Kabanata 48
Dumiin ang mga kamay ni Balti sa sink counter. Damn it! He swallowed the severe pain gnawing in his head. Humarap siya salamin sa harap niya. It reflected the slowly burning of his eyes from dark brown to golden brown. Unti-unting nagmamarka ang mga salita sa kanyang leeg paakyat sa kalahati ng kanyang mukha. It tattooed on his skin like flames. It burned him.
Niña doesn't believe him.
It's understandable, no one will believe in him at the moment. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Na para bang gagaan ang pakiramdam niya nang mga oras na 'yon. He could break the countertop if he wouldn't let go. Marahas siyang bumuga ng hangin. He doesn't have time. He has to find the ledger and the ink before Nathanael takes over his body again. Nathanael will find a way.
He knew... he can feel it... he can hear his thoughts.
Matagal na niyang napapansin na nanghihina ang katauhan ni Nathanael kapag nasa malapit si Niña. Nathanael noticed it too. It makes him wonder, but at the same time, a blessing in disguise. Having Niña around will make Nathanael weak. The reason why he couldn't entirely blame Iesus for locking him in his own house. Nathanael's existence is a form of deceit. He will always find an escape route to outsmart his plans and to bring havoc in the already disarrayed thoughts of his friends.
He was my past self that I've regretted the most! His own karma.
Iminulat niya ang mga mata.
It wasn't him who broke off the engagement. Hindi siya ang mga nagbitaw ng mga salitang 'yon kay Niña. He will never take that ring off from her finger.
Mariin niyang tinignan ang repleksyon ng sarili.
Not in this lifetime, and definitely not in the next.
His jaw clenched.
He couldn't do anything at that moment because he didn't have a plan. And he didn't know how to control him. And it was better if Niña hates him while he thinks of a better plan to destroy his other self.
And it was still a miracle that he was able to regain his original self after seeing Niña in the library earlier.
Lalo pang dumiin ang hawak niya sa sink counter.
He will destroy Nathanael for good!
Ilang segundo pa ang lumipas naramdaman niya ang unti-unting pag-subside ng sakit. Kumalma na ang katawan niya at unti-unti na ring bumabalik ang orihinal na kulay ng kanyang mga mata. The tattooed ink marks on his skin starts to fade. Pero kasabay naman no'n ang iyak ni Niña mula sa labas ng kwarto.
Mapait siyang ngumiti. Umigting pang lalo ang panga sa galit sa sarili.
I promise you, Ninin, this will be the last time that I will break your heart.
He blinked, marahas din niyang pinunasan ang ilang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang tiniklop niyang larawan ni Niña. It was the picture he stole from her. Ang larawan na may nakasulat na, Balti's Little Ninin <3.
He traced the outline of her face with his index finger.
It would be the last time, Nin.
"KUYA!"
Napabalikwas si Maha ng bangon mula sa sofa sa library. Habol niya ang hininga as she tried to calm herself. Pero naiiyak lang siya.
"Maha?" Lumapit agad si Juan sa kanya at hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay. Her dream was too vivid. Akala niya ay totoo. "Shsh, calm down, calm down." Marahan nitong hinagod ang likod niya.
"Give her water," ni Vier. Tumango si Sep at lumabas sa library. Lumapit na rin si Vier. "Maha, are you okay?"
Lumunok siya. "I'm fine." She inhaled and exhaled. "I'm...fine." She didn't notice that she fell asleep in the couch. Mabilis naman na nakabalik si Sep at inabot sa kanya ang isang baso ng tubig. Tipid siyang ngumiti rito. "Thanks, Sep." Naigala niya ang tingin sa paligid. Nawala ang iba. Sila Juan, Sep, at Vier na lang ang natira.
"Did you have a nightmare?" tanong ni Vier.
She nodded. "It felt so real."
"Tell me, what did you see?"
"A burning house..." she blinked. Tila ba hanggang ngayon ramdam niya sa balat ang init ng apoy na unting tumutupok sa isang bahay. "Nasa loob ako... but I know it's not real kasi I don't have any experience of that in my childhood years."
May unawang tumango si Vier. "Go on."
"And I can't go out. I was trapped inside. I kept calling my kuya's name. I can hear his voice but I couldn't find him. Sigaw ako nang sigaw. Pero... pero... hindi ko siya makita." Tears welled up from her eyes. She felt a gentle squeezed from Juan's na hawak pa rin ang kamay niya. And somehow it did help a little but she was still trembling. "It felt so real, Vier."
"Do you always have this kind of dream before?"
"Sometimes but not as vivid as today. I hate confined places. I've overcome it a little, but may times lang talaga na I feel so trapped, and I don't know why. Wala rin akong maalala na cause kung bakit naging claustrophobic ako."
"I see."
"What time is it?" pag-iiba niya.
"It's past three in the morning," sagot ni Juan habang nakatingin sa wristwatch nito. Napansin nitong nakahawak pa rin ito sa kamay niya kaya pasimple nitong binitawan ang kamay niya at kinuha ang basang hawak niya.
She pressed her lips.
"May balita na sa kuya ko?"
"Simon and Andrew are tracking him," si Sep ang sumagot. "Iesus, James, and Tor, they're upstairs, discussing something."
Namilog ang mga mata niya. "Andrew?"
Is Andrew also part of the secret group of Iesus?
Sakto namang pumasok sa library sila Simon and Andrew. Bahagyang basa ang mga damit ng mga ito. Lalo na ang mga buhok. Even Andrew's well brushed up hair ay kumulot na. Parehong walang kangiti-ngiti ang mukha ng dalawa.
"I wasn't able to track him," basag ni Simon. Sumunod na pumasok sila Iesus, Tor, and James. Nilingon kasi ito ni Simon. "But Andrew has something to say."
Nag-abot ang kilay nito. "The rain had stopped in the city," simula nito. "And it's still drizzling in the North. The South is only partly cloudy. The rest seem fine. But I can sense unfamiliar strong energy disrupting the current weather in that area." Teka, hindi niya sigurado kung nakakasunod pa siya sa mga pinagsasabi ni Drew. "It might have something to do with Nathanael."
"A place in the city?" ni Iesus.
Andrew nodded. "Yes."
"In St. Nathaniel's..." Napalingon silang lahat kay Tor. "Balti might be there."
FOR god's sakes! It was still three in the morning at nasa harap na sila ng gate ng eskwelahan. Tumila na ang ulan pero basa pa rin ang nasa palagid nila. Sinubukan niyang i-text si Maha pero na realized niyang isinilid pala nila 'yon sa isang water proof bag. She couldn't remember it clearly pero sa tingin niya ay si Maha ang huling humawak no'n.
"Balti, anong ginagawa natin dito?"
Sarado ang malaking gate at walang guard na nagbabantay. Alam niya mayroong night shift guard pero baka nasa loob. Or marahil nakatulog sa guard house.
Nang gisingin siya nito kanina ay wala na siyang nagawa kundi ang sumama rito.
Balti was acting weird. Lalo na ang mga symbols at mga litrang naka tatoo sa leeg nito. It reaches down on his back pero natatakpan na ng suot nitong white shirt. She couldn't retrieve any memories of tattoos or ink marks on his skin earlier. At alam niyang walang ganyang tattoo sa katawan si Balti.
"I have to get something." Umangat ang tingin nito sa dark blue wrought iron gate sa harap nila. Masyado 'yong mataas sa kanya, but it's feasible to climb lalo na kung kasing tangkad ni Balti ang aakyat no'n. "I'll climb up." Pero naglakad ito sa gilid, malapit sa student's entrance kung saan chini-check ng guards ang mga ID ng mga students. The wall made of bricks stretched to the whole façade that divides the street and the private land premise of St. Nathaniel's.
"Balti –"
"Shshs," inilapat nito ang isang daliri sa bibig bago inalisa ang kung paano nito 'yon maakyat. She stood there anxiously as he climb his way up. In one swift move ay nagawa nitong makapasok sa loob. Mayamaya pa ay narinig niya ang pagbukas ng steel door. Sumilip ang ulo ni Balti. "Get inside."
Napalinga siya sa paligid. May CCTV camera sa may gate. Her growing anxiety is piling up. Hindi niya maigalaw ang mga binti. Not when she knew Balti was acting weird. Feeling niya ibang tao ang kasama niya.
"Niña," he called out again in a low voice, luminga ito sa likod. "Faster."
Bumuga siya ng hangin. Ah, bahala na nga! Eskwelahin naman 'to ni Balti. Atubili siyang pumasok at agad namang hinawakan ni Balti ang kamay niya. Hinila siya nito sa direksyon ng faculty building.
"Be quiet," anito.
"Ano ba kasing kukunin mo? Hindi ba 'yan makakapaghintay ng umaga?"
"I don't have time."
'Yan na naman ito sa wala na itong oras. Mas maiintindihan niya pa kung magsasabi na lang ito ng totoo kaysa patuloy siya nitong paghuhulain sa mga nangyayari rito. Mas lalo lang siyang naghihinala.
"You have a lot of time, Balti –"
Huminto ito at hinarap siya. Madilim ang paligid nila dahil iniiwasan nila ang daan na may ilaw. But the light from the nearest lamp post reaches their spot – enough to see his serious expression. The desperation and anger that melted in his eyes. But he still looked in pain. The kind of pain she couldn't point out kung saan galing.
Dumiin ang hawak nito sa kamay niya.
"I have no time," he rasped. Umihip ang hangin at kasabay no'n ang paggalaw ng mga dahon ng puno sa paligid nila. Naghatid 'yon ng kakaibang kilabot sa kanya. "Iesus will help you understand." He cupped her face. Ngumiti ito nang mapait. Bago hinalikan ang kanyang noo. "Just trust me, okay? Now let's move." Hinawakan muli nito ang kamay niya bago ulit sila naglakad.
Malapit na sila sa faculty nang mapansin nila ang gumagalaw na ilaw na tumatama sa mga ding-ding at sahig sa pasilyo. Kasunod noon ang mga yabag ng mga sapatos na naglalakad.
May gwardiya!
Mabilis siyang nahila ni Balti sa isang pader malapit sa hagdanan. Tinakpan nito ang bibig niya ng kamay habang sinusubukang takpan ng katawan nito ang buong taas niya. Her back was pressed on the wall.
Parehong malakas ang tibok ng mga puso.
Mayamaya pa ay lumagpas na ang guard. Sinundan ito ng tingin ni Balti hanggang sa masigurong wala na ito. Hinawakan muli nito ang kamay niya at mula sa madilim na pasilyo ay hinila siya palapit sa faculty room. Ang dami pa talagang naglalarong tanong sa isip niya pero alam niyang 'di rin siya sasagutin ni Balti.
And Iesus, can Iesus explain to her everything? Ito nga mismo ang nagkulong kay Balti sa Faro!
"Balti, it's no use," pigil niya rito nang nasa harap na sila ng faculty door. "Lock 'yan."
"I know." Binitiwan siya nito at hinawakan ang knob ng pinto.
Umangat ang tingin niya rito. Gumagalaw ang labi nito pero wala siyang marinig na mga salita. Hanggang sa mapansin niya ang munting ilaw mula sa kamay na nakahawak sa knob nang ibaba niya ang tingin. The same symbols and letters were inked on the back of his hand and it was glowing. Namilog nang husto ang mga mata niya nang bumukas bigla ang pinto.
"A-Ano 'yon?" she stuttered in pure shock. "Balti?"
"It's nothing, Nin."
Pumasok ito sa loob at hindi na inabala na buksan ang mga ilaw. Takot din siyang mahuli kaya pumasok siya at isinirado ang pinto sa likod. Inisang hugot lang ni Balti ang drawer nito sa sariling desk at inilabas doon ang isang lumang ledger at ang wooden box ng papa niya.
"Akala ko –" Balti lied! Itinago nito ang wooden box ng ama niya. I can't believe this! Mabilis na lumapit siya rito at kinuha ang box. "This is mine!" At ngayon, hindi niya na alam kung 'yong Balting minahal niya ay ang Balting kaharap pa rin niya sa mga oras na 'yon.
"Niña give it to me."
"Hindi, hanggat hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit itinago mo 'to."
She retreated a few steps back, kipkip niya sa dibdib ang wooden box.
He sighed in pure frustration. "Niña, please, you can't keep that."
"It's mine. Sa papa ko 'to and you lied to me. Nagtanong ako sa'yo kung nakita mo 'to pero nagsinungaling ka sa'kin. Balti you have changed. Hindi na kita kilala. Are you even aware of that?!"
"Niña, please," he pleaded, lumapit ito sa kanya. "I don't have time."
"Sino ka ba talaga?!"
"I have to save you."
"Save me? From who?"
"From myself, so please, give me the box."
"Anong gagawin mo rito?"
"Niña!"
May napansin na naman silang ilaw mula sa labas. Na distract siya pero nang iangat ni Balti ang isang kamay sa direksyon ng bintana ay bigla na lamang nagbago ang paligid. It was like she entered a time loop. Lumilipad ang mga gamit sa paligid. Napasinghap siya nang marahas nitong agawin mula sa kanya ang hawak na box na hindi siya nilalapitan.
"Balti –" Napaatras siya at nasilaw sa liwanag sa harap niya. Malakas ang hangin pero hindi niya alam kung saan nanggagaling. The shock in her eyes as she scanned the room. Hindi niya alam kung nasa faculty room pa ba siya o lumilipad na sa kawalan.
"For a little woman, Niña, you annoy me the most." Natigilan siya nang magbago ang itsura ni Balti. Lalo na ang timbre ng boses nito. Nawala ang maamong mukha nito at napalitan ng mapaghiganting mukha na may ngiting umuuyam. His eyes were like burning golden brown at mas lalo lumiwanag ang mga inked words na nakita niya sa katawan nito. "Let's cut the act, shall we?"
"Balti?"
His smile was mischief. "My apologies, I haven't properly introduced myself yet, but I'm Nathanael. I don't want to explain myself further dahil 'di mo rin naman maiintindihan. I would just be wasting my time storytelling the tragic memoir of your dearest love." He held one hand and the ledger she saw earlier was now in his hand. "I like reading books but I was never fond of reading happy endings." Lumipad ang wooden box ng ama niya sa kaliwa nito.
"Who are you? Nasaan si Balti?!"
"Don't worry, iisa lang naman kami, in body, but with two distinct outlooks in life," he smirked, and walked closer. "You look so much like your father." Hinaplos nito ang kanyang pisngi nang tuluyang makalapit. She shivered in his touch. His eyes pierced in her like a knife at hindi niya alam kung bakit.
"K-Kilala mo ang ama ko?"
"I actually loathed your father." Bumaba ang kamay nito sa kanyang leeg. "I hated your family." Napasinghap siya nang dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Umangat ang mga paa niya sa ere. She struggled to grip away from him. Hindi niya makahinga. Ramdam niya ang pamamasa ng sulok ng kanyang mga mata. If eyes could charred someone in ashes. Ganoon na ganoon ang repleksyon na nakikita niya sa sarili sa mga mata nito. "Your bloodline should end now."
"B-Bal...ti..." iyak niya.
"But your death will never be enough," he gritted. "Your mother is still alive. Nakakatamad naman pumatay ng dalawa. Galing kasi ng ama mo. Inunahan kayo. But your death was the root of my miserable life. Dahil sa'yo ay namatay ang pamilya ko. At ang kapatid ko." Umapoy lalo ang galit sa mga mata nito. "If you didn't exist then my family wouldn't ever take the blame of your death!"
Hindi na siya makahinga.
"Bal –" she choked.
Pinakawalan siya nito at tuluyan siyang napahiga sa sahig. Ubo siya nang ubo habang umiiyak. Ramdam niya ang panghihina. Pati na ang kamay na bumaon sa leeg niya kanina. His hand burned on her skin. Wala na siyang maiintindihan nang mga oras na 'yon. What did her father do? May nasaktan ba ang papa niya? Sinong namatay? Siya? Kailan?
"Balti..." iyak niya. "Balti...please..."
"He's not going back."
"Bartholomew!"
"You missed your chance, Niña. Kung hindi ka nagmatigas 'di sana 'di ko nagawang mapalitan sa katawan na 'to ang Balti mo." Isang liwanang pumaikot dito. Liwanag na may mga simbolo at mga salitang hindi pa rin niya naiintindihan. Hawak nito ang ledger at mula room lumabas ang mga salitang nakasulat doon. "Truly a broken trust is hard to fix." Bumukas ang wooden box na nakaangat pa rin sa ere. Kusa na lang lumapit sa kamay nito ang ink bottle at feathered pen.
Ang hapdi-hapdi ng mga mata niya. Nahihirapan pa rin siyang humihinga pero 'di niya alam. Tila hinihigop ang buong lakas niya. Pakiramdam niya ay may hindi siya nakikitang tali sa katawan niya.
"Bal..."
Kumurap siya. Pero malinaw pa rin niyang nakikita ang mga salitang binubura nito sa ere gamit ng feathered pen at ink.
Niña.
Puro pangalan niya ang binubura nito. Pero bakit? Bakit nandoon ang pangalan niya? Mayamaya pa ay napapansin niyang naglalaho ang mga daliri niya. Her hands trembled in fear. Anong nangyayari? Bakit siya naglalaho?
"Balti... Balti..." umiiyak na siya. "Bal..."
Pero hindi siya pinansin nito. Patuloy pa rin ito sa pagbura ng pangalan niya mula sa lumalabas na mga salita sa ledger. She was already crying her heart out. Takot na takot na siya.
"Balti!" sigaw niya. "Balti, tulungan mo ako! Mahal, please," she desperately sobbed. "Kung nandiyan ka at naririnig mo ako. Tulungan mo ako. Huwag kang magpatalo sa kanya. Nandito ako. Nandito ako. Tulungan mo ako. Gumising ka riyan. Balti, please... mahal..."
"Tahimik!"
"Bartholomew!!"
Hinugot niya ang lahat ng lakas para makatayo. Tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagkabigla nito. Akmang itutulak siya nito pero niyakap niya ito nang mahigpit. Kahit na unti-unti na siyang naglalaho.
"Si Ninin 'to... bumalik ka na, please..."
Tila huminto ang oras sa paligid nila. Nakaangat pa rin ang mga gamit sa ere pero hindi na gumagalaw.
"Mahal, please..."
Naramdadam niya ang paghawak nito sa kanyang mga balikat. Sa gulat niya e bigla siya nitong itinulak. Pero napansin niyang bumalik na ang orihinal na kulay ng mga mata nito. Mapait itong ngumiti.
"I'm sorry," he mouthed.
Hindi niya nasundan ang mga sunod na ginawa nito. Bumalik ang liwanag na nakapalibot dito. Lumabas ang mga salita mula sa ledger at ibinalik nito ang mga pangalan niya. Pero ang pangalang Bartholomew ang isa-isa nitong binura. She stared at him in horror nang mapansin si Balti ang unti-unting naglalaho.
"Nooooo!" sigaw niya. He's reversing the words! "Balti!" Akmang pipigilan niya ito nang ikumpas nito ang isang kamay para lagyan ng harang ang pagitan nilang dalawa. Napapaso ang mga palad niya sa tuwing hinahawakan niya ang hindi niya nakikitang harang. "Mahal!" parang batang iyak niya. "Mahal, huwag mong gagawin!"
Kung bakit wala siyang magawa?! Hindi siya makapasok.
"Bartholomew!"
At nang iangat nito ang tingin sa kanya, napansin niyang huling pahina na 'yon ng ledger. Kumurap siya. Pigil ang hininga. Ngumiti ito sa kanya. Lalo siyang naiyak nang tumulo ang mga luha sa mga mata nito.
"Balti!" she furiously whacked the invisible barrier - desperately, hanggang sa sumakit ang mga kamay niya. "Juarez, ano baaaaaa?!!" Hysterical na siya.
Binura nito ang huling pangalan sa pahina at muli siyang tinignan. She couldn't do anything. Hindi niya magawang iligtas si Balti. Sumara ang ledger at nawala ang liwanag at mga salitang nakapalibot dito. Umiiyak pa rin siya dahil naglalaho pa rin ito sa harap niya.
"Bal..."
Nawala ang barrier na inilagay nito at niyakap siya. "I'm sorry," he sobbed and hugged her tight. Feeling niya hindi na siya marunong huminga dahil sa pag-iyak. "This is the only way for me to save you."
"Balti... please... huwag mo kong iwan..."
Unti-unti na ring bumabalik ang itsura ng silid kung na saan na sila. Lumuwag ang yakap ni Balti sa kanya.
"I never stopped loving you, Ninin."
And bigla na lang naramdaman niyang tuluyan na itong nawalan ng lakas habang nakayakap pa rin siya. She wept when she felt his heart stop from beating.
"B-Bal?" her lips trembled. "Bal..." But she lift his face pero wala nang buhay ang mukha nito. Lalo siyang napaiyak. "B-Balti... Mahal..." She cupped his face with one hand. "Balti... please... hindi ko kaya... mahal, gumising ka... mahal... gising ka na, please."
Pero hindi na niya maramdaman ang buhay rito.
Bumigay ang mga tuhod niya. Hanggang sa pagsalampak niya sa sahig ay yakap-yakap niya pa rin si Balti. Niyakap niya ito nang mahigpit. Pakiramdam niya ay kulang ang iyak at sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. It felt like she lost a part of herself.
Hinalikan niya ito sintido at mas lalong niyakap. "I told you to save me," hikbi niya. "But I didnt say na iwan mo ako. Gumising ka, please..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro