Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36

"MORNING..."

Ang ngiti agad ni Balti ang bumungad sa kanya pagmulat pa lang niya ng mga mata. Natigilan naman siya nang ilang segundo bago niya ma realize na kumot lang pala ang nakabalot sa katawan niya. Ramdam niya agad ang pag-iinit ng mga pisngi.

"A-Anong oras na?"

Hindi pa masyadong maliwanag sa labas. Pero may narinig na siya kaninang tilaok ng manok.

"Last time I checked it was still past four in the morning." Napangsihap siya nang yakapin siya nito lalo sa katawan nito. Nailapat tuloy niya ang mga palad sa dibdib nito. Hanggang sa baywang lang nito ang kumot kaya malaya niyang nakikita ang magandang katawan ni Balti. "How are you?" God, she couldn't believe she and Balti made love in her room!

Napalunok siya. "H-Huh?"

"I know you're a little sore."

Ramdam niya ang lalong pag-iinit ng mga pisngi. Hindi niya talagang magawang tignan ito nang diretso sa mga mata nang mga oras na 'yon. May awkward feeling bigla. Syempre first time niya 'yon. Hindi niya marendahan ang puso niya. Sa tuwing nakikita niya ang ngiti ni Balti bumabalik sa kanya ang nangyari sa kanila kagabi.

"Tignan mo nga ako sa mata, Nin," he demanded, pero malambing pa rin ang boses, may halong amusement sa tono nito. "Nahihiya ka ba?"

"H-Hindi..."

"Then why won't you look me in the eyes?"

She consciously tucked a loose strand of hair behind her ear. "I... 'di... ko rin alam..." Hinawakan nito ang kamay niya dahilan para maiangat niya ang mukha rito. Wrong move. Feeling niya huminto ang puso niya. Dang, those flirty smiles. He was teasing her!

"Bakit ka ba nahihiya? I've already seen everything." And he never stops smiling! "We made love twice, Nin. Twice." Mas lalo lang siyang nahiya. Kailangan talaga ulitin? "Didn't you enjoy it?"

Okay, Nin, hindi pa sumisikat ang araw, kumalma ka muna. Para namang 'di ka sanay sa mga lumalabas sa bibig niyang boyfriend mo.

"Sa tingin mo hindi ko na enjoy?"

Oh, god, ang arte, Niña!

"Care to elaborate for me?" Pinalo niya ito sa dibdib. "Aw!" Tawang-tawa naman pagkatapos. Inayos niya ang kumot sa pagkakabalot sa katawan niya. Pang-inis din 'to e. Idinantay ba naman ang isang hita sa hita niya. "I've enjoyed it. Top one pa nga sa memories ko."

"Binti mo."

"Hayaan mo na, komportable ako sa'yo."

"Ginawa mo na akong unan, Juarez."

Natawa ito. "Nin, isipin mo ang madaming umaga na magigising kang nakadantay ang hita ko sa'yo. Hindi ka ba kinikilig?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ewan ko sa'yo."

Iniyakap nito nang husto ang mga braso sa kanya. Halos nakaunan na rin naman siya sa isang braso ni Balti. She has seen his bedroom hair a lot of times – messy but sexy. It gives him a bad boy aura. Lalo na kapag hindi naka salamin. She fancied that version of Balti. Malayo sa adorable Balti na pinapakita nito sa labas.

And he was really different in bed.

Halos na culture shock siya.

Dios ko, Niña Rosella, looks can be deceiving talaga! Wala pa naman siyang experience talaga before pero feeling niya ang galing ni Balti. Wala talagang panama 'yong mga nababasa niya sa mga novels. Ibang-iba ang first-hand experience. It was great and she enjoyed it. Isang reason din siguro ay dahil sa tamang tao niya binigay ang sarili. Wala siyang makapang regrets ni isa.

Inihilig na lamang niya ang pisngi sa dibdib nito para itago ang pagngiti. Gusto niya rin naman ang madaming umaga na kasama si Balti. 'Yon na lang muna. Doon na muna siya sa pinaka-wholesome na sagot.

"I will take responsibility for what happened between us."

"Ginusto ko rin naman ang nangyari."

Who would have thought she'll lose her virginity with Balti in her own room? Sa ilang taon niya sa kwarto na 'to ang dami nang na witness ng kwarto niya. Her love for Balti. Her pain for her unrequited love for him na may kasama pang iyak at hagulgol. Pero never niya na isip na perfect place 'yon to make love. Well, expectations are only half of the reality.

"Don't feel obligated to marry me, Balti," dagdag niya.

"I wouldn't marry you out of responsibility, Nin." Isa-isa nitong inalis ang mga dumikit na hibla ng buhok sa mukha niya. "And if I propose, I want it to be special. I want everything to be special when it comes to you." Naiangat niya ang mukha rito. Hindi na talaga nawala ang ngiti sa mukha nito. "Because you always make things special for me and I want to do the same... because you deserve it... at para the special is mutual."

Tawang-tawa siya sa huling sinabi nito. "Gage!" At napangiti pagkatapos. "Ikaw lang naman ang gusto ko." Dati sa isip lang niya 'yon sinasabi. Ngayon ang lakas na ng loob ni Niña.

Natawa ito. "Sige, sa'yong-sa'yo na ako. Ikaw lang puwedeng humawak sa katawan ko." She couldn't help but laugh again. "At doon sa junior ko sa ibaba."

"Loko!"

Kailan ba nagkaroon ng dull moments with Bartholomew Juarez?

"Hawakan mong mabuti ah –"

"Balti!"

Tinampal niya ito sa dibdib.

Tawang-tawa na naman ito pero mahina lang naman at baka may magising pa sila. Buti talaga e nasa baba ang kwarto nila Kath at Ate Nora. Hindi naman siguro sila narinig ng mga ito kagabi.

Humupa ang tawa pero hindi nawala ang ngiti sa mukha nila. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito. She always loves the adoration she sees in his eyes. Feeling niya ang ganda-ganda niya lagi. Those eyes always reassure her that she's always beautiful in his eyes.

"It still feels surreal. Minsan, 'di pa rin nag-si-sink-in sa'kin na boyfriend na kita... at mahal mo ako. Not that I'm doubting your love for me. Nasanay lang siguro ako sa idea na hinding-hindi magkakaroon ng tayo. I'm still trying to get used to this."

"I'm all yours now, Nin. Boyfriend mo na ako. At dahil pala desisyon din naman ako katulad ng kapatid ko. Angkinin ko na rin ang title ng future husband at handsome daddy ng mga anak mo - natin." Hinalikan nito ang likod ng isang kamay niya. "Hindi pa naman ngayon. Kung kailan ka na handang anakan kita." May nakakalokong ngiti agad sa mukha nito.

Tawang-tawa ulit siya. "Bakit ba kapag tayo lang magkasama ang kalat mo magsalita?"

"Kailan ba ako maayos magsalita?"

"Kapag nagtuturo ka at kausap mo ibang tao."

"O, meaning nun, hindi kita pinaplastik."

"Pinaplastik mo sila?"

"It depends," he chuckled, "and I'm more comfortable with you. Basta ikaw ang kasama ko e feeling ko kilalang-kilala ko ang sarili ko." Napangiti siya.

"Alam mo naman na makikinig ako kapag kailangan mo ng taong magpasasabihan nang lahat."

Hindi pa rin naman nawawala sa isipan niya ang mga pinag-usapan nila ni Vier. Kilalang-kilala na niya si Balti. Hanggat kaya nitong i-solve ang problema nito na mag-isa ay gagawin nito. Gusto lang niyang paalalahanan ito na hindi na nito kailangang sarilihin lahat. Bida-bida rin naman siya. Gusto niya ring mangialam sa buhay nito.

"I know." He leaned down to kiss her.

Na buong puso rin niyang tinugon.

Pero ang halik din 'yon ang naging hudyat ng pangatlong beses na pag-angkin nito sa kanya. May isang oras pa naman bago tuluyang sumikat ang araw. Kaya pa naman ilaban.



"ATE NINS, okay lang ba 'yong si Kuya Balti?"

Nag-cha-chop siya ng garlic sa kusina. Siya ang magluluto ng lunch. Nagbabantay ng tindahan si Ate Nora. Pigil niya lang ang matawa. Hayon sa likod bahay si Balti. Naglalaba ng kubre kama at kumot. Malas nito dahil nasira 'yong washing machine nila kahapon. Sa Lunes pa 'yon pupuntahan ng kakilala ni Mama na repair man.

Kusot manually na muna with feelings si Ser.

"Hayaan mo 'yon," aniya, pigil pa rin ang ngiti. "Binabad mo na ba 'yong pork sa tubig?"

"Oo, kanina pa." Lumipat ito sa kaliwa niya. "Pero, Ate Nins, sayang 'yong kamay ni Kuya Balti. Mukhang makinis pa. Masusugatan 'yon." Hindi naman makinis. Malambot pero medyo magaspang na rin naman kamay ng 'sang 'yon. Nagtatanim 'yon sa bahay e 'di gumagamit ng gloves.

"Matanda na siya para masugatan pa."

"Anong trip ni Kuya Balti? Kakapalit lang ni Ate Nora ng kubre kama kahapon. Hindi pa naman 'yon madumi."

"Hayaan mo na 'yang Kuya Balti mo. Masaya siya kapag naglalaba." May ngiting ibinaling na niya ang mukha kay Kath. "Ang mabuti mong gawin. Himayin mo 'yong apa ng lumpia. Dahil lalagyan ko 'yan ng laman pagkatapos ko nito."

"Anong okasyon at ang dami mong niluluto?"

"Gutom ako. Sige na," she shooed her away with her elbow, "doon ka sa lamesa. Iniwan ko roon ang apa. At huwag mo na i-stress-in ang sarili mo sa Kuya Balti mo. Kubre kama lang 'yan. Hindi 'yon mamamatay sa paglalaba."

Tawang-tawa si Kath. "Sana all pinaglalaba ng boyfriend!"

"Alis!"

Nang iwan na siya nang tuluyan ni Kath e may naisip siya. Hindi pa niya ulit nasisilip doon sa likod si Balti. Baka kinain na 'yon ng detergent at bareta. Natawa siya. Naghugas muna siya ng kamay sa gripo at pinunasan ang basang kamay sa pamunas. Hindi uso ang apron dito.

Iniwan niya ang ginagawa at dinala ang medium size cookie jar at 'di straw na orange juice mula sa ref. Kanina pa 'yon naglalaba. Baka nagugutom na.

"Hoy, Juarez!" nakangisi niyang tawag dito.

Nauna pa ang tawa bago pag-angat ng ulo sa kanya. "Bakit Marzon?" Ang cute nitong nakaupo sa bangkito habang nagkukusot. Kaunti na lang natira sa laundry basket nito. Aba'y ang loko, pati uniform nilang dalawa at ilang mga damit niya ay nilabhan na rin nito. "Langya, Nin, kung makatawag ka sa'kin para namang nasa bilibid ako."

Natawa siya saka naupo sa isa pang bangkito. Ang daming bula ng palanggana nito. Binuksan niya ang cookie jar. "Oh!" Subo niya rito ng isang cookie na mabilis naman nitong kinagat saka kinain. "Kumusta paglalaba?" Itinusok niya ang straw sa karton ng orange juice at inilapit sa bibig ni Balti.

"Masaya," pabalang pero nakangisi, he leaned down and sipped the orange juice mula sa straw. "May ipapalaba ka pa po ba, ma'am?"

"Ikaw naman nag-offer e."

"Sabi ko nga." Isinubo niya ulit sa bibig nito ang isa pang cookie. "Kung ganito ba naman lagi maglalaba tapos may magpapakain sa'yo."

"Ngayon lang 'yan."

"Thanks, Ninin. Love na love mo talaga ako."

"Ayieeee!"

Napakurap siya nang may marinig na ibang boses. Doon niya napansin 'yong cell phone nitong nakasandal sa tabo sa itaas ng isang monoblock chair. Literal na nanlaki mga mata niya nang makita sila Simon at Math sa screen. Shuta!

"Nag-la-live-laba ka ba?!" she snapped.

"Hindi!" Tawang-tawa si Balti. "Mga walangya ang ganda ng timing kung kailan ako naglalaba saka ako denidemonyo."

"Hi, Niña!" bati pa nila Simon at Math sa screen.

"H-Hi," alanganin siyang kumaway sa mga ito.

Takte, bakit 'di niya napansin? Sinadya yatang manahimik ng dalawa kanina. Napangiwi siya sa isip. Buti wholesome ang topic nila kanina.

"Gwapo ng boy mo ah," asar pa ni Math. "Magkano bayad mo riyan? Dodoblehin ko."

"Teacher sa weekdays. Labandero sa weekend," dagdag pa ni Simon. "Napakasipag naman talaga Ser. Hindi ko pa sinama ang pagiging human CCTV mo sa Faro niyan ah."

"Huwag puro fake news, Takeuchi," ni Balti.

"Saan na ba kayo?" singit niya.

"Nasa airport na, early check-in kami," sagot ni Math. "Mamayang gabi nasa Faro na kami."

"Sunduin mo kami Ser," ni Simon.

"Matatanda na kayo. Umuwi kayong mag-isa," Balti chuckled, "pero depende, ano bang mga pasalubong n'yo sa'kin?"

Tawang-tawa 'yong dalawa.

"Ser, inuwi ko sa'yo ang rebulto ni Hachiko," nakangising sagot ni Simon.

"Ibabato ko 'yan sa'yo."

"Ang brutal!" ni Simon, tawang-tawa ulit.

"Nin, i-break mo na 'yan," dagdag pa ni Math. "Dami pa ako pwedeng ipakilala sa'yo."

"Hindi pwede, no return, no exchange policy ako," sagot naman ni Balti. "At wala rin akong one year warranty kasi nga bawal ako isauli kina Juanito at Beatrice."

"Hahaha"

"Yawa ka Ser!"

"Same to you," bungis-ngis pa ni Balti. "And Math, shut up, madami akong alas sa'yo."

"Woah, daebak!" react ni Simon. "Ano? Ano? Share the tea, milk tea!"

"Yawa jud ka Ser! Yawa pas mga yawa!"

"Lol, Bartholomew Juarez 'yan!"

"Hahaha!"

Tama, Si, Bartholomew Juarez 'yan. Walang nakakatakas na chismis sa 'sang 'to. Malabo lang mata pero 'di ang tainga. Tawang-tawa lang siya sa tatlo.



"ALAM mo, matagal ko na talaga 'tong gustong itanong," aniya, ipinatong niya ang mga binti sa hita ni Balti habang nakaupo sila sa kawayang upuan nila sa terrace sa second floor. Nakasandal naman ang likod niya sa dalawang makakapal na unan. Ang dami na nilang na buksan na chichirya at pa ubos na rin ang tinimpla nilang iced tea. "Curious talaga ako e."

"Ano?" Kumuha si Balti mula sa hawak niyang V-Cut.

Papa-unwind lang muna sila. Inilabas din niya ang maliit na Bluetooth speaker para may background music din naman sila.

"Kailan mo na realize na gusto mo ako?"

Natawa ito. "Hindi ko pa ba 'yan na sasagot?" Umiling siya. "Naku, matatawa ka."

"Ano nga? Kailan? Paano?"

"Hmm, sa tingin ko hindi naman siya love at first sight. Nag-grow lang siya over the years. Hindi ko napansin na naitanim ko na pala si Niña seeds sa puso ko. Tapos biglang tumubo na lang siya nang 'di ko nalalaman."

"Bakit tunog Sir Balti explanation?" Hindi niya mapigilan ang matawa. "Kung may time ka lang e. Feeling ko may visual aids ka pa."

"Hindi, seryoso, noong high school tayo, nag-e-enjoy talaga ako sa company mo. Doon sa library, naramdaman ko agad 'yong spark."

"Anong spark?"

"Na pwede kitang utuing maging kaibigan."

"Gage!"

Tawang-tawa ito. "Wala talagang malisya, Nin. 'Yong feelings ko sa'yo that time ay mas pure pa sa tubig ni Iesus sa haunted niyang bahay." Ang sakit na naman ng panga niya. "Hindi ko ma explain. I'm not even sure if it could happen in real life. Pero unang kita ko pa lang sa'yo roon sa library. Feeling ko nakita na kita noon pero 'di ko lang maalala kung saan. Saka sobrang gasgas na nang linyang 'yan. Magmumukha akong tanga kapag tinanong ko sa'yo." He cleared his throat. "Have we met before?"

"Ma-we-weirduhan siguro ako sa'yo."

"It's fine," he chuckled, "I always get that a lot."

"O, tapos? Kailan nga nabago 'yong perspective mo about me?"

"Matagal ko in-admit, actually. Nagselos pa nga sa'yo si Maha noon dahil mas lagi kitang kasama. Mas inaasikaso kita sa bahay –"

"Anong pinag-aasikaso? Ako nga pinaghahanda mo ng snacks sa bahay ninyo –"

"Pero at least lahat ng kinakain natin galing sa'min –"

"Fine, may point, pero 'di ko ramdam na may malisya 'yon. Ang bossy mo kaya. Dios ko, Bal, ewan ko na lang kung bakit nagpapauto ako sa mga utos mo. Inaalila mo po ako! Natawa talaga ako kay Maha nang sabihin niyang nagseselos siya sa'kin. Kaya pala hate na hate ako ng babaeng 'yon. Akala niya inaangkin ko na kuya niya."

"Selosa talaga 'yon," Balti chuckled.

"E lagi mo kasi inaasar din kaya kung anu-anong tumutubong negativity sa utak nun."

"Pero 'di nga, paano kayo nagkasundo bigla?"

Natawa siya. "Naalala mo 'yong insist mo na ihatid ako ni Maha hanggang sa gate ng subdivision?" He nodded. "Ayaw niya, 'di ba? Inis na inis siya kaso pinagbantaan mong sasabihin mo kay Tita Bea na may new collection na namang photo cards ng Boys Over Flowers si Maha saka posters. Hayon nga, may nakawalang aso. Tapos tumakbo si Maha bigla." Pigil niya lalo ang matawa. "Tumakbo na rin ako kasi papalapit sa'kin 'yong aso. Nagsisigaw siya sa daan ng Mama at Papa. Ako naman e habol nang habol sa kanya hanggang sa umakyat kami roon sa slides sa playground sa subdivision."

"Walangya!" Hagalpak ng tawa ni Balti.

"Nagsiksikan kami roon hanggang sa hanapin mo kami. Tapos 'yong mga aso nagtawag pa ng dalawa. So tatlong aso na nag-aabang sa'min sa baba. Grabe, 'yong iyak ni Maha, 'di ko talaga makakalimutan. Para siyang batang umaatungal. Hindi ko magawang patahanin."

Parehong graduating student sila noon ni Maha sa magkabilang school. Two months before they got accepted in Cebu Normal University as Education students.

"Paano mo pinatahan 'yong demonyita?"

"Well..."

Binatukan niya sa ulo si Maha.

"Ouch!" maarteng daing nito. Suminghot-singhot ito at marahas na pinunasan ang mga luha. "How dare you hurt me?!"

"Tumigil ka na nga sa kakaiyak. Kasalanan mo rin naman kasi."

"Why is it my kasalanan? The dogs are to be blame, okay?" Sumilip ito sa baba. Tiklop na tiklop na mga binti nilang dalawa magkasya lang sa maliit na bahay-bahayan ng slide. "They're gonna eat us alive. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. I will die sad." Natawa siya. Marahas nitong ibinaling ang tingin sa kanya. "What?!" sikmat nito.

"Ang arte mo," she chuckled.

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "So what? Hindi mo pa rin naman makukuha ang kuya ko. My blood is thicker than your blood." Lalo siyang natawa. "Juarez ako, Marzon ka. Ako pa rin ang legal sister."

"Sino ba naman kasing may sabi na gusto ko maging kuya ang kuya mo? Kung magiging Juarez man ako. Sa marriage certificate ko na 'yon gagawin."

 Ay wait! Shuta Niña, anong pinagsasabi mo? Naisigaw mo na naman nasa isip mo!

"O.M.G!" Nagtama ang mga mata nila. Swear, gusto niyang magpakatihulog na lang para lapain siya ng mga aso. "You like my brother? Like, like, love, ganoon?" Napalunok siya. Nangislap naman ang mga mata nito. "Ohhh, interesting."

She waved her hand in front of her. "Wala! Joke lang 'yon."

"Mukha mo, namumula kaya pisngi mo. O, well, dami naman talagang nagkaka-crush kay Kuya. I stop counting already. Pero in all fairness, ikaw ang pinagpala sa lahat. So silly of me na inisip ko pa talagang balak mo akong palitan sa buhay niya."

Bumuntonghininga na lang siya. Nakakahiya pero na sabi na niya. Ang awkward na nito. Sana talaga 'di ikanta ni Maha sa kuya nito. Mapapalayas na talaga siyang tuluyan sa buhay ni Balti. Saklap!

"No worries, your secret is safe with me." Marahas niyang naibaling  ulit ang mukha rito. Tipid itong ngumiti. 'Yong parang ngiting half inch lang. "But in one condition."

"Ano?"

Determinado siya nitong tinignan sa mga mata. "Help me pass my college entrance exam in CNU." Napakurap siya. "If I pass. Who knows? Baka i-offer ko rin sa'yo na i-build-up ka kay Kuya Balti." Lalo siyang napakurap. Seryoso? "Sa tingin ko naman e mas maayos kang sister-in-law kumpara sa mga ibang babae. We'll see. We'll see."

Tawang-tawa ulit si Balti. "At ibinugaw na nga ako kapalit ng pagpasa niya sa CNU."

"Pero halos wala naman akong ginawa masyado. Distracted lang naman lagi si Maha. Need niya lang ng focus reminder sa pag-re-review niya para sa entrance exam."

"Matalino naman talaga 'yon. Iniisip lang niya minsan na kalaban ako pagdating sa pagkuha ng attention kay Mama. Lagi niya sinasabi ako si Teddy at siya si Bobbie."

"Doon sa The Four Sisters and a Wedding?"

Balti nodded, "Ang kulit, 'di ba? Kaya nga minsan, inaalala ko 'yong lalaking magmamahal sa 'sang 'yon." Napatitig siya kay Balti. May himig na ng seryoso ang tuno ng boses. "Kung sino man siya, sana mas mahaba ang pansensiya niya kaysa sa'kin." He smiled. "At sana kaya nga niyang panindigan si Maha. Alam ko naman na hindi perpekto ang kapatid ko. At hindi naman maganda 'yong ibang tao lagi mag-a-adjust sa kanya. Pero bilang kuya niya, Nin, alam mo naman na, when it comes to Maha, there's more in her than what meets the eye."

Ngumiti siya. "Sa tingin mo magtatagal ako sa kanya kung wala akong nakitang maganda kay Maha?" Natawa ito. "Pero ayaw mo talaga kay Juan?"

"Hindi sa ayaw ko. There is actually an apt question for that. Gusto ba ni Juan si Maha? I know my friends. They're great people, but we're no saints. Pero 'di ko naman sinasarado ang pinto ko if ever nga isa sa mga kaibigan ko ang makakatuluyan ni Maha. Hindi ko naman hawak ang puso niya. I will just be there for her kung dumating man ang panahon na kailanganin niya ng kuya."

Napangiti siyang lalo. "Alam mo, ang swerte-swerte namin sa'yo."

"Talaga ba?" Ayaw pa maniwala e. Tumango siya. "Halika nga." Hinila siya nito pahiga sa kandungan so umayos muna siya ng upo para magawa 'yon. "Kasi parang baliktad, mas maswerte ako sa inyo."

"Sige, the feeling is mutual na lang."

Pareho silang natawa.

"Noong college, doon ko na realize na hindi ka na 'yong batang si Niña. Dalaga ka na pala. Napapansin ka na ng mga lalaking ka edad mo. Iba na kung tignan ka."

"Limang taon lang naman tanda mo. Kung maka edad 'to."

He chuckled, "Dumating ako sa point na kino-control ko 'yong possessiveness ko sa'yo. Pansin mo daming kong pinagbabawal kay Maha dati? Sadya 'yon para damay ka." Namilog ang mga mata niya. Totoo 'yon! Kaya madalas silang tumatakas ni Maha. Tapos magtatampo na si Balti sa kanya. "'Langya, wala namang tayo bakit kita inaangkin? Ni hindi ko nga magawang harapin ang nararamdaman ko para sa'yo. Panay pahaging pa si Maha ng kung anu-ano. Na magsisi ako kapag 'di pa ako kumilos. Hanggang sa natakot na akong balakin na ligawan ka."

"Nagsisi ka naman yata rin sa huli?"

"Sisingsisi pa nga!"

Natawa siya. "Deserve mo naman."

"Hindi ka rin naman umamin."

"Sa tingin mo, kung umamin ako, may mababago ba?"

"Umamin man tayo sa isa't isa o hindi. Sa tingin ko e ay hindi pa rin talaga tayo handa noon. Nang bumalik ka e 'di pa rin nga ako masyadong handa."

"Wow! Hindi ka pa handa sa lagay na 'yon? Ang landi-landi mo."

"Seryoso!" Tawang-tawa na naman ito. "Hindi pa ako handa. Dinadaan ko lang sa biro 'yong kaba ko sa'yo. Pero maniwala ka Niña. Ang lakas-lakas na nang tibok ng puso ko nang mga panahon na 'yon. Nanlalamig na mga kamay ko. Pagpasok ko pa lang sa opisina ng mama ko e gusto ko na lang mag-back-out pero bwesit talaga. Natapilok pa ako sa pinto noon. 'Langya!"

Ang sakit na talaga ng panga niya kakatawa. Na-imagine niya 'yong eksena. Mas nakakatawa pala ang behind the scenes.

"Ngayon mo sabihin na gayuma lahat ng kalandian ko? Hayme is trying to catch me with my words. Alam na alam nun nagsisinungaling ako. Kaya siguro panay lapit sa'yo."

"Ang in-denial mo sobra! Sana nabusog ka sa mga kasinungalingan mo, Ser!"

Tawa na naman ito. "Una kong napansin talaga 'yong balakang mo." Hayan na naman sila sa balakang niya. "Ang hubog na talaga. Kayang-kaya mo na talagang dalhin ang mga anak natin."

Pinalo niya ito sa dibdib. Lalo lang lumakas ang tawa nito. "Kaya pala pinanggigilan mo 'yong baywang at balakang ko kagabi!"

"Ang lambot-lambot mo kasi. Ang bango-bango mo pa."

"Mag-asawa ka ng unan."

"Ayoko, mas masarap kapag ikaw ang inasawa ko."

"Wow, talaga lang, ha?"

"Willing naman ulit ako maglaba bukas."

"Sunday bukas, magsisimba tayo."

"Maglalaba ako after natin magsim –" Isinubo niya ang ilang clover chips sa bibig nito.

Natawa rin siya pagkatapos. "Gutom lang 'yan, Bartholomew."

"So anong total score ni Jolina sa'yo? Dami mong corrections sa kanta niya ah. Hindi man lang siya tumama ni isa. Fifty-fifty pa 'yong T.L. Ako Sa'yo."

"Perfect or zero lang 'yon."

Ang lakas ng tawa na naman nito. "Mag bonus ka naman ng isa, ma'am. Grabe siya, ibabagsak ka niyan sa evaluation."

"Sige balikan ko 'yong lyrics. Tignan ko kung may nabago," she grinned.

"May isa ka pang kantang kinoreksyonan? Patingin ako ah."

"Wala! Wala na! Gawa ka nang sa'yo."

"Pangit mo ka bonding!"

"Hahaha!"


"ANO 'to Ma?"

Inabot sa kanya ng ina ang isang wooden rectangular box. Sa itsura ng box e halatang vintage box na talaga 'yon. May mga leaf and vines carvings sa katawan nun. Medyo mabigat nga lang.

"Ibinigay 'yan ng Tita Lani mo. Nakita niya raw sa mga lumang gamit ng papa mo noong naglilinis siya."

Hindi naman lock ang kahon. Pero mukhang matibay talaga. Kailangan niya lang ibaba 'yong metal lock para mabuksan 'yon.

"Naisip agad kita," her mother continued. "Alam kong tinatago mo pa rin ang mga gamit ng papa mo. Idagdag mo na lang 'yan. Baka importante 'yan sa kanya."

Tipid siyang ngumiti sa ina. "I miss him, Ma."

"Miss na miss ko na rin ang papa mo." Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya at ngumiti. "Tignan mo muna kung anong laman. Hindi pa namin 'yan binubuksan ng Tita Lani mo." Tumango siya. "Iwan na muna kita at may ipapabili pala ako kay Nora. Uuwi ba kayo ni Balti ngayong gabi o bukas na?"

"Bukas pa, Ma."

"Mabuti naman, na miss na rin kita rito sa bahay." Tumayo na ito. "O, siya, bumaba ka na lang kapag tapos ka na riyan." Tumango ulit siya. Lumabas naman ang mama niya.

Bumaba ulit ang tingin niya sa wooden box. Hinaplos niya ang wood carvings ng katawan ng kahon bago binuksan 'yon. Namilog ang mga mata niya nang makita kung ano ang laman nun. A chained brass glass bottle and a long feather pen. It looks like a perfume bottle pero sa tingin niya hindi 'yon perfume. Ang ganda pa ng takip ng bote. A crown leaf design cover lid na nagmukhang balabal ng maliit na bote. It was made out of brass and gold. Sinadya yata to protect the glass.

"H-Ha... Ha?" basa niya sa halos kumupas nang papel na nakadikit sa harapan ng bote. Hindi niya mabuo. Malabo na masyado ang kadugtong ng Ha. "N? Ha...N... El? Ha...N...el?"Kumunot ang noo niya. "Pangalan ba 'to?" Sinipat niya ang transparent glass. May black liquid pa sa loob pero parang matigas na. "Ink?" It makes sense. May partner na feather pen, so it must be an ink bottle.

Sinubukan niyang kunin mula sa pagkaka-chain ang bote pero 'di niya alam kung paano. Para naman kasing walang lock ang gold chain. Mukhang kailangan niya talagang sirain pero nanghinayang siya. Hindi nga 'yon pinakialam ni Papa. Tapos siya sisirain niya.

Pero bakit mayroong ganito ang papa niya?

Saan nito nakuha 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro