Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 45

NANINGKIT ang mga mata ng mama niya pagkabasa sa pangalan ni Balti sa inabot niyang newspaper dito.

"Matagal n'yo na po bang alam na si Balti 'yong batang sinagip ni Papa noon?"

Inangat ng ina ang tingin sa kanya. "Sa totoo lang ay hindi ko alam na ang Bartholomew Juarez na tinutukoy rito ay anak ni Beatrice. Matagal na kaming hindi nagkikita at hindi ko rin nalaman na nag-asawa at nagkaanak na siya. Pero naalala ko na matagal na siyang may nobyo. Hindi ko nga lang maalala ang buong pangalan ng boyfriend niya noon."

"Hindi n'yo binisita?"

Umiling ito. "Hindi. Hindi ako pinayagan ng 'yong ama na lumuwas ng Alegria para puntahan siya. At saka, sanggol ka pa lamang noon. Hindi kita puwedeng iwan dahil delikado. Wala namang malaking pinsala na nangyari kay Noel. Maayos naman siya. Mas napuruhan nga lang ang bata. Pero, anak, sigurado ka bang si Balti ang Bartholomew Juarez na tinutukoy sa balitang 'to? Paano kung kapareho lang ng pangalan niya."

Hindi niya masiguro. Wala rin kasing pinakitang larawan. Pero tumutugma naman kasi ang balita sa mga na i-kwento na sa kanya ni Balti. Matagal na niyang alam ang tungkol doon. College pa sila. Hindi naman kasi 'yon binabanggit sa kanya ni Balti noong high school sila. Actually, si Maha talaga ang nag-open-up no'n. Balti figured out na may idea na siya. Either nakuha niya kina Maha or Tor ang tungkol sa missing memories nito roon sa Museum.

"Balti confirmed it before," sagot niya. "Pero wala siyang naalala ng araw na 'yon maliban sa pumunta nga siya roon. Ang kwento sa'kin ni Maha ay iniiwasan daw 'yong pag-usapan sa bahay nila noon kaya hindi na nila in-brought-up pa. May in-skip lang siya na mga details kung bakit 'di nila pinag-uusapan ang araw na 'yon."

Napa-isip ang ina. "Naalala ko nang mauwi ang ama mo rito sa atin."

"Bakit po Ma? May kakaiba rin po ba kay Papa?"

"Wala naman masyado pero may isang pagkakataon na naupo ako sa tabi niya habang may malalim siyang iniisip. Napapansin ko kasi simula nang mauwi siya e lagi siyang may iniisip. Hindi ko nga lamang matanong dahil umiiwas siya."

"Nasabi ba niya sa'yo kung ano?"

"Oo," tumitig ito sa kanya, "pero hindi ko alam kung totoo o hindi. Kasi bakit naman magsasabi nang ganoon ang isang bata?"

"Ano ho ba ang sinabi?"

"Teka, naitago ko 'yong sulatan ng 'yong ama. Alam ko e sinulat niya roon ang nangyari sa araw na 'yon." Tinapik ng ina ang hita niya bago tumayo. Naglakad ito sa direksyon ng cabinet nito sa silid at may kung anong hinanap doon. "Hindi ko masyadong maalala. Pero ibang linggwahe kasi 'yong binanggit ng 'yong ama. Nandito lang 'yon. Ah, ito, nakita ko na."

Bumalik ito at muling naupo sa tabi niya sa gilid ng kama. Inabot nito sa kanya ang isang lumang brown leather journal na may kakaibang desinyo ng malaking puno na sa tingin niya e hand embossed pa yata. Pinadaanan niya ng daliri ang puno. Buhay na buhay ang tingin niya roon. May tali 'yong kasama na pumaikot sa katawan ng makapal na journal ng ama.

"Tree of life," basag ng ina.

Naiangat niya ang mukha rito. "Po?"

"Tree of life, 'yan ang tawag ng 'yong ama sa punong 'yan." Ibinalik niya ang tingin sa embossed tree. "Bigay raw 'yan sa kanya noon ng isang matandang nakilala nito ng binata siya. Isinulat niya riyan ang mga paborito niyang synopsis ng libro. Mga experiences niya sa tuwing may nadidiskubre siyang bagong aklat. Pati na rin ang mga bagay na bumabagabag sa kanya."

"Nabasa n'yo na ang laman nito?"

"Hindi. Hindi naman ako nangingialam sa mga gamit ng ama mo." Muli niyang naiangat ang tingin sa ina. Ngumiti ito. "Nagkukwento siya pero iniiwasan niya akong bigyan ng mga alalahanin. Lalo na't hirap kaming magkaroon ng anak. Apat na taon ka naming hinintay, Niña." Hinawakan nito ang isang kamay niya at marahan 'yong pinisil. "Akala namin e hindi ka na talaga dadarating sa amin. Pero hindi kami sumuko ng 'yong ama. Kaya nang mabuntis ako sa'yo e ang 'yong ama ang pinakamasaya. Syempre masaya ako. Pero mas masayang-masaya ang 'yong ama. Walang pagsidlan.

Napangiti siya.

"Si Noel ang isa sa mga biyaya na binigay sa'kin ng Dios. Kung hindi siya ang naging asawa ko e baka hindi ko kakayanin kung sakali. Akala ko ay iiwan ako ni Noel pero hindi niya ako sinukuan. Pinatunayan niyang mahal na mahal niya ako."

Naiyak ito.

"Ma..." She cupped her mother's face saka pinunasan ang mga luhang umalpas sa mga mata nito. Bahagya itong tumawa. Pati siya ay naiiyak na rin.

"Kaya napakasakit sa'kin noong mawala ang 'yong ama, Niña. Kung hindi dahil sa'yo, baka sumunod na rin ako sa kanya. Kahit na wala na siya ay buhay na buhay pa rin ang mga alaala niya sa'yo. Lalo na't kamukhang-kamukha mo ang 'yong ama."

Niyakap niya ang ina. "Nandito lang naman ako lagi, Ma. Nangako ako kay Papa na aalagaan kita." Humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Salamat, anak."




PINAILAW niya ang study lamp niya sa working table para malinaw na mabasa ang mga nakasulat sa journal. She skimmed through the pages. May mga dates naman kaya madali na lang niyang mahahanap ang entry na gusto niyang basahin. Hindi araw-araw nagsusulat ang ama. He had skipped some dates.

"March 6, 1995..."

Nasa 1989 ang pinaka unang entry nito. Last entry na nakita niya e nasa 2000 na yata or 2001. Madami itong in-skip na dates kaya madaming taon ang nailagda nito sa journal. At makapal talaga 'yon. Sasabog na kung hindi itatali.

"1993...1994...1995... March 1, 1995... March 3... March 8, 1995..." Binalikan niya ang isang pahina. Talagang tumalon from March 3 to March 8. March 6 nangyari ang lindol. Wala itong entry roon. Pero... "Te Mataré?" basa niya sa unang salita na nakalagay noong ika 8 ng Marso, 1995.

At nang bumaba ang tingin niya sa buong nakasulat. Doon niya na nakita ang March 6, 1995. Kasama na 'yon sa content ng kwento nito. Marahil naisulat na 'yon ni Papa ilang araw pagkatapos ng aksidente. Sinabi roon na may nakita itong batang lalaki na naka salamin naglalakad mag-isa sa hallway ng museum. Mukha raw takot kaya nilapitan nito at inayos ang pagkakatali ng lace ng sapatos nito. Pero hindi nito namalayang sumunod pala ito kaya sinama na lamang nito sa second floor.

"Te Mataré!" sigaw ng bata sa'kin. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga salitang 'yon na paulit-ulit niyang sinisigaw habang inaalis ko ang nakadagan na stand mula sa glass enclosed ng libro. Umaapoy ang mga mata niya at tila nangangalit. Mahigpit na mahigpit ang hawak sa kamay ko. Bumabaon. Parang mapuputol ang kamay ko."Te Mataré! Te Mataré!"

Inabot niya ang cell phone at tinignan kung ano ang meaning Te Mataré. It sounded like a Spanish word so naghanap siya ng Spanish to English translation ng dalawang salita. At ganoon na lang ang gulat niya nang lumabas ang English translation no'n.

"I will kill you," basa niya, na may kasamang kunot ng noo. Binalikan niya ang binabasa. "Umaapoy ang mga mata niya at tila nangangalit. Mahigpit na mahigpit ang hawak sa kamay ko. Bumabaon. Parang mapuputol ang kamay ko."

Natigilan siya.

Her father's content is too fictional. She knew her father was good with words. Mahilig din ito magsulat. Pero bakit naman magsusulat nang ganoon si Papa? Mukha rin naman kasing hindi ito bumubuo ng fiction story sa content na isinulat nito.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa.

Umiiyak at nagngangalit. Tila ba ang tingin niya sa'kin ay isang demonyo. Hindi ko alam kung bakit. Inisip ko na baka dahil lang sa takot at sugat niya kaya ganoon ang naging reaksyon niya ngunit nakita ko kung paano nagliwanag ang libro nang hawakan niya. Habang patuloy na gumagalaw ang nasa paligid namin. Tila nagbabagang apoy na umakyat mula sa mga kamay niya ang liwanag na nanggaling sa lumang libro na siyang sumunog sa kalahati ng mukha ng bata. Ngunit hindi naman 'yon mukhang sugat. Tila nasa loob lang niya. Umaapoy ang mga mata niya at mas lalo pang nagbaga nang makita ako.

Nawalan siya ng malay at tumigil na rin ang pagyanig. Ngunit inabot ng isa't kalahating oras bago kami nakalabas sa museum. Nang dalhin kami sa ospital ay pinaghiwalay kami ng bata. Mas malubha ang natamo niyang sugat kumpara sa'kin. Ngunit napansin ng nurse na nag-asikaso sa'kin ang kanan kong kamay. Tila ba nasunog 'yon. Lumikha ng tila polseras ng peklat sa aking pupulsuhan.

Napasinghap siya.

Umangat ang tingin niya sa picture nilang mag-ama. Inabot niya 'yon at tinignan ang kanang kamay ni Papa. Three years old pa lang siya roon sa picture at nakaharap sa kanya ang kanang kamay nito na nakahawak sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang makita ang polseras na peklat gaya sa isinulat nito sa journal.

Natulala siya saglit.

"So, it wasn't fabricated," kausap niya sa kawalan. "Hindi lang 'to gawa-gawang kwento ni Papa. There is a higher possibility na sinabi 'yon ni Balti noon kay Papa. Pero hindi lang talaga maalala ni Balti."

Bumalik ulit sa isipan niya ang sinabi ni Balti sa kanya noon.

"But ever since that day... in that museum. Something changed in me. I couldn't exactly remember what it was but I know, I did change. And I keep thinking, what happened in between my childhood that changes me completely."

Plus the cold stare she saw in his eyes when he looked at their family picture before he broke up with her. Did he remember? Did he remember the face of her father? Pero anong kasalanan ni Papa? Anong nagawa nito na ikinagagalit ni Balti?

She needs answers.

Kailangan niyang kausapin at puntahan si Balti.




"I NEED to talk with your brother," diretsa at seryoso niyang sabi kay Maha.

Namilog ang mga mata nito at napatingin sa paligid. Wala namang tao. Walang makakarinig sa kanila. "Nin," hinawakan nito ang isang braso niya, "hindi mo pwedeng kausapin si Kuya ngayon."

Kumunot ang noo niya. "Why?"

Naglapat ang mga labi nito. Hindi ito makapakali. "Basta," anito, firm but in a low modulated voice. Nagtama ang mga mata nila. "You can't go to Faro now. You can't talk with him."

"Pero bakit nga? Ganoon ba ang inis niya sa'kin at tinataguan na niya ako?"

"No. Of course not!"

"Then, why? Sabihin mo sa'kin Maha kung anong nangyayari kay Balti?"

Bumuga ito ng hangin. "Honestly, hindi ko rin alam." Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. Even if gusto niyang isipin na nagdadahilan lang si Maha e wala talaga siyang makitang pagpapanggap dito. Maha seemed too scared to tell. Lalo tuloy siyang kinabahan. "Nin, wala akong idea sa nangyayari kay Kuya. And I don't how Iesus assured our parents that he's fine."

"Wait, sinasabi mo bang hindi mo pa ulit nakakausap ang kuya mo?"

Tumango ito. "Since last week. Vier, prohibited us. I tried calling Chi. Hindi niya rin daw nakikita si Kuya na lumalabas ng bahay. Pero lagi raw roon sila Iesus. So, nag-try ako kay Au. Wala siyang sinabi dahil pinagbawalan din daw siya ni Tor na pumunta sa bahay ni Kuya."

"How about Mari? Did you talk with her?"

"Oo, pero wala rin siyang maisagot. Jude said not to talk with Balti hanggat hindi pa raw ito nakakauwi kaya nasa bahay lang ang mga ito. Nagtataka na rin din talaga sila. Hindi lang nila binabanggit sa GC at baka nga kasi mag-aalala ka rin kay Balti."

"When was the last time you talked with Vier?"

"Last week. Pero ngayon, ayaw niya talaga ako sagutin. Sinubukan kong pumunta sa Faro pero in-block nila Iesus ang pangalan ko sa guest list. Bawal daw ako pumasok hanggat walang pahintulot ni Iesus."

Bumuntonghininga ito at naupo sa isa sa mga baitang ng hagdan. Stress na stress na talaga si Maha. She can sense it. At halatang-halata na 'yon sa mukha nito nang mga oras na 'yon.

"I'm sorry, Nin. Gusto kitang tulungan pero wala talaga akong maitutulong. Nangangapa rin ako." Mapait itong ngumiti. "Alam ko na madami na kaming atrasong magkapatid sa'yo. Pero sa tingin ko, may nangyari talaga kay Kuya. Ayaw lang sabihin sa'kin nila Tor." Lumapit siya rito. "I know my parents. They're very skeptical. Lalo na si Mama. Kaya curious din talaga ako sa kung anong sinabi ni Iesus sa kanila para kumalma sila."

"They didn't tell you?"

Umiling si Maha. "No. They just said na okay lang si Kuya. Na need lang niya ng time. Pero naisip ko... mahabang time ba? Kasi nakita ko sa mga files ni Mama sa office niya na naghahanap sila ng new kindergarten teacher na kayang magsimula agad. Asap hiring, Nin. So sino ang papalitan nila? Malamang position ni Kuya 'yon. Alangan naman ikaw? E grade one ang ina-handle mo."

Naupo siya sa tabi nito. "Wala kang naisip na ibang dahilan kung bakit itinatago nila Iesus si Balti?"

"I'm not sure. You know, Faro is a mysterious place. Even the landlord himself. May idea ako kaunti sa parang legend nila sa parola. At 'yong joke-joke nila about Iesus."

"About what?"

"Na may secret group daw si Iesus," baling nito sa kanya. "Kasama si Kuya sa secret group na 'yon. Ang alam ko e kasama rin sila Juan, Simon, Sep, James, Tor, at Vier doon. They're in search of the 12 missing items na pagmamay-ari ng great-great-great-grandfather ni Iesus. Dalawa na ang na recover nila so far. The compass necklace from Aurea. And 'yong music box ni Mari."

"What are those items? Delikado ba 'yon?"

"Hindi ko sigurado. Pero 'yong kay Au raw, it almost killed Tor. It was a cursed item. The music box was not a cursed item. Na deceive lang sila sa kwento no'n. Hindi naman talaga nila pinag-uusapan 'yon nila Au at Chi sa harap ko. May instances lang talaga na kapag napapadalaw ako e naririnig ko silang napag-uusapan 'yon. But when I'm there, they shrugged off the topic."

"Ayaw nilang malaman mo?"

"I kind of feel, na parang ganoon na nga. O baka, dahil pinagsabihan sila ni Kuya na huwag sabihin sa'kin ang tungkol sa mga kababalaghan sa Faro."

"What about the rest of the Faro Boys? Hindi ba sila aware?"

"I have a feeling na alam ng iba pero hindi sila nangingialam. Kalahati naman kasi sa kanila e laging wala sa Faro. Kung sino lang laging nasa Faro, halos sila lang din laging nakakausap ni Iesus. That's my observation."

Juan, Simon, Sep, Vier, Tor, James, and Balti. Anong common denominator ng pito? Ang kilala lang niyang kakaiba ay si James. James and Aurea have special kills. Iba sa normal na mga tao. Aurea has a clairvoyance gift and she can also see ghosts. Si James ang isa sa masasabi niyang modern faith healer. Albularyo itong matatawag pero masyadong modern ang paraan nito. Ito nga ang gumawa ng reverse spell ng gayuma na nainom ni Balti. And he knew a lot of things about potions.

She already sensed that Vier was kind of off. He's a psychiatrist pero may kakaiba pa rin dito. Hindi niya lang matukoy kung ano talaga. Pero kung tignan nito ang isang tao ay para bang binabasa nito ang buong pagkatao mo. 'Yon na ang naging first impression niya.

Juan and Simon seemed normal, maliban sa laging gutom ang dalawa. Gift din ba 'yong matatawag? Hindi yata. Sep? Well, he seemed strong. And Tor? Aside from being a great lawyer. Ano pang nakita ni Iesus dito? Higit sa lahat. Anong mayroon kay Balti?

"We can't just sit around here and do nothing," basag niya.

Marahas na naibaling ni Maha ang tingin sa kanya. "What do you mean?"

Determinado niya itong tinignan sa mga mata. "Kung ayaw nilang sabihin sa atin ang totoo. Then, we will have to find out ourselves."

"We can't go inside Faro. At malamang, blacklisted ka rin ngayon doon."

"May mapa ka ba ng buong Faro de Amore?"

Kumunot ang noo nito. "Aanhin mo?"

"Sa laki ng Faro sa tingin ko ay may ibang daan pa tayong pwedeng lusutan. There has to be another way in."

"Nin, delikado 'yang iniisip mo."

"But there is no other option for us, Maha. James and Vier... I tried to connect with them pero wala silang reply sa'kin. I doubt, Au or Chi will tell us the truth."

"What if they caught us?"

"What is it to lose? They're still our friends. Hindi nila tayo ipapakulong. But if we get in there safely, mas malaki ang chance na mas makausap natin si Balti. I'm sure he's just there. Tinatago lang nila ni Iesus. Worst comes to worst, wala na rin silang magagawa kung nasa loob na tayo. Mapipilitan lang din silang aminin sa atin ang totoo." Titig na titig si Maha sa kanya. "Maha, I need your help with this. We need to find your brother."

Maha seemed determined now. "Let's do it."

Ngumiti siya. "Good. Now, may mapa ka ba ng buong Faro de Amore?"

"Meron, sa kwarto ni Kuya, sa bahay namin. I remember, he had two copies of the original map. Hindi 'yong naka post sa website ng FDA. May ibang mapa pa 'yon e sa pagkakaalam ko. More detailed than the one posted online. I don't know why he owned two copies of it. Ang weird nga e."

"When did you last saw the map?"

"This month, I'm just not sure with the date. Naghanap lang ako ng ballpen sa room niya. Pero alam ko na nakasilid 'yon sa isang dark blue drawing storage tube. Iniiwan niya kasi ang mga spare niya sa bahay for backups."

"Let's find it."

"Mamaya?"

She nodded. "Sasama ako sa bahay n'yo. Hanapin natin."




HINDI ba't ikaw ang s'yang nagmulat sa aking mga mata? Mulat din ang mata niya nang ilipat na naman ni Sep ang kanta. Standin' by my window. Listening to your call. Seems I really miss you after all. Ibinalik na naman nito sa dating stasyon. Hindi ba't ikaw ngayon, bawa't pag-ibig ko at pagsinta? Hindi ba't ikaw, 'di ba't wala na ngang iba? Matinding pasensiya na naman ang kinalaban niya nang ilipat na naman nito ang kanta. And I'll always love you. Deep inside this heart of mine. I do love you.

Ibinaling niya ang mukha kay Simon Peter na nakaupo sa pang-isahang sofa malapit sa kanya. Nakagapos pa rin siya habang nakahiga sa mahabang sofa.

"Mawalang galang na, pero gaano ba kabigat ang pinagdadaanan mo?" asar niyang tanong rito.

Naririndi utak at tainga niya sa mga kantang 'di niya maiintindihan kung ikakatuwa ba niya o hindi. 

Umangat ang tingin ni Sep sa kanya. Hawak nito ang maliit na radio. "Makikinig ka o tatakpan ko 'yang bibig mo?" Nagpatuloy na naman ito sa pagpapahirap sa mga tainga niya.

Napaungol na lamang siya. "Pwede ba... huwag mo nang ilipat?!"

"Walang please?"

"Isang kanta lang, Simon Peter!"

"Please?"

"Augh!"

"Please?"

"Fine, please!"

"O, bakit galit ka pa?" Inasar pa siya nito lalo. Nilakasan pa ang volume ng radio at pinaglilipat-lipat ang kanta. Ngumisi ito. Yawa! Bumuga siya ng hangin. "Please?"

Kinalma niya ang sarili. "Please..." aniya, sa mababa and in desperate voice.

Tumigil ito sa isang kanta.

Why can't it be? Why can't it be the two of us? Biglang tumawa si Sep. Baliw pa rin ang 'sang 'to kahit ngayon. Sabagay, Hanael nga 'di nagbago. Isama na rin niya 'yong matandang si Iesus. You came along. At the wrong place, at the wrong time.

"Bagay sa'yo ang kanta," basag nito.

"Gago!"

Tawang-tawa pa rin ito. "Alam mo, madali naman kami kausap. Ikaw na lang ang mag-adjust at maglaho ka na lang ulit."

"Siguro mga sampung milyong dasal pa."

"I know, Balti, he will never allow you to win over."

He scoffed. "Wanna bet?"

"Malakas paniniwala ko kay Ser."

"Sana all," he said in full sarcasm.

"Ang bilis mo mag-adapt ah. I expected you to speak like an ancient person."

"Who? Me? Or si Iesus?"

"Well, he always speaks like a fossil. It's not something surprising."

Tumitig siya sa kisame. Dadamahin na lamang niya ang pagiging mummy sa pagkakagapos ni Simon Peter sa kanya.

"Hindi mo man lang ba naisip na may kakaiba sa kanya?"

"He has always been different."

"You never got curious? What if he's lying to all of you."

"If he does. I know he has his own reasons. I also have my own secrets I don't tell to anyone. We are not obligated to share everything about ourselves to everyone."

"How long have you known him?"

"Enough to say that I have more trust in him than myself."

"You don't trust yourself because you have never known yourself. You're scared of a lot of things. Scared of responsibilities. Pressure. Afraid to confront your own demons. You're only good in running away, Simon Peter." Natahimik ito. Ibinaling niya ang ulo sa direksyon nito. Nakatingin na ito sa kanya. "And you know, why? Because you only focus on things you're good at and ignore those things that don't give you comfort. You're always scared."

"Shut up!"

Ngumisi siya rito. "Gusto mong malaman kung anong buhay mo noong nakaraan? I will show you everything..."

Nagtagis ang mga panga nito. "I don't need your help. I can discover it on my own."

"You don't know me."

"I know everything about you."

Tumayo ito at marahas na inabot ang packaging tape sa mesita. "God!" He groaned. "Fine! Fine!" Akmang tatakpan na nito ang bibig niya. "I'll shut up. Huwag mo lang takpan ang bibig. Tang ina, ang hirap na nga ng posisyon ko rito."

"I swear, if I hear another word from you, hindi lang packaging tape ang itatapak ko riyan sa bibig mo!"

"Oo na! Oo na! Tatahimik na. Kalma lang, ako lang 'to – aww!" Napasinghap siya nang sipain nito ang ilalim ng sofa. Akala niya lumindol. Bwesit! Ang lakas talaga ng walangya. "Tatahimik na! Tang ina naman e!"

"I'm warning you."

"Oo na nga! Sige na, ituloy mo na 'yong mga kanta mo." Bumalik ito sa upuan nito at pinaglilipat-lipat na naman ang kanta. "Pero last na talaga, may galit ka ba sa'kin?"

"Ikaw, ano sa tingin mo?!"

"Sabi ko nga."

"And I like Balti over you."

"Ouch!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro