Kabanata 46
GAMIT ng duplicate key ni Maha e binuksan nito ang dating kwarto ni Balti sa bahay ng mga Juarez. Hindi lang sila masyadong nagpahalata kina Tita Bea at Tito Juanito. As soon as they entered the room ay bumungad sa kanila ang malinis na kwarto ni Balti. She had visited that room before. College pa siya and nothing has changed. Kung ano ang natatandaang ayos niya sa kwarto nito noon ay ganoon pa rin 'yon.
"Hindi niya dinala ang ibang gamit niya sa Faro?" basag niya.
Isinirado ni Maha ang pinto habang iginagala pa niya ang tingin sa buong silid. Even the smell, it was the same smell in Balti's room in Faro de Amoré. The room was almost identical to his room – a bit bigger and spacious lang 'yong sa Faro.
"Madami siyang iniwan," sagot ni Maha. "I'm assuming na may mga copies na siya ng mga kailangan niya. Mama just keeps the room clean and locked. I stole the duplicate key from her drawers." Marahas na ibinaling niya ang tingin dito. "Don't worry, I always do that a lot and I was never caught sneaking in his room." Inilapag nito ang keys sa study table dahilan para mapatingin din siya roon. Umalis din ito agad para hanapin ang kung ano.
Napansin niya ang agad ang isang black twin frame kung saan may picture nilang dalawa ni Balti noong high school graduation nito and the other was a picture of her, Maha, and Balti on his college graduation. Titig na titig siya roon lalo na sa picture nilang dalawa ni Balti.
Napaisip siya.
If Balti never cared for her feelings... then why does he still keep those things?
"Matagal na 'yan," ni Maha, naiangat niya ang tingin dito. Hindi niya namalayang nakabalik na pala ito sa tabi niya. "I remember he brought that photo in Spain." Lalo siyang napatitig dito. As if she was searching for answers out of her already disarrayed thoughts. "He didn't leave that photo on purpose. Like I said, may mga back up 'yon. Malamang may identical frame din 'yong tinago sa bahay. He just doesn't want to leave this room empty."
"You don't need to –"
Maha turned her gaze back to the picture. "I know he's lying," she said firmly; as if Maha was sure about it the whole time. Tinignan niya ulit ang picture nilang tatlo. His smile was contiguously bright in both photos. There is no way she will mistake him for a different person in those photos. But if she will compare it to the Balti she had last seen in school - pansin niyang may nagbago rito. Lalo na ang paraan ng pagtingin nito. Tila isang balon na malalim. Hinihila siya para mahulog. "We'll have to find that out soon."
"The map," aniya. "Maha, where's the map?"
Kumurap ito at ilang segundong napatingin sa kanya. "Right! I'm sorry. I'll find it." Iniwan siya nito at tinungo ang malaking closet ni Balti. "I'm pretty sure I saw it here. Hindi naman madalas nag-re-rearrange sila Mama."
She tried to open the main drawer under his desk but it was locked. Keys. She needs keys. It should be hidden somewhere. Dumako ang tingin niya sa desk organizers nito. Binuksan isa-isa ang maliit na mga drawers sa ilalim ng itim na desk organizers ni Balti. She found a Doraemon keychain with small keys attached to its metal ring. Siguro naman isa roon ang susi ng drawer nito.
There were four identical keys. She fondled the keys with her fingers before trying her luck. She inserted the first key that she'd picked. Hindi na buksan. She skipped the next key. The third key, natigilan siya nang maramdaman niyang parang may na-i-push ito sa ilalim and the next thing she knew, na unlock na niya ang drawer.
"Good!"
"Nin?"
"Nothing, did you find it?"
"I think so, wait lang, I'll check first."
"Okay."
Hinila niya pabukas ang drawer at bumungad sa kanya ang mga tiny action figures ng mga naalala niyang favorite anime characters ni Balti. May mga lumang notebooks din doon. Sticky notes, gunting, cutter, at ibang gamit for crafts. Pero mas umagaw sa atensyon niya ang isang white transparent storage box na walang divider sa loob. Kinuha niya 'yon at tinignan. Hindi naman 'yon puno pero may mga nasisilip siyang letter cards na nakasilid sa isang lumang envelopes, receipts, isang pamilyar na cut out heart shape paper, at nang baliktarin niya e bumungad sa kanya ang dalawang lumang ID nila ni Balti noong high school na in-dare nila sa isa't isang hindi isauli.
"Ano 'to?" she murmured to herself.
And he kept these?
She was tempted to open the box nang marinig niya ang boses ni Maha. "Found it!" Naibaling niya ang mukha rito. Hawak na nito ang isang dark blue drawing tube. Hindi na niya binalik ang nakitang box at pasimple na lang 'yong itinabi muna bago isinirado ang drawer.
"'Yan na ba ang mapa?"
Nang makalapit sa kanya e binuksan nito ang tube na hawak. Agad naman din niyang inalis ang ibang gamit sa mesa. Maha spread the map on the desk. Malaki pa lang 'yong mapa. Parang isang isang blueprint ng groundfloor ng isang building – only that it wasn't printed in blue strokes. Pinatungan niya ng ballpen holder, scatchtape despenser, at ibang weights ang both ends ng mapa para mas makita nila nang buo.
"Wow!" manghang sabi ni Maha.
"Ang detailed nito," dagdag niya.
Kahit siya e namangha. Namilog pareho ang mga mata nila. The map also reminds her of a treasure map she had seen in movies. Only that, it was Faro de Amoré. Kitang-kita sa buong mapa ang sakop ng lupain ng Faro at mga karatig na mga lugar kung saan hindi na sakop nito.
"So where should we start?" baling ni Maha sa kanya.
Bumuga siya ng hangin at iginala ang tingin sa paligid. Masyadong maliit ang desk ni Balti. "Let's paste this map on the wall." Magkatulong na idinikit nila ang mapa sa ding-ding ng silid. "Hindi naman siguro magagalit si Balti kung papakialaman natin 'to. Kasalanan din naman niya."
"Hayaan mo 'yon."
Idinikit nila ang mapa gamit ng masking tape. Bumalik siya sa desk para sana kunin ang small container of pins na nakita niya sa drawer kanina. But she realized it wouldn't work. The wall looks too firm. Naghanap siyang puwedeng idikit sa mapa. And she saw some unused emoticon stickers in Balti's things. Not sure kung bakit mayroon itong ganoon. Mahilig naman talaga itong mag-reward ng stickers sa mga pupils nito. Maybe that's the reason.
"This will do." Binalikan niya sa Maha na nakatingin lang sa mapa. Nagdikit siya ng emoticon stickers sa dalawang main entrance and exit sa Faro - North and South. "Hindi tayo puwedeng dumaan dito."
"Obviously."
"So we have an option to sneak in at the back access."
"What do you mean?"
"Iikot tayo." Nagdikit siya ng sticker sa isang way. Ito 'yong daan before the arc of trees papunta sa parola. "Napansin ko na 'to dati. May daan diyan, right-hand sight, probably there would be a wall that separates the private property. Pero kung susundan natin ang daan." She traced the path trail with her fingers. "It's uphill, meaning, we will end in Iesus' house – sa likod mismo ng bahay niya."
"I don't think it's a good idea."
"True. Kahit na maakyat natin ang bakod. Hindi ko rin alam paano makakalabas mula sa gate ni Iesus."
"Lalo na kung gabi natin gagawin." Humalukikip ito. She sort of shivered at the thought. "His house is creepy enough in broad daylight. How much more at night?"
"I won't recommend this part as well."
"Alin diyan?"
"This." Nagdikit ulit siya ng sticker sa isang back access na pwede. Napansin niyang may gate rin doon pero 'di pa niya 'yon nakita talaga. "The one that leads to the picnic grove forest." Hula niya e nasa pinakadulo ng forest trail ang hidden gate. And probably ay chained 'yon. She doubts na kaya nila 'yong akyatin ni Maha.
"Wait, let me check." Inilabas nito ang phone sa bulsa at may kung ano in-check sa screen. "There's no access in that area. Look." Pinakita nito ang zoomed area, identical sa itinuro niyang location. It was just a forest wall. Ito 'yong map na nakikita sa page ng Faro de Amoré. "Uphill siya pero kung iikot tayo at dadaan sa barangay na sakop no'n e bakod lang din makikita natin. And I really don't like the aura of that forest. Mas nakakatakot pa yata 'yong daanan kaysa sa mismong likod ng bahay ni Sus."
"Naisip ko na rin 'yan. And we're not familiar sa trail. Baka mawala tayo."
"So? What is our last option?"
"We'll pass through the waters." Marahas na naibaling ni Maha ang tingin sa kanya. She met her gaze. "We'll have to cross the mini forest at the back of the lighthouse and secure ourselves with a boat to cross to the other part."
"Magbabangka tayo?"
She firmly nodded, serious, and determined. "Ang dagat lang ang walang bakod." Nilagyan niya ng sticker ang outside shore at ang dagat sa mismong loob ng Faro – 'yong boardwalk. "May mga napapansin akong mangingisda sa gabi na pumapalaot. Although, hindi sila pumapasok sa Faro e may access pa rin tayo. At saka napansin ko na wala namang nagbabantay roon. Lalo na siguro kung gabi natin gagawin. At kung maliit na bangka lang gagamitin natin."
"Nin, do you realized how dangerous it is?!"
"I know."
"Hindi tayo marunong lumangoy na dalawa."
"But we don't have any choice. A life vest will do."
"Alam mo ba magmaniobra ng bangka?"
"If we can find one boatman, then the better. For now, that's the only way for us to get inside Faro de Amoré."
SHE could already feel the palpable tension habang nilalakad nila ang mini forest sa likod ng parola. They had to do it at night. It was now or never. They didn't bring a lot of things. Maliban lang sa cell phone at sling bag niya na may lamang wallet at mga ID niya. If ever lang naman, at least, they have identification. Na huwag na sana mangyari. Worst comes to worst, they must survive this night.
"Where did you get this boatman?"
Lakad-takbo lang ang ginawa nila ni Maha. Lalo silang matatagalan kung normal lang na lakad ang gagawin nila. Bumabasag sa paligid ang bawat hampas ng hangin sa mga dahon ng mga punong nadadaanan nila at bawat kaluskos na nagagawa nang mabilis nilang paglalakad.
"I asked a little help from someone."
"Who?"
"Kaibigan ng pinsan kong si Kevin."
"Nandoon na siya?"
"I guess?"
Pagkalabas na pagkalabas nila sa gubat ay bumungad sa kanila ang malakas na hampas ng alon mula sa dalampasigan. Ramdam niya ang malamig na hangin sa kanyang mga pisngi. Kahit doon e nakikita pa rin nila ang liwanag ng parola. There was something in the air that gives her goosebumps. Kabado siya, pero mas nangingibabaw ang determinasyon niyang makapasok sa Faro sa gabing 'yon.
"He's not here..."
Naibaling niya ang tingin kay Maha. "Hindi ba siya tumawag o nag-text?"
"Tinawagan ko siya kanina," she looked stressed and anxious while trying to contact the boatman on her phone. "Malinaw ang usapan namin na dapat nandito na siya by 11:59 pm."
Iginala niya ang tingin sa paligid. Walang tao. May namamataan siyang ilaw mula sa dagat pero sa tingin niya e mga mangingisda lamang 'yon. If that boatman indeed ditched them ay malamang uuwi silang bigo nang gabing 'yon. Hindi naman puwedeng languyin nila mula roon ang boardwalk.
"God, he's not picking up the phone! I swear I'll gonna sue him –"
"Did you pay him already?"
"Just half..."
Napabuga siya ng hangin. "Baka nagka-emergency 'yon."
"Sana nga, or else, aawayin ko talaga siya!" Malungkot na tinignan siya nito. "Anong gagawin natin? Nag-effort na tayo."
"Wala tayong magagawa. We need a boat."
Marahas itong bumuntonghininga. "Kainis!"
"Let's just wait for a few more minutes." Sinundan ni Maha ang tingin niya. Actually, kanina pa niya napapansin ang nakataling bangka sa malapit. Hindi nga lang niya malapitan dahil may lamparang iniwan doon na nakasabit sa layag ng bangka.
"Huwag mong sabihing balak mong nakawin 'yang bangka –"
"Hindi nanakawin. Hihiramin."
Iginala ni Maha ang tingin sa paligid. "May lamp, meaning kakaalis lang ng may-ari."
"Or, kanina pa umalis, at pabalik na."
"Hihintayin natin?"
She nodded. "Oo, baka puwede tayo ihatid sa loob ng Faro."
"Sa tingin mo papayag?"
"We'll pay him."
Mayamaya pa ay may narinig silang kaluskos mula sa forest. Hanggang sa lumabas mula roon ang isang middle aged man na may dalang fishing net. Una niyang napansin e ang kulot nitong buhok na may strand of gray hairs na. Naka maroon long sleeved shirt at cargo shorts. Isang gray shirt ang nakasampay sa isang balikat nito.
"Kuya!" tawag niya rito.
Napalingon ito sa kanila. Nagkatinginan sila ni Maha, tumango, saka nilapitan ang matandang lalaki. Bahala na. At sana pumayag ang manong. Wala na siyang pakialam kahit magbayad pa sila nang malaki.
"MATAGAL na po kayong mangingisda rito?" tanong niya, kanina pa niya tinitignan ang mukha ng matanda. Parang may kamukha e. Hindi niya lang alam kung puwede ba 'yon. Kamukha nito 'yong matandang nagbigay sa kanya ng gayuma pero mas bata. Pumayag naman ito after ng ilang pilit na ginawa nila ni Maha.
"Matagal-tagal na rin. May suki ako riyan sa loob." Nagkatinginan silang dalawa ni Maha. Dios ko, huwag sana si Iesus. Ngumiti ang matanda. "Si Chef Math." Pansin niya rin ang relief kay Maha katulad niya. "Hinahatiran ko 'yon ng mga sariwang isda at mga seafoods na gusto niya."
"Pumapasok ka ho talaga sa Faro?"
"Oo, kilala naman ako ng may-ari. Si Sir Sus." Patay! "Pero huwag kayong mag-alala. Hindi ko naman madalas nakakausap si Sir Sus. At saka, isang beses sa isang linggo ko lang nahahatiran ng mga isda si Chef. Basta huwag n'yo lang din sabihin na ako ang tumulong sa inyo." Tumawa ito. "Baka ma ban pa ako. Katakot pa naman minsan si Sir Sus."
"Huwag po kayong mag-alala, hindi po, labas po kayo sa lahat nang 'to," aniya.
"Kailangan lang ho namin makausap ang kuya ko sa loob."
Tumang-tango ito. "Nagtatago ba?"
"Hindi pa ho namin alam."
"Kuya, 'di ba, sinabi mong matagal ka na rito? Gaano katagal? May alam ka ba tungkol sa misteryo ng parola?" tanong na niya.
"Hmm... simula noong bata pa ako... dito na pinanganak at namatay ang mga ninuno ko. Misteryo ba kamo? Madami-dami na akong narinig patungkol sa pamilyang de Dios simula pa noong unang panahon."
It piques the interest of Maha. "Talaga ho? Ano ho?"
"Kaso nga lang, mailap ang pamilyang 'yan sa mga tao."
"Sa kanila ho talaga 'tong malaking lupain at parola? Hindi po ba government-owned ang parola?" dagdag niya.
"May nauna nang parola. Marahil 'di n'yo napansin kanina ngunit mas maliit nga lang 'yon at mas malapit sa dagat. Nasira 'yon sa gyera at malalakas na bagyong dumaan dito sa Cebu. 'Yong parola na nakatayo ngayon e ang alam ko e ang pamilyang de Dios ang nagpatayo no'n dahil sakop pa rin ng lupain nila ang kinatatayuan no'ng parola. Hindi nila 'yon ibinigay sa gobyerno. Pero naging bukas 'yon sa publiko. Hindi ko nga lang alam kung anong kasunduan ang mayroon ang mga de Dios sa gobyerno para maangkin pa rin ang parola. Ang alam ko e napaka maimpluwensiya ng pamilyang de Dios noong unang panahon dito sa bayan na 'to."
"Bukod ho riyan, ano pa hong misteryo ang narinig at napansin n'yo?"
"Sabi nila e may nakikita raw silang babae sa itaas ng parola kapag malaki ang buwan. Nakatanaw lang daw sa dagat. Halos mangingisda lang din ang nakakapansin. Naglalaho rin naman agad. Marahil bantay lang ng bayan na 'to o ng parola mismo. At noong sinubukan daw na kunin ang parola ng gobyerno ay hindi raw pinatulog ang mga taong pilit sinubok na kunin ang titulo no'n mula sa de Dios. Kaya hinayaan na lamang 'yon sa pangangalaga pa rin ng mga de Dios."
"Hindi pinatulog?" ni Maha. "You mean, they were sort of cursed?"
"Binagabag sila ng mga nakakatakot na mga panaginip. Halos pare-pareho lang ang mga kwento ng panaginip ng mga ito. Ang iba e natakot dahil may ibang myembro na hindi na talaga makausap nang maayos. Nabaliw na yata, 'yon ang sabi. Nang tumigil ang mga taga gobyerno sa pagdalaw e natahimik din ang mga binagabag. Wala na ring sumubok pa. Kaya walang taga rito ang pilit na nanghihimasok sa mga de Dios. Mabait naman ang anak ng may-ari na si Iesus lalo na ang ina nito. Wala rin kaming reklamo sa kanila, lalo na kay Sir Iesus. Malaki rin ang donasyon niya sa bayan na 'to at sa simbahan. Madami rin ang napag-aral niyang mga bata at nabigyan niya ng mga trabaho. Kaya iniingatan ng mga tao rito ang parola bilang bayad sa mga kabutihan ng mga de Dios."
"Pero, tungkol kay Iesus po mismo, mayroon po ba kayong naririnig?"
"Wala naman. Maliban lang siguro roon sa kamukhang-kamukha niya ang unang de Dios na tumira sa bayan na 'to. Si Don Jose Remegio de Dios. Isang Spanish Merchant, halos dalawang daang taon nang nakalilipas, na mas kilala din bilang Iesus de Dios." Lumagpas ang tingin nito. "May tao." Inabot nito sa kanila ang isang itim na tela. "Magtago muna kayo."
Mabuti na lang at medyo malaki ang bangka ni Kuya Nonoy. Nagkasya sila ni Maha sa tela at halos nakadapa na rin sila. Naramdaman lang nila na bahagyang gumalaw ang bangka dahil tumayo rin naman ito.
"Malapit na tayo," anito, "pero may tao."
"Sino ho?" ni Maha. "Kilala n'yo ho?"
"'Yong may-ari ng yate, si Kap. Paakyat ng yate niya. Nakasunod si Sir Simon."
"Kilala n'yo ho sila?"
Lagpas alas dose na ng madaling araw. Hindi ba tulog 'yong dalawa?
"Naging pamilyar na rin ako." Lumipat ito sa dulo at pinatay ang makina ng bangka nito. Nagsagwan na lang ito. "Hindi na ako puwedeng lumapit pa. Marunong ba kayong lumangoy?" Hindi sila nagsalita ni Maha. "Mukhang hindi." Sandali itong nag-isip. "Mas makikita tayo kapag lumapit pa ako. Pamilyar na sila sa bangka ko. Ilalapit ko na lang nang kaunti. 'Yong kaya n'yo na lang languyin."
"Okay lang sa'kin lagpas nang kaunti sa five feet," ni Maha. Mas matangkad naman ito sa kanya. Kakapit na lang siya rito. "Marunong naman ako kaunti basta 'di lang masyadong malalim na."
"Sige, titignan ko ang lalim bago ko kayo ibababa."
"Pahinge na lang po ng plastic para sa bag at cell phone po namin," dagdag nito.
"Meron ako rito. Ibibigay ko. Sandali lang."
"Thank you." Hinawakan ni Maha ang kamay niya. Determinado itong tinignan siya sa mga mata. "Don't worry, kaya kitang alalayan."
"Sige."
Biglang bumaba ng bangka si Kuya Nonoy. "Hindi na 'to malalim. Sa tantiya ko e lagpas lang 'to nang kaunti sa five feet." Umahon ito at sumampang basang-basa sa bangka. Mabilis na tinulungan sila nitong ibalot ang mga gamit nila sa isang waterproof bag na hindi niya alam kung saan galing. Luma na 'yon so marahil pagmamay-ari nito 'yon. "Pumasok na sa loob 'yong dalawa. Sa tingin ko e matatagalan pa 'yon. Hindi na rin nila tayo mapapansin sa bandang 'to. Basta diretso lang. Hindi ako aalis hanggang hindi kayo nakakarating sa dalampasigan."
"Salamat po," aniya.
"Sige na, bilisan n'yo na. Bago pa lumabas si Kap." Unang bumaba ng bangka si Maha. Napasinghap ito. "Malamig ba?"
"Mainit ang tubig kapag gabi. Kapag umahon kayo e malamig. Tiisin n'yo lang muna."
"Okay lang, Nin," ni Maha. "Medyo malalim lang nang kaunti pero kaya ko naman. Halika na." Humugot siya nang malalim na hininga.
"Okay." Tinulungan siya ni Kuya Nonoy bumaba hanggang sa maramdaman na niya ang tubig. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Dios ko! She felt like her legs was dangling under water. Kung hindi pa umalalay sa kanya si Maha ay feeling niya malulunod siya. "Maha –"
"Relaks. Nakakatayo pa ako."
"Sure ka?"
"Iisipin ko na lang may heels ako while nag-ba-ballet sa ilalim ng tubig." Nakaalalay ang isang braso sa kanya habang ang isang braso nito ang tumitimbang sa katawan nitong huwag silang malunod. Tila hinahawi nito ang tubig sa bawat pagsulong nila sa tubig. "Shuta! Buhis buhay. I will really sue Iesus for this."
Bahagya siyang natawa. "Ni minsan hindi ko na imagine na hahantong tayo sa ganitong adventure na dalawa."
"Si Bartholomew lang talaga kayang magpagawa sa atin nang mga ganito. Sisingilin ko rin 'yon."
Ramdam na niya ang buhangin sa mga paa niya. Kaya na niyang maglakad mag-isa. "Maha, okay na. Kaya ko na 'to." Dahan-dahan siya nitong pinakawalan.
"Sige, ingat ka lang."
Bumaba na rin ang tubig hanggang sa baywang nila. They both shivered nang maramdaman ang malamig na hangin. Nangangatal ang ngipin niya sa lamig kaya niyakap na niya ang sarili. Paglingon niya e nandoon pa rin si Kuya Nonoy. Kumaway ito sa kanila.
"Maha –"
"Hmmm?" Yakap-yakap na nito ang sarili. "Potek! Ang lamig."
"Nakapasok na tayo."
Naigala nila ang tingin sa paligid. Nasa Faro na nga sila. Malapit sa boardwalk. Magkadaop ang mga kamay na iniangat ni Maha ang mga kamay sa bibig nito para maibsan ang panlalamig nito. Nagkatinginan sila.
"So, what's our next plan?" tanong nito.
"Balti."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro