Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

NAMILOG sa pagkamangha ang mga mata ni Niña nang pumasok sa tila tunnel na mga puno ang sinasakyan niyang taxi. The arc of trees made the center road an aisle. Nasa Faro de Amoré na raw sila. At habang papasok sila ay unti-unti na rin niyang nakikita ang parola sa gitna ng isang uphill road.

"Ang ganda," she murmured in awe.

The taxi driver chuckled, "Ganda, ma'am, 'no? Ilang beses na rin akong nakapunta rito. Nakapasok na rin ako sa loob ng Faro de Amoré."

"Strict daw sila kuya."

"Oo, lalo na kapag sa guest na pumupunta. Pero kapag homeowner ka, nakikilala naman agad ng security nila. May kakilala ka sa loob, ma'am?"

Ngumiti siya. "Co-teacher ko nakatira rito. May ibibigay lang ako." Tumango lang ito. "Ah, kuya, sa labas na lang ng gate n'yo ihinto. Tatawagan ko na lang 'yong kaibigan ko."

"Sige po, ma'am. Aling gate po ba?"

"Ahm, sa right po."

'Yon ang nakalagay sa message ni Tita Bea. Magkapitbahay lang daw sila Tor sa loob. Malapit daw sa boardwalk. Tor called her earlier to inform her that Balti is home. Sinabihan na raw nito si Balti na darating siya. Tawagan niya na lang daw at susunduin siya nito sa labas ng gate.

Inihinto ng driver ang taxi sa south gate ng FDA. May dalawang gate kasi, ang North and South. Sa gitna ng dalawang gate ay isang uphill road na may dalawang steep road paakyat sa parola. It reminds her of twin staircase na karaniwang design sa mga classic mansions.

Ibinigay na niya ang bayad sa driver. "Salamat po." Saka bumaba at lumabas ng taxi.

Agad niyang naigala ang tingin sa paligid. Tahimik ang buong paligid maliban na lamang sa tunog ng mga huni ng mga ibon at marahang paghampas ng mabining hangin sa dahon ng mga puno sa paligid. Hindi isang exclusive subdivision ang tingin niya sa lugar. Faro de Amoré is like an exclusive resort paradise!

Plus the lighthouse in the center is a picturesque landmark. Siguro sobrang mahal ng lupa sa FDA? Kahit nasa labas pa siya nang malaking gate ay kitang-kita na niya ang mga naglalakihan at naggagandahang bahay sa loob. This place is a haven! No wonder Balti and Tor chose to live in this place.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Balti. He immediately picks up her call. Natuon ang atensyon niya sa stone signage ng Faro de Amoré. May logo pa 'yon ng parola.

"Nin, nandito ka na?"

"Oo, nasa labas ako ng South Gate."

"Alright, wait for me."

"Okay."

End call.

Muli niyang iginala ang tingin sa paligid. Napangiti siya. Sa tingin niya kasi magugustuhan ng mama niya ang FDA. Lalo na't dream home ni Papa ang lugar na 'to. Gustong-gusto talaga ni Papa na magkaroon ng bahay malapit sa dagat. 'Yong makakapag-relaks silang dalawa ni Mama. Malayo sa polusyon at ingay.

Dumako ang tingin niya sa gawi ng parola. Napansin niya ang isang matandang lalaki na bahagyang kulot ang buhok na nahihirapang umakyat sa steep road. May dala-dala pa itong mga gamit at bangkito.

"Lolo!" Tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa para maalalayan ito. "Ako na po magdadala nito para sa inyo." Kinuha niya mula rito ang bangkito at lumang styrofoam ice bucket.

"Naku! Salamat, hija. Kaawaan ka ng Dios."

Ngumiti siya sa matanda. Sa tingin niya ay nasa 60 plus na ang edad ng matanda. His back was slouched and mukhang wala na gaanong lakas ang mga tuhod nito.

"Welcome po, Lolo. Saan po ba puwesto n'yo?"

"Doon lang." Itinuro nito ang puno malapit sa mataas na signage ng Faro. "Maaga lang ako ngayon pero madalas ay alas quatro na akong pumupunta rito." Napansin niya rin na may mga iilang nagtitinda roon.

"Hindi pala private ang parola na 'to, 'Lo?"

"Hindi naman. Mabait 'yong anak ng may-ari ng lupa rito, hija. Si Sir Iesus. Madalas 'yong tumatambay rito sa dapit hapon. Hinihayaan niya lang kami magbenta rito. Madami rin namang mga taga labas na namamasyal dito kapag hapon na. Maganda kasi talaga ang parola."

"Mabuti naman ho kung ganoon, 'Lo. Malapit lang ba bahay n'yo rito?"

He nodded. "Oo, nasa ibaba lang. Taga rito ka ba?"

"Naku, hindi po. 'Yong kaibigan ko po. May ihahatid lang ako. Dito ko lang ba ilalagay 'to, 'Lo?"

"Oo, diyan na lamang. Salamat."

Ibinaba niya ang mga gamit nito. "Sige po, 'Lo. Aalis na ako."

"Sandali lang, hija." Ngumiti ang matanda. "May ibibigay ako."

Hindi niya naman maiwasang mapatitig sa mukha nito. Medyo light brown ang mga mata nito. Moreno at madami na ring puting buhok sa kulot nitong buhok. Malalapit siya sa mga matanda dahil sa kanila nag-stay ang lolo at lola niya sa mother's side. Lumaki siya sa mga lolo't lola niya.

"Ho?"

"Bilang pagtulong mo sa akin –"

"Naku po, 'Lo! Huwag na po." She waved her hands dismissively in front of him. "Okay lang ho sa'kin."

"Sige na, tanggapin mo na." Binuksan nito ang belt bag nito at inilabas doon ang isang maliit na bote na may halamang gamot at dahon na inihalo sa tubig. Inabot nito ang isang kamay niya at pinahawak sa kanya ang maliit na bote. Kasing liit lang 'yon ng index finger niya. "Herbal medicine 'yan. Isa sa mga binebenta ko rito. Mabisa 'yan sa trangkaso, ubo at sipon."

Tatanggi pa sana siya kaso alam niyang i-insist pa rin ng matanda ang regalo nito. Ngumiti na lamang siya. Tinanggap na niya ang herbal medicine.

"Salamat dito, 'Lo."

"Konti lang ilagay mo sa tubig. Isang takip lang ng bote. Bukas na bukas ay gagaling na ang sino mang iinom niyan."

"Sige po, 'Lo, noted." Napalingon siya sa may gate. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makita si Balti. Kausap nito ang guard. Marahas na ibinalik niya ang tingin sa matanda. "Alis na po ako, 'Lo. Salamat po ulit dito."

"Walang anuman, mag-ingat ka."

Agad siyang tumakbo pabalik ng gate. Takte! Hindi naman kalayuan pero hiningal siya nang bongga.

"Balti!"

Napalingon mula sa loob si Balti sa kanya. "Saan ka nagpunta?" Binuksan ng guard ang kalahati ng gate para rito.

"Wala, may tinignan lang ako. Ah, wait!" Kinuha niya ang knapsack. "'Yong wallet mo pala –" Napasinghap siya nang bigla siyang hinawakan sa pupulsuhan ni Balti at hinatak papasok sa loob.

"Sa bahay na. Sabay na tayong umalis mamaya."

"Pero –"

Nilingon siya nito mula sa balikat. A smile slipped on his face. "Niña Rosella, welcome to Faro de Amoré."



HINDI lang panlalaki ng mga mata ang reaksyon niya nang makita ang magandang bahay ni Balti. Napalunok pa siya sa sobrang paghanga. True, magkatabi lang bahay nila Tor at Balti. A complete contrast of each other's personality. Tor's house reminds her of Greece. Plain white na stone house na usual design sa mga bahay sa Greece. May second floor at may front yard din. Ang mababang bakod lang ang naghihiwalay sa dalawang malaking bahay.

Samantalang ang bahay naman ni Balti ay wodden cottage house with a touch of modern design dahil halos naka glass panel window. Malalago na rin ang mga halaman at bulaklak sa front yard nito nang makapasok siya.

At take note, nang pumasok siya sa loob ng bahay nito, hindi man literal pero feeling niya na detach ang panga niya sa mukha. Malinis at kumikintab ang loob ng bahay. Spacious din ang loob. The interior was really homey and cozy – very Bartholomew Juarez. Hindi mawawala ang shelves of books talaga. 

"Ikaw lang ba nakatira rito?" basag niya.

"Yup."

"E si Maha?"

"She visits once in a while. Kagaya mo, kauuwi lang din ng 'sang 'yon noong January. With that being raised, kailan ka pa nakauwi ng Cebu?" Balti cleared his throat after. Bahagyang nasira ang mukha nito. Sa tingin niya, it wasn't just a simple clearing of his throat. Parang may iniinda ito since kanina pa sa school. "Sorry, medyo makati ang lalamunan ko ngayon."

"May ubo ka ba?"

"Minsan," he chuckled, "anyway, you haven't answered my question yet."

"Noong March ako nauwi. April ako nag-apply, 'di ba?"

"I remember." He cleared his throat again. "Can I get you something?" pag-iiba nito. "Water or juice? Nag-snacks ka na ba? Math brought me a tuna sandwich. May dalawa pa akong natira sa kitchen."

Balti doesn't look okay. Ngayon lang ba o kanina pa ito maputla?

"Ako na kukuha, saan ba kusina mo?"

"Right this way." Iginiya siya nito sa direksyon ng kusina. "Pasensiya na pala sa abala. Hindi ko na naman kasi mahagilap 'yong si Maha. I texted her to bring my wallet in school today pero 'di man lang nag-reply. Lalagyan ko talaga padlock ang kwarto ng mga kpop merchs niya."

Namilog ang mga mata niya. "Dito niya tinatago?" Bahagya siyang natawa pagkatapos.

Balti chuckled. "May isang kwarto ako sa taas na pinarentahan ko sa kanya. She couldn't bring those in our house at susunugin 'yon ng mama namin. You're probably aware of that."

"Oo, naalala ko pang isang buong linggo siyang nag-stay sa bahay namin noon dahil nagtampo siya kay Tita Bea."

"Well, Maha is still Maha. She hadn't changed a lot. Delayed yata ang maturity ng babaeng 'yon. Centuries ang aabutin."

Natawa siya. "Nagpapatayan pa rin kayo?"

"We still fight. Pikon 'yon kaya aliw i-bully. Kahit simpleng joke, pinapalaki." Nakatinging napa-iling na lamang si Balti. Kahit na madalas mag-asaran sila Balti at Maha. She knew Balti's love for his sister is genuine. Dinadaan lang talaga nito sa pang-aasar. Dakilang pikon naman kasi si Maha. "I think you can still patch things up with my sister. Sabihan mo lang ako, pwede akong mag-hire ng kikidnap sa 'sang 'yon so the both of you could talk. I'm not really dense. Napapansin ko na umiiwas talaga siya sa'yo. She could really be a pain in the spinal cord." Tumawa ito.

"Siguro she needs time." Mapait siyang ngumiti. "After 6 years, ngayon lang ulit kami nagkita ulit. We don't know how to treat each other."

"Sayang ang friendship n'yong dalawa. The two of you were inseparable during our college days. Mas kapatid pa turing niya sa'yo kaysa sa'kin. I admire friendships like that." He smiled. "Minsan lang mag-adjust ang kapatid ko na 'yan, but I know, sooner or later, she will realize that you're worth keeping for so don't give up on her yet."

She smiled. "Thanks, sana nga."

Bahagyang naubo si Balti. "I'm sorry."

"Masakit din ba lalamunan mo?"

He nodded, "Pero hindi naman masyado."

"Uminom ka na nang gamot?"

"Hindi ako dependant sa mga gamot but I'm drinking a lot of water – warm water. In a few day's time, mawawala rin 'to. Baka dust allergies lang."

She remember na may allergic rhinitis si Balti. Seasonal allergies. Usually sa mga dust, pollen and animal fur. Mild allergy lang dahil nagawa pa rin nitong mag-alaga ng iilang bulaklak sa front yard nito at makalapit sa mga hayop. Maha is also the same.

"Umiinom ka rin ba ng herbal medicines?"

He looks confused. "Herbal medicines?"

"May matandang lalaki kasing nagtitinda roon sa parola. Tinulungan ko siya so binigyan niya ako nito." Inilabas niya mula sa bulsa ng skinny jeans niya ang maliit na bote. "Ito 'yon. Isang takip lang daw ang ihahalo sa tubig. Effective raw ito sa mga trangkaso, ubo at sipon."

Natawa ito. "You believe in such things?"

"Hindi ka naniniwala?"

"Well, I believe in so many things, Nins."

"Kaonti lang naman ilalagay natin. Wala namang mawawala rin." Lumaki rin talaga siya sa mga ganoon. Lalo na't sa Alegria siya lumaki at nag-aral hanggang makatapos ng elementary. Probinsiya na kung maituturing. Malayo sa ospital kaya puro herbal medicines ang panlaban nila sa mga sakit. "But of course, it's up to you."

Tinitigan siya nito. "Should I trust you?"

"Depende sa'yo."

He chuckled, "Well, kapag may nangyaring masama sa'kin ikaw mag-aalaga sa'kin hanggang sa gumaling ako."

"Isang takip lang naman ilalagay natin. Liit-liit nito e."

"You never know."

"Ako na maghahalo." Kumuha siya ng mug and filled it with water – mga half lang ng baso. Binuksan niya ang maliit na bote and measured the amount of liquid with the use of the bottle's cover saka 'yon inihalo sa tubig. She stirred it carefully with a spoon. "Kapag lumala ang ubo mo mamayang gabi. Call me."

"Hopefully I don't mess up my date with this freaking cold."

"Kung 'di mo naman kaya. Ipa-reschedule mo na lang." Hinarap niya si Balti at binigay rito ang mug. "I think she will understand that you're not feeling well. Sa boses mo pa lang mapapansin na niya." Sa tingin niya panay sneeze na ito since kanina. "You need to rest."

Dahan-dahan nitong dinala ang mug sa bibig at uminom doon nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Anong oras ba date mo?" dagdag niya.

"Seven pa naman."

"It's past 3 pm. You still have at least 3 hours to call her para i-postpone ang date n'yo." Nakaligo na ito pero hindi pa bihis na pang date dahil naka pambahay pa rin. "Pakiramdaman mo na lang muna ang sarili mo."

Napansin niya namang panay ang kurap ni Balti. Kumunot ang noo at bahagyang naikiling ang ulo sa kaliwa. Parang ten seconds yata rin siyang tinitigan ni Balti na walang kurap.

"Okay ka lang?"

"Parang lasang orange 'yong tubig?"

He still looks confused.

"Talaga? Patikim –" Akmang kukunin niya rito ang mug nang mabilis nitong maiangat ang baso lagpas sa ulo nito. Syempre mas matangkad ito sa kanya. Hanggang balikat nga lang siya nito. Nakayuko na ito kapag kausap siya.

"No. Wala ka namang sakit at baka mahawa ka pa. If you want orange juice. May orange-flavored juice ako sa ref. Get one."

Naglabanan sila ng tingin.

Her lips twitched. "Fine!"

Tumawa ito pagkatapos. "Kumain ka nga muna para tumangkad ka. Ang sakit mo sa leeg kausap."

"Wow naman!"

He leads her to the kitchen counter. Inalis nito ang nakatakip sa food. "Masarap 'tong tuna sandwich ni Math. He's actually a chef. Have you heard of Noah's Ark."

"It trended on Facebook but I haven't been there pero may plans ako na dadalhin ko sila Mama roon." Inabot ni Balti sa kanya ang sandwich. "Thanks."

"Let me know kung kailan. I'll inform him."

Kinagatan niya ang sandwich. "Why?"

"He's the owner."

Nanlaki ang mga mata niya. "Kaibigan mo ang owner ng Noah's Ark?!"

Natawa ito. "I have a lot of connections." He took a bite of his own tuna sandwich. "But seriously, let me know. I can help you with the reservations. Maybe ask him big discounts." He smiled.

"Sige, sige, gusto ko 'yan."

"Uuwi ka na ba after mo rito?"

"Pauwi na sana dapat ako at nakahilata na sana sa kama ko."

"Talaga? Makakatulog ka sa dami ng mga i-che-check mong pang papers at lesson plan mo for next week?"

Natawa siya. "Hindi ko na nga iniisip. Pinapaalala mo na naman. Panira ka ng moment."

Tawang-tawa naman ito sa kanya. "Buhay guro nga naman. Bente kwatro oras na nga yata tayong nagtatrabaho. Thank you pa minsan."

"Ganoon talaga."

"Bakit ka ba nag-teacher?"

"Na scam ako ng nanay ko."

Tawang-tawa ulit si Balti. "The reason is mutual."

"Kaya mo pa ba akong ihatid sa amin? Baka ma late ka sa date mo? Mag-ta-taxi na lang ako."

"It's fine. I'm feeling a bit better now."

Napangiti siya. Medyo nagkakulay na rin ulit mukha ni Balti. Siguro nga effective 'yong herbal medicine ni Lolo – ay wait! Nakalimutan niyang itanong pangalan nito. Mamaya, baka nandoon pa rin ito. Sasaglit lang siya.

"Nga pala, wala ba si Tor sa bahay niya?" pag-iiba niya.

"May schedule sila sa OB ni Au, asawa ni Tor."

"Hala, congrats sa kanila! May mini Tor na pala soon."

"Kabuwanan na ni Au ngayon. She's expected to give birth, the second week of July."

Namilog ang mga mata niya. "So malapit na talaga!"

"Yup!"

"I'm happy for Tor. Sayang 'di kami nagkita at ng asawa niya ngayon."

"You can still visit them anytime."

"Mabait ba asawa niya? Knowing Tor, sobrang uptight nun."

Natawa ito. "Scammer."

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

"You will know."




BALTI was taken aback. Napaatras siya nang paglabas niya ng comfort room ay bumungad sa kanya ang isang waitress na kamukhang-kamukha ni Niña. He blinked twice at nag-iba ang itsura ng waitress.

This is really weird.

Kanina pa siya namamalikmata. Halos lahat ng mukha ng tao sa mga mata niya ay kahawig na ni Niña. Hinubad niya ang suot na salamin at hinilot ang bridge ng kanyang ilong. Nawala nga ang pananakit ng lalamunan niya at ubo pero nagloloko naman mata niya. Is this some kind of a side effect? But why does he keep on seeing Niña's face?

He heaves a sigh.

Ibinalik niya ang salamin sa mata at bumalik na sa table kung saan naghihintay sa kanya si Rosalie. His memories are sharp but he couldn't trace back which group of friends of his mother Rosalie's mother belongs to.

Wala rin doon ang atensyon niya.

He wanted this date to be over by not being too rude. Rosalie is a nice woman but he didn't feel a connection to her. Alam niyang 'di rin siya mag-e-effort na kilalanin ang babae. The least that he can do is suffer in silence. Like any gentlemen in the 1800s will do.

"Did you order already?" nakangiti niyang tanong but when she lift her face ay nagulat na naman siya. Walangyang buhay 'to! Mukha na naman ni Niña ang bumungad sa kanya. 

He cleared his throat. 

Nababaliw na yata siya.

"Balti? Is something wrong?"

Kumurap siya at bumalik ang totoong mukha ni Rosalie. Tuluyan na siyang naupo. He discreetly took a deep breath. Pilit siyang ngumiti nang ibalik ang tingin sa babae.

There must be something wrong with me.

"I – I'm fine," kaila niya.

And I'm not fine!

"I've already ordered for the both of us. I hope you like steak?"

"Yeah, I'm good with that, thanks."

Feeling niya namamawis ang gilid ng mukha niya. May mali talaga sa kanya. To test his assumptions. Muli niyang iginala ang tingin sa paligid. Wrong move, Bartholomew! Puro mukha ni Niña ang nakikita niya. Babae man o lalaki. Marahas na inabot niya ang baso ng tubig at dire-diretsong sinaid ang laman nun.

I need an exorcist.

"Balti, are you sure you're okay? Namumutla ka?"

"I'm sorry. Medyo masakit lang ang ulo at mga mata ko. I think I need to change my eyeglasses."

"I see. Hindi ka ba gumagamit ng contact lenses?"

"I'm not comfortable wearing one," nakangiti pa rin niyang sagot kahit gulong – gulo na ang utak niya nang mga oras na 'yon.

"Matagal ka na bang nagtuturo sa school n'yo?"

"Five years. I took my master's after I graduated college then I applied as an elementary teacher in Barcelona. I stayed in Spain for almost four years."

"Wow! So passion mo na talaga ang magturo ever since?"

"I like kids," he chuckled.

"If you don't mind me asking, don't you have any plans of settling down?"

"Maybe when I find the one."

Tumango-tango ito. Rosalie smiled. "Maybe one of these days you'll meet her."

He shrugged his shoulders and laugh. "One must always be hopeful." Hindi talaga siya mapakali. Hindi na nawawala ang mukha ni Niña kahit pa kumurap siya ng ilang beses. "Rosalie, will you excuse me for a moment? I have to call someone important."

"Sure!"

Mabilis na tumayo siya at tinungo ang entrace and exit door ng restaurant. Halos hindi na siya humihinga at kung puwede lang ipikit na lang niya ang mga mata ay ginawa na niya. Ang daming Niña sa paligid niya.

Damn it! I'm losing my mind. I'm losing my mind.

He gasped for air as soon as he reached the front parking. Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at tinawagan ang numero ni Maha. Hindi yata siya makakauwi nang buhay sa Faro sa sitwasyon niya nang mga oras na 'yon. Baka maibangga niya ang sasakyan niya.

"Maharlika pick up the phone!" Tatlong beses niyang i-denial ang numero ng kapatid hanggang sa sagutin nito. "Thank god! Where are the hell are you?"

"Ahm excuse me, brother, let me correct your noun. I'm not in hell. I'm at home."

"Pick me up."

"Didn't you bring your car? Wait! 'Di ba date mo ngayon?"

"Long story, just pick me up here. Don't bring your car. Mag-taxi ka or grab. Ako na bahala sa magagastos mo."

"And then what? Ako gagawin mong driver? Hell nooo!"

"Feeling ko kapag pinauwi mo ako mag-isa libing ko na ang susunod na event na pupuntahan mo."

"Yaaaa!" Inilayo niya ang cell phone. Ibinalik lang din niya pagkatapos sumigaw nito. "I hate you, like super! Pero ayoko mamatay ka. Madami ka pang utang sa'kin since elementary. Knock on woods! Wait hanap akong kahoy lang." Narinig pa niya ang paggalaw at pagtakbo ni Maha hanggang sa marinig niya ang pagkatok ng kamao nito sa isang kahoy. "At saka ano na naman bang problema mo Bartholomew, ha? Lasing ka ba? May sumusunod ba sa'yong mga evil spirits? Omg! Hinahabol ka ng mga mafia? Kuyaaaa ano na namang ginawa mo?"

"Kakanood mo 'yan ng Kdrama. Tsk! Just pick me up here. I'll text you the address. Be here in thirty minutes."

Maha groaned at the other line. "Fine!"

Natawa lang siya pero pagka-end-call ay bigla na lang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Mabuti na lang at nakahawak siya sa katawan ng kotse niya. Sinalat niya ang noo. Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata.

He's burning!

Napalunok siya at lalong naramdaman ang panghihina at biglang pananakit ng katawan. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Naghahalo na ang kulay sa paligid niya. He couldn't distinguish the right color of the near traffic light.

"What is happening?" it barely came out as a whisper.

Pilit niyang iminulat ang mga mata but everyone – everything around him are in haze. Dumaosdos siya sa gilid ng sasakyan. Mabigat ang paghinga. Muli siyang napalunok at tinanggal ang tatlong butones ng polo niya. Hindi niya alam kung nilalamig ba siya o naiinitan. Pero mas tamang sabihing nilalagnat siya pero pakiramdam niya nasusunog ang paligid niya. 

"S-Sir? Sir, okay lang po ba kayo?" boses 'yon ng isang babae pero 'di na niya maaninag masyado ang mukha. "Glen! Glen! Tulungan natin si Sir." Hindi na niya maimulat ang mga mata. Pero ramdam niyang sinalat nito ang noo niya. "Dios ko! Ang init n'yo po, Sir. Wait lang po."

"C-Call... call my sister..." aniya.

Punyemas! Mamatay na yata ako. Sa dami nang pwedeng ending scene sa buhay ng isang Bartholomew Juarez talagang kamalasan dahil sa herbal medicine. Mumultuhin talaga kita Niña. Hindi kita papatahimikin!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro