Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

SERYOSO ba 'tong si Balti?

"Niña? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Ginang Mendez. "Para kang nakakita ng multo riyan?"

"O-Okay lang po ako," she even stuttered!

Nanginginig na mga kamay niya. Nanlalamig pa. Dapat ba siya umiyak? Now na ba dapat? Seryoso ba talaga? Bakit pabigla-bigla 'to? God! Hindi niya ma-distinguish ang tamang emosyon. Then biglang nag-vibrate ang cell phone niya sa mesa. Balti is calling. Ang galing ng timing kung kailan pa siya umabot ng question number 15.

Nanginginig pa rin ang mga kamay na sinagot niya ang tawag nito.

"B-Bal?"

Rinig na rinig pa niya ang ingay ng mga pupils nito sa background.

"Have you reached the bottom of the question?" Naririnig niya ang pagngiti nito sa kabilang linya.

"Utang na loob, Juarez, huwag mo akong gino-goodtime."

Natawa ito sa kabilang linya. "Pinagputayan ko 'yan kagabi. Ayos ba? Anong sagot mo sa last question?"

Kainis! Ang lakas-lakas pa rin ng tibok ng puso niya. Pero this time, hindi na niya mapigilan ang ngiti. Naiiyak na rin siya.

Bwesit ka talaga, Bartholomew Juarez! Ikaw lang kilala kong ginawang surprise exam ang marriage proposal! At sa kalagitnaan pa ng hapon! Paano 'yon mag-si-sink-in sa utak ko? Paanooooo?!

"Saan ang sing-sing mo?"

Lalo itong natawa sa kabilang linya. "Buksan mo drawer mo."

Namilog ang mga mata niya. "Seryoso?" Nagkumahog naman siyang buksan ang drawer niya gamit ng isang kamay. "Hoy, bakit mo iniwan dito?" Wala siyang nakitang kahita ng sing-sing. "Meron ba talaga? Wala akong makita?"

Tumawa ulit ito sa kabilang linya. "Submit your answers muna, Ms. Marzon."

Umawang ang labi niya. "Talaga naman -" Lalo lang itong natawa sa kabilang linya. Inilipat niya sa kabilang tainga ang cell phone. "Mr. Juarez, naninigurado ka ba muna bago mo ibigay ang sing-sing?"

"Malay ko ba, no, answer mo."

"Napaka -"

"Submit your test papers, Ms. Niña Rosella Marzon, one..."

"Wait!" Nagkumahog siyang i-send pabalik ang pdf file. "Teka lang naman. Ikaw na nga 'tong pabibigla-bigla. Ako pa minamadali mo -"

"Two, three, four..."

"Balti!" she hissed in a low voice. "I'm attaching it now."

"Six, seven, eight..."

Clicking send now. "Sent!" Napabuga siya ng hangin. "Received mo na?"

"Wait, I'm checking on it." Nawala ito sa linya ng ilang segundo. "O, bakit walang sagot ang last question?"

It was her time to smile. "Well, you're not the only one who can play this game wisely, Mr. Juarez. I'm afraid, you will have to give me a special test for your last question, Ser."

Natawa ito sa kabilang linya. "You're one naughty student, Ms. Marzon."

She chuckled, "I only learn from the best."

"I'll see you later, baby."





MEET ME AT THE LIGHTHOUSE AND DON'T LET MAHA CAUGHT YOU. I STOLE IESUS' KEYS. XD I'LL LEAVE THE DOOR OPEN BUT CLOSE IT BEFORE YOU CLIMB UP. - BALTI

Pagdating niya sa parola ay sarado ang pinto. Inangat niya ang ulo. Wala siyang nasisilip na tao. Na una na ba talaga si Balti sa taas? Saka ang alam niya e sarado 'tong parola. Safe pa kaya akyatin 'to? Pero 'di naman siguro siya gini-goodtime ni Balti. May utang pa 'yong sing-sing sa kanya.

"Lalagyan ko talagang hallow block bag no'n kapag wala siya rito."

Umakyat siya sa tatlong baitang na sementadong hagdan. Paghawak niya sa knob ng pinto ay agad din naman niya 'yong napihit pabukas. It created a creaking sound the moment she pushed it open. Agad na bumati sa kanya ang dilim. Maliban na lamang sa mumunting ilaw na naaninag niya mula sa taas. Pina-ilaw niya ang flashlight ng cell phone niya pagkatapos isarado ang pinto sa likod.

"Bartholomew?"

Nag-echo ang boses niya sa loob. May steel made spiral stairs. She checked it kung matibay pa ba. Sa tingin niya naman e mukhang matibay pa talaga 'yon.

"Balti? Nasa taas ka ba?"

"Just go up," sagot nito mula sa itaas. He was peering at her from above. "Don't worry, the stairs are well built. Safe 'yan."

"Bakit nauna ka rito?"

"Ninakaw ko pa susi kay Iesus."

Natawa siya. "Loko ka!" Nagsimula na rin siyang umakyat. Bawat hakbang niya ay naririnig niya ang steel planks ng hagdan. Though, hindi naman 'yon alarming. Ramdam niya naman na matibay talaga ang hagdan. "Hindi man lang nagtaka si Iesus nawawala susi niya?"

"Hindi naman ako ang nagnakaw," he chuckled.

"Hindi? E sino?"

"I asked Chi." Namilog ang mga mata niya. Tumawa naman si Balti. "Or must I say, matagal nang pinagawan ni Chi ng identical key ang susi ni Iesus sa parola."

"At hindi alam ni Iesus?!"

"He doesn't need to know."

"Paano kung mahuli kayo?"

"Si Chi na bahala lumusot."

Mas mahirap pala umakyat ng hagdan na daldal nang daldal. Mas lalo siyang hiningal. Ramdam niya ang pamamawis ng gilid ng mukha at noo niya. Medyo malapit na rin naman siya. Umaabot na sa kanya ang hangin mula sa itaas.

"Sana pala nagdala akong tubig!"

"Don't worry. I already expected that. May dala ako."

Tumigil siya at inangat ang mukha kay Balti. "Wow!" aniya, while catching her breaths. "Sana all, 'di ba?" Nagpatuloy siya hanggang sa makaabot siya sa itaas. "Ilang floor ba 'tong lighthouse? Feeling ko umakyat ako hanggang 8th floor." Inabot sa kanya ni Balti ang bukas nang bottled water. "Thanks!"

"The lighthouse tower is 72 feet, as per Iesus. Thad, also mentioned, that the lighthouse could at least reach 5 to 6-storey building. It's a safe assumption from archi, since, depende pa rin daw naman 'yon sa floor height measurement and building type, but more or less, nasa 5th or 6th-floor ang lighthouse kung aakyatin."

"Ang taas nang inakyat ko!"

Natawa ito. "Worth it naman." Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa bukas na pinto ng parola. "See?"

Namilog ang mga mata niya. The clean breeze of night air immediately embraced her. Ang sariwa ng hangin at ang lamig. Ramdam niya agad sa kanyang mga pisngi. Bahagya pang nililipad ang nakalugay niyang buhok.

"Ang ganda!" Napahawak siya sa railings. "Balti, ang ganda-ganda rito."

He smiled, "Sobra."

Hindi mawala ang ngiti niya. She had seen the picturesque view of Cebu City and its closest municipalities in the Tops of Cebu pero hindi niya alam kung bakit mas maganda pa rin sa mata ang buong Faro de Amore at halos buong bayan ng Liloan. Nakikita niya ang simbahan mula rito. Ang bridge na nagdudugtong sa Mactan Island at Mandaue City. Ang buong lupain ng Faro. Mga bahay ng mga kaibigan nila. Ang boardwalk at rooftop ni Chi. Ang mga yate na nakadaong sa floating dock sa loob ng Faro. Mga mangingisda sa laot na tila ba mga lamparang inaanod sa dagat.

Iesus' white ancestral mansion looks so nostalgic from up there. Parang isang postcard painting. Ang ganda-ganda! The whole place seemed like a little village in her eyes. She couldn't help but admire the beauty it holds.

Ibinaling niya ang tingin kay Balti. "Is it safe to assume na madalas ka rito?"

"Hindi naman." He laughs. "Masakit na sa tuhod din minsan ang pag-akyat."

"Akala ko ba matibay pa mga tahud natin, Ser?"

"Sometimes hindi na rin."

Pareho silang natawa. Mayamaya pa ang naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likod. Napangiti siya as she rested her head on his chest. Ilang segundo muna niyang pinagsawa ang mga mata sa ganda ng buong Faro. She can sense that Balti did the same. Humigpit ang yakap nito. Bumaba ang mukha sa bandang tainga niya. She felt his hot breath fanned on her skin. It created a familiar tingling feeling.

"Marry me, Ninin," he sweetly whispered.

Kumabog nang mabilis ang kanyang puso. It hits different when Balti says it. It overwhelms her emotions right away. Halos ramdam na agad niya ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. To the point na, feeling niya, if she blinks, agad ding tutulo ang mga luha niya.

Pinihit siya nito paharap dito. He was smiling and so was she. Na sa huli e naging tawa.

"Nin, I'm serious!"

"Alam ko, wait lang!" Tawang-tawa pa rin siya - pati rin naman ito. "Bakit ba kahit sa mga seryosong bagay nakakatawa ka pa rin?" Hinuli muli nito ang mga mata niya.

"Do you want a grand proposal? Mas kapanipaniwala ba 'yon?"

Ngumiti siya rito. "I don't want a grand proposal, Balti." She reached a hand to caress his cheek with her thumb. And it made him smile more. "I just want a marriage certificate with your last name on it." Natawa ito.

"Is that a yes?"

She nodded. "Of course, it will always be a yes." Naipikit niya ang mga mata nang siilin siya nito ng halik. It was a short, yet very sweet searing kiss.

"I love you," he murmured, cupped her face, and kissed her forehead. Doon na talaga siya naluha. "And thank you for waiting for me."

Lumuhod ito sa harap niya at inilabas ang isang sing-sing mula sa bulsa ng pantalon nito. Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng mga luha nang dahan-dahan nitong isinuot sa palasing-singan niya ang napakagandang sing-sing.

It reminded her of a crowned thorned rose. Crafted in perfection with a diamond that looks like a rose flower, and little diamonds as thorns. The plant stem ring lining were made out of rose gold that is intimately wrapped in her slender ring finger. It was the most beautiful ring!

Hindi na niya napigilan ang mga luha niya.

Bumalik talaga sa kanya lahat ng mga memories nila since high school. Hanggang noong college siya. Ang pagmamahal niya kay Balti. Ang mga luha niya dahil sa pagmamahal na 'yon. Those sad moments she felt being apart from him. Ang mga move on goals niyang 'di niya magawang pangatawanan. She knew that loving Balti was a risk to take - that it might be pointless at the end - that she may lose the battle, yet, despite all the red flags of loving Bartholomew Juarez, at the end, she bravely chose to love him more...

... even if it means, getting her heart broken a lot of times.

It was a risk that put her future on hold.

Pero siguro nga, naka ON HOLD muna kasi hindi pa ang tamang oras.

And she thanked God for giving her patience to wait.

Tumayo ito at muli siyang niyakap. "Saksi ang parola sa pagmamahal na mayroon ako para sa'yo, Nin. Kagaya nang ilang taon niyang pagtayo rito. Katumbas no'n ang taon na hinintay mo para sa'kin," his voice broke, god, Balti is crying. Lalo tuloy siyang naiyak. Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Hindi ko man mababawi ang lahat ng nasayang na panahon at luha pero hayaan mong samahan kita sa mga susunod na kalungkutan at kasiyahan na dadating pa sa buhay mo. Pasensiya na kung malabo kausap 'tong mahal mo. Package na yata ang malabong mata, sa malabong kausap."

Natawa siya.

He continued, "I know, people may say, I don't deserve you," bahagya itong lumayo sa kanya, "but deep in my heart, I know," nakangiting pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata, "I can make myself worthy for my Ninin."

Her lips trembled, mas lalo tuloy siyang naluha. Bahala na 'tong salamin niya sa mata. Wala na ngang pakialam si Balti sa salamin nito. Iiyak talaga siya.

"Ako na. Ako na muna ang magmamahal sa'yo nang sobra, Ninin. Ako na muna ang maghahabol sa'yo araw-araw. Ako na muna ang mag-aalaga sa'yo. Ako na muna ang iiyak." Natawa siya sa huling sinabi nito. "Pero huwag mo naman ako saktan araw-araw."

"Gage!"

"Pero may ibang away akong gusto ko lagi nating gawin." A naughty smile slipped on his face. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "But let's not go into details." Tumawa ito. "Mas maganda kasi 'yong gawin kapag demo kaysa i-discuss."

"May idea na ako, Juarez."

"Just keep your idea to yourself, for now, Marzon. Oh, wait!" Pinihit siya nito paharap sa pader. "Harap ka sa camera tapos ipakita mo ang sing-sing mo."

Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya e ang pagtawa niya. Aba'y, hindi niya napansing idinikit pala ni Balti ang cell phone nito sa pader ng madaming tape. Naka video pa rin 'yon at talagang ang ganda ng kuha. Kita ang view.

"Hoy, Balti!"

"Meron pa roon, isa," itinuro naman nito 'yong isa pang cell phone. Ganoon din porma. Ibang angle naman. Tawang-tawa siya. "Actually, I asked Jam a little favor."

"Huwag mong sabihing may mga camera pa na 'di ko alam."

"Well," parang batang nagpipigil ito ng ngiti.

"Hoy!"

Hanggang sa tumawa na. "And, meron din sa mesa mo sa faculty kanina. Maliit lang 'yon, itinago ko sa isa sa mga gamit mo roon."

"Seryoso?"

"Bakit sa tingin mo ang galing ng timing ng tawag ko?"

"Grabe ka!"

"Naipangako na ni Jam-Jam na siya mag-e-edit ng proposal ko." Ngumisi ito.

"Hindi ka masyadong prepared, Ser."

"Kinulang nga nang oras e."

Tawang-tawa siya. "Wow! Kinulang ka pa nang oras sa lagay na 'yan?"

"For documentation purposes lang po, Ma'am Nins."

Lalo siyang natawa. "Ang dami mo talagang pauso, Ser."

"Naman!" He wrapped his arms around her waist and pulled her in a warm hug. "What Balti wants, Balti gets." Saka inangkin ang mga labi niya sa isang malalim na halik na buong puso niyang tinugon.

Niña is officially engaged with Bartholomew Juarez!





"MARI!!!"

Halos mabingi silang tatlo nila Aurea at Chippy sa sigaw ni Maha nang magkita-kita ang lahat sa sa Noah's Ark para i-celebrate ng sabay ang birthday nila Simon at Jude. September 14 si Jude at September 16 naman si Simon. In-occupy nila ang buong second-floor dahil may mga customers pa si Math sa ibaba.

"Kita mo 'tong babaeng 'to," ni Chi, "akala mo siya ang best friend ni Marison."

"Girls!" sigaw naman ni Mari, lumapit ito sa kanilang tatlo.

Alam niyang maganda si Mari. Pero iba ang ganda nito sa personal. Ang anghel talaga ng mukha. Mukhang manika at she has a very sweet voice. Parang 'di marunong magalit.

Yumakap ito sa tatlo, maliban sa kanya. "I missed you!"

"We missed you too!" ni Chi. "Kailan ka pa nakauwi?"

"Kahapon pa talaga pero kanina lang ako nagpakita kay Jude," sagot ni Mari, kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Nang dumating ako ang tahimik sa Faro. Nakatulog din kasi ang kambal sa bahay so hindi na kami lumabas. Then Jude took us here na lang kasi sabi lahat naman papuntang Noah's Ark." Bumaling ng tingin si Mari sa kanya. "Niña, 'di ba?"

Nakangiting tumango siya.

"Hi!" Lumapit ito yumakap sa kanya. "It's good to finally meet you in person." Kumalas din pagkatapos. Pero ang kamay naman nito ang hinawakan nito. "I've heard so much about you from Chippy. Syempre, sa first video call natin e na intriga na talaga ako sa love story ni Ser. I want to hear everything. Sa isang table na lang tayo."

"Hoy, Maring at Auring, mga anak ninyo?"

Halos sabay naman silang napatingin sa direksyon ng mga Faro Boys. Complete ang trese. Hawak ni Tor si Aurora na sinusubukang kunin ni James mula rito. Tinatawanan ng mga ito si Balti na nagawa na ngang makuha ang anak ni Mari at Jude na si Sunset. Natira kay Jude si Lyre na inabot naman ni Jude kay Andrew. Natawa siya pati na rin 'yong tatlo sa panlalaki ng mga mata ni Andrew habang karga-karga si Lyre.

Akala mo kasi inabutan si Andrew ng nunclear bomb.

"Oy, Daddy Drew, bagay pala sa'yo!" boses 'yon ni Simon. "Kap, mukhang mauunahan ka pa yata ng baby brother mo."

Tinungga ni Sep ang hawak na bote ng San Mig Light. "Sige lang, 'di naman ako nagmamadali." Nag-apir pa ito at si Mathieu. "'Di ba, Math?"

"Naman, kahit ihuli n'yo na kami sa pila," sang-ayon ni Math.

"Bakit may feeling ako na mas mauuna kapa kaysa sa'min?" ni Balti.

"Bakit?" inosenteng tanong ni Iesus.

"Hali na nga kayo." Hinila na sila ni Chi sa bakanteng mesa na kasya silang lima. Malapit sa glass panel wall. Kitang-kita ang magandang view ng floating cottage na extension ng Noah's Ark. "Tutal sa kanila naman galing ang mga babies. Hayaan n'yo nang mag-alaga ang mga Gurs."

"Ay sus, ayaw mo lang ma hot seat e," tudyo pa ni Au. "Iniiwasan mo lagi ang topic kapag si Math ang involve. Pero lagi naman kayong magkasama."

"We're just friends, okay? Walang malisya sa'kin 'yon."

Automatic naman agad na may waiter at service staff na naglapag ng plates at drinks muna sa mesa nila. Nauhaw siya kaya binawasan niya ang four season juice.

"Totoo?" ni Mari.

"Ayoko maniwala," dagdag naman ni Maha. "Lagi kayo nag-aaway pero lagi kayong magkasama. Kami nga ni Juan, hindi ko naman inaaway, pero kulang na lang isumpa ako."

Natawa silang lahat.

"Girl, may malisya ka kasi," ni Chi.

"So dapat walang malisya? Sabihin ko lang, Juan, can we be friends?"

"Hindi siya maniniwala."

"Why naman?"

"Kasi alam niyang may kasunod 'yang, can we be friends, and lovers in the end."

Tawang-tawa ulit sila maliban kay Maha na na-e-stress lang sa love life nito. "Pangit ka bonding ni Juan. Naku, kapag ako naka move on, who you siya sa'kin."

"Kahit naman yata mag-move-on ka wala pa ring pakialam si Juan sa'yo."

"Yaaa!"

"Hanap kang ibang Faro Boy. Ayaw mo kay Andrew?"

"Hindi ba masusunog bahay nila kapag naging sila?" ni Au, na nakangisi. "Isang high blood na Andrew. Isang malditang Maha."

"Mabait ako!"

"Kapag tulog," dugtong pa niya, natawa ang lahat.

"Sa tingin ko e dapat huwag mo na lang masyadong i-pressure ang sarili mo, Maha," ni Mari. "Ayaw ni Juan 'yong kinukulit."

"Makinig ka kay Mari, Maha, dahil ex-crush 'yan ni Juan."

"Ang harsh mo sa'kin, Chi! Pagdating kina Aurea, Mari, at Niña, tinutulungan mo silang magka-jowa."

"Ahm, correction, sinumpa ko si Jude." Natawa ulit silang lahat. "Wala akong natatandaang denemonyo ko si Mari na mahalin 'yang si Hudas. Sadyang, Hudas lang talaga si Hudas. Mabilis gumalaw."

"Nagbago naman e," ni Au. "Hudas with moderation na lang. Speaking of Jude, how are you? Anong reaksyon niya nang makita kayo?"

Ngumiti si Mari. "He cried."

"Aww," reaksyon nilang lahat.

"Tapos?"

"He proposed."

"Omg!"

Kitang-kita ang pamumula ng mga pisngi ni Mari. Ipinakita nito ang sing-sing sa ring finger nito. Halos namilog ang mga mata sa ganda no'n. Parang isang tiara ang engagement ring nito.

"Sana all!" ni Maha. "Gusto ko na talaga ikasal."

"Manahimik, Maharlika," sita ni Chi. "Kung 'di ka magpapalit ng crush 'di ka maikakasal nang maaga."

"Bakit ba? Gusto ko si Juan e!"

"Sa susunod pa raw 'yang buhay."

"Iba-iba ba ang asawa kada buhay?"

"Oo, kapag ikaw."

Natawa ulit silang lahat.

"So kailan ang kasal?" dagdag na tanong ni Au.

"No final dates yet, pero gusto ni Jude sa December kami ikasal. May at least 3 months to prepare pa kami since madami pa akong aasikasuhing documents for the twins. Plano niya rin na magbakasyon kami ng isang buwan."

"You want me to call, LV? Remember her Mari? Siya ang wedding coordinator ng kasal nila Au at Tor."

Nangislap ang mga mata ni Mari. "Pls, Chi. Ang ganda ng coordination ni LV at ng wedding reception. Siya rin talaga gusto kong kunin na wedding coordinator."

"I can vouch to her. I'll call her tomorrow para ma-i-schedule na niya ang meeting ninyo bago kayo magkabasyon ni Jude."

"Thanks, anytime, free naman kami, kahit siguro mag-usap kami through video call muna if sobrang busy siya."

"Naku, kahit busy 'yon, napaka workaholic no'n."

"Engaged na rin yata siguro 'yon," singit ni Maha. Napatingin sila rito. "May ka anniversary roon sa Santa Fe. Mukhang in serious relationship e."

"Deserve niya rin naman. Napakamalas ng babaeng 'yon sa pag-ibig."

"Ay talaga?"

Na intriga rin siya.

"Saka ko na ikukwento pero kung mayroon man siyang ka anniversary. Good for her. Sa dami nang mga pinagdaanan niya. Kahit ako, susuko na rin magmahal."

"Mukhang crush pa naman ni Si," aniya.

"Nino? Ni Simon?"

Tumango siya. "Oo."

"Sure?" nila Au at Mari.

"Paano mo nasabi?" dagdag ni Mari.

Tumawa siya. "Observe n'yo na lang kapag nagka-moment 'yong dalawa."

"Aw, pinagtagpo pero 'di itinadhana," dagdag ni Maha.

"Parang kayo lang din ni Juan, Maha. Pinagtagpo pero never magiging end game," pang-aasar pa lalo ni Chippy. "Mag-change-crush ka na."

"Alam mo, Chi, kapag talaga si Math ang naging ama ng anak mo, I dare you to support my love for Juan."

"Kailan ka pa natututong manghula?"

"Hindi ako manghuhula pero magpagdesisyon ako."

Tawang-tawa sila. That, she couldn't disagree with. Tunay na magpagdesisyon si Maharlika.

"Gusto rin namin 'yan," segunda pa nila Mari at Au.

Chi rolled her eyes. "Ahm, excuse me, girls, mangyayari lang siguro 'yan kapag si Math na lang ang natitirang lalaki sa mundo."

"So may chance nga?"

"We have needs, okay? Choosy pa ba ako kay Math? Siya na lang nag-iisa sa mundo."

"Needs lang?" Ayaw talaga sumuko ni Au.

"Alam mo, Auring, namimihasa ka nang asarin ako."

"Anong feeling na ha-hot-seat, Chizle?"

"Alam n'yo -" Dumako ang tingin ni Chippy sa kanya. "Nanahimik si Mam Nins, naku, isa pa 'yang engaged."

"Talaga?!" singhap ni Mari. "Wow, ang bilis ni Ser."

"Nin, pakita mo ang sing-sing kay Mari."

Inangat niya ang kamay para makita ng tatlo. Manghang-mangha si Mari. Hinawakan pa ang kamay niya at sinipat ang sing-sing.

"This is too beautiful," nakangiting sabi nito.

"Very Balti," ni Au.

"Kakatanim niya sa garden lahat na lang ina-associate sa halaman ni Bartolome," dagdag ni Chi.

"Ang cute nga e!"

"At least! Ako nga, 'yong engagement ring ko, 'yon lang ding binili namin ni Tor noong 'di pa kami official. 200K na 'yon, bibili pa ba raw siya ulit? Recycle na lang daw."

"May point naman din kasi si Attorney."

"Innovative, Tor, as always."

Natawa silang tatlo.

"Sana all, 'di ba?" Marahas na kinagatan ni Maha ang friend chicken na leg part. Mas natawa siya sa buryong-buryong mukha nito. "Sana all, niluluhuran."

"Gaga!" Ang lakas ng tawa ni Chi. "Ayusin mo nga sinasabi mo, Maharlika."

"Niluluhuran ng sing-sing."

Tawang-tawa sila.

"Huwag kang mag-alala, nandito pa naman ako. Single and ready to mingle."

"May Math ka naman e. Dini-deny mo lang. Kapag 'di ka pa umamin. Ako na mismo tatawag sa Dispatch sa Korea para mabuking na kayo. Sila na mag-a-adjust."

Lalo lang lumakas ang tawa nila.

"Mahahati ang dagat sa Faro," ni Au.

"Good luck, Math," ni Mari.

"Pero bagay naman kayo e. Bakit n'yo ba kasi tinatago?" Halatang-halata na roon sa mga kuha ni Balti. Mayroon talagang tinatagong relasyon ang dalawa. Ayaw lang umamin. "Ayaw ba ni Iesus?"

"Wala nga kasi kaming relasyon. Tigilan n'yo na kakaship sa'min. Hindi sapat iisang babae kay Mathieu Dmitry."

"Then make him change his mind," ni Mari.

"Wow! Coming from Lucia Marison Salvaleon soon to be Savio."

"Nabago nga ni Mari si Hudas," ni Au.

"Hindi ba nila pwedeng baguhin ang sarili nila sa sila-sila lang?"

"Alam mo, Chizle Priscilla, hihintayin ko na lang kung kailan ka aamin," ni Au. "Kahit naman pigain ka namin. Wala pa rin kaming makukuha sa'yo."

Chi chuckled, "Huwag n'yo na kasi ako i-topic. Anyway, Nins, may date na rin kayo sa kasal? Wedding coordinator?"

"Wala pang dates, pero gusto namin ni Balti next year, summer break. Busy pa kasi sa school. Pero naghahanap na rin kami ng wedding coordinator para mas maasikaso namin nang mas maaga."

"Perfect! Next year pa naman e. I think LV can still accommodate you."

"If kaya ng schedule niya."

"Sure, hindi naman 'yon humi-hindi sa pera."

"Alam ba ni LV nililibak mo siya sa likod niya?"

"Gawain din naman niya 'yon."

Tawang-tawa sila.

"Why didn't you invite her today?" ni Mari.

"I did, pero may scheduled wedding event siya today hanggang madaling araw na rin. Hindi 'yon umaalis sa reception nang hindi nalilinis lahat."

"Sayang naman."

Napatingin sila sa direksyon ng Faro Boys. Si Iesus na ang may hawak sa kambal. Na kay Math naman si Aurora. Magkatabi pa. Panay tukso ng mga kaibigan kay Math. Pero sila Juan at Simon nasa buffet table na. Wala nang pakialam sa ibang mga kaibigan. Andrew is calling someone over the phone. Humiwalay kasi ito.

"Chi, sure kang ayaw mong angkinin si Mathieu Dmitry?" basag ni Au.

Marahas na bumuga ng hangin si Chi. "Tigilan n'yo nga ako!"

"Let's put an end to this," ni Maha. "Kapag hindi nagkatuluyan ang MathChi, titigilan ko na si Juan."

"Tapang mo ah!"

Confident na ngumisi si Maha. "Mapagdesisyon ako."

"Hmm, sige, ako rin," ni Mari, "if failed ang MatChi, dadagdagan ko anak namin ni Jude."

Lahat sila nagulat sa bet ni Mari.

"Shuta kayo! Magsitigil nga kayo."

"Sali na rin ako," ni Au, grinning. "Kapag hindi end game ang MathChi, ipagtatapat ko kay Lourdes na ako nakasira ng kama ni Lolo Pol."

"Hoy, Auring!" Tawang-tawa si Chi. "I-video mo, ha?!"

"Firm ako sa paniniwala ko."

"Ako rin," makikisali na rin siya, "pero pag-iisipan ko muna kung ano i-be-bet ko kasi 'di ko alam kung ano." Tumawa siya pagkatapos.

"Push!" ni Maha.

Napailing na lang si Chi. "Bahala kayo sa buhay n'yo." Saka tumawa. "Good luck."

"No, Chi, good luck sa'yo," ni Au.

"Buti 'di mo sinanla ang noo ng asawa mo."

"Pagpahingahin ko muna."

"Gage!"

"Noo ni Tor pagod naaaaa!"

"Hahaha!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro