Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 53

KINAKAGABIHAN ay ikinalat ni Nathanael ang mga nakuhang likido ng gas sa bawat sulok ng Monsanto. Sinigurado niyang walang taong makakakita sa kanya. Tumayo siya sa gitna ng water fountain at sinindihan ang hawak na posporo. Isang ngiti ang sumilay sa mukha niya nang isa-isa niyang itapon sa paligid ang mga sinindihang pospora. Agad na nagliyab ang paligid ng bawat dinadaanan niya.

Tila musika sa kanyang tainga ang unti-unting pagkalat ng sigawan at iyak ng mga tao roon. Lumaki pang lalo ang apoy na sa mga oras na 'yon ay tila gutom na halimaw na kinakain ang buong Monsanto. Sumalamin sa kanyang mga mata ang unti-unting pagkatupok ng mga bahay. Lalo siyang napangiti. Ikinimupas niya ang dalawang kamay para palakasin pa ang hangin. Wala siyang ititira sa bayan na 'yon. 

"Sunog! Sunog!"

"Tulooooooooooooooong!"

Lahat ay dadanasin ang malupit na sinapit ng pamilya niya.

"I THINK I know what to do," basag ni James. Natuon ang atensyon nilang lahat dito. "We need to find a way to resolve Hanael's grief and hatred." Lumapit ito kay Tor. "He needs to meet his family."

"But they're all dead," Maha sobbed, kanina pa ito umiiyak sa kwento. "How can we do that when they're all dead?!" Kahit siya ay hindi napigilan ang mga luha.

The king may have been her father, but the father she had known is not cruel. He was the best father. His past no longer belong to his present, and she was sure, his father had paid for his misdoings in the past.

"Calm down, Maha." Pumagitna si Vier. "James, any possible way that we can do that? I'm sure Tor can confirm if Maha and their parents are still Hanael's family in the past. You saw them, right?"

Tor nodded. "Marta's face resembles your five-year-old self, Maha." She glanced at Maha and saw how her eyes widened in disbelief. "I'm sure that she will look a lot like you if she did live longer. Juancho and Blanca are the younger version of Tito Juanito and Tita Bea. I can confirm that his family was all reincarnated in his present life."

"Did Nathanael saw his sister and parents?" Jam asked.

"I'm sure he did," sagot ni Vier. "But he may not recognize them now. His memory of his parents and Marta was in his ten years old self. Bata pa si Marta noon and Maha is a grown woman now. Malaki na rin ang itinanda nila Tito Juanito at Tita Bea. Plus, his anger blinded his personal judgment of things. He conditioned himself with one goal... to have his revenge on Niña's father."

"Hold that thought." Drew raised a hand. "I just remembered something. It was discovered earlier that the story in the ledger was written after Nathanael's mass killing. Meaning to say, when he boarded the ship of Iesus' great-great-grandfather Hanael's altered self was already discarded from him."

"Or Nathanael pretended to be Hanael?" balik tanong ni Jam.

"I don't think so." Naibaling naman sa kanya ang atensyon ng mga ito. She gave each of them a firm look. "Nathanael will not write something like that. Sinabi niya sa'kin mismo na hindi siya mahilig sa happy endings. Kaya imposible na si Nathanael ang author ng story sa ledger. It should be Hanael."

"It was Hanael." Ibinalik ni Tor ang takip ng whiteboard marker na hawak. "It was Iesus, Philip, and Sep who saved him."

Bumakas agad ang kalituhan sa mukha nila Vier at Sep. Nagpalitan ng bulungan at tingin ang iba sa isa't isa. Totally shocked with another revelation. Iesus remained serious and quiet in the far corner of his library. He seemed lost in his thoughts.

"Iesus' great-great-grandfather calls them Felipe and Pedro." Isa-isang tinignan ni Tor sila Sep at Vier. "You were with Iesus. And there is a great chance that we are all connected with Iesus' great-great-grandfather. I've already considered it. And this was Balti's assumption. We haven't talked about it thoroughly but he believed that the missing items that he took from them will find their rightful owner in this present life. I found the compass necklace through Aurea who had a big role in my past life. The same thing with the music box of Mari and Jude. It led them to each other. And now, Balti found another missing item through Niña because her late father was the king, Nathanael hated the most. Our missing items will soon find us."

NAGKAKAGULO nang makarating sila Iesus, Felipe, at Pedro sa sintro. Nagsisigawan ang halos lahat ng mga tao. Nagtatakbohan. Hindi na iniisip kung sino ang nababangga.

"Anong nangyayari?!" Naguguluhang iginala ni Pedro ang tingin sa paligid. May nakikita silang makapal na usok mula sa malaking palasyo. May hinarang itong lalaki. "Ano ang lokasyon ng apoy?"

"Sa palasyo!" hinihingal na sagot ng lalaki. Takot na takot. "Nasusunog ang palasyo. Ang sabi ay madami na raw ang nasawi. Huwag na kayong lumapit pa. Delikado na." Inalis nito ang hawak ni Pedro sa braso nito at agad na tumakbo.

"Kailangan nating makalapit!" Tumakbo si Iesus.

"Sus!" sabay na sigaw nila Felipe at Pedro habang hinahabol ito.

"Mapapahamak tayo!" pigil pa ni Felipe.

"Malayo na ang idinayo natin. Hahanapin ko ang sinasabi nilang Magia na tinatago ng hari!"

"Baka wala na siya roon," ni Pedro. "O nakatakas na."

"Maniniwala lamang ako kapag nakita ng dalawang mata ko ang katawan ng Magia na 'yon!"

"Ni hindi nga natin alam ang kanyang mukha!"

"Malalaman natin 'yan."

Pagdating nila sa palasyo ay natigilan silang tatlo. May bahagi ng gusali na kinakain na ng apoy ngunit ang mas pinagtataka nila ay kung bakit madaming nakakalat na bangkay sa daan. Wala nang nagbabantay at bukas na ang malaking harang sa harapan ng palasyo. Maingat ang mga hakbang, habang nakamatiyag sa paligid.

"Sus, sa tingin ko ay hindi ito simpleng sunog lang," bulong ni Pedro, halos magkakadikit na silang tatlo. Inilabas nito ang punyal na dala. Ganoon din si Felipe. "May nanloob sa palasyo."

"Wala akong dugong nakikita," dagdag ni Felipe. "Hindi ito gawa ng isang mortal na tao. Mahika ang gamit sa pagpaslang."

"Isang Magia?"

"Maari."

"Ang Magia na hinahanap natin?"

"Hindi ko lamang sigurado kung siya ang may kagagawan nito."

"Ingat!" Itinulak ni Pedro sila Iesus at Felipe nang mapansin nitong mahuhulugan sila ng upuan mula sa isa sa mga bintana ng tore sa bandang kanluran. Bumagsak 'yon sa mismong kinatatayuan nila kanina mabuti na lamang at maagap si Pedro.

"Salamat!"

Tumango lang si Pedro. "Sa tingin ko ay may tao roon." Itinuro nito ang tore. "Puntahan natin 'yon. Ngunit mas mabuting maghiway-hiwalay tayo at magkita sa toreng 'yon. Mauuna ako sa bilangguan ng palasyo. Kahit papaano gamay ko ang mga pasikot-sikot ng mga sekretong bilangguan sa ilalim ng mga kastilyo."

"Sa silangan ako," ni Felipe.

"Didiretso na ako sa tore," ni Iesus. "Hihintayin ko kayo roon."

Agad na naghiwalay ang tatlo. Inihit na ng ubo si Iesus. Kinuha niya ang lalagyanan ng tubig sa isang kawal at binasa ang parte ng kanyang suot na balabal at itinakip 'yon sa kanyang ilong at bibig. Hindi na niya inilintana ang init na unti-unting bumabaon sa kanyang balat sakabila ng makapal na suot. Hindi siya aalis sa lugar na 'yon na hindi kasama ang Magia na hinahanap.

"Augh! Augh!" Napahawak siya sa pader. Naluluha na ang kanyang mga mata sa usok. Mayamaya pa ay may narinig siyang palitan ng sigaw. Malapit na siya sa mismong silid ng tore. Binilisan na lamang niya ang lakad.

"Maawa ka Nathanael, pareho lang naman tayong nalinlang. Kung nais mo, tutulungan pa kitang mahanap ang totoong Magia na parehong naglagay sa atin sa ganitong sitwasyon."

Bumungad sa kanya ang dalawang lalaki. Nakilala niya agad ang hari na sa mga oras na 'yon nakaangat ang mga paa sa ere. Hawak sa leeg ng binatang lalaki ang hari. Tila nagbabagang apoy ang marka ng mga litra sa mga kamay nito paakyat sa kalahati ng mukha.

"Maawa?" Tumawa ng pagak ang tinawag nitong Nathanael. "Nagmakaawa rin ang mga pamilya ko sa'yo ngunit pinakinggan mo ba kami?!" Lalo lamang dumiin ang pagkakahawak nito sa leeg ng hari. Pumipintig ang ugat sa may bandang leeg sa matinding galit. "Pinaslang mo sila ng walang laban! Isa kang demonyo! Idinamay mo pa ang aking kapatid. Pinaikot mo ako sa palad mo ng sampung taon para sa pansarili mong katanyagan. Itinuring mo akong kasangkapan. Kailanman ay hindi mo pinaramdam sa'kin na tao ako. Maaga mong sinira ang buhay ko!!!"

"Na-Nat...hanael... pa-pa-taw-arin... mo... ako..."

"Lumipas na ang kabaitan ko, mahal na hari. Hindi mo na ako malilinlang pa ng iyong mga salita. Tatapusin ko ang buhay mo at sisiguraduhin kong wala isa sa pamilya n'yo ang magtatayo ulit ng emperyong ito!"

"Nathanael!"

Marahas na naibaling ni Nathanael ang tingin kay Iesus. "At sino ka naman?!"

"Iwanan mo na ang hari at sumama ka na lamang sa akin."

Kumunot ang noo nito at bahagyang ikiniling ang ulo sa kanan. "Bakit ko naman susundin ang isang estranghero?"

"Iesus!"

Halos magkasunod lang sila Felipe at Pedro sa pagdating.

"Huwag n'yo akong pakialaman kung ayaw n'yong idamay ko kayo."

Sumugod si Pedro kay Nathanael ngunit nagawa siya nitong maitapon sa malaking bintana gamit lang ng kumpas ng isang kamay nito. "Mierdaaaa!" pagmumura ni Pedro nang magawang makakapit sa hamba ng bintana. "Felipe!"

"Sinabi ko nang huwag mangi –" Bumagsak sa sahig si Nathanael nang daganan ni Felipe. Mabilis na nakalayo ang hari. Gamit ng daladalang lubid ni Iesus ay ginapos niya ang mga kamay ni Nathanael.

Nakasampa naman ulit si Pedro. "Wala man lang nagkusang tumulong sa akin?!" Itinuro nito ang tumakas na hari. "Hoy! Mierdaaaa! Hahabulin ko pa ba iyon?"

"Bitiwan ninyo ako!" Pagpupumiglas pa ni Nathanael. "Papatayin ko kayong tat –" Binusalan ito ng nilakumos na mga papel na inilabas ni Felipe mula sa kanyang suot-suot na bag. "Hmasajkhdahlakdah..."

"Paano iyong hari?" tanong ulit ni Pedro.

"Hindi na iyon babalik. Wala na iyong maipapakitang mukha sa bansang ito," sagot ni Iesus. "Felipe, ayusin mo ang pagkakagapos para hindi niya magamit ang mga kamay." Pinalo nito ang isang balikat ni Nathanael. "Huwag malikot! Hindi ka naman namin sasaktan. Inililigtas ka pa nga namin. Alam mo bang ulo mo ang kapalit sa ginawa mong ito?"

"Huwag mo na tanongin, Sus. Nakabusal ang bibig niyan. Paano ka niyan masasagot? Ako na." Inisang karga ni Pedro sa balikat si Nathanael. "Gago kayo! Itinapon ako sa bintana ng isang ito ngunit ni isa sa inyo wala man lang tumulong sa akin."

Natawa si Felipe. "Mas malakas ka pa sa aming dalawa ni Sus."

"Sa barko na ba 'to idideritso?"

"Huwag muna. May kakaiba sa isang ito. Idaan muna natin ito sa malapit na simbahan at paliguan ng agua bendita."

Tawang-tawa ang dalawa.

"Nasapian ba ang isang ito?" ni Pedro.

"Kakausapin ko muna kapag nahimasmasan. Sa ngayon, umalis na tayo bago pa may makakita sa ating taga palasyo."

"SINIRA mo lahat ng plano ko!" singhal ni Nathanael nang alisin ni Iesus ang busal sa bibig nito. Itinali niya ito sa katawan ng puno. Malayo na sila sa sintro. Walang kabahayan sa paligid kundi malawak na lupain at iilang puno na magkakalayo. Malabong na ibang mga damo sa paligid. Kinakain na ng dilim ang natitirang liwanag sa kalangitan. "Dahil sa inyo nakatakas ang demonyong iyon!"

Naupo siya sa tabi nito habang ang tingin ay sa direksyon nila Felipe at Pedro na sa mga oras na iyon nagluluto ng isda sa malaking apoy na ginawa ng mga ito kanina gamit ng mga nalakap na mga kahoy sa paligid.

"Hanael, hindi ba?"

"Nathanael."

"Hanael."

"Nathanael."

"Mas maganda ang Hanael." May ngiting ibinaling ni Iesus ang tingin dito. Tila umaapoy ang kulay kahel nitong mga mata. "Sabihin mo nga sa akin kung sino ka."

Kumunot ang noo nito. "Mukhang kilala mo naman ako."

"Narinig ko lang mula sa hari. Ang alam ko ay isa kang Magia."

"At ano naman?"

"Alam mo, hindi mo ako kailangang pagkatiwalaan. Hinanap kita dahil may kailangan ako sa iyo." Titig na titig ito sa kanya. "S'yempre, ang bawat pakiusap ay may tamang ganti. Kapag natulungan mo ako ay ibibigay ko sa'yo ang kahit na anong hihilingin mo."

"Lahat?"

"Lahat."

"Kamatayan ng hari."

"Hmm." Naglapat ang mga labi ni Iesus. "Maniniwala na akong may mga taong pinanganak na parang pusa kapag buhay pa ang isang iyon. Mapapaslang din ang isang 'yon sa kamay ng sarili niyang pamilya."

"Nais kong mapaslang siya gamit ng sarili kong mga kamay."

Pinaningkitan niya ng mga mata si Nathanael. "Isasama kita sa barko ko. Iniligtas ko ang buhay mo kaya may utang na loob ka sa'kin."

"Hindi ko ginusto na tulungan mo ako."

"Gusto mo."

"Hindi!"

"Hanael."

"Nathanael!"

Tumawa si Iesus. "Wala kang magagawa. Kapag gusto ko, nakukuha ko. Ganoon ang kalakaran ko rito, Hanael. At alam kong wala ka nang ibang mapupuntahan. Mamimili ka. Ang tugisin ng mga taga palasyo o ang maglayag kasama ako?"

"Kaya ko silang patayin."

"Alam mong hindi lang ikaw ang nag-iisang Magia sa lugar na ito."

"Mas malakas ako."

"Sa ngayon."

Naglabanan sila ng tingin. "Sino ka ba talaga?"

"Malalaman mo kung sasama ka sa akin."

"Ikukulong mo lang din ako kagaya nila."

"Malaya ka sa barko ko hanggat sa hindi mo ginagamit ang mahika mo sa mga kasamahan ko. Dahil sa oras na makita kitang isa-isang pinapatay ang mga kasamahan ko. Sisiguraduhin kung maglalaho 'yang mga kamay mo at iyang dila mo."

Napalunok ito.

Natawang muli si Iesus. "Huwag kang mag-alala." Tinapik niya ang isang braso nito. "Madami akong ipapagawa sa'yo. Hindi mo lang din mapapansin ang araw."

"Hindi mo ba talaga sasabihin kung anong kailangan mo sa akin."

"Sasabihin ko sa barko at kapag pinirmahan mo ito." Inilabas ni Iesus ang isang nakarolyong papel. Ibinuklat at binasa ang laman ng kontrata. "At dahil nakagapos ka. Ako na ang gagawa ng paraan." Inilabas nito ang maliit na punyal sa bulsa at sinugatan ang hintuturo ni Nathanael.

"Mierdaaa!" ngiwi ni Nathanael sa sakit. "Ganito ka ba talaga makipagnegosasyon sa mga tao? Dinadaan mo sa dahas? Aw –" Inilapat nito ang duguan niyang diliri sa kontrata. "Sapilitan pa." Napakurap siya nang umilaw ang buong sulat sa papel at naglaho na tila ba unti-unting tinutupok ng apoy. "Anong klaseng kontrata ang pinapirma mo sa akin?"

Ngumiti ito. "Espesyal na kontrata."

"Sino ka ba talaga?"

"Iesus."

"Ayesus..." Kumunot ang noo ni Nathanael. Tila may inaalala. "Ah, naalala ko na."

"Naalala ang alin?"

"Nabanggit ka sa akin ng isang nakilala ko."

"Sa bilangguan mo?"

"Wala na siya sa bilangguan. Pinatakas ko na."

Malakas itong natawa. "Mabait ka pala sa kapwa mo masamang tao. Hindi bale, hindi rin naman ako mabuting tao. Mabait lamang ako sa mga taong mabait sa akin." Muli silang binati ng katahimikan. "Nga pala, Hanael – "

"Nathanael."

"Alam mo, may naalala ako sa ugali mo. Para kang bulkan. Kakalma. Tapos biglang sasabog. Wala ka naman sigurong problema sa utak, ano?" Pinaningkitan lang ito lalo ng mga mata ni Nathanael. "O, siya, dahil hindi tayo magkasundo. Tatawagin na lang kitang Bartholomew."

"Bartholomew?"

"Pangalan ng isla na nadaanan ko sa bahaging Equador na may bulkan."

"Bakit mo papalitan ang pangalan ko?!"

"Dahil ayaw mong tawagin kitang Hanael. Kaya, Bartholomew na lang. Huwag mo na subukang makipagtalo sa akin dahil hindi kita hahayaan. Magpahinga ka na. Bukas ng madaling araw ay babalik na tayo ng barko."

"Hindi n'yo man lang ako pakakainin?"

Natawa ulit si Iesus at napakamot sa noo. "Oo nga pala. Pasensiya ka na. Sabihin ko kay Pedro na pakainin ka."

"Narinig ko 'yon!" sigaw ni Pedro. "Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pagtapon niya sa akin sa bintana."

Ang lakas ng tawa ni Felipe. "Dadalhin mo na yata 'yang hanggang sa susunod na buhay mo Pedro."

"Kahit sa ilang buhay pa!"

Kumunot lang lalo ang noo ni Nathanael.

"Huwag kang mag-alala masasanay ka rin." Iniwan ni Iesus si Nathanael at pinuntahan sila Felipe at Pedro. "Pedro, pakainin mo ang isang iyon."

Sumimangot si Pedro. "Bahala siya sa buhay niya."

"Anong balak mo?" Inabot ni Felipe sa kanya ang isang mansanas.

"Alisin mo lahat ng mga memorya niya tungkol sa hari," kalmado niyang sagot sabay kagat sa mansanas. "Iwan mo lang ang mga importante. Sa tingin ko ay matindi ang kasalanan ng hari sa kanya. Mahihirapan akong kausapin siya kung may ibang bagay na bumabagabag sa kanya." Tumango si Felipe. "Babalik tayo sa barko kapag nasiguro nating wala nang malulungkot na memorya sa kanyang isip."

Inisang lagok ni Pedro ang lalagyanan ng alak nito bago nagsalita. "Palalabasin mong nawalan siya ng alaala?"

"Hindi ko kailangan ang ibang alaala niya. Ang kakayanan lang ang nais ko sa kanya. Ibabalik ko rin naman iyon kapag nakuha ko na ang gusto ko."

"Sabagay," sang-ayon ng dalawa.

"Nga pala, kapag nagising siya kinabukasan sabihin n'yo Bartholomew ang pangalan niya." Halos magkasabay na tinignan siya ng dalawa. Natawa siya sa pagkunot ng noo ng mga ito. "Huwag kayong mag-alala, may permiso ako sa isang iyon."

"Ang bilis mong mapapayag 'yon ah," ni Pedro.

"Ako pa," ngisi pa niya.

"Mas magtataka ako kung may tatanggi sa isang Iesus," ni Felipe bago natawa.

"May balak pa ba kayong pakainin ako?!" sigaw ni Nathanael mula sa likod. Nagkatinginan silang tatlo at sabay na natawa. "Kayo-kayo lamang ang mga kumakain diyan."

Tinapik niya sa balikat si Pedro. "Pakainin mo na ang iyong bihag, Kap."

"Ankla ng barko isusubo ko sa isang iyon." Tumayo na ito at inasikaso ang mga pagkain ni Nathanael. "Felipe, ayusin mo pagbura ng mga alaala ng isang iyan. Iyong hindi ko siya maitatali sa layag ng barko ko."

Tawang-tawa si Felipe habang kumakain ng tinapay. "Ako na ang bahala."


ISANG malakas na pagbukas ng pinto ng library ang siyang nagpalingon sa kanilang lahat. Tumalon yata ang puso niya sa pagkabigla. 

"Meow! Meow! Meow!" Tumakbo si Binig sa direksyon ni Juan. "Meow! Meow!" Agad namang tumingkad ng upo si Juan para bahagyang i-lebel ang sarili sa alagang pusa. "Meow! Meow! Meow! Meowwww! Meowwww!"

Nanlaki ang mga mata nito at marahas na naingat ang ulo sa kanila. The expression painted on Juan's face means only one thing. "Ser is vanishing!" Bad news.

James immediately stormed out of the room. 

God, Balti!

Iniwan niya sila Maha at sumunod kay James sa itaas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro