Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 31

Why in the world would anybody put chains on me? Yeah. I've paid my dues to make it. Everybody wants me to be what they want me to be. I'm not happy when I try to fake it, no.

"Aga, ah?!" Umangat ang tingin ni Iesus sa kanya. He smiled and tapped his shoulder bago naupo sa tabi nito sa buhanginan. "Ganyan ba talaga kapag tumatanda na? Maaga na gumigising?" Natawa lang ito sa kanya. " - aw!" awang niya nang batukan siya nito sa ulo.

"Maaga ka ring nagising so matanda ka na rin."

He chuckled, simply shrugged his shoulders, saka niya ibinaling ang tingin sa dagat. The sun was not up yet. Probably a little later. It was still five in the morning though. The purple sky stretched along the vast horizon as it tries to transcend the darkness that succumbs to the sky. He filled his lungs with the fresh and sultry smell of the morning breeze. Tila musika sa kanyang mga tainga ang marahang hampas ng alon sa dalampasigan.

Ooh, that's why I'm easy. I'm easy like Sunday morning, yeah. That's why I'm easy. I'm easy like Sunday morning.

Nga naman, Sunday morning naman pala ngayon. Tunog luma gaya ng mini cassette radio ni Iesus na nasa gilid nito.

"I know what you're thinking at the moment, Juarez," puna nito.

He chuckled, "Hindi mo sure." He sighed saka niya itinukod ang mga palad sa buhanginan. He reclined his body so he could properly look up. "My lord, may tanong ako." May iilang mga bituin pa siyang nasisilip.

"Ano?"

"Sa tingin mo maganda ang mundo?"

"I find it tragically beautiful."

"Why?" Umayos na ulit siya ng upo sa tabi nito.

Nakatingin pa rin ito sa dagat.

"A rainbow always shows up after the rain. Flowers start blooming after winter. There is no morning without surviving the night. Arts are crafted in an artist's desperation to express love. I find life like that." Iesus glanced at him. "Hot and cold. Sweet and bitter... sometimes with an after taste of sourness." And smiled. "I don't think life will function well without pain and happiness combined." Muli nitong ibinalik ang tingin sa harap. "We always don't get what we want in this world and that's tragic. But life is still worth living because it's a blessing, so it's still a happy ending."

Napangiti siya. "Years of experiences honed your mind."

Natawa ito. "Sasabihin mo na namang tunog matanda ako."

"You're just 32. Life begins at 40 for you."

Iesus chuckled, "But you do realize how terrifying that phrase before the 20th century?"

Namilog ang mga mata niya. "Meron ba?" Natawa siya. "Ah sa bagay, kapanahonan mo naman 'yan, my lord. Ano ba 'yan noong panahon mo?"

Natawa lang ulit ito sa kanya.

"It's more like death begins at 40'. In the middle ages, the average life span of people, mostly men, is at the age of 31 to 32. Lucky for some to survive beyond their 40s. It was later in the 20th century that life expectancy reaches beyond 40."

"I see, so ilang taon ka na talaga?"

"Try mo hulaan?"

"Langya!" Natawa lang si Iesus sa mapang-asar niyang tawa. "Sus, katunog mo magsalita ang mga mummy sa Giza. You speak like a fossil."

"If I know you speak one as well."

"Well," he laughed, "mas matanda ka pa rin sa'kin."

Napailing-iling na lamang ito sa kanya. "Hay, ewan ko sa'yo, Balti. Anyway, how are you and Niña?"

Napangiti siya. "We're in love." He glanced at him. "My lord, mainggit ka nga rin minsan sa'ming tatlo." Tawang-tawa ito sa sinabi niya. "Sabihin mo, sana all."

"Finding love is easy," he chuckled. "In fact, you can always love anyone in this lifetime if you want to. I could always choose someone to love. But the real challenge is not finding love; it's the quest of finding the kind of love that would also love the real you." Iesus smiled. "Just like how Aurea trusted Tor. How Mari forgave Jude. And how Tor and Jude grew to deserve that kind of love. It's the same thing with you and Niña."

"Namin?"

"Love is similar to a seed. It grows. It blooms. It wilts. But on what type of flowers will it bear when it blooms? One can always guess." Iesus glanced at him but with eyes that seem challenging him to a fight he has no clues of. "Hopefully the gardener planted the seed in the right soil."




"YAKULT?" alok niya sa kapatid.

Umangat ang ulo nito sa kanya. Maha didn't seem annoyed at him today. Usually when his sister sees him ay kulang na lang pasabugin nito ang Cebu. Well, that's new. Hindi niya napigilan ang tawa na itinakip niya sa pagsipsip ng laman ng iniinom na Yakult mula sa straw.

"Thanks -" Akmang kukunin nito 'yon sa kamay niya nang iangat niya muli. Napatitig ito sa kanya. Nakataas na ang kilay. Ngumisi lang siya saka with feelings na isinaksak ang straw sa takip ng inumin. Inabot niya ang Yakult kay Maha pagkatapos.

"Grabe, may galit ka ba riyan?!" akusa ng kapatid.

He chuckled, "You're welcome," aniya saka naupo sa bakanteng swing sa kanan nito. Naabutan niyang mag-isa at mukhang may malalim na iniisip si Maha kanina nang madaan siya sa playground.

It was past 5 pm on his watch. May tinatapos lang si Niña sa faculty. Ibibili sana niyang snacks kaso mas mukhang kailangan ng kapatid niya ng pagkain.

"You and Niña..." basag niya. "You seem... okay?" Napansin niyang nag-uusap na ulit 'yong dalawa. Hindi na rin niya naririnig na nag-ma-maldita si Maha rito. "Ang weird lang. Mamatay ka na ba?"

Marahas na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Kuyaaaa!" Tinawanan lang niya ang kapatid. Umasim na naman ang mukha, oh. Naku, ang malas talaga niya at binigyan siyang chanak na kapatid. Maganda lang kapag busog.

"C'mon, spill the tea, lil sis."

"Wala -"

"Mamatay? Mag-jowa ng iba si Juan?"

Ngumuso lang ito. Oh, tinging nakakatusok na naman ng apdo. "Shirooo! Andwae!" Marahas ulit na ibinalik nito ang tingin sa harap. Pansin niya ang mahigpit na paghawak nito sa maliit na lalagyan ng Yakult. "Hindi mo pa sinasabi sa kanya ang totoo?"

"I'm about to -"

" - you could have told her."

"I didn't because I was waiting for you to tell her the truth."

"Bakit mo naisip na magbabago isip ko?"

"I know you cannot hate her for the rest of your life. I'm your brother, Maha. I am not perfect. I don't know if I will be in this lifetime. I've disappointed you a lot of times and although at some point you feel like I have loved her more than you, then I'm sorry. I probably did at that time." Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng tawa sa huling sinabi.

Inis na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "O, kita mo?! Sabi mo sa'kin 'di ka bias."

"E sa nakakainis ka naman talaga noong mga panahon na 'yon. Sa tingin mo kakampihan kita sa mga baluktot mong paniniwala?"

"Pero kapatid mo ako!"

Tawang-tawa siya. "Ginigil mo ako sa ugali mo." Marahas niyang ginulo ang buhok nito. Inis na tinampal at pinalis ang kamay niya. Lalo lang siyang natawa. "Bakit ba kasi napakasumpungin mo? Kademonyohan ba regalo sa'yo ng mga engkanto mong mga ninang?"

"Aish!"

"Dios ko, Maharlika, ilang taon na tayong mga tanga. Huwag mo nang i-extend hanggang next year. Fix everything up before I meddle again."

"E 'di ikaw na umayos."

"Bakit ako ang aayos e ikaw ang may kasalanan?"

"May kasalanan din siya."

"Sinabi ba niyang ayaw niyang ayusin? God knows, kung ilang beses na nag sorry sa'yo ang tao kahit na wala siyang idea sa kasalanan niya."

Naglapat ang labi ni Maha. It reminded him of a memory of their childhood. Noong 8 years old ito. It was the same thing. Sinermonan niya dahil hinatak nito ang buhok ng kaklase nitong babae. Madalas pigilan ni Maha ang iyak nito. He knew when his sister is in too much pain. She will cry, but if she can hold herself a little just so everyone will think she's tough - she will never cry.

At kahit na nauna ang kaklase nito e mali pa rin na hatakin nito ang buhok at lagyan pa ng bubble gum. God, that time, gusto niyang guntingin hanggang itaas ng kilay nito ang bangs nito! How on earth did he love this monster all these years?

"Maha," mahinahon niyang tawag dito sa pagkakataon na 'yon. "Remember what I always say when you make mistakes?" It took her a few seconds to nod her head. "Sige nga, ano 'yon?"

"I love you," mahina nitong sagot.

Napangiti siya.

"I love you!" sigaw niya sa bunsong kapatid.

"E bakit you sound galit?" inis pang baliktanong sa kanya ni Maha. She was fighting her tears. Sitting on that swing that made her small legs dangling on air. "Nauna siya. She told me I was bobo. Ampon lang daw ako since I'm not as smart as you and mommy."

"I love you!"

"Stop saying that! You don't love me."

"I love you."

Maha covered her ears with her palms. "No! I'm not gonna listen. You don't love me. La! La! La!"

"Maha," lumuhod na siya sa harap ng kapatid. Hinawakan niya ang mga tuhod nito to steady her. "Kuya, loves you, okay?" Ngumiti siya at dahan-dahang ibinaba ang mga kamay nito. "I will love you even if I'm mad at you. I will love you even if you make a lot of mistakes. I will love you even if I don't want to."

Titig na titig ito sa kanya.

"Everyone will hate you but I won't."

"W-Why?" namilog ang mga mata nito, nagbabadya ang mga luha.

"Kasi kuya mo ako." He smiled brighter. "I will always got your back."

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo, Maha. Na kahit matatanda na tayo e tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ko sa'yo noong mga bata pa tayo. That doesn't changed. Mag-aasawa ako at magkakaanak pero kuya mo pa rin ako."

Iniangat nito ang mukha sa kanya.

"You know, we've already invested so many years in keeping this misunderstanding. Buti sana kung yumayaman tayo kaso sama ng loob lang naiipon natin." Natawa siya. "Hay naku, Maharlika, magkapatid nga talaga tayo. Pareho tayong gago."

"Mas ka!"

Lalo siyang natawa. "Don't betray your brother like that."

Unti-unting sumisilip ang ngiti sa mukha nito. And it was enough for him to hope for a better day for Niña and Maha. Her sister will slowly open up.




"HMM?"

Inabot ni Niña ang phone nang mag-vibrate 'yon. Busy pa siya sa pag-encode ng mga scores mula sa laptop. Nakasalampak lang siya ng upo mula sa sahig kung saan halos nakasandal na mga braso niya sa wooden coffee table sa sala. Nagkalat na nga mga gamit niya. Stress mode. Kalat mode. Gusto na lang niyang sunugin lahat.

Argh!

Pero joke lang syempre.

U free with Maha this weekend? My treat - 0919 XXX XXXX

Unknown number?

Sino naman kaya 'to?

Naka received ulit siya ng message with the same number.

Dylan here! :D - 0919 XXX XXXX

Napaisip siya.

Did Maha give her number to Dylan?

"Sino 'yan?" Umisod siya nang maupo ito sa tabi niya. May dala-dala pang isang bowl ng sliced apples. "Say A," udyok pa nito. She opened her mouth at isinubo nito sa kanya ang isang sliced apple.

"Si Dylan," she answered while chewing. "Nagyaya lumabas this weekend."

"Kayo lang dalawa?"

Umiling siya. "With Maha, of course!" Inilapag na niya ulit ang phone sa mesa. "Hindi naman ako sasama na mag-isa lang ako."

"What did Maha say?"

"Hindi ko alam." Inihilig niya ang likod sa sofa sa likod. Kumuha pa siya ng sliced apple. "Akala ko nga e kay Maha siya mag-ti-text. Wala naman 'yong number sa'kin. Baka binigay ni Maha."

"Ask her."

"Mamaya, aakyat ako. Tapusin ko lang ginagawa ko."

He nodded. "Nag-reply ka na?"

"Hindi pa." Inalis niya ang maliit na mismis ng balat ng mansanas sa gilid ng labi ni Balti. "Mamaya na rin," she chuckled after saka dinampian ng halik ang mga labi nito.

Nang magtama ang mga mata nila ay may pilyong ngiti sa mukha nito. Inakbay ni Balti ang isang braso sa cushion ng sofa bago inilapit muli ang mukha sa kanya. Titig na titig siya rito habang nasa mga labi naman nito ang mga mata nito. Kahit ilang beses na silang naghalikan ay 'di pa rin nawawala ang kaba ng puso niya.

Tila ba lagi na lang nakukulong ang mga puso niya at gustong - gusto laging lumabas kapag hinihintay niyang ang mga labi ni Balti na lumapat sa mga labi niya.

Hinubad nito ang mga salamin nila sa mga mata at inilapag 'yon na magkatabi sa mesa.

He smiled before claiming her lips.

Agad niya namang ipinikit ang mga mata at gumanti ng halik. She felt his palm on her back. Balti gently pressed her closer so he could kiss her deeper. Sumapo ang isang kamay sa kanyang panga. Napaungol siya at napahawak sa harapan ng damit nito. His lips tasted so sweet. Nalalasahan niya ang apple sa bibig nito.

He chuckled in between kisses. Lalayo lang ito just to tease her saka ulit nito aangkinin ang mga labi niya. Napalo niya ito sa dibdib. Lumayo lang ulit ito nang bahagya para tawanan siya. Bibigyan niya sana ito ng death glare but he cupped her face and showered her kisses on the face. Sakop na ulit nito ang labi niya.

She felt him smile as Balti nibbled her lips slowly. He tilted her head and shove his tongue to meet hers.

Dang!

He's really good at this. He will kiss her so passionately ... and sometimes roughly... and when she's almost catching his pace ay babagal bigla ito, lalayo, at marahang kakagatin ang ibabang labi niya. He likes torturing her with his kisses.

Inilapat na niya ang mga palad sa dibdib nito nang bigla itong huminto. Bahagya itong lumayo at naiangat niya ang mukha rito. Nag-alala siya nang makita ang itsura nito. He frozed - like he was lost in his thoughts. Nakaharap ito sa kanya pero lumagpas lang ang tingin nito.

"Bal?" Hinawakan niya ang mukha nito.

Kumurap ito. Nagdugtong ang mga kilay at tila hindi pa sigurado kung kilala nga siya nito nang mga oras na 'yon. He looked at her like a stranger.

"Mahal?" nag-aalalang tawag niya ulit. "Okay ka lang?"

"I'm sorry." Bumuga ito ng hangin at sinuot muli ang salamin sa mata. "I don't know what just happened." He was back but he seemed anxious still. "I'm sorry, Nin, aalis muna ako." Tumayo ito.

"Saan ka pupunta?"

Tipidi tong ngumiti. "I'll be back. Kina Iesus lang ako."

"Okay," she gave him a smile kahit na nag-aalala pa rin siya rito. "Huwag ka masyadong pagabi."

He chuckled, "Don't worry, I'm fine. Ituloy mo lang 'yang ginagawa mo. Don't wait for me kung inaantok ka na. I'll wake you up in the morning." Niyuko siya nito para gawaran siya ng halik sa noo.

Nang makaalis si Balti ay hindi pa rin nawala sa isip niya ang nakitang emosyon sa mga mata nito. He seemed so lost.

"Nin?"

That scared her for a brief second.

"Niña?"

Napakurap siya nang marinig ang boses ni Maha sa may likuran. Bumaling siya sa likod at nakita niyang magkasalubong ang mga kilay nito. But she doesn't seem mad. Nagtataka lang yata.

"You okay?" tanong nito.

"Huh?"

"Sabi ko, okay ka lang ba? Tatlong beses kitang tinawag pero mukhang 'di mo ako naririnig." Umawang ang mga labi niya. "But anyway, did Dylan message you?"

Ah, wait! Dylan. Dylan. Ano nga 'yong tungkol kay Dylan? Right, 'yong message niya kanina. Na erase niya nang 'di sadya sa isip niya.

"Ah, oo, binigay mo ba number ko?"

"I didn't." Hindi? E saan nito nakuha ang number niya? "I don't know either where he got your number. He just told me he sent you a message already."

"Ah, okay. Pupunta ka?"

"Hmm." Sandali muna itong nag-isip. "I'm not yet sure. May prior commitment ako ngayong weekend. I'll let you know."

Ngumiti siya. "Sige, hindi rin ako pupunta kapag 'di ka kasama."

Tipid na ngumiti si Maha. "Okay." Akmang aalis na ito nang balikan siya nito ng tingin. "Ahm, napadami ang timpla ko ng hot choco. I poured the rest sa isang mug. If you want, sa'yo na. I left it on top of the dinner table."

Lalo siyang napangiti sa sinabi ni Maha. "Sige! Akin na. Thanks."

"Alright. Akyat na ako."

"Okay."

Iniwan na siya ni Maha pero 'di naman nawala ang ngiti niya. Ang laking improvement nila simula roon sa habulan sa Santa Fe. Come to think of it. Nagsimula rin sa habulan ang pagkakaibigan nila.

Natawa siya sa alaala.

Hindi niya makakalimutan ang araw na hinabol sila ng aso dahil tumakbo bigla si Maha. Hindi siya matatakutin sa aso pero dahil kay Maha. Nang araw na 'yon... ang tingin niya lalapain sila ng tatlong aso.

Napailing-iling na lamang siya. "Hay naku!"




PAGDATING ni Balti sa bahay ni Iesus ay wala siyang nadatnang tao. Tahimik ang kabahayan pero bukas ang main door sa harap kaya nakapasok siya. May ilaw naman sa loob kaya naisip niyang baka lumabas lang saglit si Iesus.

He called Vier at sabi nito ay pauwi na ito. Hintayin na lamang niya ito sa bahay ni Iesus. Naupo siya sa sofa sa sala, bahagyang nakayuko habang nakasandal ang mga siko sa mga hita. Bumuntonghininga siya at nahilamos ang mga palad sa mukha.

What just happened earlier?

'Yon ang unang beses na nangyari 'yon sa kanya na hindi siya tulog. All of those unfamiliar memories he couldn't decipher in chronological order felt like time bombs in his mind habang hinahalikan niya si Niña. Sumasabog na tila ba parte ng mga memoryang naipon niya sa mahabang panahon. From the memories he had in the museum to the memories in his dreams. It is getting out of hand. He could no longer control it.

He sighed again.

Umangat ang mukha niya at bumungad sa kanya ang isang lumang painting na alam niyang matagal nang naroon pero ngayon lang talaga niya natitigan nang maayos. It was a painting of a little village in the middle ages. Lahat ng tao ay nasa labas. At first, ang tingin niya e simpleng daily routine lang ang ginagawa ng lahat but as he focuses napansin niyang nagpapatayan na pala ang iba. It was an illusion painting! Those people were not playing and dancing. They were killing each other.

"Kuya Hanael!"

Napatingin siya sa paligid nang marinig ang isang boses ng babae. Tila galing 'yon sa direksyon ng library ni Iesus. Matatakutin siya pero hindi niya alam kung bakit wala siyang naramdamang takot nang mga oras na 'yon. To think na mag-isa lang siya sa bahay ni Iesus.

Tumayo siya at naglakad sa direksyon ng library. Rinig niya ang bawat hakbang niya mula sa sahig. The door was left ajar when he got there. Doon pa lang nagtataka na siya. Iesus always makes sure that this room is lock lalo na kung wala ito. Humawak siya sa knob at papasok na itinulak pabukas ang kalahati ng pinto. It was a two door floor to ceiling - a bit wide than the normal door.

It was dim inside the library.

Iilang wall lamp lang ang iniwang bukas. Dumako naman ang atensyon niya sa isang particular na book shelf. It's actually a door. Daan papunta sa basement museum nito. Lumapit siya roon at inalis ang pulang libro. It slide open. Pumasok siya at bumaba sa sementadong hagdanan. Sa bawat hakbang ay sisindi ang ilaw sa pader.

Pagkababa niya e bumungad na sa kanya ang underground museum ni Iesus. He sensed nothing odd. Although the museum always looks creepy. It was like a room of mysteries. Binuhay niya ang lahat ng ilaw sa museum mula sa switch sa pader.

Tinignan niya isa-isa ang mga gamit na naroon. He had seen those a lot of times and he didn't feel any familiarity but at that moment. He felt like he knew where it came from. Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Hindi niya lang sigurado kung saan. Baka siguro madami na siyang na-a-absorbed na impormasyon mula sa black book ni Iesus.

He walked closer to the mid-level-glass-enclosed-table kung na saan naka display ang ledger at iba pang written letters and mini journals. Huminto siya roon at pinakatitigan ang nakabuklat na ledger. Written on the page is a list of names, places, and dates.

But something inside him thinks that it wasn't just a simple ledger. Somewhere in those pages are written words of someone he knows.

"Balti?" Napakurap siya at napalingon sa bukas na pinto. It was Iesus. May pagtataka sa mukha nito. "Kanina ka pa ba?" but he sounded so calm.

"Sus..."

"Yes?"

"Can I borrow this ledger?"








A/N: Anyway, since Iesus is an old soul, the song's title is EASY by THE COMMODORES <3 You may take note or not his fave songs. Some of it is spoilers of his life/story. Anyways, the adventure starts now! Thanks for reading! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro