Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43

INILAPAG ni Niña ang baso ng iced coffee sa mesa. May malapit namang café sa school na walking distance lang. Mukhang seryoso rin naman ang sasabihin ni Pam. She was already expecting that she'll talk about Maha. Matagal na rin naman siyang nakakaramdam. Maha asked her to avoid Pamela because she knew Pam knew something.

At kilala niya si Maha. She tends to lie when her decisions are at stake. Lalo na kapag hindi ito sigurado sa mga gagawin nito.

She had her assumptions before pero mas pinili niyang pagkatiwalaan si Maha. She only wanted to know her real reason. Hindi naman talaga siya magagalit. Masakit pero alam niyang hirap din si Maha i-overcome ang mga weaknesses nito.

"I don't want to call it last," basag nito. "I'm sure, we will meet on different occasions. But I just want to clear things out... and confess everything." Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata nito. "I actually did a very unforgivable mistake to the both of you."

"What do you mean?"

Pam paused for a while. "Sinadya ko talaga na magalit sa'yo si Maha." Nagsalubong ang mga kilay niya. Doon pa lang nainis na siya. Anong rason nito para gawin 'yon sa kanila ni Maha? "Me and Dylan planned everything."

"Dylan?" Pati si Dylan? "He knew?!"

"Balti also knew."

Napalunok siya. "I'm sorry." Lalo lang kumunot ang noo niya. "I'm kind of lost. Alam ni Balti ang plano n'yo?"

Pam nodded. "He found out the truth. But it doesn't matter. Mukhang okay naman na kayo. I figured out siya rin ang tumulong sa inyo na magkaayos –"

"He didn't tell me."

Namilog ang mga mata sa pagkagulat. "Oh, I'm sorry."

"Ano bang pumasok sa isipin n'yo para gawin 'yon?" Hindi niya mapigilan ang iritasyon dito. "Did I do something to you? Oo, minsan, may ginagawa si Maha. Pero enough ba 'yon, Pam? Alam ni Balti na pinagsasabihan ko na si Maha sa tuwing iniinis ka niya. And you knew it as well. And Dylan?" Grabe, hindi siya makapaniwala. "Pati ba pag-hire sa'king i-tutor ang kapatid niyang babae e plano pa rin n'yo?"

"Yes, I did it because Maha was getting in my nerves and Balti broke up with me."

"At kasalanan ko 'yon?"

"Because I thought Balti was in love with you."

She scoffed. "In love with me?"

"You're getting married, right?"

"And so?"

Pamela sighed. "I did not meet you to pick up a fight. Just hear me out first."

Kinalma niya muna ang sarili. "Go on." Pero iritang-irita pa siya.

"We all knew Maha had a big crush on Dylan," she paused. "So I asked him to pretend that he likes you. In that way, may maipakita akong video and photos kay Maha na may secret relationship kayo. And that you're secretly meeting in his house. The reason why Dylan was able to convince his parents that you tutor his sister for her upcoming CNU college exam. Plus, the fact that you have to hide that from her was enough to convince her na may itinatago ka talaga sa kanya. And that you and Dylan had an affair on her back."

Napamaang siya.

She was utterly speechless. All along! Ginawa siyang bait ni Pam. At ang akala niya e mabait si Dylan e isa lang din pala itong huwad na kaibigan. 

"Dylan asked me to keep it a secret!" sa wakas ay sagot niya.

And she needed that money that time kaya pumayag siya.

"I know. I'm sorry."

"Sorry? Pam, you ruined our friendship for an assumption na wala namang basehan." Marahas siyang napabuga ng hangin. "And Balti knew about this pero wala man lang siyang ginawa para itama 'yon? Anong klaseng pag-iisip meron kayo?"

"Look, Nin, I know I did a very terrible mistake, but I was just too immature that time."

"And now, you're mature?"

Bumakas ang pagkabigla at bahagyang inis sa mukha ni Pam. She didn't care. She's angry. Ang dami na niyang problema at dumagdag pa ito. But she was better than her. She will never make a scene. Tumataas ang boses niya pero nako-kontrol pa naman niya.

Kinalma niya muna ulit ang sarili.

That's enough.

Sa tingin niya e nakuha naman na niya lahat. Kaya na niyang ipagtagpi-tagpi 'yon sa isip. Heck! kahit siguro i-powerpoint pa niya e ma di-discuss pa rin niya kung paano siya pinagmukhang tanga at ginamit ng mga ito.

"You know, what, Pam?" Tumayo na siya. "You should never incur pain in other people just because your hurting. Hindi ko kasalanan kung inisip mong kaya ka hiniwalayan ni Balti ay dahil sa'kin. The fact that I didn't do anything while you were in a relationship was enough to say that I respected Balti's decision that he had chosen you despite my secret feelings for him. I respected that special relationship you had with him. And I ought to have that same respect without reminding you. What you did was brilliantly stupid, and we could no longer undo what is done. I just hope you find the peace of mind that you've wanted to have for telling me the truth, and I wish you all the luck if you will ever find one."

Tinalikuran niya ito at dire-diretsong lumabas ng coffee shop. Nagpupuyos pa rin ang damdamin niya sa mga nalaman. Now it all make sense. Everything was orchestrated by Pamela and Dylan. She already expected that, but what she didn't expect ay ang katotohanang may alam si Balti sa totoong nangyari.

And she could still remember him telling her he doesn't have any idea why Maha hated her all of a sudden.

Why would he hide it from her? 

Natigilan siya nang makasalubong niya si Maha. Hinihingal itong tumigil ilang pulgadang layo sa kanya. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Nin –" Lumagpas ang tingin nito sa kanyang likod. Doon siya napalingon din. Lumabas mula sa coffee shop si Pam. "Did she tell you the truth?" Ibinalik niya ang tingin dito.

Tumango lang siya.

"Nin, I can explain." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang isang braso niya. She stood there void with any emotion at all. She couldn't figure out her feelings. Dismaya, oo. Pero she knew Maha even before they became friends. May jealousy issues talaga ito. Pero sa mga oras na 'yon. Ang malinaw lang sa kanya ay pagod na siyang unawain ang lahat. She needed a break from all of them. "Nin, I'm sure she didn't explain everything."

"Alam ni Balti ang dahilan kung bakit ka galit sa'kin?"

Natigilan ito. Naramdaman niya ang pagluwag ng paghawak nito sa braso niya. "Nin –"

"I just want your answer, Maha. Alam ba ni Balti?"

Naglapat ang mga labi nito. Maha felt sorry for her. It reflected in her eyes. "He knew –" Mariin niyang naipikit ang mga mata. "But it's my fault –" Iminulat niya muli ang mga mata at nagulat ito sa matalim na tingin niya rito.

"Pwede ba, Maha, stop defending your brother!"

Bahagya itong lumayo sa kanya. "Nin –" she looks so scared of her. Hindi siya madalas magalit pero alam ni Maha kapag galit na galit na siya. Kaya alam nitong seryoso na siya.

"Alam n'yo nakakapagod na kayong lahat! I'm trying to understand all of you pero hindi na nag-si-sink-in sa'kin lahat. And you know how frustrating my life is at the moment? Hirap na hirap na ako. I've been through a lot for the past years, for the past months, and for the past weeks. I've had enough! I'm done being good na hindi n'yo naman na a-appreciate. I'm done being the person na naghihintay kung kailan n'yo ulit ako maalala. Kung kailan n'yo ulit ma re-realize na kailangan n'yo pala ako. And just because I keep my silence that doesn't mean it doesn't hurt, Maha." Umiyak na siya sa pagkakataon na 'yon. "Kaya kong unawain lahat. Kaya kong tanggapin lahat. Pero nakakapagod 'yong ako na lang lagi 'yong umuunawa sa inyo. Pero ni minsan, hindi n'yo ako binigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili ko."

Maha was crying in front of her. "Nin, I'm s-sorry..."

Bumuga siya ng hangin. "I need a space." Hindi na siya makahinga. Feeling niya nakakulong siya sa isang enclosed room. Walang bintana. Walang pinto. She felt so stuck. She couldn't breathe. "Maha, let's talk again when I'm okay."

Nilagpasan niya ito at dire-diretsong naglakad.

"Nin! I'm sorry."

Iyak lang siya nang iyak. Hindi na niya pinansin ang mga taong nakakasalubong niya. Pagod na pagod na talaga siya. Sukong-suko na siyang maging matapang. Puwede bang magpatalo kahit ngayon lang? Hindi na niya talaga kayang lumaban pa.

Kahit noong makauwi siya e nagkulong lang siya sa kwarto at umiyak nang umiyak.

Pinanganak lang ba siya para saktan? 'Yon lang ang purpose niya sa mundo? Ang paulit-ulit na masaktan at umiyak?

Tang ina!

Buong buhay niya ay umikot ang mundo niya sa magkapatid, lalo na kay Balti. Ang pagmamahal niya rito ay siya ring bumulag sa kanya para hindi makita ang mga pangit na katangian nito. Did she only love those good things about him? Did she really ignore his bad traits? She knew he was imperfect. Alam niyang maari siyang saktan ni Balti. She risked it all. Yet she still felt so betrayed.

Doon siya lalong naiyak.

She's starting to doubt everything about Balti. Did he really make an effort for her and Maha? Pinagtanggol ba talaga siya nito? Or he did it in purpose para mabigyan nito ng dahilan ang sarili para huwag na rin siyang kausapin? Did he really want her out of his life? Pero bakit nagpakita ulit sa kanya? What was his purpose? Pero bakit itinago nito sa kanya ang katotohanan na alam nito ang ginawa nila Pam at Dylan sa kanila ni Maha?

Maha didn't trust her enough and chose to believe Pam's lies. Masakit 'yon sa kanya dahil sobrang laki ng tiwala niya rito. She would be lying kung sasabihin niyang okay lang sa kanya ang lahat. Tanggap niya, pero masakit pa ring isipin.

Sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi na niya alam kung sino ang mga nagsasabi ng tama sa hindi. Feeling niya sasabog na ang utak niya.

Niyakap niya ang unan at humagulgol ng iyak doon.

Pagod na pagod na talaga siya.


IYAK siya nang iyak habang nakaupo sa swing. Maha didn't want to see her. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong nagalit sa kanya. Ilang beses na niya itong pinuntahan sa bahay nito. Naghintay siya rito sa ibaba pero hindi siya nito hinaharap.

"Here." Umangat ang mukha niya kay Balti. Nakayuko at nakangiti sa kanya. "Tanggapin mo na." Pilit nitong ipinahawak sa kanya ang cornetto ice cream. Mayroon din ito. Hawak-hawak ng kaliwang kamay nito.

Sumisinok-sinok pa siya pero sa tuwing kumukurap siya e may sumama pa ring mga luha. Naupo ito sa katabing swing. Sinundan pala siya nito sa playground ng subdivision nila. Ibang-iba na ang istsura nito. Ang laki rin ng ini-mature nito. Nagtatrabaho na ito sa school na pagmamay-ari ng pamilya Juarez at patapos na rin ito sa grad school sa CNU.

"Hayaan mo na muna 'yong si Maha," basag nito. "Lilipas din galit no'n."

"Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw niya akong makita. Hindi niya rin sinasabi sa'kin kung bakit galit siya," her lips trembled, naiiyak na ulit siya. "Gusto ko lang naman maintindihan kung bakit... 'di kung alam ko... at least, alam ko kung saan ako nagkamali at nagkulang."

"Maha is really stubborn."

"Alam ko."

"And sometimes, 'yong mga desisyon niya e hindi umaakma sa edad niya. She could be a little selfish sometimes. I'm not defending her. Alam ko na mali 'yon. And I appreciate that you still care for her despite everything."

Ibinaling niya ang tingin kay Balti. "Mas matanda kasi sa'kin." Natawa ito sa kanya. "Ano ba dapat gagawin ko?"

"Grabe naman sa mas matanda sa'kin." Naniningkit ang mga mata sa kakatawa. And it somehow made her feel better. It had been a while since they had that kind of conversation. Simula kasi nang magka-girlfriend ito. He was a little distant. "Five years lang naman tanda ko." 

"Malaki pa rin gap no'n."

"Age doesn't matter." Bahagya siyang natawa. "See? You're laughing again."

"Nakakatawa ka kasi."

"Lagi ka naman yata natatawa sa'kin, Nin. Kailan ka kaya iiyak dahil sa'kin?"

"Baka nagawa ko na pero 'di mo lang nakita." Natigilan ito at napatitig sa kanya. Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha. "So, ano ang advice mo sa'kin, Kuya."

"Kuya?!"

"Since you're older to me, so dapat kuya."

"Grabe!" Tawang-tawa ito.

Napangiti naman siya. She actually misses this. She missed those times na kapag malungkot siya e 'di na niya kailangang sabihin kay Balti dahil lagi talaga siya nitong nahahanap. She missed those moments na nagagawa nitong pagaanin ang loob niya sa tuwing malungkot siya.

Despite the sadness in her heart. He was her source of comfort. Balti will always have that special magic that can always lift all her worries away. She knew she was strong. She was raised to stand on her own feet. Lumaki siyang independent dahil wala rin naman siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Kapag naging mahina siya e guguho rin silang mag-ina.

But when she's with Balti. Nailalabas niya ang mga emosyon na pilit niyang ini-ignore dahil alam niyang 'yon ang maglulubog sa kanya. Kapag kasama niya ito ay feeling niya okay lang magpahinga at tanggapin na mahina siya. What a stupid thing to say. Pero isang ngiti at tawa lang nito e masarap na ulit mabuhay.

And she wished, she could stay beside him forever.

"Nin? May dumi ba sa mukha ko?" Napakurap siya. Gosh! Ilang segundo na ba siyang nakatitig lang dito? Hindi na nga yata niya narinig ang mga sunod na mga sinabi nito. "Ikaw, ha?" tudyo nito. "Masyado ba akong gwapo ngayon?"

Lalo lang yata na confused ang mukha niya. Tawa ulit ito nang tawa. "Ano ba? Tawa ka nang tawa riyan!"

"Ang lutang mo kasi!"

"E ang labo mo kausap."

"Malabo ka rin naman."

"Ah basta! Advice mo na nga. Bagal-bagal mo magsalita."

Umawang ang bibig nito. "Wow, Niña Rosella Marzon, hindi ka makapaghintay."

"May lakad ako."

Tinawanan muna ulit siya nito bago ulit nagsalita. "Just give her time," anito sa kalmado na nitong boses. "I'll talk to her." At ngumiti.

She smiled. "Thank you."

"You're welcome. At ubusin mo na 'yan. Ihahatid na kita pauwi."

"Huwag na. Baka may date pa kayo ng girlfriend mo."

"Hayaan mo 'yong mag-adjust."

"Gago!"

He smirked. "Since birth."

"Alam ko," she chuckled, saka sinimulan nang kainin ang ice cream.

"Pero sa tingin ko naman e sa nakaraang buhay ko ay mabait ako." Pagbaling niya ng tingin dito ay nakangiti lang ito sa kawalan habang kumakain ng ice cream. "Wala naman sigurong pinanganak na demonyo."

"Hindi mo sure."

Tawang-tawa ito. "Grabe talaga 'to sa'kin."

Ngumisi lang siya rito. Siya rin naman e naniniwala na kahit na maloko si Balti at madalas mahirap intindihin ay mabait talaga ito. Kung hindi e. Malabong mahalin niya ito nang sobra. At baka matagal na rin siyang umalis sa buhay nito.

Her Balti will always be Balti.


NAITIGIL niya ang ginagawa nang marinig ang marahang pagbukas ng pinto ng library. Naingat niya ang mukha mula sa nag-aagaw na dilim sa loob ng silid at ng ilaw mula sa labas na tumagos sa malaking bintana ng library. He's here. Mula room ay lumabas si Iesus. Unang-una niyang napansin ang nakakalunod nitong asul na mga mata. He hated those eyes. Resented it for centuries.

A smile stretched on his face. "Iesus," aniya.

Tinanggal niya ang salamin sa mata. God, he had been dying to take that useless eyeglass! Playing Balti bores him. Ilang araw pa siyang nakipagtalo sa walangyang 'yon bago tuluyang na control ang isip at katawan nito. Still the same Hanael. That boy never learns even in this life.

"Where's the ledger?" he demanded.

He leaned on his seat and craned his neck to see him better habang magkadikit ang dulo ng mga daliri. Ah, still the same old Iesus. Lalo siyang napangiti. He probably figured out how did he manage to steal the ledger from his precious mansion. Thanks to Judas and his power of darkness. Well, hindi naman niya 'yon mapapasunod nang ganoon na lamang. He put Jude under his spell. He will probably never remember a thing by now. 

"Didn't you miss me?"

"Give me back the ledger, Nathanael."

"Oh!" He chuckled. Pero mukhang hindi naman natutuwa si Iesus sa kanya. My bad. "I thought you wouldn't recognized me. God, sobrang boring pa rin ni Hanael kahit sa bagong buhay. Balti means boring." Umayos siya ng upo at isinandal ang mga braso sa mesa. "Iesus, how about I do you a favor that we both can agree."

"It's still a no."

"I know you're running out of time. I can decode your black book faster than your precious friend, Bartholomew."

"Balti can do it for me."

"But I can do it faster."

"Don't test my patience, Nathanael."

"Alam mo gusto ko talaga 'tong wala kang magawa para pigilan ako. Iesus, powerless and useless." Natawa siya. What a sight! "Hindi mo na ulit magagawa sa'kin ang ginawa mo noon. I will own this body and control his mind. I will finish what Hanael didn't finish dahil sa pangingialam n'yo ni Felipe." Ibinagsak niya ang palad sa mesa at pinalisik ang mga mata. "And you can't stop me, Iesus. Neither of you will stop me. I will wipe her family's existence!"

"You think I can't stop you?"

Tumayo siya at lumipat ng upo sa harap ng mesa. "Kaya mo ba?" hamon pa niya rito. He smirked. "Sa tingin mo hindi malalaman no'ng kulot na bata ang mga pinaggagawa mo? Aminin na natin, Iesus, you can't stop their karma. You cannot do anything for them. Dahil kapag nangialam ka. Alam natin pareho ang mangyayari sa'yo. So you better reconsider things before meddling with me again. Isang maling galaw mo lang at kaya kong sirain ang lahat para sa'yo. All of your lies will dig your own grave."

He hated how unbothered Iesus at the moment! Mas lalo siyang nanggigil dito. Mas madami pa rin siyang alas dito.

"I will find every single way to destroy you, Nathanael. That body has never been yours. It belongs to Hanael. It belongs to Balti."

Natawa siya.

Tawang-tawa.

"Wala namang pinagkaiba 'yang si Hanael at Balti. Parehong mahihina! Parehong uto-uto sa'yo!" Umayos siya ng tayo at dahan-dahang naglakad palapit dito. "At baka nakakalimutan mong hindi ako mabubuhay kung hindi ako binuhay ni Hanael. He wanted me because he couldn't kill them by himself." Huminto siya sa mismong harapan nito. He looked at him straight in the eyes. "And I find the perfect way to avenge my sister and my family."

"Huwag mong pakialaman si Niña."

Ngumiti siya. "Who says, I can't? Ganda pa naman ni Niña. Puwede ko sanang paglaruan bago ko patayin –" Marahas na hinawakan nito ang kwelyo ng suot niyang polo. Nanlisik lang ang mga mata niya rito pero hindi siya nagpadala sa galit nito sa kanya. Bumakat ang mga ugat nito sa mga kamay sa matinding panggigil sa kanya.

Never again!

He will never kneel in front of this man.

"I swear, Nathanael," he said in gritted teeth. "If you lay a finger on her. Ako mismo ang papatay sa'yo."

"Paano ba 'yan, Iesus? If you kill me. You will also kill Balti and Hanael. Pero iisa lang din naman sila at iisa lang din kami, so it's a bad option –" Lalong humigpit ang hawak nito. Sakal na sakal na ang leeg niya. Tang ina! Hinawakan na niya ang dalawang kamay nito. Umaangat na siya sa ere.

"Napatahimik na kita noon kaya magagawa ko pa rin 'yan ngayon." Humigpit pa lalo ang hawak nito sa kwelyo niya. Nanlilisik sa galit ang asul na asul nitong mga mata. "At sisiguraduhin kong matatahimik ka na nang tuluyan." Malakas at marahas siya nitong binitiwan. Halos tumalsik siya pabalik sa mesa. Tang ina! Ang sakit no'n ah! Nawala sa ayos ang mesa sa likod niya. "Don't test my patience, Nathanael. Hindi 'to pagbabanta. Pero gusto kong intindihin nang makitid mong utak na kailanman hindi kita papayagang sirain mo ulit ang buhay ni Hanael. I will find that ledger. I will find that missing item. And I will not allow you to hurt Niña and her mother! Nagkakaintindihan ba tayo?!"

"Do what you want!" Inayos niya ang kwelyo ng damit. "Hindi mo pa rin ako mapipigilan!"

"Gagawin ko ang lahat kahit na ikamatay ko pa 'yan ngayon."

"Pa unahan na lang tayo."

"Is that a bet?"

"Ano sa tingin mo?"

Ngumiti ito. "You're in my land, Nathanael. When I say you can't leave this house without my permission. You can't."

"No –"

"I'm assuming you already get my point."

He stepped back at bigla na lang itong nawala sa dilim. Malakas na sumarado ang malaking pinto. Fuck! Masama ang kutob niya roon. Mabilis niyang tinakbo ang pinto. Ilang beses na pinihit ang seradura ng pinto. Fuck! It won't open. Fuck! Fuck!

"Iesus!!!" Buong lakas niyang sinuntok ang pinto. Ni hindi 'yon natitibag. Pumikit siya at umasal ng isa sa mga spell chants na alam niyang puwedeng sumira sa nilagay nitong spell at inilapat ang mga palad sa matigas na pinto. But damn it! Hindi talaga gumagana. Halos dambahin na niya ang pinto ng balikat niya. Nabubwesit na siya sa tunog ng seradura ng pinto. "Iesus!!" nanggigil niyang sigaw. "Hindi mo ako makukulong dito habang buhay! Makakalabas ako rito at ikaw ang unang-una kong papatayin! Ahhhhhh! Tang ina moooooo! Palabasin mo ako ritooooooo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro