Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

"YOU were a mess earlier, Bartholomew," agad na salubong ng ina as soon as he entered the Juarez house. Tinawanan lang niya ito saka niyakap at hinalikan sa pisngi. "Don't try to sway me. I'm still mad at you."

"Hindi na mauulit," he chuckled. Iniangat niya ang box ng dala niyang cake. "I bought your favorite red velvet cake." This time ngumiti na ang mama niya.

"Sipsip talaga nito!" ingos ni Maha na kakababa lang mula sa hagdan.

"My favorite son!" Lumabas mula sa kusina ang ama niya na may malaking ngiti. Suot pa rin nito ang brown na apron. "Masaya talaga ang bahay na 'to kapag kompleto tayo." His father hugged him and playfully patted his back.

"Pa, isa lang naman anak n'yong lalaki," kontra na naman ni Maha.

Ibinaling niya ang mukha sa kapatid pagkatapos kumalas sa pagkakayakap ng ama. "Alam mo Maharlika, kung wala ka ring sasabihing maganda tahiin mo na lang bibig mo. Masaya na kaming tatlo."

Umawang ang bibig nito. "Paaa!" baling nito sa ama nila. "'Di ba, I'm your favorite daughter? Defend me from those evil spirits!" Dali-dali itong yumakap sa braso ng ama nila. Tawang-tawa siya. Parang bata! Edad lang tumanda sa 'sang 'to pero ang maturity pang kindergarten pa rin. "Ako lang ang prinsesa n'yo 'di ba? Pa, darating 'yong order ko sa Lazada bukas. Pahiram muna pera pambayad."

"Syempre naman, anak, ikaw lang kaya ang prinsesa ko –"

"Ahem!" Mama cleared her throat.

"Pero Mama mo ang reyna," biglang bawi ni Papa.

Humagalpak siyang tawa.

"Papa naman e!"

"Magtigil ka Maharlika!" ni Mama. "Puro ka gastos. Mag-asawa ka at 'yong asawa mo gumastos para sa'yo."

"E wala nga 'yang boyfriend," ni Papa.

"Apaaaa!"

"Nandoon sa kusina, anak. May ice cream pa sa ref," sagot ni Papa.

Lalo lang umasim mukha ni Maha. "I'm so bullied in this family." Inakbayan niya ang kapatid at ginulo ang buhok. "Kuya, ano ba?! Kainis naman e!" Tinawanan niya lang ito.

"Huwag ka muna mag-asawa hanggat hindi ka tumitino," aniya rito. "Kawawa ang asawa mo sa'yo. Tatanda nang maaga."

"Nga pala, Balti, wala ka namang gagawin sa Sabado," ng Mama niya.

"Hindi ka sigurado roon, Ma."

"Ah basta! Half day ka lang naman sa school madalas kapag Sabado. Dinner naman 'to."

Tinulak siya ni Maha at napangiwi siya hindi dahil sa pagtulak ng demonyita niyang kapatid kundi dahil in-schedule na naman siya ni Beatrice Juarez ng date sa anak ng mga amega nito. He didn't like any of Beatrice's match-making magic. It sucks!

"Ma –"

"No buts, Balti. Ilang beses mo nang 'di sinisipot ang mga anak ng mga amega ko."

"Ay talaga?" ni Maha. "May taste ka, Ma?"

"Maharlika!"

Tawang-tawa sila ni Papa.

Ngumisi si Maha. "Ma, madala ka na. Para 'tong tanga. Hello? Kailan pa um-attend si Kuya sa mga dates na in-schedule mo for him? Luluha muna ang langit ng dugo bago mangyari 'yon. Kaya nga umuwi na ako kasi alam ko na tatandang binata 'tong favorite son n'yo." Inilapat nito ang isang kamay sa dibdib. "Ako na. Ako na, Ma. Ako na muna mag-aasawa."

"Wala ka ngang boyfriend, anak," kontra na naman ni Papa. Pigil na pigil niya ang tawa. Masakit na tuloy panga niya sa pagpipigil din ng ngiti. "Sino ba papakasalan mo? 'Yong insek na standee mo sa kwarto? Nagsasalita ba 'yon?"

Bumakas naman ang panic sa mukha ni Maha. Patay! Mukhang nasilisihan nito ang ina nila pero na traydor na naman ni Juanito Juarez si Maharlika.

Pinanlakihan ng mga mata ni Mama si Maha. "Maharlika, bumili ka na namang standee?!"

"Hindi Ma! Itong si Papa 'di na naman maka move on. 'Yong dating standee pa ho 'yon ni Sehun, Ma. Wala na 'yon. Binenta ko na. Wala na ho akong Kpop merchs." Pasimple nitong sineyasan ang ama. "Hindi ba, Pa? 'Yong standee ko noong college ang tinutukoy mo?"

"Ah – oo?"

"O, bakit 'di ka sigurado, Juanito?" Nakataas na ang kilay ni Mama. "Umayos ka at pati ikaw ipapadala ko ng North Korea kasama nitong si Maha."

Tumawa si Papa saka lumapit at niyakap si Mama. "Ano ka ba naman, mahal ko. Tumatanda na ako. Syempre may mga bagay na 'di na malinaw sa isip ko."

"Nagugutom na ako!" mabilis sa segway ni Maha.

Para-paraan din 'to e. Lahat ng merch at standees ng mga oppaw na lalaki ni Maha nasa bahay niya. Syempre may kapalit ang katahimikan niya. Hindi siya mukhang pera pero hobby niya ang bigyan ng stress 'tong kapatid niya. Pinarentahan niya ang isang kwarto niya sa bahay sa Faro. At least may income siya monthly at stress si Maha.

The only bad thing about it is, lagi naman siyang dinadalaw ng demonyita niyang kapatid sa Faro at may na-e-stress namang Ryuu Juan Song. Kung bakit kasi may hawig pa 'yong si Juan sa crush na crush nitong si Maha na si Sehun. Kawawang Juan, 'di na nilubayan ng evil spirit.

"Balti, sa Sabado! Huwag mo kalimutan," paalala na naman ni Mama. "Pumunta ka."

"Pag-iisipan ko."

"Bartholomew Juarez!"

He chuckled, "Fine! I'll go. Okay na?"

"Good!"

Pero pag-iisipan niya pa rin but his mother doesn't need to know.




"MA, gamot n'yo." Naupo si Niña sa tabi ng ina sa sofa nila sa sala. Inabot niya rito ang tubig pagkatapos nitong ipasok sa bibig ang tablet na gamot. "Matulog na kayong maaga. Tama na kakapanood ng teleserye. Ma-e-stress na naman kayo sa mga kontrabida."

Natawa lang ang mama niya. May inaabangan talaga itong palabas sa gabi. Actually, Kdrama na Tagalog dubbed 'yon. Kaso nakaka-stress mga kontrabida. Ewan at favorite 'yon ni Mama.

"Matatapos na 'yon, anak, bukas. May bagong palabas sa Lunes. Mukhang maganda. Romance naman."

"Balita sa'kin ni Kath na mas inuuna n'yo pa raw panood ng Kdrama sa tindahan kaysa sa mga customers."

Muling natawa ang ina. "Nandiyan naman si Kath."

Si Kath ang Senior High School niyang pinsan na nakatira na sa kanila. Maagang naulila at nag-iisang anak ng kapatid ni Mama. Sila na ang kumupkop at nagpaaral sa bata. Matalino naman si Kathreen at may scholarship kaya hindi rin siya nahihirapan. Malaki rin ang tulong ng pinsan niya sa bahay at tindahan.

Malapit lang naman ang school nito sa bahay nila. 'Yong school supplies store nila nasa harap lang naman ng bahay nila. Malapit sila sa isang public elementary at secondary school. May private rin kaya malakas talaga ang tindahan nila. Kapag nasa school si Kath ay 'yong kasambahay na si Nora ang katulong ni Mama.

"Nga pala, anak. Twenty-six ka na. Hindi ka pa ba mag-aasawa? 'Yong mga dati mong kaklase nagsipag-asawa na at may mga anak na."

Umasim ang mukha niya. "Ma –"

"Matanda na ako, Niña. Gusto ko na rin na makita kang magkapamilya at syempre maabutan man lang ang mga apo ko sa'yo."

Natawa siya. "Alam n'yong mahirap magka-love-life ang isang guro."

"Bakit kasi 'di ka nag-boyfriend noong 'di ka pa busy?"

"E kahit naman ho nag-boyfriend ako wala namang assurance na siya pa rin makakatuluyan ko. Hindi naman lahat ng lalaki e katulad ni Papa. Katulad ninyo na long term. Rare 'yon, Ma. As in super rare."

Natawa ito. "Single pa 'yong anak ni Beatrice na si Balti. 'Di ba crush na crush mo 'yon noon? Bakit 'di mo na lang ligawan 'yon, anak? Gwapo at matalino. Nasa SNL din siya, 'di ba?"

"Maaa!"

"O, bakit? Akala mo nakalimutan ko na? Iniyakan mo pa nga 'yon –"

"Maaaaaa naman eeee!" Nakakahiya! "Uso rin po mag-move-on."

"Bakit naka move on ka na ba?"

Pinaningkitan niya ng mga mata ang ina. "Ma! Sinadya 'yon, 'no? Kaya n'yo ko pinilit na mag-apply sa SNL para kay Balti?"

"Wala sa isip ko 'yon. Pero it did cross my mind, anak. At naisip ko, why not? Magandang opportunity 'yon sa'yo. Malay mo, mapansin ka na ng anak ni Beatrice ngayon."

"Imposible ho. Hindi ho ako ang type ni Balti."

"Paano mo naman nasabi?"

"Well, sana noon pa, 'di ba? Sana noon pa niligawan na niya ako. Kaso nga-nga. Umasa ako sa wala."

"Hay naku, Niña Rosella, change is the only constant in this world. Hindi porke't hindi ka gusto noon ay hindi ka pa rin gusto ngayon. You know life is full of surprises. Minsan 'yong mga akala nating mga bato lang noon ay mga diamante pala. Paano kung sa pagkakataon na 'to, kumikinang ka nang diamante kay Balti? Mukhang close na close pa rin naman kayo. Hinatid ka pa nga minsan dito sa bahay. Bakit 'yon mag-e-effort nang ganoon sa'yo?"

"Because we're friends?"

"Paano kung –"

"Ma, friends lang kami, okay? Huwag n'yo na akong paasahin sa wala."

"Umaasa?"

"Maaa!"

Tawang-tawa ito. "Tatanda kang dalaga riyan sa klase ng pag-iisip na mayroon ka."

"Bahala na. Kung gusto ako ng isang lalaki, mag-effort siya. Hindi 'yong ako pa gagawa ng paraan."

"Hindi ko naman sinabing ligawan mo ng literal. Sasabihin mo lang naman na gusto mo siya. Bahala na siyang mag-isip paano ka sasagutin."

"Awkward kaya nun!"

"Ah, bahala ka na nga sa buhay mo. Maiwan na kita at oras na ng rosaryo ko." Tinapik nito ang kanyang hita bago tumayo. "Ikaw na pumatay ng TV."

"Sige po."

Pagkaalis ng mama niya ay siya ang pumalit sa panonood ng TV. Hindi Kdrama ang palabas. Isang teleserye na 'di niya alam ang title at 'di niya rin kilala ang mga artista. Mukhang na gayuma 'yong lalaki sa drama. 

Napangiwi siya.

"Ano ba 'yan? Totoo ba 'yan? Anong year na ba ngayon? Nagpapaniwala pa sila sa mga gayumang ganyan." Pero hindi naman niya malipat ng ibang channel ang TV. "Bakit ganito palabas? Ang OA. Gayuma?"

"Ang bitter mo, Ate Nins!" Naupo sa tabi niya si Kath na may facemask pa sa buong mukha. "Totoo kaya ang mga gayuma."

"Ano ka ba? Pinanganak noong unang panahon?"

"Madami kaya niyan sa Siquijor. May kaklase ako na taga roon. Nagdala siya minsan sa school."

"Effective?"

Natawa ito. "Hindi nga e. Siguro dahil 'di naming maintindihan 'yong nakasulat na spell."

"Kita mo, 'di nga effective."

"Pero madami kaya mga kwento-kwento na ganyan. Fake siguro 'yon nabili ni Cindy kaya 'di effective."

Inabot niya kay Kath ang remote. "Ikaw na magpatay ng TV. Matutulog na ako. Maaga pa ako bukas." Tumayo na siya.

"Ate Nins, nasa akin pa 'yong gayuma ni Cindy, baka gusto mo biktimahin 'yong crush mo."

Marahas na ibinaling niya ang tingin sa pinsan. "Manahimik ka nga. 'Di pa ako ganoon ka desperada para gayumahin ang 'sang 'yon. Ikaw kung anu-ano pumapasok sa isip mo. Itapon mo na 'yon."

Tinawanan lang siya ni Kath. "Ikaw bahala. Sige ka, tatanda kang dalaga."

"Hindi baleng mamatay na virgin!"

Iniwan na niya ang pinsan at dumiretso sa kwarto niya. Kaloka talaga 'tong mga kasama niya sa bahay. Love life niya ang pinoproblema sa dami ng problema sa mundo. E 'di nga niya pinoproblema na NBSB siya. Kung meron mang manligaw, 'di okay. Kung wala, 'di okay pa rin. Masaya pa rin ang buhay!





INIANGAT ni Niña ang dalawang braso sa ere saka nag-init. Opening ng Nutrition Month at isa siya sa mga teacher organizer sa buwan ng Hulyo. Na-e-stress na siya sa opening pa lang. Paano pa ang whole month activities na nasa listahan niya? Wala na talaga siyang time para maghanap ng jowa.

Kung 'di siya nag-che-check ng mga activity sheets ng mga bata sa bahay ay nasa school naman siya kahit Sabado. Kahit sa Linggo ay nasa lesson plan for the whole week naman isip niya. Puyat pa nga madalas. Buhay ng guro, ay ewan, nakakaloka! Dapat kasi nakinig siya sa mga guro niya dati na mag-asawa bago mag-take-ng-boards. Nakaka-haggard pa man din mag-guro.

Inabot niya ang bottled water at binuksan 'yon. Kanina pa talaga siya nauuhaw. Gusto na niya umuwi at humilata sa kama. Kahit anong cute ng mga bata ay na-e-stress pa rin siya sa kakulitan ng mga ito.

But she loved her job.

Nakaka-stress lang talaga sobra. Akala ng iba madaling maging teacher. Hello, try nila kahit isang linggo. Maloloka sila.

Marahas siyang napaupo sa upuan niya. Buti na lang Friday at naka PE uniform silang lahat. Nakakagalaw siya nang maayos.

"Nakaka-stress!" Pumasok si Maha sa faculty.

Sinundan niya lang ito ng tingin habang inuubos ang tubig sa bote. Maha only glanced at her for a split second at naupo sa mesa nito. Dumaan ang isang buwan na hindi pa rin talaga sila nagkakausap nang maayos. Ilang beses siyang nag-try na mag-reach-out pero laging nauuwi sa wala kasi umiiwas talaga si Maha. Civil lang talaga sila sa isa't isa.

Dumating naman mayamaya si Balti may dala-dala itong dalawang plastic ng watermelon ice drop.

"Oy, ang mag-bestfriend pala ang nandito."

Inihit siya ng ubo.

Bwesit 'din talaga 'to minsan si Balti.

"I don't need your unsolicited opinion, Bartholomew," ni Maha. "Para sa'kin ba 'yan?"

"Hindi ah." Lumapit si Balti sa kanya. Instant na namilog ang mga mata niya nang iabot sa kanya ni Balti ang ice drop. "It's for you."

"A-Akin?"

"Buy-one-take-one sa 7Eleven."

"Kuya, ako ang kapatid mo! Bakit to that girl mo ibibigay?"

"May pera ka naman diyan. Bili ka roon sa labas."

"Argh! You're so nakakainis talaga. Favoritism!"

"Thanks," aniya kay Balti.

"Welcome! Mukhang stress ka ngayon. Maybe a little sugar rush will lift you up."

"Kuya, stress din ako."

"Since birth ka nang stress. Wala ka nang pag-asa."

"Sweet na sweet mo sa kanya 'di mo naman liligawan."

Sumakit bigla sentido niya sa sinabi ni Maha. Kahit kailan talaga ang 'sang 'to, nakaka-stress pa rin talaga minsan.

"Anyway, may nakalimutan ako sa classroom. Maiwan ko muna kayo."

Tumango lang siya. "Thanks ulit... dito..."

"No worries."

Tuluyan nang lumabas si Balti at natira na naman silang dalawa ni Maha. Feeling niya babatuhin siyang lamesa ni Maha kahit hindi siya nakatingin dito.

"Paasa pa rin ang 'sang 'yon. Hmmp!" basag ni Maha. Sinabi mo pa! Kakainis! "Kung ako sa'yo, huwag mo na lang bigyang malisya. He still doesn't like you." Natigilan siya sa sinabi ni Maha. Naibaling niya tuloy ang mukha rito. "Kilala ko ang kuya ko." Nagtama ang mga mata nila. "You're not his type. You're just a little sister to him."

Napalunok siya.

Masakit 'yon ah.

Pasimple siyang humugot ng hininga. Bigla siyang kinapos ng hangin. Naglapat ang mga labi niya. God! She tried her best to smile.

"I know." Nilakihan pa niya ang ngiti. As genuine as she could. "Hanapin ko lang si Teacher Harrah. May nakalimutan akong sabihin pala sa kanya." Mabilis ang mga kilos na lumabas siya ng faculty.

Nang nasa labas na siya at malayo-layo na sa faculty ay tumigil siya sa gitna ng hallway. Napa-isip. Bumalik sa kanya ang mga sinabi ni Maha. Naikuyom niya ang mga kamao. She didn't mind kung natunaw na ng kamay niya ang hawak na ice drop. 

Ramdam na ramdam niya paninikip ng dibdib niya.

"You're not his type. You're just a little sister to him."

Kahit naman noon ay alam niya 'yon. Matagal na niyang alam na kapatid lang ang turing sa kanya ni Balti. Malayong-malayo siya sa ex nitong si Pamela. Pam was too beautiful. Miss University and Miss Popular while Niña Rosella was a nobody. No fashion sense, boring, and a bookworm. Why would Balti court an old maid-looking woman like her?

Mapait siyang napangiti. "I hate this feeling." Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. "I need a break."




SABADO nasa school pa rin sila. Pero half-day lang siya ngayon. May tinapos lang siyang activity para sa mga pupils next week. Nag-snacks muna ang mga co-teachers nila. Hindi na siya sumama dahil 'di pa naman siya gutom. Maha is not around, madalas naman talaga itong wala sa Sabado.

"Hey," it was Balti.

Naiangat niya ang mukha rito. "Ha?"

"Are you okay?"

"Ahm, okay lang ako. May tinatapos lang." Napansin niyang malinis na ang table nito. "Aalis ka na?" It was still 10 am on her watch.

"Yeah, I have to meet someone tonight pero may dadaanan pa ako so sa bahay ko na lang tatapusin ang mga activity sheets ng mga bata."

"Date?"

He chuckled, "Beatrice's orders. Yeah, sort of."

Pilit siyang tumawa. "Matanda ka na kasi. Mag-asawa ka na." Siguro maganda ang ka date ni Balti mamaya. Madaming mga kaibigan si Tita Bea na magaganda ang mga anak.

"That, I have to thoroughly think about. Anyway, are you sure, you're okay? Ang tahimik mo since kanina. Maaga ka ring umuwi kahapon."

"Ahm, may dinaanan kasi ako kahapon. Maagang magsasara 'yong tindahan na pagbibilhan ko kaya umalis ako nang maaga. But I'm fine, hindi lang ako nakatulog agad kagabi kaya siguro tahimik ako."

"I see. Half-day ka rin ba ngayon?"

"Yup, half-day lang."

"Well, see you on Monday."

"See you on Monday."

Ngumiti ito at tumango. Kinuha nito ang itim na knapsack nito saka lumabas ng faculty. Napabuntonghininga siya nang tuluyan nang nawala sa paningin niya si Balti. Makaka-survive pa kaya siya ng isang taon sa eskwelahan na 'to?

She leaned both elbows on the table and buried her face on her palms.

"Niña Rosella Marzon, you'll be the death of yourself."

I know!





PAUWI na siya at wala pa rin siyang energy. Bakit ba siya nagpapaapekto sa mga negativity?

Akala ko ba ay okay ka lang na walang jowa? Oo, okay ako roon. Ang hindi ako okay ay 'yong katotohanan na hindi pa rin ako nakaka-move-on sa bwesit na 'yon! Affected pa rin ako! At masakit pa rin isipin na may date si Balti mamaya at hindi ako 'yon!

Marahas siyang napabuntonghininga habang nagliligpit ng mga gamit. Uuwi na siya. Bahala na nga! Itutulog niya na lang sa bahay.

"Okay ka lang?" tanong ni Harrah.

"I'm fine. Wala lang akong tulog." She smiled. "Tulog lang katapat nito."

"Akala namin inaway ka na naman ni Maha."

"Hindi. Stress lang talaga ako."

"Ayaw niya pa rin makipag-ayos sa'yo?" dagdag ni Jane.

"Okay lang naman 'yon si Maha," segunda ni Ronnie. "Kaso may galit talaga sa'yo e."

"Hayaan n'yo na. Mauumay rin 'yon sa mukha ko." Natawa ang tatlo. "Alis na ako. It's almost 2 pm. Dapat kaninang 12 pa ako umuwi."

"Umuwi ka na," ni Ronnie. "You need rest, girl. Buong linggo kang nag-asikaso sa opening ng Nutrition Month."

"Kaya nga e. Uwi na talaga ako."

Isinukbit na niya ang knapsack sa isang balikat. "See you on Monday."

"Bye, Nins!"

Nakalabas na siya ng faculty at malapit na siya sa gate nang pagdaan niya sa parking lot ay saktong lumabas ng sasakyan si Ma'am Bea. Umangat ang mukha ng ginang sa kanya.

"Niña, hija!" Mabilis itong lumapit sa kanya.

"Ma'am Bea, bakit po?"

"Naku! Hindi ako sinasagot ni Bartholomew. Ang batang 'yon! May lakad pa naman ako importante. Kanina pa ba siya nakaalis?"

She nodded. "Opo, kaninang ten pa po."

"Hmm, saan na naman kaya 'yon?" Sandali itong nag-isip. "Anyway, pauwi ka na ba?"

"Opo."

"May lakad ka pa bang iba?"

"Wala naman po... yata?"

"Hindi ka sigurado?"

Oo nga, 'no? Ay wait. "I mean, wala po. Bakit po?"

"Naiwan niya 'tong wallet niya sa bahay kagabi. Ihahatid dapat ni Maha 'to ngayon kaso 'di ko na naman mahagilap ang batang 'yon. Pwede bang ikaw na lang magbigay. Hindi pa naman yata 'yon umaalis."

Kumunot ang noo niya. 

"Po? H-Hindi po ba siya nakatira sa inyo?"

"Naku! Matagal na 'yong bumukod sa'min. May sariling bahay na 'yon sa Faro de Amoré. Madalas lang 'yong sumabay sa'min mag-dinner sa bahay." May sariling bahay na si Balti? Faro de Amoré. Parang pamilyar siya sa lugar na 'yon. Hindi niya lang matandaan talaga. "Sasabihin ko sa'yo ang address. Mag-taxi ka na lang. Ako na magbabayad."

"Po?"

Wait lang, 'di pa nag-si-sink-in.

"Niña, hija. Importante na maibigay mo kay Balti 'tong wallet. Wala 'yong pera ngayon." Pilit na pinahawak nito ang brown leather wallet sa kanya. "Ako na ang bahala sa'yo. Ipakita mo lang 'tong ID niya sa guard. Nasa loob ng wallet niya para makapasok ka. Nag-text na rin ako kay Tor. I'll send him your name para maipaalam niya sa guard-in-charge ang pagdating mo."

"P-Pero po –"

"Please, Niña."

Nakagat niya ang ibabang labi. "Sige po."

"Thank you, hija!"

"S-Saan nga po ako pupunta?"

"Sa Faro de Amoré, alam na 'yan ng mga taxi driver. Ang FDA lang ang nag-iisang exclusive subdivision sa Cebu na may parola."

"Ah, o-okay po. Sige po."

Sure ka na ba riyan, Niña? Akala ko ba uuwi ka na? Sige, uuwi ako mamaya after ko sa FDA. Mother of blackboards! Paano naman ako makaka-hindi sa directress ng St. Nathaniel's? Boss ko! Boss ko! Niña Rosella, adjust! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro