Kabanata 40
"MAHA!" Yakap agad ang ibinati ng mama niya kay Maha nang makapasok sila sa sala. "Akala ko e nagbibiro lang 'yong si Niña nang tawagan ako kanina." Kumalas ang ina sa pagkakayakap kay Maha. "Naku, pansensiya na, anak, amoy ulam pa ako." Inayos nito ang suot na apron.
"No worries, Tita Carol, gustong-gusto ko ang amoy mo."
Natawa ang mama niya. Napangiti naman siya sa dalawa. Parang walang taong lumipas. Kaya wala tagala sa vocabulary ni Maha ang kahihiyan. It's either she'll fake it or genuine talaga ang pakikitungo nito. Pero sa mga oras na 'yon e alam niyang totoo ang nakikita niyang saya sa mukha ni Maha. Adopted daughter na talaga ng mama niya si Maha.
"Ikaw talaga, bolera ka pa rin. Maiba ako, may boyfriend ka na ba?"
Nagusot ang mukha ni Maha. "Hay naku, Tita Ca, huwag na nating pag-usapin 'yang love life. Na-e-stress lang ako." Natawa silang mag-ina. "Sana all, 'di ba?" baling pa nito sa kanya.
"Papansinin ka rin no'n," aniya, na natatawa. "Dasalan mo lang."
Her mother gently tapped Maha's right shoulder. "Bata ka pa naman. 'Yong kuya mo e lagpas na sa kalendaryo kaya 'yang si Niña na nag-adjust."
Tawang-tawa silang dalawa ni Maha.
"Tita, alam ba ni Kuya na nililibak mo siya nang ganyan?"
"Maunawain naman 'yong kuya mo. Kapag nag-react siya babawain ko sa kanya ang anak ko."
"Ma!" aniya, tawang-tawa pa rin.
"Wait, Tita, record natin para may ipam-blackmail ako sa 'sang –"
"Akyat muna tayo." Hinila na niya sa braso si Maha sa direksyon ng hagdanan. "Sabi mo gusto mo muna magpalit, 'di ba?" Syempre, ang loyalty niya e na kay Balti pa rin.
"O, siya, tatawagin ko na lang kayo kapag nakahain na ang mga pagkain sa mesa."
Nakangiti pa rin si Maha habang umaakyat sila sa hagdan. "Grabe, hindi man lang tumanda si Tita Carol." Iginala nito ang tingin sa paligid. "Bagong pintura bahay n'yo?"
Tumango siya. "Oo, wala naman gaanong na bago. Pintura lang saka siguro mga furniture."
"Na saan si Kath?"
"Nasa tindahan siguro."
"Hindi na nagbago ang batang 'yon, 'no? Madaldal pa rin."
"Sinabi mo pa."
Pumasok sila sa kwarto niya. Nakapag-ayos na rin naman siya at naibalik na niya 'yong mga naalis niyang picture sa study table niya noong madalaw sila rito ni Balti.
"Wallpaper lang yata na bago sa kwarto mo."
"Pinapalitan din ni Mama e. Pero at least fresh sa mata." Napansin niya itong lumapit sa study table niya.
"So you still have these photos?"
Lumapit siya rito. "Tinamad akong tanggalin," aniya, bahagyang natawa.
Inilagay na niya halos lahat ng trio photos nila. May mga photos din na kasama si Tor. Photo ng parents niya at noong bata siya. Saka 'yong latest group photo nila noong birthday nila Jude at Simon and 'yong puro girls lang sila. Selfie naman 'yon mula sa camera ni Chi. Syempre, photo nilang dalawa ni Balti noong nag-propose ito sa parola.
"Akala ko ba you're not allowed to climb up sa lighthouse?"
"Kilala mo naman 'yong kuya mo."
Maha shrugged her shoulders. "Sabagay. Lulusot at lulusot talaga ang 'sang 'yon."
"May dala ka ba laging spare clothes?"
"Yup. I don't want to go out or stroll in the mall in my teacher's uniform. In case makakita ako ng away e handa akong makipagsabunutan."
Natawa siya. "Gage!"
Maha smugly smiled. "Mabuti na rin 'yong handa." She let out a sharp sigh. "Anyway! I'll go and change."
"Right, maiwan na muna kita rito at babain ko muna si Mama."
"Okay!"
"ATE MAHA, lagi ka bang nakakita ng celebrity sa SoKor?" tanong ni Kath, hindi na niya mabilang kung pang-ilan. Game na game naman kasi si Maha.
"Naku, scam! Hindi mo sila makikita kapag 'di ka nag-effort."
"Ay ganoon?"
"Kailangan mo nang dispatch super powers para mangyari 'yon saka if you see one, if you're lucky lang na makita sila sa mga common stores, restos, and cafes kung saan sila lagi e dapat calm ka lang kahit na gusto mo na silang lapitan. As a fan, we should always respect their privacy."
"Example ng mga places na napuntahan mo?" tanong na niya. "I'm sure, alam na alam mo na 'yan. Ilang taon ka rin sa South Korea."
"Well, I've been to 89 Mansion, it's a café owned by Lee Jong Suk in Gangnam, Sinsa-Dong. Sa Seoul lang din 'yan. You're familiar with him? Two Worlds? While You Were Sleeping? I Can Hear Your Voice?" She and Kath nodded. "Pricey talaga ang nasa menu but one time talaga, medyo around 5 pm na yata 'yon. Naloka ako, girl! Pumasok siya bigla."
Namilog nang sobra ang mga mata nila ni Kath. Ang gwapo kaya no'n!
"Daebak!" ni Kath. "Tapos? Tapos?"
"Na starstruck ako! Madalas ko naman talaga 'di maramdaman ang utak ko, but that exact moment, feeling ko tuluyan nang nawala ang utak ko. Nag-evaporate ang brain ni Maha."
Tawang-tawa sila ni Mama. Na-i-imagine nga niya. "Pero nakakuha ka ng pictures?"
"Natulala ako! Nasa counter pa ako noon. Tapos lumapit nga siya sa counter. Buti magaling ako mag-Korean naintindihan ko sinabi niya sa staff niya. Girl, in-grab ko na ang chance. Kinapalan ko na mukha ko at nagpa-picture ako."
"Waaaa!" tili ni Kath. "May picture ka Ate Maha?"
"Meron. Send ko sa'yo mamaya. Saka 'yong cup ng iced coffee na binili ko napapirmahan ko sa kanya. Grabe, after talaga nang encounter na 'yon, pumunta akong Cathedral, same, sa Seoul pa rin 'yan. It's a Catholic Church."
"Ang dami mo na sigurong celebrity encounters?" dagdag pa niya.
"May scrapbook album ako ng mga encounters ko. Dalhin ko sa susunod na dalaw ko rito para complete ang visual experience. Pero usually, if you're in for celebrity haunt, you should visit Gangnam, Itaewon, Cheongdamdong, or Apgujeong. But, swertehan lang talaga. Mahirap i-haunt-down ang mga super sikat. Mayayaman lang may access sa mga tambayan nila. Or overseas na nga halos sila namamasyal."
"Pero saan ka banda sa Seoul, Ate Maha?"
"I'm living in Gangbuk-gu, Seoul." Na-a-amaze siya sa pronunciation ni Maha sa mga binabanggit nitong lugar. Halata talagang sobrang galing na mag-Hangul. "It's the northern side of Hangang River or Han River. Gangnam-gu, south side naman siya, more on high rise residences, upmarket, and nightlife sila roon. In Gangbuk-gu, they're more like the traditional Seoul or old Seoul. If you're into culture and history, Gangbuk is for you. Mas madali palaces doon. But if nightlife and luxuries, Gangnam."
"Daebak! Sana makapasyal din ako," Kath sigh dreamily.
"Mag-aral ka nang mabuti para may pang South Korea ka," ni Mama.
Natawa na lamang sila sa panguso ni Kath. "Si Ate Maha, nalibot ang Seoul. Si Ate Nins, ang Thailand. Sana all."
"Trabaho naman pinunta ko roon," sagot niya. "Pasyal-pasyal din minsan."
"Naku! Mas stressful magturo sa Korea," dagdag ni Maha. "Malaki nga sweldo pero nasusubok talaga pasensiya ko. Tinapos ko lang talaga contract ko. Hindi na rin ako babalik doon. Bakasyon, pwede. Pero 'di na talaga."
Natawa siya. "Parang K-Drama ba?"
"Hay naku! Sinabi mo pa. Wala man lang Oppa na nag-abot sa'kin ng yellow na payong."
"Malay mo si Juan," she chuckled.
"Si Juan pala crush mo?" manghang tanong ni Mama rito.
"Actually, kahit na baliw ako sa mga inaangkin ko nang mga asawa. Hindi pa rin ako 100% convince na mag-asawa ng Koreano. Una, dahil celebrities sila. Kahit mabait pa sila, malabo talaga na mapansin ka. Second, upbringing and culture. I've lived there and medyo mahirap talaga buhay sa Korea. Saka may mga makikilala ka talagang 'di mo maiintindihan ugali. Malabo kausap. I don't like the biased seniority treatment, rampant bullying because of their own standard of beauty, and rich familial connections. It's too stressful for me. But, hindi ko nilalahat, ha? Since I also have Korean friends na super bait naman din talaga."
"E, anong tingin mo kay Juan?"
Ngumisi si Maha. "Bisdak na Cebuano."
Tawang-tawa sila.
"INGAT ka sa pag-uwi." Naka-park naman ang kotse nito sa parking lot nila. Nabuksan na ni Ate Nora ang gate. "Salamat sa kwento at oras."
"Naku, 'di pa nga ako nakakalahati."
Natawa siya. "Sa susunod ulit."
"Next time, ikaw naman magkwento. You know, your Thailand escapades." Maha smiled and chuckled. "I would love to know. I've heard may district sa Thailand na nagbebenta nang magagandang damit in a cheaper price."
"Madami. Mag-ho-hoard ka siguro."
"Knowing me? I wouldn't miss it in the world." Pareho silang natawa sa isa't isa. "But anyway, I did enjoy this dinner. Thanks, Nins." Nagulat siya nang yakapin siya nito. Napakurap siya. "I did miss you." Doon talaga siya naluha. Gumanti siya nang yakap kay Maha. "I'm sorry."
"Talagang dito ka pa nag-sorry sa harap ng bahay namin?"
She laughed. At nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay umiiyak din pala ito. Halos sabay nilang pinunasan ang mga luha.
"E bakit ba? Saan ba dapat sa tuktok ng parola?"
"Gage! Ikaw kasi."
"Oo, ako kasi." She cupped her face at ito na mismo ang nagpunas ng mga luha niya. "Ang lakas na naman nating maka-jowa." Tawang-tawa sila pareho. "Pero sana, 'di ba? Lahat may jowa."
"Dadating din 'yan."
"Ang bagal. May lakad ako."
Lalo siyang natawa. "Matagal ko ring hinintay ang kuya mo."
"Saksi ako roon. 15 years?" Pinakawalan na siya nito. "Pero alam ko naman pabebe lang 'yong si Bartolome." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Shuta ka, magiging sister-in-law na kita. Matutupad na 'yong marriage certificate na pinapangarap mo ever since the world began."
"Soon to be Mrs. Juarez."
"'Yan ang goal!"
"At ikaw pa rin ang maid of honor ko."
Napakurap si Maha. "Ako?" Tumango siya. "Bakit ako? Pangit ako ka bonding."
"Gaga! Ikaw lang naman best friend ko."
Natawa si Maha. "Correction, estranged best friend."
"Wala namang nagbago e. Ikaw pa rin ang gusto kong maid of honor. Na set na 'yon sa mind ko."
"Well, choosy pa ba ako? Pero gusto ko sana maging bride's maid lang para i-partner mo ako kay Juan kasi alam kong si Tor ang best man ni Bartolome."
"Hindi rin naman papayag si Juan na maging partner ka."
Napamaang ito. "Hoel! Talaga ba, Niña Rosella Marzon? May lakas ka na ulit asarin ako? Kanina lang e todo build up ka sa amin ni Juan." Pinaningkitan siya ito ng mga mata. "How could you?!"
Natawa ulit siya. "Sanay ka namang binabara ni Chippy."
"Gaga 'yong babaeng 'yon."
"Pareho lang naman yata kayo ng tabas ng bibig."
"Wholesome pa rin ako."
"Hindi mo sure."
"Yaaaa!"
Tawang-tawa ulit siya. "Umuwi ka na nga. Ma-late ka na naman bukas. Alas diez na." Tinulak na niya ito papasok sa driver's seat. "Hindi raw matutulog si Tita Bea kapag 'di ka nakauwi."
"Matutulog 'yon. Si Juanito ang pagbabantayin niya."
"Kaya umuwi ka na para makatulog na papa mo."
"Favoritism 'yon si Beatrice." Isinirado niya ang pinto para rito. Ikinabit na nito ang seatbelt. Nakababa pa rin naman ang salamin ng bintana nito. "Anyway, I'll see you tomorrow."
"Bukas ulit."
"Ipa-ban ko kaya si Pam at Dylan sa school?"
"Gaga! Mapapatawag ka na naman ng mama mo."
Ngumisi ito. "Siya mag-adjust."
"Huwag na lang natin pansinin. Tayo lang din ma-i-issue kapag pinatulan natin."
"I know, right?" Umasim pa ang mukha nito. "Tinik talaga ang babaeng 'yon. Uwi na ako."
"Lumayas ka na. Daldal mo."
"Mas madaldal pa rin si Bartholomew Juarez." Pinaandar na nito ang sasakyan. "Bye!" At nag-drive palabas ng bahay. Kumaway na lang siya dahil makikita rin naman 'yon ni Maha mula sa side mirror.
Hindi pa rin naalis ang ngiti niya kahit na noong makapasok siya ng bahay. Dumiretso na siya sa itaas ng kwarto niya. Madalas talaga effective para sa kanya ang i-ignore ang mga negativity sa buhay niya at mag-settle na lang sa mga bagay na kaya niyang unawain. The more kasi nag-iisip siya ng pangit e negative ang outcome. Unlike, if hindi niya pini-pressure ang sarili, mas madaming unexpected good news na dumarating sa buhay niya.
Nakangiti pa ring bumuntonghininga siya.
Ilang segundo siyang napatitig sa mga paa niya habang nakaupo sa gilid ng kama nang biglang pumasok sa kanya ang isang bagay na feeling niya dapat niyang hanapin. Naiangat niya ang mukha. Wait, nadala ba niya pabalik 'yong wooden box na may ink bottle?
"Maleta ko."
Mabilis niyang hinanap ang maleta niya. Pero wala talaga siyang naalala na may nailabas siyang wooden box. Pag-check niya e empty ang loob ng maleta niya. Sinunod niya ang closet niya. Wala. Sa mga boxes. Wala. Sa mga drawers. Sa study table. Walang wooden box. Kahit doon sa memory box niya e wala rin doon.
Bumalik siya ng upo sa gilid ng kama. Inisip niyang maagi saan niya na misplaced ang wooden box ng papa niya. Itinago niya talaga 'yon e. Kung wala sa kanya. Malamang nasa bahay lang 'yon ni Balti. Sa kwarto nila ni Maha.
"Shuks!" Naisuklay niya ang kamay sa buhok. "Hindi pa naman niya puwedeng tawagan at puntahan si Balti para i-check. Wala rin si Ate Grace. Bumalik sa bahay ng mga Juarez."
Hindi, hindi naman 'yon mawawala sa bahay ni Balti. Nandoon lang talaga 'yon. Hindi ko 'yon naiwala. Kalma muna, Nins. In two days time, makakabalik na akong Faro. Ako na lang mismo ang maghahanap.
Marahas siyang bumuntonghininga.
"Gags, Nin, minsan burara ka rin e. Okay sana kung makalat basta matalas memorya. Kaso makakalimutin ka rin e."
Nakaka-stress!
"TIK-TOK-TIK-TOK..." sabay na ni Balti sa tunog ng father's clock sa loob ng library niya sa bahay. Nakapatong na ang mga paa sa mesa at halos maubos na niya ang stock ng scratch papers sa paggawa ng kung anu-anong paper crafts.
Barko. Eroplano. Box. Butterfly. Pamaypay.
Walangya, mamamatay na yata siya sa boredom. Ang bagal ng oras kapag nasa bahay lang. Higa. Basa. Kain. Panonood ng movies. Higa. Basa. Kain. Hindi niya naman magawang buklatin ang missing items journal dahil naalala niyang may inipit pala siyang picture ni Ninin doon.
Hindi naman sinabing huwag niya isipin ang girlfriend niya. Wala naman 'yon sa usapan. Ang sabi, huwag lang makipagkita at makipag-usap. Hindi naman sinabi na huwag isipin. And so far, wala na siyang nararamdaman na side effects. He was completely normal even if Niña was not around.
So, baka nga, wala na sa katawan niya ang reverse spell ni Hayme.
Pero nahihirapan naman siyang mag-adjust na hindi niya nakikita si Niña 24 hours. Hindi naman sila nagkikita talaga in every second of his life pero at least alam niyang may uuwian siyang Niña. Pero walangya, solo siya ngayon. At sa susunod pang dalawang araw.
Ang yellow emoticon stress ball naman niya ang pinanggigilan niyang lakumusin. "Sana maranasan din ni James Dominic Laroa ang mga pinaranas niya sa'min ni Tor. Tignan natin kung kayanin niyang iwanan ng mahal niya." Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. "Kaso, taong kahoy 'yon. Isang naglalakad at humihinga na kahoy. Walang emosyon. Laging may stiff neck. Pangit ka bonding."
Malakas na binato niya ang stress ball sa harap. Wala naman siyang nasira. Tumalbog-talbog lang at gumulong sa kung saan.
"Mababaliw na ako!" sigaw niya.
Syempre, wala siyang makausap. Bawal daw dalaw. Hinahatiran lang siyang pagkain ni Dmitry. Sa sobrang bored niya. He has all the time in the world to create the best plan kung paano pasasabugin ang buong Faro de Amore. Napa-isip siya. Is it worth it? Ano kaya magiging reaksyon ni Iesus? Sino kaya sa mga Faro Boys ang puwedeng gawing assasins?
"Juan and his wonder pets," nagsimula siyang magbilang sa daliri habang nakatitig sa kisame, "and Simon. Madali 'yon ma-bribe ng pagkain. Jude. Tama, perfect si Hudas. Anak 'yon ng kadiliman. Malaki rin maitutulong ni Hayme kaso pangit ka bonding. Ekisan ko muna. Reserved member. Sino pa ba? Si Sep. Tutal lagi naman no'ng tina-traydor si Iesus. Automatic na si Jam. Kung na saan si Juan. May Jam-Jam. Si Andrew? Hmmm. Ang hirap kausapin no'n. Kasing hirap na ma-plantsa ang kulot niyang buhok."
Ibinaba niya ang mga paa at umayos ng upo.
"Teka, na saan na ba 'yong naitago kong floor plan at mapa ng buong Faro?" Binuksan niya ang mga drawers sa mesa niya kahit na alam niyang wala naman doon ang hinahanap niya. Ibinalik lang din niya dahil naisip niyang nababaliw na talaga siya. "Saka na lang. Tinamad na ako." He leaned on his swivel chair at pinaikot-ikot 'yon.
"Iesus Cloudio de Dios sagipin mo akoooooooooo!"
KINAGABIHAN ay mukha na siyang naglalakad na zombie. Anak ng visual aids! May dalawang araw pa siyang i-su-survive. Bagsak na ang mga balikat. Tulalang naglalakad. "Aray!" Muntik pa siyang mahulog sa hagdan. Ewan, 'di na yata malinaw sa kanya ang mga baitang. Patayin n'yo na lang akooo! Sana naman kahit isa lang kina Simon o Juan ang pinasama sa kanya. Mababaliw siya na walang kausap. Dios ko, kinakausap na niya ang salamin. Hindi magandang pangitain.
Masasakal niya talaga si James Dominic Laroa!
Hindi na 'to makatarungan.
Sana 'di masarap ulam nang lahat. Makonsensiya sana silang lahat sa mga pinapagawa ng mga ito sa kanya. Kailangan niya talagang magbasa ng isang missing item para makatulog siya. O dapat, ni request niya kay Iesus na ipadala sa bahay ang black book para isang sentence lang bagsak na siya agad.
"Lintik lang talaga ang walang ganti!"
Lumagpas na siya sa kwarto nila Maha at Niña. Pero may naramdaman siyang kakaiba. It's not something scary. Pero natigilan pa rin siya. Bumalik siya at tumayo sa harap ng pinto. Sa tagal niya sa bahay na 'to. Alam niyang ang bahay niya ang pinaka hindi siya natatakot. Mag-isa lang naman siya roon.
And Faro is the safest place.
Kung may nakakapasok man sigurong mga kaluluwa o engkanto. Sabi naman ni Au e harmless. Vier also assured him.
Pero may puwersa talaga sa likod ng pinto na humahatak sa kanya.
Lumunok siya bago hinahawakan ang knob ng pinto. Pinihit niya 'yon pabukas. Bumasag sa katahimikhan ng bahay ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang madilim na kwarto. He just didn't remember if Grace left the glass panel window open before she left earlier or not. Nilipad ng hangin ang manipis na puting kurtina dahil nakatali pa ang makapal na kurtinang kapares no'n.
Natatamaan ng kaunting ilaw ang parteng 'yon mula sa kalapit na ilaw sa labas kaya nakikita pa rin niya nang maayos ang loob. Dim nga lang.
Pumasok siya sa loob. Naririnig niya ang mga yabag niya. Dati e hindi naman niya napapansin na tahimik ang bahay. Madalas matulog sa sala niya si Simon. Kapag nagkayayaan ng inoman e halos 'di na umuuwi ang mga kaibigan niya kahit magkakalapit lang ang mga bahay nila. Well, except kay Tor. Uuwi at uuwi talaga 'yon.
Naigala niya ang tingin sa paligid.
Wala naman siyang makapang takot. Hindi rin nananayo ang mga balahibo niya sa katawan. He just suddenly felt alone – literally alone.
He hated being alone.
He hated silence.
There is something unknown in silence that he despises the most.
Naupo siya sa sofa bed kung saan laging natutulog si Niña. He realized that he like it better when she's here – mas gusto niya ring nandito si Maha. Mas magulo. Mas maingay. Mas masaya. Napangiti siya nang mapait.
Napabuntonghininga siya.
Gusto na niyang matapos ang tatlong araw. Isang araw pa lang siyang mag-isa rito sa bahay pero feeling niya isang taon na siyang nakakulong. Isolation is more like an imprisonment to him. He felt trap. The feeling was too familiar. Gustong-gusto niyang kumawala kahit na hindi niya alam eksakto ang dahilan at kung saan nanggagaling ang pakiramdam na 'yon.
Kumurap siya at aksidenteng napatid ng likod ng paa niya ang pinakailalim ng sofa bed. Napayuko siya at napansing bahagya palang umusli mula sa lalagyanan ang secret compartment ng sofa bed. Hindi 'yon masyadong napapansin kung hindi rin yuyukuin.
Umalis siya sa pagkakaupo at patingkayad na naupo sa harapan ng sofa bed para ayusin ang secret compartment. It got stucked. Iniluhod na niya ang isang tuhod at hinawakan ang edge ng upuan habang ang isang kamay ay sinusubukang ayusin ang kaha pabalik. Kaso ayaw pa rin. Bumuga siya ng hangin at nagpasya na lang na alisin 'yon. Marahas na hinugot niya ang kaha dahilan para mawalan siya ng panimbang.
Tuluyan na siyang napasalampak ng upo sa sahig kasama ng kaha ng secret compartment. Halos nahigit niya ang hininga at bahagya pang lumakas ang tibok ng kanyang puso.
"Langya!"
Pinagpawisan pa siya.
Akala niya e walang laman ang kaha pero meron pala. Isang wooden rectangular box na may metal lock. May kakaibang wood carving design ang katawan ng box. More like plant vines and thorns. Pero walang bulaklak.
"Kay Niña ba 'to?"
He had never seen this. Sure siyang hindi rin 'to kay Maha. At lalong hindi kanya. He flipped the metal lock open at binuksan ang takip ng wooden box. Bumungad sa kanya ang isang chained brass glass bottle with a long black feather pen. The ink bottle was too familiar. From the perfume-shaped bottle to the brass and gold crown leaf cover lid that resembles a cloak.
The black ink inside the bottle was glistening. Hindi niya alam kung dati na 'yong ganoon o dahil madilim lang ang kwarto kaya 'yon kumikinang. It's odd. Hindi naman yata kumikinang ang ink. Titig na titig siya sa laman ng bote. He knew he's slowly drifting away pero hindi niya magawang iiwas ang mga mata. Hinaklit na lang niya bigla ang chain na nakabalot sa bote at feather pen. He didn't have any damn idea why and how the hell was he able to do that.
Lalong kuminang ang bote.
Inalis niya sa lalagyan ang ink bottle at hinawakan 'yon. Naniningkit ang mga mata habang sinusubukang basahin ang nilumang pangalan na nakadikit sa katawan ng bote.
"Ha..n...yel..." Umiling siya. Binasa niyang maagi at pinadaanan ng isang daliri. "Han...Han... Hanael?" Napasinghap siya nang bumaon sa mga palad niya ang matinding init. Umaapoy ang bote sa loob. He could clearly see the reflection of his eyes on the glass bottle. It was burning! "Fuck!" mura na niya. Napakurap siya at halos kapusin na siya ng hininga. "What the –" Hindi niya mabitiwan ang bote.
The storybook in the museum!
It was the same.
The same burning feeling in his veins that seared through his arms. Tila dumadaloy ang nagbabagang apoy sa mga ugat niya. Umaakyat sa kanyang ulo.
Naluha siya. Umawang ang mga labi at napahawak sa kanyang ulo. "No!" Mariin niyang naipikit ang mga mata. "No! No! Noooooo!" Nag-iinit ang katawan niya. Parang sasabog ang ulo niya. Feeling niya sinusunog siya.
Niñaaaaaaa!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro