Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 44

ANG sakit ng ulo niya. Tinanggal niya muna ang salamin sa mga mata. May diing minasahe ang sintido.Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa. Tinignan niya ang oras sa screen ng cell phone niya. It was already past 10 pm.

Marahas siyang bumuntonghininga.

Ano na, Niña? May balak ka bang patayin ang sarili mo? She was almost done. Pero bukas na lang niya tatapusin. She needs to rest. At baka matuluyan na siya.

She shut down her laptop at iniligpit muna ang mga nakakalat na mga papel, notebook, at reference books sa mesa. Tumayo siya nang matapos pero may masagi siyang notebook. Nahulog 'yon sa sahig at bumuklat sa isang pahina. Ibinalik niya ang salamin sa mata bago pinulot ang notebook. Scratch notebook niya 'yon. Hindi na niya masyado nagagamit. Naalala niyang itinabi na lang niya 'yon sa mesa.

Naupo siyang muli at binalikan ang pahina na nakita kanina.

Actually sa pinakagitna talaga ng notebook ang may sulat. Alam niyang sulat  kamay 'yon ni Balti. Nakasulat doon ang mga salitang: BALTI PROMISES TO LOVE NININ FOREVER. Tatlong pages at back to back ang sinulatan nito. Paulit-ulit kada linya ng papel.

Sa ikatlong page, may idinikit itong sticky note.

Mahal, kung mabasa mo 'to. Huwag mo na lang sabihin sa'kin. XD Wala lang talaga akong magawa. Basta alam mo na 'yon. I love you. <3 – Balti

Biglang nanikip ang dibdib niya sa mga salitang 'yon. She promised not to cry again with the same reason pero binibigyan pa rin talaga siya ng dahilan ng mundo para ipaalala sa kanya ang pagmamahal niya rito.

If Balti loved her for real, then what happened?

Napaisip siya ng ilang segundo. Was his sudden decision normal? They were perfectly okay before he broke up with her. Walang odd signs na may problema sila. What made Balti changed his mind in just a span of 3 days?

Then she suddenly remembered Vier's favor.

"About Balti."

"Anong meron?"

"Well, I couldn't say it for now, but can you do me a favor?"

"Favor?"

He nodded. "Please look after him. Don't worry, he's fine. It's not related to the love spell. But if you notice something different in his actions... please, tell me immediately."

Lalo siyang napaisip sa huling sinabi ni Vier.

"...But if you notice something different in his actions... please, tell me immediately."

Why would Vier say that?




"I KNOW you're curious about your past life?"

Naningkit lang ang mga mata ni Simon sa kanya.

"Don't listen to him, Simon," it was Iesus.

"Seriously?" Nakagapos siya ng lubid sa inuupuan niyang silya. Kahit daliri niya ay hindi niya maigalaw. Nakatali rin sa arm rest. They freed his legs which isn't really helpful at all. Hindi rin naman siya makakatakbo kung nakatali siya sa pisteng upuan. "Ano? Titignan n'yo lang ako buong araw?!"

And he didn't like rain. Lalo siyang naging iritable. Umuulan sa labas at nakagapos siya rito. Malas!

"Where's Balti?" asked Simon.

"Well, he probably wandering around somewhere at the back of my mind."

"Sus, anong sabi ni Vier?" tanong ni Juan. "Mababalik ba natin si Balti?"

Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa mga nagsasalita.

"Let's wait for James and Vier to come back."

Isinandal na lang niya nang maayos ang likod sa upuan. As if, may ikokomportable pa ang pagkakagapos niya. He lazily stares at his estranged friends. So, everyone was reincarnated? Wow! Ang saya may mini-reunion sila.

"Fuck!" Napasinghap siya sa sakit nang biglang humigpit lalo ang tali sa katawan niya.

"Easy on him, Sep," ni Thomas.

"Sorry, inayos ko lang."

"Nag-aaksaya lang kayo ng oras sa'kin. Bakit 'di n'yo na lang ako pakawalan at magtulungan na lang tayo sa mga misyon natin sa buhay? Okay, ba? Madali naman akong kausap."

"How can you assure us na hindi mo lang kami nilokoko?" seryosong tanong ni Simon, matalim pa rin ang tingin sa kanya.

"I know everything," he smirked. Hinuli niya ang mga mata nito.  "Even your fears and nightmares." Namilog ang mga mata nito sa mga sinabi niya. Lalo siyang napangiti. In fact, kung hindi lang nakatali ang mga kamay niya ay kaya niya itong mapasunod sa kanya. 'Yon ay kung walang harang na ginawa si Iesus sa buong lupain nito na kayang sumipil sa kaya niyang gawin. "And the person who made you like that –"

"Simon," tawag ni Iesus, at lumapit.

"Even your so-called friends couldn't help you, Simon," he added, ignoring Iesus. "Ako lang makakatulong sa'yo. But of course, it comes with a price."

"You're lying!" akusa ni Simon.

He rolled his eyes at him. Coward! "Sabi mo e. Basta, sinabi ko na sa'yo." Ipinilig niya ang ulo kay Juan. "Pahinge nga niyang kinakain mo –" Sa gulat niya e bigla na lang nitong ibinusal sa bibig ang hawak nitong mansanas. Great! Isa pang pangit kausap.

"You're welcome," walang emosyong sabi nito.

Bahagya lang siyang tumango. Para namang makakakain siya. Ibinusal na sa bibig niya. Malamang hihintayin na lang niyang mamanhid bibig niya.

Ang sama pa rin ng tingin ni Iesus sa kanya. He already warned him earlier. Anyway, ayaw niya rin namang ikanta ang lahat ng mga nalalaman niya ng walang kapalit. Ano ang mga 'to sineswerte? Wala siyang pakialam sa mga ito. Ang gusto niya lang e makatakas sa pisteng lugar na 'to para magawa na niya ang pinaplano niya.

He's running out of time.

He doesn't trust Balti. He doesn't like how his mind works. He knew his plans. And Balti knew his plans as well. But he wouldn't let Iesus and his friends discover his weakness. And he would never let Balti ruin his plans this time. He had kept the ledger and the writing ink somewhere safe. Wala 'yon sa Faro. Kailangan niyang makatakas bago pa siya maunahan ni Balti. He needed to rewrite what Hanael had written inside that ledger!

Hinding-hindi siya papayag na mabigo ulit siya sa pagkakataon na 'to.

Kapag nagawa niya 'yon e tuluyan na niyang mako-kontrol ang katawan na 'to at tuluyan na rin siyang mabubuhay bilang Bartholomew Juarez.

"We can't let him escape. It would be dangerous for Balti and Niña," ni Iesus. "And I know, madaming gumugulo sa isipan n'yo ngayon tungkol sa'kin. As much as I want to explain everything ay wala rin akong maibibigay na mga kasagutan."

Gusto niyang pumalakpak.

Joke ba 'yon?

Tinignan nito isa-isa ang mga kasamahan nito. "I just want you to trust me."

Aww! Dapat na ba akong ma touch? 

"I agree with, Sus," Juan raised a hand. "Hindi makakabuti sa sitwasyon natin at kay Balti kung magpapadala tayo sa mga sinasabi ni Nathanael. Kahit na iisa lang sila e magkaiba ang takbo ng isip nila. Balti is somewhere inside him. I'm sure of that. I know he can hear us."

And I can hear you as well. Pero, sige lang, magplano pa kayo sa harap ko. I can adjust.

"I believe it's better if we talk about this outside," ni Thomas. Nasundan niya ang pagtingin nito sa kanya. Pangit din 'to kausap e. Iniiwan sa ere ang best friend. Hoy, Balti, sure kang kaibigan mo 'to?  "Hindi magandang nag-uusap tayo sa harap niya."

Lumapit sa kanya si Simon at tinanggal ang mansanas sa bibig niya. Akmang bubusalan siya nito ng hawak nitong tape nang magsalita siya.

"Walangya, teka lang naman! Pwede ba bago n'yo ako i-hostage. Mag-alok naman kayo ng pagkain. Tao pa rin naman ako. Nagugutom din ako. Kagabi pa ako in-hostage ni Iesus."

"Ako na kukuha," ni Thomas, sabay talikod at naglakad sa direksyon ng pinto.

"Pati ice cream, ha?" habol niya. Ngumisi siya. "Ang dami no'n sa ref ni Balti. Naubos ko lahat. Try n'yo rin para lumamig mga ulo n'yo."

"Sep," ni Iesus, "keep an eye on him. Pero huwag mo kausapin." Sep nodded. "At ibalik mo ang tape sa bibig niyan. Alisin mo lang kapag kumain pero huwag na huwag mong lulubayan ng tingin."

"Sus, kakain lang naman ako 'di naman ako tatakas!"

"Watch his mouth. Don't let him whisper anything."

"Ay, grabe –" Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Nilagyan na ng tape ni Simon ang bibig niya. Walangyang buhay 'to, oh! Kapag talaga siya nakaalis dito. Iisahin niya ang mga gago!

"Problem solved," mapang-asar pang ngumiti si Simon.

Tumayo sa harap niya si Juan. "Ser, alam kong naririnig mo kami. Kapag 'di ka pa lumabas. Pakakasalanan ko kapatid mo."

Naikiling niya ang ulo. Parang may pumitik sa sintido niya. Hindi pala pitik. Sipa. Tang ina! Saan na naman 'yon galing?

Gulat na naibaling ni Simon ang tingin kay Juan na wala man lang ka ngiti-ngiti. "Seryoso ka?"

"At pakakasalan ni Hayme ang Niña mo," dagdag pa ni Juan. Na distract na naman siya nang pumitik na naman ang sintido niya. Nanakit ang batok niya. "Kaya umayos ka."

"O, Ser," ni Sep, "hindi sa pagbabanta 'yan, pero parang ganoon na nga. Huwag ka papatalo sa 'sang 'to." Bahagya nitong pinatid ang upuan niya. Tang ina! Akala niya titilapon na naman siya. Pero hawak pa rin pala nito ang back rest ng silya. "Kung ayaw mong ankla ng barko ang igagapos ko sa'yo."


"ABSENT na naman si Ser?"

Napalingon siya sa mesa ni Balti. Dalawang araw na itong absent. Wala rin si Maha kahapon. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at messages ni Maha. Kaya wala rin siyang balita sa dalawa.

"Ma'am Nin," ni Jane. "Bakit absent si Ser?"

"Huh?" Napalunok siya. Naibaling niya ang tingin kina Jane, Harrah, at Ronnie. "Ano – " Siguro dapat na yata niyang aminin ang totoo sa mga kasamahan niya. Hindi naman puwedeng sa kanya pa rin hahanapin ng tatlo ang magkapatid kapag wala sa school.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maha. Bahagyang basa ang suot na uniform at buhok. Kipkip nito sa dibdib ang mga gamit at nakasabit sa balikat ang laptop bag nito. Hindi ba ito nagdala ng payong? Umuulan sa labas. Actually, simula pa kaninang madaling araw.

"Maha!" baling ni Harrah.

"Morning," tipid lang itong ngumiti at mabilis na pumunta sa desk nito. "Nasira ang payong ko. Ang lakas ng hangin. Buti hindi ako late."

"Maha, absent pa rin si Balti?" tanong ulit ni Jane. Hindi nakatakas sa kanya ang reaksyon ni Maha. Bahagya itong natigilan. "Dalawang araw na ah."

"Actually," ni Ronnie, "napapadalas na nga."

"May emergency lang," sagot ni Maha. "Babalik din 'yon."

"Anong emergency?" baling naman ni Harrah sa kanya. "Hindi mo alam, Nin?"

"Alam niya," sagip sa kanya ni Maha. "Bawal lang talaga sabihin pa." Ngumiti si Maha. "But don't worry, he's fine. May pinagawa lang sa kanya si Mama." Umupo na ito sa silya nito at binuksan ang laptop.

Ano kayang emergency ang tinutukoy ni Maha?

Gusto niyang lapitan si Maha at itanong kung anong nangyayari kay Balti pero para saan pa? Simula pa kagabi e ang dami nang bumabagabag sa kanya. She tried calling Vier pero hindi ito sumasagot sa kanya. She tried James, pero wala ring sagot. Si Tor na lang ang hindi niya natatawagan. But is it still worth it? Iisa pa ba siya? Paano kung lahat ng mga inaalala niya e wala rin naman palang patutunguhan. Mag-aaksaya na naman siya ng oras.

Bumuntonghininga siya.

"Lalim no'n, ah?" puna ni Ronnie. Ngumiti siya rito. Sana nga lang ay enough lang para 'di na siya nito usisain pa. "Okay ka lang, Nin?"

"I'm fine. Salamat."

"Okay," anito, tipid na ngumiti.

Dumating ang hapon at mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Umuulan pa rin. At alam niyang hanggang mamaya e uulan pa rin. Nanahimik pa rin si Maha. Napapansin niya ang pagdadalawang-isip na lapitan siya pero mas pinipili nitong umiwas. May kakaiba sa mga ikinikilos nito na hindi niya maipaliwanag.

Tinignan niya ang cell phone at in-check kung nag-reply na si Vier at James. Pero wala pa rin siyang natanggap. Binuksan niya ang messenger at nag-scroll-down. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya. Her mind is already preoccupied with a lot of things. At halos sa mga iniisip niya e wala pang sagot.

Hanggang sa huminto siya sa past message niya sa ONLINE HULA. Binasa niyang muli ang sinagot na hula ni Au sa kanya roon.

Isang lalaki sa 'yong nakaraan ang muling magbabalik. Magkikita ulit kayo pero gulo ang magiging hatid. Isang pagkakamali ang maglalapit sa'yong dalawa. Pero mag-ingat ka dahil maaring kabiguan ang hatid. Huwag basta-basta tatanggap ng kung ano kung may magbigay. Saya at lungkot ang maaring maging kapalit.

Natigilan siya.

Dalawang beses na niya 'yong nabalikan. Ito ang pangatlo. Lumagpas sa tingin niya ang kabiguan noong pangalawa. Siguro ito ang nakita ni Aurea. Ang kabiguan niya kapalit ng saya. Pero bakit parang may iba pang kahulugan ang mga salitang 'yon?

Ibinaling niya tingin sa mesa ni Balti. Dalawang araw nang walang gumagalaw ng mga gamit nito roon. Pero hindi niya alam kung bakit may humahatak sa kanyang buksan ang drawer nito.

"Nin?"

May mahahanap kaya siya?

"Niña?!" Napakurap siya at marahas na naiangat ang mukha kay Jane. "Tulala ka riyan?" Naglapat ang mga labi niya. Hindi niya maiproseso ang gusto niyang isagot.  "Okay ka lang?"

Ngumiti siya. "Okay, lang. May iniisip lang ako."

"Okies! Pahiram muna nitong white ink mo."

"Sige."

"Thanks!"

Napansin niya namang bahagyang napatingin si Maha sa kanya. Pero nang magtama ang mga mata nila e mabilis din nitong ibinalik ang tingin sa screen ng laptop nito.




"NIN!" tawag sa kanya ng ina mula sa itaas. Nakababa na siya ng hagdan nang iangat niya ang tingin sa second floor. Dumungaw roon ang mama niya. "Nin, pakitignan mo nga sa storage 'yong mga gamit ko pantahi. Sabi ko kay Nora na iakyat 'yan."

Ngumiti siya sa ina. "Sige po, Ma. Titignan ko."

"Salamat, anak."

Tumango siya at iniwan muna sa mesa sa kusina ang dalang water tumbler. Saka na lang siya mag-re-refill. Hahanapin niya muna ang pantahi ng mama niya. Pumasok siya sa storage room at binuksan ang nag-iisang ilaw roon. Napundi na ang isa kaya medyo may parte ng silid na madilim. Nanunuot sa ilong niya ang alikabok at kalumaan ng mga bagay na naitambak doon.

Pamilyar naman siya sa biscuit box na lalagyan ng mga pantahi nito. Baka ipinatong lang ni Ate Nora sa isa sa mga mega boxes. Ang dami kasing kalat e. Nandoon din kasi ang ibang stocks nila sa tindahan na naka kahon pa. Pati na rin 'yong mga rejected items. Naka separate naman, so, okay lang.

"Saan na ba 'yon?" Inisa-isa niya ang mga mega boxes. Sinilip sa loob kung mayroon ngang circular metal box. Hanggang sa dumating siya sa may dulo kung saan nakasalansan ang mga biscuit boxes na hinahanap niya. "Naku! Huwag mong sabihing huhulaan pa niya alin doon ang pantahi ni Mama?"

Bumuga siya ng hangin.

"Anyway, ano pa bang magagawa niya?" Inisa-isa ulit niya ang mga 'yon hanggang sa may kung ano siyang nasiko sa kaliwa niya. "Anak nang –" singhap niya sa pagkagulat nang mahulog ang isang metal box – square naman 'yon. Kapareho noong sisidlan ng mga gamit ng papa niya sa itaas. Lumikha nang matinis na tunog ang box nang mahulog sa sementadong sahig. Nagpanting ang tainga niya kaya sobra ang gulat niya.

Bumukas ang kahon at sumabog mula roon ang ilang mga papel. Naupo siya para pulutin ang laman at ibalik 'yon sa kahon nang mapansin siyang nakatuping newspaper. Doon niya napansin na puro newspaper pala ang laman no'n. Pero sobrang tagal na. Kasi 1995 pa 'yong nakalagay na date e. Tungkol 'yon sa isang malakas na earthquake noong 1995 sa Cebu.

She unfolded the newspaper. Readable pa rin naman sakabila ng kalumaan. Bumungad sa kanya ang pamilyar na larawan ng isang museum na siyang banner story ng araw na 'yon. 'Yon din ang museum na pinuntahan ng papa niya. 'Yong picture na kasama sa mga naitago niyang gamit.

It was March 6, 1995. A 5.2 magnitude earthquake hits Cebu that killed a lot of people. Isa na nga roon ang Museum. Kung saan may batang lalaki at matandang lalaki na na trap sa second floor ng museum. The man was identified as Noel Rosmundo Marzon and a 6-year-old kindergarten pupil, Bartholomew Juarez.

Bigla siyang nanghina.

Tuluyan na siyang napasalampak ng upo sa sahig. Pakiramdam niya e nanuyo ang lalamunan niya. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung bakit. Ang lamig ng paligid kahit pinagpapawisan siya. Sinubukan niyang tapusin na basahin ang balita. Ang sabi roon e. Malubha raw ang sinapit ng bata dahil nadaganan ito ng isa sa mga enclosed glass display ng museum at ang ama niya ang sumagip dito.

"But ever since that day... in that museum. Something changed in me. I couldn't exactly remember what it was but I know, I did change. And I keep thinking, what happened in between my childhood that changes me completely."

Naalala niya ang sinabi ni Balti sa kanya noon.

"My personality now seems normal to me, but when I look at my childhood photos before the museum accident it always gives me a perfect contrary of the old Bati and the new Balti. The old me seems like a lost and sad child. While the new Balti seems the happy and wicked version of that old boy."

Did Balti know that the one who saved him that day was her father?

Pero nakita na kasi ni Balti ang picture ng papa niya noong high school sila. Wala naman itong comment. Pero 'yong recent e, bago sila naghiwalay. Titig na titig ito sa family picture na nasa sala. Doon, medyo ang weird ng reaksyon niya. Cold. 

At bakit parang naulit lang din ang nangyari rito noon sa nangyari sa kanila ngayon. After that three days, he suddenly changed. Parang 'di niya ito kilala. He wasn't the same Balti. At sa pagkakataon na 'yon. Takang-taka siya kung ano nga ba ang nangyari rito sa loob ng tatlong araw na 'yon.

"... The old me seems like a lost and sad child. While the new Balti seems the happy and wicked version of that old boy."

What does he mean by that?

Inipon niya ulit lahat at isinilad sa kahon ang mga nakita niya. Hinanap niya ang pantahi ng mama niya saka siya umakyat sa itaas. Itatanong niya 'to sa mama niya. Baka may nabanggit ang papa niya tungkol sa batang lalaki. Dahil kung si Balti nga 'yong Bartholomew Juarez na sinasabi sa balita. Nakapagtataka lang at walang nababanggit ang mama niya roon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro