Kabanata 41
"BAL, may nakita ka bang wooden box sa kwarto?" Hinalughog na niya ang kwarto nila ni Maha pero wala talaga. Lumuhod siya sa ilalim ng sofa bed. "Imposible kasi na mawala 'yon." Saka hinatak ang secret compartment sa ilalim no'n. Empty pa rin.
"Wooden box? I haven't seen one."
Umangat ang tingin niya kay Balti. Napatitig siya rito. Actually, kanina pa niya napapansin. He was unusually quiet and there was something different about him. Physically, yes. Pero parang pati gestures at responses nito medyo iba. Or dahil lang lumipas ang tatlong araw na hindi nila nakita at nakausap ang isa't isa kaya feeling niya lumamig ang pakikitungo nito.
"Mahal, naka contacts ka lang ba?"
"Hmm?"
"Hindi mo suot ang salamin mo."
"It's broken. I had it fixed." Tumango lang siya. "Anyway, about that wooden box. Ano bang meron doon?"
Bumuga siya ng hangin. "Sa papa ko 'yon. Hindi ko puwedeng maiwala 'yon kasi importante 'yon sa kanya." Lumapit ito. Titig na titig sa kanya. "M-May dumi ba sa mukha ko?" Na concious siya bigla.
"Wala naman."
"Are you sure, okay ka lang?'
"A bit lightheaded, but I'm fine." She cupped his face. Bahagya itong nagulat sa ginawa niya. "I'm sorry." Hinawakan nito ang mga kamay niya, ngumiti pero 'di niya pa rin maramdaman na totoo, habang dahan-dahang ibinaba ang mga kamay niyang hawak nito. If she'd be honest. Medyo nasaktan siya roon.
"Gusto mong magpahinga?"
Pinuntahan na niya si Balti after ng klase niya. Hindi pa rin kasi ito pumapasok kahit na tapos na ang 3 days isolation nito. Excited pa naman sana siyang dalawin ito pero nadismaya lang siya. She tried to ignore it kanina pa pero parang lalo lang nadadagdagan ang mga alalahanin niya.
Tipid itong ngumiti at tumango. "If okay lang sa'yo?"
Ano pa bang magagawa niya?
Ngumiti siya rito. "Sure. Iaakyat ko na lang ang pagkain mo. Tutulungan ko na lang si Ate Grace muna sa ibaba."
"Thanks."
Tinalikuran na siya ni Balti at naiwan siya sa silid na mag-isa. May mali talaga rito. Anong nangyari sa loob ng tatlong araw? Parang ibang Balti ang kaharap niya.
Nagpasya siyang puntahan si James sa bahay nito. Kailangan niya ng sagot. Hindi siya makakatulog nang hindi nasisigurado kung okay lang ba si Balti.
"I don't know," seryoso nitong sagot. Bumakas din sa mukha nito na naguguluhan din ito sa nangyayari. "I'm still trying to figure it out. Unang nakapansin si Tor, then si Vier. Iesus said, hayaan na lang muna baka stress lang si Balti."
"Hindi naman 'yon related sa after effect ng reverse spell?"
"Hindi ko pa sigurado. It shouldn't have any aftermath effect. Was he cold to you?"
Bumuntonghininga siya. "A bit. Pero sabi niya masama lang talaga pakiramdam niya. Saka, napapansin ko na ayaw niyang hinahawakan. At sa tuwing tinitignan ko siya sa mga mata. Hindi siya umiiwas pero wala akong makitang rekognasyon. It was like, I'm a stranger to him."
Nahulog sa malalim na pag-iisip si James. "I see. Napansin ko na rin 'yon."
"Hindi n'yo ba dinalaw man lang si Balti sa bahay niya?"
Umiling si James. "It was part of the process. I mean, Math and Tor check up on him every now and then. Halos tulog lang daw ito lagi."
Naglapat ang mga labi niya. "You think, he will be fine?"
"He will be fine." James smiled and gently patted her shoulder. "Just give him a couple of days to recover. Even Vier agreed with Iesus, na hayaan muna si Balti. Maybe he needed space. Normal lang yata 'yon since ilang magic spells din ang kumu-control sa kanya sa nakalipas na tatlong buwan. But don't worry, hindi naman ako tumitigil sa paghahanap ng sagot kung bakit biglang naging ganyan si Balti. I just couldn't answer you right now. I'm sorry, Nin."
"It's fine." Tipid siyang ngumiti. "Naiintindihan ko rin naman. Alam ko na mahirap din sa'yong i-absorb ang lahat ng mga nangyayari rito. Kahit ako. Hindi ko rin maintindihan. Masyadong mahiwaga ang Faro. Feeling ko kapag sinubukan kong alamin lahat ay mas lalo lang akong maguguluhan."
"I'd rather let things on their place, rather than fixing it."
"But what if it needed to be fixed?" Titig na titig sa kanya si James. "Anyway, babalik na ako. I'll check if nasa bahay na ba si Tor."
Tumango lang si James sa kanya.
"Balitaan kita kapag may na diskubre ako."
"Thanks, James."
Pabalik na siya ng bahay nang mapadaan siya sa malaking iron gate ng bahay ni Iesus. Tumigil siya sa gitna para silipin ang daan paakyat sa mansion nito. It reminded her of the arc of trees before the lighthouse. Ganoon din ang daan papunta sa bahay nito. It was past 6 pm on her watch. Halos kainin na ng dilim ang natitirang liwanag sa paligid. Hindi naman nakakatakot dahil umiilaw na ang mga lamp post sa loob at labas ng iron gate.
Pero may kakaiba siyang naramdaman sa bahay ni Iesus. Tila ba tinatawag siya pero hindi niya alam kung bakit.
"Niña?"
Nagitla siya nang marinig ang pangalan niya sa likod.
Napakurap siya at napalingon. "Iesus!"
"Are you okay?" Lumapit ito sa kanya. "Did I scare you?" Ngumiti ito para yata pagaanin ang nararamdaman niya. Pero nalulunod naman siya sa asul nitong mga mata.
Siya lang ba ang nakakapansin ng pagbabago sa kulay ng mga mata ni Iesus? When he's calm, it resembles a calm sea - lighter and more subtle blue. But when he's serious, it resembles a storm in the sea. Lumalalim ang asul, nakakalunod, nakakatakot.
And she's seeing the latter.
Kaya hindi siya mapakali.
"Nagulat lang," sa wakas ay sagot niya. Pilit siyang ngumiti. "Sorry, napatingin lang ako sa bahay mo."
He chuckled, "I hope it didn't scare you. My house normally looks like a haunted house than a mansion."
"Ikaw lang ba mag-isa sa bahay?"
"Vier is staying with me, but on a normal day, ako lang."
"Hindi ka natatakot? I mean -"
Ngumiti ito. "You'll get the hang of it."
"Sabagay."
"Did you visit Balti?"
She nodded. "Oo, galing lang ako kina James. Pabalik na rin ako."
"How is he?"
"A bit different."
"I know."
"Wala naman siguro akong dapat ipag-aalala, 'di ba? Hindi ko lang kasi maiwasan na mag-isip. Feeling ko kasi hindi niya ako kilala. Isang araw pa lang naman pero -"
"Niña," napatitig siya rito, "among us here, and even to Tor, or his family, alam ko na ikaw lang ang higit na mas nakakakilala kay Balti." Iesus smiled. "Just trust him." Marahan nitong tinapik ang braso niya. "Let's trust, Balti, okay?" Napangiti na rin siya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ni Iesus. "Anyway, gusto mo mag-juice muna sa bahay ko?"
Bahagya siyang natawa at mabilis na umiling. "Hindi na. Okay lang. May tubig naman sa bahay ni Balti."
Lalo lang natawa si Iesus. "Wala namang multo sa bahay ko."
"Hindi ko naman sinasabing -"
"I know." Matama siya nitong tinitigan. The traces of his smiles remained on his face. "I'm just joking. You seem too worried and stressed. I'm just trying to make you feel a bit better, Nin."
Napangiti ulit siya. "Thank you."
"Don't stress yourself too much."
HINDI siya makatulog. Inabot niya ang cell phone sa mesita at tinignan ang oras. Ala una na. May pasok pa siya mamaya. Marahas siyang bumuntonghininga at bumangon. Tulala lang yata siya ng mga ilang segundo. Hindi niya nakausap si Tor dahil late itong nauwi. Hindi na niya nahintay. May importanteng kaso kasi itong hawak na hindi nito puwedeng pabayaan. Which she understands.
Itinali niya ang mga buhok at isinuot ang salamin sa mata saka naglakad sa direksyon ng closet. Kinuha niya mula sa ilalim na divider ang isang metal box na lalagyanan ng biscuit. Inilagay niya roon ang mga sulat at larawan na itinago ng papa niya. Siguro, halos dekada na rin niyang hindi 'yon na bubuksan.
Dinala niya ang kahon sa kama at tinapik ang moon lamp para umilaw nang kaunti ang paligid. Inalis niya ang takip at bumungad sa kanya ang mga niluma nang mga papel at larawan. Inalikabok na nga. Nanunuot sa ilong niya ang alikabok at kalumaan ng mga papel.
Isa-isa niyang inalis mula sa kahon ang mga nakasilid. Hanggang sa may napansin siya sa mga sepia photos na nandoon. Isang larawan ng lumang museum na sa tingin niya e alam niya kung saan. Likod ng isang batang lalaki kasama ng mga nakapilang mga batang estudyante. Bahagyang nakalingon ang huling batang lalaki kaya napansin niya ang suot nitong salamin. Pamilyar sa kanya 'yong mukha ng bata pero 'di niya alam kung saan niya eksakto nakita. Sunod na larawan ay isang buong palapag ng museum. Dumikit doon ang isang cut out photo ng isang libro na mukhang ginupit pa ng papa niya sa dyaryo.
"Nennilo y Nennella," basa niya, kahit papaano ay malinaw pa rin naman.
Alam niya ang kuwento na 'yon dahil lagi 'yong ikunukwento ng papa niya noong bata pa siya. Medyo hawig ng story nila Hansel and Grethel. Pero mas mahabang bersyon at sobrang daming pinagdaanan ng magkapatid bago ulit nagkita.
"Nasa museum pa kaya ang librong 'to?"
Binalikan niya ang larawan ng mga bata. Nakatuon ang atensyon niya sa batang lalaki. She traced the outline of the kid's face. It's weird. Parang kilala niya talaga ang batang lalaki na naka salamin. Naisip niya si Balti pero hindi naman siguro. Ang imposible rin naman.
She let out a heavy sigh.
Kung anu-ano na naman iniisip niya. Baka nag-aalala lang siya sa mga bagay na hindi naman dapat pinag-aalala niya. Ibinalik na niya ang mga gamit sa loob ng kahon.
I should just trust Balti. Iesus is right. Enough of your baseless assumptions, Niña. Sleep!
"BALTI?"
Nagulat siya nang makita niya ito sa sala. It was still five in the morning. Nakasuot na siya ng uniform pero wala pa siyang almusal. Nagulat na lang siya nang sumigaw si Kath na nasa ibaba si Balti. Hindi kasi ito tumawag o nag-text man lang na pupunta.
Lumingon ito sa kanya. "Nin," tipid itong ngumiti. Lumapit na siya rito. Naabutan niya kasi itong nakatayo sa harap ng old family portrait photo nila sa sala. The last time na dumalaw ito sa bahay e nakatago pa 'yon.
Tumabi siya ng tayo rito. "In-display ko na ulit," basag niya.
"Kamukha mo pala ang papa mo."
"Sabi nga nila."
Nakangiting tinignan niya ang family photo nila. She was just five years old in that photo. Nakakandong siya sa papa niya at may malaking ngiti. Ang taba-taba ng pisngi niya at pilit na pilit pa ang ngiti niya. Pero kahit na awkward 'yong smile niya e sobrang ganda naman ng mga ngiti ng mga magulang niya.
"Favorite picture 'yan ni Papa kaya 'yan ang in-display nila Mama."
"I'm hungry," pag-iiba nito. Ibinaling nito ang tingin sa kanya at ngumiti. Mag-re-react sana siya dahil wala man lang itong ibang komento sa picture na 'yon. Knowing Balti, alam niyang tutuksuhin agad siya nito pero wala man lang itong reaksyon. He just plainly dismissed the whole conversation. "Makakalibre ba ako ng almusal dito?"
In-ignore na lang 'yong dismaya at ngumiti pa rin.
He's changed.
At hindi niya alam kung bakit at paano?
"Sure! I'm sure madami namang niluto sila Mama."
"MAHA, wala ka bang napapansin sa kuya mo?" basag niya habang nag-snacks sila ni Maha sa canteen.
"He's unusually silent the past few days. I don't know if ikakatuwa ko ba o hindi 'yon. Hindi ako sanay."
"Iyon nga rin ang napapansin ko."
"Pero naisip ko rin naman kasi na baka stress lang siya. Last week, nag-talk kami ni Papa. Kasi pansin ko nga e stress din si Mama. So chinika ko na si Daddy Juanito. Well, alam ko na hindi pa talaga ready si Kuya palitan si Mama, although, tumutulong naman si Kuya pero wala pa talaga sa isip niya ang i-manage 'yon mag-isa. Plus, pini-pressure pa siya ni Mama sa planong additional building para ma-accommodate ang high school extension ng SNL. But ang chika e, parang joined partnership gagawin nila roon with Iesus."
"Bakit walang nabanggit si Balti sa'kin na ganyan?"
"Alam mo naman 'yon. Kapag sariling problema, sinasarili niya. At baka siguro ayaw niya ma-stress ka. Gusto niya mag-focus ka sa kasal n'yo."
Napabuntonghininga siya sabay kagat ng sandwich. "Kahit na... madalas naman siyang mag-open-up sa'kin."
"Hayaan mo na. He didn't mention it to me naman din. Pasmado lang din bibig ng ama ko kaya nakapangisda ako ng chika. But kapag nag-open-up siya sa'yo, don't tell him you got this information first from me kasi baka ipabalik na naman niya akong South Korea. Maging tragic pa love story namin ng Juan ko." Umasim na naman mukha nito. "Juan na mahirap din intindihin."
Natawa siya. "Friends!"
"Ah basta! Huwag mo na masyadong problemahin 'yang si Kuya. May mga araw talaga na mahirap siya intindihin." Natigilan ito. "Ani! Let me correct that. Mas madalas na hindi natin siya maintindihan kaysa sa mga araw na normal siya."
Tawang-tawa siya.
"Anyway, nakapag-usap na ba kayo ni LV? Gusto sumama ni Mama para raw maging updated siya sa preparation ng kasal n'yo."
"Next weekend pa, pero nagkausap na kami kahapon. Swear, na-e-stress na ako sa mga to-do-list na gagawin namin. She sent me some samples, wedding pegs, list ng mga wedding gown designers... at hindi pa namin napag-uusapan ang reception. Nasa first stage pa lang kami pero nilayasan na ako ng utak ko."
Natawa si Maha. "Girl, ginusto mo 'yan. Gusto mong magpakasal, 'di ba? Suffer!"
"Gage!"
"But you know it will be worth it."
Napangiti siya. "I know."
"Naalala ko, 'di ba may dream wedding ka naman na talaga noong college tayo? May nilista ka na ngang motif saka theme ng reception. Pangarap mo maikasal sa Santo Niño kay kuya. Nabago na ba?"
"Hindi naman."
"O, bakit 'di ka pa rin nakakapili ng simbahan?"
"Gusto ko pa rin naman doon ikasal. Pero gusto ko munang ipaalam kay Balti kung gusto niya rin doon. Ayoko mag-desisyon na ako-ako lang. It should be mutual."
"Obviously, gusto ni Kuya ibigay sa'yo ang kasal na pinapangarap mo kaya ka niya hinahayaan sa lahat. Wala naman 'yon bad reaction when it comes to you. Kahit na mainis 'yon sa'yo e narinig mo bang nagalit siya? O kung nagalit man siya e matatawa ka lang." Natawa siya. "See? Marupok 'yong si Bartolome. Pero mas madalas mahirap seryosohin kapag nagseseryoso. Iisipin pa rin nating joke." Tawang-tawa si Maha pagkatapos.
"Charm niya 'yon."
"Sige ipagtanggol mo pa ang Bartolome mo, Ma'am Nin. Diyan ka naman nag-e-excel in life."
"Maiintindihan mo rin ako."
"One-sided love pa lang namin ni Juan damang-dama ko na."
"Madadama mo pa 'yan in the coming days."
Matalim na matalim ang tingin ni Maha sa kanya. "Jugeullae?!" Tawang-tawa lang siya. Of course, alam niya meaning no'n.
"BABALIK ng US si Jude," basag ni Mari.
"O, akala ko ba magbabakasyon muna kayo?" ni Chi. "Bakit lalayasan ka na naman ni Hudas?" Natawa lang si Mari sabay kagat ng hawak nitong stick-o.
Tamang kinig na lang muna sila nila Au at Maha habang nag-snacks sila sa rooftop. Sabado, after sa school kanina e dumiretso na sila ni Maha sa Faro. Half day lang naman talaga sila madalas sa Sabado. May tinatapos lang na hindi natapos noong weekdays. She and Maha will spend their weekends in Faro. Inaya nila si Balti kanina pero busy ito - as usual.
Hindi na lang niya masyadong iniisip. Baka i-overthink na naman niya.
"Importante raw e. Pero one week lang naman daw. Uuwi lang din siya. Mama Celia is here naman so hindi rin ako mahihirapan sa pag-aalaga sa kambal. Though, malaki talaga tulong ni Jude. Mas nakakapag-relaks ako."
"Dapat lang naman, 'no?! Bumawi siya sa inyong tatlo."
Natawa si Mari. "And I enjoyed seeing him with Lyre and Sunset. Napapawi lahat ng pagod ko at mas na-i-inspire akong tapusin ang mga pending songs ko. Gusto kasi ni Jude na isama sa comeback album ng Queen City ang isang duet song na kami mismo ang mag-ko-compose at kakanta."
Nagkatinginan sila Au at napangiti.
"Ang sweet naman no'n," komento niya.
"Excited na ako," dagdag ni Au. "I'm sure sobrang ganda no'n."
"Au, kailan naman malalaman na pumasa ka sa board exam mo?" pag-iiba ni Chi. "Para naman maihanda na namin ang pangmalakasan naming tarp."
"Gaga! Wala akong tiwala sa inyo. Kita n'yo 'yong tarp ko noong graduation ko?"
Tawang-tawa silang lahat. Nakita na rin niya 'yon. In-share ni Chi sa GC nila. May Group Chat na sila ngayon pero exclusive for girls only. May separate naman na GC ang Rooftop Squad kung saan si Balti ang founder. Nandoon lahat ng latest chika.
"So kailan nga?!"
"Next month pa. Pero 'di ko sasabihin kung kailan."
"Malalaman din naman namin 'yon."
"Hulaan n'yo na lang."
"May google, tanga!"
"Hahaha!"
"BAL?" Kumatok siya sa pinto ng kwarto nito ng dalawang beses. "Bal, pwede pa tayong mag-usap?" Walang sumagot. Kumatok ulit siya. "Bal?" Hinawakan niya ang seradura at napansing hindi 'yon lock. "Bal, papasok na ako." Pinihit niya pabukas at bumungad sa kanya ang walang taong silid.
Patay halos ang mga ilaw pati na rin ang aircon nito. Na saan kaya si Balti? Alas nuebe pa naman ng gabi. Hindi rin ito sumabay sa kanila mag-dinner. Isinirado na lamang niya ulit ang pinto at bumaba sa library nito. Pagtingin niya e wala ring tao sa library.
"Na saan kaya 'yon?"
Nag-alala siya.
Lumabas siya ng bahay dala ang cell phone niya. She tried calling him. Nag-ri-ring naman pero hindi talaga siya nito sinasagot. Hanggang sa matagpuan niya ang sarili sa dalampasigan. Kinailangan pa niyang hawakan ang buhok para hindi liparin ng hangin.
"Balti?" Naibaba niya ang cell phone na hawak nang makita itong nakatayo sa harap ng dagat. "Balti," tawag niya ulit dito. Lumapit pa siya. "God, Balti, kanina pa kita hinahanap -"
Bumaling ito sa kanya.
"Nin," pagtawag pa lang nito ay kinabahan na siya. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Tila ba kanina pa ito nag-iisip sa lugar na 'yon. Ang hampas ng alon sa dalampasigan ang bumabasag sa namumuong kaba sa kanyang puso.
"May sasabihin ka?" lakas loob niyang tanong.
"I've been thinking..."
"Ano?"
"I don't think this will work." Tinignan siya nito ng diretso sa mga mata. Pagkabitaw pa lang nito ng mga salitang 'yon. Alam na niyang masasaktan siya sa susunod na sasabihin nito. "I want to break up with you."
Nasundan niya ang pagyuko nito sa kanyang kamay. Hinawakan nito at dahan-dahang inalis ang engagement ring na ito mismo ang nagsuot sa palasing-singan niya. Pagkurap niya ay kusa na lamang sumabay ang mga luha niya. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib at patuloy na pagdaloy ng mga luha.
Umangat muli ang tingin nito sa kanya.
"Let's cancel the wedding."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro