Kabanata 32
"CAN I borrow this ledger?"
Ibinaling ni Iesus ang tingin sa glass enclosed case. He was looking at the ledger intently. Pero sa tingin pa lang nito e mukhang alam na niya ang sagot. "I'm sorry," baling nito sa kanya. "I'm afraid I cannot allow you."
Ngumiti siya. "I see."
"Why? Do you sense something odd?"
Umiling siya. "Wala naman." Sa ngayon ay hindi niya muna isasatinig ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Maybe the next few days will shed a light on all of this information that had been renting in his head for free. "Dumating na ba si Vier?"
"I saw his car outside." Tumango-tango lang siya. "May pag-uusapan kayo?"
"I need his help."
"Same with Simon?"
"Kind of."
"I see."
"Akyat na ako."
He nodded. "I'll stay here." Tinalikuran na niya ito pero bago pa man siya tuluyang makaakyat ay nagsalita ulit si Iesus. "Balti."
Nilingon niya ito mula sa balikat. "Yes, my lord?"
"In case something bothers you... please, do not hesitate to tell me."
Ngumiti siya rito. "Of course, Sus."
Tipid itong ngumiti sa kanya. "You don't need to pressure yourself with the black book. I still have time."
"Thanks!"
"Get enough rest, Balti."
Tumango lang siya saka iniwan si Iesus. Habang paakyat e hindi mawala sa isipan niya ang ekpresyon ng mukha nito. Iesus seem to know something but refuses to tell. Or baka iniisip lang niya talaga na may kakaiba sa mga ikinikilos nito kahit wala naman talaga.
He also has his own mysteries to solve. Minsan alam niya mga ginagawa niya kahit hindi naman talaga. Maybe it was the same with Iesus. He acts as if he knew something even if he was not sure of a lot of things.
Hay naku!
Stop thinking, Balti. Focus on your own mysteries. Hindi ka pa naman iniobliga ni Iesus na i-solve ang misteryo ng buhay niya.
Pagkarating niya sa taas ay nagkasalubong sila ni Vier na kakapasok lang sa library. He didn't seem shock to see him.
Vier smiled, "Good evening, Balti."
"Vier –"
"Is Iesus in his museum?" Tumango siya. "I see." Vier glanced at his wristwatch. "I'll ask five minutes of your time so I can change." Saka itinaas ang sleeves ng suot nitong puting polo hanggang sa mga siko. "Okay, lang ba?"
"Sure."
"Thanks," ngumiti ulit ito. "Wait for me here."
Nang iwan siya ni Vier ay muling tumahimik ang paligid. Naigala niya ang tingin sa buong library ni Iesus. It's giving him all the creeps. Dati ay hindi naman siya natatakot pero nang mga oras na 'yon feeling niya lumiliit ang silid at parang may mga bulong siyang naririnig. Pati ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan mula sa grandfather's clock ay naririnig na niya.
Kumurap siya at marahas na napalingon sa bukas na daan pababa sa underground museum. Nanlamig siya bigla. Ramdam niyang may huminga sa batok niya. Natigilan siya nang tumunog ang orasan na tila ba eksaktong alas dose na nang madaling araw.
"Argh!" he groaned, napangiwi at napahawak sa kaliwang tainga nang may matulis na tunog na nahagip ang tainga niya.
It was drilling in his ear. Bahagya siyang nabingi. Rumagasa ang mga memoryang hindi niya alam kung saan galing nang maipikit niya ang mga mata. Napahawak siya sa kanyang ulo at napaluhod sa sahig.
"Ahhhhh!" sigaw niya.
Ang sakit ng ulo niya.
Para siyang nalulunod. Ang daming mukha sa isip niya. Ang daming mga nagsasalita. Iba-iba ang linggwahe. Ang daming nahuhulog na mga bagay. Tinatamaan siya. Dumiin ang palad niya sa ulo. Parang mabibiyak ang utak niya. Pinupukpok nang madaming beses.
Shit!
"Balti!" sigaw ni Iesus.
"Ang sakit!" Halos sumubsob na siya sa sahig. "Make this stop..." pagmamakaawa niya. Ramdam niya ang pag-akay nito sa kanyang makatayo pero hindi niya magawa. Sumakit lalo ang ulo niya.
"Balti!"
"Vier, help him!"
"Wait, wait –" Pinagtulungan siya ng dalawa na mahiga sa sofa. Hindi niya maimulat ang mga mata. Kinakapos siya ng hangin. Shit! Shit! Shit! Hindi siya makahinga. Binibiyak ang ulo niya sa sakit.
Dumadami ang nakikita niya. Hindi na tumitigil.
"Iesus!" Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "Make this stop, please."
"Shshs, It will stop. I'm here. I'm here."
"Calm him, Sus -"
"He's not calming!"
"Stay with him. May kukunin lang ako."
"Dalian mo!"
MAAGA siyang umuwi para maalagaan si Balti. Hindi siya puwedeng mag-leave kaya hindi tuloy siya makapagtrabaho nang maayos kanina. Umikot lang ang isip niya sa kalagayan ni Balti. He was too pale when she left this morning. Although in-assure naman siya ni Vier na kailangan lang ni Balti ng pahinga.
Hindi siya sanay na nagkakasakit si Balti. Isa ito sa mga kilala niyang matitibay ang resistensiya. Pero baka nga siguro hindi na ito masyadong nagpapahinga kaya tinamaan na talaga ng sakit.
Tulog pa ito nang umalis siya. Hindi na rin niya ito inabala na tawagan. Sabi kasi ni Ate Grace e halos tulog lang daw si Balti buong araw.
Pagkarating na pagkarating niya sa bahay e nagbihis siya. Sakto rin namang nakapagluto na si Ate Grace at naihanda na rin nito ang lugaw ni Balti.
"Ako na magpapakain sa kanya, Ate Grace," aniya, inilagay niya ang mga pagkain sa tray. "May refill na ba ang tubig niya sa kwarto?" Tumango ito. "Hindi siya bumaba?"
"Hindi, nasa kwarto lang talaga siya buong araw."
"Pero wala naman siyang iniinda? Si Vier, ano sabi? Tinignan niya ulit si Balti kanina?"
"Mga alas tres bumalik siya. Sabi e, bumaba naman na ang lagnat. Hayaan na lang daw na matulog muna." Mapait itong ngumiti. "Napakadalang pa naman magkasakit niyang si Balti. Kapag nagkasakit naman e parang isang bagsakan naman."
"Kaya nga po e."
"Kumain ka na ba?"
"Mamaya po, sabayan ko na lang si Maha pag-uwi niya."
Ngumiti ito. "Sige."
"Akyat muna ako. Sinilip ko kanina, tulog pa. Baka gising na 'yon. Alas singko naman na."
Iniwan na niya si Ate Grace at dumiretso sa kwarto ni Balti sa itaas. Kumatok siya nang marahan bago pinihit ang knob ng pinto pabukas. Hindi gaanong malamig ang aircon ng silid niya. Pinahinaan niya 'yon simula kaninang madaling araw.
"Bal?" malambing niyang tawag.
Inilapag niya sa bedside table ang mangkok ng lugaw. Hindi kasya ang tray dahil nandoon din ang glass pitcher ng tubig at baso. Inilapag niya sa tabi ang kutsara na in-wrap niya sa tissue paper kanina. Naupo siya sa gilid ng kama nito.
Hindi na kasing putla kaysa kanina. Unti – unti na ring bumabalik ang kulay sa mukha nito. Marahan ang paghinga nito. Sinalat niya ang noo ni Balti. Wala na ring lagnat. Nakahinga siya nang maluwag.
"Bal," tawag ulit niya. Marahan niya itong tinapik sa braso. "Gising muna. Alas singko na. Need mo kumain para mainom mo gamot mo." Tinapik ulit niya ang braso nito. "Bal?" Mahina itong umungol at gumalaw. "Bal, si Niña 'to. Gising ka muna."
Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. "Nin," tawag nito sa paos na boses. Kinusot nito ang mga mata. Dumukwang siya para abutin ang salamin nito sa mata na ipinatong nito sa kabilang mesa, sa kung saan ang lamp shade. Inabot niya 'yon dito. "Thanks," he smiled saka isinuot ang salamin sa mata.
"How are you?"
Inalalayan niya itong makabangon at maihilig ang likod sa headboard ng kama.
"I'm fine. Did I sleep all day?"
Bumaling siya sa mesita para kunin ang mangkok ng lugaw. "Sabi ni Ate Grace, oo. Hindi ka lumabas." Ibinalik niya ang atensyon dito. Inalis niya ang takip ng mangkok at hinalo ang mainit pang lugaw gamit ng kutsara. "Tubig na ba muna?"
"Yes, please," he gulped. "Medyo nauuhaw ako."
She smiled. "Pahawak muna." Ibinigay niya rito ang mangkok. "Pero okay na ba pakiramdam mo? Hindi na ba kagaya kanina?" Nagsalin siya ng tubig sa baso mula sa glass pitcher. "Here." Kinuha niya ang mangkok dito at pinalitan 'yon ng baso.
"Thank you."
Agad naman nitong inubos ang laman ng baso. Uhaw na uhaw nga. Kinuha niya ang baso at inilapag 'yon ulit sa mesita. Pinakain niya naman ito pagkatapos. Hinihipan niya at baka mapaso pa ang dila ni Balti.
"Hindi mo naman ako kailangang pakainin," he chuckled. "Kaya ko pa naman."
"Okay lang, 'di naman abala sa'kin e." Isinubo niya ulit ang in-scoop niyang lugaw sa bibig nito. "Gusto ko na gumaling ka na agad. Miss ka na ng mga pupils mo."
"Bukas din ay magaling na ako. Magaling ang Nurse Ninin ko e."
"Ay sus!"
"Kiss lang sapat na. Pero baka mahawa ka pa sa sakit ko kaya next time na lang."
"Kakahalik mo sa'kin nagkasakit ka pa."
Natawa ito. "Kinulang sa halik."
"Loko."
"Tinimpi ko nang ilang taon e."
Doon na siya natawa. Inilapag na rin niya ang hawak na mangkok sa mesita. Ubos na rin naman ni Balti. She dubbed a spare of tissue paper on the side of his lips after. Napangiti siya saka niya ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad.
Napatingin sila sa isa't isa.
Balti smiled, "I love you."
Natawa lang ulit siya at napangiti. "Required ba na mag-I-love-you rin ako kapag nag-I-love-you ka?"
"Hindi naman."
"Hindi ka magagalit?"
"Alam ko naman na mahal mo ako kahit 'di mo araw-arawin na sabihin na mahal mo rin ako. Pero sasabihin ko pa rin na mahal kita araw-araw dahil tinimpi ko 'yon nang maraming taon." He smiled brighter this time. "Kumbaga, summer class na 'to noong mga panahong sinayang ko."
Ibinaba na niya ang mga kamay. Natawa na naman siya. "Korni mo, Ser."
"Come here," anito, marahan siya nitong hinila paloob sa bed covers.
Namilog ang mga mata niya nang pihitin siya nito patalikod. Pumwesto ito nang maayos sa likod niya saka siya niyakap. Balti rested his head on her shoulder. Umikot ang mga braso nito sa kanyang baywang. It felt so warm being wrapped in his embrace. Nakayakap din sa kanila ang kumot so hindi niya ramdam ang lamig ng aircon masyado.
"I miss you today," he whispered. "I always miss you every day. I don't know why. Feeling ko may mangyayaring masama kapag wala ka sa tabi ko."
Napasinghap siya. "Wait! 'Yong side effects –"
"It's fine. Tulog lang naman ako buong araw. Hindi ko rin naramdaman if meron."
Nakahinga siya nang maluwag. "Buti naman."
"Nin..."
"Hmm?"
"I love you."
Natawa siya. "Sinabi mo na 'yan kanina."
"I miss you."
"Tapos na rin."
"What's the planet closest to the sun?"
"Mercury," she chuckled.
"How many kids do you think I want?"
Namilog ang mga mata niya. "Huh?"
"I want four. Dalawang babae. Dalawang lalaki."
Napamaang siya. "Wow naman, Bartholomew Juarez. Nag-demand ka na agad."
"Kaya 'yan ng balakang mo –"
Umawang ang bibig niya sabay palo sa braso nito. Tawang-tawa lang ito. "Hoy! 'Yong totoo, mahal mo ba ako dahil sa balakang ko?"
He chuckled, "Both!"
"Alam mo –"
Humigpit ang yakap nito sa kanya. "A lot of things scares me these days," naging seryoso ito. "I feel like I know how to handle it, but most of the time I don't."
"Maybe you're just thinking a lot of things lately."
"I don't know."
"Then face those fears one at a time. Hindi mo naman kailangang i-solve lahat ng problema sa isang bagsakan. Hindi naman quiz ang buhay na kailangang sagutan in less than one hour."
"What if it takes me forever?"
"Well, sa tingin ko naman e 'di naman nauubos ang problema ng tao. We will resolve and solve it again. Saka, nandito naman ako para sa'yo. I exist to save your miserable life in this lifetime."
Halos sabay silang natawa.
"And I exist because?"
Ibinaling niya ang tingin dito. "You exist because the world needs Bartholomew Juarez." Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. Ngumiti siya pagkatapos. "Do not pressure yourself. Like I said, one step at a time. We'll make it there with flying colors. Okay?"
Nakangiting tumango ito.
"I love you," hinalikan niya ang likod ng kamay nito, "always remember that, Ser."
"I wish I could kiss you right now."
She chuckled, "cheeks na lang muna."
"I'll suit myself in simple things for now." Pinanggigilan ulit siya nito ng yakap. Hindi naman sobrang higpit. Parang yakap lang na madalas din niyang gawin dito. Sweet and warm hugs. Ibinaon muli nito ang ulo sa kanyang leeg. "Hugs and kisses on the shoulders will do." Ibinaba nito ang loose strap ng suot niyang top saka pinadaanan ng mumunting halik ang kanyang kaliwang balikat. "Hmm..." he murmured, umakyat ang halik nito sa kanyang leeg dahilan para maipikit niya ang mga mata.
"Siguraduhin mong diyan lang 'yan aabot ang halik mo, Juarez."
Natawa ito. "Yes po, ma'am."
Napangiti siya pero nang maramdaman niya na unti-unting ipinipasok ni Balti ang isang kamay sa ilalim ng suot niyang top ay inunahan na niya ito ng palo. "Kamay, Juarez!"
He giggled like a child on her nape. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil nang sobrang ngiti at tawa.
Kita mo kahit may sakit dami pa ring kalokohan. Hay naku, Bartholomew!
Napasinghap naman siya nang pisil-pisilin ni Balti ang tiyan niya.
"Balti!" tili niya.
Ramdam niya agad pamumula ng pisngi. Well, tanggap niya namang hindi flat tiyan niya. Hindi siya ka seksihan pero may kurba naman katawan niya. May mga exess baby fats lang na tumanda na rin sa katawan niya.
"Lambot e!"
"Tigilan mo 'yan –" kainis, pumisil naman, " – Juarez!"
"I love you with all your baby fats, Ninin ko."
"Manahimik ka."
"Huwag ka magpapayat, ha? Mas gusto kong ganito ka lang. Feeling ko may unan ako lage –" pinalo niya ito sa dibdib. Tawa lang ito nang tawa. " – Mahal, naman, may sakit na nga ako. Nanakit ka na naman."
"Kakainis ka!"
"Huwag kang mainis. Love na love nga kita."
"Ewan ko sa'yo!"
"KUMUSTA si Ser?" tanong ni Chi.
"Okay na, dalawang araw na siyang nakapagpahinga," sagot ko kay Chi sabay abot ng bukas nitong lalagyan ng Stick-O. Kumuha siyang tatlo. "Buti weekends na ngayon mas nabigyan siyang oras na makapagpahinga talaga."
"Dami kasing pinagkakaabalahan ng 'sang 'yon kahit 'di naman essential sa buhay niya." Kanina pa scroll nang scroll si Chi sa cell phone nito. Pumunta lang siya roon dahil nabuburyo siya sa bahay. Wala siyang makausap. Busy ang magkapatid. "Si Ser pumunta kina Iesus na naman?"
She nodded. "Kanina pa. Mamaya pa siguro 'yon."
"Pansin ko 'di na masyadong umaalis si Iesus?" ni Au.
'Yong malaking chocolate Moby corn puffs naman kinakain nito. Pansin niya talagang madaming stocks ng pagkain 'tong si Chi. Hindi rin nauubusan e. Sabagay, convenience store naman ang ibaba ng rooftop.
O baka, pinag-go-grocery ni Math?
Hmmm.
Tawang-tawa siya kanina. Nakasalubong niya si Au sa labas. Papunta rin kina Chi. Nakatulog daw si Tor sa nursery room ni Aurora habang pinapatulog ang anak. Kakatulog lang kaya sarili na muna raw nito uunahin ni Au. Sumugod sila sa bahay ni Chi at pinakialaman ang mga imbak nitong pagkain.
"Masakit na tuhod nun kakasampa ng eroplano," ni Chi, na tawa silang tatlo.
"Gage!" ni Au. "Ang bully mo talaga sa pinsan mo."
"Hayaan mo 'yon. Masyado na siyang matanda para mainis pa. Baka pinipigilan din ni Tito Josef. Balita sa'kin ni Tita Claudia na may napipisil na namang bride to be 'tong si Tito Josef para kay Iesus. Wala e. 'Yong heiress ng mga Costales pinunlaan ng iba."
Tawang-tawa si Au. "Shuta ka talaga! Nagbunga ba naman?"
Ngumisi si Chi. "Ay, bungang-bunga, doble pa!" Ibinaling ni Chi ang tingin sa kanila. "Kambal nga anak e. Pero okay lang naman 'yon kay Sus. Hindi nga 'yan nagrereklamo pero deep inside tuwang-tuwa 'yan kapag 'di siya pinipili."
Doon na siya natawa kasabay ng dalawa.
Nagpatuloy na naman ito sa ginagawang pag-stalk sa kung sino man tinitignan nito sa social media.
"Auring, musta naman board exams mo? May naisagot ka ba naman?" pag-iiba ni Chi.
Ayon nga, in-take na nga ni Aurea ang Psychometrician board exam nito last week. Na busy lang talaga 'tong si Chi. Ewan saan na naman.
"Naku, inaalay ko na lahat sa noo ni Tor." Binato itong chichirya ni Chi. Tawang-tawa lang si Aurea. "Girl, pagod na utak ko. Buti sana kung may hotspot utak nung asawa ko. Sabi ko talaga sa kanya. Kapag 'di ako pumasa. Kasalanan niya."
"O, bakit kasalanan ni Tor?" ni Chi.
"Inanakan niya ako e. Feeling ko nasa utak ko na lahat ng itinusok na anesthesia sa'kin. Nabura lahat ng ilang buwang pag-re-review ko." Tawang-tawa pa rin ito.
"Gaga! Bumukaka ka rin naman agad kaya ka napunlaan."
Hagalpak siya ng tawa sa pagkakataon na 'yon. Bibig talaga ni Chi walang preno. Doon talaga siya tuwang-tuwa. Ewan, nakakaaliw mambasag si Chi. Ang kalat masyado.
"Shuta ka talaga, Priscilla!" ni Au. Hindi na yata nakapagpahinga ng tawa ni Au kay Chi. Sunod-sunod na e. "Kung 'di mo pinunlaan ng kung anu-ano utak ko 'di sana virgin akong nagpakasal."
"Choice mo 'yon," ngisi pa ni Chi.
"Alam mo, Nin, inform ko lang sa'yo. Huwag na huwag kang papademonyo rito kay Chi. In short, huwag ka papa-advice patungkol sa intimacy."
"Hindi ko kasalanan kung 'di marunong ng safe sex 'yang si Tor. Naku, ginigigil n'yo ako. Ako na lang lagi nasisisi. Isa pa 'yang si Jude. Puro landi, wala namang condom. Ano, pasarap na lang lagi? Dami nang babaeng dumaan sa mga 'yan. Galing-galing magprotekta. Pero pagdating sa inyo ni Mari, sagad agad? Punlaan agad? Gardener? Gustong may tumubo? Mga puno kayo 'te?"
Ang sakit na ng panga niya kakatawa. Namumula na rin si Au kakatawa.
"Mahahati talaga dagat ng Faro kapag narinig ka ni Iesus," ni Au.
"Kaya ikaw, Nin," baling sa kanya ni Chi, "huwag ka papagalaw na walang proteksyon kung hindi ka pa handa magkaanak. Huwag kang papa-scam diyan kay Ser. Idadaan ka lang niyan sa landi. Mahilig pa naman 'yon magtanim. Naku! Baka 'di mo namamalayan. Habang hinuhukay ka niya ng shovel niya e maipunla niya bigla ang mga seeds."
Ang lakas na ng tawa ni Aurea. "Bwiset ka, Chi!"
"Teka lang," awat na niya kay Chi, tawang-tawa rin siya. Gets niya rin naman e. Kaya nga siya natatawa. Nag-iinit na pisngi niya. "Chi, ano ba?!"
"Aba'y sinasabi ko lang sa inyo at baka sa akin na naman ang sisi. Anyway, speaking of, naka first base na ba?"
"Chi!" na eskandalo niyang tawag dito.
"Girl, it's fine. That's how we deal life these days."
"Tawagin ko na si Chef," ni Au.
"Auring, shut up!"
"Huwag mo pakinggan 'yan, Nin. Bored lang 'yan ngayon. Out of the country kasi si Chef."
"Ay talaga?" Kaya pala 'di niya nakikita. "Saan naman?"
"Nag-Japan kasama ni Simon," sagot ni Chi. "Next week pa 'yon uuwi."
"Oy, bakit mo alam?" tudyo pa ni Au rito. "In-a-update ka ba lagi?"
"Girl, kaka post lang ni Simon sa insta." Pinakita ni Chi sa kanila ang latest post ni Simon. "Hayan, basahin mo caption. One week vacation in Japan with mwah mwah chef chef." Pero mas natawa siya sa huling sinabi. Utak talaga ni Simon kahit kailan 'di mo alam kung nasa hulog o wala. Napaka-witty rin talaga. "Anyway –" natigilan naman ito nang may makita sa pag-scroll nito.
Napatingin sila sa isa't isa ni Au.
"Hoy!" pukaw ni Au rito nang hindi na gumalaw si Chi.
"Ano tinitignan mo?" na curious na rin siyang tanong.
"This girl." Ipinikita ni Chi sa kanila ang isang picture ng isang magandang babae. Grabe, ang ganda. Mukhang manika. Maganda ang suot nitong gown. Kakaiba rin ang design. Mukhang kuha 'yon sa isang beauty pageant show – Binibining Pilipinas, kung tama nga pagkakabasa niya. Maliit lang ang watermark e. "Well, at least she finished first runner up this time," naringgan niya ng bitternes sa boses ni Chi.
"Sino ba 'yan?" naiintrigang tanong ni Au.
"Sorin Reyna Perilla, ex ni Vier." Nagkatinginan sila ni Au. Oh? So may ex-girlfriend si Vier? Well, hindi na dapat 'yon nakapagtataka na may past relationships si Vier. Matagal na ba? Kasi sa pagkaalam nilang lahat e matagal nang single si Vier. "They broke up two years ago."
"Bakit?" aniya.
"Vier doesn't talk about it."
"Friends pa rin kayo?" dagdag ni Au.
"No, not that I intentionally cut ties with her. I mean, she was nice and we get along. Saka napapasaya niya si Vier. We've never seen him so happy before, but when Reyn came, parang ang liwanag ni Vier. Nakakatuwa tignan. Alam mo 'yon? I don't know what happened. Biglang, wala na sila, then she unfollowed us. They broke up after losing the chance of winning a crown for two consecutive years already. Ngayon, she finished as the first runner-up. Well, good for her. At least 'di na sayang pakikipag-break niya kay Vier."
"Hala, sayang naman."
"They've been together for 3 years, actually."
"You think naka move on na si Vier?"
"I don't think so."
"Hindi mo in-follow ulit?"
"Girl, I don't beg. If the person wants to cut ties with me. Kahit ihatid ko pa sila sa labas, gagawin ko 'yon."
"Taray naman!"
Natawa lang si Chi kay Aurea. "Ay wait, may isa pa akong in-stalk dito. 'Yong new candidate ni Tito Josef kay Iesus. Pinapa-search sa'kin ni Tita Claudia. Tignan ko raw kung mabait. Here." Pinakita sa kanila ni Chi ang mukha ng isang babae na matalim talaga ang tingin. Her photo really looks expensive. High fashion talaga. "She's Marie Chanel Nica David, only daughter of a retired General and former Chief Editor of Vogue but based on my research, her mother had worked with Harper's Bazaar and Elle before becoming the Chief Editor of Vogue."
"Wow!" sabay nila ni Aurea.
Kaya pala sobrang high fashion nitong si Marie Chanel. Branded lahat ng damit from shoes to head. Pati na bag.
"She has two older brothers. Former FBI agent 'yong eldest. I'm not sure anong ginagawa ngayon. 'Yong second to the eldest, nasa NAVY naman."
"Parang ang hirap ligawan niyang si Marie Chanel."
Kung siya lalaki parang susuong lagi sa gyera kapag manliligaw. Retired General ang ama. Isang kuyang former FBI agent at nasa NAVY naman 'yong isa.
"And she goes by the name, Macha David."
"Ohh..."
"Pero alam n'yo, sa tingin ko 'di rin 'to end game ni Gurs. Mahahanay lang ulit 'tong si Macha sa listahan ng mga pinagtagpo kay Iesus pero sa iba itinadhana."
"Bakit mo na sabi?"
"Ewan ko, sa tingin ko kasi, ayaw ni Iesus ng babaeng mas dominant sa kanya. Hindi siya 'yong klase na nagpapa-under sa isang babae. Well, he seems gentlemanly and calm, but he didn't like women who boss him around. 'Yon kasi vibes ni Macha for me."
Tumango-tango sila ni Au.
"So mahilig siya sa prim and proper? Submissive sorts?" aniya.
"Sure ka?" kontra ni Au. "Sa tingin ko boring 'yong ganoon kay Iesus. Feeling ko lang, ha? Bagay sa kanya 'yong may surprise personality. Para kasing, sa dami ng mga nakakausap at nakikilala niya araw-araw wala nang something new. Kaya siguro hindi siya nagkakaroon ng interes masyado sa mga babae dahil na bo-bore siya."
"Anong surprise personality? Kagaya mo scammer?"
Tawang-tawa sila ni Au.
"Gage! Ako na naman. Unang tapak ko pa lang rito halata naman na mukha akong pera. Hindi na 'yon surprising. Kahit tanungin mo pa si Tor. First meeting namin wala na siyang tiwala agad. Basta! Darating din 'yon."
"Aminin mo, may nasilip ka ba sa palad niya?"
"Wala. Mahirap basahin palad nun kahit pa malaki buwan."
"Nin, pahula ka kay Aurea. Ipatingin mo kung nasa tamang pag-iisip pa ba si Balti kasi masyado na akong nalalaboan sa mga sinasabi niya."
Natawa siya. "Ganoon na talaga 'yon since birth."
"Pero mahal na mahal moooo..." tudyo pa ng dalawa.
"Tinanggi ko ba?"
"Ayieee!"
"Tandaan mo, Ma'am Nin, hindi lahat ng seeds ay good. May seeds na iba ang tumutubo. May paa, tuhod, balikat, at ulo. Paa, tuhod, balikat, at ulo –" pinalo ito ni Au. "Haha!"
"Gage, Chi, tama na 'yan!"
"Bakit ba?! Prevention is better than regrets!"
True naman talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro