Kabanata 39
"DO you want kids now?"
Naibaling ni Balti ang tingin sa kanya. Naniningkit pa. Alam niya namang wala itong masyadong nakikita nang mga oras na 'yon. Bahagya siyang natawa saka inayos ang kumot sa katawan para maihilig ang ulo sa dibdib nito. Gumalaw ito para mayakap siya nang maayos ng isang braso nito.
"Huwag mo na akong tignan. Wala ka pa rin namang makikita."
He chuckled, "Grabe naman 'to." Naramdaman niya ang paghaplos nito ng kanyang buhok. "Kids? Do you want kids?"
"Ikaw ang tinatanong ko. Gusto mo ba?"
"Of course, I want kids. Nagpa-reserved na nga ako sa'yo ng apat. Pero bakit mo nga na tanong?"
"Aliw na aliw ka sa anak nila Jude at Tor. Naisip ko lang, kung gusto mo rin ng sarili mo –" Natawa ito kaya marahas niyang naiangat ang ulo kay Balti. "Seryoso ako. Bakit ka natatawa?"
"I've always been fond of kids. Bakit noon 'di mo tinanong sa'kin 'yan?"
"Bakit ko naman itatanong e wala namang tayo?"
"Does it matter? It's a wholesome question." Naglalaro sa mukha nito ang isang pilyong ngiti. "Kaya ko rin 'yang sagutin kahit noon."
"Well, iba pa rin 'yong ngayon –"
"I want kids..." hinuli nito ang mga mata niya at ngumiti, "with you, Nin." Napangiti siya. "But it's also your choice. It's your body. Even if I want it now. I don't want you to pressure yourself dahil nakita ko kung gaano naghirap sa pagbubuntis sila Mari at Aurea. Especially, Mari. It was too sudden. She was not prepared. If not for us, her friends, as her moral support. It could have been worse. Well, surprise pregnancy naman talaga ang dalawang 'yon. Lucky for Au, dahil mas paranoid pa sa kanya si Tor kaysa sa mismong nagbubuntis. Spoiled na spoiled 'yon."
Natawa siya sa huling sinabi ni Balti. Muli na lamang niyang inihiga ang ulo sa dibdib nito. It was true, Mari was strong. At twins pa ang pinagbubuntis nito nang mga panahon na 'yon. Alam niya ang buong kwento ng love story nila Mari at Jude. She couldn't imagine being in her shoes.
"I don't want you to go through that unprepared. Gusto ko, when you decide to bear our child, gusto mo at hindi dahil gusto ko lang. It should be a mutual understanding. At saka, masyado pa tayong stress sa eskwelahan. We're also preparing for our wedding. So, you have all the time in the world to thoroughly think about it."
Balti gently kissed the top of her head.
"Ang hirap naman kasi," he continued, "you will carry our baby for nine months pero kamukha ko lang pala." Tawang-tawa ito pagkatapos.
Hindi niya napigilan ang matawa rin. Iniangat niya ang mukha rito. "Malamang kasi ikaw ang ama."
"Sabi nga nila, kung sino sobrang nag-enjoy sa paggawa siya magiging kamukha. At least, kung kamukha ko. Enjoy na enjoy ko pala. Walang duda."
"Akala ko," she chuckled, "kung sino mas malaki pagmamahal, siya magiging kamukha?"
"Aba'y ewan ko kung sino nagpapakalat ng mga chismis na 'yan. Masyado rin siyang mapagdesisyon sa buhay."
"Pero seryoso, Bal, you will be a great father."
He smiled. "Ilang beses ko na 'yang narinig sa'yo. I should have taken it as a sign na dapat sinagad ko na talaga paglalandi ko sa'yo." He reached a hand to cupped one side of her face. Marahan nitong hinaplos sa kanyang pisngi ang hinaalaking daliri. "You take the lead, Ninin. Kung kailan ka handa."
Hinalikan niya ito sa labi. Pero mabilis lang. A shy but sweet kiss. Pareho silang napangiti pagkatapos.
"I'll let you know."
"Sayang din naman kasi 'yong balakang –" Tawang-tawa ito nang paluin niya ito sa dibdib. "What? It can accommodate the next generation of Juarez. Proud na proud ako riyan, Nin. Masyado kang gifted alam mo ba 'yon, mahal?"
"Alam mo, 'di ko alam kung joke o compliment na 'yang mga sinasabi mo."
"It's the second." Napasinghap siya nang yakapin ulit siya nito. Halos madulas 'yong kumot kaya hinila niya ulit at inayos ang pagkakatakip sa katawan niya. "I always love everything about you. Ipaglalaban ko talaga 'yan."
"Kahit hindi ako sexy?"
"Ganda kaya ng katawan ng mahal ko. Malambot. Malaman." Pinanggigilan siya nitong ng yakap. "Ang bango-bango pa." Pati leeg niya pinanggilan din. "Amoy baby... baby ni Ser Balti."
Tawang-tawa siya. "Loko ka!"
"Hinding-hindi ako matutusok kapag yakap ka –"
"Alam mo –"
Tawang-tawa ito. "I love you." Bigla siya nitong siniil ng halik sa labi. "It's Saturday, we still have more time to.." he said between kisses, "you know... make love."
Napahawak siya sa mga balikat nito. "Lakas ng loob mo..." Hindi niya matapos ang sasabihin dahil ayaw nito tigilan ang mga labi niya. "Dahil wala si Maha..."
"Hmm?"
"Oh!" singhap niya nang mabilis itong kumubabaw sa itaas niya. "Balti!" she hissed in a lower voice. Kahit wala si Maha. Nandiyan pa rin si Ate Grace. Well, hindi naman siguro ito aakyat nang madaling araw.
"Let's resume now, Miss Ninin."
Tinawanan lang niya ito habang pinapaulanan siya ng halik.
MABILIS ang mga kamay na hinanap niya mula sa mga recent video footages folder ang video na hinahanap niya mula sa laptop sa harapan niya. Iesus was still video-calling his father. Alam niyang matatagalan pa ito dahil mukhang sudden meeting 'yon with an overseas client kaya hinayaan lang siya nitong mag-isa sa CCTV room nito sa second floor.
He wasn't able to tell Iesus the main reason of his visit. Nagdadalawang-isip pa siya kung aamin siya o hindi, but the timing was just on time, dahil hindi na siya nito masyadong inusisa nang tumawag si Tito Josef. Babalikan na lang daw siya nito mamaya.
May isang main laptop kung saan connected ang apat na screens sa harap niya. Each screen shows a division of areas with installed CCTV cameras. He chose one screen to mirror his screen para mas makita niya nang maayos ang mga hinahanap niyang videos. Natututo lang din siya dahil kay Simon. That guy is so good with this.
"Friday, midnight, around 12:15 to 12:30 a.m.," aniya. In-fast-forward niya sa eksaktong oras at hinayaan na lang na mag-play 'yon sa harap niya. Binuksan niya rin ang ibang area na alam niyang dinaanan ni Jude. "Okay." He leaned on his seat and waited.
Mayamaya pa ay may napapansin na siyang moving glitches pero wala siyang makitang Jude. Hinawakan niya ang mouse at muling ibinalik sa time of entrance dapat ni Jude pero in-zoom na niya. Same moving glitches pero walang Jude.
"Anak ng pisara, Jude!"
Jude is a literal shadow! He review all other footages pero wala talaga siyang makitang Hudas na naglalakad. He was literally uknown in the camera lenses! Naikiling niya ang ulo sa kaliwa at nahimas ang baba. Anong klaseng kadiliman ang kapangyarihan nitong si Savio?!
Sinadya niyang dumaan ito sa madilim na parte ng bahay. He made him wear all-black clothes to test his assumptions. Pero sinugarado niyang dapat mahagip pa rin ito ng camera because it will be pointless kung iiwasan nito pero kahit naman iwasan ni Jude e halos in 360 panoramic ang kuha ng mga CCTV cameras ni Iesus. Imposible talagang hindi ito makita unless he and Jude was able to list and discussed ahead all the blind eye areas.
"Wait." Nilabas niya ang cell phone at kinunan ng video ang mga footages na may moving glitches. "Jude must see this." Hindi siya naniniwalang hindi aware si Jude sa kakayanan nito. He knew, but he never uses it unless when he needs it. Example na natin ang panloloob nito sa bahay ng mga Morales. A normal man can't sneak inside the Morales mansion like a walk in the park. Guards at CCTV pa lang. Unless, may kakilala ito sa loob. Yaya Celia? He doubts.
Mabilis niya namang in-close ang folder at ibinalik sa orihinal na screen ang lahat nang may marinig siyang yabag ng mga paa mula sa labas. He don't need to delete it dahil wala rin namang makikita talaga. He will just go with his first story. Na may nahulog siyang drawer keys pababa ng mansion noong isang araw. Saka na niya sasabihin lahat kay Iesus kapag na complete na lahat ng mga assumptions niya. Kasama na 'yong mga napag-usapan nila ni Tor.
Bumukas bigla ang pinto dahilan para mapalingon siya.
"Anak ng visual aids!" aniya, umarteng na gulat. "Vier!" Sinapo niya ang dibdib at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.
"Balti?" May pagtataka sa mukha ni Vier. "Mag-isa ka lang dito? Where's Iesus?" Sumilip ito sa labas.
"Ka meeting si Tito Josef." He smiled. "I carelessly lost one of my drawer keys." At napakamot sa ulo. "Hindi ko na mahanap. Baka ko may nakapulot kaya ko chini-check ang mga CCTV footages."
"I see. Did you find something?"
"Wala nga e. Maliit lang kasi 'yon. Hanapin ko na lang ulit sa dinaanan ko mamaya." Tumayo na siya. "Anyway, aalis na ako. Mukhang matagal pa 'yon si Sus. Pakisabi na lang babalik ulit ako mamaya para pag-usapan ang mga missing items update ko."
Vier nodded with a smile. "Alright."
"I'll go ahead." Itinuro niya ang bukas na pinto. Lumabas ito dahil nakaharang ito sa mismong pintuan. "Thanks."
"Ahm, Balti..."
"Yes?"
"I think 3 months had passed." Napatitig siya kay Vier. "How are the side effects of the reverse love spell? Have you checked if may nangyayari pa rin sa'yong masama kapag malayo si Niña?"
"Was it 3 months already?"
Vier nodded. "Yes. I've counted it. You should ask James about it. He will know what to do."
"I almost forgot. I'll talk with James. Thanks, Vier."
"And about our session, Balti –"
"I think... I need more time."
Tipid na ngumiti ito. "It's fine. The session wasn't good for you either. I think it would be better to just let things in the past as it is."
"Is there any other way? 'Yong hindi sasakit ang ulo ko?"
"I believe for the time being, no, but I'm working on other options. I will let you know once I'm done with my research."
"I see. Anyway, I'll go ahead."
"Sure!"
He turned his back at Vier at nagsimula nang maglakad sa direksyon ng hagdanan. He needs to talk with Tor before Vier does. Pero alam niya naman na hindi babanggitin ni Tor ang mga napag-usapan na nila kay Vier even if nagawa na nga nitong kausapin si Tor.
He will definitely retrieve those damn past memories! Hindi siya makakausad kapag hindi niya nahanapan ng kasagutan ang mga tanong sa isipan niya. And he still needs to talk with James about his brilliant reverse love spell. Hindi niya napansin na tatlong buwan na pala ang lumipas.
"SO how can we determine if Balti is completely love spell free?" asked Tor, nasa library sila ng bahay niya kasama si James. Naupo ito sa pang-isahang sofa habang umiinom ng kape.
"They have to be separated."
Naningkit ang mga mata niya kay James. "Hayme, parang 'di ko yata gusto 'yang depinasyon mo ng separation. Tunog hiwalayan for good."
Natawa si Tor. "Calm down, Balti. I'm sure isang araw lang 'yan."
"It's just for three days," sagot ni James. "However, these include, not seeing each other physically and virtually. In short, you should not see her face and hear her voice. I have to isolate you in your room and hide all your photos of her and with her."
"Walangya!"
"Wow, that's tough," ni Tor.
"Hayme, you better have a good explanation for that. Side effects lang naman ang problema natin. You said it yourself na hindi na ako kontrolado ng gayuma."
"What about Balti's unrestrained emotions every Tuesday and Friday?"
"It's a minor side effect, it only amplified existing emotions he has for Niña, but it does not fall to the main effect of the first love spell – which is a deceitful kind of love. In short, naging love booster kay Balti ang reverse love spell minus the unfortunate side effects."
"I see."
"So, bakit kailangan pa akong i-isolate?"
"I have to make sure that Niña's existence will no longer trigger the side effects. And the only way for me to assess it is by eliminating Niña in the picture –"
" – for three days," dugtong ni Tor.
"Should it be the other way around?"
"No. You've been dependent to Niña for 3 months. Good thing 3 days lang hinihingi ko. If you can survive 3 days without her and there were no side effects, then I can confirm that you're reverse love spell free."
Marahas siyang bumuntonghininga. "Damn!"
"Sure kang magaling ka na, Juarez?" Tor chuckled, "Mukmang mamamatay ka na riyan ano mang oras."
"Shut up, Velez!"
Tinawanan lang siya ng loko. "C'mon, Balti, it's just for three days, you will live. Ano lang ba 'yan kaysa noong naghiwalay kami ni Aurea?"
"You were miserable, Velez. Very miserable. Or do you want me to spell it for you, attorney? M.I.S.E.R.A.B.L.E."
"I know." Nasira ang mukha ni Tor. "That was hell by the way."
"I still believe Aurea will be happy in Berlin."
Tawang-tawa siya sa lalong pagkasira ng mukha ni Tor. Pero mas nakakatawa na hindi man lang nito masagot ang brother-in-law nito. Oh, what a sight! The great Atty. Kale Thomas Velez afraid to defend his rights to his brother-in-law.
"James, wala ka bang gagawin ngayon?" pag-iiba ni Tor.
"Wala naman." Kinagatan nito ang sandwich. "I'm totally free today. I'll just babysit, Rory, after. Anyway, let's sched your isolation, Balti. Inform me ahead of time."
"Bakit ba feeling ko ipapasok n'yo akong mental?"
"Kabahan ka kung si Vier ang nag-refer sa'yo," sagot ni Tor.
Tawang-tawa 'yong dalawa. "Sige, sige, tawanan n'yo lang ako."
"You'll live, Bartholomew."
"Tor, palagay ng juice," request pa ni James. Siya naman ang tawang-tawa nang salinan nga ni Tor ng orange juice ang baso ni James mula sa pitcher. "Thanks."
"Pahinge rin, Tor," pang-aasar pa niya. "Hawak mo na e."
Ang talim ng tingin sa kanya ni Tor habang ni-re-refill ang baso niya. Satisfying! Kneel, Thomas! Kneel to your masters. Pamilya lang talaga ni Aurea ang may kapangyarihang gawing alipin 'tong si Kale Thomas.
"WILL you be okay?"
Natawa siya sa malungkot na tanong ni Balti. Hinatid na siya nito pauwi ng bahay. Tapos na kasi ang 3 months at kailangan daw nilang maghiwalay muna ni Balti ng tatlong araw. It means, no communication and they cannot see or call each other physically and virtually. Hindi siya pwedeng mag-leave pero nagawan ng paraan ni Balti ang 3 days leave nito sa eskwelahan.
"Tatlong araw lang naman. Grabe 'to. Ilang taon na tayong nagtataguan ng feelings. Dapat sanay ka nang ini-ignore ako."
"Mali, dapat pala para sa'kin 'yong tanong na 'yon," he chuckled, sabay haplos ng buhok niya. "I'll see you in three days." Saka hinalikan ang kanyang noo.
Yumakap siya rito pagkatapos. "But I'll miss you."
"I'll miss you more." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "I have to go. May pag-uusapan pa kami ni Iesus."
"Sige na, gagabihin ka pa masyado."
"I'll call when I get home." He planted a short kiss on her lips and smiled.
"Balti, uuwi ka na agad?" boses 'yon ng kanyang ina.
"Yes po, Tita." Lumapit ito sa mama niya para magmano. "Dadalaw na lang ulit po ako rito."
Tumango ang mama niya. "Sige, ingat ka sa pag-uwi mo."
"Nin, una na ako."
"Sige."
Pumasok na sa loob ng kotse si Balti. Kumuway siya nang umalis ang sasakyan. Doon siya napabuntonghininga. Sa totoo lang e malaking adjustment din sa kanya 'yon. Tatlong buwan din siyang nasa bahay ni Balti. At saka tama naman din na umuwi na siya dahil hindi maganda para sa isang guro na katulad nila na manatili sa iisang bahay na hindi pa sila kasal.
Naramdaman niya ang pagtayo sa tabi ng mama niya. "Nagpag-usapan n'yo na ang date ng kasal n'yo?" Alam niya agad na nakangiti ito kahit hindi pa niya naibabaling ang tingin dito.
"Next year pa po, Ma." Niyakap niya ito sa baywang at pinihit sa direksyon ng pintuan. "I miss you." Sabay na silang pumasok sa loob.
Natawa ito. "Mas na miss kita." Hinaplos nito ang buhok niya. "Tumawag si Beatrice sa'kin. Tinanong kung may wedding coordinator na ba kayo. Sabi kasi ni Balti e ikaw raw ang bahala sa kasal."
"Anong ako? Hindi ah. Share kami ng stress." Pareho silang natawang mag-ina. "Pero meron na kaming wedding coordinator. Hindi pa nga lang kami talaga nakapag-usap nang maayos. But if you want, pwede ko naman kayong isama sa meeting namin para makapag-share kayo ng inputs."
"E si Maha? How is she?"
Ngumiti siya sa ina. "We're okay, Ma." Naupo sila sa sofa sa sala. "Nag-uusap na kami. Naasar ko na ulit siya. Hindi na rin siya masungit sa'kin. Although, minsan, may awkward feeling pero normal lang naman 'yon, but we're okay."
"Mabuti naman. Sana ay mapilit mo si Maha na dumalaw rito sa atin. Ipagluluto ko siya ng mga paborito niya."
"Sabihan ko ho." Matamang siyang tinitignan ng mama niya. The smile didn't leave her face. Nagtaka tuloy siya. "Bakit po?"
"Wala lang." Hinaplos nito ang kanyang buhok bago hinawakan ang kanyang mga kamay. Natuon ang mga mata nito sa sing-sing sa kamay niya. "Naalala ko lang ang papa mo." Naglapat ang mga labi nito sa isang ngiti nang iangat muli ang tingin sa kanya. "Alam kong magugustuhan niya rin si Balti para sa'yo. He's a good man. Kaya masaya ako nang ipaalam mo sa'kin na nag-propose na sa'yo si Balti. I know how much you have waited for him." Umalpas na ang mga luha sa mga mata ng mama niya. "Sorry, masaya lang talaga ako para sa'yo, anak."
"Ma," pati siya e naiiyak na rin, "sa kasal ka na umiyak," biro pa niya.
Her mother cupped her face. "Alam ko kung gaano mo siya kamahal, anak. Saksi ako sa lahat." Napatitig siya lalo rito. "Kahit na hindi ka magkwento sa'kin. Alam ko. Nararamdaman ko. Pero tignan mo ngayon. Masayang-masaya ka na."
Doon na siya naiyak. "Ma, naman e."
"Totoo naman kasi. Bakit sa tingin mo 'di ko napapansin ang crush mo roon sa anak na lalaki ni Beatrice? Pinagdaanan ko rin 'yan, Niña. At ina mo ako. Wala kang maitatago sa'kin."
Natawa siya. "Ang daya!"
Niyakap siya ng ina. "Enjoyin n'yo lang muna ang pagmamahal na 'yan, anak. May tamang oras naman para sa ibang bagay."
"Opo, Ma."
"At alam ko na mahal na mahal ka rin ni Balti. Nakikita ko."
"HI!"
Napakurap siya at naiangat ang tingin sa babaeng umupo sa harap niya. "Pam?" singhap niya. She didn't expect Pam. Nagutom siya kaya nag-snacks muna siya sa canteen. Labasan na rin ng mga bata kaya siguro nandito ito.
"You look like I've startled you," she chuckled.
Umayos siya ng upo. "Yes, nagulat lang ako nang kaunti. Hmm." Naigala niya ang tingin sa paligid. "Kasama mo si Dylan?"
"Nope. Ako lang mag-isa. Pinalaro ko muna si Bryle. I saw you so might as well wait here with you. If that's okay?"
Ahm, hindi niya sure kung okay 'yon pero ang disrespectful kapag tumanggi pa siya. Wala siyang ibang choice.
"Sure," aniya, gesturing the seat na inupuan na nito.
Umarte na lamang siyang hindi apektado sa presensiya ni Pamela. Inubos na lamang niya ang kinakaing sandwich. Honestly, naiilang pa rin talaga siya rito. Insecurities niya talaga si Pam. Kahit na alam niya namang mahal at tanggap ni Balti ang lahat sa kanya. Still, hindi niya lang talaga maiwasan. And may aura kasi ni Pam na parang laging may dalang masamang balita. Feeling niya ano mang oras maninira na naman 'to ng buhay.
"Since you and Balti are getting married," basag nito. Bumagal ang pagnguya niya. "I'm assuming you and Maha were able to patch things up." Naiangat niya ang mukha rito. Kaswal na binuksan nito ang bottled water na hawak at uminom doon. "How are you and Maha by the way?"
"We're good," nakangiti pa rin niyang sagot, pero ramdam na niya ang tension sa pagitan nilang dalawa ni Pamela. "Kung ano man 'yong nangyari sa nakaraan. I don't think, worth it pa 'yong balikan pa."
Pam smiled pero may kakaiba sa ngiti nito. It was sort of mocking. "That's good to hear." At hindi niya maramdaman ang senseridad sa sinabi nito. "Sayang din naman ang friendship n'yo. You always protect each other's back. You must have trust each other so much?" May diin ang pagkakabitaw nito ng salitang trust. Parang may ipinapahiwatig.
"What do you mean?"
"Hmm," Pam pressed her lips and shrugged, "I mean since you've known Maha and Balti for a long time. You must have trust each other so much. Otherwise, you wouldn't be able to reconcile, 'di ba? Kasi if it was me. I will really feel be –" Hindi na naituloy ni Pam ang sasabihin nang ibagsak ni Maha ang isang kamay sa mesa nila. Marahas na naiangat nito ang tingin kay Maha.
Maha was smiling from ear to ear. Which is a very unusual reaction of her when it comes to Pamela. Pero alam niyang kapag ginawa 'yon ni Maha ay pinaplastik na naman nito si Pam.
"Maha!" aniya.
"Ms. Pamela, kanina ka pa hinahanap ni Bryle. Uwi na raw po kayo," she said in her sweet teacher voice.
Napakurap si Pam. "Oh, I'm sorry." Tumayo na ito. "It was still a nice talk, Nin." Pam smiled. "I'll go ahead. Maha."
Itinaas nito ang isang kamay. "Annyeong!" At nang mawala na nang tuluyan sa paningin nila si Pamela ay marahas itong naupo sa harap niya at bumusangot. "Dumadami talaga points ko sa impyerno kapag nandito 'yang babaeng 'yan." Kinuha nito ang orange juice niya at inubos ang laman mula sa straw.
Natawa siya. "Sinusubok ba kabanalan mo?"
Maha rolled her eyes. "As always! Buti na lang talaga nahimasmasan 'yang si Kuya. Naku! Kung nagkataon talaga e magpapa-disown ako sa pamilyang Juarez."
"Loka-loka!"
Marahas itong bumuntonghininga. "Anyway, anong sinabi niya?"
"Wala naman," kaila niya. "Pero buti dumating ka. Hindi ko rin talaga bet siyang kausap." Natawa si Maha. "The feelings are mutual."
"Kakaimbyerna, 'di ba?"
"Totoo!"
Pero inaamin niya. 'Yong mga pahaging ni Pam kanina nagkakaroon na ng space sa utak niya. Alam niyang kapag inisip pa niya lalo e mababagabag na siya. Pero was it even worth it? Alam niya namang kapag galing kay Pam. Wala talagang mabuting idudulot 'yon sa kanya.
Naalala niya ang sinabi ni Maha.
"I'll explain everything kapag alam ko na tama ang pakiramdam ko kay Pam. If that makes you wonder, why? Sa ngayon, iwasan mo na lang muna sila. Just trust me, okay?"
No, she should just trust, Maha.
Instead of worrying about the past. She should just live with the present.
"Maha, uuwi ka na ba agad pagkatapos?"
Maha nodded, "Pero kina Mama ako uuwi. Why?"
"Sa bahay ka na mag-dinner."
Napatitig ito sa kanya. "Sure ka?"
Natawa siya. "Mukha ba akong nagbibiro? Sabi ni Mama, invite raw kita. Ipagluluto ka niya ng mga paborito mo."
"Nakakahiya –"
"Ay sus! Kailan ka pa nahiya? Wala 'yan sa vocabulary mo."
Natawa si Maha. "Gaga!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro