Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

"NANG ma-inlove ako sa'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay! Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay," rap ni Simon. Hindi rin nakatiis at lumapit na nga roon sa karaoke machine. "Ang iyong kilay mapagmataas at laging namimintas. Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas!"

Aliw na aliw siya pero siya yata ang kinakapos ng hangin sa paraan ng pagra-rap ni Simon. Akala mo e isang buong sentence ang lyrics. Nakaakbay rito si Juan na nili-lip-sync ang lyrics na may kasama pang pagtaas ng isang kamay sa ere na parang nag-uudyok na sabayan sila ng ibang kumakain na makikanta.

"Mas gugustuhin ko pa na magpa-crucify! Kesa harap-harapan mo akong stupefy. So don't be mad. So don't be sad. Lahat ng kabulukan mo'y ilalahad!"

"Stupid!" linya ni Juan.

Na dudugtungan ni Simon. "Love, binigay mo sa'kin."

"Stupid!"

"Love, pero 'di mo maamin."

"Stupid!"

"Love, masakit sa damdamin."

"Stupid!"

Tawang-tawa 'yong tatlong lalaki na natira sa mesa. Si Maha 'yong nag-vi-video sa dalawa. Tawa rin naman nang tawa. Mahilig pa naman mag-fancam ang 'sang 'to ever since.

"Are they always like that?" nakangiting tanong ni James.

Iesus chuckled, "Kambal ang dalawang 'yan sa kalokohan."

"Hindi lang mga tiyan ng mga 'yan ang magkadugtong pati na rin kademonyohan," dagdag pa ni Balti.

"Do you really think Simon likes the coordinator?" ni James.

Ibinaling ni Iesus ang tingin kay Balti. "Any words, Bartholomew?" and laughed.

Natawa si Balti. "Aba'y malay ko?" Inubos muna nito ang laman ng bote nito bago ulit nagsalita. "My lord, alam ko na alam mo ang mga ginagawa ko sa loob ng Faro pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay updated ako sa mga buhay nila 24 hours a day, seven days a week."

Kumuha ulit siya ng kropek sa bowl.

Pero may nakita siyang photo album sa phone gallery nito na may pangalang Simon. Hindi naman siguro si Simon Peter 'yon since everyone calls him Sep, so malamang si Simon Takeuchi 'yon. Pero hindi niya nabuksan ang album na 'yon. 'Yong cover kasi e lata ng corned beef. Na weirduhan pa siya. Bakit corned beef?

"Well, only time could tell," kumuha ulit ng BBQ si Iesus. "Niña," baling nito sa kanya, "sure ka na ba talaga sa 'sang 'to?"

Malutong na tumawa si Balti. "Grabe! Wala namang laglagan, my lord."

Iesus chuckled, "Wala pa naman akong sinasabi."

"Papunta na rin doon."

"Halos lahat 'yan din tanong sa'kin," nakangiti niyang sabi. "Dapat na ba akong kabahan?" Pasimple niyang tinignan si Balti.

"Kapag ako hiniwalayan ni Niña, my lord, magkalimutan na talaga tayo."

Lalong natawa si Iesus. "Hindi ka naman masyadong kawalan."

"Hoy Iesus Cloudio de Dios!" duro ni Balti kay Iesus. Tawang-tawa sila ni James. 'Yong mani naman pinapak ni Iesus. Namumula na nga ang mga pisngi. Medyo lasing na 'to. "Ikaw, sinasabi ko sa'yo Cloudio. Kakainin mo 'yang lahat ng mga sinabi mo kapag nawala ako sa buhay mo."

"Touche," ni James.

"Walang makaka-miss sa'yo, Kuya!"

"Manahimik ka Maharlika, huwag kang sumasabat sa usapan ng mga matatanda."

Lalo silang natawa nang ibato ni Iesus ang ilang mani sa mukha ni Balti. Tawang-tawa naman ang huli. Tawa rin naman kasi ni Balti mapang-asar.

"Ataya jud nimo oy!" mura ni Iesus kay Balti. "Ako na naman pinaparinggan mo."

"Bakit ka kasi umaamin?!" hagalpak pa rin na tawa ni Balti. 

Iesus simply shrugged his shoulders and laugh. "I'm honest."

"Wala ka pang balak mag-asawa?" pag-iiba ni James.

"Nanahimik tatay mo ah," dagdag ni Balti. "Wala siyang naka line up na prospect asawa mo ngayon? Sino nga 'yong huling fiancée mo na hindi ka pinili?"

May fiancée pala si Iesus?

"Calm before the storm," Iesus chuckled. "Si Sushi."

"Mukhang alam mong may padating ah," natatawang sabi ni Balti.

"Mas magtataka ako kung wala."

"You mean, the heiress of the Costales?" ni James, a bit amused base na rin sa pamimilog ng mga mata nito. Hindi niya rin kilala sino 'yon. Hindi siya into business.

Iesus nodded. "Yup, but she married a very good man." He smiled. "Okay na rin 'yon sa'kin. She seemed very happy when she's with him. Natutuwa rin talaga ako makitang masaya ibang tao kapag 'di ako pinipili." Natawa ito pagkatapos.

"Lol," ni James, natawa na rin.

"Iba rin talaga trip ng tatay mo. May pa annual bride selection lagi," ni Balti.

"But you seem cool about it," ni James.

"Magsasawa rin naman 'yon."

"Dinadasalan mo yata na iwan ka, Kuya Sus," ni Maha. "Bakit 'di mo hingin ang gabay ni Tatang Hayme the albularyong kahoy?"

Naningkit ang mga mata ni James dito. Halatang – halata ang pag-igting ng panga nito. Warning look na yata 'yon ni James kay Maha. At kapag umisa pa e mesa na ibabato rito at hindi nakakatusok na tingin.

Iesus chuckled, "Hindi na kailangan."

"Anyway, how's your quest in finding your perfect assistant?"

"Speaking of that," umayos ng upo si Iesus, "my mother did recommend someone. Hinihintay ko na lang update niya kung sino."

"Lalaki?" asked James.

"I'm assuming."

"Sabagay si Tita Cloudia na ang naghanap para sa'yo," ni Balti. "Magaling 'yon kumilatis ng tao. Malamang sa malamang e mapagkakatiwalaan at makakatulong sa'yo nang malaki ang in-recommend niyang tao sa'yo."

Iesus smiled, "Mothers knows best."

And she can tell that Iesus is very close with his mother. Nangingislap ang mga mata kapag nababanggit ang ina nito. Halatang-halata ang admiration. Ewan, pero para sa kanya. Iba talaga ang hatak ng mga lalaki kung malaki pagpapahalaga sa mga nanay nila. They say that men who cared and loved their mothers and sisters are gentlemen. Nadadala ang respect nila sa mga babaeng nakakasalamuha nila.

And not to be biased.

Hindi pa naman niya lubusang kilala ang mga Faro Boys but they seem to be realible despite their distinct personalties. Sila kasi 'yong kahit mukhang suplado e 'di ka rin naman pababayaan kung alam ng mga itong malalagay ka sa panganib.

At nang ibaling niya ang tingin kay Maha she knew instantly that they both shared the same opinions. May paghanga sa uri ng tingin nito kay Iesus.

Kung hindi lang nila narinig ang matinis na static ng mic sa paligid nang mahulog 'yon sa sementadong sahig ay magsasalita pa sana ulit si James.

Napahawak silang lahat sa mga tenga. At nang maibaling niya ang tingin sa kung saan galing ang tunog ay talagang namilog ang mga mata niya nang makitang may apat na malalaking lalaki na kaharap sila Juan at Simon. Mukhang goons na naghahanap ng away. 

"Shit," narinig niyang mura ni Balti.

Akmang tatayo ito nang pigilan ni Iesus sa braso. "Don't do anything yet," anito.

"Ang ingay-ingay n'yo mga yawa!" sigaw ng isa sa apat. Nanlalalim ang ilalim ng mga mata. Naka-drugs ba ang mga 'to? Pati ang mga tao sa paligid ay nabahala at nagsialisan na. "Pangit naman ng boses mong bakla ka!"

"Ako ba ang tinawag mong bakla, ha?" sigaw ni Simon.

"Si, huwag mo na patulan," hawak ni Juan ang mga balikat ni Simon, "tara na." Bahagya pang inilayo mula sa sigang leader ng apat.

But Simon briskly shrugged Juan's hands on his shoulders. "Maganda ba boses mo?!" Napasinghap siya nang haklitin ni Simon sa kwelyo ang hindi man lang natibag na lalaki. "'Tang ina mo ah! Sino ka ba?!"

"Si!" Hinila muli ni Juan si Simon.

Lasing na lasing pa naman si Simon. Nagsimula na siyang kabahan. Si Maha rin e binaba na ang cell phone. Takot na takot itong tumingin sa kuya nito.

"Kuya?"

"Maha, Nin," seryosong tawag sa kanila ni Balti, "when I say run, tumakbo kayo. Huwag n'yo na kami hintayin. Sa resort na lang tayo magkita."

"Balti –" nag-aalala siya para rito at para sa mga kaibigan nito.

"It's fine." He smiled. "Baka nakakalimutan mong ilang beses akong nag-champion sa Taekwondo noong high school. Black belter ako, Nin. Kapag 'di nadaan sa maayos na usapan e pasensiyahan na lang."

"Boss, tapang oh," tapik ng isa sa balikat ng lider. "Ano, turuan natin ng leksyon? Bakla yata 'yang dalawang 'yan e."

Tumayo na sila James, Balti, at Iesus. Si Maha e lumipat na rin sa tabi niya. Nagulat lang siya nang humawak ito sa braso niya. Malamig na malamig ang mga kamay nito.

"Stay here," utos sa kanila ni Balti. "Again, run when I say run."

Tumango siya rito.

Ang seryoso na ng mukha ni Juan. "Pare, ano bang problema n'yo? Tumigil na kami. Bakit puro pangit lumalabas diyan sa mga bunga-nga n'yo?! E ano kung bakla kami? Malaking kasalanan ba 'yon sa langit?!" Kanina pasensiyado pa ito pero mukhang gusto na nitong manuntok.

"Juan, stop," kalmadong sabi ni Iesus. Nakalapit na 'yong tatlo sa dalawa. "Pare, idaan natin 'to sa maayos na usapan. Huwag tayo magkagulo rito. Natatakot ang mga customers ng mga nagtitinda. Baka wala silang kitain dahil sa atin. Nagsisialisan na, oh."

"E ano naman ngayon?!" singhal ng lider. Tumawa naman ang tatlo sa likod. "Kasamahan ba kayo ng dalawang baklang 'to?" Akmang susugod si Juan nang hawakan ni James sa magkabilang balikat. "Aba'y ang galing! Samahan ng mga rainbow pala!" 'Yong ngisi at tawa talaga ang 'di niya gusto. Halatang nang-iinis talaga.

"Pare, seryoso kami," ni Balti. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Maha sa braso niya. "Ayaw namin ng gulo kaya kung puwede. Ayusin na lang natin 'to. Aalis na lang kam –" napasinghap silang dalawa ni Maha nang umigkis ang kamao ng lider sa mukha ni Balti kaso mabilis itong nakaiwas. Tumagos lang sa kaliwang mukha ni Balti ang kamao. "Seryoso ka na talaga riyan?" Inayos ni Balti ang salamin sa mata and glared at the man.

She knew what will happen next when Balti starts knocking his knuckles.

Gulo na talaga.

Inalis niya ang kamay ni Maha sa braso niya para hawakan ang kamay nito. "Takbo kapag sinabi ko na takbo," bulong niya rito nang hindi ito tinitignan.

"Ha!" The goon leader spits on the ground. "Isang ihip lang ng hangin ay tataob yata kayo."

Iesus smirked, "I don't think so."

"Kapoya jud oy," kalmadong sabi ni Juan sabay patid doon sa isa. Agad na sumalampak ang lalaking kalaban sa sahig. Nahawi ang plastic table sa gilid. Buti hindi nasira. "Huwag puro kuda, gago!" At nang sugurin ulit ito ng isa e mabilis na nasalo nito ang suntok ng kalaban. Juan squeezed the arm of that man saka ito binalibag. "Isa ka ring gago!"

"Boss!" may tatlong dumating.

God, may resbak ang mga walangya!

"Run!" sigaw ni Balti nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanila.

"Halika na!"

Hinila na niya si Maha patakbo. 

"Nin, may humahabol!"

"Just run!"

"Paano kung mahuli tay –"

"Tang ina, Maharlika, tumakbo ka lang!"

"Did you just curse at me?!"

"Hindi!"

Buong lakas niyang hinatak si Maha. Kainis, ayaw na ayaw pa naman niya ng takbuhan. Pero no choice! Lumingon siya sa likod. May isang lalaki ngang humahabol sa kanila pero napansin din niyang hinahabol din ito ni – wait – 'di niya makita kung sino – wait ulit – si James?

"Maha, takbo!"

"Teka lang naman!"

"Tatakbo ka nang mabilis o iiwan kita rito?"



ISA sa mga ayaw niya e ang mga taong hindi nadadala sa demokrasya. Napipigtas talaga ang pasensiya niya sa mga taong mahirap kausap. Nanggigil na tindyakan niya sa gilid ng tiyan ang kalaban.

"Balti!" sigaw ni Simon.

Ramdam na niya agad ang presensiya ng kalaban sa likod. Sa kaliwa. Umiwas siya pakanan. Dumiretso ang kamao nito sa kaliwa as he expected. Hinawakan niya ang pupulsuhan, bahagyang diniin at pinihit ang pupulsuhan ng lalaki hanggang sa mamilipit sa sakit saka ito binalibag sa harap.

Si Simon na mukhang nahimasmasan na. Mga gago! Kung alam lang ng mga ito kung gaano kagaling sa martial arts 'tong si Simon. Ilang beses na siyang natalo nito sa mga friendly fights nila sa bakuran ni Iesus. Demonyo 'tong si Simon pagdating sa pakikipaglaban.

Walang kahirap-hirap na nasalo nito ang suntok ng kalaban. Siniko sa tagiliran at nang manghina ay sinuntok sa mukha.

"Puro kuda!" anito sabay tadyak palayo ng kalaban dito.

"Guys, huwag n'yo masyadong saktan!" paalala ni Iesus.

"Sus!" tawag niya rito nang makitang may papuntang kalaban sa direksyon nito. Inaangat nito ang isang plastic chair na malapit kay Iesus. Pero naunahan ito ni James na nakabalik na. Binato nito ng plastic na mesa ang kalaban.

Natawa siya. "Gago, Hayme!"

"Thanks, James!"

"No worries!"

"Don't go easy on them!" Natawa siya sa sinabi ni Iesus. "Huwag n'yo hayaang makatayo ulit."

"Sila Niña?" tanong niya kay James.

Halos bulagta na rin ang mga kalaban nila. Tinatapos na lang nila Juan at Simon kahit na nakahiga na sa sementadong sahig.

"Don't worry, I finished the man chasing after them. Baka nasa resort na ang mga 'yon. Hindi ko na nakita pa."

"Boss!"

Napangiwi siya sabay lingon sa mga sumigaw. "May resbak na naman?!"

"On it!" ni James.

"Let's finish this," he smirked.

"Yawa!" mura nila Simon at Juan.

Akmang susugod siya nang biglang maramdaman niyang may kung anong napigtas sa kaliwang binti niya. Ugat na ewan. Bahagya ring nabingi ang kaliwang tainga niya.

"Shit!" he cursed bago pa man humalik ang mukha niya sa daan.

Hindi niya na naman maramdaman ang kaliwang binti.

Not again!

"Balti!" sigaw ng mga kasamahan niya.

"The side effects!" ni James.

"Walangya!" ni Simon. Agad na naramdaman niyang pinagtulungan siyang patayuin ng apat. "Retreat muna tayo. Code red na si Ser." Tawang-tawa 'yong apat sa kanya.

"Mga gago!" aniya. "Hindi tayo pwedeng matalo –"

Biglang narinig nila ang wang-wang ng police car. "I don't think that's a good plan, Juarez," ni Iesus. "James, kaya mo bang pasanin sa likod si Balti?"

"Kaya ko."

"Juan, Simon, alalayan n'yo."

"On it!" sabay pa ng dalawa.

In one swift move ay pasan na siya sa likod ni James. Walangya, nakakahiya 'tong sitwasyon niya. Of all person na magpapaka-knight-in-shinning-armor niya e si James Dominic Laroa pa! Nakakawalanglalaki 'to sa totoo lang!

"Boss, tatakas sila!"

"Takbo!" hudyat ni Iesus.

At sabay-sabay na nga silang kumaripas ng takbo. Rinig na rinig nila ang tawa ng mga sarili habang sinusundan sila ng mga walangya pero may pumito sa pinakalikod.

"Walang magpapahuli!" sigaw ni Iesus. "Aalisan ko ng lupa kapag isa sa atin ang nahuli."

Tawang-tawa silang lima.

"Wala kang puso, my lord!"

"That's the goal!" malutong na tawa pa nito pagkatapos.

Nagsimulang umambon. Talaga naman! When in rains, it pours. Pero sa halip na mamroblema ay tinawanan lang nila 'yon.

"Sus, kaya pa ng mga tuhod mo?!" tukso pa niya.

"Shut up, Juarez!"

"God, I missed this!"

"Kasalanan mo 'to, Simon!"

"Woah!"

"Hahaha!"

"ANO ba 'yan, kailan ba titila ang ulan?" basag ni Maha.

Nagpasilong muna sila sa isang bukas na tindahan na nakita nila. Buti pumayag ang may-ari. Pasarado na rin naman daw ang mga ito. Hindi niya alam kung na saan na sila. Maliit lang naman ang Santa Fe pero pasikot-sikot kasi ang lugar. Ang dami nilang nilikoan ni Maha.

"Ate, malapit na ba 'to sa Paradis Beach Resort?" Ang alam niya i-french word 'yon ng English word na heaven or paradise. Kaya naging Paradis lang. French kasi ang ama ni Dr. Kevin.

"Kailangan n'yong mag-traysikel pa. Sa kabilang resort pa 'yon," sagot ng ginang. "Dadaan pa kayo ng tatlong resort bago Paradis."

"Napalayo tayo," Maha mumbled.

"Mukha nga," sagot niya rito. "Pero may mga traysikel po bang dumadaan dito?"

"Meron naman pero kung ganitong umuulan e halos puno. Hintayin n'yo na lang. Maupo muna kayo riyan habang naghihintay."

"Sige po, salamat po, ate."

May sementadong upuan sa magsinggilid ng tindahan. Nauna nang maupo si Maha sa kabila. They were sitting across each other. Maha sighed, inilabas nito ang isang kamay lagpas sa bubong ng harapan ng tindahan para saluhin ang malalaking patak ng ulan. Rinig na rinig din nila ang malakas na buhos ng ulan sa yero ng tindahan.

Ibinaling niya na lamang ang tingin sa harap.

"Titila rin 'to," nakangiti niyang sabi.

"Ate, may band aid ka riyan?" boses 'yon ni Maha. Naibalik niya ang tingin dito. "Pabili po ng tatlo." Inabot dito ng ginang ang tatlong band aid mula sa maliit na butas ng tindahan nito. "Bayad po, oh. Salamat."

Natuon ang atensyon niya rito. "May sugat ka?"

"Hindi ako," pagtataray pa rin nito. Nagulat na lang siya nang tumingkayad ito ng upo sa harapan niya at hinawakan ang kaliwang tuhod niya. "Hindi ba 'to masakit?" Napakurap siya. Actually nakalimutan na niyang may sugat pala siya sa tuhod. Nadapa siya kanina sa habulan. Hindi niya napansin ang nakausling kahoy sa harapan niya.

"Ahm... h-hindi naman mas – aw!" napangiwi siya nang ilapat nito ang band aid sa sugat sa tuhod niya. "Ang sakit!"

"Masakit naman pala e."

Pero natawa lang din siya pagkatapos. "Salamat."

Pero sobra – sobra ang pagngiti niya sa mga oras na 'yon pagkatapos. Natutuwa siya sa sweet gesture na 'yon ni Maha. Feeling niya mag-best-friend na ulit sila. Kapag natatakot ito o kinakabahan ay sa braso niya ito kumakapit. Maha may look intimidating and tough pero kagaya ni Balti ay may vulnerable side pa rin ang magkapatid.

Dalawang band aid ang nilagay nito para matakpan ang sugat niya sa tuhod.

"Akin na 'yong kanang braso mo," utos nito. Hindi na niya kailangang igalaw ang braso dahil nauna na itong sipatin ang siko niya roon. "Ang lakas ng loob mong patakbuhin ako nang mabilis pero ikaw 'tong lampa. Tsk!"

Inilapat naman doon ni Maha ang natirang band aid.

Pigil niya ulit ang sobrang pagngiti. "Hello, mas malabo po kaya ang mga mata ko."

Umasim lang ang mukha nito.

Natawa na tuloy siya.

"Don't laugh," sita nito sa kanya.

Naglapat ang mga labi niya. "Sorry," pero she was smiling in silence.

Madalas niyang isipin noon na siya ang knight in shinning armor nila Maha at Balti. And she misses those moments. Kahit na masakit sa noo ang magkapatid e mahal na mahal niya ang dalawa.

Maha was the sister she never had while Balti was the man she always wanted to love. She didn't expect that she could have both in this lifetime. Kaya noong mawala ang dalawa sa buhay niya feeling niya hindi na siya buo.

There is always this odd but strong feeling na para bang mission niyang protektahan ang magkapatid. It was like someone prayed for her to exist.

And just when she thought she had already missed the chance ay pinagtagpo naman ulit sila ng tadhana. May involved pa ngang gayuma. Desperate move from heavens.

So ngayon pa ba niya susukuan ang magkapatid?

Bumalik na sa inuupuan si Maha. "Palitan na lang natin 'yan sa resort."

"Thanks."

"I'm sure may baon na medicine kit si Juan."

"Sa tingin ko rin."

Nabalot sila ng katahimikan pagkatapos. Nasa harap ang mga tingin. Bahagya nang humina ang ulan. Sana may dumaan na ring traysikel na hindi puno para makauwi na sila.

"Sa tingin mo nakabalik na sila?" basag ni Maha.

"Hopefully. Pero ang cool ni Juan kanina, 'di ba?" Napansin niya agad ang pagngiti nito kahit 'di nito ibinaling ang tingin sa kanya. "Don't worry, hindi ako crush nun."

"Hmm?" baling nito sa kanya.

She smiled. "Basta."

Kumurap ito, bahagyang namimilog ang mga mata. 'Yon ang unang beses na wala siyang nakitang galit at inis sa mga mata nito kapag kausap siya.

Magsasalita pa sana ito nang marinig nila ang pamilyar na kanta mula sa loob ng tindahan. That song! That familiar song... it reminded her... of their friendship during their college days.

"Magsawa ka naman riyan, Rosita!" saway ng ginang sa anak nitong kanina pa babad sa cell phone nito sa loob. "Para namang naiintindihan mo 'yan."

Ngumisi lang ang minor de edad na dalagang anak nito. "Bahala ka riyan, Ma."

Pareho silang natawa ni Maha.

Neoui sesangeuro yeorin barameul tago. Ne gyeoteuro eodieseo wannyago. Haemarkge mutneun nege bimirira malhaesseo. Manyang idaero hamkke georeumyeon. Eodideun cheongugilteni.

"Into Your World," Maha murmured smiling habang nakatingin sa harap.

Napangiti siya.

"Angel," she added.

"MAMA, EXO-K, the first mini-album, April 9, 2012."

"Tandang-tanda ah."

Maha chuckled, "It's a special song."

"Your favorite."

"Our..."

And that simple our completed her day.


A/N: I enjoyed writing this chapter. Always remember that FDA is not romance alone but it's also a journey of family and friendship. Happy Weirdy Weekend Everyone! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro