Kabanata 33
WE will try to make you remember your missing childhood memories, Balti, but I couldn't do it alone. You have to make it happen. Try as hard as you can. I know those memories haunted you for years and they may have developed into your own fears, but don't let them distract you. They could no longer harm you. It's all in your mind. They aren't true. Always remember that.
He found himself outside an old museum near the Cebu Metropolitan Cathedral. Hindi niya na masyadong natandaan ang lumang itsura nun dahil kasalukuyang nire-renovate ngayon ang museum. But it was a two-story ancestral home before. Malaki 'yon compared sa mga ancestral houses sa Cebu na ginawa nang museum. May garden pa iyon sa likod.
"Pila mga bata!"
Nakasabay niya papasok ang grupo ng mga estudyante na sa tingin niya e galing sa iba't ibang schools. Most of them are in grade schools. Napansin na niya ang school bus ng eskwelahan niya noong grade school siya so it's safe to assume na nasa loob na siya.
Tumagos lang mga tao sa kanya. Vier was right, there is nothing he should be afraid of. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan ay hindi na niya 'yon mababago. What he needs to do is to witness it para maalala niya.
Pumasok siya sa museum at hinanap ang batang Balti. He couldn't see him.
Ah, tama, 'yong pasilyo kung saan lagi ko siyang nakikita. Saan nga ba 'yon?
May sinundan siyang grupo ng mga bata hanggang sa makita na niya ang pamilyar na hallway. Natigilan siya. He gulped. The hallway that haunted him for years. It looks normal at that very moment. Calm. As if it could never harm any kid. Luminga siya at ilan pang mga tao at mga bata ang tumagos sa kanya.
Where is the kid Balti?
Ilang segundo pa ang lumipas ay bahagya nang humina ang mga yabag ng mga tao sa paligid. Mas naramdaman niya ang presensiya ng hangin at hampas ng dahon sa labas ng mga bintana. Kumurap siya nang biglang tumagos sa kanya ang mga nakapilang bata in pair. Sa huling pila, he saw his younger self. Hawak-hawak ang kamay ng kaklase niyang babae.
Napalunok siya nang madapa ang batang Balti.
"Balti, naiiwan na tayo."
"Mauna ka na. Susunod ako."
The same lines. The same scene. Lumakas ang ihip ng hangin sa labas. There was a sudden shift of mood – an eerie feeling. Marahas niyang naigala ang tingin sa paligid. Wala nang tao. Umalis na ang batang babae. Naiwan mag-isa ang batang Balti. It felt like he has been holding his breath. He was not sure kung posible nga bang manlamig ang kamay niya nang mga oras na 'yon, but he felt the fear of his younger self. He felt the strong urge to save him. Pero tila ba pinako na ang mga paa niya sa sahig nang mga oras na 'yon.
He cannot change the past.
He must wait.
Mayamaya pa ay narinig na niya ang pamilyar na yabag ng mga sapatos mula sa likod. Tumagos ang lalaki mula sa kanya. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki but he can tell that he wasn't as old as he thought he was. In fact ay ka edad nito ang papa niya. Maybe around the late twenties. And he really looks familiar.
"Bata..."
So hindi siya 'yong nakita niya sa isang panaginip? He must have confused himself. Medyo katunog nga ng lalaki ang boses niya. Lumapit siya sa dalawa. His younger self seem calm now. Lalo nang ngumiti ang lalaki. Lumuhod ito sa harap ng bata at inayos ang pagkatirintas ng sapatos nito.
"Are you lost?"
"H-Hindi po..."
Umangat ang mukha ng lalaki sa bata. "Here." Bumalik ang tingin nito sa bata at inayos ang suot nitong PE shirt. "Ang bata mo pa pero may salamin ka na sa mata. Do you like to read a lot?" The kid nodded. "I see." Tumayo na ito. Pero niyuko pa rin nito ang batang Balti. "Sige na, puntahan mo na ang mga kaklase mo." Tipid itong ngumiti bago marahang ginulo ang buhok nito.
Pumasok ang lalaki sa bumukas na pinto. It was the same door that startled him. Kumunot ang noo niya nang imbes na umalis ang batang Balti ay sumunod pa ito sa lalaki.
"Nak nang –" mabilis na sinundan niya ito. "Akala ba aloof 'tong batang 'to? Tahimik nga pero chismoso ka pa rin pala kahit noon, Bartholomew!" Gusto niyang hilahin ang batang sarili. Kutusan at paluin sa pwet! Nakuuu!
Nasundan niya ang dalawa na umakyat sa hagdan.
"Ano pong meron diyan?" tanong ng bata.
Nagulat ang lalaki nang makita ang bata na nakasunod dito. "Sumunod ka pala," anito at bahagyang natawa. Huminto ito at inilahad ang isang kamay rito. "Halika, may oras pa naman yata." Mabilis na humawak ang bata rito. "May hinahanap akong lumang libro." Magkahawak ang kamay na umakyat ang dalawa sa second floor. "Ang sabi e nandito raw."
"Ano po?"
Pag-akyat niya ng second floor ay bumungad sa kanya ang iba't ibang kasuotan ng mga pari. Kasama na ang mga lumang santo. May mga salamin. Mga muebles. Lumang mga libro at kwaderno naka display sa isang glass case.
Napa-isip siya.
Anong nangyari at nawala ang parteng 'to sa memorya niya? This doesn't look scary and traumatizing. The man even seems friendly.
"Ah, it's here, Nennilo y Nennella."
"Sino po sila?"
Lumapit siya sa dalawa at tinignan ang isang lumang libro na may pamagat na Nennilo y Nennella. The book cover was a paint illustration of a little boy and a little girl lost in a forest. Nakahawak ang batang babae sa damit ng batang lalaki.
"The story is similar to Hanzel and Grethel."
"Are they lost in the forest as well?"
The man nodded. "Sadly, yes, but their story is different from Hanzel and Grethel."
"Did they got eaten by the witch?"
Natawa nang bahagya ang lalaki. "They got separated and it took them years to meet again."
"I have a little sister."
"Really?"
Little Balti nodded. "She's turning one."
"I also have a daughter. She's turning one this year as well."
Hindi na niya masyadong pinagtuonan ng pansin ang dalawa. He just couldn't take off his eyes from the book. Suddenly he remembered his dream.
"Hindi po ba nagkita ulit sila Nennilo at Nennella, Kuya?"
That little girl in a different timeline. 'Yong din ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa panaginip niya. Is this the book that took his memories? Kagaya rin ba ito ng black book ni Iesus? Does it have an effect on him? Pero mangyayari lamang 'yon kung hahawakan niya. And he doubts if he was that naughty back then.
Ibinaling niya ang tingin sa batang Balti.
He seems too innocent and fragile to look at. Malayo sa Balti na kilala niyang kayang gumawa ng kalokohan. What triggered him to change?
Mayamaya pa ay may tumunog na cellphone. Kinapa ng lalaki ang bulsa ng suot nitong itim na slacks.
"Bata, saglit lang, ha? Tumatawag ang asawa ko." Itinuro nito ang malaking bukas na bintana. "Doon lang ako. Pagkatapos ihahatid na kita sa baba."
Tumango ito. "Sige po."
"Do not touch anything."
"Opo."
Mag-isang nakatitig ang batang Balti sa libro. Sinilip nito ang bawat sulok ng case. Nakalagay ang mga kamay sa likod. Bahagyang tumitingkayad pa. Mayamaya pa ay biglang gumalaw ang mga gamit sa paligid. Lumilindol! Sinubukan niyang yakapin ang batang Balti pero hindi niya magawa.
Shit!
Natumba ito at umiyak.
"Mamaaaa! Papaaaa!"
"Bataa!"
Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga gamit. Nakakabingi ang tunog ng mga bagay na nahuhulog at gumagalaw.
"Bata, lumayo ka riyan!"
Sa gulat niya ay natumba ang glass case at nabasag 'yon sa harap nito. Nasugatan ang isang binti nito – bahagyang nadaganan! Panic washed over his face. Sinubukan niyang alisin ang case. Hindi buong case ang nakadagan sa binti nito, edge lang na parte pero namimilipit sa sakit ang batang Balti. Of course, it must have hurt a lot!
"Tang ina!" wala siyang magawa.
Umiiyak na batang Balti, dumadaloy na ang dugo sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito at sumisigaw na.
"Mamaaa! Papaaa!"
Hindi nakalapit ang lalaki dahil lumilindol pa rin. Kailan ba 'to hihinto?! Bumalik ang tingin niya sa batang sarili. Inaabot nito ang libro. Duguan ang mga kamay. Huminto yata ang tibok nang puso nang mahawakan nito ang libro. Marahas nito 'yong nabuklat at napunit. Namilipit itong lalo sa sakit nang tila unti-unting umaakyat ang tila apoy sa loob ng kamay nito paakyat sa sa mukha nito. Tila sinusunog ang kalahati ng katawan ng bata.
"Mamaaaaaa!"
Kinapos siya ng hangin at napaatras.
Napabalikwas siya ng bangon. Ramdam niya ang panlalamig at panginginig ng katawan niya. Halos hindi niya maikurap ang mga mata.
"Balti!" Umalalay agad sa kanya si Vier. "Balti," he tapped his shoulders twice. Hindi pa rin siya gumagalaw. "Balti, wake up!" Tinapik nito ang dibdib niya at inihit siya ng ubo. Para siyang nakainom nang madaming tubig. Ubo siya nang ubo. Namamasa ang sulok ng mga mata niya. "Here, uminom ka muna." Masuyong hinagod ni Vier ang likod niya at inalalayan siyang makainom ng tubig. "Now, deep breaths. Inhale." Tumalima siya. "And exhale slowly." He did. "Do it again."
He did it five times pero hindi pa rin niya makalma ang sarili. He couldn't breathe. He's hyperventilating.
"Vier –"
"Calm down first."
Lumunok siya. "Vier," mariin niyang nahawak ang kamay sa braso nito. "I need to find that book."
"Balti, calm down."
"I'm trying!"
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Wrong move. There was a sudden searing pain in his head. Damn it! Not again.
"Stop thinking."
"Vier, you don't understand." There was another ringing in his ear. "Shit!" Napahawak siya sa kanyang ulo. Parang binibiyak na naman. "Vier!"
"I said, calm down." Hinawakan nito ang ulo niya. "Listen to me. Control your mind, Balti. Control your emotions. Block all those information in your head."
"I – I can't..." he growled. "I need... to... remember..."
"If you won't listen to me the pain will never go away. C'mon, Ser! Huwag na matigas ang ulo."
"I can't –"
"You can!"
"It wont stop..." he cried out. Hindi na niya kaya ang sakit. Nabibiyak na naman ang ulo niya. "God, Vier! Damn it!"
"Lie down." Inalalayan siya nitong mahiga ulit sa sofa.
"Vier, what's happening?"
"Iesus, hand me that syringe. This is not gonna work for him." Hindi na niya nasundan ang mga ginawa ni Vier. He felt the needle on his skin but the throbbing pain in his head was making him numb and dizzy. "I have to think of another way for Balti."
"VIER!" gulat na tawag niya nang makasalubong niya ito sa labas ng bahay. Mukhang galing ito sa loob. "Si Balti?"
Tipid itong ngumiti. "He's in his room."
Tumango-tango siya. "Ah, okay. Sige." Akmang lalagpasan na niya ito nang magsalita ulit si Vier.
"By the way, Niña."
Nilingon niya ulit ito. "Yes?"
"About Balti."
"Anong meron?"
"Well, I couldn't say it for now, but can you do me a favor?"
"Favor?"
He nodded. "Please look after him." Lalo siyang nagtaka. Anong meron? May ibang side effect na ba ang reverse spell? Lumala ba? "Don't worry, he's fine. It's not related to the love spell." Namilog ang mga mata niya. Did Vier just read her mind? Or bumakas lang 'yon sa mukha niya? "But if you notice something different in his actions... please, tell me immediately."
"Vier –"
Dapat na ba siyang mag-alala? Vier has always been calm but at that moment he seems stressed. Parang ang daming bumabagabag sa isip nito nang mga oras na 'yon. It just added to her worries.
"Don't worry," he smiled. "Balti is fine. And don't tell him we've talked. Makakaasa ba ako, Niña?"
Hindi man sigurado e tumango na lamang siya.
"Thank you. Una na ako."
"Sige."
Tinalikuran na siya nito at naglakad palayo. But she couldn't keep her eyes off of him. There's something odd. May dapat ba siyang malaman na hindi puwedeng sabihin ng mga ito? May alam kaya si Maha?
"ALAM mo, Kuya, napakaburaot mo talaga," reklamo pa ni Maha habang kumakain sila sa labas na mesa ng 7-Eleven na malapit lang din sa SNL. "Manlilibre ka na nga lang e hindi pa sa isang 5 star restaurant."
"Ay, wait, may solusyon ako riyan." May kinapa ito sa bulsa ng slacks nito na bagay bago ipinasok ang kamay sa bulsa. "Halika, i-upgrade natin ang siopao mo." Tawang-tawa siyang nang lagyan nito ng 5 stars ang cover ng siopao gamit ng star stamp nito.
"Kuyaaaa!"
"O, hayan, 5 stars siopao na."
"Alam mo, bwesit ka!"
"Dami mong reklamo hindi ka na lang magpasalamat. Hindi lahat ng tao ay nakakain ng siopao."
"Reasons!" Ibinaling ni Maha ang tingin sa kanya. "Sure ka talagang gusto mo 'tong kuya ko? Bibigyan kitang madaming rason para takasan 'to sa kasal."
"Hoy!" Binato itong tissue ni Balti. "Ikaw –"
Tumaas ang gilid ng labi ni Maha rito. "Kung hindi rin naman ako sasaya sa piling ni Juan e dapat ikaw rin 'di sasaya sa piling ng Ninin mo." Pigil na pigil na niya ang malakas na tawa. Ang kukulit talaga.
"Hindi nga kayo bagay. Pagkain lang at hayop minamahal ng 'sang 'yon."
"Pagkain ako. I'm Maha. The sweetest Maha of them all."
"Hayop ka rin?"
"Gandahan mo naman! Grabeee!" Bumuga ito ng hangin. "Pet, isang friendly pet. Ka level ng mga mamahaling breed ng aso."
"Mas mukha kang hayop na literal."
"Yaaaa!"
"'Yong may rabies."
Anak nang visual aids! Doon na talaga siya humagalpak ng tawa. Ang sakit na ng tiyan niya. 'Di na niya manguya ang kinakain na siopao. Walangya talaga kapag nambully 'tong si Balti kay Maha. Walang kinikilalang kapatid.
"Niña, i-break mo na nga 'yan!"
"Mahal ko e," sagot niya, tawang-tawa pa rin.
"Hoel!" Ibinagsak ni Maha ang mga kamay sa mesa. "Aish! Jinja? Woah! Daebak." Halos hindi makapaniwalang umiling ito sa harapan nila. "Sana all 'di ba, mahal?! Bukas na bukas ang pinto ng simbahan. Bakit 'di na lang kayo magpakasal agad tutal lagi kayong nagkakampihan na dalawa? Magpakarami na lang kayo para masaya!"
Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat nang hawakan ni Balti ang ulo niya para mahalikan ang sentido niya. Naglapat ang mga labi niya. Nakakahiya! Sa harap pa talaga ni Maha, Balti?! At saka baka may makakitang co-teachers nila. Baka lang napadaan nang 'di nila napapansin. Dios ko! Hindi pa man din sila umaamin hanggang ngayon.
"Woah!" Marahas na pumalakpak si Maha sa harapan nila. "Grabe! Pang-Daesang ang ka sweet-an. Hiyang-hiya sila Hyun Bin at Son Ye-jin." Umasim mukha ni Maha. "Nakakaumay! Ramdam na ramdam ko pagiging single."
"Akala ko ba kasal ka sa mga Oppa mo?"
"Single muna ako ngayon. By schedule 'yan sila. Bukas boyfriend ko na ulit si Sehun. Tapos sa susunod na araw si Baek naman. Tamang scheduling lang. Walang tulakan. Mamahalin ko naman lahat."
"Tapos naghahabol ka kay Juan, dami mo pa lang lalaki."
"Iba naman si Juan!"
"Paanong iba?"
"Totoong tao!"
"Hindi ba tao 'yang mga Oppa mo?"
"Tao pero –"
"O, kita mo, hindi ka makasagot nang maayos. Hindi mo nga kaya maging stick to one. Hahabol-habol ka roon sa tao."
"Kuya, hindi ako cheater!"
Balti chuckled, "Hindi ako nagsabi niyan."
"Wala kang alam sa pagmamahal ko sa kanilang lahat." Tawang-tawa siya kay Maha. 'Yong frustrations niya sa kuya nito e sagad na yata hanggang South Korea. Hindi lang nito ma explain ang sitwasyon nito. "Sinasabi ko sa'yo, Kuya. Kaming mga fans. Selfless kami magmahal. Marupok kami, oo. Pero kaya naming magpaubaya. Sumusuporta kami kahit wala na kaming pangkain sa susunod na linggo dahil sa mga merch na 'yan. We stream their comeback videos 24 hours. At napakaswerte na namin kung maabutan namin mag live sila sa IG. That's how we show our love and support to them. Time, love, and effort. Kahit hindi nila kami kilala, okay lang, kasi 'yong pagmamahal namin sa kanila e wala namang hinihinging kapalit."
"Alam mo, Maha, if I can put your words in a simple sentence. Ito lang 'yan e. They're someone you love who can never be yours."
Burn!
Umawang ang bibig ni Maha. "Grabe, Kuya!" Nailapat nito ang palad sa dibdib na para bang sinaksak ito ni Balti nang harapan. "Wala man lang preno. Ang sakit mo naman magsalita."
Natawa lang ang kuya nito. "Truth hurts ba?"
"Makonsensiya ka naman!" Nagpunas ng mga invisible tears si Maha. "Wala kang alam, okay? Shut up ka na lang. 'Di mo naman pera 'yon."
"Oh, Nin?!" Sabay silang napalingon sa tumawag sa kanya. Namilog pa ang mga mata ni Dylan. Pero ang mas kinagulat niya e makitang kasama ni Dylan si Pamela. "Balti, Maha." Lumapad ang ngiti nito. "Sabi na e, kayo nga 'yan."
"Dylan," ni Balti, iniangat ang isang kamay, "Pam."
Ang ganda pa rin ni Pamela. Mas lalo pa yatang gumanda. Nanliit siya bigla sa sarili. Mas maganda at sexy pa sa kanya ang ex-girlfriend ni Balti. Magpinsan sila Dylan at Pamela. Kaya hindi nakapagtataka na magkasama ang dalawa.
"May bibilhin din kayo?" tanong ni Maha.
"Naglalaro pa si Bryle. Bibilhan ko lang ng bottled water. Sumama na rin si Pam. Diretso na kami sa family dinner. How are you, Balti? Hindi tayo nag meet noong dumalaw ako."
Ngumiti si Balti. "Gwapo pa rin."
Tawang-tawa si Dylan. "Same as usual." Tumango si Balti. Ang awkward sa totoo lang. Napapansin pa niyang tumitingin si Pam kay Balti. "Single ka pa rin ba o may girlfriend na? Si Pam kasi single pa rin. Hindi na yata 'to mag-mo-move-on sa'yo –"
"He's not single!" biglang sagot ni Maha.
"What do you mean?"
Napatingin silang lahat kay Maha. "In fact ay ikakasal na sila ni Kuya."
Inihit siya ng ubo.
Holy mother of test papers! Maha, busalan mo ang bibig mo. Parang awa! Wala pa silang napag-uusapang kasal ni Balti.
"You're getting married with who?" ni Pamela.
Sandaleeeeeee!
"With Niña!" sagot ni Maha.
Naibuga ni Balti ang iniinom na tubig. Inabotan niya agad ng tissue paper si Balti buti hindi tumama 'yong buga kay Maha.
"Whaaaat?!"
May narinig silang tatlong sumigaw. Pagbaling niya sa daan ay magkahawak ng braso sila Ronnie, Harrah, at Jane na mukhang narinig ang mga sinabi ni Maha. Natutop niya ang noo. Anak ka talaga ng mga magulang mo Maha. Paano nila lulusutan ang chismis na 'to?
Lumapit ang tatlo sa kanila.
"True or False?" ni Ronnie. "Ikakasal talaga kayo?"
"Fill in the blanks," ni Harrah. "Ikakasal kayo because?"
"Question and answer," ni Jane. "Kailan pa kayo naging mag-jowa nang 'di namin nalalaman?"
Ito yata ang unang exam na hindi niya kayang sagutan. Gusto niyang magdabog talaga. Nanggigil siya kay Maharlika Juarez!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro