makapag-travel lagi abroad. Makakapag-hoard na ako nang madaming lightsticks. Baka bilhin ko na rin mismo si Sehun."
Kumunot ang noo niya. "Sino si Sehun?"
Marahas na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Wala!" Saka bumungisngis. "Wala, wala, so, saan na nga tayo? Ah, doon sa malaking isda."
"Ilang taon ang lumipas. Binata na si Nennilo. Isang araw, kasama ng prinsipe ay namasyal sila Nennilo sa dalampasigan nang mapansin nila ang isang malaking isda na nanggaling sa Timog. Lumapit ito sa malaking bato at ibinuka ang bibig. Mula sa mata ng isda ay nakita ni Nennella ang kanyang kapatid, 'Kuya Nennilo! Kuya Nennilo!' sigaw ni Nennella sa loob."
"And he remembered her sister?"
Nakangiting tumango siya. "Bumalik sa kanya ang lahat at naalala niya ang kapatid na si Nennella. Bumuka ang bibig ng malaking isda at lumabas doon ang dalagang si Nennella... kasing ganda ng isang Diwata ng tubig."
"Kasing ganda ko?"
Pinaningkitan niya ng mga mata ang kapatid at bahagyang ikiniling ang ulo sa kaliwa para mas matitigan pa ang kapatid. "Hindi yata –" Napaigik siya nang hampasin siya nito ng hawak nitong kwaderno. Mas malaki 'yon sa pagkaraniwang kwaderno. Natawa lang siya. "Hahaha!"
"Grabe ka! Tapusin mo na nga ang kwento."
"Nagkita ulit sina Nennilo at Nennella. Ikinuwento lahat ni Nennella ang nangyari sa kanya sa nakalipas na taon at tungkol sa ginawa ng bagong asawa ng kanilang ama. Agad na ipinahanap ng prinsipe ang magulang nila Nennilo at Nennella. Ang ama ng mga ito na lubos na nagsisisi at nangulilala sa magkapatid ay agad na pumunta ng palasyo. Bagama't mali ang ginawa nito ay pinatawad pa rin ito ng prinsipe at pinangaralan na bilang ama nila Nennilo at Nennella dapat ay inuna nito ang kapakanan ng mga anak kaysa sa mga utos ng masamang asawa. Isang katangahan ang ginawa nito sa mga anak. Hindi mahirap sa prinsipe na maniwala sa matandang ama dahil bumakas sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi."
"E 'yong evil-witch-stepmother na feeling pretty saan na?"
"Sumama siya sa palasyo pero pinarusahan lang siya ng prinsipe."
"Serves her right!"
"Ipinasok sa bariles ng alak at pinagulong-gulong sa bundok," nakatawang dagdag niya. 'Yon din ang pinakapaborito niyang eksena sa kwento.
Tawang-tawa si Maha. "Aba'y, dapat gumulong-gulong na siya forever."
"Sa huli ay parehong naging masaya ang mag-ama at naging marangya ang buhay sa tulong ng prinsipe. Nakapag-asawa si Nennilo ng babae na galing sa isang marangal at may mataas na antas sa lipunan. Samantang si Nennella ay nakapangasawa ng isang katulad din ng prinsipe. At simula nga roon ay namuhay na sila nang masaya."
"Wow! Happy ending naman pala."
Isinirado na niya ang aklat na hawak. "Ano 'yang hawak mo?" pag-iiba niya.
"Ah, ito ba?" Iniangat nito ang hawak. "'Yong ledger."
"Bakit na sa'yo 'yan?"
"Actually, hindi lang 'to." Bahagya itong pumihit para iharap sa kanya ang dala nitong bag. Mula roon ay inilabas nito ang pamilyar na lalagyan na yari sa kahoy. Kumunot ang noo niya rito. "You need to finish your story." Inabot nito lahat sa kanya ang mga gamit. "Gaya nang sinabi ko kanina. Madami kaming nagmamahal at naghihintay sa'yo. Kuya, naghihintay pa rin sa'yo si Niña." Inabot nito ang kanyang kamay at magaan 'yong pinisil. "Bumalik ka na, ha?" At ngumiti. "Hihintayin ka namin."
HINAPLOS ni Niña ang nilumang libro na bigay sa kanya ni Balti. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa title ng nobelang 'yon. Halos hindi makapaniwalang isa iyon sa mga paboritong nobela ni Balti.
"Gayuma ng Gabi," she muttered, smiling.
Lumabas na muna siya at hinayaan na makapagpahinga ang lahat. Mahimbing pa ring natutulong si Maha at ang mga magulang nito. Sina Vier, James, Iesus, Sep, at Tor na lamang ang natira sa bahay. The rest, pinauwi na muna para makapagpahinga.
Hindi siya makatulog kaya nagpahangin muna siya sa boardwalk. Tanging mahampas ng alon lamang na tumatama sa batohang bahagi ng boardwalk ang bumabasag sa gabi. Nanunuot pa rin ang malamig na hangin sa kanyang balat sa kabila ng suot niyang cardigan.
Binuksan niya ang unang pahina ng aklat at binasa ang unang eksena. Actually, sauludo na niya iyon. Maikli lang naman kasi ang kwento. Hindi rin boring. Mas madami pa tawa at kilig niya kaysa sa mismong nakakatakot na part. Kung masasabi ngang scary part iyon.
This story is very Balti.
He has always been fond of stories with happy endings at syempre nakakatawa. He never like sad stories. Hindi nito kayang magbasa nang mga ganoon. Balti tried it once pero isang linggo lang yata itong tulala at naiiyak sa tuwing naalala ang tragic part ng story.
Natawa siya.
At muling naingat ang tingin sa harap pero nakuha na ng liwanag ng parola ang atensyon niya. Naalala niya 'yong in-highlight na quote ni Balti sa kwento na sinabi ng lalaki sa may ending. It reminded her of the lighthouse.
"In order for the light to shine brightly, the darkness must be present."
Because there is more than meets the eye.
What Nathanael did was wrong. The king is also at fault. But if both of them were given the chance to see the light after a long darkness, then maybe, just maybe... in those missing chapters of their past that none of them could remember, they were still able to redeem themselves.
And decided to move forward instead of dwelling back.
"HE'S still not waking up?"
Naabutan niya si James na nakatayo sa gilid ng kama ni Balti. Seryoso ang mukha na nakatingin ito sa kaibigan.
James shook his head. "No." His forehead creased. "He should be awake by now." Nakalapit na siya rito nang ibaling nito ang tingin. "The story in the ledger doesn't have an ending yet."
Naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang malamig na kamay ni Balti. "It will still be his choice if babalik siya o hindi, 'di ba?" Naisip na rin niya 'yon. But all she did was to discard the idea on her mind.
"I'm sorry."
Mapait siyang ngumiti. "He'll be back. Hindi tayo iiwan ni Balti."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro