Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34

"SO sino ang unang nag-confess sa inyong dalawa?" tanong ni Ronnie.

Kilig na kilig pa sila Harrah at Jane na siyang pumagitna kay Ronnie. They were sitting by three across each other. Sa pasabog ni Maha kanina nakapanglibre tuloy si Balti ng Sangyumpsal sa kanilang anim. Hindi na sila tinigilan ng tatlo kanina. Nag-demand pa ng Samgyup.

"Ako," casual na sagot ni Balti, a smile slipped on his face, isinubo naman nito ang grilled pork na kinuha nito sa griller sa gitna gamit ng hawak nitong chopstick.

Sabay naman tumili ang tatlo. Kinakagat na ni Harrah ang hawak na kutsara. Namamalo na si Jane sa braso ni Ronnie.

"Tapos? Anong sagot mo Nin?" ni Jane. "Paano nag-confess sa'yo si Ser?"

Napa-isip siya. Tama bang i-kwento niya na hinalikan siya nang walang pasabi ni Balti sa library ng bahay nito? Hindi lang simple kiss 'yon, ah! Naku, torrid kiss na nga 'yon. Akala niya pati kaluluwa hihigupin ni Balti.

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti.

Hindi! Hindi puwedeng sabihin 'yon. Malalaman ng mga ito na nakatira sila ni Balti sa iisang bahay. Mas malaking issue 'yon.

"Oy, si Teacher Nin, kinikilig. Ayieee!" tudyo pa ng tatlo.

"Nag-kiss kayo, 'no?" ni Harrah.

"Dali na! Dali na! Ser, dinaan mo ba sa halik si Teacher Nin?" ni Jane.

Pinanlakihan niya ng mga mata ang tatlo. "Hoy!" sita pa niya. "Walang ganoon."

"Mamatay?"

"Well, I did kiss her –"

"Omggg!" tili na naman ng tatlo.

Gusto niyang busalan ng lettuce ang mga bibig ng mga 'to. Nagtutulakan pa at naghahampasan. Mahuhulog na 'yong mga plato at pagkain nila. Ang lalakas ng mga tawa. Naka teacher's uniform pa man din silang anim. Sus ko!

"Wait, kinikilig talaga ako!" ni Jane.

"Paano 'yong kiss?" segunda ni Ronnie. "Torrid ba or smack lang?"

"Wait, si Ser pasagutin natin," ni Harrah. "Pangit ka bonding ni Teacher Nin."

Ibinaling niya ang tingin kay Balti. Pasimple niya itong binalaan sa mga mata. He just smiled at her. Nang-aasar pa. May balak pa yata 'tong magkwento nang buo.

"Ano na, Ser?!" pangungulit ng tatlo.

"Well," Balti chuckled, "her lips taste sweet," sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Sumubo ulit ito ng pagkain bago ibinaling ang tingin sa tatlo. "Kumain na kayo, mauubos ko na 'to mag-isa." Tumawa ito pagkatapos.

"Ser, change topic ka!" ni Jane.

"Tama na 'yan. Malalaman n'yo rin naman ang love story namin ni Ninin kapag –"

"Ohhh... Ninin ang tawag?" sabay na naman ng tatlo.

"Alam n'yo, gutom lang 'yan," aniya. Dinagdagan niya ng pork belly ang griller. "Tama na pang-ha-hot-seat, okay?"

"Pero, Nin, ano tawag mo kay Ser?"

"Babe? Baby? Honey? Darling?"

"Bal lang."

"Ay, ano ba 'yan, Niña Rosella, wala kang ka sweet-an sa katawan. Landian mo naman ang tawag mo kay Ser," na e-stress na reklamo ni Ronnie. Umawang ang bibig niya at bahagyang natawa. Pinangaralan siya ni Teacher Ronnie. "Alam mo bang madaming babaeng willing ibenta ang mga kaluluwa nila sa kadiliman para lang palitan ka sa puwesto mo. Girl, level up your game! Let me give you some pointers. Una, gawin mo nang love o 'di kaya mahal. Pangalawa, claim your lover! Ang lagkit ng tingin nung babae kanina kay Ser."

"Pansin ko rin," segunda ni Harrah.

"Tingin gustong mang-ahas," ni Jane.

Kanina pa tahimik si Maha sa tabi niya. Mag-aalala sana siya kaso nasilip niyang panay heart ito sa mga pictures ni Juan sa Instagram. Halos idutdot na daliri sa kaka heart. Hayaan niya na lang niya. Kung saan ito masaya.

She glanced at Balti.

Napansin nitong nakatingin siya. Ngumiti ito at nilagyan ng grilled pork ang bowl ng kanin niya. "Kain na," anito, mas lalo pang lumapad ang ngiti. Mukhang wala rin itong balak na sabihin sa mga kasama nila ang totoong relasyon nito kay Pamela.

"Hindi ba magkakilala na kayo since high school?" basag ulit ni Ronnie.

"Oo," tango ni Balti. "Why?"

"Wala kang naging girlfriend?"

"I had one in college."

"Same school din kayo 'di ba?" ni Jane.

"Yup."

"Wala pa ba kayong feelings noon?"

Napansin niyang bumaling ng tingin sa kanya si Maha. Hindi niya rin alam kung paano niya sasagutin ang tanong na 'yan.

"I always have feelings for her," sagot ni Balti. When she glanced at him. There was no hint of mischief on his face. Instead, he has this sheepish smile. Like he was reminiscing a memory in his mind – in trance at that moment. "It was just too complicated. I figured out, maybe, it wasn't the right time yet." Ibinaling nito ang tingin sa kanya. She saw how he blushed under the dim light. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga oras na 'yon. It was a shy smile. Balti was too adorable. "I thank God, I was not too late."

"Awww!"

Nagyakapan ang tatlo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Natawa siya. Pinitik niya ang noo ni Balti. "Korni mo." Tinawanan lang siya nito sabay abot ng kanyang kamay. Nakangiting hinalikan nito ang likod ng kamay niya.

Lalo siyang napangiti.

Okay, fine! Kinilig na rin. Edad lang talaga tumanda sa kanya pero pagdating sa kilig feeling niya teenager pa rin siya.

Sarap mong kurutin sa singit, Nins!

"Sana all talaga, Teacher Nin!"

Itinukod ni Maha ang isang braso sa mesa para saluhin ang kalahati ng mukha habang nakatingin sa kanila. Inisang subo nito ang ginawang lettuce rice with grilled pork and kimchi. Natawa siya sa ekpresyon ng mukha nito. Naalala niya 'yong mga bitter na mga kaibigan sa Kdrama habang may kalandian ang mga kaibigan nila.

That mafia stare na akala mo makikipagbasag ulo.

"Saya!" ni Maha. "Saya, saya maging single."

"Isinumpa yata tayong mga guro," ni Harrah. "Hindi natatapos ang loan. Pagkatapos ng isa e kukuha na ulit. Utang lang lumalapit hindi lalaki."

Tawang-tawa silang lahat.

"Tama na kasi kaka loan, Harrah!" ni Jane.

"Dami ko pinapakain at binubuhay. Dios ko! Gusto ko na lang mag-asawa ng CEO."

"Naku, ako? Pending test papers lang naghihintay sa'kin sa bahay," natatawang sabi ni Jane. "Minsan pa ay inuumaga kakagawa ng power point presentation at pagpa-plano ng idi-discuss sa mga susunod na araw. Mahabagin! Panginoon, why naman ganoon? Kahit pera wala ako."

"Ayoko na lang mag-talk," ni Ronnie.

"Pain, pighati, kahirapan, kamalasan, ouch," chant pa ng tatlo.

"Dadating din 'yan," Balti chuckled. "Kita n'yo nga ako. Lagpas na sa kalendaryo."

"Ilang taon ka na nga, Ser?" ni Jane.

"Thirty-one."

"Ser, bakit mukha ka pa ring nasa late twenties lang?!"

"Noong nasira ang fountain of youth nag-swimming ako sa mismong fountain."

"Sana all!"

Tawang-tawa si Balti. Naisip na talaga niya 'yon dati pa. Siguro dahil palangiti si Balti at laging tumatawa kaya mukha pa rin itong bata. Saka lagi pang kasama mga kinder. 'Di mas lalong bumabata. Minsan gusto niya na lang takpan mukha ni Balti kapag nasa labas. His face will automatically light up when he smiles and laugh. Napapansin nga niya na napapatingin talaga ang mga tao rito. Kainis din minsan.

'Di naman siya selosa. Nasanay na kaya siyang mahalin ito ng lihim. So, 'yong pain e nakatago rin. Saklap talaga rin ng one sided love. Sarap mag-demand ng refund sa tadhana. Refund sa na invest na feelings at iyak sa isang pag-ibig na walang direksyon madalas. Pero sana, pera o ginto ang i-refund ng tadhana para 'di naman lugi. Pera kapalit ng pighati.

"Nakangiti 'tong si Ma'am Maha, ah?" puna ni Ronnie. "Sino naman kaharutan mo riyan, ma'am?"

Ngumiti si Maha. "Future boyfriend ko." Ipinakita nito ang screen ng cellphone sa tatlo. Malamang, mukha 'yon ni Juan. Namilog ang mga mata ng tatlo. "Gwapo, 'no?"

"Sure kang 'di future mambabusted sa'yo?" ni Ronnie.

"Yaaa!"

"Busted na nga 'yan e," pang-aasar pa ni Balti.

"Hmmp!" Ibinaba ni Maha ang cellphone sa mesa. "Sa Kdrama nga e umaabot pang episode 16 bago magkaroon ng happy ending. Ganoon din kami."

"Anong episode na ba kayo?" ni Jane.

"Episode one pa lang."

"Hindi na yata uusad 'yan ng episode two," ni Balti.

Lagot, tinawanan pa ng apat. Ready nang mambato si Maha ng lettuce pero mukhang may matindi na itong self-control kaya nilamon na lang nito ang lettuce sa bibig at sunod-sunod na isinubo ang grilled pork sa bibig.

"Makitanyopakakasalanakoniyansaending!"

Tawang-tawa naman si Balti.

"Huwag mo na asarin!" Pinalo niya ito sa braso. "Ikaw din, patola ka rin masyado."

"Mabalik tayo, kailan naman kasal n'yo?" ni Ronnie.

Hayan na nga, usaping kasal na. Napainom na tuloy siya ng tubig.

"We haven't talk about it yet," sagot ni Balti. "But it depends with Nin." Ako? Siya ba dapat mag-aalok ng kasal? Grabe naman! Dekada na hinintay niya. Siya pa rin magpo-propose? Kahit bukas na agad. Ano, game? "Busy pa naman kami pareho sa school. Siguro sa semester break mapag-uusapan namin 'yan."

"Hindi ka naman buntis, Nins, 'no?" ni Jane. Inihit siya ng ubo. Bakit ba lahat na lang in-assume na buntis siya? Hindi ba pwedeng magpakasal nang hindi buntis? Hindi lang talaga flat tiyan niya pero wala pa 'yang laman maliban sa digestive system. "Kasi mukhang bagong mag-jowa lang kayo ni Ser."

"Gage!" Tinampal ito sa braso ni Ronnie. "Dekada na silang nagtataguan ng feelings. Inugatan na mga puso ng dalawang 'yan. Kailangan na nilang magbunga ng mga little Balti and little Ninin." Nagpalitan ng ngisi ang dalawa. "Aminin, may sense?!"

"Tama! Tama!"

"Dapat magpakarami na."

"Huwag sana magmana kay Bartolome," ni Maha. "Naku, good luck, Niña. Ipagdadasal na lang kita sa lahat ng simbahan." Tawang-tawa 'yong tatlo.

"Wala namang mapili sa inyong dalawa e," she chuckled. "Sanay na ako."

"At dahil diyan," nagkatinginan ang tatlo, "love shot! Love shot! Love shot!"

Agad na inihanda ni Jane ang dalawang baso nila ni Balti at nilagyan 'yon ng iced tea. Wala munang soju, may pasok pa kinabukasan. Baka maparami pa.

"Love shot para sa ating new couple at soon to be Mr. and Mrs. Bartholomew Juarez." Tig-isang pinahawak sa kanila ni Jane ng baso. "Ubusin n'yo 'yan."

Nakahanda naman camera ni Harrah sa kanila.

Natutop niya ang noo. Ano ba 'yan, nakakahiya! Hindi naman siya makatanggi. Ipipilit pa rin naman ng tatlo. At saka ang ingay na nila. Buti naririnig pa kanta ng restaurant na puro Kdrama theme song.

"BalNin! BalNin! BalNin!"

Humarap silang dalawa ni Balti sa isa't isa. They intertwine their arms kung saan hawak nila ang baso ng iced tea. Tawang-tawa naman si Balti. Magpapapilit pa ba 'to? Ito gustong-gusto nito e. Ang tuksohin sila lage.

Nakatingin ito sa kanya habang inuubos ang laman ng baso nito. At nang maubos nilang magkasabay ay nagtititili na naman ang tatlo.

"Sana all may ka love shot," ni Maha, tawa nang tawa.

"BalNin ka ba? Kasi..." simulang kanta ni Jane.

"Nahuhulog na ako sa'yo, naman kasi," dugtong na kanta naman nila Harrah at Ronnie na may kasama pang palakpak na ginawang beat ng kanta.

Sige na nga, itatawa na lang niya. Kukulit e. Naramdaman niya ang pag-akbay ni Balti sa kanya. Marahan siya nitong inihilig sa dibdib nito habang panay naman ng kuha ng pagkain at subo ang isang kamay.

"Maha ka ba? Kasi... mukha lang sweet pero wala pa ring tumitikim, naman kasi..."

"Yaaaaa!"

"Hahaha!"




PAUWI na sila ng FARO. Nakatulog na nga si Maha sa likod ng sasakyan. It was past 9 pm on the car's dashboard clock. May pasok pa sila bukas. Pero sanay naman na sila sa puyatan.

"About, Pam," basag ni Balti. Marahas niyang naiangat ang tingin dito. He glanced at her for a second pero ibinalik din nito ang tingin sa harap. "I noticed you were uncomfortable earlier."

"Nagulat lang ako –"

"There is nothing you should worry about, Nin. It's all in the past."

"But you did love her, right?"

"If I'd be honest. I would sound a jerk with my answer."

Natawa siya. "Gaano ka gago ba?"

He smiled. "Kaunti lang naman siguro."

"If you don't have feelings for her back then. Bakit mo pa siya niligawan?"

"I did like her, I thought I can turn that like to love. She was actually nice back then." Back then? Did Pam change? "I gave it a try. Just to be fair. Syempre niligawan ko 'yong tao. Nag-invest siya ng feelings sa'kin. It was just right that my time and loyalty should be with her."

Mapait siyang napangiti.

She could still remember everything. Simula nang maging sila ni Pam at Balti ay hindi na niya madalas nakakasama si Balti. She even thought Balti was avoiding her. May point na naisip niya na baka halata na siya masyado. But Maha assured her that Balti didn't notice anything. Well, maniniwala pa siya noon. Pero inamin na sa kanya ni Balti na matagal na nitong napansin ang feelings niya para rito.

"I really thought you hated me back then."

"Why?"

"E kasi nasanay ako na kasama ka namin lagi ni Maha. Inaaya mo pa ako gumala kahit tayong dalawa lang. Then when Pam came. Parang biglang. Wala na. You distance yourself to me. Honestly, nasaktan ako roon. Sa isip ko kasi that time. Wala naman sigurong masama na maging kaibigan ka kahit may girlfriend ka. Hindi naman siguro need na may magbago sa atin. But later na realized ko 'yong totoong position ko sa buhay mo. Kaibigan." Mapait siyang ngumiti. "Ah, tama, kaibigan lang pala ako. Tapos sinabi pa ng isang kaklase ko dati sa'kin na tama naman na dumistansiya ka dahil may girlfriend ka na. Dapat sa girlfriend ang focus. Hindi sa kaibigan lang."

"I did distance myself from you."

"Why?" baling niya rito.

"Because I thought it was the right thing to do." Huminto ang sasakyan. Pagtingin niya sa harap ay nagpalit na pala sa pulang kulay ang traffic light. Nasa 60 pa ang bilang. "And I feel awful every time I remember that." Ibinalik niya ang tingin dito. He was already looking at her. "I didn't want to make use of your feelings for me. It wasn't an opportunity that I should grab. I'm torn between being selfish and selfless. And I saw how that love ruined us. I was too afraid of crossing the line. Kasi baka 'yon ang maging dahilan para mawala ka nang tuluyan sa buhay ko."

Natahimik silang pareho for a mere second.

Pero bahagya siyang natawa bigla. "Ang kulit." She already felt hot tears earlier pero may na realize siya and it totally shifted her mood from being melodramatic to comedy.

Niña, 'yong totoo?

"Bakit?"

"Hindi nga naging tayo pero naiwala pa rin natin ang isa't isa."

Natawa ito. "Walangya!"

Nag-green signal na. Nag-drive na ulit ito.

"Ang tanga."

"Nating dalawa?"

"Oo, para masaya." Lalo silang natawa. Mas naiyak na siya sa kakatawa. "Ay, ewan, Balti. Noon, nasasaktan ako maalala ang nakaraan. Pero ngayon natatawa na lang ako."

"Tawanan na lang natin tutal tapos naman na."

"Tama, tama."

Pinunasan niya ang mga luha sa mata.

"But seryoso, Nin. If it ever crosses your mind. Huwag mo masyado isipin. Normal lang naman din magselos. Ako rin naman nagseselos ako kina Hayme at Juan." Tumawa ito. "Walangya 'yan! Sinusubok talaga nila ang pasensiya ko."

"Wala namang kami."

"Kahit na. Syempre, lalaki rin naman ako. May mga insecurities din akong hindi ko sinasabi –"

"Magbigay ng halimbawa, Ser," tawa pa niya.

"Basta," tawang-tawa ito, "'yon na 'yon."

"Sa gwapo mong 'yan na i-insecure ka pa roon sa dalawa?"

"Hindi sa wala akong tiwala sa mukha ko pero paano kung may magustuhan ka sa ugali ni Hayme? Paano kung mas nagagwapohan ka pa sa kanya? Saan na lang ako ilalagay?"

She chuckled, "Sa paso."

"Nin, seryoso ako."

Natawa siya lalo. "Alam mo, nag-o-overthink ka na naman. Masyado kang gandang-ganda sa'kin."

"Maganda ka naman kasi."

"Sa mata mo!"

"Kahit 'di ko suot ang salamin maganda ka pa rin."

"Lol!" Ang sakit na ng panga niya kakatawa. "Para namang ang linaw ng mga nakikita mo."

Ngumisi ito. "Kaya ko pa rin naman maglakad kahit walang salamin kaso 'di ko na masyado mamumukhaan ang mga makakasalubong ko."

"Snob naman nitong si Ser."

"Hindi pwedeng malabo lang mata?"

"Speaking of that, bakit hindi ka pa nagpapa-lasik-surgery. Afford na afford mo naman yata."

"I look good in glasses," he chuckled.

"Baliw!" Natawa ulit siya. "Inuuna mo pa 'yan kaysa ang makakita nang maayos."

"Kidding aside, I have plans, pero wala pa lang talaga akong time. Siguro bago tayo ikasal para makita ko lahat."

"Anong makikita mo lahat?"

Pilyong ngumiti ito. "Lahat-lahat."

Pinaningkitan niya nito ng mga mata. "Alam mo, may idea na ako kung ano, pero hindi na lang muna ako magsasabi."

"Mamaya."

"Anong mamaya?"

"Sa kwarto ka matutulog."

"Sa kwarto naman talaga ako matutulog."

Tawang-tawa ito. "Mali, kulang 'yong sentence ng ko. Sa kwarto ko, I mean."

"Luh, wala na akong tiwala sa'yo. Baka saan na naman mapunta 'yang mga kamay mo."

"Promise, mag-be-behave ako."

"Hindi mo sure."

"Nin, promise." Itinaas nito ang isang kamay saglit. "Wala talaga akong gagawin. Yayakapin lang kita. Tapos matutulog lang tayo. Sige na, ha?"

"Mag-iisip muna ako."

"Huwag mo na pag-isipan."

"Aba'y namimihasa ka na, Bartolome."

"Nanghihina ako kapag wala ka sa tabi ko."

Tawang-tawa ulit siya. Gusto na niyang sapakin 'tong 'sang 'to. Ang kulit! "Nabuhay ka nga ng 31 years na walang Niña sa buhay mo. Tigilan mo ako."

"Correction, kalahati ng buhay ko pa lang. Kalahati nun nandiyan ka na. Hindi pa nga lang kita kinakama noon –"

"Hoy!" Napalo niya ito sa braso. "Bibig mo."

"Ay mali," he chuckled, "I mean, hindi pa tayo nagtatabi sa kama." Natigilan ito saglit. "Oo nga, 'no? Ang pangit pakinggan nun. Delete. Este, kalimutan mo 'yon. Marangal ako na lalaki."

Tawang-tawa siya, pigil na mapalakas at baka magising si Maha.

"Ewan ko sa'yo."

"Pumayag ka muna."

Nilingon niya si Maha. Tulog na tulog pa rin ito sa likod. "Sige na, sige na." Ibinalik niya ang tingin dito. "Lilipat ako."

May ngiting tagumpay sa mukha nito. "Pa kiss nga muna." Ininguso nito ang bibig.

"Loko-loko ka! Nagda-drive ka pa."

"Wait." Nagulantang naman talaga siya nang bigla nitong in-park ang sasakyan sa gilid ng daan. Buti wala na talaga masyadong mga sasakyan."Okay, saan na kiss ko, ma'am?"

"Ikaw, ang dami mong kalokohan talaga."

"Dali na." Ngumuso ulit ito. Hindi pa rin siya gumalaw. "NilalamignangusokoNiña."

"Oo, na." Mabilis na hinalikan niya ito sa labi. Naniningkit ang mga matang ngumiti ito nang lumayo siya. "Okay na? Umuwi na tayo, Ser."

Pinaandar ulit nito ang sasakyan. "Mamaya ulit." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Pero kinindatan lang siya nito.

Hay naku, Bartholomew Juarez!

Minsan naiisip niyang nag-aalaga siya ng bata kaysa nagmamahal ng isang 31 years old na lalaki. Pero hanggang reklamo lang din naman siya. Mahal niya e.

Bagay nga kayo Niña! Marupok ka ring tunay, ma'am.

Naku, walang duda!

Marupok nga si Ma'am kay Ser.



"SA KAMA ka na matulog," biglang pahayag ni Maha.

Napakurap siya. Wait? Tama ba rinig niya. "Huh?" Inaalok siya ni Maha na tumabi rito sa kama?

Humikab ito. "Sa tabi ko."

"Bakit?"

"Anong bakit? Hindi ba sumasakit likod mo riyan sa sofa?" Binato siya nito ng unan na nasalo rin naman niya. "Dali na bago pa magbago isip ko." Tumalon na ito sa kama at nahiga. "Patayin mo ilaw. Salamat."

Naikiling niya ang ulo. "Sure ka ba talaga?"

"Kulit! Ilang beses ko bang sasabihin?"

Nayakap niya nang mahigpit ang unan. Natawa siya. After 2 months, akalain mong tinubuan din ng pakiramdam 'tong si Maha. Kaso nawala rin ang ngiti niya nang ma realize niyang mangangabilang kwarto nga pala siya mamaya.

Okay lang 'yan. 'Di naman na ako mapapansin ni Maha.

Pinatay na niya ang ilaw sa kwarto at humiga sa tabi nito – patalikod dito. Nag-text muna siya kay Balti.

Sa kama ako pinatulog ni Maha. Hintayin ko na lang makatulog muna. – Ninin Ko

Hahaha! Wow! May holy water ba 'yong grilled pork kanina? Bumait ah. – Balti Ko

At least mabait na siya sa'kin. <3 – Ninin Ko

Masaya ako para sa'yo, Mahal. No worries at dadasalan ko pa mamayang 3 am sa mga patay para tuluyan nang bumait sa'yo 'yan. XD – Balti Ko

Hahaha! Gagsss! – Ninin ko

Huwag ka muna matulog. Ti-text kita kapag nakatulog na si Maha. <3 – Ninin Ko

Hindi ako matutulog hanggat wala ka sa tabi ko. – Balti Ko

Lol! Hahaha! – Ninin Ko

Mabango na ako. Ma excite ka na. – Balti Ko

Pigil na pigil niya ang ngiti. Shuks! Kanina pa siya tawa nang tawa.

"Niña, tulog naaaaaa," prolong at antok na antok na sita sa kanya ni Maha.

May ngiting ipinatong na niya ang cellphone sa bedside table. Siguro after 30 minutes ay puwede na siyang lumabas. Mabilis naman 'to makatulog si Maha e. Ten minutes yata ang lumipas ay nagulat siya nang yakapin na siya ni Maha sa likod. Idinantay pa ang isang hita sa kanya. But she was already snoring.

Bahagya niyang pinihit ang katawan dito para i-check kung tulog na tulog na nga. Baka puwede pa niyang magising. She waved a hand in front of her. Poked her cheeks twice – magkabilaan na para sure. Pinisil din niya ang ilong. Gumagalaw pero 'di naman nagigising.

Napangiti siya.

Kinapa niya ang cellphone sa mesita at in-tinext si Balti.

Maha is asleep. – Ninin Ko

Tagaaal! Buti naman. – Balti Ko

"Okay," bulong niya habang sinusubukang alisin ang mga nakalingkis nitong mga braso at hita, "dahan-dahan lang muna." Slowly but surely. Napangiti niya nang makawala siya. Akmang tatayo na siya nang mahila na naman ulit siya ni Maha pabalik sa kama. Napasinghap naman talaga siya sa gulat.

Mahaaaaa!

"Okay, isa pa," she mouthed.

Inalis ulit niya ang mga braso at hita nito pero sa pagkakataon na 'yon ay hindi na niya magawa. Niyakap pa siya nito lalo. Then it suddenly hit her. Napangiwi siya. Gusto niyang umiyak. Naalala lang naman niya na Maha has this special sleeping habit na i-chi-chain ka talaga nito ng yakap kapag tulog na tulog ito.

Gusto niyang magmura ng mga adjectives!

Nangyari na 'to sa kanya noon. How did it slips on her mind?! Umaga na siya nito pinakawalan. Hindi rin nakaligtas si Balti sa pangkukulong nito ng yakap noong mga bata pa ang mga ito. Mas malakas yata talaga si Maha kapag tulog. Feeling niya may lock ang yakap nito. Bakal yata 'tong si Maha noong nakaraang buhay o 'di kaya cage!

Mag-te-text ulit sana siya nang pumasok ang message nito.

Niña! Huwag ka papayakap!!! – Balti Ko

Wala naaaa! Di na ako makaalis T_T – Ninin Ko

Mayamaya pa ay narinig niya ang marahas na pagpihit ng knob ng pinto mula sa labas. Hindi naman 'yon naka lock. Si Balti na yata 'yon. Dahan-dahan 'yong bumukas at sumilip ang ulo ni Balti. Maingat itong lumapit sa kanya.

"Hindi ako makaalis," bulong niya rito.

"Let me." Sinubukan ni Balti na alisin ang mga braso at hita ni Maha pero wala pa rin talagang epekto. Nalalayo pero parang magnet lang din na dumidikit ulit. "Igagapos ko na talaga ang babaeng 'to." Ilang beses na sumubok ulit si Balti. Kaya lang bigo na naman. Namamawis na kahit may aircon. "Saan ba kasi 'to pinaglihi ni Mama?" Hingal na hingal na dumaosdos na ito ng upo sa gilid ng kama.

Ewan, natatawa na lang siya.

"Sorry," aniya.

Ibinaling ni Balti ang tingin sa kanya. He was laughing pero mahina lang. Natutop nito ang noo at napailing.

"Ang bango ko na e."

"Naamoy ko nga," she chuckled.

Isinandal nito ang dalawang kamay sa nakatiklop na mga paa. Bahagyang nag-isip. "Na set na sa utak ko na magtatabi tayo. Hindi na ako makakatulog. Wait." Tumayo ito at lumapit sa malaking closet ni Maha.

"Anong hinahanap mo?"

"Extra foam and bedsheets. Alam ko mayroon kada kwarto. Here."

Bumalik ito na may dala-dalang foldable foam at makapal na kumot. Lumuhod ito sa sahig para ma-i-set-up ang foam. When he was done e dumukwang ito para kunin ang unan sa likod ng ulo ni Maha at inilagay 'yon sa tulugan nito.

"Seryoso ka bang matutulog ka riyan?" natatawang tanong niya.

Humiga na ito, patagilid na nakaharap sa kanya. Nakaangat ang tingin nito sa kanya. "BDO tayo rito," ngisi pa nito, "Balti find ways." Kinapa nito ang isang kamay niya at hinawakan 'yon. His hand was so warm. "Ganito na lang muna." But she loved it.

"Alam mo..."

"Ano?"

Natawa ulit siya. "Pa yummy ka masyado."

"Anong pa yummy?"

"'Yong taong balak manlandi pero dinadaan muna sa mga kung anu-anong ritwal."

It was his turn to laugh. "I'll take that as a compliment." Binalot na nito ang sarili ng kumot. Umayos din siya ng higa para 'di naman siya mangalay habang hawak ni Balti ang kamay niya.

"Gumising ka nang maaga baka masipa ka ni Maha."

"Kailan ba 'yan gumising nang maaga?"

"Sabagay."

Pareho silang natawa nang mahina. There was a second of silence before Balti speaks again.

"Goodnight, Ninin ko."

"Goodnight, Bal."

"Dream of me." She felt his lips pressed at the back of her hand. May tunog pa ang halik nito sa kamay niya. "I love you."

"I love you too."





A/N: One of my fave moments of BalNin. <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro