Kabanata 42
"LET'S cancel the wedding."
Umawang ang bibig niya at hinawakan ang mga kamay. Muli siyang kumurap at sunod-sunod pa rin ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Her hands felt empty. It wasn't the same. Gusto niyang humagulgol ng iyak nang mga oras na 'yon.
"Bakit?" her voice broke. She was too confused. Shocked. "H-Hindi ko maintindihan," she sobbed. "Bakit bigla-bigla na lang? Anong nangyari? Saan ako nagkulang?" Lumapit siya rito at hinawakan ang mga kamay nito. Hinuli niya ang mga mata anito pero wala siyang mabasang awa o simpatya man lang mula roon. "Bal..." she begged, humigpit ang hawak niya sa mga kamay nito. "Bal, please? Joke lang 'to, 'di ba?" Luminga siya sa paligid. "May camera ba? Na saan –" But when he drew his hand with her doon siya mas lalong nasaktan. "Bal?"
"You will find another man, Niña."
Natawa siya, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling mga luha. "Ang galing! Sana simula pa lang sinabi mo na 'yan. 'Di sana hindi na tayo nagsayang ng panahon sa isa't isa. Ano bang ginagawa natin? Teaching demo? Example kung paano maging tanga sa pag-ibig?! Laro lang ba sa'yo lahat? May natutunan ka ba sa tuwing nasasaktan mo ako?"
Hindi ito umimik. Tinignan lang siya nito. At 'yon, 'yong masakit. He didn't care about her pain! He didn't care about her feelings! He was looking at her with those cold eyes - void with any adoration that she used to see in his eyes.
Lahat nang 'yon ay tila imahinasyon na lamang niya.
"Tang ina!" mura niya. Her chest throbbed in pain. Hindi pa niya mapigilan ang mga luha niya. "Pagod na pagod na ako," halos bulong na niyang sabi rito. "Buong buhay ko... ikaw lang... ikaw lang ang minahal ko. Naiintindihan mo ba 'yon? Paano ko maiintindihan ang gusto mong mangyari kung hindi mo sasabihin sa'kin... kung... kung bakit ayaw mo na? Balti, ano bang kulang sa'kin? Hindi pa rin ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo? Kasi... kasi hindi ko na talaga alam paano ka pa mamahalin. Paano ba dapat mahalin ang isang Bartholomew Juarez?"
"Then, stop now."
Lalo siyang napahagulgol. Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha. "Ganoon lang 'yon?" Punong-puno ng hinanakit ang boses at ang tingin niya rito. "Sasabihan mo lang ako na tumigil na ako? Balti, hindi ako tanga! Gusto kong ipaintindi mo sa'kin kung saan tayo nagkulang sa isa't isa?! Kung saan ako nagkulang? 'Yon ang gusto kong malaman. Hindi 'yong sasabihan mo lang akong huminto na ako!"
"I just want you to stop now, Nin. Let's stop."
"Pero bakit nga?!"
"Kasi 'yon ang gusto ko! Alin ba roon ang hindi mo kayang intindihin? Tumigil ka na! Tumigil na tayo! This relationship won't work for us. Mahirap ba 'yong unawain?!" Marahas itong bumuntonghininga. "I know, I've hurt you. I initiated everything and I made the wrong choices."
"So, I'm a mistake?"
"No! I mean – "
"You just said it, Juarez. You made the wrong choices." Marahas na pinahid niya ang mga luha sa mukha. "I was the wrong choice you made." Mapait siyang ngumiti rito. "Alam mo, okay? Let's stop now. Na sana matagal ko nang ginawa. Sana 'di na lang ako bumalik ng Pilipinas. Sana 'di ako nag-apply sa SNL. Pinagsisihan ko na lahat ng mga desisyon ko. Sana naghanap na lang ako ng iba. Masaya na sana ako. May anak na siguro ako. Ang ganda-ganda siguro ng buhay ko ngayon kung wala ka, 'di ba? Imagine, sinayang ko ang 15 years sa kakaasa sa maling tao?" Natawa siya nang pagak. "Ang laking tanga!"
She stepped back. Nayakap niya ang sarili habang umiiyak pa rin. Ang sakit. Sobra. Hindi na yata huhupa ang sakit sa puso niya. Hindi na yayata titigil ang mga luha niya. She felt hopeless. Confused. Hurt. Pero wala siyang magawa para patahanin ang sarili. Ang malinaw lang sa kanya nang mga oras na 'yon ay ang sakit at pagkadismaya niya kay Balti.
She was really disappointed with him.
Tinitigan niya ito.
But she still broke down in front of him. "Gusto ko lang naman ang mahalin ka." She didn't want to pero alam niyang kapag 'di niya nailabas 'to ay mababaliw siya. She didn't mind anymore. She was hurting. She wanted to cry. She wanted to blame him for all this pain. "Pero bakit ang hirap-hirap mong mahalin?"
Mapait siyang ngumiti sa kabila ng mga luha. Isang beses pa niya itong tinignan bago tinalikuran. Isang hakbang pero halos hindi na siya makahinga sa kakaiyak. Pinilit niyang tumakbo. Inisip niyang kapag tinakbuhan niya si Balti ay mawawala na ang sakit... pero bakit ganoon? Bakit mas lalo lang lumalalim ang sugat sa puso niya?
She waited for him for fifteen years...
... fifteen years!
Pero sa huli, siya pa rin ang talo.
"NIÑA?" Maingat na isinarado muli ni Maha ang pinto ng silid niya bago lumapit sa kanya. "Hey, how are you?" tanong agad nito nang maupo sa gilid ng kama niya.
Pilit siyang bumangon. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. She probably looked awful. Namamaga ang mga mata. Magulo ang buhok. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata. She didn't even eat. Kung kumain man siya. Siguro halos hindi rin nabawasan. She lost her appetite. Buong araw lang siyang nagkulong sa kwarto. Alam niyang nag-aalala na ang mama niya pero hindi pa niya kayang kausapin ito. Her mother will be too heartbroken. Hindi niya rin alam kung paano magkukwento na hindi umiiyak.
Wala siyang mukhang maihaharap sa lahat.
Agad din siyang umalis kahit pa madaling araw pa. She can't stay in his house. Wala nang sila. Ano pang sense ng pananatili niya sa bahay nito?
Mapait siyang ngumiti.
"Wala nang kasal," she had hoped she can say those words without breaking pero mas nauna pa yata ang mga luha niya bago pa niya masabi ang mga salitang 'yon. She felt her lips trembled. Ang hirap talagang mag-kwento. Sana naiintindihan ng iba kung iiiyak na lamang niya ang lahat. Nayakap niya ang mga binti mula sa kumot. "Maha, change plans. Hindi ka na pala magiging maid of honor," nagawa pa niyang magbiro.
"Gage ka!" Umiyak din ito. Nag-iyakan na silang dalawa. "Kinausap ko si Kuya pero ayaw niyang makinig sa'kin. Hindi ko alam kung anong nangyari. The two of you seem okay. Ang sweet n'yo pa sa isa't isa. Tapos ganito? Bakit biglang nakipaghiwalay siya sa'yo? Nin..." Pinunasan nito ang mga luha niya sa mukha. "I'm sorry... alam ko na masakit..."
"Gusto ko lang naman i-explain niya sa'kin ang lahat," iyak niya. "Gusto ko malaman kung bakit, Maha. Bakit kami humantong sa ganito? Iniwan niya ako sa ere. Pero hindi man lang niya inisip kung kaya ko nga bang bumaba na mag-isa."
"Nin..."
"Mahal na mahal ko siya pero ayoko na..."
She blinked and tears streamed in her eyes.
"No, I'll talk to him again. Kakausapin ko siya, ha? Gagawin ko 'yon para sa'yo. Hindi pwede 'to –" Umiling ito. "Nin..."
Lalo siyang naiyak.
"Pagod na pagod na ako, Maha. Ilang taon na. Wala pa ring pagbabago. Ganoon pa rin kami."
"Nin, huwag kang umiyak, please." Niyakap siya nito. "Alam ko na hindi ako naging mabuting kaibigan pero ayoko talaga nakikita kang umiiyak. Sisikmuraan ko na talaga ang kuya ko." Bahagya siyang natawa sa kabila ng mga luha niya. "Seryoso ako. Hindi ako papayag nang ganito. Hindi ko siya patatahimikin."
"Ayoko nang habulin ang kuya mo."
Those words pierced her heart. Inasahan na niya ang kabiguan niya. Pero iba pala talaga ang sakit kapag gagawin mo na. Pagod na pagod na siyang magmahal at umasa. Gusto na niyang lumaya.
"Nin..."
Yumakap siya kay Maha. "Hanggang dito na lang ang kaya ko, Maha." Humigpit ang yakap ni Maha sa kanya. She was already crying her heart out. Masakit pero kailangan na talaga niyang palayain ang sarili niya. "I'm letting him go."
PINILIT niya ang sarili na ngumiti at tumawa sa harap ng mga co-teachers niya. Hindi pa alam ng mga ito na naghiwalay na sila ni Balti. Hindi pa rin naman siya handa. Mabuti na lang at hindi rin nagsasalita si Balti. He just seems... like... he doesn't care. Na parang wala lang nangyari. Ngumingiti at tumatawa pa rin ito sa harap ng mga pupils nito. Nakikipaghabulan sa mga bata sa playground just like he used to do.
Natigilan siya nang makita si Balti na naglalakad sa direksyon niya. Nakangiti habang nakatingin sa mga bata sa playground. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. Pero nang lumagpas ito sa kanya e hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
She felt her heart stop for a split second.
Napakurap siya. Napahawak sa kanyang dibdib. May sasakit pa ba sa ginagawa nito sa kanya ngayon? Puwede bang i-review muna lahat bago siya nito saktan nang ganito?
He ignored her.
As if she didn't see her.
Nagawa pa niyang ibaling ang tingin dito. He was happy. Laughing his heart out. Naisip niya kung para saan ang mga pangako nito sa kanya noon? Para saan ang pagmamahal na pinaramdaman nito sa kanya? Para saan ang mga plano nilang dalawa sa isa't isa? Lahat nang 'yon tila ba naging malaking biro na lang ngayon.
Tumingin siya sa itaas para pigilan ang mga luha. Unconciously ay nakapa niya ang palasing-singan sa kaliwang kamay. It was empty. It always felt like she had lost a big part of her. It made her want to cry. Marahas na pinunasan niya ang mga luhang umalpas sa mga mata.
Bumuga siya ng hangin.
At ngumiti.
Na alam niyang 'di man lang umabot sa kanyang mga mata.
Iniwas niya ang tingin at nagsimula nang maglakad pero hindi niya kinaya. Mabilis na pumasok siya sa restroom. Nanginginig ang mga kamay na in-lock niya ang cubicle. Naupo siya sa takip ng inidoro at naitakip ang mga kamay sa mukha habang umiiyak. She tried her best to swallowed her cries. Takot na may makarinig sa kanya.
She couldn't bear it.
Ang sakit talaga!
Gusto ko nang mawala. Gusto ko nang umalis. Ayoko na rito. Pagod na pagod na talaga ako. Please, tama na. Ayoko na. Please. Please. Please. She let out a sharp sighed and cried even more. Papa, anong gagawin ko?
"HINDI na ba talaga magbabago ang desisyon n'yong dalawa?" malumanay na tanong ng mama niya. She gently caressed her hair. Tumabi na siya rito ng pagtulog. Iiyak lang siya buong gabi kapag pinili niyang mapag-isa. Isang linggo na rin naman ang lumipas. "Puwede pa naman siguro ninyong pag-usapan ni Balti ang lahat."
"Sa tingin ko naman e hindi na magbabago ang desisyon niya."
Bumalik sa isipan niya ang paghubad ng sing-sing nito sa kanyang daliri. She fight the urge to cry again. Pinakamasakit talaga 'yon sa kanya. Lalo na kung gaano kalamig ang mga tingin nito sa kanya nang gabing 'yon. Habang buhay na yatang mananatili 'yon sa alaalala niya. Matatakot na ulit siyang magmahal.
"Hindi man lang niya ikinonsidera ang mararamdaman mo?"
"Siguro nga ho e hindi na mahalaga sa kanya ang mararamdaman ko. Ayaw ko na rin hong ipilit ang sarili sa taong ayaw naman sa'kin. Naipagkamali siguro niya ang pagmamahal na nararamdaman niya sa'kin na totoo dahil sa gayuma. Pero nang humupa na ay na realize niyang hindi pala 'yon ganoon kalalim para ipagpatuloy pa niya."
"Tumawag si Beatrice sa'kin kanina."
"Ano hong sabi?"
"She will talk again with Balti."
Mapait siyang ngumiti. "Personal ko na lang ho silang kakausapin. Ipaiintindi ko na lang ho na mutual decision ang nangyari. Pumayag na rin naman ako."
"Nin..."
"Ma, alam ko na hindi ako okay, pero kakayanin ko." Umangat ang tingin niya sa ina. "I will be fine."
Mapait itong ngumiti. "Nasasaktan ako para sa'yo." Sa pagkurap nito ay may luhang umalpas sa mga mata nito. "Pero wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman mo." Naiyak na naman siya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib. "Nakita ko kung gaano ka kasaya nitong mga nakaraang buwan. Lalo na nang mag-propose si Balti sa'yo. Simula nang mawala ang ama mo e ang binatang 'yon lang ang kayang magpabalik ng saya at ngiti sa 'yong mukha."
"M-Ma..."
"Pasensiya na." Bahagya itong tumawa at pinunasan ang mga luha. "Nang mawala ang ama mo ay naging sakitin ako. Halos ikaw na ang bumuhay sa'kin. Ang daming isinakrispisyo mo para sa'kin, anak. Kaya hindi mo maiaalis sa'kin na hindi masaktan sa tuwing nabibigo at umiiyak ka. Ang tanging dasal ko lamang lagi sa Dios e maging tunay na masaya ka na."
Doon niya hindi mapigilan ang mga luha. Yumakap siya nang husto sa ina. "Mama." Naramdaman niya ang paghigpit din ng yakap nito sa kanya. Humagulgol na siya ng iyak sa leeg nito. "Ma... paano n'yo ba nakaya noong mawala si Papa?"
"Hindi magiging madali pero masasanay ka rin..."
HUMUGOT siya nang malalim na hininga. Isa-isa niyang isinilid sa isang medium size na kahon ang itinago niyang gamit ni Balti. Ang memory box niya. Pati na ang mga pictures na kasama niya ito. Lahat nang mga ibinigay nito. Pati na rin ang pink octupos stuffed toy na kapares ng blue octupos stuffed toy ni Balti. Wala siyang tinira kahit isa. Ipinasok niya lahat at isinirado niya gamit ng malaking tape.
Naupo siya sa gilid ng kama, katabi ng kahon. The room felt so empty. Na realized niya kahit na ang sariling silid ay ginawa na niyang memory box ng pagmamahal niya kay Balti. She heaved a sigh bago ibinaling ang tingin sa kama. Kailangan niya rin yata palitan ang kamang 'yon. Sunugin ang kubre kama. She didn't regret giving her first to him in her room. Dahil alam niyang mahal na mahal niya ito. Kahit siguro hindi nagkaroon ng kapalit ang pagmamahal niya rito e pipiliin pa rin niyang ito ang maging una niya.
Ang martyr niyang puso ay 'di na talaga natututo.
She blinked at sumama na naman ang mga luha niya.
Ilang beses na ba siyang umiyak sa kwarto na 'to dahil kay Balti? She couldn't count anymore. Pero bakit kaya ganoon? Hindi pa rin siya nasasanay sa sakit? Para kasing, mas lalo lang lumalalim ang dahilan sa tuwing binibigyan siya nito ng rason para saktan ang damdamin niya. Kaya siguro lalong lumalalim ang sugat sa puso niya dahil mas lalo ring lumalalim ang pagmamahal niya rito. The more she loves, the more it hurts.
Humugot siya nang malalim na hininga at tinapik ang itaas ng kahon sa tabi niya. "It's time to move on now, Nin." Pilit siyang ngumiti. "At least you tried." Tumayo siya dala ng kahon.
'Yon na ang huling beses na may itatago pa siyang magpapaalala sa pagmamahal niya kay Balti. Alam niyang aabutin pa siya ng ilang taon para makalimutan ito pero kakayanin niya. Iiyak siya at mami-miss ito pero uubusin niya muna lahat ng pagmamahal niya rito hanggang sa wala na siyang makapa pa.
Dahil 'yon ang tamang gawin.
"NABANGGIT sa'kin ni Mama ang plano mo." Itinulak niya ang strawberry juice bottle rito. Sumama itong mag-snacks sa 7-Eleven sa labas ng eskwelahan. Labasan naman na ng mga bata. At kailangan niyang huminga. "Babalik ka ba ng Thailand?"
She nodded. "After this school year." Bumakas agad ang lungkot sa mukha nito. Ngumiti siya kahit na alam niyang 'di rin 'yon makakatulong. She's trying to smile again. She may not be good at it now. Pero masasanay rin siya. "Sinusubukan kong mag-apply ulit sa dating school na pinasukan ko roon. Sabi ng mga kasama ko na nandoon pa rin e may hiring daw ulit for next school year."
"Anong sabi ni Tita Carol?"
"Okay lang naman sa kanya. Kailangan ko rin naman din 'yon. Kung puwede nga e mag-resign na ako ngayon. Pero napaka-unprofessional no'n. Saka may contract akong pinirmahan. 2 years pa nga e. Buti pumayag si Tita Bea na gawin ko na lang isang taon. Tatapusin ko na lang. Ilang buwang sakit pa."
"Nin –"
"I'm fine." Ngumiti ulit siya rito. "I will be fine."
Marahas itong bumuntonghininga. "Kahit si Tor e wala ring nagawa." Bumagsak ang mga balikat nito. "He was acting as if wala lang nangyari. Chi was so angry at him. He's ignoring us all."
Tumango lang siya. "Hayaan n'yo na."
"Mapapalampas ko pa kung may malalim siyang dahilan kaso wala e." Tinitigan niya ito. Her lips thinned as if may naalala itong bigla nitong kinahiya. "I'm sorry. I know, I left you too hanging before."
"Magkapatid nga kayo."
Lalo itong nakonsensiya. "Nin naman e."
Tumawa siya. "Naghihintay pa rin ako ng explanation sa'yo."
"I know."
"You still have time, though. Next year pa naman ako aalis."
She nodded. "Tumawag sa'yo si LV?"
"We've talked. Wala pa naman kaming nasisimulan talaga. It was good as nothing. I just informed her na hindi na matutuloy ang kasal. She felt sorry." Mapait siyang ngumiti. "Naisip ko rin. Sayang din talaga 'yong wedding notes na ginawa ko para sana sa meeting namin." Itinawa na lamang niya. Wala na rin naman siyang magagawa.
"You made an effort to do that."
"I know, pero aanhin mo naman kung walang groom?"
"Kinamumuhian ko talaga ang kuya ko ngayon."
"Kuya mo pa rin 'yon."
"Kahit na!"
"Hindi pa ako nag-o-open ng messenger at hindi pa ako nakakapagbasa sa GC natin. I'm just taking a break. Siguro, ayoko lang makita 'yong lungkot sa mukha n'yo. Ayokong magbasa ng sorry. Mas lalo lang akong nalulungkot. I pity myself every time na nakikita kong you feel sorry for me." Maha's face softened. "Kahit 'di ko pa nababasa ang mga messages ninyo at hindi ko rin nasasagot ang mga tawag nila Chi, Mari, at Au e na appreciate ko naman ang concern. Hindi pa lang talaga ako handa na bumalik sa Faro at makipag-usap. Maybe, I needed more time... for myself?" Humugot siya nang malalim na hininga at ngumiti. "I was too busy loving him. I forgot to love myself."
Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Nin, naiintindihan namin. You don't need to pressure yourself for now. Willing naman kaming maghintay."
Muling umalpas ang mga luha niya sa mga mata. "Thank you."
"Alam ko na mahirap."
"Sobra," her lips trembled.
Lumipat ito ng upo sa tabi niya at niyakap siya. "Malalampasin din natin 'to. Matapang ka. Mas matapang ka pa sa'kin."
Natawa siya sa kabila ng mga luha. "Ayoko na nga maging matapang e."
"Wala kang choice. Kailangan natin maging matapang."
"Ayon lang," she sobbed. "Tang'ina."
"Sige magmura ka lang. Ako lang naman nakakarinig."
"Gago!"
"Ka Balti," dugtong nito. "Mamatay ka na sana."
"Hoy!"
"Huwag mo na ipagtanggol ang 'sang 'yon. Gago talaga 'yon!"
"Kahit na –"
"Wala akong pake!" Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hindi niya napansin ang box ng band-aid na binili pala nito. Isa-isa nitong inalis sa paper strip cover ang mga band aid at idinikit 'yon sa bandang puso niya. Iyak at tawa na na ang nagawa niya. "Hayan! Tapalan natin ang puso mo. Damihan natin para 'di na halata ang sugat."
"Gage! Nagsayang ka pa."
"I don't care."
"Kahit naman meron niyan e masakit pa rin naman."
"Kailangan mo ng alcohol?"
"Anong klaseng alcohol?"
"'Yong favorite ni Simon na alcohol."
"May pasok bukas."
"'Di pumasok tayo na may hangover –" Pinitik niya ito sa noo. "Aish! Masakit 'yon ah."
"Friday night, pero huwag ngayon. Tuesday pa lang ngayon, gaga ka."
"Sabi ko nga."
"Saka ang lakas ng loob mo e 'di ka nga nakakatagal sa inuman. Isang bote ng SOJU pa nga lang e lasing ka na." Ngumuso ito. Natawa lang siya. "Edad lang talaga tumanda sa'yo." Inayos niya ang bangs nito. "Nag-mature ka pero kaunti lang." Ngumiti siya at tinignan ito. "Mga 1.5 percent."
"Wow, grabe!"
"At least may 1.5 percent ka pa rin."
"Kailan pa kaya 'yang aabot ng 50%? Hindi na ako aasa ng more than that."
"Siguro when you try to face all your problems bravely instead of running away every time you felt like you can't do it, or every time someone tells you, you can't do it." She gently patted Maha's head. "You need to learn to trust your own decisions in life, Maha. It may not always bring us to all the bright places, but some unexpected detours will still somehow lead us to good places. And who knows, we may learn to love our destination and realized that it was the place we have always been looking for."
"How can you love so selflessly?"
Namilog ang mga niya rito. "Hmmm?"
Maha smiled. "Ang swerte ng taong magmamahal sa'yo, Nin."
Sa pagkakataon na 'yon e alam niyang totoo ang ngiting lumitaw sa kanyang mukha. "Thank you." Nagulat siya sa biglang pagyakap nito.
"No, I should be the one saying that. Nin, thank you."
Lalo siyang napangiti. "You're welcome." Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Maha, pwede bang humingi ng favor."
"What is it?"
"Pwede mo bang hanapin ulit sa bahay ni Balti ang isang rectangular wooden box na may wood carvings na design. I'll send to you the photo. Sa tingin ko e nandoon lang talaga 'yon. Na misplaced or baka naitago ni Ate Grace. Importante kasi 'yon sa'kin."
Maha nodded, "Sure! 'Yon lang ba?"
"Yes, please."
"Ayaw mong saksakin ko si Bartolome?"
"Gage!"
"Seryoso ako."
"Itumba mo mga bookshelves niya sa library niya."
"Deal."
KUMUNOT ang noo niya sa text ni James. Hindi niya alam kung seryoso o hindi. Naglalakad na siya papuntang parking.
Hey, anong tawag sa mahirap na bampira? - James
"Anong nakain ng 'sang 'to?"
Ano? - Niña
Bam na lang kasi wala na siyang pira. - James
Tawang-tawa siya.
Gageee! Hahahaha! - Niña
I got that joke from Simon. Natawa ako so baka matawa ka rin. - James
Haha! Korni XD Pero havey pa rin. - Niña
Good :) - James
Thanks, James! :D - Niña
If you need someone to talk with. I'm just one call away. Bukod sa pagiging taong kahoy ay may pakiramdam pa rin naman ako. Just don't expect to hear brilliant words of wisdom because I suck at it. - James
Lalo siyang natawa.
Lol! Noted po. - Niña
Pauwi ka na ba? - James
Yes :) - Niña
Ingat sa pag-uwi, Nin. - James
Nakangiti pa rin na naingat niya ang tingin. But as soon as she saw the person in front of her ay agad na nawala ang ngiti niya.
"Pam?"
"Do you have time?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro