Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52

NAKATUTOK lahat ang mga mata sa screen ng laptop ni Tor. May kung ano itong hinahanap na impormasyon. Hanggang sa may makita itong website kung saan nakasulat ang impormasyon sa isang hari sa Portugal.

"King Leon Emanuel Algarves," Vier muttered, naniningkit ang mga mata, nakasandal ang kamay sa arm rest ng upuan ni Tor. Pati siya ay napatingin din sa portrait ng hari.

She wasn't familiar with the monarchy of Portugal. 'Yon ang unang beses na nakita niya ang larawan na 'yon.

"Nin, he does look a lot like your father." She could hear bewilderment in Maha's voice.

Napalunok siya. The king has an uncanny resemblance with his late father. Hindi naman carbon copy talaga, but he could still be mistaken as his twin. Lalo na noong kabataan ng ama niya. His sickness took away the youthfulness in his face.

"The fall of King Leon Emanuel Algarves," simula ni Tor. "He was abdicated by his throne after the mass massacre of his kingdom. Nobody saw him again after. He fleed."

"Is he the king who killed Hanael's family?" Simon pointed a finger at the King's portrait on the screen.

Tor nodded. "Hanael loathed him the most. He became his secret mercenary. The king had locked him down in an underground prison and Hanael spent his childhood and adulthood in the palace underground. Nobody knows his existence. Maliban na lamang sa ilang pinagkakatiwalaang mga tao ng hari. The King made Hanael his secret weapon against other colonies who tried to take over Portugal during his reign. Including those noble and low class people na gustong turuan ng leksyon ng hari."

"Wait, nalilito ako," Jam interjected. "Si Hanael ang nagsunog sa village o utos ng hari?"

"It was already Nathanael." Tumayo si Tor at naglakad sa direksyon ng whiteboard. "I'll explain it clearly." Nagsimula itong magsulat doon ng parang mapa or more like a concept map. "Monsanto is the village of Hanael. The kingdom is here. It's far from each other. Kung iisipin natin. Bakit dadayo nang ganoon kalayo ang tao ng hari para patayin ang pamilya ng mga Magia?"

"Because Hanael's parents killed the princess," confident na sagot ni Jam.

"Yes, but it was just an alleged assumption that the King immediately concluded as facts. Magia belongs to a family of ancient wizards and sorcerers. Meaning, kaunti na lamang sila sa panahon na 'yon. And they were referred to as cursed people for using black magic as their source of income. Hanael's parents hid their identity and migrated to a small village for their peace of mind and para sa kaligtasan ng mga anak nila."

"They don't do magic anymore?" curious na tanong ni Simon.

"They still do, but not to the extent of killing someone. They sell and create herbal medicines which can cure different types of diseases and minor sicknesses. That explains the basement spell room in their house in Monsanto."

"Pero bakit sila ang napagbintangan ng hari?" tanong niya.

"It wasn't his parents who killed the princess. It was the other Magia."

"What do you mean?" ni Jam.

"Hindi lang ang ama ni Hanael ang Magia na nabubuhay. There was actually a little village in Portugal kung saan naninirahan ang mga katulad nila – socerers, witches, and the like. It was previously called Encanta, but it's no longer in the map of Portugal. The Magia was the head chief of that village. But it was burned down a long time ago by King Alfonso, Leon's father. Juancho and Blanca's parents survived the arson. Simula noon ay nagpalipat-lipat na ng tirahan ang mga ito. Hanggang sa magkita sila Juancho at Blanca. Nang magpakasal ang dalawa ay nagdesisyon si Juancho na lumipat sila ng ibang bayan. Malayo sa pamilya at mga pinsan.

"Nahahati sa dalawang pangkat ang pamilya ng Magia. The good ones and the bad ones. Juancho belongs to the good ones. But his parents died too early... just years after the burning of their village. He became an orphan at napunta siya sa pangangalaga ng Tito Diego niya. Kapatid ng ama ni Juancho, but he wasn't part of the good ones. He was a mercenary of noble people who wanted revenge to be done but not with their own hands. And Juancho didn't want that kind of life for his family."

"So, Hanael's father took the blame." Drew's forehead creased.

Tor nodded again. "The princess was only an infant when he was killed in her crib. The royal couple had a problem conceiving a child and it took them almost five years to conceived Princess Rosella. But just a few days before her first birthday she was remorselessly killed by an unknown Magia."

"But how did they know it was done by a Magia?"

"A family crest fell on the floor."

"And it was the Magia's family crest?" Juan confirmed.

"Yes," seryosong sagot ni Tor. "The bad ones couldn't be located and the only Magia that they found who had the same family crest was Hanael's parents."

"They're innocents!" Simon snapped.

"The king made an emotional decision without considering a proper tribunal to investigate the murder of the princess," Tor added.

"It's inevitable. He's the king and a princess was killed." Vier crossed his arms over his chest. "Walang magagawa ang mga nasa ibaba kung gugustuhin ng hari ang ganoong parusa. He might not be in his right mind. He was in grief. He was emotional. His mind will immediately discard any option that might not be in favor with his current feelings."

"Following the death of the princess, the queen was diagnosed with depression. These misfortunes only piled up and the king has a whole kingdom to protect. Hanael survived his punishments, so the king decided to make use of him."

"Where's Marta?" tanong ni Maha. "Is she really alive?"


UNDERGROUND PRISON, KINGDOM OF PORTUGAL, 1789

"HAYME." Inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. Tinitigan lamang 'yon ni Hanael. Kapansin-pansin ang nunal nito sa ilalim ng kaliwang mata nito. Tumawa ito pagkatapos. Sa tingin niya ay magkasing-edad lamang sila. "Matagal ka na ba rito?" Binawi na nito ang kamay pagkatapos.

"Sampung taon."

Namilog ang mga mata nito. "Sampung taon?! Nakaya mong mabuhay sa lugar na ito nang ganoon katagal?"

"Anong kasalanan mo at nandito ka rin sa kulungan ko?" pag-iiba niya.

Muli itong natawa. "May ginawang masama, malamang. Ngunit gagawa ako ng paraan para makatakas. Sasama ka?"

Hindi siya naniniwala. Malamang may plano rin ang hari para kay Hayme. O marahil, kagaya niya rin ang lalaki. Ngunit napaisip din siya sa minumungkahi nitong plano.

"Paano?"

"Mahika," ngumisi ito, "narinig kong isa kang Magia." Kumunot ang noo niya rito. "Hindi ako katulad ng pamilya mo. Hmm." Hinimas-himas ang baba. "Paano ko pa ipapaliwanag? Ang kakayahan ko ay iba sa'yo. Ang ina koy ay hindi taga rito ngunit ang ama ko ay isang manlalayag. Kinuha niya lamang ako at dinala rito."

"Sa tingin ko ay hindi ko nakukuha ang ibig mong sabihin."

"Ang ibig kong sabihin ay uuwi ako ng Las Islas Filipinas para hanapin ang aking ina."

"Lumalayo ka na sa kwento mo."

Muli itong natawa. "Kalimutan mo na lamang. Hindi mo rin naman maintindihan. Magkatulad tayo ngunit may pagkakaiba lamang. Babaylan ang aking ina. Ngunit sa mga elemento namin kinukuha ang kapangyarihan namin."

"Elemento?"

"Mga nilalang na karaniwang nakatira sa kalikasan." Iniwan na lamang niya ito at nagpatuloy sa ginagawa. Ngunit sinundan pa rin siya ng lalaki. "Bukod sa matagal ka na rito. Bakit hindi mo binalak na tumakas?" Isa-isa nitong tinignan ang mga maliliit na bote sa mesa.

"Huwag mong tikman ang mga 'yan," aniya, nang akma nitong buksan ang isang bote. "Kung ayaw mong magwakas ang buhay mo."

"Oh?" Parang napasong ibinalik nito ang bote sa mesa.

"Hindi ako maaaring umalis."

"Sa anong kadahilanan?"

"Dahil sa kapatid ko." Sa lumipas na sampung taon ay walang araw na hindi niya naiisip ang kapatid. Hanggat nandito siya at sinusunod ang utos ng hari ay mamumuhay nang maayos si Marta.

"Nasa labas ang kapatid mo?"

Tumango siya. "Kapag tumakas ako ay malalagay sa panganib ang buhay niya."

"Pumapatay ka para sa Hari?"

"Ang mga likha ko lamang ang pumapatay ngunit ang ang gumagawa ng pagpatay ay ang hari mismo. Hindi niya ako hinahayaang makaalis sa kulungan ko."

"At sa sampung taon ay hindi mo pa ulit nakikita ang mundo?!"

Tumango siya. "Tama."

"Alam mo may suhistyon ako. Bakit 'di mo muna alamin kung na saan ngayon ang kapatid mo? Tapos planuhin natin ang pagtakas at paghahanap sa kapatid mo." Naitigil niya ang ginagawang paghahalo ng mga sangkap. "Sumama kayo sa'kin sa Las Islas Filipinas."

"Paano naman tayo makakarating sa lugar na 'yon?"

"May sabi-sabi," bulong na nito, "may isang manlalayag daw na pumapayag na magsampa ng mga tao sa barko niya para tumakas. Kaya lamang..."

"Kaya lamang, ano?"

"May kapalit daw ang pagpayag niya."

"Anong klaseng kapalit?"

Nagkibitbalikat ito. "Hindi ko lamang alam. Hindi rin buo ang mga kwentong narinig ko patungkol sa misteryosong manlalayag na 'yon."

"Paano kung hindi naman totoo?"

"Totoo siya, may nakakita sa kanya. Ngunit mahirap lamang alamin kung kailan dadaong ang barko nito."

"Alam mo ba ang pangalan?"

"Aye... Ayesus... Hindi ko lamang alam paano 'yon isulat."

Naglapat ang mga labi niya. "Ayesus..."

"Pag-isipin mo na lamang. Nandito pa rin naman ako hanggat hindi ako nakakapag-isip ng paraan kung paano tumakas. Mukhang matibay pa sa buhay ko ang bakal na rehas ng bilangguan na 'to." Tumawa ulit ito bago tinungo ang upuan. "Magpapahinga na muna ako. Gisingin mo na lamang ako... Ano nga ang pangalan mo Magia?"

"Nathanael."

"Hindi Hanael?"

"Palayaw ko ang Hanael. Nathanael Magia ang buo kong pangalan."



KINAGABIHAN ay nakapagdesisyon na si Hanael na labagin ang isa sa mga ipinagbabawal sa kanya. Ang lumabas sa kanyang kulungan. Ininom niya ang likhang posyon para maging pusa. Aalamin niya kung makakakuha siya ng impormasyon pa tungkol kay Marta. Dalaga na siguro ngayon ang kapatid niya. Sabik na sabik na siyang makita si Marta. Sapat na ang sampung taong pagpapaalipin niya sa hari.

Nang makarating sa malaking silid aklatan ng palasyo ay bahagya iyong bukas. Dahan-dahan siyang pumasok at unti-unti ring lumilinaw ang boses ng mga nag-uusap sa loob.

"Anong ibig mong sabihin?!" bahagyang nakasigaw na boses ng hari.

"Ibang Magia ang pumatay sa prinsesa, mahal na hari," pamilyar siya sa boses ng lalaki. Nang lumapit siya ay mas nakita niya ang mukha ng naka-armor na lalaki. Hawak nito ang bakal na helmet sa isang kamay. "Hindi ang mga magulang ni Hanael."

Bumakas ang pagkalito sa mukha ng hari ngunit mas nangibabaw ang inis sa paraan ng pagtingin nito sa kausap.

"Ilang Magia pa ba ang nabubuhay sa bansang 'to?! Sampung taon na ang lumipas at ngayon mo pa nalaman na ibang Magia ang pinapatay ko sa'yo?!"

"Patawad, mahal na hari." Yumuko ito. "Sinasabi ko lamang dahil may nasagap akong impormasyon na may nais magpapaslang sa iyo at sa mahal na reyna. Alam ninyong isa sa pamilya n'yo lamang ang nagpapaslang sa prinsesa sa tulong ng isang Magia. At sa tingin ko, may balak ulit ang pamilya n'yo nang masama."

Marahas na bumuga ng hangin ang hari. Ramdam na niya ang galit pagkuyom sa mga kamay niya. Tama siya, hindi ang mga magulang niya ang pumatay sa prinsesa. Kilala niya ang mga magulang. Mababait ang mga ito at napagbintangan lamang.

"Mangalap ka pa ng impormasyon. Si Hanael na ang bahala sa kanila."

"Mahal na hari, tungkol sa kapatid niya..." Iginala nito ang tingin sa paligid. "Paano kung malaman ni Hanael na kasama sa sunog ang kapatid niya?"

"Manahimik ka!"

Para siyang binagsakan ng gusali. Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kung ganoon ay matagal nang patay ang kapatid niya. Nagsinungaling sa kanya ang hari para paikutin siya sa mga palad nito. Nais niyang magkatawang tao para patayin ito gamit ng mga kamay niya ngunit alam niyang wala siyang ganoon kalakas na kapangyarihan para gawin 'yon nang mga oras na 'yon.

"Patawad po, mahal na hari."

"Huwag na huwag mong mabanggit 'yan sa palasyo. Hindi dapat malaman ni Hanael na patay na ang kapatid niya. Ang kakayanan niya ang lakas ng emperyong ito. Hindi maaring mawala si Hanael. Kapag nalaman niya ay wala akong ibang sisisihin kundi ikaw lamang, Gregorio! Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-Opo, mahal na hari."

"Lumayas ka sa harap ko!"

"Masusunod po, mahal na hari."


"ANONG ginagawa mo?"

Marahas na inabot niya kay Hayme ang isang bote ng bughaw na likido. Aalis siya sa gabing iyon at walang makakapigil sa kanya.

"Inumin mo 'yan kung gusto mong tumakas sa bilangguan na ito." Isa-isa niyang nilagay ang mga importanteng gamit sa kanyang sisidlan. "Umalis ka kaagad kung ayaw mong madamay."

"Madamay? Ano ba ang gagawin mo?"

Ibinaling niya ang tingin dito. "Huwag ka na lamang magtanong. Sundin mo na lamang ako. Hindi na ako magtatagal dito. Sumunod ka kung nais mo. Wala akong pakialam. Basta umalis ka lamang sa palasyo na ito."

Ilang taon ang ginugol niya sa loob ng bilangguan na ito para matutunan ang mga mahikang nakasulat sa kwaderno ng kanyang mga magulang. Lahat ng iyon ay pinag-aralan niya para sa hari. Umasa siyang ligtas pa rin hanggang ngayon ang kapatid ngunit binigo lamang siya ng pagiging mangmang niya. Nagpaloko siya at napagamit sa mga taong hindi man lang marunong makaramdam ng pagsisisi sa ginawang pagpatay ng mga ito sa pamilya niya!

Gagawa siya ng paraan para makaganti. Kinamumuhian niya ang bansang ito. Babalik siya sa palasyong ito at kukunin ang paghihiganting ilang taon niyang kinalimutan.

Ikinumpas niya ang kamay sa mukha at nagbago ang mukha niya. Naging mukha ng isa sa mga kawal na nagbabantay sa palasyo.

Namilog ang mga mata ni Hayme sa pagkamangha ngunit hindi na niya ito pinansin. Nagtuloy siya rehas kung saan nakakandado. Hinawakan niya iyon at umasal ng mga salita. Lumiwanag ang mga kamay niya at bumakas ang mga salitang inusal niya sa kanyang balat. Mayamaya pa ay nasira na ang kandado.

Isang beses pa niyang nilingon si Hayme. "Inumin mo 'yan kung gusto mong makatakas na hindi napapansin." Kumurap lang ito. Halos hindi pa rin makapaniwala. "Huwag mo na ako hanapin. May iba akong gagawin."

Tinalikuran na niya ito.


"Bumalik si Hanael sa village," Tor continued. "Wala nang nakakakilala sa kanya. Hanael was ten years old when he was captured. At halos ng mga tao roon ay inakalang ang buong pamilya ng Magia ang namatay sa sunog."

"But why did Nathanael burned down his village?" kunot-noong tanong ni Simon. "Wala naman yatang ginawang masama ang mga tao roon sa kanila. Or meron?"

"The village was oppressed by the king. And they all blamed its misfortune on the betrayal of the village of the Magia. Inisip nila na pinaparusahan sila nila Juancho at Blanca."


"Pinaparusahan na yata tayo nila Juancho at Blanca," narinig ni Hanael na usap-usapan ng isang grupo ng mga matatandang babae sa sentro ng Monsanto. Kung saan nakatayo ang water fountain ng bayan nila. "Simula nang mamatay ang pamilya Magia ay matinding dagok ng kamalasan na ang dumating sa lugar na ito."

"Hindi naman natin masisisi ang mga kasamahan natin sa pagturo sa mga Magia. Takot lamang natin sa hari. Baka tayo pa ang pagbuntungan ng sisi sa kamatayan ng prinsesa."

"Ngunit hindi naman natin alam kung totoo ngang sila Juancho at Blanca ang pumatay sa prinsesa."

"At hindi naman siguro magkakamali ang taga palasyo?"

"Bakit n'yo pa ba pinag-aawayan 'yan?" Dumating ang isang matandang babae na agad niyang nakilala. Si Ginang Mariana na malaki ang disgusto sa kanyang ina. Ito ang asawa ng pinuno ng bayan nila. "Nilinlang tayo nila Blanca. Nagsinungaling sila. At kung napapansin ninyo noon ay simula nang dumating ang magpamilya na 'yan dito sa Monsanto ay madalas nang nagkakasakit ang mga tao rito. At ang mga binebenta lamang nilang mga herbal ang nagpapagaling sa kanila."

Tumango-tango ang ibang tao rito.

Naikuyom naman niya ang mga kamay. Kung ganoon ay isa rin pala ang bayan na ito sa tumalikod sa pamilya niya. Kaya pala wala man lang naghanap sa kanila. At wala man lang pumasok sa bahay para alamin kung anong nangyayari dahil alam na ng mga ito ang ginawa ng mga taga palasyo sa kanila. Tinalikuran sila ng mga ito sakabila ng mga tulong na ginawa ng mga magulang niya sa mga ito.

Ramdam niya ang pagbaon ng mga kuko sa kanyang palad sa sobrang pagkakakuyom ng mga kamay. Napansin siya ni Ginang Mariana. Hindi niya ibinaba ang tingin dito. Kung makilala man siya nito ay wala na siyang pakialam.

Ibinaba na niya ang hood ng itim na balabal niyang suot at iniwan ang grupo nito. Nagpatuloy siya at hinanap ang lumang bahay. Nakatayo pa rin 'yon sa dating puwesto. Ngunit halos hindi na rin niya makilala dahil sa taong lumipas. Hinayaan lang ng mga inakala nilang mga kaibigan na masunog ang bahay na iyon. Ang mamatay ang buong pamilya niya.

Nanikip ang dibdib niya at tila ba may matulis na bagay na nakabara sa lalamunan niya habang tinitignan ang sira at nasunog na bahay. Ni hindi man lamang niya nabigyan ng disenteng libing ang mga magulang at ang kapatid. Napayuko siya at tahimik na napahagulgol. Umasa siya. Umasa siyang maililigtas pa niya ang kapatid pero bigo siya. Wala siyang kwentang anak. Wala siyang kwentang kapatid. Napakahina niya.

Pinuntahan niya ang puno ng igos sa labas ng bayan nila at naupo roon. Kung saan madalas silang maglaro ni Marta. 

Punong-puno pa rin ng pagkamuhi ang puso niya. Parang batang umiiyak. Hinihintay ang mainit na yakap ng ina para patahanin siya kahit na alam niyang hindi 'yon mangyayari. Pinapahirapan siya ng mga masasayang memorya ng pamilya niya. Ang mga nakangiting mukha ng mga ito sa tuwing sinusundo sila sa punong 'yon. Ang paggulo ng ama niya sa kanyang buhok. At ang masayang na tunog ng tawa ni Marta. Inalon lahat ng mga pangarap niya para sa pamilya niya. Aanhin niya ang buhay na ibinigay sa kanya kung nag-iisa lamang siya?

Kung hindi naging makasarili ang hari ay sana buhay pa ang pamilya niya. Dalaga na sana si Marta. Kung pinagtanggol lamang sila ng mga itinuring na mga kaibigan ng mga magulang niya. Ngunit lahat ng kabutihang ipinakita ay nasuklian lamang ng panghuhusga.

Tila hindi kayang ibsan ng mga luha ang sakit at paghihinayang sa kanyang puso.

Pagod na pagod na siyang maging mahina.

Pagod na pagod na siyang maging mabuting tao.

Inangat niya ang mukha sa langit na tila ba nakikita niya ang Dios. "Nakikita mo pa ba ako?!" sigaw niya habang umiiyak. "Totoo ka ba talaga? Mahal na mahal ka ng mga magulang ko ngunit pinabayaan mo sila." Marahas niyang pinunasan ang mga luha na hindi maubos-ubos. "Gusto kong ako naman ang tignan mo... ako naman ang pansinin mo."

Inihilig niya ang likod sa katawan ng kahoy at ipinikit ang mga mata.

"Pagod na pagod na ako..."  

Ngunit hindi siya puwedeng magpahinga nang hindi nakakaganti. Iminulat niyang muli ang mga mata at inilabas mula sa sisidlan ang isang espesyal na bote na pinaglagyan niya ng likha niyang tinta na may mahika. Babaguhin niya ang sarili gamit no'n. Inilabas niya ang pansulat at maliit na punyal. Sinugatan niya ang palad at inihalo ang dugo sa tinta. 

"Sisirain ko lahat ng pinaghirapan mo." Gamit ng tinta ay sinulat niya sa kaliwang braso ang mga espesyal na salita na kokompleto sa mahikang ginawa niya. Dumidiin ang mga letra sa kanyang balat. Tila bagang binabaon. Napalunok siya habang tinitiis ang sakit na unti-unting yumayakap sa kanyang buong katawan. "Sisiguraduhin kong hindi n'yo makakalimutan ang araw na ito!"

Dahil sa mga oras na 'yon, patay na ang dating Hanael.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro